Lost Phantasia: The World of...

By trickypencil

24K 1.4K 389

Synopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azurega... More

Author's Note
Prologue
Lost Phantasia Overview
Chapter 1: The Great Thief (Revised)
Chapter 2: Fairy of Goesa (Revised)
Chapter 3: Ivonel Auerwen (Revised)
Chapter 4: Ibon at Uling (Revised)
Chapter 5: Heart Beat (Revised)
Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)
Chapter 7: The Culprit, Part 2 (Saving Garen) [Revised]
Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)
Chapter 9: Potential, Part 1
Chapter 10: Potential, Part 2 (Jacob Koddar)
Chapter 11: Potential, Part 3 (Head Master)
Chapter 12: Laraym Academy
Chapter 13: New Students
Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)
Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)
Chapter 17: SECRET PLAN
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Bad Feelings
SPECIAL CHAPTER (Halloween Special)
Chapter 20: Why?
Chapter 21: Avoidance
Version 2.0
Hello Guys, Try to Update

Chapter 16: His Confession

522 51 30
By trickypencil

A/N: Huhuhu nagpapasalamat ako sa mga nagvovote ng story ko at sa mga nagbabasa .. hayaan niyo po mas lalo ko pang pabubutihin ang story na ito ..

please guys comment kayo free to critics my work if may panget or something you know!! just please let me know.

Nagpapasalamat din ako sa mga taong nangamusta sa kalagayan ko :)

salamat

:) enjoy my update guys :)

===========================
Author: Ano kaya mangyayari na nagkaharap na ang dalawa? Matagal din di nagkita. Kahit ako kinakabahan sa mga mangyayari.

Halina't subaybayan natin ang magiging ganap sa kabanatang ito.

-*-*-*-*-
AUTHOR's POV (Author ang Magkekwento)

Nagkita narin sa wakas ang dalawa.
Parehong kinakabahan. Parehong di malaman ang gagawin.

Habang si Ivon gulong gulo ang utak kung tutugon ba siya sa pangangamusta ni Lark o tatakbo nalang palayo. Habang si Lark naman parang ano mang oras ay maiihi na sa kaba.

Perehong pinagtitinginan ang dalawa ng mga estudyante na nandodoon at bakas sa mukha ang pagtataka dahil sino nga naman si Lark na isang baguhan ay kausap ang isa sa pinakamalakas na Sorceress ng Laraym Academy at prinsesa pa ng bayan pero binalewala lang nito ni Lark dahil ang mahalaga nasa harap niya ang babaeng matagal na niyang gusto makausap at makita.

Tama yan Lark deadma lang!

Kapansin-pansin naman kay Ivon na di mapalagay kaya naman agad ng kumilos mismo si Lark para kausapin ito.

"A-ah Ka-Kamusta na Ivon, tagal narin noong huling tayo nagkita. Ah! Magkaklase rin pala tayo sa ibang subject. aah he-he-he... kainis bakit ganito ako.. nako naman" Sinubukan maging masaya ang tono ng pananalita ni Lark pero di parin mawala ang kabang nararamdaman.

Habang si Ivon naman ay parang nagulat sa biglang pagsalita ni Lark. Gulong-gulo na ang isipan niya at di malaman ang gagawin. "A-Anong gagawin ko? Ngingiti ba ako? waaaaaaaah Ivonel Aerwen huminahon ka. Hingang malalim...

Huuuu-haaaa ...

tama tama isa pa
Huuuuuuuuu-haaaaaaaaa teka—anong amoy yun?"

Habang kausap ni Ivon ang sarili. Bakas naman sa mukha ni Lark na naguguluhan.

"Teka anong ginagawa ni Ivon?" tanong sa sarili ni Lark.

Pinagmamasdan kasi ni Lark ang ginagawa ni Ivon. Oo mga kaibigan mukhang tanga si Ivon sa ginagawa niya. Habang humihinga na Malalim kasabay nito ang pag angat ng kamay sa ere habang humihigop ng hangin at ibaba naman kapag bubuga.

Naalarma nalang ito ng biglang nasamid si Ivon kaya agad ito nilapitan at tinapik ang likod

"Ivon, Ivon ano ayos ka lang ba" pagaalalang tanong ni Lark. Himas himas ni Lark ang likod ni Ivon upang guminhawa ang pakiramdam.

Ngunit mga kaibigan. Oo mga kaibigan. Mas-Lalo—

"Kuya Author, Ang gulo mo mag kwento. Ano yan? Isang Announcer sa isang palaro? Saka saan mo naman nakuha ang Mikropono at... itong lamesa, seryoso?" -taas kilay na sinabi sa akin ni Philip habang nakapamewang.

"O Philip, Nandyan ka pala. Halikat samahan mo ako dito dali may magandang mangyayari." hikayat ko kay Philip ngunit imbes na lumapit sa akin ay nag tawag pa ito nang dalawang malalaking kasama.

"Patawarin mo ako Kuya Author pero nakakasira ka ng kwento." Bagot na sabi ni Philip. "Sige na damputin na yan paki ingatan at siya parin ang author ng kwentong ito." Utos niya sa dalawang naglalakihang katawan na lalaki. Teka ano to?

"O-o-oy Teka, ano ito?" sabay takang lumingon ako kay Philip. "Teka bakit niyo ako hawak sa mga braso. Sa-saglit laaaaang . Ooooy Philip sagleeeeeet ano ba." Sigaw ko kay philip habang buhat buhat ako ng dalawang naglalakihang bato bato este mga lalaking ito. At tuluyan na ako nawala sa eksena.




THE END
-*-*-*-*-*-
Philip's POV

"Haaaaaay... tsk tsk tsk. Ako na ang humihingi ng Dispensa sa Kabaliwan ng ating mahal na kuya author -____-" ibabalik ko na sa dating takbo ang kwento kaya sana i-enjoy niyo ang kabanatang ito" wink

******
Lark's POV

"Ehem-Ehem" Bigla na lang ako nataranta ng maubo si Ivon. Ano ba kasi ginagawa nito? Ayan tuloy.

Kaagad ko naman siya nilapitan para himasin ang likod hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya.

"Ayos ka lang ba Ivon?" bahagyang tumango naman siya habang himas ko ang likod niya at ng bumuti ay nag-ayos na siya ng sarili kaso...

"Ah Sige may pupuntahan muna ako. Si-Sige Lark mauna na ako." Aniya at Mabilis tumakbo papalayo.

Naiwanan naman akong nakanga-nga hanggang sa nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko. Haaaay mukhang di pa niya nakakalimutan mga sinabi ko noon sa kanya.

Napasabunot nalang ako ng buhok sa inis. Pagangat ko tingin ay nakita ko may mga ilang estudyante nakatingin sa akin na nawiwirduhan ang iba naman natatawa pero di ko nalang pinansin at nakapamulsang umalis sa lugar na iyon.

"Di ako susuko sayo Ivon. Kahit abutin pa habang buhay ang paghingi ko ng tawad. Di ako susuko suyuin ka." at tuluyan na ako pumunta sa susunod na klase..

****
Garen's POV

Tsk Tsk Tsk... Ako nahihirapan sa dalawang ito. Mukhang Malabong magkakausap ang dalawang ito. Halata naman sa ibong yun na iniiwasan niya si Lark. haaaaaay bahala nga silang dalawa. Basta ako dito lang sa ilalim ng puno at matutulog.

zzzzzZzzzzZZzZ

****
Lark's POV

aaaaaaaarggggh!! bakit ganon? Lumipas na ang ilang klase. Di ko parin siya nakikita?

Asan na kaya Siya tinataguan ba niya ako? Ivon naman wag mo naman akong pahirapan.

"Ay hindi, kakayanin ko ito. Kaya mo yan Lark. Tama, Lark Huwag kang susuko. Huwag mo palipasin ang araw na ito na di kayo nagkakausap ng maayos. Tama buo na diterminasyon ko makikipag ayos ako kay Ivon." Sinampal sampal ko ang mukha ko. Buo na ang loob ko di ako titigil. Kakausapin ko si Ivon kahit anong mangyari kahit lumuhod pa ako sa harapan niya. Di ako susuko.

Hinanap ko siya sa buong Academya. Sa Library. Sa Training Room. Sa Hallway. sa Main Building pero di ko siya makita. Bakit ganon asan siya nagtatago.

Alam ko may galit siya sa akin. Masakit ang mga nabitiwan kong salita sa kanya. Pero kaya nga ako naririto at sinundan siya para patunayan na di totoo lahat ng mga sinabi ko, na nadala lang ako ng Galit at takot dahil sa katayuan namin sa buhay. Pero kaya ako nagsisikap ngayon para balang araw maipagmalaki niya ako na may mukha akong maihaharap sa kanya.

Ivon nasan kana ba?

Nandito ako ngayon sa isang hardin ng Academy. Malawak ito at maganda. Maraming mga estudyante nagpapahinga dito ang ilan naman ay masayang nakikipag kwentohan.

Napapalibutan ito ng mga magagandang bulalak, maraming upuan na pwedeng pagpahingahan at may mga maliliit na fairy na malayang nakakalipad. Napaka mahiwagang ng hardin na ito.

Habang Nagpapahinga at nagiisip kung saan ko pa siya pwedeng hanapin. Ay may Isang Fairy na lumipad sa akin at nakipag titigan sa akin.

Kulay Asul ito at nakakamangha niyang tignan.

"Kamusta ka kaibigan?" Masayang bati ko sa maliit na fairy.

Nakipag titigan muna ito at lumaon ay nakita kong ngumiti ito at nagiikot sa akin na para bang gusto makipag laro. Inilahad ko ang palad ko para duon dumapo. Nang dumapo siya sa mga palad ko ay nilagay ko siya sa akin kaliwang balikat at tumingin sa kawalan.

"Alam mo ba? may isang babae ako hinahanap kaso di ko siya makita. Hahahah tinataguan niya yata ako. Ayaw niya ata ako makita.

Ahahaha... m Ano ba itong pinagsasabi ko sayo marahil di mo naman ako. naiintindihan." Mapait akong tumawa habang kinukwento ko sa maliit na Fairy ang hinanakit ko.

Nilingon ko ang Fairy at nakita ko naman nakatitig lang ito sa akin.

Biglang na lamang ito lumipad at hinila ang daliri ko na parang gusto niya ako dalhin sa kung saan.

"Te-teka lang kaibigan. Ano ginagawa mo?" takang tanong ko sa maliit na fairy. Pero patuloy lang siya sa paghila sa akin. Hirap siyang hinihila ang daliri ko kaya naman sumunod nalang ako sa kanya. Wala naman mawawala kung susundan ko siya sa lugar na gusto niyang puntahan.

"Oo na eto na susunod na ako. Saan mo ba ako gustong dalhin?" tanong ko sa maliit na fairy at lumipad ito patungo sa gustong puntahan. Pahinto hinto ito ng lipad at lumilingon sa akin habang naniniguro na sumusunod ako sa kanya.

Napansin ko na parang papunta kami sa isang Lugar na di pinupintahan ng mga estudyante. Nilingon ko ang maliit na fairy at para bang tinatawag niya ako at bilisan kaya naman tumakbo na ako sa lugar kung nasaan siya.

Pagkalapit ko ay nakakita ako ng isang tulay na nagdudugtong sa kabilang hardin at nababalutan ito ng halaman at lumot.

Nakita kong lumipad papunta sa kabilang dako ng tulay ang maliit na Fairy kaya naman napatakbo uli ako para siya ay sundan. Nang makalagpas sa tulay ay nawala na lang siya sa paningin ko. Sinubukan kong tawagin ang maliit kong kaibigan pero di ko na nakita.

"Kaibigan asan kana?" Sigaw ko pero di ko na siya muking nakita kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Kakaiba ang lugar na ito dahil walang ibang estudyante ang nagagawi dito. at mukhang ako lang nandito.

Naisipan kong bumalik na sana subalit napahinto ako ng may magandang himig ako narinig.

Nilibot ko ang paningin ko kung saan yun nag mumula. Di ko na namanalayan ay kusang lumalakad ng magisa ang mga paa ko patungo sa pinagmumulan ng himig na iyon.

Ang ganda sa pandinig at nakakagaan ng loob. Habang naglalakad ay napapikit ako at dinadama ang bawat himig na naririnig mula sa hangin.

Bawat hakbang ng aking paa ay palakas ng palakas ang himig kaya naman ay nang minulat ko ang aking mga mata ay may nakita akong isang malaking puno at sa sanga niyo may isang duyan at babae nakaupo duon habang dinuduyan ang sarili.

Nakita ko ang maliit na fairy na lumilipad sa palig ng babaeng humihimig kaya naman daha. akong lumakad papalapit.

Nang makalapit ay napalingon naman ang babae kung saan ako nakatayo at napagtanto ko si Ivon ang babaeng iyon.

"Lark/Ivon" sabay naming bigkas.
Gulat siyang napatayo at bahagyang napaatras palayo sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap Ivon" mahinang sabi ko pero sapat para marinig niya ang sinabi ko.

"Ba-Bakit mo ako hinahanap?" tanong sa akin ni Ivon.

"Gusto lang sana kita makausap." di ako makatingin sa mga mata niya. Maraming bagay akong gustong sabihin pero di ko alam kung saan magsisimula.

"Ah-ah ganun ba pasensya kana Lark. Ma-Marami pa akong gagawin. Mauna na ako." Nakita ko mabilis siya tumalikod ngunit mabilis kong hinawakan ang mga braso niya. Napalingon siya sa brasyo na kung saan ko siya hinawakan at binaling ang tingin sa akin.

"Teka lang Ivon. Ma-Makinig ka sa Akin..." Nauutal kong turan. Pero di pwede ito kailangan ko tibayan ang loob ko kaya naman hinawakan ko sa magkabilang balikat si Ivon at mataman ko siyang tinitigan sa mata.
Nakikita ko sa mga mata niya ang pangamba at takot kaya naman agad akong nagsalita para matapos na ang lahat na ito at masabi ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.

"Ano kasi Lark marami pa akong gagawin pakiusap bitawan mo na ako." pakiusap ni Ivon pero di ko siya binitiwan.

"Ivon. Alam ko nasaktan kita nong gabing iyon. Nadala lang ako ng Takot dahil di ko alam kung nararapat ba ako sa isang tulad mo. Isa kang Prinsesa ng Bayang ito at ako naman ay isang hamak na manguumit.

Noong nalaman ko na ikaw pala ang Prinsesa. Natakot ako. Oo, Ivon takot ako na baka di ako karapa't-dapat manatili sa piling mo. Natakot ako na... na magbago ang tingin mo sa akin.

Pero Ivon maniwala ka. Pinangarap kong manatili sa piling mo rin. Di mo ba alam na kung anong saya ang naramdaman ko ng marinig ko ang mga sinabi mo noong gabing iyon na gusto mo manatili sa piling ko pero di ko alam kung magiging maligaya ka ba sa akin.

Pero Ivon nandidito ako sa harapan mo. Nandidito na ako sa Laraym Academy para tuparin ang lahat pangarap ko. Na tuparin ang pangarap ko na maging isang magiting na mandirigma na balang araw ay may bagay akong pwedeng maipagmalaki sayo. Na may mukha akong ihaharap sayo pati sa harap ng ibang tao.

At Tuparin ang pinaka aasam ko sa lahat.

Ang makasama ka habang buhay.



I-Ivon... Ma... Ma... MAHAAAAAAL KITA." Sinigaw ko ang huling katagang sasabihin ko habang matiim na nakapikit.

Habang nakapikit ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nakaramdam ako ng kaba. Sa kabila lahat ng pagtatapat ko mukhang papalpak ata ako kaya naman dahan dahan ko minulat ang mga mata ko.

Nang minulat ko ang mata ko. Nakita kong umiiyak ang babaeng mahal ko at takip ng dalawa niyang kamay ang bibig niya kaya bigla ako nataranta at pinunasan ng hinlalaki ko ang luhang tumutulo sa mga pisngi niya at pinunasan ang mga pisngi.

"Ivon Hu-Huwag kang umiyak pakiusap. Ano ba gagawin ko?

Ivon pakiusap naman oh ayoko nakikita kang umiiyak. Nasasaktan di. ako lalo pa't ako ang dahilan ng mga luhang iyan. Patawad Ivon alam ko di mo akong kayang mahalin kaya tatanggapin ko—" nagulat nalang ako ng bigla niya na lamang ako niyakap ng mahigpit at humagugol ng iyak sa dibdib ko.

"Ivon Patawad na oh. pakiusap hindi na ako mang-gugulo sayo basta tumigil ka lang sa pagiyak" pagaamo ko sa kanya. Masakit para sa akin pero alam ko akong ang dahilan ng pagiyak niya at alam kong di niya akong kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ngunit nakaramdam ako ng sunod-sunod na iling na kinataka ko naman.

"Ivon?" tanong ko sa kanya

Dahan dahan niya inalis niya ang mukha niya sa dibdib ko at tumingala sa akin habang may luha parin na tumutulo sa pisngi niya at kaagad ko naman pinusan yun.

"Pakiusap huwag ka nang umiyak" pagaalo ko sa kanya.

"La-Lark -bakit- -Bakit ngayon mo - -mo lang sinabi ang mga- -bagay na iyan" bigkas niya sa pagitan ng mga hikbi niya.

Naguguluhan ako sa mga gustong ipahiwatig ni Ivon kaya naman hinayaan ko lang siya umiyak hanggang sa tumahan siya.

Nang tumigil ay bigla siya kumalas sa pagkakayakap sa akin at nakipag titigan. Pulang pula ang mata at ilong niya. Gusto ko matawa sa itsura niya kaso di maaari baka lalo biya pang ikagalit. Di ko alam kung iiwas ba ako ng tingin pero di ko inalis ang titig sa kanya.

"Ano sabi mo Lark?" biglang tanong niya sa kin

"Hah!" yun na lang ang naging sagot ko. Narinig ko ang tanong niya kaso di ko alam kung ano tinutukoy niya sa mga sinabi ko.

"Anong ang Huli mong Sinabi sa akin Lark?" Seryoso niyang tanong.

Di ko alam pano ko sasagutin ang tanong niya. Alam ko na ang tintukoy niya at yun ang sinabi kong Mahal ko siya kaso di ko na kayang sabihin kaya naman napayuko na lang ako.

"Ano sasabihin mo ba ulit o iiwanan kita dito?" May inis sa tono ng pananakita nito subalit tumagal ang ilang sigundo at di parin ako sumasagot.

"Ayaw mo talaga magsalita pwes aalis na ako." Akmang tatalikod na sana siya ngunit kaagad ko siya napigilan at tumitig sa kanya.

Wala na akong magagawa kaylamgan ko nang sabihin. Tatanggapin ko nalang ang kahihinatnan nito. Basta sinubukan ko na ang lahat di naman ako sumuko lumaban naman ako pero bahala na.

Umayos ako ng tayo at hunarap sa kanya. Ngayon ay harapan kaming nakatayo sa isa't-isa at nakatingin sa kulay tsokolateng mga mata niya. Ito na wala nang atrasan to.

"Mahal Kita Ivon" seryosong sambit ko

nagkaroon ng katahimikan at ni isa sa amin ay walang nagsalita o umalis sa kinatatayuan at nanatiling nakatitig.

tumagal ng ilang sigundo ang titigan at nang malipas ang ikang segundi ay sumilay ang isang matamis na ngiti ni Ivon. Isang ngiti na nagpaliwanag sa buong paligid. Isang ngiti na kayang magpagaan ng loob ng sino man. Isang ngiti na inaasam ko muling makita.

Dahan dahan siya lumapit sa akin at ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin.

Namalayan ko na lang ay may malambot na bagay na lumapat sa aking labi. Isang matamis na halik ang binigay sa akin ni Ivon. Napapikit ako at ramdam ko parang nay dumaloy na kuryente sa katawan ko habang pareho namin dinadama ang halik ng bawat isa.

Isa

dalawa

tatlo

apat

.

.

.

.

.

Sampo

Sampong segundo ang tinagal ng halik na iyo. Nang bumitaw ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni Ivon. Puno ito ng kaligayahan sa mata niya.

Nang mahabol muli ang hininga namin ay sumilay muli ang matamis na ngiti ni Ivon na bagay na pinaka paborito ko sa kanya at salitang nagpalundag ng aking puso na kailanman ay hindi matutumbasan ng ilang mamahaling bagay sa mundo at ang bagay na iyon ang pinakamasyang narinig ko sa tanan ng buhay ko.

"Mahal din kita Lark"

*********

yeeeeeeees nakapag update din.. waaaaaah ang babaw ng chapter na ito pano ba ito gusto ko pa ayusin ito huhuhuhu tagal ko kasing di nakapag update isang linggo

sorry talaga guys ahhh sana magustuhan niyo parin ito..

please guys leave a comment na malaman ko panget o nagustuhan niyo ang chapter na ito

paki vote narin if like niyo ang chapter na ito.

hahaha guys pasensya na sa pagsingit ko sa kwento. gusto ko lang kasi masaksiha ang mangayayari kaya nandon ako hehe

pero mas lalo pa ata gumulo ang kwento.

Humanda sa akin yang Philip na yan may araw rin sa akin yun.

pero salamat sa mga nag alala at nangamusta :)

salamat sa inyo :)
mahal ko kayo

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

83.8K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...