The Innocent Mafia

By SimpleGears

17.3K 666 62

Siana is just a Typical High School Student only, She's so Friendly, Active and a Positive thinker. She is a... More

Chapter 1 - Mafia
Chapter 2 - Masquerade Party
Chapter 3 - Innocent
Chapter 4 - Skills
Chapter 5 - Kidnapped
Chapter 6 - Two Person
Chapter 7 - Dead
Chapter 8 - Logan
Chapter 9 - Pregnant
Chapter 10 - The Moment of Truth
Chapter 11 - Stress
Chapter 12 - The Moment of Truth (Part 2)
Chapter 13 - Reason
Chapter 15 - Change
Chapter 16 - Bes kong Tunay
Chapter 17 - BANG!
Chapter 18 - Blood
Chapter 19 - The Real Mother
Chapter 20 - Crush
Chapter 21 - Past
Chapter 22 - Celebration
Chapter 23 - Propose
Chapter 24 - Wedding
Chapter 25 - Dati
Chapter 26 - First day
Chapter 27 - Operation
Chapter 28 - Lovenat
Chapter 29 - President
Chapter 30 - Fortin is Back
Chapter 31 - May the Best President Win
Chapter 32 - Ticket Selling

Chapter 14 - Wala na

474 16 5
By SimpleGears

Letisiana's PoV.



Kasalukuyang nakahiga ako sa isang kama sa taas sa double deck. Si kuya logan naman ay nasa ibaba.



Nakatingin ako sa mga umiilaw na bituin na nakadikit sa kisame.


"K-kuya?" Tawag ko kay kuya logan.


"Siana, di ka pa natutulog?" Rinig na tanong ni kuya kaya naman nang malaman kong gising pa sya, dumungaw ako sa ibaba para makita sya.


Nakita ko itong nakatingin din sa mga stars na umiilaw na nakadikit sa kisame.


"Kuya bat ka nakangiti?" Tanong ko sakanya, tumingin sya saken bago sumagot.


"Masaya lang ako kasi nakita na kita. Ang buong akala ko non, wala ka na talaga." Seryosong sabi saken ni kuya.


"Ako din kuya. Kaya  pala nung una, may part saken na gusto kitang yakapin ng sobrang sobrang higpit." Nakangiting sagot ko sakanya. Ngayon alam ko na ang feeling ng may kapatid.


"Pero kuya logan,"


"Hmmm?"



"B-baket parang nung yakapin ako ni mama at papa naten, p-parang .."



"Parang ano?"


"Parang di ako masaya." Malungkot na pagkakasabi ko.


"Baka, naninibago ka lang sakanila. Siguro namimiss mo lang yung mga magulang na kumupkop sayo." Napaisip ako saglit. Siguro nga, tama si kuya.


Kinabukasan, nang magising ako nakita kong wala na si kuya sa higaan nya kaya nagpasya akong mag-ayos at maligo na para makababa na.


Pagkababa ko sa sala, nakita kong nasa sofa si kuya logan, mama at papa at masasayang nanonood sa tv.

Nakita naman ako agad ni mama kaya binati nila ako kaagad.

"Anak gising ka na pala. Tara dito, sumalo ka samen. Dali!!" Yaya saken ni mama at agad akong hinatak papunta sa sofa at inupo ako sa gitna nila ni papa.

Kumain kami sabay sabay at nang dumating ang hapon, niyaya ako ni kuya na gumala sa labas.


Naglabas pa ito ng isang bike na mukhang bike nya, iniangkas ako sa likod at siya ang nag aandar.


Madaming puno sa gilid ng kalsada. Napakahangin pa at ang sarap ng simoy nito.

"Whoooh ansarap ng simoy ng hangin!" Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko sa ere dahilan para muntikan na kaming mapasemplang.

Kaya natawa kami pareho ni kuya logan.

"Hahahaha, kumapit kang mabuti siana. Hahahaha!" Natatawang sambit ni kuya saken.

"Hahahaha, gusto ko kasi itaas kamay ko. Hahaha!" Sabi ko naman.


Maya maya ay tumigil kami sa isang malaking puno ni kuya.


"Kuya may mangga don sa taas oh! Kunin mo dali. Haha!" Utos ko kay kuya at tinuro ko yung mangga na nakasabit sa may puno.


"Osige. Just, watch and learn." Kinindatan pako nito bago maghanda paakyat sa puno.


"Ako din kuya! Aakyat ng puno!" Sabi ko rito at ginawa ko yung mga ginawa nya kung pano sya nakaakyat sa puno ng mangga.


"Siana, wag! Baka mapano kapa. Jan ka lang!" Sigaw nya mula sa itaas ng puno. Nakita ko itong nakakuha na ng mangga.

"Oh, saluhin mo nalang tong mga mangga." Sabi ni kuya logan atsaka nya hinulog ang mga manggang napitas nya mula sa puno. Agad ko naman iyon mga pinulot at sinalo.


Umupo kami sa isang bench na nandoon sa tabi ng puno.


"Pano natin mabubuksan tong mga mangga?" Tanong ni kuya logan saken.


Agad kong kinuha mula sa bulsa ko yung isang nail cutter ko na may kasamang can opener, at isang maliit na kutsilyo. Dala dala ko yun lagi, just in case.


"Eto!' Agad akong kumuha ng isang mangga at binalatan ang mga iyon gamit ang maliit na kutsilyo.


Nanng mabalatan namin ang mga manggang nakuha namin doon, kumain kami ni kuya.


"Kuya, pano ka naging co-leader ng grupo nyo?" Tanong ko kay kuya logan habang kumakain ng mangga.



"Wag mo ng alamin kung pano, Pero siana, eto ang gusto kong sabihin sayo, mahirap makaalis sa isang mafia org. Actually hindi ka na makakaalis sa grupo mo. Kundi papatayin ka nila. Gusto kong mag iingat ka sa pakikisama sakanila, baka mamaya isa sakanila ang gusto ka ng patayin. Tulad ni diana." Sabi saken ni kuya pero sa huling sinabi nya, nagtaka ako at nagitla bigla.


"D-diana? Diana clarkson? G-gusto nya kong patayin kuya? Pano mong nalaman?" Tanong ko kay kuya at halatang napaiwas sya sa tanong kong iyon sakanya.


Natahimik si kuya at hindi makasagot sa tanong ko sakanya.


"K-kuya? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni diana?" Sa tanong kong iyon sakanya hindi padin sya sumagot.


"Kuya. Magsalita ka. H-huwag mong sabihing ikaw ang pumatay sakanya?" Napatakip pako sa bibig ko dahil di ako makapaniwala. P-paano? Baket nya nagawa kay diana yon?


"Look, gusto kang patayin ni diana dahil nawawalan na daw sya ng papel sa buhay nya simula nang dumating ka. Nung time na may nakita kang dugo sa kusina mo non sa sahig? Sakanyang dugo yon. Balak ka nyang patayin nung mga oras nayon, kung di pa kita pinuntahan don. Di ko pa ikaw maliligtas. Kaya inunahan ko na syang patayin." Paliwanag ni kuya saken. Kaya eto na naman ang mababaw kong luha, naiiyak na naman ako.


Di ako makapaniwala na Muntikan na pala akong mamatay ng di ko alam?

"Kaya nga, gusto kong umalis ka nalang sa grupo mong yan dahil once n nakasali ka na sa isang mafia org. Buhay mo na ang nakataya." Di ko alam kung anong isasagot ko sa mga sinabi ni kuya. Basta niyakap ko nalang sya at dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

"Thanks kuya."


Fast forward .  .  .

Maghahating gabi na ng makauwi kami ni kuya sa bahay nila mama at papa.


"Sabi ko sainyo wag kayong magpapagabi eh! Lika kayong dalawa dito dali! Kumain na kayo." Sabi samen ni mama at agad kaming pinapasok ni kuya logan sa loob ng bahay.

Matapos naming kumain sabay sabay, umakyat na sa kwarto si papa at si kuya logan.


Ako naman ay tinulungan si mama sa pag aayos ng mga pinagkainan namin. Habang inaayos ko ang mga plato. Agad kong tinanong si mama.


"Ma, A-anong nangyari saken? B-baket nyo ko naiwan sa tabi ng isang ospital na nasusunog?" Tanong ko dito. Dahil madami pakong gustong malaman tungkol sa pagkatao ko.


"Ahm, a-anak. K-kasi ano.. n-nung pinanganak kita. M-may katulong tayo. Nagtaksil sya at kinuha ka nya. A-akala ko nga namatay ka na sa sunog anak." Utal utal na kwento saken ni mama.

"G-ganon po ba, ma?" Nginitian ako ni mama at hinawakan ang kamay ko.


"Laking pasasalamat ko at may kumupkop sayo." Wala nakong maisagot kay mama kaya't ngumiti nalang ako sakanya.


Di ko talaga madama ang lukso ng dugo naming dalawa sa isa't isa.

Parang may mali.

~


Dumating ang araw na kailangan na namin umuwi ng maynila ni kuya, nagpaalam na kami kela mama at papa.

Hinatid pa kami nito sa sakayan ng bus, at nang papasakay na kami ng bus ni kuya ay niyakap ko sila mama at papa.


"Mamimiss ka namin siana. Mag-iingat kayo don anak ah?" Sabi ni mama kay kuya logan at sila naman dalawa ang nagyakap.


This time, niyakap ko na ng mahigpit si mama, dahil kahit na di ko maramdaman yung lukso ng dugo naming dalawa sa isa't isa ay feeling ko ay mawawala na sya kung yakapin ko sya ng mahigpit.

"Bye ma." Yan na ang huling paalam ko at umakyat na kami papasok ng bus ni kuya logan.


"Ok ka lang siana?" Tanong saken ni kuya logan, ngumiti ako rito bago sumagot.


"Oo naman kuya. K-kuya, salamat!" Saka ko niyakap si kuya pagkasabi ko nun sakanya.


~

Kasalukuyang pagkauwi ko na pagkauwi sa maynila ay agad akong tinawagan ni Mam Courtney.

Namiss ko yung boss namin kasi minsan lang talaga sya magpakita saamin.


At ngayon, hinahanap ko yung condo unit na sinend nya saken. So meaning, ako palang unang taong makakapunta sa condo unit nya dahil ako pa lang ang sinasabihan nya ng mga sikreto nya.


Feeling ko ganon din ang nararamdaman saken ni maam courtney. Magaan ang loob at malaki ang tiwala.


Pagdating sa condo unit ni mam courtney. Nakita ko itong nasa kusina at naghahanda ng pagkain.

"Andyan ka na pala letis. Umupo ka dali!" Masayang bati agad saken ni mam courtney pagkapasok ko sa unit nya.

Umupo ako sa isang stool don sa may kusina atsaka sya naglapag sa harapan ko ng dalawang mango shake at dalawang pagkain. Tig-isa kami.

"M-maam, b-baket nyo po ako pinapunta  dito?" Tanong ko kay mam bago ko galawin yung pagkaing inihanda nya para saken.


Nginitian ako nito at nagulat ako nang ako ay kanyang yakapin ng mahigpit.


"M-maam?"

Nagulat ako nang humiwalay ito sa pagkakayakap saken. Nakita ko syang umiiyak na at may mga luha sa mga mata nya.


"Mam? B-bat po kayo umiiyak?" Tanong ko rito at agad akong kumuha ng tissue para ipunas sa mga luha nya sa mata nya.

"K-kasi, Namiss kita letis. N-naaalala ko sayo yung anak ko. *sob* g-gusto ko, pupuntahan mo ko dito ah? N-nakakapagod na kasing mag-isa. Palagi nalang akong nag-iisa." Matapos masabi ni maam courtney yun ay nagsimula na syang humagulgol sa pag iiyak.


Niyakap ko naman ito para matahan atsaka hinimas ko ang likuran nya.


"O-opo mam, pupuntahan ko po kayo lagi dito. Andito lang po ako, di na po kayo mag-iisa." Ang gaan gaan ng pakiramdam ko kay maam courtney, para ba akong isang nawawalang anak na nahanap na yung tunay nyang ina.



Pero alam kong, hindi ako yon. Dahil nahanap ko na ang tunay kong mga magulang.


Sa kakaiyak ni maam, ay nakatulog ito. Kaya naman nahirapan aking alalayan sya papunta sa kama nito para makapag pahinga na ito ng maayos.

Buntis pa naman sya. Kailangan nyang mag-ingat at makakasama kung lagi syang nasstress at iiyak.


Ramdam na ramdam ko kung gano nahihirapan si maam courtney. Ramdam na ramdam ko kung gano nya na kamiss yung dalawang taong nawala sa buhay nya.

Kinuha ko yung shoulder bag ko at nakita ko dun yung kwintas ko na pacursive at may pangalan ko. Balak ko syang suotin pero siguro wag na muna ngayon.


"Letis?" Agad kong pinuntahan sa kwarto si maam courtney at nakita kong gising na ito kaagad.


"P-pasensya ka na saken kanina ah?" Nginitian ko sya bago sumagot.


"Wala po un saken, ok lang po." Sabi ko rito.


"Balita ko nga pala, nakita mo nadaw yung tunay mong mga magulang." Sabi saken ni maam courtney.


"O-opo mam. Ansaya ko po kasi nakita ko na sila." Nakangiting sabi ko kay maam.


"Buti kapa. Nakita mo na yung mga taong mahal mo. Masaya ako para sayo letis."


"S-salamat po mam."


"Sigurado ako, sobrang saya nilang nakita ka nadin nila. A-ano bang mga pangalan nila?"


"Si Marco Martinez po at si Matild----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si maam.


"Si matilda martinez?!" Gulat na tanong ni maam.


"P-paano nyo po nalaman? Y-yun nga po yun." Agad syang napatakip sa bibig dahil sa gulat at parang di makapaniwala.


"M-maam?" Twag ko sakanya dahil para na naman syang maiiyak.


"M-maam ok lang po ba kayo? Maam?"


"G-gusto ko munang mapag-isa Letis." Sabi saken ni maam atsaka ako tinalikuran, hinabol ko sya sa kwarto nya pero nagulat ako nang sigawan nya ko.

"GUSTO KO MUNANG MAPAG-ISA LETISIANA!" Natigilan ako nang tawagin nya ko sa buong pangalan ko for the first time at hatalang halata ko ang galit na galit na namumuo sa mga mata nya.

Di ko sya maintindihan. Di ko alam kung anong meron sa pangalan ni mama.


Hindi ko na muling sinundan pa si maam courtney kaya nasa labas lang ako pinto ng kwarto nya, di ko sya kayang iwan baka kung anong mangyare sakanya pag iniwan ko sya.

*Kring*Kring*Kring*

Kuya logan calling . . .


I pick up my phone.


"K-kuya logan?"

[S-siana.]

Sa tono ng boses ni kuya. Para bang may masamang kutob na ko kaagad sa sasabihin nya.

"K-kuya baket? May problema ba?"

[Sila mama at papa.]

"Ano kuya? Anong nangyare kela mama at papa?"

[S-siana. W-wala na sila mama at papa.]

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 88.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
139K 11.3K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.2M 46.4K 95
Meet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-s...