Idol Queen

By CalleighDC

13.4K 326 176

A story of finding love at the wrong time. More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Epilogue

Chapter Ten

581 16 11
By CalleighDC

"'Cause even after all this time
I still wonder
Why I can't move on
Just the way you did so easily"

CHAPTER TEN

"GOOD morning, Mika!"

Napalingon si Mika sa lalakeng bumati sa kaniya.  Agad siyang napangiti nang salubungin ng nakangiting mukha ni Aljun, ang co-captain ng basketball team nila.  Naroon siya sa tapat ng elevator ng sports complex nang humahangos na dumating ito. Maaga pa para sa training ng mga ito kaya naisip niyang marahil ay sa gym ang punta nito na naroon din sa building na iyon.

"Good morning, babyboy," nakangiting bati niya.  Isa ito sa pinakapaborito niyang 'alaga' dahil mabait ito at palagi siyang pinapatawa.  Bukod pa sa matagal niya na rin naman itong kabiruan dahil nga palagi siyang nanonood ng games ng team nito.

"Mika naman, eh.  Hindi na 'ko bata," reklamo nito.

"You look like one pa rin kasi.  Mukha ka pa ring high school," biro niya rito.  Nastuck na kasi ang height nito sa five-seven tapos baby-faced pa ito kaya nagmumukhang totoy.

"Awow.  Nahiya pa siyang diretsuhin na bansot ako," iiling-iling na sabi nito.  "'Yan tayo eh.  Ang ganda-ganda ng bungad ko tapos pambubully lang ang mapapala ko."

"Tampo ka na niyan, 'babyboy'?" pagdidiin niya pa para lalong asarin ito. Mabuti na lang at nandito ito ngayon at hindi siya maiinip maghintay sa napakatagal dumating na elevator.

"'Wag na kasing babyboy, Miks. Hindi nga kita tinatawag na Ate or Miss eh."

"O, siya, sige na nga," pagbibigay niya.

"Pwede naman kasing alisin 'yung 'yboy' eh," hirit nito habang may pinipigilang ngiti sa mga labi.

Napakunot-noo siya dahil hindi niya ito naintindihan. "Ano? 'Di ko na-gets. Pakiulit."

"Sabi ko pwede namang babe--"

"Ang aga-aga pa, lumalandi ka na, Melecio."

Sabay silang napalingon ni Aljun sa nagsalita. Seryosong mukha ni Ricci ang nakita niya. Nakakunot ang noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Ang aga-aga pa, nakasimangot ka na, Mister Sungit, sabi ng isip niya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi talaga lilipas ang araw na hindi siya nito pagsusungitan o sisimangutan.  Pinagpapasensyahan niya na lang ito para hindi sila mag-away.  Sa kanilang dalawa, siya ang inaasahang magpasensya rito dahil sa posisyon niya at edad na rin.

"Panira ka talaga ng diskarte kahit kailan, Cci. Ba't ba ang aga mo?" kakamot-kamot sa ulong tanong ni Aljun.

"Buti na lang nga maaga ako at napigilan ko 'yang mga kalokohan mo," sagot nito.

"Kalokohan agad?  Hindi pwedeng lovelife?" bumaling si Aljun sa kaniya at kumindat kaya napatawa siya.  Maloko talaga ito kahit kailan.

"Lovelife?  Meron ka naman, 'di ba?  May long-time girlfriend ka.  Bakit lumalandi ka pa?" naninitang tanong ni Ricci.

"Wala na.  We broke up last week."

Napasinghap siya sa gulat.  Magsasalita sana siya pero biglang bumukas ang elevator.  Sumakay muna silang tatlo bago niya ito inusisa.

"Seriously, Jun?" tanong niya habang umaandar ang lift papuntang seventh floor kung saan naroon ang volleyball court na sadya niya.

"Yeah," maiksing sagot nito.

Tiningnan niya itong mabuti.  He doesn't look heartbroken naman but maybe may mga lalake lang talaga na magaling magdala ng pain pero deep down inside ay wasak ang pakiramdam nila.

Tumunog ang bell ng elevator hudyat na bababa na siya.  Alam niyang maiiwan ang dalawa dahil sa ninth floor pa ang baba ng mga ito.

"Jun, drop by my office later.  Let's talk about it, 'kay?" masuyong bilin niya bago siya lumabas ng elevator.  Concerned siya rito hindi lang bilang Tournament Coordinator nila kundi bilang ate at kaibigan na rin.

"No need.  Kami na lang ni Aljun ang mag-uusap," pahabol na sagot ni Ricci bago tuluyang sumara ang elevator.

----------
NAPAKUNOT-NOO si Mika sa natanggap na reply kay Aljun. Tinext niya kasi ito kanina para itanong kung gusto nitong magstroll sa mall or manood ng movie mamaya pagkatapos ng practice nila. Gusto niya kasing makausap ito ng masinsinan para malaman kung ano ang totoong nararamdaman nito. She wants to be sure na okay lang talaga ito. Getting over a heartbreak is never easy, alam niya 'yun.  What more kay Aljun na almost seven years na ang relationship?  Gusto niyang tulungan ito kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon.

"No need, Ate Mika.  Nagkabalikan na po kami.  May girlfriend na ulit ako.  Medyo selosa po siya so sana po 'wag niyo na 'ko i-text or tawagan."  Iyon ang sagot nito sa kaniya.

Si Aljun ba talaga ang nagtext?? nagtatakang tanong niya sa isip niya.  Kasasabi lang kasi nito kanina na hindi siya nito tinatawag na 'Ate'.

Gusto niyang tawagan ito para makasiguro pero kung totoo ngang nagkabalikan ito at ang girlfriend nito, ayaw naman niyang maging cause ng away ang pagtetext or tawag niya.

She shrugged her shoulders and replied, "Okay, Aljun.  Just let me know if you need someone to talk to."

Hindi na ito muling nagreply kaya hinarap niya na ang tambak na paperworks niya.  Nalibang na siya sa ginagawa kaya't hindi niya na namalayan ang oras.  Kung hindi pa kumalam ang tiyan niya ay hindi niya malalamang alas-sais na pala ng gabi.

Nagligpit siya ng gamit at naghanda na para umuwi.

Saktong kakasara niya lang ng pinto ng opisina nang lapitan siya ni Aljun.

"Good thing you're ready," sabi nito.

"Ha?  Ready saan?" nagtatakang tanong niya.

"Ano'ng saan?  'Di ba you asked if I want to watch a movie?  So, I'm here," nagtataka ring balik-tanong nito.

"You texted me, 'di ba?  Sabi mo no need na kasi nagkabalikan na kayo ni Kathy at selosa siya," sagot niya.  "I'm actually happy for you, Aljun.  Work it out at 'wag na ulit kayong maghiwalay.  True love is hard to come by.  'Wag mo na'ng pakawalan 'pag natagpuan mo na."

"Woah, wait lang..." natatawang awat nito sa kaniya.  "First of all, that's not what I messaged you.  Second, Kathy and I didn't get back together.  She's already in the States to continue her studies.  Sino ang nagtext sa 'yo?"

"Ikaw kaya," giit niya habang dinudukot ang cellphone sa bulsa ng bag niya.  Binuksan niya ang text nito sa kaniya kanina at ipinakita rito.  "Here, read this."

"Tang'na, Ricci!" iiling-iling na sabi nito pagkabasa sa message.

"Ano??"  Hindi niya alam kung ano'ng kinalaman ni Ricci rito.

"Nothing.  Just forget about that message, Miks.  I was hacked by some crazy dude.  Let's go?" yaya nito.

"Ah, o, sige," sabi na lang niya at hindi na nag-usisa pa.  "Pero let's eat first, ha?  Gutom na 'ko, eh."

"Hindi na 'ko nagulat diyan," he grinned.  "You and your notorious appetite."

"Ay grabe siyang makacomment sa appetite ko, o!  Tara na nga," nakangiting sabi niya at sabay na silang naglakad papunta sa parking lot.

----------
KAKATAPOS lang magdinner ni Ricci at ng girlfriend na si Michelle sa isang mall.  Niyayaya pa sana siya nitong manood ng movie pero tumanggi siya.  May early morning training kasi siya with his dad and brothers.

Naglalakad sila papunta sa parking nang mapadaan sa cinema.  Saglit na nahagip ng tingin niya ang dalawang pamilyar na bulto ng tao.  Nakapila ang mga iyon sa ticket booth habang nagtatawanan.  Biglang uminit ang ulo niya sa nakita.

So walang nangyari sa panghahack ko ng phone kanina? he smirked in his thought.

"Babe!  Where are you going?  I thought you don't want to watch a movie?" takang tanong ni Michelle habang nakasunod sa kaniya.  Hindi niya namalayang naglalakad na pala siya papunta sa ticket booth.

He forced a smile as he looked at her.  "You want to watch a movie, 'di ba, babe?  Let's watch then.  Parang maraming magandang movie ngayon, eh," sagot niya.  His eyes traveled back to that odd-looking pair.

Odd talaga dahil hindi sila bagay.  Mukha silang mag-ate dahil sa tangkad ng babae at liit naman nu'ng lalake, sabi ng isip niya.  He almost rolled his eyes.

Pumila sila sa ticket booth.  May dalawa pang taong nakapila sa unahan nila.

"What are we going to watch, babe?" tanong ni Michelle.

"Not sure.  Do you have any movie in mind?" balik-tanong niya, silently praying na wala.

"Wala naman.  I just wanna be with you longer kaya I want to watch," she chuckled.  Ginantihan niya ito ng ngiti.

"I'll be the one to choose na lang, ha?" sabi niya.

Nang tumango ito ay inilipat niya ang tingin sa dalawang taong nasa tapat na ng ticket booth.  He took a mental note of the movie that the two are about to watch nang marinig niya ang usapan nito with the cashier.  He bought tickets for the same movie.

What the hell, Ricci!  I thought you don't care about her anymore.  Bakit sinusundan mo pa rin? sita ng isang bahagi ng isip niya.

I don't.  Concerned lang ako kay Aljun, katwiran niya.

Yeah, right, pang-aasar ng isip niya pero hindi niya na pinansin iyon.

Nang makabili ng ticket ay iginiya niya na si Michelle papunta sa sinehan.  He was casually following the two people who seemed oblivious to their surroundings.  Parang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa.  He wanted to come closer sana para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero ayaw niyang magtaka si Michelle kaya nagtiis siya sa distansiya nila.

"Aljun! Ate Mika!" tawag ni Michelle nang mapansin ang dalawa na papasok ng sinehan.

Napalingon ang dalawang tinawag.  He had to act surprised para hindi isipin ng mga ito na sinusundan niya ang mga ito.

He's doing this for Aljun.  Gusto niyang maproteksiyonan ang kaibigan mula kay Mika dahil nasa vulnerable phase pa ito.  Ayaw niyang mapahamak ang puso nito katulad ng nangyari sa kaniya at sa iba pang lalakeng nagkamaling magkagusto kay Mika.  Ayaw niyang matulad si Aljun sa kaniya na pinaasa lang na may mararating sila 'yun pala ay may gusto na itong iba.

He felt that familiar sting when he thought of her. It's been four years but it still stings like it happened just yesterday.  Hindi naman kasi talaga tuluyang nawala ang sakit.  He just pushed it in the deepest part of his heart. He covered the pain with happy moments of him and Michelle.

Speaking of Michelle, he caught her glancing at him and Mika. She doesn't need to talk para malaman niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Nagseselos ito. He doesn't like making her jealous. Not because she nags him or anything, but because he knows how ugly that feeling could be. And he doesn't want Michelle to feel it because she doesn't deserve it. She's been nothing but good to him. He met her during the time that he was so depressed because of Mika. Naging kaibigan niya ito at tinulungan siya nitong makamove-on. They've been friends for years before they decided to try and see if they could be more than that. Hanggang sa maging official na nga ang relationship nila a few months ago.

Time and time again he had to assure Michelle na wala itong dapat pagselosan. And just to assure her now, he hooked his right arm on her waist and pulled her close. Tumingala naman ito sa kanya at ngumiti. Seeing how her face light up with his gesture made him smile. He kissed her forehead before returning his gaze to Aljun and Mika.

----------
ANO, Mika, kaya pa? pang-aasar ng isip niya.

Kung hindi lang nakakahiyang umiyak sa harap ng mga ito ay baka kanina pa siya naglupasay sa pag-iyak sa nakikitang sweetness nina Ricci at Michelle.

Feeling niya ay napaka-unfair ng mundo sa kaniya. Bakit nagawa ni Ricci na makapagmove-on ng ganu'n kadali habang siya ay hirap na hirap? To think na more than three months lang naman silang nagdate nito. Halos walang bilang kung ikukumpara sa mga past relationships niya pero bakit hanggang ngayon ay nasasaktan siya? Every time na makikita niya si Ricci na masaya habang kasama si Michelle, parang gusto niyang hilahin pabalik ang panahon para itama ang lahat. Pero kapag naririnig at nababasa naman niya ang lahat ng papuri dito dahil sa achievements nito sa basketball, naiisip niyang tama ang naging desisyon niya noon.

"Hi Mich. Hi bro," bati ni Aljun sa dalawa na nagpabalik ng diwa niya. "Hindi mo sinabi na manonood rin kayo ng movie ni Mich. Sana nagsabay-sabay na tayo kanina," dagdag pa nito.

"Hindi ko alam na gusto mo nang maglalabas ng bahay eh. Akala ko nagluluksa ka pa rin dahil sa nangyari sa inyo ni Kathy," sagot ni Ricci.

"All the more that I need to go out, bro," sagot ni Aljun. Hindi mahahalata rito na may pinagdadaanan ito pero alam niyang depressed ito base sa pag-uusap nila. "Buti nga meron akong libreng counselor eh," nakangiting baling nito sa kaniya.

"Oh yeah. You came to the right person, bro. Expert 'yan si Mika when it comes to moving on. She actually comes in second to Taylor Swift," Ricci said with a smile. He said it so casually that it's easy to miss the hidden sarcasm in his voice.

Ako pa talaga ang mabilis makamove-on?? Hanggang ngayon nga eh hindi ako makamove-on sa 'yong gago ka! Ilang beses kong sinubukan na makipagdate sa iba pero ikaw pa rin talaga. Samantalang ikaw eh may girlfriend na!

She almost blurted that out. Good thing she was able to stop before she made a big fool of herself.

Pinili niyang hindi pansinin ang sinabi nito at bumaling kay Michelle. "Great game yesterday, Mich! Congrats," bati niya rito. Ito ang itinanghal na Most Valuable Player sa pre-season cup na sinalihan ng vollyball team ng school nila.

"Thanks, Ate Mika," ngumiti ito sa kaniya. "Pero later na tayo magkwentuhan, guys. Pasok na muna tayo kasi magsisimula na ang movie," paalala nito.

Magkahawak-kamay na nauna nang pumasok sa sinehan sina Ricci at Michelle. Napatitig na naman siya sa dalawa, partikular sa magkahugpong na kamay ng mga ito. She felt a familiar tinge of regret. They used to do that, too... she and Ricci.

Kailan ba mawawala ang sakit? Kailan ba siya masasanay? Kailan niya ba magagawang tumingin sa kanilang dalawa na wala nang panghihinayang na nararamdaman sa dibdib?

"Ano na, Miks? Manonood pa ba tayo o sasabayan na lang kitang umiyak diyan? Kailangan mo rin ba ng lesson sa pagmomove-on?" biro sa kaniya ni Aljun.

"Gago ka, bansot!" pabirong irap niya rito pero naglakad na papasok ng sinehan.

----------
AN: Another sabaw update. Konting kembot pa matatapos rin 'to. Tiyaga lang, mga besh! 😂

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
220K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
75.8K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...