[Edited Ver.]
Decision
Selene's PoV :
Matagal pa bago dumating si Prof Deliongga at ayon sa unang schedule namin ay mapapasabak agad kami sa major subject at may sabi-sabi dito sa university na strikta raw at nagbibigay talaga ng five-flat ang propesora. Siyempre sa mga hindi naman raw deserving. Ang narinig ko pang tsismis sa mga seniors--Opo tsismosa talaga ako wa kontra!--ay talagang hugot lagi si Ma'am sa mga teachers at professors na nagbibigay ng special treatment sa mga students, especially sa mga may-kaya sa buhay na sinusuhulan lang ay talagang magbibigay ng mataas na grade sa mga estudyante kahit na mga 'bobo' naman raw ang mga ito. Ang hard niya 'di ba? Pero hashtag-teachergoals pa rin.
Napatingin ako sa gilid nung biglang may dumikit na maliit na nilalang, echos lang siyempre love love ko iyan e.
Ambia: "Nakakatakyut naman si Prof D." (Bulong)
Selene: "Ssshh."
Ambia: "Ay, ang taray." (Bulong)
Sasagutin ko sana si bansot pero naunahan ako. Ni Prof D!!
Prof.D: "Is there any problem, lady in the back with a short hair?"
Ambia: "No-nothing, Miss D."
Prof.D: "Very well."
Noong nawala na ang atensyon ni Prof D. sa amin ay narinig ko ang buntong-hininga ng katabi ko kaya pa-simple kong ni-pat ang balikat niya at pinipigilan ko na rin ang matawa. Kung makikita niyo kasi si Ambs, sobrang putla niya na parang wala na siyang dugo sa katawan.
Grabe naman kasi si Prof D. Ang aura niya mga darling mai-intimidate ka talaga. At sa nakikita ko mukhang siya ang Adviser namin kaya kailangan magpaka-behave nalang. Kaya ko kayang manahimik ng matagal na oras? E katulad nga ng asar sa akin ni Ambs, microphone nga raw ako. Megaphone pa nga e.
I admit naman na madaldal ako. Being talkative is life, mga bes. Hashtag-daldalita!
Prof.D: "Come in, new student."
Huh? Ano daw? May bagong--Oh Em Gee! Dito sa amin mapupunta iyong transferee na kaka-transfer palang ngayong araw? Really? E kung ganoon pala dapat hindi na ako nakisiksik sa labas kanina e.
Then, all of a sudden, A familiar but not so familiar also, entered the room. She has a short hair, almost like a guy's cut, and she has this mysterious aura around her that I even saw my Prof winced at her. Naramdaman niya rin ata ang sobrang tinding aura ng babae.
I really can't see her face clearly because of her bangs but I'm feeling something inside of me. Like it's making me cry and hug the girl.
Nawala ako sa iniisip noong naramdaman kong hinawakan ako sa braso ng mahigpit ni Ambia at noong tingnan ko siya para sawayin dahil nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya, nakita ko siya umiiyak na at parang hindi makapaniwala ang sinasabi ng nanlalaki niyang mata. Then, I look at the front and as soon as I saw that face that I missed for four years, naramdaman ko ang luha kong nagsituluan agad.
Tumuwid siya ng tayo at saktong pagtaas niya ng tingin sa buong klase, sa amin agad siya napatitig. She, too, look shocked to see us but for some reason, she can hide it well.
Prof.D: "They all introduced themselves earlier while i'm not around so I believe you're the only one who's not known to them. If you would do the honor of saying stuff about yourself, Miss Meyer."
Parang bumwelo pa si Belle at muli na naman akong nakaramdam ng unfamiliarity sa kanya dahil sa malamig na titig niya sa aming lahat na alam kong naramdaman ng buong tao sa loob ng room na ito. including me and Ambia.
Belle: "Belle Clementine Meyer, 17."
Prof.D: "A-anything you would like to add?"
Belle: "That'd be all, Miss D."
Prof.D: V-very well. Please take your seat. At the back of that girl with a red headband. We will start our class asap."
Parang gusto kong sigawan si Miss D. nang "MISS D!! Nananadya lang po!?" Pero napigilan ko naman ang sarili ko, lalo na at dumaan sa gilid ko ang babaeng matagal nang nawawala. Specifically, nawawala siya sa buhay namin ng apat na taon at misteryosong nagpakita ulit ngayon.
Now that I look closer at her, She looks really different from our friend from four years ago. A huge change! Starting from her demeanor, her aura that I felt earlier until now. It's like she have this silent warning to the people around her to back out. Pati ba kami counted doon?
Ambia: "S-selene... Si B-belle nasa likod mo.."
Selene: I know, no need to rub it in my face."
Ambia: "I can't stop my tears."
Selene: "You need to save it for later, Ambia. 'Wag pabebe baka makita ka na naman ni Miss D."
Naunawaan naman ni Ambia ang sinabi ko at agad na rin itong nag-concentrate sa itinuturo ni Prof D. Nakakamanghang sa estado namin ngayon naging kalmado pa kami. Grabe lang.
End of Pov
Ambia's PoV :
BEEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLEEEEEEEEEEE!!! She's here!! In the flesh! Pero bakit parang wala lang sa kanya noong makita namin siya? It's as if she didn't saw us. She doesn't know us. Why, Belle? Why the sudden change of attitude towards us?
Maraming oras ang lumipas bago mag-announce ng lunch break. Ito na iyong time na hinihintay namin para maka-usap si Belle. Pero paano?
Ambia: "Sels, ikaw nga lapitan mo."
Selene: "At bakit ako? Ikaw nakaisip, ikaw gumawa."
Ambia: "Ehh! ang arte naman e. Pareho lang naman tayong gustong lumapit sa kanya bakit parang natatakot ka?"
Selene: "Eh nakakatakot naman talaga siya ah?! Hindi mo ba naramdaman iyong aura niya kanina? Manhid lang?"
Ambia: "Mas nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya kesa sa sinasabi mong 'aura' na iyan. Look, ako na ang lalapit tapos sumunod ka."
Selene: "Hay. Geh, una ka sunod ako."
Inirapan ko lang si Selene na parang takot na takot talaga. Kung sa ibang pagkakataon pagtatawanan ko siya dahil sa hitsura niyang parang may kakain sa kanya ng buhay. Malapit na ako sa inuupuan ni Belle at mahahawakan ko na siya ngunit bigla siyang nag-angat ng mukha at saktong tumitig siya sa amin and said the words we wouldn't expect to hear from her.
Belle: "I'm sorry."
And she left. All of a sudden.
What happened? Why suddenly saying sorry? and what is that sorry for?
End of PoV
Belle's PoV :
I couldn't face them for so long after our sudden reunion. Bumabalik kasi iyong dating Belle. Iyong malungkuting Belle na mahina at nagmumukmok dahil sa pagkamatay ng ama niya at ayaw kong makita nila akong ganoon. Ayokong maging mahina sa harap ng maraming tao lalo na sa kanilang dalawa. Not now, not ever.
Being weak and vulnerable is the last thing I need to be right now.
I don't know where I am going while walking right now pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatambay sa ilalim ng puno na nakita ko kanina at naglabas ng libro na pwedeng makapagpalimot sa akin ng nangyari kanina, pero as if naman mangyayari iyon unless nagka-amnesia ako, na sana nga ay nangyari nalang sa akin. Pinanalangin ko talaga iyon noon para makalimutan ko iyong kahugkangan sa puso ko. I even tried to commit an accident by bumping my car to a tree or to another car but failed.
I don't know if its a good thing that the BDA sub-agents saw me and they called an ambulance immediately. An ambulance of Black Diamond Agency, that is.
I was about to flip the next page of the book I'm reading when I felt my phone vibrating so I had to stop reading and answer the call.
Belle: "Yeah?"
Therbie: *Wala man lang bang 'hello' dyan?*
Belle: "Hello.." (Sarcastic)
Therbie: *So sarcastic, aren't you.*
Belle: "What do you need?"
Therbie: *Oh, I have something to say regarding your mission......OK you won't talk so I'll say it now. Iyong suspect ay ang may-ari ng SU, Trigger.*
Belle: "Why are you whispering?"
Therbie: *Mahirap na. Baka may nakikinig ng usapan natin so I need to be careful.*
Belle: "Is that all?"
Therbie: *Yes, but--*
I immediately hang-up the call and walk back to the room. Doon nalang ako magbabasa at bahala na kung kausapin ako ng dalawa. At hindi naman malayong mangyari iyon. Nawala nga iyong plano ko kaninang hindi ako magpapakita sa kanila dahil sa hindi malamang dahilan sa room pa talaga ako nila napunta. Fate perhaps?
Naglakad na ako papuntang room but I had to stop when I saw the students gathering near my room. What's going on here? I got curious so I force my way until I saw my two friends saying sorry to a guy with his shirt full of catsup stain. Nakikita ko sa expression ng mukha niyang nagtitimpi siyang magalit pero sumabog pa rin ito at sinisigawan niya na ang dalawa na panay naman ang hingi ng patawad sa kanya.
???: "The fuck?! Stop saying bullshits! Look what you've done to my shirt!? Fuck! fuck!"
Selene: "Sorry na po, sorry.."
Ambia: "H-hindi namin sinasadya, kuya, sorry po.."
???: "Hindi sinasadya?! Putang inang iyan!"
Selene: "I-ipapalinis nalang n-namin iyan.."
Ambia: "O-or bibili nalang kami ng bago.."
???: "Sa tingin niyo madadaan niyo ko sa ganyan? Tsk. I can buy a spare myself. Ang hindi ko mapapalagpas ay ito."
Nakita ko ang pag-senyas ng gago sa dalawang lalaking kasama niya at hinawakan ng mga ito ang kamay ng dalawang kaibigan ko at noong makita ko ang mukha nila. I lost it. I lost my patience I've been bearing from earlier.
I have to teach this guys a good lesson.
Lumapit ako sa dalawang lalaking may hawak kina Selene at Ambia at marahan ko silang tinapik sa balikat.
Belle: "Leave them."
???1: "And who are you to tell us that?"
???2: "Baguhan ka dito no? No wonder you don't know us--"
Belle: "Fucking leave them."
???: "What's taking you so long? Oh? Sino naman ito? Babae niyo?"
Nakatingin itong lalaki na parang nang-uuri sa akin. Tinitiis ko lang ang tingin niya dahil kung wala kami sa maraming tao ay baka natusok ko na ang mata niya sa iritasyon ko.
???1: "Hindi rin. Etong baguhan pinaaalis kami. Kaibigan niya ata itong dalawa e."
???: "Oh really? Well look what your friends did to my shirt. Alam mo na siguro kung bakit ko sila dadalhin sa kung saan 'di ba?"
This guy is so pathetic and isn't he gay? Pumapatol sa babae dahil lang sa mumurahing shirt? Gago pala ito e.
Wala siyang nakuhang reaction sa akin at nang-uuyam ko rin siyang tinitigan na parang ginawa niya sa akin kanina. At mukhang nakuha ko naman ang gusto kong reaksyon noong kumunot ang noo nito hanggang sa nanggigigil na ito. Parang asong ulol.
???: "How dare you looking at me like that?"
Belle: "I'm just a concern-citizen. Now leave them while I'm being nice, Mister."
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at ang mga bulungan nilang nagsasabing mananagot ako sa lalaking ito na nakatayo sa harapan ko at mukhang sisigawan na naman ako. And I was right.
???: "Who are you to say that to my face? Do you know who you're messing with?"
Belle: "I am not oblige to tell my name to such people, like you."
I know that I'm hitting his nerve and that's what I wanted.
???: "You..!!"
Akmang lalapat na ang kamay niya sa pisngi ko para sampalin pero naunahan ko siya. I punch his abdomen and I know I hit the sensitive part. Napadapa siya at dahil sa nangyari nakarinig na naman ako ng mga bulungan pero hindi ko na alintana iyon.
Agad na nilapitan ng dalawang alipores niya ang lalaking mahina kaya nakawala na sina Selene at Ambia. Lumapit sila sa akin at nagtago sa likuran ko, with that ridiculously shocked expression on their faces.
I heard some people na nagsasabi ng 'Gang' and I knew right there and then that this bunch of bullies were members of a gang. Seriously, uso ba iyon ngayon? Well I don't care about them and I hope magsilbing aral ito sa kanila, lalo na sa lalaking iyon. Hindi basta-basta ang binigay kong suntok sa tiyan niya at dalawang araw rin siyang mamimilipit sa sakit na kahit ang simpleng pagtayo at pagkain ay mahihirapan siyang gawin.
Naglakad na ako papasok sa room at ramdam ko ang pagsunod ng dalawa sa akin. Hindi pa man ako nakakaupo ay niyakap na ako ng isang maliit na bulto at tapos umiiyak ito habang ganoon rin ang isa pa. Para silang mga bata kung humagulhol. Oo, humahagulhol sila tumutulo pa nga ang mga sipon. tss.
Belle: "Stop crying, you crybabies."
Selene: "I can't stop my tears anymore. We miss you, Belle!!"
Ambia: "G-ginaya niya iyong linya ko kanina..p-pero talagang na-miss ka namin, Belle."
Selene: "E totoo naman! hindi ko talaga mapigilan e ikaw nga rin tumutulo pa si onse kadiri ka!"
Ambia: "Same lang tayo, gaga! Huhuhu.."
Seriously, are they crying because of me or they're teasing each other? Pero sa totoo lang nakaka-miss nga talaga sila at napag-isip-isip kong hindi na sila layuan. Mas kailangan kong nasa tabi nila dahil kung nandito sa lugar na ito ang suspect at ang mga taong gumawa sa pagpatay ng Papa ko. Malamang kilala nila ako at nakikita nila ngayon ang dalawang ito na mahalaga sa akin.
I will protect them with my life depended on it. I don't wanna suffer another lost in front of me. Not now, not ever.
That's my decision.
End of PoV
Joseph's PoV
Red Eagle's HQ
Kanina pa ako nasuntok at hindi ko matanggap na babae pa ang gumawa noon at nakita ng buong estudyante! Buwisit talaga! Kapag nakita ko ulit ang babaeng iyon makikita niya, maghihiganti ako.
Pero sobrang sakit pa rin ng sikmura ko kung saan ako nasuntok at naiinis ako dahil hindi ako makatayo ng tuwid, kailangan pa akong alalayan ng dalawang kaibigan ko.
By the way, my name's Joseph Salcedo, 18 years old. Ako ang may-ari ng school na ito. Well, technically, ako ang namamahala dahil sa nautusan ako ng walang kwentang amain ko. Anyway, ayokong alalahanin ang hayup na iyon na nagpapahirap sa Mommy ko.
Ginagawa ko ito para proteksyunan ang Mommy ko laban sa Amain kong sira ang ulo. Baliw na ang gago na iyon I don't even know what Mom saw in him at pinakasalan niya ito.
Inihatid nila ako sa silid na inookupa ko sa HQ na ito. Kung hindi pa rin obvious, kami ng mga kaibigan ko ay kasapi ng isang Gang at iyon ay ang Red Eagles Gang or REG for short. Matagal na ang Gang na ito sa school, parang kung sa karaniwang universities or college schools, Fraternities ang tawag dito. Nagsimula raw ang REG noong 20 years ago.
Ngayon, ako na ang Leader nito. We are four members, Si Xander at Renz na kasama ko kanina at ang isa.. well may pinagdadaanan sa buhay iyon tsaka ko na ikukwento.
Hiniga nila ako sa kama ng patalikod pero kahit iyon ay nag-s-struggle pa rin ako. Just what the heck that woman do? Wait, babae na iyon? kung sumuntok daig pang lalaki e.
Xander: "Masakit pa rin p're?"
Joseph: "Mukha bang hindi? Tsk."
Renz: "Oo nga e. Pero kanina pa iyan ah? Hindi pa rin gumagaling?
Xander: "Mukhang mahina lang naman iyong ginawa sa'yo ng babaeng iyon ah."
Joseph: "Hindi mo 'ko makikitang ganito kung mahina lang ang suntok ng babaeng iyon, Renz. Now you know what to do. Find out about that girl or whatever. I want all her information first thing tomorrow or else..!
Xander: "Okay nag-'or else' na si Boss, gonna follow him na."
Renz: "Gago ang bakla mo!"
Xander: "Mamatay na bakla, tang ina!"
Napailing nalang ako sa usapan ng dalawang iyon. Nung hindi ko na naririnig ang boses nila ay pinilit kong maupo kahit nasasaktan pa rin ako at kumuha ng beer na nasa mini-ref na nandito sa kwarto ko.
Kaya ayokong nag-iisa dahil kapag ganitong mag-isa ako, naaalala ko ang sinapit namin ng mom ko pagkatapos mamatay ni Dad at lalo na noong mapangasawa niya ang Amain kong may sira sa ulo. Hindi pa siya nakuntento at kinuha niya ang pagmamay-ari namin, ang SU at pinalitan pa ang pangalan na naaayon sa apelyido niya. Matatanggap ko pa iyong ganoon pero nagngingitngit talaga ako sa galit noong pinalitan niya ang apelyido ko ng sa kanya, na sobrang dine-despise ko pero wala akong magawa dahil kung hindi ko siya susundin, Si mommy ang pagbubuntunan niya ng galit.
Ayoko nang makikitang may pasa at umiiyak ang mommy ko kaya nagtitiis ako sa pagmamanipula ng hayop na iyon. Walang alam ang mga kamag-anak namin sa katarantaduhan ng amain ko dahil magaling itong maging plastik sa ibang tao kaya kahit na nag-sumbong ako sa Lolo ko, na tatay ni Mommy, wala akong napala dahil kumampi sila sa Amain kong iyon. Nabugbog pa ako at si Mommy ang sumalag para sa akin.
Joseph: "Shit, it fucking hurts.."
Napadaing ako sa sakit na lumukob sa tiyan ko noong uminom ako ng Beer. Mahapdi na parang namimilipit ang loob ng tiyan ko at sobrang sakit noon.
Magbabayad talaga ang babaeng iyon. Hindi pwedeng iwanan ko siyang masaya na akala niya nagtagumpay siya. Ha! Lintek lang ang walang ganti.
#EditedVersion #Decision #JosephSalcedo #REG