Lost Phantasia: The World of...

De trickypencil

24K 1.4K 389

Synopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azurega... Mai multe

Author's Note
Prologue
Lost Phantasia Overview
Chapter 1: The Great Thief (Revised)
Chapter 2: Fairy of Goesa (Revised)
Chapter 3: Ivonel Auerwen (Revised)
Chapter 4: Ibon at Uling (Revised)
Chapter 5: Heart Beat (Revised)
Chapter 7: The Culprit, Part 2 (Saving Garen) [Revised]
Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)
Chapter 9: Potential, Part 1
Chapter 10: Potential, Part 2 (Jacob Koddar)
Chapter 11: Potential, Part 3 (Head Master)
Chapter 12: Laraym Academy
Chapter 13: New Students
Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)
Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)
Chapter 16: His Confession
Chapter 17: SECRET PLAN
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Bad Feelings
SPECIAL CHAPTER (Halloween Special)
Chapter 20: Why?
Chapter 21: Avoidance
Version 2.0
Hello Guys, Try to Update

Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)

791 51 32
De trickypencil

Don't forget to comment and vote 🙂

Enjoy wattpading
****

Lark Veliche's POV

*Sa Bayan

"Anong klaseng kasuotan yan?" Taas kilay na tanong ni Ivon.

Nagtataka siguro siya sa kasuotan ko. Sino naman di magtataka kung balot na balot ng tela ang buong mukha ko at may suot pang lumang kapa. Para akong manglalakbay muka sa malayong lugar.

Di ko maaaring sabihin ang dahilan at ang tunay kong pagkatao sa kanya na isa akong mang-uumit. Kilala ako sa buong bayan mula pagkabata gawain ko na ang mang-umit kaya kailangan kong mag ingat.

"Uuuh... H'wag mo nalang ako itindihin, magmadali nalang tayo mamili." Paiwas kong sagot kay Ivon.

Ngayon kasi mamimili kami ng mga damit na magagamit niya sa pang araw-araw. Kung di ko damit minsan damit ni Garen ang sinusuot niya. Nagagalit na nga yung isa dahil siya pa raw ang nawawalan ng masusuot kaya napagdesisyunan kong dalhin siya dito sa centro ng bayan para bilhan siya ng masusuot niya.

habang inaayos ko ang sarili ko kapansin-pansin ang kakaiba kasuotan nito. May suot itong malaking sumbrero gawa sa hinabi na  dayami at nakapa-ilalim ang buhok nito sa loob. Halos natatakpan ang buong mukha nito.

"O eh Ikaw, bakit nakasuot ka ng malaking sumbrero?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

Biglang siya nag-iwas ng tingin at di rin mapalagay. Agad siyang tumalikod at pautal-utal na nagsalita.

"Ha-hah? wa-walaaaa... Ma-mainit! Tama mainit ang panahon! Hoooo grabe ang init. He-he-he."

"Talaga?" Mapanuri kong tanong sa kanya at nilapitan siya.

"O-oo mainit." Sabay paypay sa mukha niya gamit ang kamay. Napapa atras siya sa tuwing lalapit ako sa kanya.

Hmmm nakakapagtaka, may tinataguan rin kaya siya? Pansin ko panay lingon niya sa paligid at bahagyang tinatakpan ang mukha kada may papalapit na tao sa amin. Napansin ko y'un simula pag pasok namin dito sa sentro.

Pinanliitan ko siya ng mata at pumunta sa harapan niya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin at yumuko. Magtatanong pa sana ako ng bigla niya akong pangunahan sa pag sasalita

"Ah! Ayun! Magaganda ang mga damit doon at mukhang mumurahin lang di gaya ng mga pasadya mas mahal at matagal. Pero kahit na magaganda naman ang kalidad." Sabi niya at pumunta sa tindahan kung saan siya nakaturo.

Sinundan ko siya ng tingin at napatingin din ako sa kalangitan.

Mainit? makulimlim naman?

Di ko nalang pinansin at nagkibit balikat saka ko inayos ang takip sa mukha at sinundan na siya sa tindahang tinuro niya.

****

"Wow! Ang gaganda ng mga bestida at damit na binili natin. Di na ako makapag antay makauwi at masukat ang lahat ng mga ito." Sabay yakap sa mga pinamili namin.

Kasalukuyan kami ngayon naglalakad dala dala ang mga pinamili niya. Nakangiting lumingon si Ivon sa akin at huminto.

Hinarap niya ako at tinanong "Sigurado ka bang di ka bibili ng para sa iyo?" Umiling ako habang wina-wagayway ang kamay bilang pag-tanggi. "...Hi-Hindi na Kailangan, masaya na akong makita kang masaya ayos na ako doon." Sagot ko at pilit na ngumiti kay Ivon.

Napansin ko naman namula ang pisngi niya at napahawak sa pisngi ng bahagya.

"Ga-Ganun ba? Sige, hehe tara nagugutom na ako may alam akong masarap na kainan na malapit dito." Nahihiyang tugon nito at nauna lumakad sa akin. Pulang pula ang mukha nito kaya di maiwasan magtaka.

May sakit ba siya? at ang pula ng pisngi niya. Mainit nga siguro kaya ganon.

***

Habang naglalakad ay di ko maiwasan maiyak.

Napatingin ako sa supot na pinaglalagyan ko ng mga salapi at sinilip ang laman nuon.

Binaligtad ko ang supot at 8 pirasong tanso nalang ang lumabas mula roon. Halos wala na natira sa lahat ng inipon ko sa loob ng tatlong buwan. Huhuhu sa kanya lang pala mapupunta lahat ng inipon ko.

"Laaaaaark halika na may nakita akong inihaw na karne ng higanteng palaka banda doon ohh" Sabay turo sa gawing roon kung saan niya tinutukoy yung inihaw na karne. "...Subukan natin" Nilingon ko ang tintukoy niya. Masarap yun kapag bagong luto. kaya naman tumango ako at lalapitan siya.

"Ingatan mo mga damit ko ah, huwag mo iwanan kung saan-saan kundi lagot ka." Sigaw pa niya. Siya pa talaga may ganang mangaral sa akin. *sigh

Haaaaay mukhang wala na ako magagawa, Bahala na I-e-enjoy ko nalang ang araw na ito.

"Sagleeeeeeet antayin mo ako." Sigaw ko sa kanya at tumakbo papunta sa kanya.

"Ang bagaaaaaal mo kasi ahahahhahahah"

****
A/N: Please Play Multi Media down below to feel the scenes :)

3rd Person's POV

Masayang naglilibot sina Lark at Ivonel.

Ito ang Greycott Dukedom at kasaluyan nasa malawak na distrito ng mga mangangalakal sina Lark at Ivon na magtatagpuan sa Middle Town ng Geycoytt.

Ang Greycott ang pinaka malaki at pinaka maunlad na syudad na malapit sa Royal Capital ng Adrakholia Kingdom o Kaharian ng Sagradong Araw.

Ang Adrakholia ay tinatag ilang libong taon na nakakaraan.

Sinisimbolo ng kahariang ito ang Liwanag ng Araw na nagsasabi na ang liwanag ng araw ang tumalo sa Dark Evil Lord na nangahas sumakop sa mundo makalipas na maglaho umano'y ng Diyos na lumikha ng Lahat.

Ang Greycott Dukedom ay pinamumunuon ito ni Duke Muño or (House of DukeMuño) na may 4 na maliliit na bayan.

Hindi mababakas ang hirap at lungkot sa syudad na ito.

Makikita kung paano nag tutulungan ang lahat.

Masayang nagbabatian at nagkekwentuhan.

Malayang nakakatakbo at nakakapag laro ang mga bata.

May magagandang palamuti nakasabit sa paligid at napapaligiran ng makukulay na halaman at bulaklak.

Pinagbabawal ang bentahan at paggamot sa mga alila.(SLAVERY)

at higit sa lahat...

Pinapayagan ang mga Demi-human na maniraham kasama ang mga tao at pinagbabawal ang deskriminasyon sa mga lahi nila.

Kapansin pansin na likas ang pagiging masayahin ng lahat.

Maganda ang pamamalakad ng kanilang Lord Muño kaya naman ito pinaka maunlad.

Sa di kalayuan ay makikita ang Nasisitaasang Wind mill na pinagkukuhanan nila enerhiya mula sa hangin at nakakatulong sa paggawa ng tinapay sa pamamagitan ng pagdurog o pagpibo ng wind mill sa mga trigo.

Malaki ang tulong ng hangin sa bayan nila at sa pamamagitan ng mga ibat ibang uri ng mga windmill nakakagawa sila ng Tinapay. Tubig na bukal mula sa lupa. at iba pa.

Huwag na tayo lumayo sa kanila.

Sa di kalayuan, mula sa paglilibot nila Lark at Ivon, matatnaw ang grupo ng mga tao na tila may pinag kakatuwaan.

Agad naman hinila ni Ivon si Lark papunta sa grupo ng mga tao at nakipag sik-sikan para makarating sa unahan.

Nang marating ang pinaka unahan ay di mapiliwanag ang ligayang nadarama ni Ivon sa nakikita niya, sapagkat nasa harapan niya ang isang bagay na minsan na niyang hiniling at ni minsan sa tanan ng buhay niya ay mgayon palang niya ito nakita.

Mga grupo na tagapagtanghal at masayang tumutugtog gamit ang kanilang instrumento.

Sa tabi naman ay may ilang mga tao na malayang sumasayaw habang sumasabay sa indan ng masayang musika.

Di nag dalawang isip ay agad naman siyang lumapit at nakipag sayaw sa kanila.

Kita ni Lark sa mga mata ni  Ivon ang kasayahan nito habang sumasabay sa mga sumasayaw.

Nakita niyang lumingon ito sa kanya at bingyan siya ng Matamis na ngiti at tawa.

Masisilay sa kanya ang walang katumbas na ligaya na di basta-basta makikita ng kahit sino man.

Ngumiti rin si Lark at kumaway. Pinagmamasdan niya si Ivon na masayang sumasayaw kasama ang ibang mamamayan at habang pinapanuod ay parang bumagal ang takbo ng kanyang mundo. Tanging masayang mukha lang ni Ivon ang kanyang nakikita.

Naudlot ang pag papantasya niya ng bigla na lamang siya nilapitan at hilain ang kanyang kamay at niyayang makisabay sumayaw.

Di na siya naka-tanggi dahil sino namang tao ang makakatanggi kung ang masayang mukha na ni Ivon ang makikita. Kaya nagpatianod na lamang siya at Masayang nakisayaw sa lahat.


****

Lark's POV

"Haaaaaaaaaaaay..." Sabay taas ng dalawang kamay na animo'y inaabot ang kalangitan. Nandito kami ngayon sa beranda na isa sa mga kainan kung saan kita ang kabuoan ng kaharian.

"Nakakapagod pero masaya ako." Sabi niya habang nakatingin sa malayo sa papalubog na ataw at tsaka lumingon sa akin. "Ikaw ba Lark masaya kaba?"

Hindi ako nakasagot agad ag napatitig lang sa kanya. Halata nga sa mga mata niya na naging masaya siya sa  paglilibot. Napangiti na lang din ako at binigyan siya ng marahang tango bilang pagsangayon sa sinaad niya.

"Di ko aakalain na mararanasan ko ang mga bagay na ito." Nilibot niya sng tingin sa paligid  pagkatapos ay binalik ang tingin sa akin.

"Ang saya ko Lark." marahan niya hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. Di ko alam ang gagawi ko kaya naman yumuko ako. Ramdam ko ang ang pagiinit ng mukha ko, parang lahat ng dugo ko ay umakyat patungong mukha ko.

Bakit bigla nalang ako kinabahan at nakaramdam ng hiya? 

Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa aking kamay at tumingin muli sa malayo kung saan kita ang pag lubog ng araw. Napapikit siya at dinadamdam ang paligid.

Namangha ako sa nakikita ko, kung pano siyang kumilos at habang dinadama ang paligid. Di niya namamalayan na nakagawa siya ng isang nakakamanghang galaw kung saan nasisikatan ng kulay kahel na sikat ng araw kaya nagmistulang kulay ginto ang kanyang balat.

Makikita sa pwesto ko na parang hinahalikan niya ang araw na lalong nagpaganda sa kaniya. Nabalik nalang ako sa realidad ng muli siyang nagsalita. Lumingon siya sa akin at matamang tinitigan ako sa mata na may ngiti sa labi.

"Lark, nagpapasalamat ako sayo at pinaranas mo sa akin ang mga bagay na di ko naranasan mag mula noon. Naging masaya ang bawat araw ko sa piling mo... Sa piling niyo.

Maraming bagong karanasan na di ko aakalain na mararanasan ko at di lahat mangyayari yun kung di dahil sayo." KHit nakangiti ramdam ko sa tono ng pananalita noya na malungkot siya.

"Alam mo ba noong nasa loob ako ng Pala—ah, ang ibig kong sabihin Academya ay-" Di ko na siya pinatapos mag salita dahil sa narinig ko.

"A-ano kamo? Akademya?"

"hah?" Totoo ba ang narinig ko. Akademya. Sa Academy siya nag-aaral?

"Akademya? Ibig sabihin Na-na-nag-aaral ka sa La-Laraym Aca... (gulp) Academy" Tanong ko kay sa kanya na di makapaniwala.

Naguguluhan naman siyang tumango sa akin at napakunot ang nuo.

Parang nagningning ang mga mata ko at pumalakpak ang tenga ko sa nalaman ko.

Oo matagal ko nang pinangarap makapasok sa Laraym Academy.

Sikat ang paaralan na iyon sa mga nangangarao maging Magic Warrior o Sorcerer.

Nilingon ko at pinagmasdan ang mistulang kastilyo sa taas ng ng kaharian dahil natatakpan ng Royal Palace ang Lumulutang na Isla kung saan nakatayo ang Laraym Academy.

Subalit ngumiti ako ng mapait dahil alam ko sa sarili ko na malabong mangyari 'yun ang makatungtong sa pinapangarap kong Paaralan.

Dahil para lamang sa mayayaman at may dugong bughaw lang ang paaralan na iyon kaya nanatiling pangarap na lamang magpahanggang ngayon.

May mga paaralan naman pinatupad ang Duke Muño na para sa mga katulad namin mahihirap subalit limitadong kaalaman lang ang tinuturo gaya ng aritmiko at mga pang araw araw na magagamit sa buhay.

Hindi tulad sa Laraym Academy ay hinahasa ang mga magaaral bilang isang magiting na mandirigma at mago.

[a/n: Mago ang tawag sa pure magic type]

"Alam mo ba pinangarap ko dating makapag-aral kahit hanggang ngayon ay pangarap ko parin kung saan ka nag-aaral kaya naman-" Teka??? napatigil ako sa sinabi ko. Kung nagaaral siya sa Laraym Akademy ang ibig sabihin lang nito. "Teka Ivon, nagaaral ka sa Laraym Academy tama ba?" nagtatakang tumango naman ito sa akin kaya. "...huwag mong sabihin mayaman ka Ivon?" halatang nagulat siya sa biglaang tanong ko at namilog ang mga mata ni Ivon.

Unti-unting umiwas ng tingin siya sa akin at kung tama nga ang hinala ko mayaman nga siya. pero bakit?

Di na ako magtataga dahil noong unang araw palang kami nagkita kung kelan kami unang nagkatagpo ay maayos niyang nagagamit ang kapangyarihan niya at halata mo sa kanya na eksperto na siya sa pag-gamit nito, kaya naman di kataka-taka iyon at halata rin mamahalin ang pananamit niya.

Pero bakit? ano ang dahilan niya at magpahanggang ngayon ay di pa siya bumabalik ?

"Ah, uuuhm ano kasi ano... tama ang ama ko ay isang Biskonde na isa sa mga bayan ng kabilang syudad kaya may kaya kami" Agarang sagot ni Ivon.

Kung ganon tama nga ako isa siyang maharklika.

Kahit naguguluhan ay pilit kong tinanggap sa isip ko at napatango na lamang ako at napahawak sa aking baba na parang nagiisip.

"Kung ganun bakit nanatili kang kasama namin sa gubat kung maharlika ka? Hindi kaba hinahanap sa inyo?" Pagtatakang tanong ko kay Ivon.

"May sarili akong dahilan kung bakit." Tipid niyang sagot at muling umiwas ang tingin at tumingin sa papalubog na araw.

Marahil di ko na uungkatin kung anuman rason kaya hahayaan ko na lamang siya sa desisyon niya. Malapit na dumilim at aayain ko na sana siyang umuwi subalit isang kumosyon ang naka agaw sa amin ng pansin. May mga kawal na sakay sa kabayo na tila nagmamadali.

"Tabi, tumabi kayo" sigaw ng isa sa mga kawal na nagmamadaling dumaan sakay ng isang puting kabayo. At base narin sa suot na nitong baluti at marka sa kanyang kabayo ay kawal ito ng Royal Palace.

Nagkatinginan kami ni Ivon na nagtataka kaya naman lumapit kami kung saan dumaraan ang mga kawal.

Sa di kalayuan may isang karwahe may sakay na kulungan na gawa sa bakal di ko maaninag kung sino ang nasa loob ng kulungang bakal na iyon kaya naman inantay namin makalapit ang karwahe.

Nang makalapit ito, nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Si Garen, Si Garen ang nasa loob ng kulungan at nakakadena ang leeg at mga braso nito.

Tinuloy niya ang balak na pagnanakaw ng mag-isa. Kasalanan ko to, nang dahil sa akin nahuli siya at ngayon sesentesyahan siya sa kasalanang ginawa.

Napakuyom ako dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko subalit huminahon ang galit na nararamdaman ko ng maramdaman ko may himawak sa kamay ko at nilingon ang nagmamay ari ng mga kamay na iyon.

Nakita ko sa mga mata ni Ivon ang pagalala.

"Huwag kang mag alala Lark kahit di ko maintindihan kung paano siya napunta sa linalulugaran niya ay magtiwala lang tayo. Maniwala ka walang mangyayari masama kay Garen. Magtiwala lang tayo."

Hindi ko alam pero napatango na lamang ako sa mga sinabi ni Ivon. Gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko at napalitan ng pag alala sa kaibigan ko.

Binalik ko ang tingin sa mga kawal ng dumadaan sa harapan ko at muling pinagmasdan ang karwahe papalayo sa amin.

Wala akong magawa para maligtas ngayon si Garen. Laking pasasalamat ko nalang ay nandito sa tabi ko si Ivon para pagaanin ang nararamdaman ko.

Hindi na kami maaaring magtagal rito, Nilingon ko si Ivon at bakas sa mukha niya ang pag alala. Hinila ko na siya papalayo sa lugar na iyon.

Kailangan ko na sabihin sa kanya sng lahat. Sana kapag nalaman na niya ay magtiwala parin siya sa amin at di lumayo sa amin dahil di ko kakayanin kapag mangyari y'on.

****

Hala, ano kayang mangayayari kay Garen.

Abangan ang susunod na kabanata at isang malaking Rebelyasyon ang magaganap.


Paalala ni kuya author:

Hahaluan ko ng ilang salitang English ang kwento mejo mahirap kasi hanapan ng kapalit yung ibang salita .. Isipin niyo nalang natiral ng salita nalang iyon.

Salamat sa inyo :)

Don't forget to press ⭐️ and Please leave a comment...

xoxo

Continuă lectura

O să-ți placă și

10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
4.2M 194K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
925K 20.7K 61
BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan...
84.4K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...