Lost Phantasia: The World of...

By trickypencil

24K 1.4K 389

Synopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azurega... More

Author's Note
Prologue
Lost Phantasia Overview
Chapter 1: The Great Thief (Revised)
Chapter 2: Fairy of Goesa (Revised)
Chapter 3: Ivonel Auerwen (Revised)
Chapter 4: Ibon at Uling (Revised)
Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)
Chapter 7: The Culprit, Part 2 (Saving Garen) [Revised]
Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)
Chapter 9: Potential, Part 1
Chapter 10: Potential, Part 2 (Jacob Koddar)
Chapter 11: Potential, Part 3 (Head Master)
Chapter 12: Laraym Academy
Chapter 13: New Students
Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)
Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)
Chapter 16: His Confession
Chapter 17: SECRET PLAN
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Bad Feelings
SPECIAL CHAPTER (Halloween Special)
Chapter 20: Why?
Chapter 21: Avoidance
Version 2.0
Hello Guys, Try to Update

Chapter 5: Heart Beat (Revised)

659 63 8
By trickypencil

Ivonel Auerwen's POV

"Ayos na ba itong mga patibong na ginawa ko?" nagaalangan kong tanong kay Lark sa malayo. Kasalukuyan kasi kami ngayon nangangaso para sa mamayang hapunan.

Sa totoo lang... simula manirahan ako kasama sila tumulong na ako sa mga gawaing bahay kasama na ang pangangaso at ito ang una.

mahigit isang buwan na rin simula makasama ko sila. Kung tatanongin kung kamusta ang paninirahan ko sa gubat kasama sila. Masasabi ko naging masaya ako. Arrgh! si Lark lang. Mag pahanggang ngayon kasi ay di parin kami nagkakasundo sa lahat ng bagay ng Uling na yun.

Kung tungkol naman sa mission ko, hindi ko parin nakakalimutan.

Minsan ay palihim akong umaalis para ipagpatuloy ang misyon ko.

Walang ideya sila Lark sa misyong ginagawa ko at di na nila kailangan pang malaman pa.

"Ivon mag tago ka may paparating na usa. Mukhang seswertehin tayo at malaki laki ang mahuhuli natin kung nagkataon." Agad hinawakan ni Lark ang kamay ko at hinila ako sa pagtataguan.

Nakaramdam ako ng pagiinit sa mukha at bumilis ang kabog ng dib-dib ko.

habang hila ako ni Lark patungo sa pagtataguan ay pinagmasdan ko ang likod niya. Malalapad ang balikat. Matitipuno ang mga braso at makikita hubog ang katawan nito.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa naalala ko. Bigla nalang kasi sumagi sa isipan ko noong araw na naghatid ako ng makakain nila sa may tabing Lawa mula sa panga-ngaso.

***

'Ayos! kumpleto na. Sana magustuhan nila ang mga hinanda ko. Siguro sa mga oras na ito ay tapos na sila sa pangangaso at panigurado gutom na ang mga yun.'

Nilandas ko ang daan patungong Lawa malapit sa tinitirhan namin. Nagprisinta ako na maghahatid ng makakain nila pagtapak ng Ika-apat na tunog ng kampana.

(A/N: kada tunog ng kampana ay katumbas ng dalawang oras. Magsisimula tumunog ang unang tunog ng kampana na nagmumula sa templo sa pagsikat ng araw na katumbas ng ika-anim ng umaga sa orasan natin. At ang ika-apat na kampana ay katumbas ng tanghaling tapat. Ang isang araw ay may pito ng tunog ng kampana at sa oras tumunog ang ika-pito o ang huling kampana ay katumbas ng ika-anim ng gabi na nangahuhulugan ng pagkubog ng araw. Sa mundong ito. hindi naiiba ang takbo ang oras sa orasan sa mundo natin. Iba lang ang pamamaraan nila sa pagsukat ng oras.)

Natatanaw ko na ang lawa kaya alam kong malapit na ako. Ng marating ko na ang tabong lawa. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid para hanapin sila kung saan sila nalagi.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng ingay ng tubig na di nalalayo sa kinatatayuan ko at tinahak iyon papunta doon. Marahil ay nandoon sila namamahinga.

Ng marating ang lugar kung saan ko narinig ang paghampas ng tubig mula kanina ay sinimulan ko na tawagin ang dalawa.

'Lark. Uling ito na ang pananghalian niyo asan kayo?'

patuloy parin ang pagtanaw ko sa buong paligid at hindi ko parin sila masilayan.

Patuloy parin ako sa pagtawag mg marinig kong may nagsalita sa likuran ko.

'Oh Ivon nandito ka na pala. Kanina ka pa ba dito?'

Bigla nagliwanag ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses ni Lark. Ng haharapin ko siya para kamustahin sila...

'Nandya--- Ah aah'

Natigil ang sasabihin ko at agad tumalikod.

Hindi ko inaasahan na makita siya na walang suot na pang-itaas.

'Ivon? May problema ba?'

Hindi ko agad siya sinagot. Nablangko ang isipan ko. Bakit siya walang suot na damit? Baka namamalik mata lang ako.

Sinubukan ko uli lumingon sa dako niya at nakita kong wala nga siyang damit pangitaas.

Nakatingin siya sa akin at nagtataka. Nagkakamot ng likod ng ulo.

Pansin ko basa ang buhok niya at tumutulo ang butil ng tubig patungong dibdib pababa sa t'yan at

Ahhhhh wala akong nakita. Grabe Ivonel. Wala kang nakita. Ayusin mo ugali mo

Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kaniya at di mapakali sa kinatatauyaan.

'Ivon?'

Anong sasabihin ko? waaaaaah di ko alam nabablangko ako.

Di niya alintana kung makita siyang nakahubad at walng damit pang-itaas. Ang katawan niya ang... ang ganda. Perpektong pagkakahubog.

waaaaaaaaaaaaaah ano ba Ivon. Anong nangyayari sa isipan mo. Kung ano ano naglalaro sa utak mo. Maghunusdili ka.

'hmm??'

ano ba dapat kong sabihin. Anooooo... Mukhang hindi siya naiilang pero ako naiilang ako. -///-

U-u-u-unang beses ko palang makakita ng katawan ng isang Lalaki. >///<

'Ivon namumula ka. May sakit ka ba. Dapat di kana lang umalis ng bahay at nagpahinga ka nalang.'

Di ko kaagad namalayan at nakalapit na siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking noo at dinama kung maiinit o hindi kaya napatitig ako sa kanya.

Napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Malapitan ko napagmamasdan ang buong mukha niya. Lahat perpektong nakaayon sa kinalulugaran. Ang ganda ng mga mata niya. Kulay berde parang buhok ko. ang ilong niya. Ang ganda ng pagkakahugis. at... at ang mga labi niya ang pupula.

dug-dug

hah? ano itong nararamdaman ko.

dug-dug

bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko? Pakiramdam ko tumakbo ako ng napaka layo.

dug-dug

kinakabahan ba ako pero bakit? saan?

dug-dug

pero... ang sarap sa pakiramdam. para akong lumulutang.

dug-dug


dug-dug


dug-dug















Hindi kaya...

















Nagkakagusto na ako sa kanya?

'Ivon Ayos ka lang ba?'

Nabalik lang ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kita sa kanya ang pag-alala kaya naman bahagya akong umatras at lumayo pagkatapos ay tumalikod.

'A-Ayos lang ako. Ano kasi...

...wala kang suot na pangitaas.'

Sinilip ko siya kung anong reaksyon niya.

Matagal niya akong tinitigan na parang di kaagad ako naintindihan.

Maya-maya pa ay bigla nalang nanlaki ang mga mata at nataranta ng mapagtanto niya ang ibog kong sabihin na wala siyang suot na damit. Kaya naman kaagad siya tumakbo at kinuha ang ang damit at sinuot.

'Pa-pa-pasenya kana Ivon. Di-di ko agad naisip. Nawala sa isip ko na wala akong suot na damit.

Na-Nasanay kasi ako ng ganito. Kasama si Garen na maliligo pagkatapos mangaso. Nakalimutan ko iba pala ang kasama ko. Pa-patawad Ivon.'

Pulang pula ang mukha nia at di malaman kung paano siya hihingi ng tawad. Siguro nga ganun. Nakasanayan niya lang kaya naman di na niya agad naisip ang sitwasyon.

'Ayos lang. Huwag mo na aalahanin. Ito pagkain. Gutom kana ba?'

Masaya akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

****

"Ivon, dito tayo magtago." hinila niya ako pababa saka yumuko at nagmanman. Ginaya ko naman ang ginawa niya.

Di parin mawala ang pagiinit ng mukha ko kaya naman di malaman kung paano ako kikilos sa tabi niya.

Nilingon ko ang patibong na gawa sa lambat na naka sabit sa mataas na puno na ako mismo ang gumawa. Na sa oras may lumapit na hayop o tao man ay lalambitin ang patibong at makukulong sila s loob ng lambat.

Minamanmanan ko ang paligid at tinutukan ang mangyayari.

Di naglaon ay nakita ko ang isang usang papalapit kaya mas lalo kaming nag tago ni Lark.

Unti-unti papalapit ang usa sa patibong ng biglang may malaking baboy ramo ang sumugod sa usa.

Ngunit sa di inaasahan ay parehong nahuli ang usa at baboy ramo na kasalukuyan ngayon ay nakabitin.

Natutulala kami ng ilang saglit at nakalingunan kami ni Lark.

Habang nagkatitigan ay sumilay pareho sa aming mga labi ang ngiti at napahiyaw sa tuwa.

Di namin inaasahan na dalawa ang mahuhuli namin ngayong araw at ito pa ang unang beses ko sumama sa pangangaso.

Nahinto ang kagalakan ko ng mapansin ko nakayakap na kami sa isa't-isa.

"La-Lark... Ano kasi—" di ko masabi pinamumulahan ako ng mukha. Nahinto rin siya sa pagkagalak ng mapansin niya nanahimik ako bigla. Nagkatitigan kami at parehong pinamulahan ng mukha.

Mabilis kami kumawala sa pagkakayakap. Pareho kaming walang kibo.

Nilingon ko siya at nakita ko ang pulang pula ng tenga niya at nagkakamot ng ulo.

Natawa lang ako sa naging reaksyon niya. Di ko alam basta pakiramdam ko ay masaya ako. Nakakatuwa.

"Ah Ivon. Pa-pasensya kana. Nadala lang ako"

"Ayos lang. Wala naman sakin y'on ako ang dapat ang humingi ng dispensa."

Nagkaroon nanaman ng katahimikan sa pagitan naming dalawa subalig nabasag lang iyon ng magsalita siya.

"Ano... Ivon. Ta-Tara na at kuhain na natin ang yung...

...yung na-nahuli natin." Natigilan siya at natahimik. Tila nahihiyang magsalita.

Ngunit bigla siyang humarap. Kahiy liyaw ang pahiging pula ng mukha niya ay pinilit niyang maging seryoso. Di nagtagal ay sumilay ang nakakatunaw na ngiti at sinabing. "Maswerte tayong araw at dalawa ang nahuli natin. At di mangayayari yun kung hindi dahil sayo. Ikaw ang swerte ko ngayon Ivon. Hehehe (peace sign)"

[a/n: di ko alam tagalog ng peace sign. hayaan niyo na hahaha]

Natigilan ako ng marinig ko ang mga sinabi niya. Masayang masaya siya at ang mga ngiti niya...

Hindi nawawala. Nakakahawa.

Napangiti ako at nakramdam ng kakaibang pakiramdam. Parang ang gaan sa pakiramdam nakakawala mg pagod o problema kapag nakita mo na siyang maligaya. lumulukso ang puso ko ng sabihin niya pa ang mga katagang iyon kaya naman ginantihan ko rin siya ng ngiti at parehong kami ngayon tumatawa.

"Oo naman. Ako ang swerte mo" At masaya kaming tumawa.

***

Kasalukuyan na sa bahay ako ngayon at nagaayos ng kakainin. Hindi mawala ang galak ang naraamdaman ko mula pa kanina kaya ganado ako.

"Ayos. Malapit na ako matapos. Masarap ang hapunan namin ngayon.

Dadalhin ko na 'to sa lamesa at tatawagin ko na sila."

Dinala ko ang niluto kong pagkain sa ibabaw ng hapag. Sinimulan ko na sila tawagin para sa hapunan.

Subalit wala sino mang sumagot. Marahil nasa labas sila ng bahay kaya lalabas ako para puntahan sila.

Pagkalabas ko ay sinimulan ko na tawagin sila ng...

"Laar—"

Nakarinig ako ng parang nagsisigawan kaso mahina. At sa tono ay halatang nagtatalo sila. May iba pa bang tao dito sa gubat maliban sa amin nila Lark?

Di ko na inisip kaya sinundan ko kung saan nanggagaling ang sigawan.

Mah nakita akong dalawang tao at base sa pananamit nakilala ko sila.

Napkunot ang kilay ko ng matanto na bakit sila nagtatako kaya lalapitan ko sila.

Ano ba ang pinaguusapan nila at bakit sa malayo pa sila naguusap? At Nagaaway sila?

Masnilapitan ko pa sila ang kaso nabigla ako ng magsuntukan sila. Nataranta ako sa nakita. Hindi ko alam kung lalapitan ba sila o hindi pero mas pinili ko huwag na silang lapitan at pakinggan sila.

"Ano ba naman Lark, kailangan natin gawin 'yun, panigurado limpak limpak na salapi makukuha natin dun."

'salapi?'

"Di ba't napag usapan na natin 'to Garen ayoko na gawin ang bagay na'yun at kailaman man di ko na gagawin muli."

'anong di dapat gawin? ano ba pinaguusapan nila? kuaa—'

boogsh. suntok ni Lark kay Garen.

Nagulat ako ng makita ko sinuntok ni Lark si Garen.

Bakit sila nagsusuntukan. Ano ba pinagtatalunan nila? At anong bagay ang ayaw na muling gawin ni Lark?

"Lark naman, ano ba nangyayari sa'yo, simula lang dumating ang IBON na yan nagbago kana."

boogs. Sinuntok rin ni Garen si Lark. pero teka IBON? ako ba yung tinutukoy na ibon? Sinong ibon aba't... ang laki talaga ng galit ng ULING na yun sa akin.

boogsh. Blaaag boog booogsh.

Hala nagaaway na talaga sila kaya di na ako nakatiis at mabilis na nilapitan sila.

Pareho sila nagulat na at nanlaki ang mga mata, na tila nakakita ng isang nilalang na nakakatakot.

"Oh bakit ganyan ang mga itsura niyo? Bakit kayo nagsusuntukan." Mabilis naman ako pumagitna sa kanila na maawat ang suntukan nila.

"Ka-kanina ka pa ba d'yan?" nauutal na tanong sa akin ni Lark.

"Hindi niyo sinagot ang tanong ko. Bakit kayo nagsusuntukan." tinaasan ko sila ng kilay at pinamaywangan.

Umiwas ng tingin si Lark sakin at si Garen naman ay nanatiling nakaupo at nakitongin sa lupa habang pinupunasan ang dugo mula sa labi niya.

Pinanliitan ko sila ng mata, may tinatago sila sa akin.

"Ano walang magsasalita? P'wes di kayo maghahapunan."

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng sabay silang nagsalita.

""Hah?/Magsasalita na ako"" Garen/Lark.

"Sige. Ano ang pinagaawayan niyo."

Nakita kong siniko ni Lark si Garen ganun din si Garen kay Lark. Lalo lang ako nainis sa ginawa nila kaya tumalikod na ako at sinimulan na maglakad pauwi ng bahay. Kaso naramdaman ko may humawak sa braso ko at nilingon kung sino at si Lark ang pumigil sa akin.

"Ivon... Ano kasi. pano ba ito?" Di ko narinig ang huling sinabi niya kaya hinarap ko siya at pinagkrus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

"Hindi ko na kayo pipilitin pa kung ayaw niyo sabihin sa akin. Pero ang akin lang ayoko makikita ko nagsusuntukan at nagaaway. Sana magkaayos na kayo. Baka isipin ko na ako ang dahilan ng pagaaway niyo—"

"Nagkakamali ka Ivon hindi ikaw ang dahilan." Nagulag ako sa biglang pagsigaw ni Lark sa harapan ko. Di ko maintindihan pero parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko na ako ang dahilan.

"Kailan man hindi ikaw ang naging dahilan at hinding hindi naging pabigag sa amin. Kaya kailan man ay huwag mo isipin na nagaway kami dahil sayo."

Bakas sa pananalita niya ang sinseridad. Tanging tango lang ang naging sagot ko kaya naman lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lark. Humingi ako ng tawad sa kanya at ngayon ay nakangiti na siya at ginulo ang buhok ko.

"Huwag mo nalang isipin yun Ivon. Minsan ganun talaga ang mga lalaki may mga bagay ma di nagkakaunawaan at dinadaan sa suntukan. Pero hindi ibig sabihin non ay magkakagalit kami"

kahit naguguluhan ay sumang ayon na lamang ako sa mga sinabi ni Lark. Di nagtagal ay nagyaya na siya umuwi para makapag hapunan.

Alam ko may bagay man silang nililihim. Siguro ay hahayaan ko na lamang sila at aantayin kung kailan man nila gustong sabihin.

"Tara na Garen. Alam kong masarap ang niluto ni Ivon para sa atin kaya huwag na natin pagintayin. Tama ba ako Ivon" Matapos niya sabihin iyon ay binalingam ako ni Lark at binigyan ako ng ngiti.

"O-oo naman para sa inyo talaga iyon. Alam ko pareho kayong pagod kaya nag handa ako mg masarap." Sagot ko kay Lark.

"Tama ako. Kaya huwag kana sumimangot jan Garen at umuwi na tayo. Di masarap ang pagkain kapag malamig na. Kaya TARA NA AT UMUWI." Taas kamao niya habang sinabi iyon at inakbayan ng kabilang braso niya si Garen. Narinig ko pang sinabi ni Garen 'Sira' pero tinawanan lang ito ni Lark.

Nauna na silang naglakad at sinundan na sila. Alam kong darating din ang araw na magtitiwala rin sila ng buo sa akin at aantayin ko ang pagdating ng araw na iyon.

Nilingon naman ako ni Lark at tinawag amg pangalan ko kaya ngumiti ako sa kanya at sinabayan na sila maglakad pauwi ng bahay at sabayan sila sa masaya at masarap ng hapunan.
***
hi readers ko :3
kung naalala niyo yung dating chapter na ito malaki ang binago ko dito at mas inayos ko. Sana magistuhan niyo hiwag kalimutan mag comment and.... dont forget to VOTE :)

Continue Reading

You'll Also Like

492K 35K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...