Moon Academy: Special School...

By HountoniDaisuke

334K 11.2K 454

#29 highest rank achieved in Fantasy genre (07/01/17) Moon Academy, dito umiikot ang mundo ng mahika, ito ay... More

Prologue
Chapter 1: Meet Her
Chapter 2: Xander University
Chapter 3: Part time Job
Chapter 4: Exam
Chapter 5: Result
Chapter 6: Black Wizard
Chapter 7: Ice
Chapter 8: Telekinesis
Chapter 9: Saan Daw?
Chapter 10: Pink Market
Chapter 11: Milkey Chikey
Chapter 12: Fairies
Chapter 13: Allen
Chapter 14: Bye
Chapter 15: Moon Academy
Chapter 16: Again
Chapter 17: Dorm mates
Chapter 18: Trespassing
Chapter 19: Cyrokinesis
Chapter 20: Moon Ten
Chapter 21: Illusion
Chapter 22: Worried
Chapter 23: Awaken
Chapter 24: Red Guy
Chapter 25: Ability Gone
Chapter 27: Frank and Rence
Chapter 28: Tito Clive
Chapter 29: Talk
Chapter 30: Mission
Chapter 31: Ability Back
Chapter 32: Ground
Chapter 33: Undrello
Chapter 34: Kasintahan
Chapter 35: Soul Eaters
Chapter 36: Patrick
Chapter 37: Trace
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Feelings
Chapter 40: Pag-atake
Chapter 41: Cross
Chapter 42: Gandang Nilalang
Chapter 43: Tiya Minerva
Chapter 44: Maze
Chapter 45: Cancel Mission
Chapter 46: Them
Chapter 47: Gadget
Chapter 48: Allowance
Chapter 49: Shopping
Chapter 50: Craftsman
Chapter 51: Ligaya Bar and Resto
Chapter 52: Partner
Chapter 53: Past
Chapter 54: Remembered
Chapter 55: Revelations
Chapter 56: Impact without Her
THIS IS NOT AN UPDATE
Chapter 57: I'm Back!
Chapter 58: Weird Actions
Chapter 59: Embrace
Chapter 60: Deal
Chapter 61: Princess of Darkness
Chapter 62: Missing
Chapter 63: Iniisip
Chapter 64: Giants and Teresa
Chapter 65: Competition
Chapter 66: Her Limit
Chapter 67: Andrew
Chapter 68: Nightmare
Chapter 69: Competition 2
Chapter 70: Her Demon
Chapter 71: Alay
Chapter 72: Why
Chapter 73: Twin Sister
Chapter 74: Time Travel
Chapter 75: Follow
Chapter 76: Frank Kiddo
Chapter 77: Three is enough
Chapter 78: Oracle
Chapter 79: A Little Secret
Chapter 80: They Left Me
Chapter 81: Full of Lies
Chapter 82: Good and Bad News
Chapter 83: Fear
Chapter 84: Lunar's Side
Chapter 85: Yaoi
Chapter 86: Calamares
Chapter 87: Return
Chapter 88: Traitor
Chapter 89: Confused
Chapter 90: Her Son
Chapter 91: Mortal Resto
Chapter 92: Time
Chapter 93: Her Husband
Chapter 94: Jennifer

Chapter 26: Eclipse Siblings

4K 156 6
By HountoniDaisuke









~*~








(Cashmere's POV)










Alas singko pa lang ng umaga nagising na ako. Ginawa ko na ang morning rituals ko at umalis na ng dorm pagkatapos. Hindi na ako nag-abala pang gisingin sila Mich at Vanessa dahil alam kong masasapak lang ako ng dalawang yun.

Dumaan muna ako ng Cafeteria bago naglakad-lakad. Hindi ko pa pala nalilibot tong Academy. Sa laki ba naman neto magkakaroon pa ba ako ng tyaga? Wag na uy.

Naghanap ako ng magandang spot para magpalipas oras. Nakarating ako sa mapunong parte ng Academy. Sa tingin ko, ito ang lugar kung saan naririto ang mga guardians. Mahilig sila sa environment kaya hindi na nakapagtataka.

Umupo ako sa isa sa mga kahoy roon at nagsimula nang magmasid sa paligid. Kahit na ilang araw na ako rito, hindi ko pa rin naiiwasang mamangha. Narito ako sa mundo ng mga mahika. Hanggang ngayon ang dami kong tanong pero mas mabuti ng isantabi diba?

"Ang aga mong nagising Master. Magpapapiging na ho ba ako?" Natatawang sabi ni Allen bago maupo sa aking balikat.

"Baliw. Tumahimik ka nga. Nag-iisip ang utak ko." Seryoso kong saad sa kanya.

Agad naman syang lumipad sa aking harapan at tinitigan akong mabuti sa aking mga mata.

"Seryoso ka Master? Meron ka nun?" Hindi makapaniwalang sabi ni Allen habang nakaawang pa ang bibig.

Agad ko naman syang inirapan at tinaboy sya sa harap ko. Panira ng umaga eh. Bweset.

"Allen." Tawag ng isang malalim na boses.

Agad namang napalunok si Allen at tinitigan ang nagsalita.

Ang for my surprise, it was him. The Captain of Moon Ten. The one holding the Pyrokinesis ability, Rence.

"Do you know where she is?" Tanong ni Rence kay Allen.

Mabilis namang umiling ang guardian ko bilang sagot sa kanya. Bahagya namang tumango si Rence at pagkatapos umalis na. Hindi na sya nag-abala pang tignan ako, letse. Bat ba ako naiinis? Duh~~maganda ka pa rin naman Cash!

"Sino yung tinutukoy nya?" Takang tanong ko kay Allen na mukhang natatae.

"He's guardian." Maikling saad ni Allen.

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Kung si Tamix Jayden nga lang may guardian na, si Rence pa kaya na Captain? Iba talaga pag special, naespecial ako dahil kay Matthew. Tenchu!

"Special Child. See you soon master!" Paalam ni Allen habang nakangisi.

Bago ko pa sya mahambalos nakatakbo na sya. Special Child! P*tcha!












**
















"Saan ka nagsususuot?" Mapanuring tanong sa akin ni Mich habang nakapameywang.

"Naglibot lang." Maikli kong sabi sa kanya at inilapag na agad ang ulo ko sa mesa.

Di ko alam kung bakit ko dinidibdib ang paglalayas na lang paalis ni Rence ng hindi man lang ako nililingon. Naiinis ako! Ugh! I can't help it!

"Grabe ka Cash. Magkabukol ka sana." Natatawang sabi ni Carlos.

Hindi ko sya pinansin at mas lalo ko pang diinan ang ulo ko sa mesa hanggang pumasok na ang teacher namin.

"Are you familiar with Eclipse's siblings?" Panimula sa amin ng teacher namin sa History.

Wala sana akong interes na makinig ngunit naagaw ng atensyon ko ang Eclipse. It's somehow connected to the moon right?

Lahat sila umiling sa tanong ni Ma'am Salapare. Ma'am Salapare is a great teacher here in Academy sabi nila. She has the ability to control the metals. Dapat sa Combat Battling sya nakaassign diba? Pero mas prefer nya ata ang History kahit di ito connected sa kanyang ability. Oh well.

Naaalala ko tuloy yung kalaban nila sa X-Men? Ano na nga bang pangalan nun? Ugh. Never mind.

"Kay tanda-tanda nyo na hindi nyo pa sya kilala? May sineselebrar pa nga tayo ngunit hindi nyo ata kilala ang tatlong binibining ito." Nakasimangot na sabi ni Ma'am Salapare.

Mabilis na naman silang umiling sa sinabi ni Ma'am.

"Okay then, mukhang kailangan ko silang ikwento sa inyo." Pabuntong hiningang sabi ni Ma'am Salapare.

Umayos na naman ako ng upo ng magsimula na syang magbuklat ng libro.

"Summary lang ang ibibigay ko. Pero sisiguraduhin ko namang magugustuhan nyo ito." Tumikhim muna si Ma'am Salapare bago magsimula. "Ang Eclipse siblings, sila ay sina Solar, Lunar at Total. Sila ang tagapamahala ng kalawakan noon. Ginagalang at hinahangaan ng mga tao. Hindi maipagkakaila ang kagandahang taglay nilang tatlo, ngunit kung sa lakas ang pagbabasehan, hindi rin maipagkakaila na nangunguna sa kanilang tatlo si Solar." Tumigil muna si Ma'am Salapare at pinasadahan kami ng tingin bawat isa.

Mayamaya pa ngumiti sya ng mapadako ang tingin nya sa akin.

"At dahil tatlo nga sila, hindi maiwasang may mainggit." Sabi ni Ma'am dahilan mapaangal ang iba.

"Gusto nyo ba malaman kung sino sa kanila ang nainggit kay Solar?" Natatawang tanong ni Ma'am sa amin.

Mabilis naman kaming tumango. Duh~~ curiosity can kill a cat!

"Walang iba kung hindi si Lunar." Sabi nya bago magpatuloy muli. "Naglaban sila ni Solar kahit labag iyon kay Solar at Total. To make it short---!" Hindi pa natatapos ni Ma'am Salapare ang kanyang sasabihin ng sumabat na si Ferresa habang nakalean ang ulo sa balikat ni Patrick.

Edi sila na may lablayp at ako ang dusa! Letse nabi-bitter ako.

"Napatay ni Lunar si Solar gamit ang kanyang espada. Sumabog ang katawan ni Solar ngunit may naiwang bato. Apat na bato to be exact." Sabi ni Ferresa.

Namatay si Solar? Dapak! Ang sama ni Lunar! Nagawa nya iyon!

"At ito ang apat na elemento. Ang apoy, tubig, hangin at lupa." Sabat naman ni Vanessa habang prenteng nakaupo habang pinaglalaruan ang maliit na lupa sa kanyang kamay.

Cool!

Napangiti naman si Ma'am Salapare. "Katulad ng inaasahan. Ngunit sana naman akin muna ang bahagi na ito mga prinsesa." Natatawang sabi ni Ma'am.

Napairap naman si Ferresa, samantalang si Vanessa naman napapeace sign na lang kay Ma'am Salapare.

"Nagkagulo ang mga tao sa nangyare. Nagtago si Lunar at hindi na muling nagpakita pa. Samantalang si Total naman ay ang naiwan. Binigay nya ang apat na elemento sa apat na magigiting na tao. Sila'y sina Cristina, Nefftali, Alex at Mark."

"Ang aking lola ang may hawak ng elemento ng tubig, si Cristina Vapor. Ang nag-iisang babaeng napagkalooban ng elemento galing kay Solar." Pagsabat sa ni Michelle sa usapan at marahang tumayo at yumukod kay Ma'am Salapare, tumango naman si Ma'am na nagbibigay permiso para kay Mich na magpatuloy. "Noong mamatay sya, doon ako pinanganak ng aking inang si Eliza, ang kasalukuyang reyna ng Atlantis. Sa akin napasa ang bato ng aking yumaong lola." Sabi ni Mich.

Wow. So sya pala ang second generation ng bato. Ahihihi, ang cool talaga!

"Ang aking Lolo na alam nating namatay noon sa isang sumpa, sya'y si Nefftali Rock. Sinumpa sya upang wag ibigin si Cristina Vapor." Sabi nya saka tumingin kay Mich bago ngumiti ng tipid. "At dahil sa kanilang pagkakalayo, nag-asawa muli ang aking Lolo at iyon ay si Jasmine ang aking Lola. Ngunit, ang sumpa ay lumala at naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Bago sya mamatay, naabutan pa nya ang kanyang apo, at ako iyon. Inilahad nya sa aking dugo ang bato ng lupa." Dugtong pang muli ni Vanessa bago umupo.

Sinumpa para wag ibigin si Cristina? Bakit? Why? Masama ba ang magkatuluyan silang dalawa? Nalungkot naman ako para sa kanila. Nagmamahalan sila ngunit pinaglayo para sa isang sitwasyon na hindi ko alam? Sa bagay, kung nagkatuluyan sila walang Vanessa at Michelle.

Sumunod namang tumayo ay si Carlos habang nakapamulsa at nakangiti ng malungkot. Isa pa 'to, magdadrama din to for sure. Nasa kanyang kamay na ang elementong hangin. Kaya for sure na yun.

"Mark Winchester. Ang dating nagmamay-ari ng elemento ng hangin. Namatay sya sa kamay ni Lunar noong panahong naging espiya sya ng akademya. At dahil ako lamang ang kanyang nag-iisang anak, sa akin naipamana ang kanyang bato." Paliwanag ni Carlos bago muling umupo.

Naging espiya? Akala ko ba tumakas si Lunar? Dapat diba walang may alam kung nasaan sya? Saka bat sila nagpadala ng espiya? At talagang dito pa sa Academy?

May biglaang pumasok naman sa classroom. Lahat kami napalingon sa direksyon na iyon. Doon ko natagpuan si Rence habang nakasandal sa pader at nakapamulsa. Mayroong isang munting nilalang na nasa kanyang balikat, kulay puti ang buhok na medyo kulot ang dulo at nakadress din ito na sobrang bumagay sa kanya. Sya siguro ang kanyang fairy. Nice one. Cute one. Kawaii!

"Ang aking ama ay namatay noong kasagsagan ng digmaan. Namatay sya ng tapat at magiting upang iligtas ang prinsesa. Sya'y si Alexander Pyre o mas kilalang Alex." Bagot na sabi nya bago umupo sa upuan nya at pinikit ang kanyang mga mata. "Binigay nya ang kanyang elemento sa akin bago malagutan ng hininga at binigyan din ako ng misyon, ang misyong hanapin ang prinsesa at ingatan ito."






"Ang misyong hanapin ang prinsesa at ingatan ito."

Continue Reading

You'll Also Like

77.9K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
24.5K 1.1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...