Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.1K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)

709 27 3
By EMPriel

"People lie...not because they want to, not because they need to, but because they can. A lie can either build a powerful empire, or destroy one. It's up to those who believe in it."

-Empriel


"You don't really know who are we up to, is that right?" tanong ni Jonas habang nakatitig sa isang hologram image ng isang batang lalaki na nakalab gown.

"How was it? Seeing a faceless man up front?" tanong ng kanyang kausap. Mula sa pagkakaupo ay nagdekwatro naman si Jonas, ngumiti na lamang siya habang dinidilaan ang kanyang pangil.

"A faceless man, has a face..." ang sagot niya.

"What do you mean?" tanong ng batang lalaki.

"Don't play as a fool...Dr. Welder Freuch..." may inis ang tono ng binata. Tumayo lamang siya at naglakad patungo sa bintana ng madilim na kwartong iyon. Pinagmasdan niya ang pagragasa ng hangin sa kawalan.

"You know why I am here...you know who my enemy is. Am I right?" wika ng binata sabay tingin sa hologram image. Napapikit na lamang si Dr. Freuch at napangiti.

"Do you think that Levine can stop that maniac? Before he could even get to him...he's dead. I'm sure of it."

"You are a great liar doctor."

"I didn't lie when I said that memory gene can prolong a human life. It's their choice...they wanted to live and see this world change...I just made their fantasies into reality. It's their choice if they will make this world alive again...or watch itself burn into the ground."

Inis ang pinakita ng doktor sa kanyang kasagutan. Napakunot na lamang ng noo si Jonas at umiling ng kaunti. Muli siyang naglakad patungo sa sofa na kanyang inuupuan.

"And then what? Tell them another lie? That you are their great god? A god of a new world?" wika ni Jonas. Matagal namang nakasagot ang doktor. Tiningnan niya muna sa mata ang binata bago ibinuka ang kanyang bibig.

"Yes...I will build a new empire from the bones of their ashes. And I wanted you to be there by my side," tugon ng doktor. Matapos ang ilang segundo ay saka naman namatay ang hologram image. Muling naging madilim sa kwarto at ang tanging liwanag lamang ay ang kakarampot na liwanag mula sa bintana ng kwartong iyon.

"You will be devoured by your own monster...you will die. All of you will die, and I shall take what is mine," bulong niya. Nakangiti siya ngunit ang galit sa kanyang mga mata ay hindi maitatago. Bumukas naman ang pinto at nagkaroon ng kaunting liwanag.

"Looks like the mouse's lair will be burnt..." wika ni Dr. Levine Klein. Nakasuot siya ng magarang coat.

"Surely...let me see them burn," sagot ng binata.

______________________

December 25, 2280 – 9:15 AM – Senate of the Philippines - 18°C

"Inaabangan nga natin ang pagdating ni President Nico Rivera dito nga sa senado upang pag-usapan at tuldukan na ang nangyayaring kaguluhan sa EDSA at nabalitaan nga natin kaninang umaga..."

"...hindi umano titigil ang mga rebeldeng grupo na New Order hanggat hindi nila nakukuha o nailalayo ang mga bid mula sa kamay ng pamahalaan."

"May nakapagsabi nga sa atin kanina na muling nagkaroon ng putukan mula sa panig ng mga militar at ng mga rebelde..."

"May mga nagbabanta pa umanong mga rebelde na nagpapanggap na sibilyan. Hindi pa natin sigurado ang nakuha nating impormasyon. Hindi naman daw magdedeklara ang gobyerno...ng Martial Law."

Napakaraming miyembro ng media at press ang nag-aabang sa labas ng Senate of the Philippines. Hindi nila alintana ang malakas na buhos ng niyebe. Mas aligaga pa sila sa nangyayaring gulo sa bansa. Ang mga sundalo ay nakakalat sa paligid at nag-uusap-usap gamit ang kanilang mga communicator. May mga heli ship na lumilipad sa himpapawid at gumagamit ng malalakas na ilaw upang makita ang kanilang paligid. May mga tangke din na gumagamit na ng gulong imbis na hover technology upang makaresponde sa mga lugar na maaaring atakihin ng rebeldeng grupo.

Isang puting hover limousine naman ang pumara sa harap at agad na lumabas ang presidente mula sa pinto. Pinalibutan siya ng mga sundalo ngunit agad din siyang napalibutan ng miyembro ng media.

"Mister president...ano na po ba ang balak niyo sa sitwasyong 'to?"

"Totoo po bang gagamit na ulit ang militar ng prototype para hulihin sila? Paano na po ang mga bid?"

"Sir...isang tanong lang po..."

"Sasagutin ko ang lahat ng 'yan sa loob. Pasensiya na," ang tanging nasambit ng presidente. Kinabig ng ilang mga sundalo ang mga miyembro ng media. Ang iba ay tinulak at mayroon ding mga nasaktan.

"Teka?! Ayusin niyo naman!"

"Media kami! Hindi niyo puwedeng gawin sa amin 'to!" sigaw ng ilan sa kanila. Agad namang tinutukan ng mga sundalo ang ilang sumubok na lumapit.

"Pasensiya na...protocol lang. Sumusunod lang kami. Ngayon kung ayaw niyong masaktan, lumayo kayo," paalala na lamang ng isang sundalo. Tinaas naman ni President Nico Rivera ang kanyang kamay. Senyales na itigil ang nangyayaring gulo. Dahan-dahan namang ibinaba ng mga sundalo ang kanilang mga baril. Ang mga miyembro naman ng press ay natahimik na lamang.

"Papasok na siya..." bulong ng isang lalaki na nakasuot ng makapal na hood. Narinig naman siya ng isang babaeng reporter na napatingin sa kanya. Yumuko na lamang ang lalaking iyon at tumalikod.

"Sige. Ihanda niyo na," sagot naman ng isa pang lalaki na kunwari ay nag-aayos ng kanyang sapatos. Nakaharap siya sa mga sundalo at ilang mga reporter at pagkatapos ay naglakad palayo.

"Wala pa tayong contact kay Albert. Hindi natin alam kung ito ang gusto niyang mangyari..." sagot ng isang lalaki na nakasuot ng isang uniporme ng maintenance sa loob ng senado. Dala niya ang isang hover trolley na naglalaman ng isang vacuum, ilang mga panlinis at kahon. Yumuko siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang sombrero na parte ng kanyang uniporme nang dumaan ang security group.

"Hindi niya ito gugustuhing mangyari. Pero mas hindi niya gugustuhing mapahamak ang mga tao sa ilalim. Kailangan natin 'tong gawin," sagot ng isang nakaunipormeng sundalo. Nagpanggap siya na isa sa mga sundalo sa paligid upang makalapit. Kumaway pa ang isang sundalo ng militar sa kanya. Para hindi na lamang makahalata ay kumaway din siya.

Pumasok sa loob ng elevating platform ang lalaking nagpapanggap na maintenance. Nakasabay niya pa ang ilang mga tao at sundalo sa loob. Nagreklamo naman ang iba at tila nandiri sa kanya. Ngumiti na lamang ang lalaking iyon. Nang makarating sa 4th floor ay dahan-dahan niyang pinagulong ang kanyang trolley. Ang sundalo naman sa kanyang likuran ay sumunod. Nang sumara ang elevating platform at iniabot sa kanyang likod ang isang silencer. Agad ding lumayo ang sundalong iyon at nagbantay sa paligid. Sumisipol pa ang lalaki na nagpapanggap na maintenance habang naglalakad at sumisingit mula sa kumpulan ng mga tao sa hallway.

"Nakarating ka na ba?" tanong ng lalaki na nakapwest sa labas ng senado. Nakatingin lamang siya sa mga tagamedia at ilang press na nagkakagulo sa pagpasok sa loob.

"Konti pa..." sagot ng kanyang kausap sa kabilang linya. Binuksan na lamang niya ang kanyang hologram tablet. Nilinis pa niya ang tila letter-L na stick na iyon dahil sa mga piraso ng niyebe na kumakapit. Ipinakita nito ang isang mapa at ang kulay pulang tuldok kung saan naroon ang lalaking nagpapanggap na maintenance.

Pumasok siya sa isang kwarto kasabay ang dala niyang trolley. Sinara niya ang pinto ng kwartong iyon at hinarang ang trolley sa daraanan nito. Pinindot niya ang isang boton sa gilid at gumawa ng iyon ng kaunting ingay. Ang bawat gulong ay tila naging spike na tumusok sa sahig. Lumabas naman ang dalawang tali at tumira paitaas.

"Room secured," wika niya sa kanyang communicator.

"Sige, marami pa tayong oras," sagot ng isang sundalo sa ibaba. Tumalikod siya ng kaunti upang hindi marinig ng mga kasamang militar ang kanyang boses.

Tinanggal ng lalaki ang kanyang uniporme na pang maintenance. Binuksan niya ang kahon at doon ay kinuha ang isang itim na bulletproof vest at jacket. Kinalas niya ang mahabang vacuum cleaner at lumabas ang mahabang nozzle ng isang mahabang baril. Kinalas niya din ang ibabang parte nito at kinuha ang body ng sniper. Yumuko siya at binuo ang sniper na iyon ngunit napatigil siya nang makarinig siya ng katok.

"May tao ba diyan?" tanong ng isang lalaki. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit nakalock na ito. Kinatok niya iyong muli at sinubukang buksan. Doon na naglabas ng handgun ang lalaki at tinigil ang pagbuo ng baril.

"Hindi yata dito ang banyo eh," sagot ng lalaki mula sa kabila.

"Baka doon..." sagot ng kanyang kasama. Napahinga naman ng malalim ang lalaki at sinukbit na lamang ang handgun sa kanyang bewang at muling binuo ang sniper. Huli nitong inilagay ang silencer na sa dulo ng baril. Kinuha ang isang scope at inilagay sa kanyang ulo. Ginamit niya ang night vision mode at saka naglakad sa loob ng madilim na kwarto. Ang tangi niyang hinahanap ay ang hagdan patungo sa itaas. Hindi siya nabigo, nasa gilid ang isang maliit na hagdan. Nilawakan niya ang kanyang hakbang upang hindi maapakan ang mga nakakalat na gamit sa paligid. May mga panlinis sa loob ng kwartong iyon at iba pang ginagamit upang panatilihin ang kalinisan sa loob ng senado.

"Magsisimula na siya," wika ng kanyang kasamahan sa kanyang communicator.

Tinapik muna ni President Nico Rivera ang kanyang mikropono. Pinalipad naman ng ilang mga reporter ang kanilang mga drone camera. Panay na ang flash ng mga camera mula sa ibaba at sa itaas.

"M-Miss Angela. Bakit po kayo nandito?" tanong ng isang body guard na nakasuot lamang ng coat at salamin. Nakalagay din sa kanyang tenga ang isang communicator.

"Gusto ko lang manood Gustav. Gusto kong malaman ang plano ni papa," sagot ng dalaga.

"P-pero delikado po ngayon dito! Code red tayo...hindi puwedeng..."

"Ano ba ako Gustav?" mataray na sagot ng dalaga.

"E-eh...kayo po ang anak ng presidente."

"Yun naman pala eh. Hayaan mo lang ako dito," sagot niya. Napangiwi na lamang ang bodyguard at tumingin sa presidente na nasa gitna ng bulwagan.

"Magandang umaga...at hindi masyadong maligayang pasko sa inyong lahat," paunang salita ng presidente. Mapagpanggap ang kaniyang ngiti dahil halata sa kanya ang takot at ang kanyang inis. Natahimik naman ang mga tao sa paligid.

"Nakapwesto na ako." Hawak ang isang sniper. Umupo ang lalaking iyon at isinandal ang kanyang baril sa sahig. Gumawa siya ng isang butas at tila nasa kisame na siya ng malaking bulwagan ng senado sa kanyang nakikita. Kinuha niya ang isang malaking mesa na nakabagsak sa sahig at ginawa iyong sandalan. Huminga siya ng malalim nang ilabas niya ang dulo ng baril sa butas at inayos ang kanyang scope.

"Maghintay ka lang ng kaunti," wika ng isa sa mga sundalo na nakalinya sa harap ng presidente. Napatingin na lamang ang kanyang katabi dahil narinig niya ng bahagya ang kanyang sinabi.

"Ano ulit?" tanong niya.

"A-ahh wala...sana matapos 'to agad," paliwanag niya na lamang.

"Matatapos 'to agad..." sagot naman ng lalaki na may hawak na sniper habang nakangiti. Napayuko na lamang ang sundalo at pinigil ang kanyang ngisi dahil sa sagot ng kanyang kasama.

"...malaki nga ang krisis na kinakaharap ng ating bansa. Alam kong marami na ang mga napapagod mula sa hanay ng ating mga sundalo. Pangalawang press conference na rin ito mula pa kagabi at kung uulit-ulitin ay wala akong angal...gusto ko lamang matapos ang gulong ito. At madala na ang mga bid sa bid district sa Antipolo.

"Sir may mga nakuha kaming impormasyon na balak niyo daw pong bombahin ang subway station para mahuli ang mga rebelde. Gaano ito katotoo?" tanong agad ng isang babaeng reporter. Ngumiti na lamang ang presidente at nagsalita.

"That is an option. Ngayon kung alam nila ito...sinasabi ko sa kanila ngayon. Sumuko na sila. Magbibigay ako ng limang oras pa. Walang kumikilos sa ating mga kapulisan at mga miyembro ng militar sa ngayon. Napag-usapan na namin ang lahat," sagot ng presidente.

"Bigyan niyo ako ng signal," wika ng lalaki na may hawak na sniper. Inilagay niya na ang kanyang daliri sa gatilyo at hinihintay na umusog ng kaunti ang dalawang drone na nakaharang sa kanyang scope.

"Easy lang..." sagot naman ng sundalo na nakapwesto sa likod ng malaking bulwagan.

"Sir? May balita pa po ba kayo kay Black Out? At may balita na po ba sa misteryosong lalaki na tumulong daw sa kanya?" tanong ng isa pang lalaking tagamedia.

"Wala pa. Hinahanap pa rin sila hanggang sa ngayon. Hindi pa sigurado ang mga impormante ko tungkol diyan."

"May visual na ako sa target. Signal niyo na lang ang kailangan ko." Tila nanginginig ang daliri ng lalaking iyon habang unti-unting inaatras ang gatilyo ng sniper.

"S-sandali! May nangyayari dito," sagot ng kanyang kasamahan na nakapwesto sa labas. Tinanggal naman ng lalaki ang kanyang daliri sa gatilyo ng baril.

"Bakit?" tanong niya.

Isang magarang pulang hover car ang huminto sa labas ng Senate of the Philippines. Agad iyong hinarang ng mga sundalo. Itinutok ang kanilang mga baril at nagulat nang lumabas ang may-ari ng sasakyan.

"Mr. President. Paano naman po ang pagkakakilanlan ni Black Out?! Hindi ba't sinabi niyo sa media na nahuli na si Black Out? May eksplanasyon na ba kung paano siya nakatakas?" Napalunok ng kaunti ang presidente ngunit ngumiti na lamang upang pagtakpan ang kaba.

"Dahil hindi naman talaga ako si Black Out..."

Isang boses ang umalingawngaw sa likod ng bulwagan. Isang lalaki na nakaitim na trench coat, nakagwantes na itim, top hat at ang gintong baston ang kanyang bitbit. Nasa likod niya ang mga sundalo na nakatutok pa rin ang mga baril. Nanlaki na lamang ang mga mata ni President Nico Rivera habang nakatitig sa kanya.

"N-nakikita niyo ba ito? Si Dylan Ford!" sambit ng lalaki na may hawak na sniper. Tinutok niya ang kanyang sniper sa binata at tiningnang maigi ang mukha ng binata.

"S-siya nga..." sambit ng sundalo. Napaigtad na lamang ang iba at tinutukan din siya ng baril. Tinaas naman ni Dylan ang kanyang mga kamay habang hawak sa kaliwa ang kanyang baston.

"Hindi ako nandito para kumitil ng buhay...gaya ng ibinibintang niyo sa akin," sambit niya. Tinutok ng mga tagamedia ang kanilang mga camera sa binata.

"Nandito ako para linisin ang pangalan ko...na dinungisan mo...mister president," dagdag pa niya. Binaba niya ang kanyang mga kamay at naglakad patungo sa gitna.

"Imposible! Hulihin niyo ang taong 'yan!" wika ng presidente na halos pumatak pa ang laway sa mikropono sa sobrang kaba at galit.

"Hahaha...sige. Gawin niyo..." paghahamon ng binata. Hindi naman kumilos ang mga sundalo. Hindi nila alam kung totoo nga ba ang sinasabi ng binata o isang kasinungalingan lamang.

"Bakit hindi niyo magawa? Dahil alam niyo na hindi ako si Black Out. Pumasok kayo sa pamamahay ko, sa bahay ng aking ama. Pinalabas niyong nahuli niyo ako, para ano? Para may mapagbintangan? Para may sumalo ng lahat ng sisi sa mga patayang nangyari. Kinailangan niyong dungisan ang pangalan ko," wika ng binata. Napakunot naman ang ilang mga tagamedia at tumingin sa presidente.

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni President Rivera.

"P-Pa?" sambit ni Angela, ang kanyang anak. Napatingin na lamang siya sa mga tagamedia na tila nagdududa na sa kredibilidad ng presidente. Nakakarinig na siya ng bulong-bulungan at ang iba ay nakasimangot na.

"Hindi natin puwedeng hayaan na umalis siya sa pwesto niya. Nagagalit na ang mga tao dito...baka umalis siya!" wika ng lalaki na nagpapanggap na sundalo. Muli namang tinutok ng lalaki na may hawak na sniper ang kanyang baril.

"Totoo...'di ba? Mister president? Sino ang nag-utos para halughugin ang bahay ng aking ama? Sino ang taong nagpanggap bilang ako?" sa pagkakataong iyon ay galit na si Dylan. Matalas ang pagkakatitig niya sa presidente. Ang ilang mga myembro naman ng media ay tila naiinis na rin.

"Ano ba talaga?"

"Sino ba talaga si Black Out?"

"Nakatakas ba o talagang hindi nahuli?" bulong-bulungan ng iba.

"Ikaw si Black Out! Matapos ng insidenteng 'yon, nasaan ka? Nasaan ka?! Nawawala ka! Dahil ikaw si Black Out! Nahuli ka ng mga militar pero nakatakas ka!"

"Hahahaha! Bago ko sabihin sa 'yo...gusto muna kitang batiin ng maligayang pasko. Ngayon, baka naman alam mo na kung bakit wala ako at kailangan ko pang bumalik dito para ayusin ang lahat," wika ng binata.

"Sinungaling ka Nico Rivera!"

"Pinaniwala mo kaming lahat!"

"sinungaling ka!" bahagyang nagkagulo ang mga tagamedia at ilang miyembro ng press. Sinubukan nilang tumayo at lumapit ngunit hinarang sila ng mga sundalo. Napaatras naman ng kaunti ang presidente at luminga-linga sa paligid habang pinagpapawisan ng malamig.

"Wala na tayong oras! Ngayon na!" wika ng kasamahan ng lalaki na may hawak ng sniper. Nakaharang naman sa kanyang lente ang isang drone.

"Oo sandali lang!" sambit niya.

"Ngayon mo ipagtanggol ang sarili mo...Nico Rivera," bulong naman ni Dylan habang nakangiti.

Mula naman sa bulwagan ay sumulpot ang anak ng presidente na si Angela. Nag-aalala siya sa nangyayari at tila hindi makapaniwala sa sinasabi ni Dylan Ford. Tumingin na lamang siya sa kanyang ama at sunod ay sa mga miyembro ng media na nagkakagulo.

"May visual na ulit ako..."wika ng lalaki na may hawak ng sniper. Inatras niya ang kanyang daliri sa gatilyo. Tila kumislap naman ang lente nito at agad na naaninag ni Angela. Nagkasalubong na lamang ang kanyang mga kilay bago nanlaki ang mga mata nang makitang isang sniper ang nakatutok sa kanyang ama.

"PAAAAAA!" sigaw niya habang tumatakbo.

"Ngayon na bilis!" utos ng sundalo na nakauniporme at nagpapanggap na pinipigil ang mga tagamedia.

"Anak?" nagtataka naman ang presidente kung bakit alalang-alala ang kanyang anak na tumatakbo patungo sa kanya.

*TSUG!*

Hinigit ng lalaki ang kanyang sniper. Tila bumagal naman ang lahat nang makita ni Angela ang pagliwanag ng bibig ng sniper na iyon. Agad niyang ibinuka ang kanyang mga kamay at hinarang ang kanyang sarili. Tumama na lamang ang bala sa ulo ng dalaga at agad siyang napasandal sa kanyang ama.

"A-Angela?"

Hindi makapaniwala ang presidenteng si Nico Rivera sa kanyang nakikita. Puno ng dugo ang memory gene ng kanyang anak. Basag pa ito mula sa loob at ang mga numero ay naglalaro na lamang hanggang sa unti-unting maging 'zero' ang lahat.

"ANGELAAA!" sigaw ng presidente.

Agad namang umakyat sa bulwagan ang isang sundalo at pinaputukan ang pinanggalingan ng bala. Nagsidapaan ang mga tagamedia at ang ilan pa sa kanila. Nagtilian ang iba at nagsigawan. Iniwan naman ng lalaki ang kanyang sniper at agad na bumaba. Kinuha niya ang kanyang handgun at pinaputukan ang isang digital lock ng isang pinto. Sinipa niya iyon at agad na pumasok sa loob.

"Nalintikan na!" wika ng sundalo na kanyang kasabwat.

Naiwan namang nakatayo si Dylan habang pinagmamasdan ang nangyayari. Hindi niya rin alam kung sino ang mga tao sa likod ng pag-atakeng iyon. Tumingin na lamang siya sa presidente na kasalukuyan namang nakatitig na ng masama sa kanya.

"Ikaw...IKAW ANG MAY PLANO NITO! IKAW ANG GUMAWA NITO SA ANAK KO!" Halos malunod sa luha, uhog at laway ang kanyang mukha habang nakatitig kay Dylan. Napasimangot naman ang binata habang kalamdong nakatayo pa rin sa kanyang puwesto.

"MAGBABAYAD KA! MAGBABAYAD KAAAAAA!" Sinubukang tumayo ng presidente upang sugurin ang binata ngunit hinarang lamang siya ng kanyang mga bodyguard.

"Buwisit!" Ang isa sa mga sundalong nagpapanggap ay naglabas ng baril at itinutok sa presidente. Alam niyang dadalhin na siya sa lugar kung saan hindi na siya mahahabol. Nagpaputok siya ng baril ngunit tumama lamang iyon sa katawan ng bodyguard.

"Hindi na ligtas dito! Umalis na tayo!" sambit ng isang sundalo na nakakapit sa presidente.

Agad namang naglabas ng baril ang isang sundalo sa likod ni Dylan. Naglakad siya at inalpasan ang binata at nagpakawala ng bala sa loob ng bulwagan.

Ngumiti na lamang si Dylan at tumalikod. Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa kaguluhan na nagaganap.

"Buwisit! Ilan ba sila?!" tanong ng isang sundalo mula sa panig ng militar. Nagsisisigaw ang mga tagamedia at ang mga tao sa loob habang nagpapalitan ng mga tingga ang mga militar at ang grupo ng rebeldeng New Order.

"Dylan? Dylan Ford?" isang lalaking nakasuot ng makapal na hood ang agad na lumapit sa binata nang makalabas na siya sa bulwagan.

"Pasensiya na...hindi kita kilala," sagot ng binata.

"Kami ang New Order. Kailangan na po nating umalis dito." Hinatak na ng lalaking iyon ang braso ng binata ngunit inangat lamang ni Dylan ang kanyang braso. Napaharap na lang muli ang lalaki at nagtaka.

"Hindi ako nakikipaglaban para sa mga rebeldeng katulad niyo," sagot niya.

"Alam namin na ang lahat ng sinabi mo kanina ay mga kasinungalingan...para lituhin ang lahat. Alam namin na ikaw ang nagligtas sa mga bid na naroroon," paliwanag ng lalaki.

"Nagkakamali ka. Hindi ako si Black Out." Naglakad lamang palayo ang binata habang hawak ang kanyang baston na ginagawa niyang pangtukod.

"Black Out!" sigaw ng lalaki. Hindi siya natinag sa mga paliwanag ng binata.

"Sinabi mo ang lahat ng 'yon...para matuon ang pansin nila sa 'yo. Sinabi mo ang kasinungalingang iyon para ibaling ang atensyon ng militar at itigil ang planong pambobomba sa EDSA. Gusto mong makuha ang atensyon nila, ituon ang pansin kay Black Out, para mailigtas sila. Tama ba?" wika ng lalaki. Tumigil si Dylan at bahagyang tumingin sa kanyang kausap. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay upang hawakan ang kanyang top hat at yumuko ng marahan. Muli siyang naglakad palayo upang makaalis na sa lugar na iyon. Ngumiti naman ang lalaki at napaluha ng kaunti.

"S-salamat..." ang kanyang naibulong. Tuluyan namang naglaho si Dylan sa kumpol ng umuulang niyebe at sa mga sundalong reresponde sa pangyayari sa loob ng senado.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 14.3K 60
Highest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one sto...
967 370 37
In an unexpected encounter, I found myself captivated by your presence. Amidst the sea of people passing by, it was only you who caught my attention...
ALTERSEVEN By MM

Mystery / Thriller

106K 4.8K 62
[Formerly 'Gangster Nerdie'] || Mystery • Thriller • School • Romance || Joshua Rilorcasa is your typical nerdie guy in thick black glasses, taking...
48.5K 2.5K 57
The game all about revenge The dream that turns out to be a nightmare The stranger you need to fight To save your own life ▶D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪa̐̾͗...