MISANDRIST SERIES 1: In Love...

By CeCeLib

12.5M 266K 31.2K

SYNOPSIS: When God showered bitterness unto the world, Aminah was in the open and caught it all. To Aminah... More

SYNOPSIS
WELCOME TO MISANDRIST CLUB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24

CHAPTER 18

335K 8.5K 476
By CeCeLib

CHAPTER 18

PAGKATAPOS magpa-tattoo ni Aminah, kahit mahapdi ang pinag-tattoo-an sa kaniya, masaya siyang lumabas ng tattoo shop kasama si Magnus. She felt light. Siguro epekto iyon ng alak na kanina pa niya iniinom.

"I dont want this night to end." Wika ni Magnus habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo nito.

Aminah smiled. "Yeah. Me too."

Inakbayan siya nito. "You'll stay with me, yeah?"

Hindi niya nasagot ang tanong nitong iyong hanggang sa makarating sila sa motor nitong nakaparada.

"Give it to me." Ani Magnus na nakalahad ang kamay sa kaniya at nakatingin ang mga mata nito sa bote ng alak na hawak niya. "Akin na 'yan, baby, let me put it away. Ayokong madakip tayo ng Pulis dahil diyan."

Nakasimangot na ibinigay ni Aminah kay Magnus ang alak na hawak. "Ibigay mo yan sa akin mamaya, ha?" Parang batang sabi niya.

Magnus smiled. "Yes, baby."

Binuksan nito ang u-box ng motorsiklo para doon ilagay ang bote ng alak na hawak niya pero hindi sa alak na hawak nito nakatuon ang tingin niya kundi sa laman ng u-box.

White grains like powder and aluminum foil. Lasing siya pero kumukudlit sa isip niya ang babala sa nakikita.

No. She looked at Magnus. He looks so handsome, and innocent and amazing. He can't be using that! He cant be using drugs!
Mukhang napansin ni Magnus na natigilan siya at natahimik kaya siguro bumaling ito sa kaniya.

"Hey, baby--" napatigil ito sa pagkausap sa kaniya at natigilan kapagkuwan ay sinundan nito kung saan nakatingin ang mga mata niya. "Fuck!" Mabilis nitong sinara ang u-box at humarap sa kaniya. "I can explain that, baby."

She blinked. "Ano 'yan?"

"Its..." binasa niya ang nanunuyong labi, "it's... ahm, it's..."

Umiling siya. "That's not what i think it is, right?"

"Aminah."

"Right?"

Bumuga ito ng marahas na buntong-hininga. "It is. I use it sometimes."

"Sometimes?"  Napaawang ang labi niya, "or was it most of the time?"

"Aminah, i can explain."

Humakbang siya paatras, umiiling ang ulo niya, hindi pa rin makapaniwala sa nakita at sinasabi ng binatang nakasama ngayong gabi hanggang magdamag. "No... you dont use that."

"Aminah, i can change." Humakbang ito palapit sa kaniya habang humahakbang siya paatras. "Aminah, i can be a clean man. Just give me a chance. I can do it. I dont know why i'm feeling like this towards you but its enough to make me change. Aminah, Stay."

Marahas siyang umiling. "No... stay away from me..."

Mas mabilis ang hakbang niya paatras hanggang sa tinalikuran niya si Magnus at mabilis na tumakbo palayo. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa muntik na siyang mabunggo sa taxi na padaan. At nang makitang wala iyong sakay, mabilis siyang sumakay doon at nagpahatid sa bahay niya.

This night... was a mistake. This whole day is a mistake. Since this morning 'till dawn. Lahat yon isang pagkakamali na ayaw na niyanh balikan pa.

She wants to forget everything about Magnus. She wants to forget every pain she felt because of her scumbag ex-fiance. She wants to forget everything that has happened today. Everything.

Malalim na napabuntong-hininga si Aminah ng matapos ang pagdaloy ng memorya niya sa nangyari sa kanila ni Magnus ng gabing iyon na pilit niyang winala sa isip niya.

Now that she remembered, she realized, hindi naman niya kaagad nakalimutan si Magnus. She keeps on thinking him for a month after that night, but slowly and surely, she finally get rid of him from her mind.

And after three years, he came back... she saw him again. Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ang sinabi nito sa kaniya na nagbago na ito, na hindi na ito gumagamit ng bawal na gamot.

He looks like a clean man. He's not wearing piercings anymore. Pero sapat na nga ba ang tatlong taon para magbago ang isang tao sa nakasanayan nito?

She sighed. "Shit."

Bahagyan siyang napaigtad ng bigla nalang nag-ingay ang cellphone niya. Inabot niya iyon saka tiningnan kung sino ang tumatawag.

Key Calling...

She sighed before answering the call. "Yes?"

"Oh, handa ka na ba para sa last Photoshoot na tin para sa MMCG?"

Nagsalubong ang kilay niya, "MMCG?"

"Yes. MMCG. Remember? May last photo shoot pa tayo sa kanila."

Napabuntong-hininga siya. Oo nga pala. "Bukas pa naman yon diba?"

"Oo, pero mag beauty rest ka na, ha?" Bilin sa kaniya ni Key.

"Yes, Manager."

Mahinang natawa ang nasa kabilang linya saka nagpaalam na. "Sige na, i just called to remind you that. See? Tama ako. Muntik mo nang makalimutan."

Napangiti siya. "Thanks, Key."

"You're very much welcome, honey."

Nang mawala sa kabilang linya si Key, napatitig siya sa kisame ng kuwarto niya. Na-isturbo lang ang katahimikang nakapalibot sa kaniya ng marinig na tumunog ang message alert tone niya.

Ini-angat niya ang kamay kung saan hawak niya ang cellphone at binasa niya ang natanggap na text.

Her heart skips a beat. Its from Annoying Magnus.

'Let's talk.'

Nilabanan niya ang sarili na huwag reply-yan ang text ni Magnus pero naputol din iyon ng biglang tumawag ang binata.

She forced herself not to answer, but her hands have a mind of its own.

"H-hello?" Aniya.

"Lets talk, Aminah."

Parang may sumasakal sa puso niya. "Ano pang pag-uusapan natin? I remembered everything now, Magnus. And my answer is no. I dont want to talk to you--"

"You're being unfair, Aminah." He sounds choking. "Bakit mo ba sakin ginagawa 'to? Yes, i was a bad person before but i've change. I've clean myself up! I even put myself on Rehab so i'll be clean if we see each other again. Huwag mo naman saking gawin 'to. Huwag ka namang maging unfair. Nagbago naman ako, e."

Huminga siya ng malalim, "nakita kitang kasama si Georgina na nagsa-shopping." Sa halip ay sabi niya, "pumunta ba kayo sa Club? Nag body shot?"

Aminah knew that she sounds jealous as hell! Pero hindi niya kaya iyong pigilan. Lumalabas iyon sa bibig niya.

"We didnt." Ani Magnus.

"Ows?" Mapakla siyang natawa, "i heard you."

"I didnt." Ani Magnus saka bumuntong-hininga, "bakit ba ayaw mong makipag-usap sakin?"

"Kasi wala naman na tayong pag-uusapan."

"So ganoon lang 'yon?" Parang hindi makapaniwala nitong sabi, "dahil lang sa gumagamit ako ng drugs noon kaya ayaw mo na akong makausap? Diba sabi ko naman na nagbago na ako, na hindi na ako gumagamit no'n? Bakit ba ayaw mong maniwala sakin?"

No. This is not about Magnus using drugs before. She knew it. This is about her, being scared to welcome Magnus in her life again.
Ayaw na niyang masaktan pa at alam niyang doon iyon patungo kapag pinapasok niya itong muli sa buhay at puso niya. Ayaw na niyang maranasan ang pinaranas na sakit ng ex-fiance niya sa kaniya.

"Just leave me alone." Aniya saka pinatay ang tawag at niyakap ang sarili.

She's scared. She's scared to welcome a man in her life again. Nadala na siya. Ayaw na niya. Kaya kung anong man itong nararamdaman niya para kay Magnus, kailangan na niya iyong burahin at patayin.

She doesn't want to love Magnus. She doesn't want to but her heart... it's a different matter.

NAGGO-GROCERY si Aminah para sa gagamitin niya sa susunog na linggo ng may makasalubong siyang isang tao na ayaw niyang makita.

Si Michael.

Shit!

Iiwas sana siya pero nakita na siya nito kaya huli na para magtago siya.

"Hey, Ynah." Michael smiled at her. "Hindi ko alam na naggo-grocery ka rin pala rito."

"Yes." Iniliko niya ang push cart patungo sa ibang aisle. "Sige, mauna na ako--"

"Wait, sabay na tayo." Pigil sa kaniya ni Michael. "Gusto kitang makausap."

Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ayaw niyang kausapin ito pero salita pa rin ito ng salita habang magkatabi silang dalawa.

"I want to invite you to coffee." Ani Michael habang nasa meat section sila. "Pauunlakan mo ba ako?"

"Hindi." Mataray niyang sabi saka nakataas ang kilay na humarap siya rito. "Look, Michael, dederetsahin na kita, ayoko sayo, so please, could you give me some space?"

Napatigalgal ito sa gulat sa sinabi niya kapagkuwan ay napakurap-kurap. "But i like you."

"Well i dont." Ibinalik niya ang tingin sa push cart, "so please, leave me alone."

"But Ynah--"

"No."

"But i like you, Ynah!" Giit nito.

"But i dont like you, Michael." Giit din niya.

"Pero Ynah--"

"Please, tama na 'to."

Itinulak niya patungong counter ang push cart para magbayad na at para makaiwas na rin kay Michael pero hanggang sa counter ay sinundan siya nito. Kahit hanggang sa paglabas niya ng Grocery Store ay nasa tabi pa rin niya ito.

"Ynah, come on, just one date." Pamimilit pa rin nito sa kaniya. "Please. Give me a chance."

Umiling siya saka walang imik na naghintay ng taxi. Wala siyang kotseng dala dahil coding ngayon.

Habang naghihintay, panay pa rin ang pangungulit sa kaniya ni Michael hanggang sa may humaharurot na kotseng papalapit sa kanila.

Kahit siya ay napaatras para umiwas sa kotseng sila ang tinutumbok pero hindi nakaiwas si Michael. Buti nalang bago pa tumama ang kotse sa katawan ni Michael ay bigla iyong tumigil at lumabas mula sa kotse si Magnus.

Matalim ang mga mata ni Magnus, nagtatagis din ang bagang at mahigpit na nakakuyom ang kamao.

"Ito ba?" Tinuro ni Magnus si Michael habang nakatingin sa kaniya na gulat na gulat sa pangyayari. "Ito ba ang bago mo ngayon?" May panunuya sa boses nito.

Hindi pa rin siya makabawi sa sobrang pagkabigla kaya hindi siya makapagsalita, pero si Michael, nakabawi na.

"Ano naman ngayon kung ako ang bago niya?" Balik tanong ni Michael kay Magnus na halata sa boses na parang nagmamalaki. "Ano naman ngayon sayo?"

Mas lalong nagdilim ang mukha ni Magnus. "She's mine."

"Yours?" Pagak na tumawa si Michael. "E bakit ako ang kasama niya?"

Magnus eyes becomes dilated and his face darkened even more.

Nasapo nalang si Aminah ang bibig ng umigkas ang kamao ni Magnus at tumama iyon sa ilong ni Michael na ikinadugo niyon.

"Oh god!" She exclaimed in panic.

Tumakbo siya palapit kay Magnus saka niyakap ito sa beywang para pigilan na masuntok pa ulit si Michael. Ayaw niyang makulong ito o kasuhan ni Michael ng dahil sa kaniya.

"Enough, Magnus! Enough!" Sigaw niya habang tinutulak ito palayo kay Michael. "Tama na! Please!"

Napasinghap siya ng bigla nalang siyang hinawakan ni Magnus ang kamay niya at pilit siyang pinasakay sa passenger seat kapagkuwan ay kinuha nito ang mga grocery niya na nabitawan pala niya at inilagay iyon sa back compartment bago ito sumakay sa Driver's seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito palayo.

"Magnus..." huminga siya ng malalim bago ito binulyawan. "Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo kay Michael?!"

His jaw tightened, "so he's your new boy toy?"

"No." Bumuga siya ng marahas na hininga saka humarap dito. "Bakit ba ganiyan ka mag-isip ha?"

Bigla nitong itinigil ang sasakyan at akala niya ay sasagutin siya nito pero walang imik na dumukwang ito palapit sa kaniya at inayos ang seatbelt at isinuot iyon sa kaniya.

"For your safety." Wika ni Magnus saka nagmaneho ito ulit.

Parang sasabog ang puso niya sa halong-halong emosyong nararamdaman. After everything that has happened, he's still concern of her safety.

"Saan kita ihahatid? Sa condo mo ba?" Tanong ni Magnus kapagkuwan.

"Oo, sa condo ko."

"Okay."

Napuno ng katahimikan ang buong kotse. Walang umimik sa kanila ni Magnus hanggang sa makarating sila sa parking lot ng condominium na tinutuluyan niya.

"We're here." Ani Magnus ng ilang segundo nang nakatigil ang kotse nito at hindi pa siya kumilos para lumabas.

Huminga siya ng malalim saka kinuyom ang kamao. "Ahm," tumikhim siya, "do you want to go up?"

"Am i welcome?" Balik tanong nito sa malamig na boses.

She nodded. "Yes."

"Akala ko ayaw mo akong makausap, so i assumed na ayaw mo rin akong makita." Humigpit ang hawak nito sa manobela. "Tapos ngayon papasukin mo ako sa condo mo." May mapait na ngiti ang mga labi na bumaling sa kaniya si Magnus, "are playing with me, Aminah?"

Umiling siya. "I just want to..." hindi niya maituloy ang sasabihin.

Ano ang sasabihin niya? She just want to be with him because her traitorous heart is aching for him? That she just want to hold him and feel him because she cant stop herself from missing him?

What? Anong sasabihin niya rito na kaya niyang panindigan? Alam niya sa sarili niya na natatakot siyang tuluyan itong papasukin sa buhay at puso niya kaya hindi niya mapapanindigan kung ano man ang gusto niya sa mga sandaling yon.

"Tama ka." Huminga siya ng malalim. "Just leave." Binuksan niya ang pinto at lumabas siya.

Lumabas din si Magnus para kunin ang mga pinamili niya sa back compartment. Akala niya ibibigay nito ang mga yon sa kaniya pero nauna na itong maglakad sa kaniya. Siya naman ay naglakad sa likuran nito.

Nang makalapit sila sa elevator, siya lang ang sumakay, si Magnus ay nanatili sa labas at ini-abot lang sa kaniya ang mga pinamili niya.

"Here you go." Anito.

Tinanggap niya ang pinamili pero nanatiling nakaharang ang kamay ni Magnus sa pinto.

"Aminah?"

She looked into his eyes. "Yes?"

"I'll wait." Napakaseryuso ng mukha nito habang nakatingin sa mga mata niya, "naghintay na ako ng tatlong taon sayo, kaya ko pang maghintay ng ilang taon pa hanggang sa handa ka nang tanggapin ako sa buhay mo." Pagkasabi no'n ay inalis nito ang kamay nito na nakaharang sa pinto at sumara ang elevator.

Aminah just stared at the elevator's close door, her heart aching.

#ItsScaryToLoveAgain - lalo na kung minsan sa buhay mo, naranasan mo ang pait at sakit ng salitang pag-ibig.

Continue Reading

You'll Also Like

493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
120K 7.9K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
60.4K 1.6K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.