ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BO...

By justanothercutie

119K 2.5K 303

More

ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BOYXBOY)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20: The Seven Deadly Sins
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

4.1K 89 14
By justanothercutie

pic ni ryouji ---->

Ryouji POV

“Hey san ka ba galing?” tanung ko kay Derek. Eto mga nakaraang araw, napapansin ko na lagi na lang syang gabing gabi na umuwi.

Binigyan nya ako ng duplicate key nitong condo nya. Ako na lang lagi ang nagbabantay kina Icen at Tetsuya. 

Pagtinatanung ko sya laging wala ang sagot. 

“bat gising ka pa?” tapos sumalampak lang sya sa sofa.

“Bat lagi ka ng gabing gabi umuwi? Di mo na rin naalagaan yung dalawa.”

“kaya mo naman yan. Busy lang ako. Kuha mo nga ako ng tubig.” 

Aba at inutusan pa ko!

“Inuutusan mo ko? Manigas ka dyan!” pumunta na ako sa kwarto at nahiga. Badtrip yun ah! Utusan daw ba ako.

Narinig ko na lang na bumukas ang pinto kaya pumikit ako.

“Yuji?” bulong nya. Nagtulog tulugan ako. Bahala sya sa buhay nya.

“Yuji?” naramdaman ko na lang na lumubog yung parte ng kama sa likod ko. Nakatalikod kasi ako sa gawi ng pintuan. 

“Sorry na.” bulong nya sa tenga ko na ikinataas ng balahibo ko. 

Nyemas Derek! 

“Sorry na, yuji” biglang nyang hinalikan tenga ko na ikinagulantang ko pero di ako kumilos. Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako.

“Sorry sa lahat lahat. Sana mapatawad mo ko.” 

Eh? Anung---? 

Pagkalipas ng ilang minuto, hinarap ko sya tulug na tulog na sya. Ngayun ko na lang uli nakita sya na tulog. Ang amo amo pala ng mukha nya. 

Di ko maintindihan yung sinabi nya kanina. Bakit sya nagsosorry? 

Di ko maiwasang hawakan ang pisngi nya. Ang lambot lambot. Di ko namalayang lumalapit na pala mukha ko sa kanya. hinalikan ko na lang sya sa tungki ng ilong nya at natulog sa mga bisig nya. 

Kinabukasan

Paggising ko, wala na si Derek sa tabi ko. Aantok antok na lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko sa daan sina icen at tetsuya na bagong gising lang.

“Good morning mommy” bati nila sakin.

“Good morning” bati ko din. Di ko na tinama yung tawag nila sakin. 

Pagpunta namin sa kitchen ay nagulat kami sa nakita namin.

“Good morning wifey and kids!!!” masiglang bati ni Derek na nagluluto. Naka apron pa sya na sky blue na may design na mickey mouse. 

Ang gara nyang tingnan pero cute! 

Nagkatinginan kaming tatlo ng mga bata. Naupo yung dalawa na habang ako ay nakakunot noong nakatingin kay Derek habang pinagsisilbihan nya yung dalawa.

Anung meron at ganito sya? Napansin nyang nakatayo pa rin ako kaya hinila nya ako at pinaupo. Pinagsilbihan din nya ako.

“Anung nakain mo at ganito ka ngayun?” nagtatakang tanung ko sa kanya. ngumiti sya sakin habang nilalagyan nya ng pagkain pinggan ko.

“Masama na bang maglamig sa mag iina ko?” nakangiti nyang sabi na ikinamula ko. 

“Uy, namumula si mommy.” Tudyo sakin.

“Eh! Kumain ka na nga rin.”

“Okay na ako, makita lang kitang kumain busog na ko.”

“Derek, tantanan mo nga ako!”

“Bakit? Eto naman naglalambing lang ako eh.”

“Psshh!!!” 

Pagkatapos naming kumain ay inasikaso na ni Derek yung dalawa habang ako ay naliligo.

Siguro naisip nya yung mga pagkukulang nya sa dalawa. Kung di ko pa sasabihin di nya pa mahahalata. Tsk tsk, Well, si Derek ang pinag uusapan.

Nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.

“Di ka pa ba tapos? Me kukunin ako dyan.” Rinig kong sabi ni Derek.

“Di pa. anu bang kukunin mo?”

“Yung razor na nandyan. Hanapin mo.” Nakita ko naman agad iyon kaya kinuha ko.

Binuksan ko unti yung pinto at nilabas kamay ko.

“eto na oh.” Pero nagulat ako dahil bigla syang pumasok sa loob ng banyo!!!

“Derek!!!” napatalikod tuloy ako bigla. Nakahubad ako!!

“Bakit?” alam kong nakangisi sya kahit di ako nakatingin.

“bat ka pumasok? Naliligo pa ako.”

“Eh maliligo na rin ako.”

“Dun ka sa kabila!”

“Gusto ko kasabay ka eh.” Naramdaman ko na lang na lumapit sya sakin at hinapit ako sa beywang ko na ikinagulat ko.

“Derek!!!” sigaw ko sa kanya at pilit na inaalis yung pagkakayakap nya sakin pero malakas sya sobra. 

Bigla syang sumubsob sa leeg ko at natigilan na lang ako ng kagat kagatin nya iyon.

“A-anu ba D-derek!”

“Hmmm” tuloy pa rin sya sa paghalik sa leeg ko habang gumagal ang kamay nya sa katawan ko.

“T-tama na. M-male late tayu!”

“Okay lang yun.”

“D-derek”

“Yuji, mapapatawad mo ba ako?”

“B-bakit?”

“Basta sagutin mo tanung ko, mapapatawad mo ba ako kung sakaling may kasalanan ako sayu?”

“D-di ko alam”

“mahal mo ba ako?”

“D-derek!” hinarap nya ako sa kanya at matamang tinitigan ako. Namula ako bigla at iniwas tingin ko. Hinawakan nya ang baba ko at hinarap nya ako sa kanya.

“Mahal mo ba ako? Kasi yuji, Mahal na kita” nanlaki mata ko sa sinabi nya.

Mahal nya ko????

“D-derek tama na. Male late na tayu.” Iwas ko pa rin. Imposible mahal nya ako. Baka nagkamali lang ako ng dinig.

“Yuji, I love you” seryosong sabi nya.

“Basta tatandaan mo lagi, mahal na mahal kita ah.” Yinakap nya ako. 

Derek, anu bang nangyayari sayu?

Tinapos na naming ang paliligo at pumasok na kami sa skul.

Later

Pagdating sa skul ay naghiwalay kami ng landas ni Derek. Sakin nya uli pinaubaya yung dalawa. May aasikasuhin lang daw sya magkita na lang daw kami mamaya sa canteen. 

Dumiretso na ako sa theater club. Hinayaan ko munang makipaglaro yung dalawa sa mga batang naroon din. 

Umupo ako sa isang upuan doon at nangalumbaba.

Naguguluhan pa rin talaga ako sa ikinilos ni Derek kanina. 

Ewan ko ba parang nag iba na sya at parang may nililihim sya sakin.

Namula ako bigla ng maalala ko yung sinabi nya

Yuji I love you

Yuji I love you

Yuji I love you

Paulit ulit kong naalala yun. Argh! Napasabunot ako bigla sa sarili ko. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Mahal ko na ba si Derek? 

“Huy!” biglang bumulaga si Naville sa harap ko na ikinasigaw ko.

“Makasigaw wagas ah” nakangiti nyang sabi. Tiningnan ko sya ng masama at akmang babatukan ng bigla syang umatras. 

“Anu bang nangyayari sayu? Para kang baliw dyan.” 

“Wala.”

“Weh?”

“Wala nga!”

“Okay, tara na!” hinila nya dahil mag start na ang practice namin. This time kailangan na naming magcostume tutal ayos na ang mga costume namin. 

Ninerbiyos ako bigla ng pagtingin ko sa mga kasama kong babae. Nakangisi silang lahat at palapit sakin. napaatras ako bigla.

“W-what?!”

“Hawakan nyo sya!” bigla silang nagtakbuhan sakin. Nagpapalag ako pero marami sila. Dinala nila ako sa dressing room. Nanlaki mata ko sa gagawin nila sakin.

“No way!” lalagyan nila ako ng make up!

“Yes way my darling. Girls grab him” natutuwang sabi ni naville. Tinali nila ako sa upuan para di ako makapalag.

“Humanda kayung lahat sakin pagkatapos nito.”

“Ow, nakakatakot naman. Diba girls?”

“Yeah!” sagot nila at nagtawanan. Napasimangot na lang ako. Halos isang oras akong nasa impiyerno sa mga pinaggagagawa nila sakin. Ang kati kati ng mukha ko!

Bat kasi kailangan pa ng make up. Pinasuot na rin sakin yung dress.

What the F?! Kulay white sya na ewan ko! Basta pamababae tapos!

Nilagyan din ako ng wig para daw mas maganda. 

Gigil na gigil na ko sa mga ginawa nila sakin. 

Nang matapos na at humarap ako sa kanila ay natahimik silang lahat.

“Bakit? Anung meron?” nagtatakang tanung ko. Binigyan nila ako ng malaking salamin.

Pagtingin ko doon ay napanganga ako. 

Ako ba ito?!!! Di ko na makilala sarili ko.

“Ang ganda mo girl!!!” tilian nilang lahat. Pinanlakihan ko sila ng mata.

“Anung girl?!” inambahan ko sila. Nagsitakbuhan sila palabas ng room. Binigyan ako ni Naville ng High heels. Punyemas bat ang taas ng heel.

“Argh ! kailangan ko pa bang isuot ito? Ansakit sa paa.” Di ako makatayo ng diretso. 

“Pinraktis na natin ito diba? Kayanin mo.” Hinila na nya ako labas at papunta sa stage kung saan nandun lahat ng members.

“Okay ladies and gentlemen, nandit na an gating prinsesa!” naunang lumabas si naville. Ayoko sanang lumabas pero hinawi nya yung kurtina kaya napilitan na ako.

Paglabas ko ay nakayuko ako. Hiyang hiya ako sa suot ko.

Wala kong marinig na ingay ni isa. Kaya nang mag angat ako ng tingin, napasinghap halos lahat at nakanganga. Pati si reigan ay natulala sakin. 

“Ryouji, ikaw ba yan?” tanung nung isang member.

“Oo ako ito.” Naguguluhang sagot ko. 

Nagsigawan lahat na ikinatigil ko. Nagsilapitan sila sakin.

“Ang ganda mo Ryouji!” 

“You’re so pretty!”

“Sana naging babae ka na lang.”

“Akin ka na lang Ryouji”

Di sila magkaugagang lumapit sakin. 

“Ahem ahem.” Nakarinig kami ng tikhim sa likod. Paglingon ko ay si reigan na nakatingin sa akin ng seryoso. Bagay sa kanya ang suot nyang white na tuxedo.

“Can I have my princess?” nakangiti nyang turan na ikinatili ng mga babae.

“KYAAAAHHH!!!!”

“WOOT WOOT!!!”

Napatakip bigla ako ng tenga. 

Lumapit sakin si Reigan at lumuhod sa harap ko. Inoffer nya ang kamay nya.

“Lets dance my princess” nakangiti nyang sabi. Naninibago ako sa kanya. hindi sya masungit sa akin ngayun. Humawak na ako sa kamay nya dahil nararamdaman ko ang mga titig ng mga babae dito,

“Kakainggit ka Ryouji!!!” utal nila.

“Okay, lets start the rehearsal!” sigaw ni naville.

Later

Pagkatapos naming magpraktis ay nagpalit ako agad ng suot ko at naglinis ng mukha. Nangangati na talaga mukha ko. Pinabantayan ko muna kay naville sina icen at tetsuya dahil pupunta ako saglit sa locker ko.

Paliko na sana ako papunta sa locker ko ng makarinig ako ng usapan.

“Anu Derek? Napaamin mo na ba sya?” Derek? Pagsilip ko si Derek na nakaakbay sa isang babae at mga kaibigan nya. 

“Di pa. matigas eh” nakangisi nyang sabi at hinapit yung babae na kilig na kilig. Hinalikan pa sya ni Derek sa labi na ikinatigil ko.

Anung nangyayari? 

“Tagal naman, halos mag isang buwan na kayung magkasama. Baka nakakalimutan mo? Pustahan natin isang buwan lang dapat mapaibig mo sya sa iyo.” Sabi nung isa nyang kaibigan.

Natigilan ako lalo. Mapaibig sino? Pustahan?

“Me isang linggo pa ako. Mapapaamin ko din si Yuji. Maghintay lang kayu.” Nakangising sabi ni Derek. 

“Sabi mo yan ah kundi alam mo na ang punishment ng matatalo.” 

Pustahan? Pinagpustahan nila ako? Pinaiibig lang ako ni Derek? Lahat ng ginawa nya sakin ay arte lang nya? Yung sinabi nyang mahal nya ako ay kasinungalingan lang?

“Yuji!” narinig kong sigaw ni Naville. Napalingon bigla sakin yung grupo ni Derek. Nanlaki ang mata ni Derek at inalis bigla ang pagkakaakbay sa babae. Umayos sya ng tayu at ngumiti ng alanganin sakin.

“K-kanina ka pa dyan?” nauutal na tanung nya. Lumapit ako sa kanya. Sya naman ay di makatingin ng diretso sakin.

“Pustahan pala? Mahal mo ako? Wow! Ang galing mo Derek! Tikan mo nang mapaikot ako sayu.” Matigas na sabi ko sa kanya. Hahawakan nya sana ako pero iwinasiwas ko ang kamay ko.

“Y-yuji”

“Simula ngayun Derek, huwag ka ng magpapakita sakin kahit kailan.”

“y-yuji” napatingin sya bigla sakin. Di ko napigilan sarili ko at sinapak ko sya.

“Huwag ka nang lalapit sakin gago ka!” tumakbo na ako palayu sa kanila. Sa kakatakbo ko di ko namalayang may makakabangga ako.

“Hey!” napalugmok na lang ako sa sahig. Pinaglaruan nya lang ako. Niloko nya ako. Nagsinungaling sya sakin. kaya pala sorry sya ng sorry sakin. 

Akala ko mahal nya talaga ako, mali pa. Sana di na lang ako naniwala. Sana di na lang ako umasa. Sana di ko na lang sya nakilala. 

Ansakit sakit.. parang sinaksak ang puso ko ngayun. Sobrang sakit.

“Hey, anung nangyayari sayu?” sa lahat ng makakasalubong ko, si reigan pa. 

Napayuko na lang ako. Napatingin ako sa kany ang bigla nyang idampi ang kamat nya sa mukha ko.

“bat ka umiiyak? Anung nangyari?” 

Napahawak ako bigla sa mukha ko. Umiiyak nap ala ako ng hindi ko namamalayan. Hinawi ko kamay nya at tumayo.

“Wala ito.” Pinunasan ko na lang luha ko pero ayaw tumigil.

Niyakap nya ako bigla na ikinagulat ko.

“Shh, shh, tahan na. lilipas din yan. Sige papangit ka nyan” mas lalo akong naiyak sa sinabi nya. 

“Hey, tahan na huy. Baka akala nila ako nagpaiyak sayu. Tara kain na lang tayu ng ice cream.”

“Di ako bata.” Nakapout na sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin. Pinunasan nya luha ko gamit kamay nya na ikinamula ko.

“Sa bata lang ba ang ice cream? Tahan na kasi.” 

“Yuji!” narinig kong sigaw ni Derek. Paglingon ko tumatakbo syang palapit samin.

“Reigan tara na!” hinila ko patakbo si reigan. Ayokong makita si Derek. Sumasakit lang puso ko pag nakikita ko sya. 

Nakarating kami sa parking lot. Sinabi ko kay reigan na umalis kami ng campus. Paalis na kami ng makita ko si Derek na humahabol. Iniwas ko na tingin ko at napaiyak lalo.

Napatingin ako kay Reigan ng hawakan nya kamay ko na parang sinasabi nya na magpakatatag ako.

Napakatapang at napakalakas ko. Kinatatakutan ako ng maraming tao. Isa akong mafia at yakuza pero nang dahil sa isang lalaki, nagpakababa ako. Sa isang lalaking nagtiwala ako at di ko namalayang inibig ko na pero walang kwenta pala.

Sinira nya ako. Sinira nya ang pagkatao ko. Ayoko na. di na ako magtitiwala uli sa iba. Di na ako magmamahal. Patitigasin ko na lang uli ang puso ko. Babalik na ako sa dating ako, yung tunay na Ryouji, yung kinatatakutan ng lahat. 

Tumigil na ako sa pag iyak. Di dapat iniiyakan ang mga taong walang kwenta. Simula ngayun, ipapakita ko na sa kanila ang tunay na ako

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
34.4K 1.6K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...