Lost Phantasia: The World of...

Bởi trickypencil

24K 1.4K 389

Synopsis: A happy go lucky boy named Lark Veliche just wanted to be a great warrior ot The World of Azurega... Xem Thêm

Author's Note
Prologue
Lost Phantasia Overview
Chapter 2: Fairy of Goesa (Revised)
Chapter 3: Ivonel Auerwen (Revised)
Chapter 4: Ibon at Uling (Revised)
Chapter 5: Heart Beat (Revised)
Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)
Chapter 7: The Culprit, Part 2 (Saving Garen) [Revised]
Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)
Chapter 9: Potential, Part 1
Chapter 10: Potential, Part 2 (Jacob Koddar)
Chapter 11: Potential, Part 3 (Head Master)
Chapter 12: Laraym Academy
Chapter 13: New Students
Chapter 14: We Meet Again, Part 1 (His POV)
Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)
Chapter 16: His Confession
Chapter 17: SECRET PLAN
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Bad Feelings
SPECIAL CHAPTER (Halloween Special)
Chapter 20: Why?
Chapter 21: Avoidance
Version 2.0
Hello Guys, Try to Update

Chapter 1: The Great Thief (Revised)

2.3K 111 47
Bởi trickypencil

A/N: Please leave a comment and vote nyo rin kung magustuhan niyo :)

Lark Veliche's POV

"Magnanakaaaaaaaw..." Nako naman ohhhh..
Sila nanaman? di na ba sila nagsasawa?hay! kung sa bagay...

Nakakatuwa mga itsura nila kapag hinahabol nila ako at mga reaksyon nilang pagod na pagod... Hahahahhaha., tsaka di ko naman ninakaw 'to eh.
.
.
.
Ano lang , nanghingi lang naman ahahahahahah 😂

Takbo lang ako ng takbo, may tatlong lalaki ang humahabol sa akin. Pero kahit ano namang habol nila di naman nila ako kayang maabutan. Minsan may mga pagkakataon nahuhuli nila ako, pero agad ko naman sila natatakasan.

"Laaaaaark ibalik mo mga ninakaw mo..." Napalingon ako sa mga humahabol sa akin at binigyan lang sila ng ngisi na lalo nagpagigil sa kanila. Nakita ko kung paano nagbago ang mukha mula sa pagod na mukha hanggang sa galit na galit..

waaaaaaahhh mali ata galitin sila.

"Grrrrrr, Humanda ka sa amin Laaaaark makikita mo" Galit na sigaw ng isa.

Grabe naman sila napaka damot. "Asa naman kayo, huwag nga kayo magdamot parang ilang pirasong tinapay pinagdadamot 'nyo kaya di kayo pinagpapala ng ni Oúril- woaaah!!"

Tsk, muntikan na 'yun ah!

Buti at agad nakailag. May isa kasing humarang sa dadaanan ko para abangan ako. Ang kukulit ng mga 'to, dating tatlo ngayon apat na silang humahabol sa akin.

Para makatakas agad, tumalon ako paakyat sa mga bakod ng bahay paakyat sa bubongan . Sinubukan din nila umakyat at ngayon kasabayan ko na sila tumatakbo.

Hooooooy! Masira ang bahay namin bumaba ka dyan.

Pasensya naaaaaa! Sigaw ko sa may ari ng bahay.

Tsk, Pursigido sila mahuli ako ah? Kung kaya lang nila. Kailangan ko na silang takasan.

Nag palinga-linga ako sa paligid para makahanap ako ng bagay na makakatulong sa akin at kung sinuswerte ka nga naman may tumpok ng kahoy akong nakita at kaagad ko iyon itinumba.

Blaaag.

Nakarinig ako ng pagdaing sa sakit. Nilingon ko sila. Nakita ko naman silang nadaganan sa harang ginawa ko. nakakatawa ang mga itsura nila.

"Hahahahaha... Hanggang sa muli. salamat nga pala sa tinapay." sigaw ko sa kanila at iwinawagayway ang supot ng mga tinapay sa kanila. Binigyan ko din sila ng swabeng saludo at tumakobo papalayo.

"May araw ka rin Laaaark..."

Malakas akong tumawa at tuluyan na sila iniwan.

Tumalon na ako pababa at naglusot lusot sa mga eskinita para masiguro di na nila ako maabutan at tuluyan na sila maligaw.

Kilala akong matinik at sa bayan kaya binansagan nila ako Dakilang mang-uumit. May ilan naman nagsasabi na tulad ako ng isang palos na wala kasing dulas kapag tinatakasan sila.

Sa totoo lang mukha ba akong malansa? Naliligo ako ah!

Mula bata palang ay ito na ang kinabubuhay namin simula nang iwan kami ng Master namin ni Garen, teka! oo nga pala asan nanaman naglusot ang isang 'yun. Ang usapan magkikita kami sa sentro para mangolekta ng pagkain pero mukhang iniwanan nanaman ako sa ere at may iba nanamang pinag ka abalahan.

Malilintikan 'yun sa akin pag nagkita kami.

Nagtungo na ako papasok sa gubat ng GOESA kung saan matatagpuan ang lumang kubong tinitirhan namin. Nakalokasyon ito sa bandang gitna ng gubat malapit sa lawa ng Woarg.
Kinakatakutan ang gubat na ito dahil maraming mababangis na halimaw ang gubat nito. At wala sinu mang naglalakas loob pumasok lalong lalo na sa pinaka looban ng gubat na ito.

Bago man ako umuwi napagisip ko magtungo muna ako sa direksyon kung saan makikita ang lawa. Kilala ang lawang 'yun na mahiwaga. At ang bali-balita ay may nagbabantay na diwata na ubod ng ganda.

Sa totoo lang noong una di ako naniniwala at gawa-gawang kwentong 'yun at isang malaking kalokohan. Subalit nagbago ang pananaw ko na minsan may mangyari sa akin sa lawang 'yun.

Totoo kayang may diwata sa lawang yun?

Ilang saglit pa ay narating ko na ang bukana ng lawa at naupo sa nakatumbang puno kung saan madalas ako umupo kapag ako'y dumadalaw.

Pinagmasdan ko ang kapaligiran at dinama ang paligid. Napapikit ako sa sarap ng simoy ng hangin.

Nakakamangha ang kagandahan ng lawa na animo'y nababalutan ito ng mahika. Muli ko minulat ang aking mata at mula sa kinauupuan ko, makikita mula rito ang matatayog kabundukang perpektong hinubog, mga nagluluntiang puno't halaman, mahalimuyak na mga bulaklak at sa mga paligid naman ay may mangilan-ngilang hayop na malayang nakakagala para makainum sa malinis na lawa.

Napadako muli ako sa malayo at napaisip. Totoo ba kaya ang nakita ko o isa nga lang ilusyon?

Kung gayon totoo ang diwata. Asan siya at sana ay muli ko siyang makita pero kung kung hindi sino ang nagligtas sa akin?

Ang tanging naalala ko lang nang ako'y malunod sa lawang ito, nanghuhuli kami ng Garen ng isdang makakain. Lumangoy ako papunta sa gitna ng lawa dahil napag desisyunan namin na sa parteng iyon manghuhuli. Habang lumalangoy ako pailalim ng lawa, bigla nalang namulikat ang kaliwang binti ko na naging dahilan ng pagkalunod ko. Sinubukan kong lumangoy paitaas subalit hindi ko kinaya at unti-unting nawawalan ako ng hangin.

Akala ko yun na ang katapusan ko. Di ko manlang natupad ang pangarap ko makapag aral at maging isang magaling na mandirigma.

Bata palang ay pinangarap ko na makapasok sa isang sikat na paaralan ng mahika. Kilala din ang paaralang yun dahio ang unang Hari at ang Tagapagligtas ang nag tayo nito.

Habang nawawalan na ako ng hangin at nanlalabo ang paningin may isang malabong imahe ng babae na lumalangoy papalapit sa akin, Pilit nito inaabot ang kamay ko kaya sinubukan ko kunin ang kamay niya subalit tuluyan na ako nawawalan ng malay,

Subalit bago man ay may kung anong lumapat sa aking labi at kasabay n'on ang pagdilim na ang aking paningin.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa gilid na ako ng lawa habang nakasandal sa malaking bato mula magkamalay ako. Inisip ko kung anong nangyari sa akin at paano ako napunta at nakatulog sa tabi ng lawa.

Biglang may malabong imahe pumasok sa isipan ko, isang imahe ng babae at pilit inaalala subalit hinang hina ako ng mga oras na iyon at muli akong nawalan ng malay ngunit bago pa man nakita ko na Garen na tumatakbo papalapit sa akin at sumunod tuluyan na akong bumagsak.

Simula nung araw na yun lagi na ako nalalagi sa lugar na ito at umaasang makita muli ang babaeng tumulong sa akin mula sa pagkalunod.
.
.
.
.
.
"Oh Lark nandito ka nanaman pala ano kamusta na, nakarami ka ba?" Nilingon ko kung ang nagsalita, si Garen lang pala. Umupo siya sa tabi ko at tumingin kung saan ako nakatanaw.

"Iniisip mo nanaman ba yung babaeng yun? Ano ka ba naman Lark gumising kana sa katotohanan, halos araw-araw kana pumupunta dito pero di mo pa rin nakikita. nilangoy mo na ang kabuuan ng lawa pero walang bakas ng diwata o ng babae kang nakita. Sigurado kabang may nagligtas sayo kung totoo nga bakit di manlang nagpapakita sayo? O baka naman hindi diwata ang nagligtas sayo kung hindi Maligno! Hahahahahha..." at malakas na tumawa.

Tinignan ko s'ya ng masama at binigyan ng malakas ng batok "Araaaaay, namumuro kana ah... tss ang sakit. Tsk" habang himas himas ng pagkakutos ko s kangan. Kahit kelan baliw talaga ang isang 'to. Tumayo ako at kumuha ng piraso ng bato at ibinato lawa.

"Alam mo, Naguguluhan narin ako... Di ko alam aaargg... di ko rin naman maalala ng malinaw kung pano ako napunta sa kabilang dako at natagpuan ang sarili na nakasandal na sa malaking bato. Ang tanging naaalala ko nalang ay may pigura ng babaeng tumulong sa akin at sigurado ako babae dahik mahaba ang buhok nito at kulay-"

"Kulay berde? Nako naman Lark ilan beses mo na sinabi yan ni isa nga wala tayong nakitang ganung kukay ng buhok. Sigurado ka ba? Baka naman isang halamang tubig lang yun."

"Hindi Garen sigurado ako at kakaiba ang kulay ng buhok niya dahil kakulay nito ang batong Emerald" Pagpipilit ko.
Nagkipit balikat nalang si Garen tila sumusuko na sa pakikipag argyumento sakin.

Pero kung di man totoo 'yun ang kinatataka ko, paano ako nakaligtas? kung di man totoo ang diwata, sino man siya at saan siya nakatira?

Sa tagal ko na naninirahan sa Garrison City kung saan pareho kami lumaki na Garen ni minsan di ko pa nakikita ang isang tulad niya, ni-kamukha niya wala rin ako makita. Mabilis ko naman makikilala kung sino siya dahil sa kakaibang kulay ng buhok niya. Pero sa ilang beses kong pabalik-balik sa syudad, wala manlang ako nakitang katulad ng buhok niya kaya marahil diwata nga siya na minsan nagpakita para mailigtas ako o marahil isang dayo napadalaw sa lawa.

Naramdaman ko tumayo si Garen at tinapik ang balikat ko.

"Kung totoo man siya, Darating din ang panahon magkikita mo rin siya kaya tayo na at umuwi na tayo" sabi ni garen at limakad na papalayo.

Tama si Garen, makikita ko rin siya sa tamang panahon. hindi ako magdadalawang isip na pasalamatan siya at sa oras mag krus ang landas namin. aayain ko siya magpakasal.

Malapad ako ngumiti at tumayo. Pinagpag ko ang bahaging nadikitan ng damo at muling pinagmasdan ang kabuuan ng lawa. Matibay ang paniniwala ko na balang araw makikita ko muli ang nagligtas sakin.

'Alam ko magkikita muli tayo.'

"Tara na Lark gutom na ako. Ano pa tinatayo-tayo mo d'yan bumalik na tayo sa bahay, at heto nakahuli ako ng 3 kuneho kanina habang nagiikot ako sa loob ng gubat, di puro tinapay at isda..." Sigaw ni Gareb

Haaaay kahit kelan talaga itong si Garen mareklamo pa sa akin.

Napag desisyunan ko na lumakad papalayo sa lawa at sinundan na si Garen.

Muling sumulyap ako sa lawa at napangiti.

"Ano ba Laaaaark"

"Oo eto naaaaaah"

Extra:
Garen: Ang lakas ng batok mo kanina ah! kainis
\(`皿')╯

Lark: A-heheheh Pasensya na (✌゚∀゚)

G: Pero maiba tayo! Ano balak mo sa diwata mo?
(¬‿¬)

L: D-Di-Diwa- aaaaaah ano ba Garen umayos ka nga!!! bakit may 'Mo'

G: Hahaha, di na mabiro! Pero seryoso ang panget mo kanina mag isip hahahah.. Araaaaaay isa pa! gaganti na ako.

L: kasalanan mo yan!

G: Ano sabi mo?! may pabulong bulong kapa nalalaman hah!

L: WALAAAA!  ̄ω ̄)

G: may bukol na ako. huhuhu (╥﹏╥)

L: Buti nga sayo. Kasalanan mo yan. Sige mang-asar ka pa ulit di na bukol makukuha mo!

Next Time:
Fairy Of Goesa

Garen: Makakaganti rin ako sayo Lark! tsk, sakit...

L: Hahahaha
**************

Azuregard(pronounce as ASREGARD)
GOESA (Gesa)
WOARG (warg)

Oúril- God of Wealth
manguumit-magnanakaw

xoxo

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.5M 62K 116
Unveil the mystery of the mysterious girl.
495K 35.1K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...