Music & Hearts|| ViceRylle

Від kaname0587

80.7K 1.7K 143

Collection of one shot stories. Lahat tungkol sa Love na hinango ang kwento mula sa mga paborito nating love... Більше

Crazy for you
Wherever You Will Go (Part 1)
Wherever You Will Go (Part 2)
Wherever You Will Go (Part 3)
Love's Grown Deep
Stitches and Burn (Part 1)
Stitches and Burn (Part 2)
Stitches and Burn (End)
Manhid Ka
Suddenly It's Magic
Whoops Kiri Whoops
Sacrifice (Part 1)
Sacrifice (Part 2)
I Dare You To Move by Switchfoot
DECODE by Paramore
.Radioactive by Imagine Dragons
Promise by Jiro Wang (Part 1)
Promise by Jiro Wang (Part 2)
Momo (Silently) Fahrenheit
Mandy (Kor. Ver. Jang Geun Suk)
Bitter, Sweet
Dear Fandoms
Woman's Cry
Let's Not Fall Inlove by Bigbang
For You by BTS
Oh My Lady by Jang Geun Suk
Hold Me Tight by BTS
Monster
Where You At Taeyang eng ver
Because I Miss You - Jung Yong Hwa
Beautiful by EXO Baekhyun
주영 (JooYoung) - Call You Mine
Starting over again
Save Me by BTS
Fire
Fire (Part 2)
The Runaway Groom
The Runaway Groom 2
Not an update
Jealous
Jealous 2
Runaway Groom Part 3

Baby, I Love your way

10.6K 74 3
Від kaname0587

oh baby I love your way, everyday
oh baby I love your way, everyday

Napatingin ako sa radyo ni Aling Nena, Nak ng, Sakto talaga! Kanina pa kong nakatayo dito sa harap ng tindahan kunwari nagaabang ng masasakyan. Buti naman at nakikisama ang panahon. Di ko na nga mabilang kung ilang tricycle na ang dumaan sa harapan ko. At lahat sila puno ng pasahero. Buti na lang talaga. Naiinip na umupo muna ako sa may mahabang upuan. Tiningnan ko ang aking relo. Mag alas otso y medya na. Napacross finger ako. Konti na lang talaga late na ko. Sana dumating na sya. Piping dasal ko. Simpleng hiling ko para naman inspired ako magexam ngayon.

Napatingin uli ako sa wristwatch ko. Shit. Dali dali na akong sumakay sa sumunod na tricycle na dumaan sa harap. Medyo nahirapan pa akong makapasok kasi yung pasahero sa loob ayaw pang umisod paloob.

shadows grow so long before my eyes and them move me....

anu ba namang kanta yan. LSS na yata ako. Nang tumigil ang tricycle sa tapat ng eskwelahan namin ay nagmamadaling bumaba na ako at tinakbo ang classroom ko. Napaatras akong bigla ng makitang nagsisimula magklase ang terror kong prof. Tatalikod na sana ako ng marinig kong tawagin nya ang pangalan ko. Dahan dahan naman akong humarap at ayon nga, ang sama ng titig ng prof ko sakin. Magpapaliwanag na sana ako ng bigla syang magsalita.

"What now, Miss Ana Karylle Tatlonghari? late again for the fifth time?"

"Ma'm I'm sorry po"

"Whatever Karylle, since this is unacceptable, I want you and Katelyn Viceral Borja to be a partner for a special project for me." napatingin naman ako kay katelyn na kasalukuyang nakaupo na at halatang kararating lang din dahil may butil butil pa ng pawis sa noo. Tinakbo din siguro nito ang classroom. Imbis na maasar ay ngiting ngiti pa ako ng tumabi sa kanya. Lumingon naman ito sa akin.

"Late ka rin, Siguro inabangan mo nanaman ang Kuya JM ko noh?" kinikilig na tumango ako. Pangalan pa lang nito ang marinig ko, napapangiti ako. Matagal na akong may gusto sa kuya ng bestfriend. Siguro nga di lang pagkagusto eh. Mahal ko na ata sya. Grade 6 ako ng una ko syang makita nang dalhin ako ni Katelyn sa kanila upang magmeryenda dahil katatapos lang namin maglaro ng psp. Nasa sala kami nun ng bumaba ang kuya nya. Literal na napanganga talaga ako nun at natulala. Ang gwapo eh, gwapong suplado ang dating nya kasi medyo may pagkamasungit ito. Sabi nga ni Kate, strict daw ang kuya nya. Siguro dahil si JM ang panganay kaya ganon ito. Wala na rin kasi silang Daddy kaya ito ang halos tumatayong head of the family.

"Alam ko na yang iniisip mo Karylle, gusto mo sa bahay tayo gumawa ng project noh?"

"Yes, my dear friend, maingay sa bahay eh. Di tayo makakapagconcentrate dun"

"Asus kunwari ka pa. Gusto mo lang makita si kuya JM eh." bulong pa nito sakin. Kasalukuyan kasing naglelecture pa ang prof namin.

"Sige na friend, akala ko ba suportahan tayo? Bahala ka, di kita ibibuild sa pinsan kong si Billy" kung kumakain lang siguro kame malamang nabulunan na ito. Bigla kasing nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.

"Sige subukan mo. Dyan ka magaling eh. Ang mangblackmail. Ok na, dun tayo sa bahay gagawa" nagliwanag talaga ang paligid ko pagkasabi nya nun.

------


Suddenly the day turns into night
Faraway from the city
But don't hesitate coz your love just won't way
oh baby i love your way
i wanna tell you i love your way
i wanna be with you night and day

"Magaling ka pa lang kumanta"

nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Ay kabayo..."

"Aray naman, pinupuri na nga kita eh nilalait mo pa ako" nakapout pa ito. Himala ng himala. Nasa good mood ata ito.

"ah eh.... kasi bigla ka na lang sumulpot dyan kaya... uhm... mejo nagulat ako" oh my god ang pesteng puso ko ang bilis ng tibok.

"Ganon ba? by the way where's Kate?" Nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo, ang tangkad, ang hot at ang kinis and oh my gee ang ganda ng tattoo nya sa leeg. stars. Yun din kasi ang favorite symbol ko. Ikinumpas nya ang kamay sa harapan ng mukha ko. Para siguro gisingin ako sa pagkatulala ko sa kanya.

"Hey.."

"ah eh ano nga uling tinatanong mo?" Ngumiti muna ito bago sumagot.

"Sabi ko nasan yung ka...." di na nito natapos ang sasabihin ng biglang sumulpot si Kate sa pagitan namin.

"Oh Kuya JM bakit andito ka pa? Di ba nakalabas ka na kanina? may naiwan ka ba?" Napakamot na lang ng ulo si Kate ng di man lang sya sagotin nito at tumalikod na lang basta at lumabas.

"Ang labo ni Kuya, by the way let's start doing the project para matapos agad tayo"

"Ok lang, overnight naman ang paalam ko kay mama eh"

"Alam mo pumaparaan ka lang eh, if I were you, titigil na ko at maghahanap na lang ako ng kasing edad ko. Mahirap yan eh baka masaktan ka lang. From what I remember eh may dadalhin syang babae mamaya, papakilala nya daw kay mama " Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"Baka naman kaofficemate nya lang yun"

"Di rin friend, madalas nya kasing kasama yun pag lumalabas sya"

"Ayaw mo ba sakin para sa Kuya mo?"

"Ano ka ba? ayaw lang kita masaktan, sa nakikita ko ngayon, wala eh wala talaga" Napabuntong hininga ako ng malalim. May point ang kaibigan ko pero anong gagawin ko. Pwede ba namang on the spot ay utusan ko yung puso ko na uy wag yan. Sabi nga nila If you love the person, you should love the package deal.

"Don't worry about me friend. I choose this so if I get hurt, it's all my fault"

Pasado alas syete na namin natapos ang ginagawa namin ng may narinig akong tunog ng kotse. Nagmamadaling tumayo ako at sumilip sa bintana. I felt a sudden pain when I saw him get off the car together with a beautiful girl. Pinagmasdan ko yung girl. She's wearing a red dress, bagay na bagay sa kanya, lalo kasing tumingkad ang kaputian nya. Naka high heels itong red with matching red lipstick. Yung labi nya parang kay Angelina Jolie. Napatawa ako ng pagak. Naisip ko, ano nga naman ang laban ko. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa bintana. Simple lang ang mukha ko, di ako sanay magmake up, di rin stunning ang aura ko. Sabi nga nila, di ako mapapansin unless magsalita ako. Nakakatawa, ngayon lang ako nainsecure ng ganito. Wala naman akong pakialam dati sa sasabihin ng ibang tao. Naniniwala pa nga ako na Simplicity is Beauty. Ngayon lang ata magbabago ang mga paniniwala ko. Pero susuko na ba agad ako dahil lang mas nakakaangat ang babaeng kasama nya ngayon sakin? Syempre hindi. I'm always a fighter. So kahit 70%/30% ang chance, I will still lay down my last card. He need to know that I exist. Matalo man atleast I tried.

------

Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan. Katabi nya si Anne, yung girl na kasama nya. Ang sweet nga nila eh. While ako, konti na lang baka masugod na sa Emergency Room dahil sa sakit ng puso ko ngayon. Feeling ko lahat ng internal organs ko nagmamalfunction. Sabi nung Anne, ang sarap daw ng food pero bakit di ko malasahan? Maya maya ay nagpaalam si JM, pupunta daw muna sya ng c.r. This is my chance. Nagpaalam din ako na magCR muna. Tiningnan naman ako ni Kate, parang alam nya ang gagawin ko, oh well, she's my best friend, she knew me too well. Binalewala ko na lang ang tingin nya at tinungo ng ang CR. Di naman talaga ako naiihi. Mga ilang minuto pa ay lumabas na si JM sa banyo, nagulat pa nga ito ng madatnan akong nakatayo sa harap ng pinto.

"Hey, bakit ka nakatayo dyan? tara sa loob" aakayin nya sana ako pero di ako gumalaw kaya takang tumingin ito sa akin.

"May problema ba?" He then asked. Natawa ako, kung alam lang nya.

"Yeah"

"Ganon ba? Ano yun? c'mon you can..." pinutol ko agam ang sasabihin nya.

"I Love You!" diretsong nakatingin lang ako sa mata nya habang binabanggit ko ang katagang yun.

"Huh?"

"I said i love you" umilap ang mata nya.

"Alam mo halika na sa loob, gutom lang yan" hinihila nya ang kamay ko pero di talaga ako gumalaw sa pwesto ko. Nagsisimula ng mamanhid ang buong katawan ko. Expected ko na ito. Nakikita ko na ang pagkatalo ko.

"I Love You Jose Marie Viceral Borja, bakit ba ayaw mong maniwala"

"Alam mong di pwede, ang bata mo pa, you're just seventeen and I'm 24"

"Eh ano ngayon? figures lang yun, numbers. It can't define what I felt towards you" nararamdaman ko ng nagiinit ang gilid ng mata ko.

"Nasasabi mo lang yan dahil di mo pa naeexplore ang ibang bagay. May mas makikilala ka pang ibang mas deserve ng pagmamahal mo, yung kasing edad mo"

"Wag mo namang maliitin yung nararamdaman ko towards you"

"Someday you will realize na tama ang sinasabi ko. And besides, nandyan lang girlfriend ko and I'm planning to marry her kaya dinala ko sya dito." Sa sinabi nyang iyun ay tuluyan ng nagbreakdown ang lahat ng lakas ng loob na meron ako. Bumagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Naging sunod sunod pa nga eh. Wala nga lang tunog. Ang sakit sakit. Inabutan nya ako ng panyo pero tinanggihan ko. Tumalikod na lang ako. Di ko nga namalayan kung paano ako nakalabas ng bahay nila. Siguro dumaan ako sa backdoor. Di ko na maalala. Napaupo na lang ako sa isang bench na nakita ko. Napangiti ako. Para akong sira, kanina umiiyak ako ngayon naman nakangiti. Huminga ako ng malalim, somehow gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong umamin. My first heartache.
















5 years later

"Manong matagal pa po ba tayo?" tanong ko sa taxi driver. Tiningnan ko oras sa wristwatch ko. Malapit ng mag 8 pm. Baka nagsisimula na ang wedding ceremony. Surprise lang ang pag uwi ko galing Paris. Ang alam kasi ni Kate ay di ako makakauwi para umattend ng kasal. Akala nya siguro di ko pa kayang makita sya. Ako din eh, kala ko di ko kaya. But look at me now, isa na akong successful designer. Somehow, tama sya, marami pa akong dapat maranasan at makilala.

"Ma'm andito na po tayo" inabutan ko ng bayad ang taxi driver. Tumayo muna ako saglit at pinagmasdan ang labas ng simbahan. Sabi ng mama ko, dito daw sila kinasal ng papa ko, dito din daw ako bininyagan, nagfirst communion at ngayon naman dito ikakasal ang taong minsan naging parte ng buhay ko, mali pala, hanggang ngayon ay parte ng buhay ko at isa sa pinakaimportante. Pumasok na ko sa loob, sa gilid lang ako dumaan para di makaagaw ng atensyon. Nang iannounce ng pare ang 'you may now kiss the bride' ay pumalakpak ako. I am so happy for them. After all sila din pala ang magkakatuluyan. Tumulo ang luha ko, I once dream to have a wedding like this. Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak ng may yumakap sakin sa bandang likuran.

"You surprise me, Akala ko di ka makakaattend ng kasal ni Kate at Billy" he's voice still the same.

"Pwede ba namang absent ako sa kasal ng bestfriend ko" nangingiting humarap ako sa kanya.

"I miss you" hinawakan ko ang mukha nya, ang ilong at ang mga labi. Di ko mapigilang halikan sya. Natawa naman sya dahil dun.

"Mukha nga, for good na ba to?" alanganing tanong nya. I cup his face, pinagdikit ko ang noo namin while whispering....

"Yes, I am now ready to be Mrs. Jose Marie Viceral Borja" Napangiti ito ng malaki at niyakap ako ng mahigpit.

"I Love You so much Babe" he whispered to my ears.

"I love you more, thank you for giving me chance to experience life, thank you for giving color to my life and lastly, thank you kasi hinabol mo ako nung time na halos nawawalan na ako ng pag asa na maging tayo"

"Hephep, kasal ko to, bakit kayo ang nagmomoment dyan" natawa kaming pareho sa sinabi ni Kate. Para talaga tong kabute, bigla na lang sumusulpot.

"Ewan ko sayo sis, tara na nga sa reception at baka nagugutom na ang Babe ko"

"Yuck ang corny mo kuya, parang dati lang..."

"Aish stop bringing the past Kate" putol ni JM sa sasabihin ni Kate. May hinahanap ang mata ko.

"Teka, where is Anne?" i asked.

"Ayon oh, busy sa jowa nya" tiningnan ko ang tinuturo nya. At ayon nga, kasalukuyang nakikipagtawanan ito sa isang gwapong lalake. Humigpit ang pagkakahawak ni JM sa kamay ko kaya tiningnan ko sya. Nakasimangot.

"oh bakit?"

"Wag ko ngang tumingin sa ibang lalake, ako lang ang tingnan mo pwede?" natawa ako kasi talagang nakapout pa sya. Pinisil ko ang ilong nya.

"Aray naman Love" hinimas himas pa nito ang ilong nya.

"May makita man akong ibang lalake, mas gwapo man sayo o hindi, ikaw pa rin ang kakantahan ko ng oh baby i love your way
i wanna tell you i love your way
i wanna be with you night and day"











Song: Baby, I Love your way
by Big Mountain

Продовжити читання

Вам також сподобається

178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
80.9K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...