Lost Phantasia: The World of...

By trickypencil

24K 1.4K 389

Synopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azurega... More

Author's Note
Prologue
Lost Phantasia Overview
Chapter 1: The Great Thief (Revised)
Chapter 2: Fairy of Goesa (Revised)
Chapter 3: Ivonel Auerwen (Revised)
Chapter 4: Ibon at Uling (Revised)
Chapter 5: Heart Beat (Revised)
Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)
Chapter 7: The Culprit, Part 2 (Saving Garen) [Revised]
Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)
Chapter 9: Potential, Part 1
Chapter 10: Potential, Part 2 (Jacob Koddar)
Chapter 12: Laraym Academy
Chapter 13: New Students
Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)
Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)
Chapter 16: His Confession
Chapter 17: SECRET PLAN
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Bad Feelings
SPECIAL CHAPTER (Halloween Special)
Chapter 20: Why?
Chapter 21: Avoidance
Version 2.0
Hello Guys, Try to Update

Chapter 11: Potential, Part 3 (Head Master)

464 51 3
By trickypencil

Lark's POV

"Siya lang naman si Jacob Koddar. Ang kilalang Magiting na mandirigma sa buong mundo." Pasigaw kong sagot.

Nanlaki ang mata ni Garen at mabilis na lumingon sa lalaking ngayon ay wala ng malay.

"Ba-Bakit di mo agad sinabi hah? A-ano ba 'tong nagawa ko? Buhay pa kaya siya." Nagaalalang turan ni Garen.

Agad naman ako tumabi kay Garen at tinignan si Ginoong Jacob

"Mukhang nakatulog lang siya sa ginawa mo. Pero sa lakas ng palo mo sa ulo ayan ang laki ng bukol." Turo ko sa bukol na gawa ni Garen

"Di ko sinasadya." natatakot na sagot nito

"Di ka kasi nagiisip. Padalosdalos ka kasi." Naiinis kong sabi

Habang tinititigan namin ni Garen si Ginoong Jacob. Pareho kaming nabigla dahil bigla na lamang nag mulat ang mata nito at tumayo.

"Ah asan ako." tanong agad ni Ginoong Jacob at tumingin sa amin.

"Ah ginoong Jacob nakikilala mo pa ba ako? ako ito si Lark at siya naman po ang matalik kong kaibigan si Garen." Pagpapaliwanag ko

Tinitigan kami ni Ginoong Jacob at palipat lipat ang tingin nito sa amin.

"Ah Oo naalala ko na. Ano bang nangyari? Kanina lang masayang umiinum ako tapos.. tapos di ko na alam" Sagot ni Ginoong Jacob

Pareho naman kaming nakahinga ng maluwag ni Garen sa nangyari at buti nalang di nawalan ng memorya si Ginoong Jacob kung sakaling mangyari yun malaking problema.

Nakita kong Agad na lumalit si Garen na nagnining-ning ang mga mata. Nakalimutan kong pareho nga pala namin idolo si Jacob Koddar.

Magiliw naman nakipag kamayan ito at nag pakilala

"Ginoong Jacob? A-Ako nga po pala si Garen. Totoo po bang kayo si Ginoong Jacob ang Magiting na Mandirigma ng Azuregard?" Magiliw. a tanong nito.

Kahit naguguluhan kung sino ang nasarapan ay tumango naman ito bilang sagot.

Nang makumpirma nga ni Garen na siya Jacob Koddar ay napayakap naman ito kaagad sa kagalakan.

"Nako Ginoong Jacob kung hindi hindi niyo po alam ako na po ang magsasabi na kami Lark ay iniidolo kayo." galat na turan ni Garen kay ginoong Jacob.

Si ginoong Jacob maman ay
nabigla sa naging reaksyon nito at napakamot ng ulo.

Pero di ata inaasahan ni ginoong Jacob at napadaing siya sa bukol niya ng mahimas niya ito.

"Bukol? Bakit ako may bukol? aaargghh ang sakit." Natigilan naman sa pagyakap si Garen sa turan ni ginoong Jacob.

Napaiwas naman ako ng tingin sa dalawa dahil wala naman ako kinalaman sa bukol na yan.

"Lagot ka Garen" bulong kong sabi

*****

"Patawad po, Patawag po. Patawarin niyo po ako sa naging akto ko kanina ginoong Jacob. Patawad po." paghuhumingin tawag di Garen

Natawa nalang si ginoong Jacob sa pinag gagawa ni Garen. Nakakahiya ka Garen

Kararating ko lang galing kusina para gawan ng lunas ang bukol ni ginoong Jacob.

"Ah Ginoong Jacob kung mararapatin mo. Gagamutin ko po ang bukol niyo." paghingi ko ng pahintulot

"Ah ganun ba sige. pero dahan dahan lang at masakit." sagot naman ni Ginoong Jacob

Dahan dahan ko nilalapatan ng gamot ang bukol ni ginoong Jacob na gawa sa mga pinaghalong halamang gamot na matatagpuan lang sa gupat. Napapadaing siya sa bawat dampi ko kaya naman mas dinahan dahan ko pa ang pagdampi.

"Ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Garen Ginoong Jacob. Naging padalos dalos lang siya sa mga ginawa niya." paghingi ko ng paumanhin.

"Hahahah huwag mo na alalahanin yun Iho at isa pa humingi na siya na tawad sinabi naman niya di sinasadya ang nangyari." sagot ni ginoong Jacob.

Nabaling naman ang tingin ko kay Garen sa di kalayuan sa amin at manghang tinititigan si ginoong Jacob

"Ah eh ganyan ba talaga ang kaibigan mo parang anumang oras kakainin na ako ah ang lagkit kung makatitig ahahaha." natatawang bulong sa akin ni ginoong Jacob.

Natawa rin ako sa nakita ko. Pareho kasi namin Idolo si Ginoong Jacob noong mga bata palang kami kaya di namin maiwasan na nasa harapan namin ang kilalang tagapagligtas ng Azuregard.

"Huwag po kayong magalala humahanga lang po yan sa inyo." natatawang sambit ko

"Oo nga pala matanong lang. Kayo lang ba ang nakatira dito? at sa gitna pa ng Gubat?" tanong sa akin ni Ginoong Jacob

"Ah opo, Pagmamay-ari po kasi ito ng aming master kaya dito na kami lumaki at nag kaisip." pagpapaliwanag ko kay ginoong Jacob

"Aaah Ganon ba? Maari bang malaman kung sino ang inyong master?" Tanong ni Ginoong Jacob

"Ah si Master Morgan Adams po." sagot ko.

Nabigla naman si Ginoong Jacob nang banggitin ko ang pangalan ni Master.

"Si Morgan? yung may makapal na Bigote na ayaw ipahawak?" Paninigurado ni ginoong Jacob

"O-Opo siya nga po, kilala niyo ang Master namin?" Takang tanong ni Garen.

"Di lang kilala. Kilalang-kilala kababata namin siya ng Am— ehem ng mga Naging katrabaho ko nung nagsisimula pa lang kami bilang mandirigma." Paliwanag naman ni Ginoong Jacob

"Ganoon po ba alam niyo po ba kung nasaan na siya ngayon? Kasi po kahit kami walang balita kung nasaan si Master" Nasasabik kong tanong.

"Pasensya na iho kahit ako ay walamg alam kung saan nag susuot yung taong yun. Mahilig kasi mapagisa ang lalaking yun kaya naman hindi ko masyado kabisado ang pangungugali niya." Sagot ni ginoong Jacob.

Dismayado ako sa nalaman ko kaya naman pinagbagsakan ako ng balikat.

"Huwag kang mag alala dun Lark. Panigurado ay babalik din yun." Paniniguro sa akin ni Ginoong Jacob

Ngumiti nalang ako at tumango sa kanya.

Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa nakaraan namin. Sa pagbabago namin at sa pangarap namin ni Garen na makapsok sa Laraym Academy at maging mandirigma kagaya niya.

Naikwento din ni Ginoong Jacob ang mga panlalakbay niya noon at ikanamangha namin pareho ni Jacob. Nabanggit din niya kung paano siya napadayo sa gubat at kung saan siya galing kaya naman nalinawan na kami. Galing pala siya sa kabilang Kaharian kung saan matatagpuan ang  Kaharian ng Hangin.

Wala akong ideya kung anong itsura ng Kaharian na iyon at isa yan sa pangarap ko ang malibot ang buong mundo ng Azuregard.

"Oo nga pala nabanggit mo na gusto mo makapasok sa Laraym Academy kayong dalawa hindi ba?" seryosong tanong ni Ginoong Jacob

"Ah opo pangarap po namin yun kaso wala kaming pera para dun kaya malabong mangyari." Biglang singit ni Garen sa usapan

Napatingin naman ako kay ginoong Jacob at tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Garen.

Totoo naman wala naman kaming sapat na salapi para makapag aral doon. Pero alam kong may iba pang paraan kaya magsusumikap ako para lang makapasok sa Akademya.

"Hmm.. Ganoon ba? O siya magsipag ayos na kayo ng mga gamit niyo at bukas na bukas aalis na tayo at pupunta tayo ng Laraym Academy dahil malapit na magsimula ang pasukan at para maayos na ang mga papeles niyo dahil bukas magiging opisyal na Estudyante na kayo ng Laramym Academy at doon narin kayo mamamalagi." Sabi ni ginoong Jacob at ngumiti sa amin.

Ano daw? Pupunta kami ng Laraym Academy? Tama ba ang naririnig ko magiging Estudyante na kami ng Laraym Academy?

"Talaga po?" sabay bigkas namin ni Garen

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa amin. Makakapag aral na ako sa Laraym Academy kaming dalawa ni Garen at matutupad narin ang pangarap ko. Makakapagtapat narin ako kay Ivon.

"Pe-Pero paano po eh wala naman po kaming pera para bayaran ang lahat ng gastusin sa Laraym Academy." Tanong ni Garen. Bigla naman ako nangamba. Tama si Garen, paano?

"Ano ba kayo ako na nagsasabi magiging opisyal na Estudyante na kayo ng Laraym Academy at kung gastos ang problema niyo sagot na ng paaralan iyon. Nakikita ko naman na may tinatagong galing itong si Lark panigurado ganun karin Garen dahil sabay kayong lumaki at mukhang naturuan kayo mabuti ni Morgan kaya di na ako magdududa sa kakayahan niyo kaya mag ayos na kayo ng gamit at matulog na ng maaga dahil bukas na bukas ay aalis na tayo." utos sa amin ni Ginoong Jacob.

Masaya kaming nagtinginan ni Jacob at mabilis nang kumilos para makapag ayos. Natigilan kami sa aming ginagawa nang muling magsalita si Ginoong Jacob.

"At isa pa pala simula ngayon tatawagin niyo na akong Headmaster."

****
Ayun kaya naman pala Si Jacob Koddar pala ang Head Master

Sa wakas makakapasok na sila Lark at Garen sa Laraym Academy.

Panibagong yugto na ang magaganap sa buhay ni Lark at Garen kaya abangan ang susunod na kabana :)

Excited na ba kayo ??
please Vote guys para makapag update ako ng mas maaga

See you at Laraym Academy :)

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

490K 35K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
41.3K 1.6K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
136K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...