Project: Black Out (Philippin...

Da EMPriel

50K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... Altro

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)

757 34 6
Da EMPriel

"I realize now that it will take time. that the road ahead is long and shrouded in darkness. It is a road that will not always take me where I wish to go and I doubt I will live to see its end, but I will travel down it; nonetheless. for at my side walks hope in the face of all that insists I turn back, I carry on and this...this is my compromise"

-Connor, Assassin's Creed 3  


Isang sipa sa mukha ang gumising kay Dylan. Napatayo na lamang siya at napadilat ngunit kawalan lamang ang kanyang nakita. Isang walang hanggang bangin ang nasa kanyang harapan at ang nasa ilalim ay ang kadiliman. Gumuguho ang kanyang tinatayuan at mayroon lamang na nag-iisang daan, ang pinto sa kanyang likuran. Agad niya iyong binuksan at laking gulat niya nang makita ang kanyang ina sa kanyang harapan, duguan ang noo, humihingi ng tulong, inaabot ang kanyang kamay at tumatangis. Napaatras si Dylan. Wala na ang pinto sa kanyang likuran. Ang naroon lamang ay ang mga taong nagkukumpulan, madungis ang kanilang mga suot at ang kanilang mga mukha.

"Dylan...tulong," sambit ng kanyang ina. Napalunok naman ng kaunting laway ang binata. Pinagpapawisan siya ng malamig at nanginginig ang kanyang katawan. Bumabagsak man ang mga piraso ng niyebe sa kalangitan ay tila mainit pa rin ang kanyang pakiramdam. Pinagmasdan niya ang mga piraso ng niyebe, kumikinang ang mga ito, ang pagbagsak ng mga ito sa lupa ay gumagawa ng ingay, ang tunog ng mga barya na kumakalansing at unti-unting lumalakas.

"DYLAAAN!" sigaw ng kanyang ina. Sa isang iglap ay nasa harapan niya na ito, nakangiti, nakayakap sa kanyang katawan. Doon na lamang nagising ang binata sa isang masamang panaginip.

"HAAAAAAH!" sigaw niya habang napapaatras mula sa pagkakahiga.

"Ssshhh..." isang anino ng lalaki sa kanyang harapan ang nagsambit. Nakaupo siya sa isang lumang upuan at sa kanyang harapan ay makikita ang isang hologram TV.

"Brigand?" tanong ng binata.

"Panaginip na naman ba 'to?"

"Hmm...nagrereact na ang memory gene mo. Marami kang nakikita, mga pangyayari sa iyong sarili, sa mga taong kinuhanan mo ng memorya. Nararamdaman mo ba sila?" tanong ng lalaki. Pinaikot niya ang kanyang upuan, nasinagan naman ng kaunting ilaw ang kanyang mukha.

"I-Ikaw! Nananaginip lang ako!" wika ni Dylan.

"Hehe...HAHAHA!" napatawa naman ng malakas ang lalaki at napatalikod lamang sa kanya at muling humarap sa hologram TV kung saan makikita ang isang balita, ang pagbarikada at pagharang ng pwersa ng pamahalaan sa mga dadaan sa EDSA.

"T-totoo...totoo ka."

"Bakit? Anong tingin mo sa akin? Multo?" sarkastikong tanong ng lalaki.

"V-Victor Torres, ang...ang aking ama," sambit ng binata. Napatayo na lamang siya at isinara ang kanang kamao.

"Tama! Akala ko hindi mo...UGHH!"

Isang suntok sa mukha ang ibinigay ni Dylan. Halos tumalsik naman si Victor at dumausdos pa ang kanyang katawan bago tuluyang tumigil. Napadura na lamang ng dugo si Victor sa sahig bago tuluyang humarap sa binata.

"Hindi kita masisisi. Iniwan kita. Pero sana naisip mo na ginawa ko iyon para protektahan ka," wika niya.

"Sinungaling ka! Lahat kayo nagsinungaling sa akin. Para saan? Ano ba talaga ako sa inyo? Sino ako?! GUSTO KONG MALAMAN!" bulyaw ng binata. Umupo naman sa sahig si Victor at pinagpagan ng kaunti ang kanyang balikat.

"Haay. Pambihira..." sagot ni Victor. Ngumiti siya ng saglit ngunit lumitaw kaagad ang malungkot niyang ekspresyon.

"Sumagot ka!"

"Ikaw ang anak ko, walang magbabago doon. Dylan Ford o Dylan Torres o kahit ano pang apelyido na ikabit ko sa 'yo, ikaw pa din ang aking anak," malungkot na tugon ni Victor. Huminga siya ng malalim at ang kanyang buga ay naging usok dahil sa lamig.

"Hindi ko alam kung sino ako...kung ano bang ginagawa ko dito! Ano bang silbi ko!" wika ng binata.

"Nakikita mo ang mga taong 'yan?" tanong naman ni Victor habang nakatutok sa hologram TV. Ipinapakita doon ang ilang mga kuha ng nangyaring gulo, ang mga bid na walang habas na pinagbababaril ng mga sundalo kasama na ang mga rebelde.

"Kung tutuusin wala ka nga dapat pakialam sa mga taong 'yan. Wala...Dylan, dahil wala ka namang ginawa para mapalaya sila. Mayaman ka, kung tutuusin kaya mong bilhin ang siyudad na ito, paikutin ang mga tao sa pamamagitan ng pera, kunin ang lahat ng gusto mo, ipapatay ang mga taong gusto mong patayin, bilhin ang mga katawan ng bid para paglipatan ng iyong memory gene. Pero bakit hindi mo ginawa?" tanong ni Victor. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Dylan habang nakayuko. Iniisip niya ang kanyang mga ginawa, ang mga bidder na kanyang pinatay at ang mga inosenteng tao na hindi niya sinasadyang tulungan.

"H-hindi. Wala akong pakialam sa kanila. Mamatay sila kung mamamatay. Wala akong pakialam! Hindi prinoblema ng mundo ang mga problema ko. Hindi sila nakialam. Wala akong kailangang gawin para sa kanila," sagot ng binata.

"Pero bakit? Bakit mo ito ginagawa? Nawalan ka na ba ng dahilan?" tanong ni Victor. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak at sumandal sa pader katabi ng bintana. Patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan ng niyebe.

"Ginawa mong dahilan ang iyong ina...ang inang kinagisnan mo. Ang memorya ng ibang tao, ngunit wala ding pinagkaiba ang sinapit ng kinikilala mong ina dahil sa iyong memorya...sa tunay mong ina," malumanay na sambit ni Victor. Napakunot siya ng noo, ipinamulsa niya na lamang ang kanyang nilalamig na kamay at napayuko.

"Namatay siya, para iligtas ka."

Ang kalansing ng mga barya sa isipan ni Dylan ay unti-unting napapalitan ng isang alingawngaw ng putok ng baril. Ang babaeng nakahiga sa malamig na semento habang yakap ng kanyang ama ay naging malinaw sa kanyang isipan. Huminga siya ng malalim at tumitig sa kanyang ama.

"Minahal ko siya, siya lang ang taong minahal ko sa buong buhay ko kahit na alam kong mapanganib. Dahil hindi ako ordinaryong tao. Ako ang tinutugis ng mga taong ganid sa kapangyarihan. Pero kahit na ganoon, pinilit kong bigyan ng normal na buhay ang iyong ina...at ikaw," wika ni Victor. Ngumiti siya ng kaunti at tumingin sa kanyang anak.

"Bakit ka bumalik?" tanong ni Dylan. Mahinahon na ang kanyang pakiramdam ngunit masama pa rin ang kanyang titig a kanyang ama.

"Para itama ang mali," tugon ni Victor.

"Walang tama o mali. Kasinungalingan lang lahat. Ang mayroon lang ay tayo...o sila."

"Ibig sabihin noon ay kinain ka na ng sarili mong kaisipan. Kaya nga kita niregaluhan nito, para malaman mo kung ano ang tama at mali," wika ni Victor. Agad siyang lumapit sa mesa at ibinato sa binata ang aparato na ginagamit niya upang higupin ang memorya ng kanyang mga biktima. Napakunot na lamang ng noo si Dylan.

"At ikaw..." sagot ng binata.

"Naiiba ako sa 'yo. Sa lahat. Kaya kong basaghin ang isip mo at ng mga bidder na gumagamit ng memory gene. Kaya kong pigilan ang mga gagawin nila bago pa nila 'yon gawin," tugon niya.

"Kung nababasa mo ang isip ko, bakit hindi mo sinangga ang suntok ko?"

"Dahil alam kong matagal mo na iyong gustong gawin sa akin. 'Di ba?" sagot ni Victor habang nakangiti. Napangiti naman si Dylan at napailing. Sinuot niya na lamang ang memory transfer reactor sa kanyang kanang kamay. Ibinuka niya ang kanyang palad at muling isinara.

"Si Brigand? Nasaan si Brigand?" tanong ng binata. Napayuko naman si Victor, tumagilid at tumingin sa bintana.

"A-ang lalaking 'yon," bulong niya nang maalala niya ang lalaking umatake sa kanya. Napakabilis ng kilos ng lalaking iyon na animo'y prototype. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay humarang si Brigand sa kanyang harapan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

"Matapang siya...maaasahan. Higit sa lahat, alam niya kung ano ang tama at mali. Alam niyang ang protektahan ka ang tamang gawin, kahit na alam niyang buhay niya ang kapalit," sambit ni Victor.Napasalampak na lamang si Dylan sa sahig, hinawakan ang kanyang ulo at umiyak ng tahimik.

____________________________

December 25, 2280 – 6:12 AM – EDSA Subway Perimeter, Neo Metro Manila - 17°C

Malamig ang umagang iyon ng kapaskuhan sa Maynila at maging sa buong bansa. Takot na takot ang mga bid na namalagi sa ilalim ng subway kasama ang mga myembro ng rebeldeng New Order. Pamaya't-maya ay nakakarinig sila ng mga putok ng baril. Paunti-unti, umaalingawngaw sa paligid. Makakarinig din sila ng mga ugong ng mga heli ship sa himpapawid. Napapatingala na lang sila sa bawat putok ng baril, ugong ng mga sasakyang himpapawid at ng mga taong nagsisigawan. Hindi naman magkamayaw ang mga sundalo ng New Order sa kanilang pagbabantay.

"Clearing!" wika ng isang rebelde habang tinututok ang kanyang sniper sa isang sundalo ng AFP.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa isang bintana ng isang inabandona nang gusali malapit sa EDSA. Nagtatago naman ang mga sundalo ng AFP sa bawat guho at mga sirang hover car. Umuulan pa rin ng niyebe sa pagkakataong iyon. Hirap nilang makita ang mga kalaban sa paligid. Gumamit siya ng isang heat vision upang mas makita ang mga nagtatagong kalaban.

Ilang saglit pa ang kanyang hinintay, huminga siya ng malalim bago hinigit ang gatilyo ng kanyang sniper.

*BAANG!*

Muling napaangat ang balikat ng mga bid sa putok ng baril na iyon. Bumulagta naman sa nagyeyelong simento ang sundalo nang tumama ang bala sa kanyang balikat. Agad nagtago ang rebelde nang magpaputok na ang mga sundalo mula sa panig ng gobyerno.

"Desidido talaga silang pigilan tayo," wika ni Albert.

Agad niyang inakay ang bunsong kapatid ni Maria na si Tintin. Halos wala pang isang taong gulang ang batang iyon, hindi pa makalakad at iyak ng iyak dahil sa ingay na kanyang naririnig. Sa gilid naman ni Albert ay ang batang si Maria. Naglalagay ng maligamgam na tubig sa isang maduming botelya. Naglagay siya ng kaunting gatas upang mainom ng kanyang kapatid. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog.

"Ano 'yon?" tanong ni Albert. Agad namang kinuha ni Maria ang bunsong kapatid at kinarga. Lumapit naman si Albert sa iba pang mga kasama.

"Sinubukan nila tayong pasukin mula sa North ng subway. Naglagay na kami ng mga pampasabog para takpan ng mga bato ang daana," sagot ng sundalo.

"Sir, bantay sarado na ang perimeter. Sa himpapawid at kahit sa baba. Wala na silang pinapapasok na sibilyan," wika ng isang sundalo na nakaharap sa hologram computer.

Ipinapakita doon ang mga kuha ng CCTV camera sa paligid. Binarikadahan na ang paligid kung saan nagtatago ang mga rebelde at ang mga bid na kanilang iniligtas.

"Buwisit! Ang tunnelsa south? Bukas pa ba?" tanong ng pinuno ng New Order.

"Binabantayan pa din ng iba nating mga kasama ang south. May sumusubok na pumasok. Hindi natin sigurado kung hanggang kailan tayo magtatagal dito," wika ng isang sundalo habang hawak ang isang mataas na kalibre ng baril. Tiningnan naman ni Albert ang mga bid. Walang nagawa ang iba kundi ang umiyak nang marinig nila ang sinabi ng lalaki.

"May balita na ba kayo kay Tanya?" tanong ni Albert.

"Wala pa, sinusubukan pa namin siyang i-track. Pero malakas ang pag-ulan ng niyebe, mukhang mahihirapan tayo." Napakunot ng noo si Albert. Kinuha niya ang kanyang handgun na nakapatong sa mesa at isinukbit sa kanyang holster sa likod.

"Sige...i-secure pa rin ang area. Gagalaw na tayo. Sabihan ang mga sniper sa itaas na umusad na, bantayan ang himpapawid at ang mga dadaanan," utos niya.

"Masusunod po," sagot ng isang sundalo. Kinaway niya ang kanyang kanang kamay at pinaikot sa ere, senyales ng paghahanda. Nagtayuan naman ang ibang mga bid, ang mga kumot ay pinangtaklob nila sa mga nilalamig. Inalalayan ng ibang mga sundalo ang mga matatanda at bata.

"Hindi talaga nila tayo bibigyan ng pagkakataon. Paskong-pasko pero ganito tayo," wika ng isang sundalong lalaki.

"Wala tayong magagawa. Sumakto lang talaga sa ganitong panahon. Araw ng pagbibigayan...pero wala. Mamamatay tayo dito kung hindi tayo kikilos," sagot naman ng isang babae. Kinuha niya ang isang machine gun at sinukbit sa kanyang balikat. Nilagay niya din ang isang makapal na tela sa kanyang mukha. Inabot niya ang isa pang baril sa isa pang sundalo na agad ding tumakbo palayo nang makarinig ng putok ng baril sa tunnel. Nagsigawan ang mga bid at napayukong muli.

"Pasensiya na sir...pero desidido na silang pasukin ang tunnel!" isang boses ng sundalo ang narinig ni Albert mula sa kanyang communicator. Nasisira-sira pa ang reception nito ngunit dinig niya ang palitan ng mga putok sa loob mismo ng tunnel ng subway.

Inangat ni Albert ang kanyang kamay at ibinagsak iyon sa direksyon ng mga putok. Agad niyang kinuha ang kanyang machine gun at itinutok sa madilim na parte ng tunnel.

"Walang puwedeng makapasok! Naiintindihan niyo?" wika ni Albert sa kanyang communicator.

Tumango na lamang ang iba pang mga sundalo at tinutok din ang kanilang mga baril sa madilim na parte ng tunnel.

_____________________________

"Rats! They're just rats in a hole!" sambit ni Dr. Levine Klein na kasalukuyang umiinom ng kape at pinapanood ang balita sa hologram TV.

Nakasuot pa siya ng isang pantulog at pulang panlamig. Pinatong niya ang kanyang kape sa isang maliit na mesa. At umupo sa malambot na sofa. Mula naman sa madilim na parte ng kwarto ay lumabas ang isang imahe ng lalaki. Nakaitim itong coat, maayos ang kanyang pinaghalong puti at itim na buhok at animo'y walang nangyaring masama sa kanya dahil sa naghilom na mga sugat sa kanyang katawan.

"How would you get those rats outside of their holes?" tanong ng lalaki.

"Bring the fire inside, burn everyone."

"Would you want me to do it?" tanong ng lalaki habang nakangiti. Lumapit siya sa sofa at umupo din. Nagdekwatro pa siya at isinampay ang mga kamay sa sandalan ng malambot na upuan.

"No. You've done enough. You wouldn't let the media expose you and your identity. Besides, it's not your mission. Let the government decide on what to do with them," sagot ni Dr. Klein. Kinuha niya ang kanyang kape sa mesa at muling humigop.

"But they're doing it all wrong."

"We both know how this ends...Jonas. This country fell a long time ago, waiting to destroy itself. And when that day comes, the lion will devour those lambs. We are the lion," sagot ng doktor. Tumayo naman si Jonas at naglakad palabas ng kwarto.

"I am the lion, I'm the only one..." sambit niya bago tuluyang lumabas.

Napasimangot naman si Dr. Klein at tumalikod upang bigyan ng masamang tingin si Jonas. Tuluyan namang lumabas ng kwarto ang binata at ngumiti. Nagulat na lamang siya nang makita ang batang si Johan na nakaupo sa harap ng pinto sa labas ng kwarto. Yakap niya lamang ang kanyang mga tuhod at nakapikit. Tila pinapakinggan ang paligid. Napasimangot naman si Jonas at binigyan ng nandidiring tingin ang bata.

"Sick as hell, you should just die kid. Before you see this country fell in ashes," wika ng binata at naglakad palayo. Iminulat naman ni Johan ang kanyang mga mata at tumingin sa kinaroroonan ni Jonas. Ang liwanag sa kanyang mata ay tila naging matulis na talim habang nakatitig sa binatang palayo.

__________________________

Magkakasunod na putok ng baril ang narinig ng mga bid sa ilalim ng tunnel ng subway. Desididong iusog ng pwersa ng militar ang kanilang perimeter ngunit hindi naman sila pinayagan ng mga rebelde na nagtatago sa itaas at sa mga kwarto ng mga nagtataasang gusali. May mga heli ship sa paligid na hindi rin pumapasok sa perimeter dahil nag-aalala silang baka umatake ang mga rebelde. Hindi rin nila magawang magpakawala ng missile, ang utos sa kanila ay ibalik ang mga bid sa puder ng pamahalaan. Walang puwedeng mamatay sa kanila lalo na ang mga bata. Kailangan sila upang paglipatan ng mga memory gene ng mga bidder.

Halos masira na ang paligid dahil sa palitan ng mga putok ng baril. Malakas pa rin ang pag-ulan ng niyebe kaya't mahirap pa ring makita ang kalaban ng bawat isa. Tila warning shot lamang ang ginagawa ng karamihan dahil sa wala silang makita. Ang iba naman ay pilit na sinusuong ang panganib upang mapalayo ang mga sundalo ng pamahalaan.

"Sandali lang," wika ni Tanya.

Ibinaba niya ang akay-akay na si Inspektor Robert Vega sa isang kanto ng kongkreto upang makapagtago. Si Tanya naman ay nag-abang sa gilid ng gusali at nagmasid kung may madaraanan sila. Sa lakas ng pag-ulan ng niyebe ay ipinantakip niya ang kanyang mga kamay. Tinaas niya din ang makapal na tela sa kanyang leeg upang ipangharang sa kanyang bibig. Nakaupo naman sa nagyeyelong semento ang inspektor, hawak ang putol na brasong bakal at namimilipit sa sakit.

"Kaya mo pa ba?" tanong ni Tanya. Ngumiti lamang ang inspektor at isinandal ang ulo sa pader, pinanood ang pagbagsak ng daan-daang piraso ng niyebe mula sa kalangitan.

"Sa dami ng mga nakabantay diyan, siguradong hindi tayo magtatagal..." sambit ng propesor. Muli silang nakarinig ng mga putok ng baril sa malapit at tila naalerto naman si Tanya. Nilabas ang kanyang machine gun na nakasabit sa kanyang balikat, tinanggal ang magazine nito at nadismaya nang bilangin ang mga natitirang bala.

"Oh...heto."

Mula sa jacket ni Inspector Vega ay inilabas niya ang isang mahabang revolver na kulay pilak.

"Huwag...gamitin mo 'yan. Marami pa naman akong sorpresang nakatago dito," wika ni Tanya bago kumindat. Ngumiti lamang ang inspektor ngunit muli siyang namilipit sa sakit. Tiningnan niya ang naputol na bakal na braso at nakitang umaakyat na ang yelo na gawa sa dugo patungo sa kanyang mga ugat dahil sa matinding lamig.

"Kailangan talaga nating makarating sa ilalim inspektor! 'Yon lang ang paraan!" wika ng dalaga. Tumango lamang si Inspektor Vega at pumikit na lamang upang indahin ang sakit.

Muli namang ipinulupot ni Tanya ang kanyang kamay sa bewang niya at ang kanyang braso naman sa leeg ng dalaga. Tumayo sila at mabagal na naglakad palabas ng eskinita.

"Inspektor. Sige lang...konti na lang," hinihingal na sambit ng dalaga. Ang bawat paghinga nila ay nagiging usok sa kanilang mga bibig.

*BAANG!*

Tunog ng tumalbog na bala ang kanilang narinig at kumislap naman ang lalakaran na sanang daraanan ng dalawa. Walang putok na umalingawngaw sa paligid. Siguradong gawa iyon ng sniper. Hindi sila kumilos, kabado lamang na tumingala si Tanya at kahit na wala siyang makita ay inusisa pa rin niya ang paligid.

"May dalawa pang tao sa baba," wika ng isang sniper sa kanyang kasama. Nakapwesto sila sa isang abandonadong kwarto na tila isang opisina. Basag ang mga salamin ng binatana at nakasilip ang kanilang mga sniper sa bawat bintana ng kwarto.

"Sige. Tapusin mo na 'yan," wika ng isang lalaki na nagtanggal ng itim na tela sa kanyang mukha.

Tiningnan niya sa hologram monitor ang heat vision ng dalawa. Tila anino lamang ang mga ito na kulay pula, magkaakay ang mga ito at tila putol pa ang braso ng isa. Hihigitin namang muli ng sniper na iyon ang gatilyo ng kanyang baril ngunit agad siyang pinigilan ng isa pang kasama.

"Sandali lang!"

Tinitigan niyang mabuti ang dalawang tao mula sa ibaba gamit ang kanyang mga mata. Kumakaway ang isa at tila humihingi ng tulong.

"Paano mo nasisigurong sila 'yan? Ang mga kasama mo?" tanong ni Inspector Vega. Patalon-talon at kumakaway lamang si Tanya kahit na wala siyang nakikita.

"Kahit papaano, isa ka pa ring inspektor. Kung militar ang nagpaputok, alam mo na ang gagawin mo. Ako ang bihag mo..." wika ng dalaga.

Napangiwi ng saglit ang inspektor. Alam niya ang kanyang gagawin ngunit tila imposibleng maniwala ang mga militar dahil sa kanyang putol na braso at ang kanyang katawang nanghihina.

"Si Tanya! Sigurado ako dyan!" wika ng isang sundalo. Tinaas naman ng lalaki ang kanyang sniper at tiningnan ang kanyang pinuno.

"Ano pang ginagawa niyo? Bilis! Sunduin niyo na!" Agad na nlumabas ang dalawa sa mga rebelde at bumaba ng gusali.

Tinutok ni Inspector Vega ang kanyang baril kay Tanya kahit pa nanginginig ang kanyang mga kamay. Yumuko naman si Tanya at itinaas ang mga kamay habang nakaluhod ngunit nakatago ang kanyang baril sa kanyang likod. Dalawang anino ang kanilang naaninag sa kanilang harapan at kanilang itinutok ang kanilang mga baril sa inspektor nang makita nitong nakadikit na ang baril nito sa ulo ng dalaga.

"Huwag kang gagalaw!" wika ng isang rebelde. Huminga naman ng malalim ang inspektor at ibinaba ang kanyang hawak na revolver.

"Sandali! Huwag kayong magpapaputok. Hindi siya kalaban," sambit ng dalaga. Tumitig ng masama ang dalawang rebeldeng lalaki sa isa't-isa ngunit agad namang tumayo si Tanya upang akayin ang nanghihina nang katawan ng inspektor.

"Ano pang ginagawa niyo diyan?!" bulyaw ng dalaga. Agad namang lumapit ang dalawa at inakay din ang matandang inspektor. Halos tumirik naman ang kanyang mata dahil sa lubos na panghihina. Nagmadali silang maglakad habang ang isa naman ay itinututok ang baril sa iba't-ibang direksyon upang siguraduhin na walang kalaban sa paligid.

"This is Bravo team...Bravo team over," wika ng pinuno ng grupo. Pinindot niya ang isa pang boton sa hologram keyboard ngunit ingay lamang ang kanilang narinig.

"Alpha team please respond...over," sambit niya. Muli siyang nabigo sa pagkalap ng sagot. Tanging ingay lang ang kanilang naririnig. Bumukas naman ang pinto at nagmamadali si Tanya na ihiga ang inspektor sa sulok ng kwarto.

"Bilisan niyo! Kumuha kayo ng makapal na kumot!" bulyaw ni Tanya. Agad namang tumakbo sa isa pang kwarto ang isa.

"Kumusta? Ano nang nangyayari?" tanong ng dalaga.

"Walang sumasagot. Nasa ilalim pa rin sila kasama ang halos tatlong daang mga bid," sagot ng pinuno ng grupo.

"Buwisit! Ano ang huling order sa inyo ni papa?"

"I-clear ang daanan dito sa itaas. Walang puwedeng makapasok na mga militar."

"Isang oras pa lang ang nakakaraan nang mawala ang signal ng komunikasyon," sabat naman ng isa pa. Kinuha naman ni Tanya ang inabot na kumot ng lalaking sundalo at agad na ipinatong sa nanginginig nang katawan ng inspektor.

"S-signal...jammer..." mautal-utal na sambit naman ng inspektor. Napakunot na lamang ng noo si Tanya at tumingin sa labas.

"Signal jammer?" wika niya. Muli siyang kumilos at siniksik ang kumot sa ilalim ng katawan ng inspektor at saka tumayo.

"Kumuha kayo ng gamot at pain killer bilis!" utos ng dalaga. Agad namang kumilos ang iba pa.

"Inspektor? Inspektor. Ayos lang po ba kayo? Kaya niyo pa ba?" Tumango lamang ang inspektor ngunit siya ay tuluyan nang napapikit at nangangatal dahil sa panginginig.

"Kung gumagamit nga sila ng signal jammer, alam mo ba kung paano iyon mapatigil o masira?" tanong muli ni Tanya. Tumango lang din ulit ang inspektor. Agad namang kinuha ni Tanya ang iniabot sa kanyang dalawang tableta ng gamot. Ipinasok niya iyon sa bibig ng matandang inspektor at inakay siya paupo upang makainom ng maligamgam na tubig.

"YUKO! BILIS!" sigaw naman ng pinuno ng grupo. Sunod-sunod na putok ng machine gun ang kanilang narinig. Nagkabasag-basag ang mga salamin ng bintana at nangisay ang isa sa kanila na may hawak ng sniper. Napayuko na lamang si Tanya at ang iba pa.

"Hindi na kayo puwedeng magtagal dito! Bilis! Umalis na kayo!" wika ng pinuno ng grupo. Agad niyang kinasa ang kanyang machine gun at nakipagpalitan ng putok sa mga sundalo na nagtatago sa ibaba.

"Sumama ka na!" sambit ni Tanya.

"Hindi puwede! Ako na ang bahla sa kanila..."

"Matigas ang ulo mo! Hindi ka namin puwedeng iwan dito!"

"Tanya! Tama na! Umalis na kayo! Ako ang mananagot sa 'yong ama kapag may nangyaring masama sa 'yo! Umalis na kayo!"

Nakipagpalitan ng putok ang mga sundalo sa kanya. Wala namang nagawa si Tanya kundi muling akayin ang inspektor. Tinulungan siya ng isa pang kasama at inakay siya palabas ng kwarto.

"Ben! ILAG!"

*BOOOM!*

Huminga na lamang ng malalim si Tanya habang gulat na gulat na tiningnan ang sumabog na katawan ng pinuno ng grupo. Sumambulat pa sa kanyang mukha ang dugo nito. Tumulo ang luha sa kanyang kaliwang pisngi ngunit wala siyang reaksyon. Hindi siya makagalaw, tanging ang matinis na ingay lamang sa kanyang tenga ang kanyang naririnig.

"Tara na...Tanya..."

Tumingin siya ilang mga kasamahan na nasugatan dahil sa pagsabog na dulot ng bomba na ibinato sa kwartong iyon.

"Tanya...TANYA GISING!" Tinapik siya sa mukha ng isa sa mga kasamahan. Saka lamang siya nagising. Nakita niyang nakaluhod angh inspektor sa maruming sahig na agad niyang inakay.

"Bilis bilis!" wika ng isa pa habang tinututok ang baril sa kanilang likuran.

Bumaba sila ng hagdan ngunit agad silang napatigil nang mangisay ang isa sa kanila dahil sa mga balang tumatama sa kanyang katawan. Tila naging isang malaking canvass ng painting ang pader sa tabi ng hagdan dahil sa dugong tumalsik dito. Nalaglag ang kanyang baril. Humiga siya sa hawakan ng hagdan at tumilapon din paibaba.

"Wala na tayong mapupuntahan, corner na tayo," wika ng isang lalaking sundalo na kanilang kasama. Inatras naman ni Tanya si Inspector Vega, kinuha ni Tanya ang kanyang baril at hinanda ang sarili sa inaasahan niyang mangyari. Tinutok din ng ilang mga sundalo ang kanilang mga baril sa ibaba ng hagdan.

"Bilis! Dito!" wika ng isang sundalo sa ibaba kasama pa ang ilang miyembro ng militar. Lumuhod sila habang nakatutok ang kanilang mga baril sa hagdan.

"Anong gagawin natin?" takot na sambit ng isa.

"Ssshh..." saway naman ni Tanya. Huminga na lamang siya ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. Naging tahimik ang buong lugar dahil sa pagpapakiramdaman ng dalawang grupo. Halos naghintay sila ng limang segundo, ang nakikita lamang ni Tanya ay ang mga anino ng mga sundalo sa ibaba dahil may malakas na ilaw na dala ang mga ito, marahil ay dahil sa gamit nilang tangke.

"Naghihintay silang bumaba tayo. Wala na tayong magagawa, kailangan nating lumaban. Ganoon din naman, mamamatay din tayo kung maghihintay tayo dito. Ang iba sa inyo tumakbo na sa kabilang dulo," ani Tanya. Huminga muna siya ng malalim, kinasa ang kanyang machine gun at nagpadausdos sa hagdan sa pamamagitan ng pagsakay sa hawakan nito. Hinigit niya ang kanyang baril, ikinagulat naman ng mga sundalo ang kanyang paglabas. Hindi na nakaporma ang iba sa mga ito. Angi ba naman ay nakipagpalitan din ng putok ng baril. Nang makarating sa dulo ng hawakan ng hagdan ay agad gumulong si Tanya upang makapagtago sa kabilang pader. Napapikit na lamang siya at napakagat nang maramdaman niyang sumasakit ang kanyang likod. Kinapa niya ang kanyang balikat at nakita ang bahid ng dugo dito.

"Mga buwisit!" sambit niya. Inilabas niya ang kanyang baril at hinigit ang gatilyo kahit na hindi niya nakikita ang kanyang tatamaan.

"Aaahh!"

"Urgghh!"

"Nyaaah!"

Nagsigawan ang mga sundalo. Napangiwi naman si Tanya at napakunot ng noo.

"Ha?" tanong niya sa kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang baril ngunit nagsisigawan pa rin ang mga sundalo at nagsisihigaan sa sahig. Alam niya iyon dahil nakikita niya ang kanilang mga anino. Maya-maya pa ay wala nang sumisigaw mula sa mga sundalong iyon, wala na rin sa kanilang nakatayo. Itinayo na lamang ni Tanya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtukod ng kanyang likod sa pader. Nakahiga na ang mga sundalong iyon, makikita naman ang malakas na ilaw na nakakabit sa tangke. Wala na ring mga buhay ang mga sundalong naroon. Nakahiga pa ang isa sa itaas ng tangke, ang nagmamaniobra ng ilaw. Dahan-dahang bumaba ang mga sundalo ng New Order habang akay ang naghihingalo nang si Inspector Vega.

"Wag...wag...wag AAAAHH!" isang sigaw ang kanilang narinig.

Ang natitirang sundalo mula sa pwersa ng militar ay gumapang patungo sa ilaw ngunit isang anino ang lumitaw. Inapakan niya ang likod ng sundalong iyon at hinawakan ang kanyang memory gene. Agad na nangisay ang sundalo at nawalan ng malay. Tinutok naman ng mga sundalo ng New Order ang kanilang baril sa aninong dumating. Hinigit ng iba ang gatilyo ng kanilang baril ngunit mabilis na nawala ang anino. Namatay naman ang ilaw dahil sa balang naglaro sa liwanag.

"Buhay pa siya...nagbabantay, ang batang 'yon talaga," sambit ng inspektor. Napatingin naman si Tanya sa kanya nang umubo siya ng dugo. Tinago niya ang kanyang baril sa kanyang tagiliran at nilapitan ang inspektor. Inangat niya ang ulo nito at napansin ang matinding pamumutla. Muli na lamang siyang tumingin sa pinto, umaasa na makikita pa ang tao na kanyang inaasahan.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
609K 38.9K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
34.6K 746 26
A group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? ...
Anathema Da RYE | ACTIVE

Mistero / Thriller

33K 2.4K 85
MONDAY, JUNE 3RD, 2019. The citizens of the Philippines woke up to a horrible news: every resident of the quarantined Eagle Homes subdivision are dea...