Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 10 (New Friend)

248 6 0
By yoursjulieann


So, My choice ay ang sumama na muna kay Jake papuntang blue sea resort. Tinext ko siya na sasama ako sa kanya at ang sagot naman niya dadaanan nalang daw niya ako dito sa bahay. Diniscribe ko lang kung saan nakapwesto ang bahay namin dahil nakapunta naman na siya sa bahay ni Mendy which is kavillage lang din namin. I have no idea kung anong gagawin ko dun dahil hindi ko naman talaga masyadong kaclose si Jake kaya syempre nakakailang din. Pero nagdala na rin ako ng swim suit in case na yayain ako ni Jake maligo pero wala talaga akong balak maligo, in case lang naman.

Isinakbit ko na ang Jansport bag ko at bumaba na ng aking kwarto. Kanina pa ako hinihintay ni Jake sa sala namin na kasalukuyang kausap si mama.

"Ingatan mo ang anak ko." Sabi ni mama kay Jake. Ngumiti lang ako.

"Opo tita. Aalagaan ko po siya." Sagot naman ni Jake

"Tara na." Sabi ko at tinungo na ang labas. Hinatid kami ni mama hanggang sa kotse ni Jake. Sumakay na ako at sa passenger seat ako nakaupo. May apat pa daw kasi na sasakay sa backseat kaya dito nalang daw ako sa tabi niya.

"Ingat kayo." Sabi ni mama habang kumakaway sa amin.

Nakalabas na kami sa villa at isa-isa na naming pinuntahan ang mga bahay ng kaibigan niya hanggang sa maging kumpleto na.

"Pare, sino 'yang magandang kasama mo?" Napatingin ako sa rearview mirror. At ang nagtanong ay ang lalaking may dalang gitara. Ngumiti lang ako.

"Guys, siya si Kazrine. Be nice to her kung hindi palalabasin ko kayo dito sa kotse ko habang umaandar." Banta agad ni Jake at natawa lang ako.

"Grabe ka naman makaprotekta sa kanya. Meron bang kayo?" Tanong naman nung babaeng naka messy ponytail ang buhok.

"Inihabilin siya sa akin ng kanyang mama kaya magalusan lang siya, ako ang lagot." Sagot naman ni Jake

"By the way, sila 'yung mga kaibigan ko Kazrine. From left to right, Mark, Alex, Abigail and Lawrence."

So, lawrence pala ang name nung lalaking may gitara. 'Yung isa naman na nakaheadphone ay si Alex na sobrang seryoso ang mukha at Abigail ang name nung babaeng nakamessy ponytail and Mark ang name nung nasa likod ko. Okay lang naman mga itsura nila, halatang mga disente at alam kong hindi ako mapapahamak. Hindi naman mga mukhang maniac. XD

After 2 long hours drive, nakarating na kami sa blue sea resort. Nagcheck in na kami sa hotel at pagkatapos namasyal na sila, mas pinili kong magstay sa room at humiga. Pinipilit nga ako ni Jake na lumabas pero ayoko talaga. Haaays. Nakatitig lang ako sa ceiling ng room na ito. Hindi ko talaga feel makasama ang hindi ko kilala. 'Yung kakilala ko palang talaga. Hindi ako komportableng gumalaw.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nakinig ng tugtog gamit ang earphone. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpadala sa magandang boses na naririnig ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Kaz..Kaz.." naimulat ko bigla ang aking mga mata dahil sa tumatawag sa pangalan ko. Si Jake pala.

"Kakain na tayo." Sabi niya na kasalukuyang nasa tabi ng kama ko.

"Sige. Susunod ako." Sabi ko at nagtungo na sa CR para maghilamos. Pag labas ko sa CR ay nandoon pa rin si Jake sa kama, hinintay niya pala ako.

"Tara. Sorry, nakatulog ako."

"okay lang. Napagod ka yata sa biyahe. Sina Mark agad na naligo sa dagat pagkadating natin, yayayain ka sana naming maligo kaso tulog ka pala kaya hindi na rin ako naligo. Gusto ko sana kasama ka.."

Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko at lagpas alas otso na pala. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Dumating kasi kami dito sa resort ay four thirty to be exact and almost three and a half hours din pala akong tulog.

Ngumiti lang ako kay Jake.

"Tahimik ka lang talaga no?" Sabi pa ni Jake habang tinatahak namin ang daan patungo sa mga kaibigan niya.

"Pano mo nasabi?" Kunot-noong tanong ko.

"Dahil ang dami kong sinabi. Wala ka man lang sinagot." Sabi niya at naalala ko naman si Jake (yung isang jake) ugh! Jacob nalang kaya ang itawag ko sa kanya para hindi nakakalito magdescribe.

"Pwedeng Jacob nalang ang itawag ko sa'yo?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Oo. Kahit anong gusto mo pang itawag sa akin. Asuwang, baluga, baliw, pangit, honeybunch, sweety, babe, mahal, cocobear.." pinalo ko lang ang balikat niya.

"Baliw haha. So, Jacob, tahimik talaga ako. I choose to be silent than answer or talk...hindi ko kasi alam sa sarili ko. Basta. Kapag wala agad akong naiisip na sabihin e hindi nalang ako nagsasalita." Paliwanag ko.

"Pasensya na kasi madaldal talaga ako. Gusto ko ay may nakakausap ako lagi. And I think dapat na akong masanay sa katahimikan mo pag kasama kita." Sagot niya at ngumiti lang ako.

Nasa restaurant na kami at nagtungo na kami ni Jacob sa pwesto nang mga kaibigan niya. Ngumiti lang ako sa kanila.

"May beach party mamaya. Sama ka samin ha." Agad na wika ni Abigail. Nakakahiya namang tumanggi kaya tumango nalang ako.

"Hindi naman yata siya mahilig sa party?" Patanong na sabi ni Mark. Nilagyan ako ni Jacob ng kanin sa plato ko.

"Hindi mahilig pero..itatry ko mamaya.." sabi ko

"O, 'yung isang overprotective diyan. Imik." Sabi naman ni Lawrence. Napapansin kong 'yung Alex ay tahimik lang din talaga at hindi nakikisingit sa usapan.

"Kung saan siya, dun ako." Sagot naman ni Jake

"Magkaibigan lang ba talaga kayo?" Tanong ni Mark at napatingin lang ako sa kanya.

"Oo. Nakilala ko lang siya last week nung nagpaparty si Mendy." Sagot ni Jake habang patuloy kaming kumakain.

"Ah, newbie friendship palang pala..." sagot ni Abigail sabay inom ng iced tea.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna ako sa labas ng restaurant para lumanghap ng sariwang hangin. Ang daming stars ngayon parang feel ko magstar gazing sa tabing dagat kesa magparty pero..nakakahiya namang tanggihan si Abigail.

"Tara na. Party na tayo.." yaya sa akin ni Abigail at hinawakan ang wrist ko. Hawak-hawak niya ako hanggang sa makarating na kami sa dalampasigan kung saan nagaganap ang kasiyahan. Agad na nagtungo si Abigail at iba pa niyang kaibigan sa ilalim ng nakakahilong ilaw. Malakas ang tugtog at wari'y may DJ na nagooperate nito. Naupo lang ako sa isang tabi.

"Oh." Abot sakin ni Alex sa alak na nasa wineglass. Akala ko hindi na niya ako iimikan.

"Thank you." Sabi ko atsaka nilagok ang alak. At halos maluwa ko ang alak dahil sa naghahalong pait at halang ng alak.

"Hindi kasi 'yun isang inuman. Inuunti-unti lang 'yun. Binigla mo naman ang sarili mo." Sabi pa ni Alex at natawa nalang ako.

"Hindi ko alam." Sabi ko at inabutan niya ako ng bottled water. Maya-maya ay lumapit na sa amin si Jacob na nanggaling sa sayawan. Bakit basang-basa siya?

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko

"'Yung mga sumasayaw dun naliligo sa alak. Kaya ayokong sumama sa kanila eh.." sabi ni Alex at hinawakan ako ni Jacob sa wrist at niyaya niya akong sumayaw pero nagpapigil ako.

"Ayoko. Jacob, ayoko." Sabi ko

"Sumama kana. Minsan lang naman 'yan." Sabi ni Alex at 'yun..nadala niya ako sa gitna at parang ulan ang alak. Shet. Anong klaseng party 'to? Halos mainom ko na.

Umalis na ako sa gitna at sumunod naman sa akin si Jacob.

"Ayoko na. Maliligo na ako." Sabi ko at tinungo na ang daan patungo sa room namin para maligo. Kinuha na niya ang kanyang towel, pinauna niya muna akong maligo.

Ang lagkit grabe. Anong klaseng party 'yan? Bakit ganon? Di bale kung tubig ang pinapaulan, kahit magdamag pa, magsasayaw ako dun e hindi eh. Kinuskos ko maigi ng sambon ang aking katawan at binanlawan ng sobra ang aking katawan. Ang baho ng aking damit pati na undergarments kaya itatapon ko nalang 'yan. Matapos ang ilang minuto kong pagligo ay nagpalit na ako at lumabas na ng CR habang pinapatuyo ang buhok. Wala si Jacob sa kwarto, baka sa labas nalang naligo. May shower room din yata dito katabi ng hotel. Habang nagpupunas ako ng buhok ay bigla akong napatayo dahil sa biglang pumasok. Si Abigail at Mark na intense na naghahalikan at parang nabingi ako sa ungol nilang kumakalat sa buong kwarto. Jusko. Live talaga?

"Gagamitin muna namin ang room." Sabi ni Abigail at halata sa kanya ang lasing na mukha.

"A-ah? Eh..s-sige. Lalabas na ako." Natatarantang sabi ko at bumalik na sila sa paghahalikan. Nagtatakbo ako palabas ng kwarto at agad na sinarado ang pinto. Jusko po. Hoo!

/////////

Continue Reading

You'll Also Like

77.4K 1.9K 44
Paano kung ang binabaeng si Christian Kyade Ferrer mainlove sa isang...... Majubis na Babae?!! ______________________________________________ "Ang dy...
9K 255 52
Ang ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at fi...
16.8K 317 52
Lahat ng gusto ng babaeng si Mariah Selena Poblete ay nakukuha. Ngunit sa kabila ng kanyang ugali ay natuto siya sa kanyang Lola ng mabuting asal. A...