When Gangsters Meet the Sadis...

By arkiSTEPH

931K 22.3K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. More

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 18.2

16.2K 423 124
By arkiSTEPH


chapter 18.2

CHIN'S P.O.V.

"Shantal. Hindi muna ko makakasali ulit ng practice." paalam ko sa kaibigan ko habang tinutupi ang ginamit kong P.E. uniform.

"Huh, halos isang linggo ka na di sumasama ah." reklamo niya at halatang iritable.

Hinayaan ko lang siya, may pagkabaliw din at pagkataray 'tong si Shantal kaya vibes kami.

"Ikaw na bahala mag explain sa kagrupo natin, turo mo nalang sakin 'yong steps next week. May kailangan lang akong gawin."

"Ano ba 'yan, sus magmumukmok ka lang ulit sa inyo e. Lutang ka padin! Alam ko galawan mo Chin. Don't me!"

Tinignan ko lang siya at gusto ko siyang tawanan kaso wala pa ko sa mood tumawa. Parehas kasi kami ng ugali kaya alam niya talaga ang mga galawan ko. Kahit di pa ganun katagal na magkaklase kami basang basa na namin ang isat isa.

"Ewan ko sayo. Alis na ko." sabay beso ko sa kanya. "Hihingan kita ng autograph kay Dominic."

Tignan mo, abot tenga ang ngiti niya. Patay na patay siya kay Dominic.

1 pm na. Kailangan ko na magmadali.

Sa totoo lang wala din ako sa mood talaga mag practice. Nung unang practice namin hindi talaga ako sumama dahil gusto ko lang humiga sa bahay, matulog dahil tamad na tamad akong gumalaw at kahit magsalita.

Kaya kahit sila Dominic ay di ko muna kinakausap, kahit si Agatha. Alam kong inis nadin siya sakin. Kahit ako naman inis na sa sarili ko. Pero may kailangan muna ako gawin bago ayusin ulit ang sarili ko.

Sinuot ko ang sumbrero at face mask nung mapansin kong malapit na ko sa pupuntahan ko.

Ang lugar na 'to, isa na ata sa pinaka delikadong lugar sa city. Na kahit pulis o mga awtoridad hindi basta basta makakapasok. At kapag napagtripan ka ng mga residente dito ay katapusan mo na. Kaya kailangan mo magmukhang sanay at hindi ka nila pwedeng kayan kayanin. Talamak ang drugs, krimen at mga ilegal transactions dito.

Madumi, mausok at magulo sa paligid. Halatang sabog karamihan ng mga masasalubong mo. Kaya ang suot ko ngayon ay maluwag at medyo madumi. Pinatakan ko din ng pampapula ang mata ko para magmukhang sabog o may sakit. Kahit amoy ko ay pinabaho ko din.

Buti naman at tanda ko pa ang daanan dito, nagagawi na ko dito noon pa bago pa man ako tumira kina Agatha. Ngayon nalang ulit ako nakabalik dito.

Sa huling eskinita doon ko nakita ang karatulang 'Ice for sale'. Ibig sabihin tumatakbo padin ang negosyo nila.

"Ice candy." sabi ko pagkatapos kumatok sa bintana.

Ilang segundo ako naghantay, pinalitan na kaya nila ang password? Maya't maya may bumukas na maliit na bintana.

"Flavor?" boses ng lalaki, at mukhang siya padin 'yong dating bantay dito.

"Mango, 'yong fresh."

wala pang 30 seconds nung ibigay na niya ang kapirasong papel na kailangan ko kaya iniabot ko nadin ang bayad ko.

"Keep the change."

Sabay alis ko na sa lugar na 'yon.

Mga pass 3:00 pm na ko nung nakauwi sa bahay. Tamang tama lang pala dahil aalis din ako maya maya. Nagpahinga ko saglit at naligo ulit .

4:00 pm nung umalis ako sa bahay, bago ulit ako pumunta sa lugar na 'yon ay dumaan akong palengke. Damihan ko na kasi nung nakaraan tatlo ang binili ko pero naubos agad, pagtingin ko kasi sa ref nila kinabukasan ay wala na akong nakita pang iba.

Imposibleng kakainin 'yon ng iba dahil siya lang nakakatiis kumain ng tukneneng .

4:30 pm nung makarating ako. Hindi naman bago ang pagpunta ko dito pero ngayon tuwing pupunta ko dito nakakaramdam ako ng kaba. Siguro dahil para akong magnanakaw na pumapasok sa ibang bahay.

Ano nga ba ulit password nito? Hindi talaga ako good sa numbers kaya nag education ako e.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan 'yong text. Sa araw araw na pagpunta ko dito di ko padin maalala 'yong password.

"Ah, 0605199* tama birthday nga pala niya."

Maalala ko man kailangan ko munang icheck ulit 'yong password. Kasi pag nagkamali ako ng tatlong beses dito mag aalarm sa loob ng bahay pati dun sa security ng building.

Feeling ko talaga ay magnanakaw ako tuwing papasok dito. As usual, pag dating ko puro kalat na naman. Itong mga lalaking 'to puro kalat ang alam.

Sumilip ako sa kwarto at doon natutulog siya nang mahimbing.

Madalas kasi si Ethan ang nandito pag umaga nagbabantay at nag aasikaso, around 8:00 am to 1:00 pm. Si Dominic naman 1:00 pm to 3:00 pm or minsan si Kurt. At ako 3:30 pm hanggang 5:00 pm. Ito kasi 'yong oras na walang tao at ibang walang magbabantay plus oras ng tulog niya dahil sa gamot.

Pumasok ako sa kwarto bitbit ang maliit na planggana na may tubig at towel.

Habang palapit na palapit ako sa kanya kinakabahan ako. Kainis! Alam ko naman di siya magigising kasi matindi 'yong gamot niya tapos tulog mantika pa siya pero kinakabahan ako.

Sa kanilang lahat ang lalaking 'to ang mahirap gisingin.

"Hehehe."

Kumunot talaga ang noo ko nung marinig ko siyang tumatawa, ganyan 'yan abnormal talaga.

"Ano ba, kasi naman ih." alam mo 'yong boses niya, pabebe at halatang alam mong nakikipagharutan kahit sa panaginip.

Napailing nalang ako habang nakangiti, wala talaga siyang patawad kahit sa panaginip niya puro kagaguhan padin.

Kailangan ko magmadali dahil mamaya maya darating na 'yong iba at magigising na 'tong lalaking 'to. Umiinom padin kasi siya ng pain killer kaya bagsak siya lagi agad pag iinom ng gamot.

Sinimulan ko na ang pagpunas sa mukha, braso at katawan niya. Dinahan dahan ko para hindi masagi ang mga pasa at sugat niya. Kumpara nung mga nakaraang araw mas okay na at unti unti ng gumagaling mga sugat niya.

Nung nasa bahay kami at naglalaro nila Agatha nung araw na 'yon, napanuod ko 'yong balita tungkol sa kotseng naaksidente at nalaglag sa dagat alam ko na, alam ko na siya ang andun. Kinutuban na ko dahil nung madaling araw n'yon nagising na ko at di na nakatulog pa.

Pinilit kong umakto ng normal dahil ayaw kong paniwalain ang sarili ko na baka nga siya talaga 'yon. Nung gabing gabing din 'yon pinuntahan ko si Uriah dito sa penthouse dahil di ko na kinaya at tama nga ang hinala ko.

Walang ibang sinabi sakin si Uriah nung makita niya ko, pinapasok niya lang ako at ni-lead sa kwarto niya kung saan nakahiga si Mars.

Pinigilan ko pero naiyak talaga ako nung makita ko ang kalagayan niya. Nagalit din ako, hindi sa kanya kundi sa sarili ko.

Doon ko lang napagtanto kung bakit siya nag drag racing ulit. Kasalanan ko. Naconfused lang ako, hindi ko alam ang ginagawa ko, masyado akong naguluhan sa nararamdaman ko at dumating sa point na nabalewala ko siya. Hindi ko alam na nawawala ang paningin ko sa kanya dahil akala ko okay lang naman siya lagi.

Hindi ko alam kung paano siya haharapin kaya nakiusap ako kay Uriah na payagan niya ko na bantayan si Mars at pumunta dito araw araw hanggang sa maging okay siya. Laking pasalamat ko nung binigay niya ang password ng pintuan para anytime makapunta ko.

Nakiusap din ako sa kanya na wag ipagsasabi kahit kanino lalo na kay Mars na nagpupunta ako dito.

'Natatakot ako na baka ayaw na niya ko makita o makausap.'

Baka lalo lang din siyang ma- stress kaya mas okay na ko na ganito muna kami, ang mahalaga lang sakin ngayon ay maging okay siya ulit at makapasok na.

Naiinis ako at nawawalan ng respeto sa sarili ko, wala pa kong mukhang ihaharap sa kanya. Pasalamat nalang ako at di siya nagigising kapag pinupunasan ko. Hirap kasi siya maligo kaya nahihirapan siyang linisin ang sarili.

"Mahaharas ka ng di mo namamalayan. Tsk."

Kaya 'yang si Nicolo, pag nakikitang nakatulog si Mars naku panay na ang dikit. Kaya di ko sila pwedeng iwan na dalawa lang lalo na't pag tulog ang lalaking 'to. Well, di naman salbahe at nanghaharas si Nicolo, maharot lang.

Kahit nga sinusulatan ko mukha niya dati di siya nagigising agad. Pero may keyword na kapag sinabi mo sa kanya magigising siya agad. Ang gago lang, pati 'yong key word na 'yon pang gago din.

Pagkatapos ko siyang punasan at magligpit sa kwarto ay naglinis na ko sa sala. Siguro ang nagbantay kanina ay si Kurt. Kasi malinis ang kusina tsaka may lutong ulam na, madalas kasi panay order lang sila.

Nilagay ko sa secret na taguan namin ni Uriah yong tukneneng. Kukunin niya 'yon pagdating dito sa bahay para kunwari siya ang bumili. Baka kasi magtaka si Mars pag di ko ginawa 'yon.

'Thankful talaga ko kay Uriah at nakikisakay siya sa mga request ko.'

Alam kong busy din sila ngayon sa pag iimbestiga. Medyo hirap nga lang dahil wala na sila masyadong tauhan at koneksyon dagdag mo pa na nag aaral sila. Nag aaral silang mabuti ngayon nakakapagtaka nga e. Nagmamatured na sila.

Natapos na ko sa paglilinis kaya inayos ko na ang gamit ni Mars. Okay nadin na dito muna siya kina Uriah atleast may magbabantay at mag aalaga sa kanya kesa na andun siya sa condo niya. Wala nadin naman pakealam ang tatay niya sa kanya dahil may bago ng pamilya tsaka busy sa negosyo.

Chineck ko ulit si Mars bago umalis at mahimbing padin ang tulog, niready ko na ulit 'yong mga gauge at panglinis ng sugat para di na mahirapan 'yong maglilinis ng sugat niya.

Saktong 4:50 pm nung umalis ako sa penthouse. Kailangan ko umalis ng medyo maaga dahil may kailangan pa kong puntahan.

Kinuha ko 'yong kapiraso ng papel na binigay sakin dun sa pinuntahan ko kanina at chineck ulit 'yon para masigurado ang pupuntahan ko.

"It happened when the skies became an ocean of red and orange. The sound of the crying wolf reach the riverside of death..."

Nung una kong nakatanggap ng ganito sa tindahan na 'yon halos di ko talaga maintindihan dahil ano bang malay ko sa mga phrase na 'yan, natuto lang ako nung ipaliwanag sakin nung dati kong kasamahan sa bar. Pero sa phrase na 'yan ay andyan ang hidden message na kailangan mo.

Sabi dito sa excerpt na binigay sakin, 'until the skies become sea of red and orange' meaning sunset, kung ganun 6:00 pm ang open ng transaction sa lugar na 'yon. 'Reach the riverside of death' kung di ako nagkakamali ang lugar ay sa tabing ilog Mortem Avenue. Mortem means death.

Medyo maalam ako sa mga ganitong bagay lalo na pag dating sa writing at vocabulary, hindi kasi ako magaling sa math kaya ganun. Nasanay din ako sa pag gawa ng mga texto, tula basta tungkol sa literature dahil kahit di halata journalist ako ng highschool.

"Manong,tabing ilog po tayo." sabi ko sa taxi driver.

"Sa Mortem Avenue po ma'am?"

"Ah opo, sa manggahan st. na po tayo daan medyo traffic po dyan."

Kailangan kong umiwas ng traffic at makarating ng medyo maaga.

Buti nalang at pumunta ko sa ice for sale na 'yan, walang nakakaalam kahit si Mars na may alam akong ganung lugar. Dahil pag nagkataon malilintikan ako. Tinigil ko nadin kasi ang pagpunta dun nung tumira na ko kina tita. Natuto lang naman ako pumunta dun nung nakatira pa ko sa katrabaho ko.

Madalas din kasi 'yon pumunta sa mga ganitong illegal transactions, kaya napapasali din ako sa mga drag racing noon. Kaso one week palang nung tumira na ko kina tita nabalitaan ko na napatay siya dahil sa raid kaya simula nun di na ko pumasok sa ganitong kalakaran. Kaso kailangan ko 'to ngayon.

Ang Ice for sale na 'yon ay nagtitinda talaga ng yelo, pero pag sinabi mong ice candy ang bibilhin mo sa kanila ibig sabihin bibili ka ng information.

I-llegal

C-ue &

E-xcerpt for sale ang ibig sabihin ng karatula nila.

'Mango Flavor= Drag racing information'

Kaya nung tinanong ako kung anong flavor 'Fresh mango' ang sinabi ko. Ibig sabihin hinahanap ko 'yong bagong location ng drag racing.'Yong lugar kung saan sila nag dadrag racing noon ay hindi nila magamit dahil sa iniimbestigahan padin ang lugar tungkol aksidente na nangyari.

"Manong dito nalang po."

dead end na 'to. 5:40 pm nung makarating ako. Pumasok ako sa bakanteng lote at nagmasid masid. Gaya ng hinala ko tama nga ako na 'to ang lugar na 'yon, nakita kong pumasok sa lumang gate 'yong kakilala ko kaya maya maya ay sumunod nadin ako. Pinakita ko sa bantay ang excerpt na binigay sakin at tsaka niya ko pinapasok.

Pagpasok ko doon tumambad ang halos isang daan na sasakyan pang racing. So dito na ang bago nilang hideout. Gaya ng dati maingay, magulo, may mga sabog at lasing, mga muse ng kotse at sandamakmak na pera.

Halos kalahating oras ako naghanap at tsaka ko lang nakita 'yong pakay ko. Ilang araw na ko nag iimbestiga and finally nakita ko din siya. Madali ko lang siya nahanap dahil hindi siya nakikihalubilo sa iba at iwas siya sa madaming tao. Kaya nahanap ko siya sa kadulu-duluhan ng parking at naghihintay nalang na magsimula ang laban. Nakaupo sa hoods ng kotse at gumagamit ng cellphone.

Habang busy siya ay ginamit ko na ang pagkakataon, agad ko siyang hinila, pinasan sa likod ko tsaka binagsak sa sahig, pinilipit at dinaganan upang di makapalag.

Pagkabagsak na pagkabagsak niya ay agad kong tinakip ang kamay ko sa bibig niya habang ang mga kamay niya ay nasa likuran niya at hawak ko habang dagan dagan ang likod niya.

Sinipa ko ang cellphone niya palayo at

tinanggal ko ang relo niya tsaka hinagis 'yon dahil baka may mga hearing devices 'yon. Tinanggal ko na ang tabon sa bibig niya.

"Damon, oo o hindi lang ang isasagot mo..."

"Hindi ako Ms.Chin." nagulat naman ako sa pagsagot niya, halatang hirap siya magsalita pero alam kong natatawa pa siya. Hindi pa nga ko tapos magtanong may sagot na.

Pero may kutob nga akong hindi siya, nakita ko ang samahan nilang dalawa ni Mars. At ang batang 'to, alam kong sincere siya kay Mars lalo na sa mga tinuturo sa kanya. Pero glefficial siya, 'yon ang pinanghahawakan ko kaya nagdududa padin ako sa kanya.

"Glefficial ka Damon, inutusan ka nilang gantihan si Mars.Saan mga kasama mo? Sinong pinuno niyo ngayon?"

"Hindi na ko Glefficial."

Hindi na?

"Ahmm, Ms. Chin nahihirapan ako huminga pwede bang wag mo na ko daganan. Di naman kita kayang labanan alam mo 'yan. May laban pa ko mamaya, baka mapuruhan kamay ko."

Tumagal pa ng ilang segundo bago ko siya binitawan, para kung sakaling gumanti siya atleast medyo masakit na ang katawan niya. Clear din naman at wala siyang dalang armas. Siya din ang tipo ng taong alam kong di magdadala ng ganun.

Binitawan ko siya at lumayo siya ng ilang hakbang mula sakin.

"Walang nag utos, wala kong ginawa nilabanan ko lang siya." paliwanag niya habang pinapagpagan ang sarili. "Pero alam ko kung sino ang gumawa n'yon sa kanya." nginitian niya ko dahilan para tignan ko siya ng masama. "Hindi libre ang impormasyon ko."

Pilyo talaga 'tong isang 'to. Kahit bugbugin ko siya alam kong di padin siya magsasalita kaya wala ko nagawa kundi pumayag sa gusto niya.

"Ms. Chin, wala ka ibang kasama pumunta dito?"

tumango lang ako habang iniipit ang buhok ko at siya sinusuot ulit ang relo.

"Wow, iba din ang networking mo at natunton mo 'to. Ready ka na ba? Ingatan mo 'tong si Nio ko." sabay abot niya sakin ng susi.

"Pag ako niloko mo magpaalam ka na sa kotse mo."

"Rude. Hehehe. Alam mong di kita kayang lokohin." sabay pikit niya saglit at nag pacute pa. Lintik talagang isang 'to. "Kailangan ko kasi ng pera ngayon e, may gasgas si Nio sa likod. Malaki kasi pustahan sa match na 'to, e ayaw pumayag nung kalaban na lalaki ang kalaban. Nasa timing talaga ang dating mo."

Walang gana akong tumingin sa babaeng makakalaban ko. Saktong nakatingin din siya sakin at halatang nag aangas. Familiar ang mukha niya pero hindi ko pa siya nakakalaban dati sa drag racing. Sabagay, ilang beses palang naman ako nakapag laro nito dati.

"Di mo tatanggalin 'yang face mask mo? Ingat ka ah, madaya maglaro ang babaeng 'yan."

"Sayo pa talaga nanggaling 'yan." sagot ko at tsaka pumasok na ng sasakyan. Magaling din sana siya kaso madalas mandaya.

Mukhang maayos naman ang kondisyon ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung mananalo ko dahil matagal tagal nadin nung huling nakapagdrive ako.Pero bahala na, kailangan ko ng impormasyon.

Pinaliwanag sakin ni Damon ang mga delikadong spot sa dadaanan. Hayop na 'to, di ko alam kung paano niya ko nagagamit ng ganto. Kaso mukhang despirado talaga siya at mukhang kailangan ng pera.

"Ready. Get set. Go!"

Pagkatapos na pagkatapos ng signal ay agad na ko nagpaandar. Naunahan nga lang ako nUng kalaban.

Nangangapa pa ako, mga halos ilang segundo din akong nahuli ngunit pinilit kong makahabol. Halos napapantayan ko na siya nung bigla niyang sinanggi ang sasakyan.

"Tss. Wag ako miss." sabay ganti ko sa kanya. Hindi aking sasakyan 'to kaya di ako natatakot na sagiin siya. Medyo mahina lang naman dahil baka mabangga siya at mag circus ang kotse niya.

"$%^&**" napamura talaga ako nung dumaan kami sa blind spot at bigla niyang siningit ang sasakyan niya sa harapan ko. Sobrang delikado nun para din sa part niya.

Bigla tuloy ako nag init at mas binilisan ko ang sasakyan without doubt. Siguro napansin niyang nag aalangan ako kaya nagagawa niya kong singitan.

Naaawa ko sa kotse na 'to baka kasi masira ko pero bahala na. Naungusan ko na siya pero naunahan niya ako ulit. Dahil panay ang bigla niyang pag swivel para lituhin at harangan ako ay nasagi ko ang likuran ng sasakyan niya dahilan para muntikan na ako mabangga sa malaking bato pero buti nalang at maganda ang kondisyon ng sasakyan ni Damon. Madali akong nakaiwas at nailiko ang sasakyan.

"Hehehe. Nice Nio."

Nung malagpasan ko ang rough spot at tsaka ko na ginamit ang Nitrous Oxide kaya naman halos maiwan ang puso ko sa pagkabigla. Pero kahit na ang sarap ng pakiramdam ko. Natatawa at napapasigaw nalang ako dito sa loob ng sasakyan.

'Yong mga ganitong eksena talaga ang nagpapasaya sakin. Extreme. Kinarir ko na talaga ang laban.

Tama ang mga advice sakin ni Damon, halos lahat ng sinabi niyang spot na pwede akong dayain ay sinabi niya. Expert ba naman sa dayaan kaya alam na alam niya.

"Sabi na nga ba e, ikaw mananalo hahah." tuwang tuwang bungad sakin ni Damon nung makarating akong finish line. Pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan at tsaka dumating ang kalaban at halatang galit.

Tuwang tuwa si Damon pati ang mga pumusta samin. Napatingin ako saglit sa kalaban ko at sa sasakyan niya, nayupi pala 'yong likuran. Di ko naman sinasadya tutal siya naman may kasalanan. Nagdirty finger siya sabay ngisi kaya napahiyaw ang mga tao.

Natawa nalang ako at napatingin ulit sa kanya. Nagdirty finger din ako sa kanya gamit ang dalawa kong kamay dahilan para lalong lumakas ang hiyawan.

Ako pa iinisin mo. Asa ka.

"Oh!" sabay bato ko ng susi kay Damon. "Kaw na magdrive." sabay sakay ko sa passenger seat. "Nagasgasan si Nio. Pagawa mo nalang." tutal madami naman siyang panalo.

Hinimas himas niya lang ang kotse niya saglit at nagdrama. "Sorry Nio, papaayos kita agad."

"Tara na!" sigaw ko sa kanya, tumakbo siya papasok ng sasakyan,hinagis niya sa likod ang bag ng pera na napalanunan niya at inistart ang engine.

"Ms. Chin! Kain tayo! Libre kita."

"Di ako pumunta dito para makipag bonding."

"Rude. Hahaha!"

"Parada mo dyan." naisipan ko lang bigla na dito nalang. Dahil baka pag siya ang nag decide ng pupuntahan namin ay magakanda letse letse. Baka may kasamahan siya dun at pagtulungan ako.

"Saan? Dito? Fast food?"

"Oo."

"Kala ko ba ayaw mo kumain."

"Gusto ko lang dito kasi madaming tao. Mahirap na baka dalhin mo ko sa hideout niyo."

"Hahahah. Ikaw pa ba Ms.Chin, alam mong di kita magagawan ng masama."

Mahina kasi siya pagdating sa mga babae. Kahit ganyan yan marunong siya rumespeto sa matanda at babae. Bukod kina Uriah, siya lang ang naging close ko sa member ng glefficial. Nakakasama ko din kasi siya lalo na pag nag iinsayo sila dati ni Mars.

Basta magaan loob ko sa kanya. Mabait naman kasi siya, madaya lang maglaro kaya lagi siyang napapagalitan ni Mars noon. Kaya kahit alam kong glefficial siya komportable ako kahit papaano.

"Kamusta na pala si Master?" walang tingin niyang tanong sakin habang busy sa french fries niya. Na para bang kanina pa niya gusto itanong 'yon sakin at nahihiya lang.

"Medyo okay na siya." sagot ko habang ngumunguya. "Galit ka sa kanya?"

Hindi siya agad sumagot, pero hindi na kailangan dahil halata naman. Para na niya kasing kuya si Mars at kahit di niya ipaliwanag kung bakit alam siya galit.

"Naalala ka padin niya. Lagi niya ngang sinasabi kamusta na kaya 'yong DAMONyo na 'yon."

Napayuko siya at pasimpleng napangiti. Nagpatuloy lang siya sa pagkain at di na tumingin sakin. Hay, parang magjowa 'tong dalawang 'to.

"Kailangan nilang putulin lahat ng koneksyon nila sa Glefficial, siguro aware ka naman kung bakit."

Para akong third wheel sa relasyon nila at nagcocomfort.Pero okay lang dahil ayoko din naman kasi isipin niya na balewala lang siya kay Mars.

"Pero hindi na ko Glefficial Ms. Chin."

"Seryoso?"

Tinignan niya ko tsaka tumawa. "Seryoso nga. Umalis ako nung nalaman ko 'yong tungkol sa panloloko ni Zeus kina master para lang sumali sa Glefficial. Lalo na't nalaman kong Glefficial gumahasa dun sa gf ni boss Uriah."

Kitam, mahina talaga siya pagdating sa mga babae. Lalo na sa mga ganyang usapin. Kung tumiwalag siya ibig sabihin...

"Anong ginawa nila sayo?" nabahala ako bigla, may mga ginagawa kasi sa kanila kapag gusto nang tumiwalag sa grupo.

Tumingin siya sa paligid, walang nakatingin samin at nasa may dulo naman kami nakaupo kaya tinaas niya ang pantalon niya.

Nanlaki talaga ang mga mata ko sa nakita ko, napashit nalang ako sa gulat. Binaba na niya ang pantalon at tumawa lang. Abnormal talaga.

"Binali nila binti mo?"

"Oo. Dalawang binti."

Anak ng!

"Buti nakapaglalakad ka pa."

"Oo pero di na ko makapaglaro ng basketball.Basta bawal mapwersa, may bakal na kasi 'tong dalawa kong binti."

Hindi ko padin macontrol ang expression ng mukha ko, iniisip ko palang 'yon feeling ko nararamdaman ko 'yong sakit. Naaalala ko padin 'yong peklat niya sa binti.

"Swerte padin ako Ms. Chin kasi nadaan sa opera 'yong binti ko."

Tumango tango ako at napakain ulit. Na-stress ako bigla.

"Kay nga di ko nahabol 'yong bumato nung bote na may gas at apoy sa kotse ni Master."

"Oh hinabol mo? Talagang hinabol mo kesa tulungan master mo muna."

Ang sweet nilang dalawa ano.

"Hahaha . E mukang buhay pa naman nun si Master tsaka tumawag ako dun sa head ng drag racing para matulungan si Master. Tumawag ako nun habang tumatakbo, diba cool ko Miss. Chin. Kaso wala e, di na kinaya ng binti ko di ko tuloy naabutan. Hehehe."

Napahilot nalang ako sa ulo habang tumatawa. Ang baliw nitong lalaking 'to.

"Pero namukaan ko siya. Teka." sabay kuha niya ng ballpen sa maliit na bag. "Drawing ko." sabay drawing niya sa resibo nung kinain namin.

Pinanuod ko lang siya and wow, di ko alam may talent siya sa pagdrawing.

"Siya." sabay abot niya sakin.

Tinitigan ko 'yon ng mabuti, teka...

"Cholo?"

"Oo, si Cholo."

Nilakihan ko siya ng mata. "Dinrawing mo pa dapat sinabi mo nalang agad kung sino."

"Hehehe. Gusto ko lang pakita talent ko. Okay ba?"

"Abnormal." manang mana sa master niya. "Kaya pala di ko nakita si Cholo kanina dun."

"Oo, lie low muna 'yon. Di ko nga din nakikita sa mga laro 'yon ngayon. Alam niya kasing nakita ko siya e."

"So 'yong kotse na 'yon planado na masisira, hindi 'yon nasira dahil dinaya mo?"

"Hindi ah. Madadaya ko ba 'yon si Master e alam niya galawan ko." Napailing siya at nagpatuloy. "Pag naglalaro kasi si Cholo hindi 'yong kotseng 'yon ang gamit niya, kaya for sure nilaan niya 'yong kotse na 'yon kung sakaling dumayo si master 'yon ang ipapagamit niya."

"Glefficial ba 'yong si Cholo?"

"Hindi."

Kung hindi, bakit ipapahamak niya si Mars?

"Matagal na sila magkaibigan ni master diba?"

"Oo, pagkakaalam ko. Never mo pa ba talaga nakita si Cholo sa quarters niyo noon?"

"Di pa."

Kung ganun, hindi glefficial ang nag utos e sino? Glefficial lang naman sila may malaking atraso. Unless may bagong pumupuntirya sa kanila. Pati 'yong nangyari kay Kurt baka isang tao lang ay makakagawan nun.

Hindi din kaya 'yong kamuntikan na ko mabangga isang araw ay kagagawan din nila? Muntikan na ko mabangga nung isang araw habang papunta sa penthouse, lutang kasi ako nun kaya akala ko kasalanan ko kung muntikan na ko masagasaan. Pero di kaya may nagbabanta din sakin? Kung ganun, sino? Wala akong ibang maisip na may atraso ko kundi glefficial lang.

Naguguluhan na ko, pero hindi naman glefficial si Cholo. Ibang grupo na kaya ang nasa likod ng mga 'to? Napatitig ako kay Damon at busy lang sa pagkain.

Di kaya may hidden agenda 'tong si gago?

"Grabe ka Miss. Chin, 'yang titig mo para kong sinasaksak. Wala kong ginawa kay master at wala kong balak na masama sa inyo." sabay tingin niya sakin at nagpacute ulit. "Kahit inambanduna niya ko."

Napangisi nalang ako at binatukan siya. "So galit ka nga, ,may dahilan ka talaga na patayin siya."

"Hahaha! Wala ah. Kung alam mo lang..." napatigil siya habang hinihimas ang ulo at umiwas ng tingin. "Natuwa ko nung nakita siya. Kahit yung itsura niya nung nakita ako ibang iba. Na para bang papatayin ko siya. Hahaha!"

Malala na siya, kaya tuloy natawa nalang din ako. Mukha kasi siyang tanga. Naisip ko tuloy 'yong itsura ni Mars nung makita siya.

Habang nagtatawanan kaming dalawa ay binuksan ko ang text ni Uriah. Bakit kaya siya nagtext?

Pagbukas ko ng message ay unti unting napatigil ako sa pagtawa.

'Chin, nasusunog resto kaya punta kami dun. Samahan mo si Mars sa bahay, Kurt lang kasama niya dun. Kaw na bahala.'

Pagkabasa na pagkabasa ko nun ay tumayo na ako at hinila si Damon.

"Alam mo penthouse ni Uriah diba?"

"Oo."

"Hatid mo ko. Dali."

Parehas pa naman injured 'yong dalawang 'yon. Mukhang iniisa isa talaga kami ah. Ngayon naman si Jonas. Okay naman siya siguro tutal pupunta naman dun sila Uriah. Mas nag aalala ko kay Mars, injured pa naman 'yon. Wala naman siguro magtatangka sa dalawang 'yon tsaka hindi sila basta basta mapapasok sa penthouse. Unless kung maglabas pasok si Kurt kakabili ng pagkain.

Kung anu anong naiisip ko, nababaliw na ko sa mga nangyayari nitong nakaraang araw. Okay lang, tatambay nalang ako dun sa may storage room. Sa tapat lang naman 'yon nung penthouse ni Uriah.

Nung nakaraang araw, dun ako tumambay nung hinahantay ko umalis si Dominic sa penthouse. Napaaga kasi ang punta ko nun kaya dun ako nagtigil. Okay naman dun, di naman ganun kadumi.

"Ayos ka lang Miss Chin? May nangyari ba?"

"Huh wala naman."

"Wala pero 'yong kilos mo iba." bulong niya. Tinignan ko nalang siya ng masama.

"Baka kailangan mo ng tulong sabihin mo lang."

Di na, pag nagkataon dalawa kaming magkukulong sa storage room, para kaming tanga nun. Hindi dapat ako makita nila Mars lalo na siya.

"Dito nalang Damon." sabay tapik ko sa braso niya. Dito na ko bababa baka may makakita pa samin na magkasama. "Salamat sa info, wag mong sasabihin kahit kanino na nagkita tayo. Teka peram nito."

sabay dampot ko nung maliit na flashlight sa lagayan niya. Madilim sa storage di ko naman pwede buksan ang ilaw dun the whole time na andun ako.

Nagsalute lang siya at tsaka ngumiti. Tinapik tapik ko siya ulit at tsaka bumaba.

"Di ka niya inabanduna, tandaan mo 'yan." paalala ko sa kanya bago tuluyan isara ang pintuan ng kotse. Tumakbo na ko papuntang penthouse.

Binalik ko ang face mask ko at nag elevator, wala naman sigurong ibang makakakita sakin dito dahil andun sila papunta kay Jonas. Okay na kaya si Dude ? Okay naman sana sila. Di ako makatawag or makagpagtext. Di kasi ako nagloload, iniiwasan ko mag load.

Ano kaya ginagawa ni Mars ngayon? For sure di mapakali 'yon at gusto din sumama kina Uriah. Kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. SIguro dahil alam kong andito na naman ako malapit sa kanya.

Baka mahuli nila ko, pero hindi naman siguro. Okay lang naman ako magtigil ng ilang oras sa storage basta mabantayan ko lang sila. Parehas pa namang silang pasaway ni Kurt. Mamaya kasi sumunod din 'yon dun kina Jonas.

Pagbukas na pagbukas ng elevator ay hind muna ko lumabas, sumilip muna ko dahil baka isa sa kanila ang nasa labas. Pero may janitor na nasa harap nila.

Lumabas na ko at nagtago muna saglit sa gilid, baka may lumabas. Hindi naman kalayuan ang pwesto ko kaya narinig ko ang sinabi nung janitor na nalaglag ang wallet ng guest nila, sumilip ako at kung di ako nagkakamali kay Kurt 'yon.

Siya lang naman ang may wallet na zombie ang print.

"Saglit lang po."

Rinig ko ang boses ni Mars mula sa maliit na screen sa pintuan. Bakit siya kukuha, saan si Kurt? Ibig sabihin wala si Kurt sa loob? Di kaya sumunod 'yon kina Uriah. Pero sabi ni Uriah kasama ni Mars si Kurt? Ang gulo ah.

Sumilip ulit ako, ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba kay manong. Medyo stiff ang pagkakatayo niya at mukhang di okay ang pakiramdam niya.

Napatingin ako sa pintuan ng storage nung mapansin kong dahan dahang bumubukas 'yon. Hanggang sa tuluyan na 'yon lumabas at sumandal sa dingding ng penthouse.

"Teka..." Halos mamanhid bigla ang katawan ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko biglang hindi ako makagalaw at makapag salita lalo na nung makita kong may bitbit siyang baril at mukhang hinihintay na mabuksan ang pintuan ng penthouse. Shit! Pinilit kong gumalaw at tumakbo pero nakita kong unti unting bumubukas na ang pinto. Kahit sarili kong hakbang ay di ko marinig dahil sa pagkatuliro. Si Mars...si Mars!

Kinalaban ko ang sarili kong kaba at ito na ata ang pinakamabilis na takbong nagawa ko sa talambuhay ko. Sinipa nung lalaki ang pintuan at walang kahirap hirap na pumasok. Hindi ko na naisip na wala kong armas at pwede din akong mapahamak. Pero hindi ko kaya, hindi ako papayag na mapatay si Mars ng ganito lang.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kaba at takot, bago tuluyang sumara ang pinto ay nagawa kong makapasok. Gusto kong magwala at mabilis na nagtubig ang mata ko nung makita kong nakatutok ang baril sa ulo ni Mars at walang kalaban laban.

Sa sorang kaba at desperado ko nung segundong 'yon ay di ko na namalayan ang ginawa ko.

"Baba mo 'yan o parehas na sasabog ang ulo niyo."

Matapang kong banta sa lalaking pumasok habang tutok padin niya ang baril sa ulo ni Mars at habang ako...

tutok tutok ang dulo ng flashlight sa ulo niya. Ito na ata ang tinatawag nilang galawang desperado, wag lang talaga ko mahuli kundi pati baka ang ulo ko ay sumabog.

'Gumalaw ka. Sanggiin mo.'

tinitigan ko si Mars at nakayuko padin habang sinasabi 'yon sa isip ko. Hindi ko alam kung tatalab at maiisip ni Mars na gawin 'yong nasa isip ko pero desperado na ko kailangan ko makuha ang baril sa kanya kaya kailangan madistract siya lalo.

Buti nalang at hindi pa niya nahahalata na hindi baril 'tong hawak ko. Hindi ko pwede patagalin na nakatutok sa ulo niya 'tong flashlight lalo na na nakatutok ang baril sa ulo ni Mars dahil baka magduda na siyang wala talaga kong baril at iputok ang hawak niya.

Hindi ko alam kung magic na matatawag 'yon pero nagulat ako nung hinawakan ni Mars ang baril at mabilis na inilag 'yon sa ulo niya. Ang bilis talaga ng kamay niya kahit kelan.

Dahil walang pwersa si Mars ay agad akong gumalaw, wala kong sinayang na segundo. Inihakbang ko sa kaliwang side nung lalaki ang kanan kong paa tsaka ko inikot ang katawan ko counterclockwise pagkatapos ay sinungkit at pataas kong sinipa ang kanyang kamay dahilan para mabitawan niya ang baril at tumilapon 'yon sa ere.

Pagkatapos na pagkatapos ko sipain ang kamay niya ay hinawakan ko siya sa balikat at tinadyakan ang kanyang ibaba bago pa man siya makaporma. Kitam, napaluhod siya agad saktong sinalo naman ni Mars ang baril at tsaka 'yon tinutok sa lalaki.Bale palit naman sila ng posisyon ngayon.

Walang salitang lumalabas sa bibig namin ni Mars, na kahit wala ng salitaan ay nasusundan naman namin ang galaw ng isat isa. Agad niyang hinubad ang arm sling at binato 'yon sakin upang ipantali sa kamay ng lalaking 'to.

Tinorture ko siya at tinanong agad, hindi familiar ang mukha niya. Kahit hinampas ko na siya ng baril sa mukha ay di pa din siya nagsasalita. Mas titindihan ko pa sana kaso biglang may mga umakyat na security ng hotel kasama 'yong janitor na matanda at pulis.

Mabilis naman silang umaksyon at dinakip 'tong lalaki para ikulong at imbestigahan.

Nagpaliwanag ako saglit sa kung ano ang nangyari kaso hindi ako mapakali dahil alam kong may sumasakit kay Mars kahit na hindi niya 'yon pinapahalata.

"Pwede bang bukas nalang kami pumuntang presinto para magbigay ng statement? Kailangan niya na kasi magpahinga muna." paliwanag ko sa pulis habang nakatingin ako kay Mars na kinakausap ng mga security at ni Manong Janitor.

"Pasensya na po ulit sa nangyari. Napilitan lang po ako dahil pinagbantaan niya ang buhay ko." paliwanag ni manong habang walang tigil sa paghingi ng sorry kay Mars, lumuhod pa siya pero agad siyang pinatayo ni Mars at sinabing ayos lang at wala na siyang dapat ipag-alala. Sinasabi niya 'yon habang nakangiti pa na akala mo walang nangyari.

"Pasensya na po ma'am, ako nalang po muna ang pupunta sa presinto para magbigay ng statement. Sorry po ulit." paumanhin sakin ni manong, tumango tango lang ako at sinabing wag na siya mag alala.

"Swerte ka at dumating sila agad." inis kong bulong sa suspect. Umalis na sila, hindi ko na siya nagawa pang imbestigahan at kausapin ng masinsinan dahil dinampot na siya agad. Bukas nalang pag pumunta na akong presinto.

Bale ang naiwan nalang dito ay ako at si Mars. So wala talaga dito si Kurt? Ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking 'yon.

Ang tahimik ng paligid, ngayon nalang ako nakaramdam ng awkwardness saming dalawa. Nanatili akong nakatayo malapit sa foyer. Di ko alam ang gagawin ko, di ako makatingin ng diretso sa kanya at di ko alam kung ano ang una kong dapat na sabihin.

Hindi ko alam kung dapat ako ba mauna magsalita. Ano ba dapat kong sabihin? Pag nagsalita kaya ko kakausapin niya ko. What if kung hindi. Uuwi na ba ko? Kaso kaya nga ko pumunta dito para bantayan siya. Ang awkward naman kung lalabas ako bigla tapos papasok ng storage room.

Bakit ako natataranta ng ganito! Kinakabahan ako. Di ko mapakalma ang sarili ko.

Hindi ko din magawang tumingin sa kanya. Ano ba 'to? Nakakasira ng ulo. Wala ba siyang sasabihin? Hindi ba siya unang magsasalita?

"Thank you." Malumanay niyang sabi kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tignan siya pero hindi siya nakatingin sakin.

Nakaupo lang siya sa sofa at nagpapahinga. "Pasensya na sa abala." dagdag niya.

Napalunok ako at napahinga ng malalim. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko 'langya!

Malumanay at halatang thankful siya sa boses niya pero bakit ganun. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero bakit pakiramdam ko ibang tao ako na para bang hindi kami ganun magkakilala kung kausapin niya ko.

"Okay lang. Tinext kasi ako ni Uriah kaya pumunta ko dito." Paliwanag ko habang siya ay di padin ako nakukuhang tignan pero napangiti nalang siya nung sabihin kong tinext ako ni Uriah.

Hindi na siya sumagot pa. 'Yong mga nangyari sakin ngayong buong araw pakiramdam ko matagal na nangyari dahil halos hindi ko na matandaan ang mga naganap dahil natabunan na ng kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Tanga mo Chin. Napangiti nalang din ako saglit dahil sa katangahan ko. Pagkatapos ng ginawa ko ineexpect ko pa talaga na tignan niya ko. Swerte na nga ko't maayos pa ang pakikitungo niya sakin ngayon.

"Hindi ko alam kung okay si Jonas." aniya at napayuko saglit. "Wala padin balita. Kung gusto mo sumunod sa kanila pwede mo naman na ko iwan na." maayos niyang paliwanag.

Parang may kung anong humampas sakin. Kahit muntikan nadin siyang mapahamak mas inaalala pa niya ang kaibigan niya. Hindi ako nakaimik at parang sinampal ako ng mga salitang 'yon. Hindi tipo ni Mars ang manakit gamit ang salita. Pero nung sabihin niya 'yon alam kong may mas malalim pang ibig sabihin 'yon.

Pakiramdam ko mas masakit pa 'yong sinabi niya kesa sa mga masasamang salita na dapat kong matanggap. Sana pala pinagmumura nalang niya ko at sabihang malandi.

"Dadagdagan naman daw 'yong security ngayon pati sa labas ng penthouse."

Napamura nalang ako sa isip dahil parang pinipiga talaga ang dibdib ko. Naguguilty ako, ang akala niyang iniisip ko 'yon padin ang concern niya. Tumahimik lang ako at naghahantay na maglabas siya ng sama ng loob sakin.

Gusto ko na sigawan niya ko at ipamukha lahat ng kasalanan ko.

Hindi niya ko pinagtatabuyan kundi iniisip niya na mas gusto ko tumulong dun lalo nanganganib din si Jonas. Gusto kong tumulong pero mas gusto ko siyang samahan. Hindi dahil kailangan niya ng kasama kundi dahil gusto ko na kasama siya.

"Andun naman na sila Uriah, baka makasagabal lang ako." kaswal na sagot ko. "Wag daw din kitang iwan."

Naubusan ako ng dahilan kaya 'yon ang nasabi ko.

'Wag daw kitang iwan, sabi ng sarili ko.'

Hindi ko masabi sabi na gusto ko lang talaga siyang kasama. Sobrang hina ko sa gantong bagay, hindi ako ganun kagaling mag express ng sarili lalo na sa salita.

Kaya sa pagsusungit ko dinadaan lahat. Alam kong di maganda para sa mata ng iba pero alam niya at masaya siya pag sinusungitan ko siya dahil alam niya kung para saan 'yon. Hindi kasi ako sobrang sweet at clingy tulad ng ibang babae. Pero ngayon, gusto kong tumalon sa kanya at yakapin siya.

Huminga ako nang malalim nung maramdaman kong humahapdi ang mga mata ko. Tumalikod ako at pumuntang kusina. Ayokong makita niyang nawawala ko sa sarili.

"Gusto mo bang kumain?"

"Kumain na kami. Kung gusto mo kumain may pagkain pa dyan. Di ko lang alam kung magugustuhan mo hehe."

Kung papakinggan mo siya magsalita ganun padin, masaya at maaliwalas. Kaya minsan di ko din malaman ang iniisip niya kung sa pagsasalita lang niya ang pagbabasehan ko. Insensitive nga siguro ako, feeling ko kasi dati okay lang siya lagi.

Pero iba ngayon, tuwing titignan ko siya habang maayos padin ang pakikitungo at pagsasalita parang bumabanda sakin lahat ng sakit na pinaramdam ko sa kanya.

Para maiwasan ko ang awkwardness ay kumain ako. May nakita akong lutong ulam, tuna omelette kaya pinapak ko. Favorite niya 'to.Sino kaya nagluto nito? Sunog pa pero okay naman.

Nataranta ko nung bigla siyang tumayo at lumakad papunta dito. Pinanuod ko lang siya, dumiretso siyang ref at kinuha 'yong root beer. Binuksan niya 'yon gamit ang isang kamay lang at tsaka pinatong sa mesa.

"Sabayan mo nalang neto. Ang sagwa kasi kainin niyan sunog." Kaswal niyang sabi pagkatapos ay pumasok siyang kwarto.

Gaya kanina, hindi niya ko tinignan. Hindi man lang siya tumitig sakin. Matutulog na kaya siya? Siguro nga dahil kailangan niya na magpahinga. Hindi siya nag paalam, naiintindihan ko.

Napatigil ako sa pagkain dahil hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Naiiyak ako sa ginagawa niya. Hindi ko deserve na tratuhin niya ko ng maayos at mas nasasaktan ako ng dahil dun. Kung okay lang siguro kami ngayon magpapasubo pa 'yon at parang batang nangungulit. Manunuod kami habang nakahiga pero siya mangungulit lang hanggang sa makatulog na kami.

(Play it if you want, with english translation kaya maiintindihan naman. Ang sarap niya sa tenga ^_^.)

Pinigilan ko lalong maluha at tinapos na ang pagkain ko. Pumunta kong sala at niligpit 'yong mga kalat nila. Wala pading nagtetext tungkol sa nangyari. Kamusta na kaya sila ? Hindi pa siguro alam ni Agatha ang nangyari dahil kung alam na niya tatawag 'yon agad.

Sa sobrang tuliro ko kanina nakalimutan kong itanong kung may masakit ba kay Mars. Okay lang kaya siya? Napwersa din siya kanina kaya siguro sumasakit ang pilay niya o sugat. Pero laking pasalamat ko at hindi siya napahamak kundi hindi ko alam ang gagawin ko pag natuluyan siya.

Kakatukin ko ba siya? Kaso paano pag tulog na siya. Baka isipin niyang nagpapapansin ako masyado. Kaso paano pag may masakit talaga sa kanya, for sure kasi hindi niya sasabihin sakin kung meron man.

Tumayo ako at kakatok na sana kaso biglang bumukas 'yong pinto. Napatigil siya saglit at parang nagulat din pero hindi padin niya ko tinignan. May bitbit siyang kumot at unan na malaki. Bago ko pa man siya maalalayan sa dala niya ay madaling pinatong na niya 'yon agad sa sofa.

"Hindi padin nagtetext sila Uriah, di ko din alam kung ano oras sila babalik." paliwanag niya habang pinapagpagan 'yong sofa pagkatapos ay binuksan ang TV. "Aish! Di nga din sila sumasagot sa tawag ko. Magpahinga ka nalang din muna sa kwarto. Mahirap na baka may sumugod din sa bahay niyo. Wala pa naman si Ethan dun."

Habang pinapakinggan ko siyang nagsasalita napansin kong parang nagbago ang pagkakabenda ng braso niya kumpara kanina, siguro ay inayos niya 'yon dahil napwersa siya. Kaso hindi maayos ang pagkakabendaniya.

Akala ko pa naman ay tulog na siya, sabagay baka hindi siya komportable na andito ako. Hindi ko din alam kung saan ako humuhugot ng kapal na mukha na samahan siya. Siguro nga ay ayaw niya talaga ko na makita kaya pinagpapahinga niya ko sa kwarto. Kung saan di niya ko makikita.

"May masakit ba sayo?" seryoso kong tanong habang naglilipat siya ng channel. Napatigil siya sa paglilipat. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako.

Siguro nga natatakot din ako sa sarili kong multo. Natatakot ako na baka hindi niya ko pansinin, na baka tanggihan niya ko, balewalain at maramdaman na wala na siyang interes sakin. Gaya ng ginawa ko sa kanya. Hindi na nasundan ang sasabihin ko dahil sa takot.

"Magiging okay din ako Chin." seryoso at parang hinang hina niyang sabi. Ramdam ko sa boses niya ang sakit na dinadala niya. Lalo na nung tawagin niya ang pangalan ko. Ngayon ko lang ata siya narinig na tinawag akong Chin kesa sa nakasanayan niyang tawag sakin. Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.

Ayoko ng pakiramdam na 'to. Gusto ko siya bigyan ng oras pero bakit pakiramdam ko anytime pwede na talagang maputol 'yong taling nag uugnay saming dalawa.

Hindi ako sumagot at nilakad ko ang paa ko palapit sa kanya kahit na ang pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, inaantay ko na kahit saglit lang tignan niya ko. Napatingin siya sa gilid at nakita niyang palapit ako. Paa ko lang ang tinignan niya at hindi ang mata ko. Umiwas siya ng tingin at yumuko, napahilot siya sa ulo at narinig ko siyang ngumisi pagkatapos ay huminga ng malalim.

Nung oras na 'yon namalayan ko nalang na tumulo na ulit ang luha ko.

"Wag ka na lumapit."

Napatigil ako agad at di na nakalapit pa. Umapaw agad ang luha ko sa sinabi niya. Parang tinanggalan ako ng lakas. Ito ang kauna unahang beses na sinabihan niya ko ng ganun.

"Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." dagdag niya at parang naging desperado ang boses niya. "Kasi kahit anong gawin mo mahal padin kita."

Natawa siya at nakita kong may tumulong luha sa mata niya kaya napatingala siya agad para pigilan 'yon. Parang bibigay ang tuhod ko dahil sa panghihina.

"Ayos lang ako, wala kang kasalanan. Ako may gawa nito sa sarili ko. Kaya bigyan muna natin ng time ang isat isa na makapag isip." tumingin siya sakin at namumula ang mata dahil sa pagpipigil ng luha. Nagumiti siya ng kaunti saglit dahilan para halos magusot ang mukha ko dahil sa pagpipigil ng luha. "Maghiwalay muna tayo."

Nablangko ang utak ko, parang nililipad ako at parang anumang oras mapapaupo nalang ako sa sobrang panghihina. Hindi ko maialis ang tingin sa kanya kahit na nanlalabo ang mata ko dahil sa luha. Gusto kong magsalita kaso kahit ibuka ko ang bibig ko ay di ko magawa. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit lalo na nung sabihin niyang...

"Baka ka kasi ako nalang ang nagmamahal habang ikaw awa at konsensya nalang ang nararamdaman."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...