Pretending I'm Yours #Wattys2...

By MissWinterQueen

12.1K 417 66

MAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasak... More

AUTHOR'S NOTE
Prologue
~Chapter 2~
~Chapter 3~
~Chapter 4~
~Chapter 5~
~Chapter 6~
~Chapter 7~
~Chapter 8~
~Chapter 9~
~Chapter 10~
❄❄❄❄❄
🎉HappyNewYear🎉
~Chapter 11~
~Chapter 12~
~Chapter 13~
~Chapter 14~
~Chapter 15~
~Chapter 16~
~Chapter 17~
~Chapter 18~
:)

~Chapter 1~

1.3K 33 2
By MissWinterQueen


CHAPTER 1 : FIRST DAY

"Fia! Wake up! Maaga ka pa papasok!" Nagulat ako at napatayo sa kama ng marinig ang boses ni Tita Arlene. First day of school pala ngayon. Ang bilis din ng panahon, Grade 12 na ako. Last ko na ito, kaya kailangan, galingan ko. Kailangan, mag bagong buhay na ako.

"Yes Tita! I'm coming!" Agad akong nag-ayos ng aking sarili at bumaba ng kwarto.

"Kain na, baka lumamig na ang pagkain." Pagyayaya ni Tita. Agad akong umupo sa harapan ng lamesa para kumain. Favorite ko pa naman ang adobo, buti nalang yun ang hinain niya. Good mood ako niyan.

"Yes Tita. Favorite ko ito eh! Hindi ko to kayang tanggihan. Besides, may magic ata itong luto mo tita ehh! Ang sarap talaga!" Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay inumpisahan ko na ang pagkain. Ang sarap ehh! *nom *nom

"Sus, nambola pa! Kumain ka na nga lang diyan! Teka, hindi pa rin ba bumababa si Keilyn? Anong oras na ahh! Naku, talaga iyong batang iyon! Kumain ka lang diyan Fianna ahh. Pupuntahan ko lang yong pinsan mo." Pagpapaalam ni Tita Lene.

"Yes *nom Tita! *nom." Agad umakyat si Tita at dumiretso sa kwarto ni Keilyn. Si Keilyn Salazar lang naman ang nag-iisa kong cousin. And not to mention, bestfriend. Loka-loka kasi yang pinsan ko at hindi yan tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ewan ko ba kung bakit ko yan naging bestfriend!

"Fiyaya!" Yan, yan ang ayoko sa kanya. Yung tinatawag niya akong 'Fiyaya'. Pero kahit ganyan yan kabaliw, mahal ko pa rin yan kaya natitiis ko yung mga kabaliwan niya.

"Bakit Ke?!" Hahaha! Gawa gawa ko lang yan para kahit papaano makaganti naman ako noh!

"Anong 'ke'? It's Keilyn!" Sigaw niya habang papalapit sa tabi ng upuan ko

"But I want to call you Ke. Have a problem with that?" Ouch! My beautiful head. Aba kelan pa to natutong mambatok sa ulo?! Aba, aba! Baka nakakalimutan niya Campus Queen ako at expert ako sa mga ganyan.

Tinignan ko lang siya ng masama at natahimik naman siya. Haha! I told you, expert ako sa mga ganyan. Tingin ko palang hindi ka na makakatagal.

"Sorry naman, Fianna. Bati na tayo ha?......Fiyaya!" What the? Ang akala ko, magtitino! Bwiset! Nawalan tuloy ako ng gana nang bigla siyang tumakbo palabas at sumakay sa kotse. Grrr! Kahit kailan talaga isip bata, baka nakakalimutan niya na Grade 12 na kami?!

"Oh, Ano nangyari dun kay Kei?" Tanong ni Tita Lene habang naglalakad papunta sa upuan.

"Ewan ko ba dun Tita! Isip bata talaga! Hindi na nga po kumain ehh!" Napangiti naman si Tita ng sabihin ko yun. Eh ano bang bago? Eh lagi naman ganyan yung anak niya ehh kaya pati si Tita nasanay na rin.

"Sige na sumunod ka na dun sa kotse at baka malate kayo sa first day niyo. Nandun na din pala si Manong kanina pa, siya na ang magda-drive papunta sa school niyo. Ito, baon niyo. Pakibigay nalang kay Kei itong sandwich ha. Sige na ingat kayo. Galingan niyo!"

"Yes Tita!" Lumapit ako sa kanya at nagbeso.

Ang caring talaga ni Tita Lene! Real mom na ang turing ko sa kanya ehh! Simula kasi bata ako, siya na ang nag-adopt sa akin. Nagpaalam daw si mom na mag-wowork sa U.S and ipinagkatiwala niya ako kay Tita. Simula ngayon, hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko din alam kung babalik pa siya o hindi na. Wala na akong pag-asa na bumalik pa siya. Kasi in the first place, kung gusto niya pa akong makita pa, bumalik na siya dito dati pa. Eh wala ehh.

"Thanks tita!" Sabay nagbeso ako sa kanya at dumiretso sa sasakyan. Si Manong Edward ang matagal na naming driver dahil sa malaking tiwala sa kanya ni tita Lene kaya tumagal siya saamin ng 7 years. Mabait yan si Manong kasi minsan nagbibigay yan ng advice sa amin dati palang. Parang tatay na din ang turing ko diyan. Kungtatanungin niyo kung mayaman kami? Unfortunately, hindi naman ganoon kayaman. CEO si Tita sa Monterrozo Company, one of the richest company in the Philippines. Dito nagwo-work si Tita for 10 years. She's very protective sa position niya kasi ayaw na ayaw niyang matanggal or bumaba ang position niya. She really loved her job. And I'm happy with that.

Lumabas ako ng bahay at nakitang nakasandal si Manong Edward sa kotse habang nakangiti at nagte-text? Agad ko siyang nilapitan para kumpirmahin. Nang lapitan ko siya, hindi niya ako napansin dahil sa kabusyhan niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jennelyn: Mag-iingat ka ha,

Edward: Oo naman. Magkikita pa tayo ehh. <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Wahhhhhh! Lumalove-life si Manong!" Agad natauhan si Manong Edward sapagsigaw ko kaya agad niyang tinago ang phone niya sa bulsa niya. Nakakatawa tignan!

"Wag ka maingay Ma'am Fianna! Baka marinig tayo ni Ma'am Arlene!" Taranta niyang sabi. Na agad namang nakapagpatawa sa akin.

"HAHAHA!" Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.

"Wag ka mag-alala Manong Ed, secret lang natin ito. Okay?" Hinarap ko siya at ngumiti sa kanya. Napakamot nalang siya sa ulo. Sumakay na ako sa kotse at nakitang mahimbing na natutulog si Kei habang nakasandal ang ulo niya sa bintana. Kahit kailan talaga, tulog mantika pa rin! Nang makapasok si Manong Ed, Sinabihan ko siya na bagalan lang ang pagpapandar dahil baka magising ang prinsesa total, maaga pa naman kami ehh.

Habang nagmamaneho si Manong, hindi ko maiwasan na ma-excite. Yieee. Makikita ko na ulit sila! I miss Cleo, Rain and Liara. They are friends of mine. Kasama ko sila sa kabaliwan at sa kasupladahan. HAHAHA! Ewan ko ba, miss na miss ko na sila. Si Cleo ang pinaka-makulit sa aming apat. Pero, kapag nagseryoso yan. Magseryoso ka din. Si Rain naman kalog din katulad ni Cleo. Nahawa ata si Cleosa kanya ehh. Pero, may sched yan kung kelan siya magiging kalog. Siya ang pinaka-maganda aming apat at siya rin ang Campus Crush ng school namin. Si Liara naman, may pagkamakulit din pero napaka-suplada niyan. Kaya, wag kang magkakamali ng pagpili sa lolokohin mo. Isipin mo yun, naging kaibigan ko sila? HAHA! I'm so excited na!

"Ma'am Fia were here na po." Nilingon ko ang buong Campus. Nakakamiss din pala ito. Wala pa din pinagbago.

"Ma'am?"

"Ay, thank you po Manong Ed. 12 po pala ang labas namin mamaya kasi first day ngayon. Wag ka mag-alala Manong, secret lang natin yung kanina." Sabay kindat ko sa kanya. Agad naman siyang namula sa sinabi ko.

"Ah, Ma'am. Baka po hindi ko kayo masundo mamaya ehh. Kasi po, a-ano.." Hindi ko na siya pinagpatuloy pa sa pagsasalita dahil alam ko naman kung ano yung sinasabi niya. Magkikita sila nung Jennelyn na iyon.

"Don't worry Manong Ed. Malakas ka sa akin. Ipapagpaalam nalang kita kay Tita." Napangiti naman siya sa akin at nagpasalamat. Niyugyog ko si Keilyn para magising. At hindi nga ako nabigo sa pagyugyog ko. Dahil napaupo agad siya at mukhang gulat na gulat. Aww, how cute. HAHAHA!

"What?!" Siya pa talaga may ganang magalit ha.

"What?! Ikaw na nga ginising ikaw pa galit?! Great." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay bumaba na ako ng kotse at nagsimula ng maglakad. Normal lang sa amin ang ganyan. Kaya walang seryosohan, sa huli siya pa din ang maghahabol sa akin.

"Fiyaya! Wait!" Naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa braso ko. At hinarap ako ng hingal na hingal.

"Sorry na! Para ayun lang ehh! Yieee! Bati na kami!" Hindi ko naman matitiis itong pinsan kong ito slash bff.

"Ayoko. Libre mo ko mamaya :P" Pang-aasar ko sa kanya. Ayoko kasing gumastos. Binibigyan kami ni Tita ng 1k sa isang araw pero ayoko pa din gumastos kasi nagbabagong buhay na ako. Minsan nga nagsideline ako sa isang cafe para maging waitress pero pinagbawalan at pinigilan ako ni Tita. Ayaw niya daw kasi na nakikitang napapagod ako at nahihirapan gayong malaki naman daw ang sinasahod niya. Ayoko lang naman kasing umasa sa kanila, gusto ko namang maging independent sa sarili ko. Pero, wala akong nagawa.

"Oo na! Tss. Halika na nga." Sabay hatak sa akin papunta sa Bulletin Board ng school.

Nakita namin ang maraming estudyanteng nagkukumpulan sa harap nun. Haysss. Nakakasakit sila sa ulo tignan.

"Ehem." Pagkasabing pagkasabi ko nun ay agad naman silang natahimik at napalingon sa direksyon namin ni Kei. Nagulat sila ng makita kami. Tinaasan ko sila ng kilay at agad naman silang natauhan at nagbigay ng daan sa amin. Good.

"Kahit tignan natin ito o hindi, automatic na naman na section A ka ehh." Yah. Hindi sa mayabang ako noh, pero simula kasi nursery ako, section A ako. I don't know pero tamad na tamad ako mag-aral kaya hanggang top 3 lang ang kaya ko. Pero atleast diba merong top. Eh kasi wala talaga akong gana mag-aral dati kaya ngayon, gagalingan ko na para ma-achieve yung number 1, para makabawi sa lahat ng paghihirap ni Tita.

Tumingin tingin ako sa mga names ng classmates ko. Agad akong napangiti ng makita ang name ni Cleo. Si Liara and Rain naman section B not bad. kasi magkatabi lang yung rooms. Tumingin tingin pa ako sa mga names at nakita ko siya. Magkaklase kami.

"Wahhhh! Fiyaya! Tignan mo ohh! Kaklase mo si Baby Jaxon!!!" Tss. Isip bata talaga. Patalon-talon pang nalalaman.

"So what? Don't tell me, gusto mo pa din siya hanggang ngayon." Agad siyang natigilan sa sinabi ko. Sabi na nga ba ehh! May tama pa rin siya doon sa bad boy na iyon. tss.

Ngumiti muna siya bago magsalita. Praning lang?

"Yep. Gusto ko pa siya pero, kung ikaw ang makakatuluyan niya, boto ako sayo!" What the heck?! Ayun? Makakatuluyan ko? In her dreams!

"What the hell are you saying Keilyn Salazar?! That bad boy?! No way!" Agad siyang napatawa sa sinabi ko. Aba, may saltik na talaga tong isang ito.

"HAHAHA! I'm expecting that expression from you. Kaya hindi na ako nagulat. And besides, hindi ako nagbibiro sa sinabi ko, I'm serious!"

"Wala akong masabi sa kabaliwan mo Kei." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Mas gusto kong mapunta ka sa kanya, kesa naman dun sa mga malalanding katulad ng iba diyan!" Alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niyang yan pero ang hindi ko lang maintindihan bakit niya iyon nasabi, eh gusto niya kaya yung bad boy na yun.

"What are you talking about? Gusto mo si Jaxon diba? Then, ipaglaban mo yan. Tss. Dami pang drama. Bahala ka na diyan." Pagkasabing pagkasbi ko nun ay tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Habang naglalakad, narinig ko pa siyang sumigaw.

"Think of it Fianna!" Hindi ko talaga siya maintindihan sa mga pinagsasasabi niya kanina. Aba, ewan.

Habang naglalakad paakyat sa room ko, nadatnan ko yung Jaxon na iyon na may hawak na lunchbox at kinakaway ito. Nakita ko naman ang isang estudyanteng nakatingkayad at pilit na inaabot ang lunchbox. Tss. Napaisip rin ako bakit at ano kaya ang nagustuhan ng pinsan ko dito sa lalaking ito, walang ginawa kundi mam-bully.

Si Jaxon Monterrozo ang Bad Boy Of The Bad Boy dito sa school kaya lahat ng estudyante dito ay takot sa kanya except me. Baliw nga lang yung iba kasi kahit ganun si Jaxon sa kanila, gusto pa rin siya ng iba. Tss. Isa din siya sa best friend ni Dave Montemayor, ang gusto ko. Bakit ba lahat ng mga gwapo may 'Monte' sa surname? Yup. Kahit maldita, nagkakagusto din noh! Pero, wala akong pinagsasabihan nun kahit sino. Kahit si Kei and my 3 bestfriends. Ang diary ko lang ang nakaka-alam nun. Yes, may diary ako. Pero hindi naman everyday ako nagsusulat. Nagsusulat lang ako tuwing may mga important and memorable things na nangyari. Aish! Tama na nga sa pagki-kwento.

Naglakad ako sa gilid nila na parang walang nangyayari. Eh normal scene na naman ito para sa amin ehh.

"Ano ka ngayon? Pandak ka kasi! Sino ngayon ang tatawagin mo para tumulong sa'yo ha? Wala. Wala nang may gustong tumulong sayo. HAHAHA" Narinig ko pa ang boses ni Jaxon habang ako ay naglalakad. Natigilan ako ng marining ko ang boses nung lalaking binu-bully ni Jaxon.

"Miss Imperial! Help Me!" What?! Help him? No way!

Agad ko silang nilingon kaya napalingon din silang dalawa sa akin.

"Are you sure?! Do you think tutulungan ka ng Campus Queen?! So funny!" Agad akong lumapit sa harap nung lalaking iyon at kinuha ang lunck box sa kanyang mga kamay na walang ekspresyon sa mukha at iniabot iyon doon sa lalaki.

"Thank You so much Miss Imperial!" Nag-bow siya at tumakbo palayo. Eww. Nakakadiri talaga yung mga korny.

Tumalikod ako at mag;lalakad na sana ng pigilan ako ni Jaxon at hawakan ang braso ko.

"Where do you think you're going Miss Campus Queen?" Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at hinarap siya. Ang tapang talaga ng lalaking ito kahit kailan.

"I'm going to my room. Have a problem?" Mataray kong tanong sa kanya with matching cross-arms.

"Bakit mo ba ako pinapakialaman ha? Siguro may gusto ka sa akin. Kung may gusto ka sa akin, hindi mo na dapat ako pakialaman sa ginagawa ko, sabihin mo nalang tatanggapin ko naman ehh." Yuck! Pakindat-kindat pang nalalaman. Just eww.

"In your dreams. Asa ka. Lumayas ka nga sa harap ko at baka masukahan kita sa kadirian mo." Taas kilay kong sinabi sa kanya. Assumero ehh! Hindi ako natatakot sa kanya. At mas lalong wala akong pakialam kahit na anak pa siya ng may-ari ng school na ito.

"Wala pang nagsasabi niyan sa akin alam mo ba yun Miss CAMPUS QUEEN?" Lumapit siya sa akin ng napakalapit habang diniinan ang mga salitang iyon. Palapit-lapit pang nalalaman, baka siya ang may gusto sa akin. Tss.

"Stay away from me. Or else-"Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Or else ano? Hahalikan mo ako? Then, kiss me." What the?

"Or else, I'm gonna kill you."

"Kill me? Are you-" Hindi niya na naipagpatuloy pa ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang bell na nasa gilid namin. Agad naming tinakpan ang tenga namin dahil sa ingay. Tinignan ko ang relo ko. Sh*t! Start na ng class! Pucha, ipinangako ko pa naman sa sarili ko na magbabagong buhay na ako. Tss. Nasira lahat ng iyon dahil sa lalaking ito!

Agad akong naglakad paalis sa kinatatayuan ko. Wala akong time makipag-usap sa baliw na ito. Such a nonsense conversation. Narinig ko pa siyang bumulong habang naglalakad ako paalis.

"Maganda sana, suplada lang." Ay, bwiset! Alam kong maganda ako pero hindi ako suplada! Iniinit talaga nito ang ulo ko.

Dumiretso ako sa room at nakitang tahimik ang lahat ng pumasok ako. What's new? Eh lagi naman silang ganyan.

"Fia!" Agad akong napalingon sa bumasag ng katahimikan na si Cleo. Kumakaway siya doon sa dulo ng row. Nakakahiya talaga itong babaeng ito. Pero, love na love ko yan kahit ganyan yan.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"I miss you so much Clee! How's Liara and Rain? Nagkita na ba kayo?"

"I miss you too Fianna! Yup. Nagkita na kami kanina. Hinintay ka nga namin doon sa bench na tinatambayan natin dati pero wala ka pa, nag-bell na kaya dumiretso na kami sa mga rooms namin." Pagpapaliwanag ni Cleo

"Ohh, I see." Agad kaming natigilan ni Cleo ng may pumasok sa pintuan. Agad namang kinilig ang iba at ang iba naman ay nagtitilian pa. Ayun lang pala ang babasag sa katahimikan nila. Tss.

"Classmate pala natin si Jaxon, The Bad Boy of The Bad Boy." Tahimik lang akong nakaupo habang tinitignan si Jaxon na papalapit sa akin. Ano nanaman bang problema niya? Hindi pa ba siya nakaka-move on sa nangyari kanina?! Tsk!

"Is there someone sits beside you?" Inosente pa ang unggoy.

"No one." Tipid kong sagot.

Agad naman siyang umupo sa tabi ko. Right, SA TABI KO! Putcha talaga, nananadya ba itong lalaking ito? Ayoko naman magwala dito na parang ewan. Magmumukha lang akong baliw.

"Thanks." Tipid niyang sabi ng makaupo. Parang wala lang nangyari kanina. Tsk.

Maya-maya, nakarating na din yung prof namin. Buti naman, siya nalang hinihintay. Tumayo kaming lahat at sabay sabay na bumati sa kanya.

"Good Morning Ma'am." Pagka-upo ko, nakita ko si Jaxon na hindi manlang tumayo. What's new? Eh bad boy nga yan diba?

"Good Morning students. Welcome back! How's your vacation?" How's my vacation? Ayun, memorable.

THROWBACK

"I'm so excited na makasama kayo sa vacation!" Sigaw ni Cleo

"Me too. Gusto ko na mag-swim!" Dagdag pa ni Rain.

"Can you two shut up your mouth? Ang ingay niyo ehh!" Iritang sabi ni Liara habang naka-headphone. Agad akong napangiti sa reaksyon niya. Haha! Suplada talaga.

Nakasakay nga pala kami sa car ko papunta kami sa Boracay. Dun kasi ang napag-usapan namin.

"We're here na!" Sigaw ko. Excited din kaya ako. Lalo na, kasama ko yung mga besties ko.

"Yey!" Sigaw ni Cleo. Agad kaming bumaba at nag-checkin doon. Nagbihis agad si Cleo at Rain ng swimsuit nila na 2 piece. Ako? Ayoko mag-swim ehh. Hindi ako marunong lumangoy. Ang gusto ko lang naman kasi sa vacation ko, makasama sila. That's it.

"Hindi ba kayo sasama sa amin?" Tanong ni Rain sa amin ni Liara.

"No. I'm fine." Sabi niya habang nakatingin sa akin. May tinatago din pala itong bait kahit papaano.

"Alam niyo naman na ano diba?" Sabi ko kay Cleo at Rain.

"Oh, I forgot! Dapat pala sa iba nalang tayo pumunta para pati si Fianna mag-enjoy." Naiinis na sabi ni Cleo.

"No. I'm fine. Mag-iikot-ikot nalang kami mamaya ni Yara." Tumingin ako kay Liara at tumango naman siya.

"Okay. See you nalang sa baba! Babushh!" Sigaw ni Cleo habang naglalakad palayo kasama si Rain.

"Bye!" Rain

"Bye! enjoy!" Sigaw ko sa kanila.

"Let's go?" Pagyayaya ni Yara. Nickname niya yun. Agad akong tumango bilang pagtugon. Bumaba na kami at dumiretso sa beach. Ang dami talagang tao kapag vacation. Ang hirap hanapin sila Rain and Clee.

Nagpaalam muna sa akin si Yara na pupunta sa restroom. Kaya hinintay ko siya dito sa labas. Ang tagal naman ng babaeng iyon. Mamaya may nilalabas na iyon.

"Ouch!" Napa-upo ako sa sahig ng may bumangga sa akin. Aba, bastos toh ah. Wala man lang sorry-sorry? Agad akong tumayo at nakita ko kung sino ang nakabangga sa akin. Siya. Si Dave Montemayor. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung makita ko siya. Hindi ko ma-explain. Pero hindi dapat ako magpakita ng sign na gusto ko siya. Act normal Fianna! Act normal!

"How dare you do that to me?" Mataray kong sabi.

"Nakaharang ka sa daanan. Sino may kasalanan?" Aba, bad boy talaga siya.

"What?! Ako nakaharang? Wow. Ikaw na nga nakabangga, binabaliktad mo pa yung nangyari."

"Fia!" Napatingin ako sa tumawag sa akin si Cleo kasama si Rain. Tumatakbo sila papalapit sa akin.

"Fia, are you alright?" Bungad na tanong ni Rain.

"Yeah. I'm fine." Agad kong nilingon si Dave at nakitang wala na siya. Saan yun pumunta? Strange.

END OF THROWBACK

"Mr. Montemayor." What?! Masyado na ata akong napre-occupied tinatawag na pala ang names namin at tinawag na siya.

"Present." Nakita ko siya sa harap- Wahhhhhhh! Nasa harapan ko siya naka-upo.

VOTE~COMMENT~SHARE

Continue Reading

You'll Also Like

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
383K 25.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...