Chord of Disaster

By walkingdezaster

20K 739 44

Scheherazade, isang babaeng bigla nalang dumating sa buhay ni Kiel. Kinupkop ito ng kanyang ina sa kadahilana... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 12

623 26 1
By walkingdezaster

The Truth

"Good day, class,"

Noon lamang kami nagbitiw ng tingin sa isa't isa. Nagsilabasan na lahat ng kaklase namin pero nanatili lamang kaming nakaupo ni Hera. It's like we have a silent agreement that we have stay here and talk. Tinawag pa kami ni Axel pero hindi naman siya pinansin kaya naman iniwan na lamang niya kami. Gabi na rin kasi nang matapos ang last subject namin.

Nang kaming dalawa na lamang ay wala ni isa sa aming dalawa ang gustong bumasag ng katahimikan kaya naman tumayo ako at hinarap siya. Tiningala naman niya ako sinalubong ang mapanuri kong mga mata.

"Kiel," tawag niya sa akin.

"Remove your contact lens," utos ko sa kanya. Gusto ko makita ang tunag na mata niya habang sinasabi niya sa akin ang totoo.

Sinunod naman niya ako at inalis ang mga iyon. Tumayo rin siya kaya naman umatras ako ng kaunti dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos kapag ganoon siya kalapit sa akin. Baka makalimutan ko ang dapat kong sabihin at itanong.

"Tell me the truth, Hera. Please," pakiusap ko sa kanya pero nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin at umiling.

"I can't. You know I wouldn't."

"Damn! Hera! What I saw earlier? Hindi normal iyon! At huwag mong subukan itanggi dahil kitang-kita ko kung ilang beses mong ginawa iyon!"

Umatras lang siya palayo sa akin dahilan para tumunog ang upuan niya dahil sa pag-atras niya. Naglakad ako patungo sa pintuan. Walang mangyayari sa amin. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo pwes hindi kami aalis dito hanggat wala akong nakukuhang sagot sa mga tanong ko.

Inilock ko ang pintuan at nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ang ginawa ko.

"What are you doing?" tanong niya sa akin.

"We're not going anywhere unless you tell me the truth. Answer my questions and we can go home."

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang mariin na pagpikit ng mga mata niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya. I know she wanted to tell me something pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"Why don't you show your true self, Hera? Ipakita ko sa akin kung sino ka ba talaga. Kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Show the true, Scheherazade."

Hindi ko inaasahan ng iangat niya anv ulo niya at tinignan ako ng mariin sa mata. Still the same blue and violet eyes but now, determination and anger is written all over her face.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya sa akin.

Nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw at nagbabagsakan ang mga bintana sa pagsara dahil sa sobrang lakas ng hangin mula sa labas.

"Gusto mo talaga akong makilala?" tanong niyang muli. This time ay himakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Nakita ko ang unti-unting pag-iiba ng kulay ng mga mata niya.

"This is the real me, Kiel. And this is how I really feel."

Ang mga mata niyang walang emosyon, ngayon ay punong-puno iyon ng kalungkutan. Tumakas na rin ang mga luha niya at naglandas iyon sa kanya pisngi. Nakatitig lang ako sa kanya sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"What the hell are you?!" gulat na sabi ko. This can't be. Tumingin ako sa labas at nagsimula na rin bumuhos ang ulan kasabay ng mga luha niya.

Lumapit siya sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya na tuluyan nang naging kulay berde at hilam na rin ito sa kanyang luha.

"Kiel," tawag niya sa akin.

Lumapit siya sa akin pero sa paglapit niya ay sumunod ang armchair na nasa tabi niya at tumilapon iyon papunta sa akin. Umiwas ako pero natamaan pa rin ang kaliwang braso ko at para iyong namanhid sa sakit na naramdaman ko.

F*ck! I didn't see this coming! What the hell is happening?!

"Wag kang lalapit sa akin! Kahit kailan! Wag ka nang lalapit sa akin!"

Ang kaninang patay-sindi na ilaw ay bigla na lamang nabasag kaya naman nabalot ng dilim ang paligid at tanging sinag lang ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng classroom na iyon ang nagsisilbing liwanag.

"Kiel, balak ko naman sabihin talaga sayo kung ano ako e," mahinang wika nito.

Muli itong lumapit sa akin. This time, wala ng kahit anong bagay na tumilapon o nasira.

"This is the real me. The real Scheherazade. The behind the mask I made. And this is how I feel. The emotion I tried so hard to hide behind my mask. I broken, Kiel at natatakot akong malaman mo ang totoo dahil alam kong iyan ang magiging reaksyon mo. Alam kong matatakot ka lang sa akin."

"Anong klaseng nilalang ka?" mahinang tanong ko nang tuluyan na itong makalapit sa akin.

Her hair. Unti-unting nawala ang kulay itim na ipinangkulay niya doon at naging kulay abo iyon. Her green eyes which is normally blue and violet. At ang kakayahan niyang pagalawin ang mga bagay-bagay.

"I told you. I'm a chord of disaster. I shouldn't feel anything because it will bring disaster. Kapag masaya ako, sobrang init. Kapag malungkot ako, makulimlim. Kapag umiiyak ako, umuulan. Kapag nasasaktan ako, bumabagyo. At kapag nagagalit ako, believe me, I can destroy this world."

Humakbang ako palayo sa kanya pero muli lamang siyang lumapit sa akin.

"Now tell me. Gusto mo pa ba ako? Gugustuhin mo pa rin ba ako kung ganito ako?" tanong niya at kita ko ang pagsusumamo sa mata niya. Her bare eyes. Now that her emotions are barely naked, hindi ko na alam ang gagawin ko.

'But this is what you want right?' tanong ng isang bahagi ng isip ko.

"The answer is no, right?" tanong ni Hera pero hindi ko na nasagot. Damn! I can't even utter a word!

Ngumiti ito ng malungkot sa akin. Hinaplos lang nito ang mukha ko bago siya naglaho na parang bula at nag-iwan ng isang napakalakas na hangin na nagpatilapon sa mga bagay na nasa loob ng classroom na iyon kaya naman agad akong nagtago sa isang ligtas na lugar.

Scheherazade POV
"Hel," tawag sa akin ni Adrasteia. After what happened, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Seth's not here anymore to hear my sentiments. I lost a shoulder to cry on.

Tinignan ko si Adrasteia. Ang babaeng ito ang nagbigwy ng buhay sa akin. Dapat ba akong magpasalamat dahil doon kung ni isa, wala akong matandaan na naging masaya ako na nabuhay ako sa mundonh ito?

"Bakit kailangan mo pa akong buhayin kung mabubuhay lang naman pala ako sa isang sumpa? Bakit hinayaan mo pa akong mabuhay kung sa araw-araw na nabuhay ako sa mundong ito, kailangan kong lumaban para makapagpatuloy?" tumulo ang luha ko.

When I showed Kiel the real me, I lost control over my emotions. Para silang ilog ngayon na walang tigil sa pagdaloy. My heart is even breaking into pieces right now because of the look he gave me. The fear in his eyes is enough for me to leave.

"Kahit na isang sumpa ang tingin nila sa'yo that doesn't change the fact that you are the product our love. I loved your father as much as I love him at ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan na iyon. You remind me that somehow, I felt love and being love. Kaya pinili ko na buhayin ka. I even ask the light amd dark to spare you from my sin. You're my daughter, Hel. And I love you. That's why I left you in that forest because I know, you will be safe in the arms of Seth Cadionne."

Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I know Seth. Pagkapanganak pa lamang niya ay kilala ko na siya. He's different. So when I know when I left you in that forest, he will pick you up, take care of you and love you."

Natutop ko ang bibig ko. Hindi ko na pinigilan la ang sarili ko at lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Our first hug.

"Ang sakit. Ang sakit-sakit. I lost my bestfriend and the half of my life when Seth died. But I learned how to move on and love again. I love Kiel but he's afraid to me now. And this love is not right! Kapag nagpatuloy ito ay matutuloy lamang ang nasa propesiya."

Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa ulo.

"May paraan pa naman. And Celestine lied to you."

Napahiwalay ako sa kanya at muli siyang tinignan.

"What do you mean?"

"My love for your father is the root of this curse, so it's also love to revert it. Hindi totoo na kawasakan ang dulot ng pagmamahalan ninyo ni Kiel. The product of your love is salvation."

--

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 759K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #01 β—’ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
43.8K 1.8K 41
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
11.1M 501K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...