Love in a Rush (Completed/ Pu...

By Canterlot_City

1.1M 13.2K 1.2K

#lovestory #romance #tagalog #twins #onenightstand #mayforever #complete #kilig #Gerard #Shayla Disclaimer: T... More

Love in a Rush I
Book Review
Message
♥Prologue♥
♥1♥
♥2♥
♥3♥
♥4♥
♥5♥
♥6♥
♥7♥
♥8♥
♥9♥
♥10♥
♥11♥
♥12♥
♥13♥
♥14♥
♥15♥
♥16♥
♥17♥
♥18♥
♥19♥
♥20♥
♥21♥
♥22♥
♥23♥
♥24♥
♥25♥
♥26♥
♥27♥
♥28♥
♥29♥
♥30♥
♥31♥
♥32♥
♥33♥
♥34♥
♥35♥
♥36♥
♥37♥
♥38♥
♥39♥
♥40♥
♥41♥
♥42♥
♥43♥
♥44♥
♥45♥
♥46♥
♥47♥
♥48♥
♥49♥
♥50♥
♥51♥
♥52♥
♥53♥
♥54♥
♥55♥
♥56♥
♥57♥
♥58♥
♥59♥
♥60♥
♥61♥
♥62♥
♥63♥
♥64♥
Epilogue
Etched in Project Happyness' Heart
Message from Ardy & Shayla
Some time Ago in High School
Love In A Rush II
Loving Mr. Elusive
To Have and To Hold
Coldhearted

Falling Like A Fool

9.5K 53 7
By Canterlot_City

"Sometimes, you fall in love with the most unexpected person; and love finds you at the most unexpected time. Then, you find your world upside-down, your scruples thrown outside the window, and running for your life, all because of Matteo Pontes." - Tatania Heather Sia

Tanya needs to break away from the pressures in her life: financial problem due to her father's gambling and womanizing, her parents' divorce, arranged marriage, and law school. So, she decided to go to the US and help in the preparation of her cousin and best friend's wedding to take her mind away from all of it.

En route to the venue of the wedding affair, she encounters the arrogant Matteo Pontes na pinsan pala ng kanyang best friend na si Shayla. Walang araw na hindi siya pinikon o nilandi ng mala- demi god na mokong, gunggong, at damuhong iyon.

She tries to convince herself to despise the irresistible Matteo. However, she still finds herself helplessly falling like a fool for his dangerous charms, and is willingly risking her virtue, heart, and even her very own life.


CHAPTER SEVENTEEN

Sinubukan kong hubarin ang pantalon ni Matteo pero hindi ko kinaya hilahin ang pantalon niya. Ang bigat pala ni Matteo. Naisip ko tuloy yung mga pagkakataon na he was on top of me, hindi naman ako nabibigatan sa kanya. Yun pala, kinokontrol lang ng braso niya para hindi ako mabigatan? Hindi ko alam kung mata-touch ba ako o lalo akong maiiskandalo sa demi-god na ito.

Kahit nahihilo ako at parang napapapikit ang mata ko, pinilit kong kunin ang plastic sa ilalim ng kama ni Matteo na kaninang umaga ay palihim kong nilagay dito. Inilabas ko ang nanny uniform at ang super glue tapos tinanggalan ko na si Matteo ng polo.

Kahit hirap na hirap ay natanggal ko namana ang polo shirt niya at pantalon. Sa pagkakita ko ng kabuuan niya ay kinilig ako at mahinang tumili. Guwapo na matipuno pa ang katawan!

Napakagat ako sa mga kuko ko habang tinitigan ang katawan ni Matteo. Napaisip tuloy ako.

Ang yummy! Tulo laway! Nakakabaliw! Rapin ko kaya 'to? Sayang kasi ang pagkakataon!

Hindi kinaya ng eyes ko titigan ang katawan ni Matteo!

Paksheeeeeyt ang katawan nitong lalaking ito!

"My eyes! My eyes sinned!" Nasambit ko habang pinipilit na huwag tumingin sa kabuuan ni Matteo. Nadedemonyo kasi ang isip ko! Sine-seduce ako ng katawan ni Matteo! Kasalanan ito ni Matteo! Huhu!

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Ang sarap mo kasi eh! Grabe!" Naisip ko at nahiya ako sa sarili kong sinasabi. Hindi ko napigilan at sinampal ko ang sarili ko sa kahihiyan para matigil na ang kalokohan ko. "Aray!" hikbi ko na bahagyang natauhan. I deserve it naman dahil parang manyak lang ang peg ko!

Itinuloy ko na lang ang pag-suot ng damit sa kanya. Pinilit kong iiwas ang tingin ko sa katawan ni Matteo habang binibihisan ko siya ng nanny uniform na ayaw sumara sa laki ng chest nuya.

Hindi ko na pinilit pang magsara ang damit ni Matteo. Kinuha ko na lang ang super glue at ibinuhus sa buong chest niya, habang ang mukha ko ay nakatingin sa bintana para hindi na ako maka-isip ng kahit ano, lalo na ang chansingan si Matteo.

"Hahaha! Ang balbon mo pa naman!" Napapatawa kong sabi habang nilalagyan ng superglue ang buong dibdib ni Matteo. Pero habang nilalagyan ko siya na hindi nakatingin sa katawan niya ay napansin kong umiikot ang paligid at hindi ko mapigilan ang mapapikit hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising lang ako ng narinig ko ang malakas na boses ni Matteo. Nagmumura siya in Portuguese. Kahit hindi ko naintindihan, alam kong nagmura siya. Saglit akong na-disorient kung nasaan nga ba ako, at nang bahagya akong mayugyog ni Matteo sa pagpilit niyang bahagya akong itulak papalayo sa kanya, ay na-realize kong nakapatong ako kay Matteo at nakadikit ang mukha ko sa may bandang abs niya.

"F***! @*^+{} &&()%!" Napasigaw si Matteo nang maramdaman nito na nakadikit ang mga balahibo nito sa mukha ko.

"Will you stop cussing!" Asar kong sabi sa kanya habang pinipilit din na ilayo ang pisngi ko sa abs niya. "Parang brazilian wax lang yan 'no!" Sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko ang mabilis na baba taas ng tiyan ni Matteo kaya nayugyogyog ang ulo ko.

"I do Brazilian wax, and it's not as painful as having my skin ripped off. And besides, I need to pee. Now." Sagot niya sa akin.

"Pee?" nanlaki ang mata ko.

Paano nga naman siya iihi kung magkadikit kaming dalawa? At paano rin ako iihi kung nakadikit ako sa kanya?

"Oh no!" Impit kong nasambit.

Biglang bumukas ang pintuan. Si Gerard pala iyon kasama si Shayla. Nagulat ang dalawa sa histura namin.

"Oops, sorry!" Sabi Gerard sabay pinatalikod si Shayla. Lalabas na dapat sila ng kuwarto. Akala ata nila ay may ginagawa kaming dalawa ni Matteo.

"Wait! Wait! It's not what you think." Kalmadong sabi ni Matteo.

"Shay! Gerard! Help! We're stuck together." Pakiusap ko habang ang pisngi ko ay nasa abs ni Matteo at at ang ibang parte ng buhok ay nakadikit sa dibdib ni Matteo.

"Anong nangyari?" tanong ni Gerard sa amin, at humarap na silang dalawa ni Shayla sa amin.

"This woman glued me to bed!" Sumbong ni Matteo. "I don't understand why she has to glue me on the bed if she wanted me. She only had to tell me." Iiling iling niyang sabi.

Ang kapal ng mukha ni Matteo! Naisip ko habang namumula.

I had to think of something to defend myself. "It was just a prank because you made us wear nanny uniforms!" Defensive na sagot ko.

"So, how did you end up like that?" natatawang tanong ni Gerard habang sinusubukan akong i-angat sa may bewang papalayo kay Matteo.

Naramdama ko na nakadikit ang pisngi ko kay Matteo, at sa paghila ni Gerard ay nasaktan ang pisngi ko at anit. "Aray!" reklamo ko kay Gerard na pinipilit akong hilahin papalayo kay Matteo. "Nilasing kasi naming mga girls yung mga pinsan ni Shayla. Nilagyan namin ng pampatulog yung bote ng iniinom nila..." Naiiyak kong paliwanag.

"When I felt dizzy, I told Marcus that we should switch our bottles with these girls to give them a taste of their own medicine, but I got knocked out first. Tanya must have fallen asleep while trying to do this nanny uniform prank." paliwanag ni Matteo na natatawa.

"But you consumed both beers too." Pagtataka ko. "Why did you consume the other beer when you knew all along that it had a sleeping drug?"

Hindi nagsalita si Matteo. Bumuntong hininga lang siya, bago iniba ang topic. "I wonder how the others are?"

Hindi ko naintindihan kung ano ang intensyon o motibo ni Matteo para inumin pati ang beer na may sleeping pill, at hindi ko na rin mapag-isipan pa iyon ng mas malalim dahil naramdaman ko na naiihi na rin ako.

Pipigilan ko sana pero nararamdaman ko na malapit ng lumabas ang ihi ko. "Ugh! Can you just help me please? I really need to pee!" Pakiusap ko kay Gerard at Shayla.

Tinulungan ako ni Gerard na dahan dahan akong ini-angat mula kay Matteo habang si Matteo ay umalalay lang sa pagtayo namin para hindi mahila ang magkadikit naming balat. Bahagya akong nakayuko at sinusuportahan lang ni Matteo ang beywang ko habang sinubukan namin tumayo na magkadikit. Pero hindi ko alam kung paano ako makakapunta ng bathroom na nakabend habang nakadikit kay Matteo.

"We-wait!" Sabi ko. "How am I going to pee?" pinilit kong ipitin ng hita ko ang pantog ko para mapigilan ang pag-ihi ko.

"With him." Simpleng sagot ni Gerard.

"Are you serious?" gulat kong tanong sa pinsan ko.

"Unless you can still hold it hanggang sa magkahiwalay kayo ni Matteo?" si Gerard iyon. Hindi ko na makita ang hitsura ni Gerard dahil mas mataas siya sa akin. Napatingin na lang ako kay Shayla na kinakagat din ang mga kuko sa pag-aalala sa akin. Alam ko sa histura ng kaibigan ko na hindi rin nito alam kung paano kami matutulungan.

I felt defeated. "Waaah! Ardy naman!" Naiiyak kong sabi.

"Sa susunod kasi 'wag niyo na gagawin yan mga pranks na ganyan. Ang pilya ninyo talaga!"Natatawang sermon ni Gerard sa akin.

Si Matteo naman ay parang naawa sa akin. "How do we remove this super glue?" tanong nito.

"Warm soapy water." sagot ni Gerard.

"Okay." Simpleng sagot ni Matteo. "I don't think that would be hard." Sabi niya na parang hinihila na ako papasok ng bathroom. "Shayla, can you come with us inside the bathroom, and blindfold me while Tanya uses the toilet?"

"Sure," mabilis naman na sagot ni Shayla, kahit na si Gerard ay reluctant dahil nag-aalala ito na baka madulas si Shayla sa loob ng bathroom, pero hindi na rin pinigilan ni Gerard si Shayla dahil ihing ihi na ako.

"And... Gerard, can you get me a paper cup somewhere?" tanong ni Matteo. Napabungisngis si Gerard, pero pinilit nitong pigilin ang pagtawa habang gina-guide naman ako ni Matteo patungo sa toilet.

Tinakpan ni Shayla ang mata ni Matteo ng towel, at inalalayan akong tanggalin ang underwear ko bago naupo sa toilet seat.

It was so awkward na umihi na kasama si Matteo at kahit anong pigil ko na maging maingay ang pagpatak ng ihi ko ay hindi ko na talaga kinaya. Kahit hiyang hiya ako, umihi na talaga ako kahit tunog gripo pa ang ihi ko. Anong magagawa ko eh uminom ako kagabi ng marami? Talagang marami akong ihi ngayon.

Huhu! Kakahiya!


Continue Reading

You'll Also Like

989K 28.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
241K 21.1K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
123K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...