When Gangsters Meet the Sadis...

By arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. More

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 18.1

14.3K 323 42
By arkiSTEPH

(Hi! Hinati ko 'tong chapter 18 dahil sobrang haba. At di ko pa tapos 'yong dulong part dahil di ko na kinaya.  Pakiantay nalang ulit salamat ! Add niyo ko sa fb . Like niyo nadin fb page natin. Salamat !



Chapter 18.1

"Nasusunog na po ang restaurant, umalis na ang grupo nila para pumunta doon. Gaya po ng inaasahan mag isa nalang po si Mars sa penthouse." balita ng isa sa kanyang bantay habang ipanapatong sa mesa ang kanyang pagkain.

"Good, make sure na padalhan ako ng pictures." sagot niya at napangiti. "Want to see their sorrowful faces and dead bodies."

"Opo." sagot ng bantay at nagmadaling isara ang kurtina.

"It's fine, wag mo na masyadong isara may bisita tayo. Masarap mag appreciate ng araw ngayon hindi ba? Kailangan natin ng natural lighting anyway." pagpipigil niya sa kanyang bantay at tsaka ininom ang alak.

"Natural lighting?" tanong ng kanyang bisita. "Mukhang naaapply niyo na sa pang araw araw na buhay ang pinag aaralan niyo." malamig nitong tugon habang nakatingin sa mga nakapaskil na larawan sa dingding.

"Lagi kang nakatitig sa mga inspirasyon ko tuwing pupunta dito." aniya at tumingin din doon. "Ang saya nila dyan diba? Susunod na nakadikit dyan..." sabay bato niya ng steak knife sa larawan ni Agatha. "Ay mga patay nilang katawan. Unti unti din makokompleto 'yan." napatigil siya panandalian dahil bigla siyang natawa. "Hindi alam ni Uriah kahit anong gawin niya, may mawawala. Walang kamalay malay na habang nililigtas niya ang isa, may mamamatay na iba."

Tumayo na ang kanyang bisita at lumapit sa larawan upang tanggalin ang kutsilyong nakasaksak sa doon at tsaka binalik sa kanya.

"Tapusin niyo na muna 'yang pagkain niyo."

"Hindi mo na ata ko pinipigilan ngayon?"

"Wala naman kayong balak magpapigil" sagot nito at tsaka yumuko ng kaunti. "Kung wala na kayong sasabihin papasok na ko." sabay lakad niya palabas.

Napangisi siya at pinanuod lang ito lumakad palayo. "Kahit anong tanggi mo sa offer ko wala kang magagawa dahil ito ang mundo natin." aniya bago tuluyang makalabas ang bisita.

"Tigas ng ulo niya." malamig niyang sabi sa kanyang bantay. "Bantayan niyo padin siya lagi. Darating din ang time na mapapasunod ko siya sa gusto ko."

---

DOMINIC P.O.V.

"Mga bata kayo! Anong nangyari sa inyo."

Bungad samin ni tita nung makita ang aming kalagayan. Hindi siya mapakali at sunud sunod ang tanong.

"Kinabahan ako nung pagkakita ko kina Uriah! Pero okay na na-assist naman na sila  pero under observation pa, wala padin silang malay. Buti nalang at hindi na sila nagtagal ng ilang minuto pa sa loob ng restaurant kundi baka matuluyan na sila dahil sa suffocation."

Nagpatuloy lang ako sa pagpapaliwanag. Buti naman at okay na sila Uriah.

"Okay naman na po kami tita." I managed to smile to show her that we're fine.

Tinignan niya ang likod ko at umiling iling.

"E ang laki ng sugat mo sa likod! Namumutla ka pa."

Napakamot nalang ako sa ulo habang nakangiti at nagpatuloy sa pag iexplain ng nangyari.

"Hindi din po namin alam kung sino po ang gumawa nito."

Tumango tango lang siya at panandaliang di umimik.

"Si Ethan? Si Chin?" tanong niya at bigla ulit di mapakali.

"Nasa kabilang bed po. Si Chin po di po namin kasama."

Ethan will hit me later for sure. Pero kahit naman di ko sabihin kay tita makikita at makikita padin siya.Kanina nga sa ambulance halos ayaw na niya bumaba nung makitang ditong hospital kami dinala.

Tatayo din sana ko para sumama at kamustahin sila ni Demi pero pinigilan ako ni tita. Ginagamot padin ata sila hanggang ngayon. Nauna kasi ako asikasuhin dahil kailangan maalis agad 'yong nakasaksak sa likod ko.

Madami daw kasing aksidente within the vicinity kaya di agad naaasikaso lahat.

"Dito ka lang, baka bigla kang matumba. Humiga ka na dahil mamaya maya makakatulog ka na dahil sa gamot." she explained while helping me to lay down.

"Thanks po Tita."

Patagilid nga lang ang higa ko and now I'm facing Ethan's bed.

"Ethan! Jusko po. Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?"

Kahit may curtain na nakaharang sa pagitan ng mga kama namin naaaninag ko silang mag ina medyo manipis lang kasi ang tela, can't help but to smile. Nakakamiss ang alaga ng nanay. Kahit alam kong kinakabahan ngayon si Ethan dahil mapapagalitan siya ni tita alam kong masaya siya and secured.

Sa grupo namin, ako at si Ethan ang maagang naulila sa nanay. Si Mars naman, ang nanay niya hiwalay sa dad niya. si Kurt naman ay nakatira sa lola niya na nag ampon sa kanya hindi niya alam kung sino ang parents niya, bale ang may kompletong pamilya lang samin ay si Jonas at Uriah, pero ang mga parents nila sobrang busy lagi at kahit isang buong araw na makasama nila 'yon ay di nila naranasan.

"Okay na siya ma'am, binigyan nadin siya ng gamot." sabi ng isa pang nurse kay tita. Kung di ako nagkakamali ay si tita na ang nagpatuloy sa pag asikaso sa kanya.

"Sorry po ma. Okay naman na po ako."

Nakita kong napapunas ng mata si tita habang ginagamot ang mga paso ni Ethan sa likod.

It took a couple of seconds before she answered.

"May iba pa bang masakit sayo?"

Napayuko si Ethan at umiling iling. Nakita ko din na pasimple siyang napapunas sa mata.

I closed my eyes for a moment, this kind of scene really makes my eyes wet. Mahina ko sa mga ganitong eksena when it comes to mother and their child.

Pagkatapos asikasuhin ni tita si Ethan ay lumipat naman siya kay Demi na nasa dulong kama. Okay naman nadin siya at kailangan lang ng pahinga. Binalita nadin sa kanila ni tita na ayos na sila Jonas at kailangan nalang nalang pagpahingahin at obserbahan pa.

Lumabas nadin si tita at ibang nurse upang balikan ang ibang pasyente, dahil tatlo nalang kami dito sa kwarto ay binuksan ko na ang kurtina at ganun din sila. Buti nalang makakausap ko sila bago ko tuluyan makatulog, inaantok nadin ako.

Nagtitigan lang kaming tatlo at natahimik saglit.

"Okay na pakiramdam mo?" sabay na tanong namin ni Ethan kay Demi.

She nodded and showed her hand. Puro gauge at halatang namamaga.

"Thank God at okay na sila Uriah. Magpahinga nadin kayong dalawa. Wag muna natin ipaalam kina Agatha ang nangyari ngayon, masyado nadin gabi baka biglang di mapakali 'yon sa kanila."

I bet 'yon din ang gustong mangyari ni tita, mahirap na kasi baka tulog nadin si Agatha ngayon.

"Kilala niyo 'yong babaeng kasama ni young master?" biglang tanong ni Demi kaya napatingin kami sa kanya ni Ethan.

"Hindi e." sagot ko habang si Ethan ay umiling lang.

Oo nga pala, nawala sa isip ko 'yong tungkol doon dahil sa pagod. Nung makita kasi namin sila Uriah at Jonas sa labas ng office nakita namin na may babae din doon. Kamusta na kaya siya?

Pagdating namin doon sa loob nakita namin na walang malay si Jonas at 'yong babae. Habang si Uriah naman n'yon ay hindi nadin makahinga ng maayos at unti unti ng nanghihina dahil nadaganan siya ng debris nung may sumabog sa kitchen.

"Pfft. Sorry." sabay kusot ko sa mata ko dahil sa naalala ko 'yong nakita ko. Hindi ko kasi alam kung ano dapat kong maramdaman nung oras na 'yon. Di ko alam kung maaawa ako o matatawa nung abutan ko sila.

Si Uriah kasi habang hinang hina nadin buhat buhat padin niya 'yong babae palapit sa fire exit habang si Jonas hila hila niya sa paa.

I wonder what will be the reaction of Jonas pag nalaman niyang hila hila siya ni Uriah. Kahit ako kay Uriah ganun ang gagawin ko.

Kaya siguro nahirapan nadin si Uriah n'yong mga time na 'yon dahil 'yong  basang pinantabon niya sa ilong ay hinati niya at pinantabon sa ilong ni Jonas at sa babae.

"Pero okay naman nadin daw 'yong babae sabi sakin ni tita."

"Di pa ba nagtetext si Kurt kung nakauwi na ng penthouse?" biglang tanong ni Ethan sakin.

Tinignan ko 'yong phone ko at empty bat na pala 'yon.

" Empty bat na ko, baka sayo nagtext."

"Sira na ata cellphone ko, nabasa. Ikaw Demi?" Ethan asked.

"Nalaglag ata 'yong cellphone ko nung sinipa ko 'yong fire exit."

Pagkadating kasi agad ng ambulansya at bumbero umalis na si Kurt para bumalik sa penthouse gamit 'yong motor ni Ethan. Ayaw niya na magpadala pa sa hospital dahil  hindi naman siya napuruhan at doon nalang niya gagamutin 'yong bumuka niyang sugat. Wala daw kasi kasama si Mars doon, iniwan niya daw kasi si Mars habang sumasakit ang ulo pero tulog na din siguro 'yon  dahil din sa gamot niya.

Dahan dahan umalis si Ethan sa higaan, halatang masakit padin ang mga paso niya.

"Saan ka punta?"

Napabangon din ako. Hindi ko kasi mailapat ang likod ko sa higaan.

Sumilip siya sa pintuan saglit at nagmasid. "Tatawag ako sa penthouse."

Kinakabahan tuloy ako dito kay Ethan, malakas kasi makaramdam 'yan e pero wala naman siguro nangyari kay Mars sa penthouse.

"Yari ka kay tita pag nakita ka."

"Ako nalang. Pupuntahan ko din sila young master." Demi suggested and left her bed.

"Hindi pa ata pwede bisitahin sila Jonas."

But Ethan suddenly shut the door. Agad kaming naalarma ni Demi kaya agad din ako napatayo.

Hawak hawak padin ni Ethan ang door knob at walang emosyong tumingin samin.

"Si Manang..."

As in Jonas nanny?

"...kasama mommy ni Jonas." Ethan added.

Yari!

I mean expected namin na darating nga siya pero hindi ngayong oras na 'to. Ang bilis.

Iniisip ko palang ang mga sasabihin at iaasta ng mom ni Jonas gusto ko ng umalis. Sa lahat ng nanay ng mga kaibigan ko, mommy ni Jonas ang pinaka nakakatakot at pinakamahaba magsermon sa lahat. For the record, ang pinakamatagal na ay 6 hours. Kinancel pa niya ang mga business meeting niya para doon.

Biglang sumakit ang ulo ko, seriously.

We're dead.

"Sarado niyo kurtina, padaan na siya dito." utos ni Ethan habang nakasilip sa salamin ng pintuan.

Pagkasabi na pagkasabi ni Ethan ay agad kaming bumalik sa higaan at sinara ang kurtina. Nakalimutan namin na masakit ang katawan namin at nakuha pa namin gumalaw ng mabilis.

Pasimple akong natawa habang nakahiga sa kama. Natawa ko kay Demi sobrang bilis gumalaw at naunahan pa ko bumalik sa kama kahit mas malapit lang ako sa higaan ko.

Expected ko e lalabas siya para kausapin si tita dahil for sure beastmode na 'yon but she choose to hide here. She's cute. Siguro kasi pagod din siya ngayon at wala pang lakas magpaliwanag at harapin ang mom ni Jonas.

Maybe If I were her, I'll do the same. Kailangan mo talaga ng pahinga bago talaga harapin si tita.While Ethan is blocking the door, nakaupo siya dun at parang ready na ready makipag pwersahan wag lang mabuksan ang pinto. Partida, may mga paso pa 'yan.

They're very quiet and very serious people that's why I find them funny and cute when doing something out of their character.

For sure pupuntahan niya muna si Jonas pero feeling ko bawal pa sila pasukin sa kwarto.  Feel so bad pero sana tapos na 'yong visiting hours para di kami mapasok ng mom ni Jonas. Or sana kahit 'yong kwarto nalang din namin sana bawal pa tumanggap ng bisita ngayon. Bigla tuloy ako kinabahan.

"Kalagpas na sila."

Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag sa sinabi ni Ethan. Babangon sana ko dahil baka makatulog na ako, mahirap na makatulog dahil baka anytime may mangyari na naman o biglang may sumugod samin.

"Matulog na kayo, ako nalang magbabantay dito." she said.

"Ako na, halatang antok na 'yang mata mo. Magpahinga na kayo pag balik ko. Tatawag lang ako." sagot ni Ethan habang nakasilip padin sa pintuan at nag aantay lang ng tyempo para lumabas.

Napatingin ako bigla kay Demi, naalala ko kanina. Akala ko namamalikmata nga lang ako pero nung nagiging desperado na kami sa pagbukas ng pintuan nakita ko na umiiyak siya kaya ganyan ang mata niya ngayon.

That's the reason why I wasn't able to stop her that time.

Hindi siya umimik at parang kung anong may iniisip, hanggang sa mapatingin din siya sakin saglit.

"Pahinga kana." I said to her. Tumango lang siya at humiga na.

Actually pare parehas lang kaming mga teary eyed dahil sa usok kanina, pero 'yong kanya medyo maga. Kaya hindi mo siya mapag sususpetsyahan na umiyak. Siguro ako lang din nakapansin na maga ang mata niya dahil alam ko na umiyak siya hindi dahil sa usok kundi sa sobrang kaba.

Ngayon ko lang nakita ang side niya na 'yon, most of the time e wala kasi siyang emosyon. But that time kitang kita ko sa mukha niya ang kaba at sobrang pag aalala.

Palabas na sana si Ethan nung isara niya ulit 'yon.

'Si mama si mama." siya na parang batang tumatakbo pabalik sa higaan niya. Nataranta din tuloy ako bigla kaya napahiga ulit ako. Sa sobrang taranta naisandal ko ang likod ko kaya napapikit talaga ko sa sobrang sakit pero nung narinig ko na bumukas ang pinto ay umakto akong normal at kunwaring natutulog.

"Tulog na ba 'tong mga 'to?" tanong ni tita Julia at parang may mga kasama siya.

Di ko na kaya, gusto ko bumangon ang sakit ng sugat ko.

"Tita..." ako at nagkunwaring naalimpungatan habang unti unting bumbangon. Hindi ko pinahalata sa kanya na sumasakit ang sugat ko dahil baka mag alala siya.

"Wag na kayo magpanggap alam kong gising kayo."

Napangiti nalang ako kay tita at nahiya bigla. Hiyang hiya at dahan dahan din na napabangon ang dalawa.

Napatitig lang ako sa mga nasa likuran ni tita, mga lalaking naka black suit at may mga tatoo sa kamay. Mga taga B.A. Bale apat sila.

"Ahmm..." aniya ni tita at parang naiilang na naiirita habang tinitignan sa gilid ng mga mata niya 'yong B.A. Cute ni tita.

"Babantayan nila kayo hanggang sa full recovery niyo, hindi ko kasi kayo mababantayan oras oras dito. Mahirap na baka biglang may mangyari ulit." tita explained as she looking at us with uneasy facial expression.

"Siguro sa labas nalang kayo magbantay baka  mailang sila matulog pag may ibang tao dito." maayos na paliwanag ni tita sa B.A. pagkatapos ay lumabas din agad ang mga 'to.

"May nangyari po ba?" naghihinala na naman si Ethan.

"Ah wala naman, baka lang kasi may mangyari ulit mahirap na lalo't nasa hospital kayo ngayon."

Tumingin saglit si tita sa may pintuan at tsaka halos pabulong na sinabing "Padala 'yan ng tatay ng anak ko. Nakita niya siguro sa balita 'yong nangyari.  Tss! If I know nagpapalakas lang siya sa anaka ko. Don't worry mahimbing na natutulog ni Agatha. Pinatulog na siya dahil baka mag open pa siya ng fb or makanuod pa ng balita. For sure bukas andito na 'yon baka mag iiyak na naman 'yong anak kong 'yon."

Napasimangot si tita at halatang na istress. Feel sorry for tita. Pero napabuntong hininga nalang siya at parang sinasabi na wala naman siyang ibang magagawa dahil 'to ang mundo namin.

May bantay din pala doon kina Uriah at si tita na daw muna ang bahala sa mom ni Jonas para makapag pahinga kami ng maayos. Thanks to Agatha's parents.

Sumama si Ethan kay tita papuntang nursing station para tumawag, wala siyang choice kundi ang magpaalam kay tita kahit kinakabahan siya na baka mapagalitan pero pumayag si tita basta saglit lang.

Mukhang tulog na si Demi, tumayo ako para kumutan siya. Antok nadin ako pero pinigilan ko muna ang sarili na humiga. I'll wait for Ethan to hear some news.

Sino kaya utak ng lahat ng nangyayaring 'to?

"Oh Ethan ano sabi?" I asked as he entered.

hindi niya ko sinagot at parang lantang gulay na naglalakad pabalik sa kama at nakatulala.

He looked at me without saying any words.His gaze makes me nervous.





JONAS' P.O.V.(before the incident)


(Hi pala kina    @salveanne17 and  @AngellaMerilles7  , sila 'yong nanalo sa pagames natin. Sila ang may pinaka malapit at accurate na explanation. As I promised, may special mention, dedication and followback kayo. Thank you! Pati sa mga sumali. Papagames ulit ako pag may chance. )


"Uwi na po ko sir."

"Ah okay ingat, paki lock nalang din ng pinto sa main entrance. " paalala ko bago lumabas ang isa sa mga staff ko. Nag overtime din kasi siya dahil inasikaso niya 'yong deliveries. Marami kaming party reservations ngayon kaya overtime din ako.

9:00 pm na pala, for sure nag iinuman na naman 'yong mga retarded. Umiinom din naman ako ngayon but not too much. Ganito ako pag nag oovertime, ewan ko but liquor clears my mind that's why I can think kahit pagod na.

Mabuti naman medyo okay okay na si Mars, ang tahimik niya kasi nakalog siguro utak nun.

Napatigil ako sa ginagawa ko nung may kung ano akong narinig. Parang boses, without hesitation binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang baril ko.

Hanggang sa nakita kong pumihit ang door knob, agad kong tinutok ang baril ko dun at kinalabit ang gatilyo.

Tumayo ako at naglakad ng marahan papunta malapit sa pintuan. Pinatay ko ang ilaw bago pa man mabuksan ang pinto. Mukhang ako naman ang target nila ngayon.

"Tao po."

Takte! Teka... parang familiar ang boses niya. Babae ba 'yon?

Bumukas na ang pinto at napabuntong hininga ako nung naaninag ko agad kung sino siya kaya mabilis kong sinukbit ang baril ko sa likuran ko.

"Huh? Walang tao?" tanong niya sa sarili habang nililibot ang tingin, as if naman may makikita siya sa dilim na 'to.

Ginagawa nito dito?

Binuksan ko ang ilaw dahilan para magulat siya, 'yong gulat na para bang nakakita siya ng multo lalo na nung nakita niyang nakatayo ako malapit sa pintuan.

"Ano ba 'yan, bakit patay ilaw dito?" she asked with irritated tone. "Siguro..." sabay tingin niya sakin simula ulo hanggang paa. Napatakip siya sa bibig at nag iwas ng tingin. "Kadiri."

Automatic na kumunot ang noo ko. "Anong kadiri ka d'yan!" sigaw ko sa kanya.

Tinignan niya ko ulit na para bang nagdududa, lalo akong nairita nung tignan niya ng matagal ang kamay ko na para bang...takte mas kadiri ang utak niya!

"Joke lang. Pikon nito."

May sayad ang babaeng 'to.

Bumalik na ko sa mesa ko at nagpatuloy sa pag susulat. Nakatayo lang siya doon at parang baliw na nililibot ang tingin sa office ko. Pinapasok siguro 'to ng staff ko. Nakapunta na kasi 'yan dito sa resto pati si Kelvin nung nakipag usap ako tungkol sa pag adapt ng pet na ahas pero hindi dito sa office ko kundi sa dining.

"Kailangan mo?"

Ngayon lang ba siya nakakita ng office?

"Ang laki ng office mo. Pwede ka na magkapamilya dito e." she said with amused tone.

What she's saying. Retarded.

"Pwede ka umupo kung gusto mo."

Pagkasabi na pagkasabi ko n'yon ay agad siyang tumakbo palapit at umupo sa upuan na kaharap ng mesa ko.

Ang hyper.

"May corn and milk S kami. Baka gusto mo."

"May supplier na kami n'yan."

Pati ba naman pag susupply ng goods trabaho na din niya.

"Hindi, I mean corn and milk Snake. 'Yon palang meron ulit kami di na pwede mga BOA e. Pinagbawal daw muna 'yon sabi ng amo ko."

Tumigil ako saglit para tignan siya.
"Kala ko ba wala na kayo kahit anong ahas?"

"Kararating nga lang e."

Nagpatuloy ako sa pagsusulat.

"Takte ba't ayaw mong sumulat ng maayos."

Di ko alam, di ko alam kung bibilhin ko pa 'yon. Baka mailang sakin si Demi baka mapansin niya 'yong pinag gagawa ko. Mukhang masaya naman na siya ngayon kay Nicolo. Ayoko na siya guluhin.

"Hindi na siguro. T*NG! TAKTE!" napasigaw talaga ko at napaangat sa upuan dahil sa nakita ko, tumayo talaga ang balahibo ko. Sa sobrang gulat ko nagkusa na ang kamay ko, binato ko 'yong fountain pen ko sa tarantula na naglalakad sa sahig malapit sa pintuan.

Kahit medyo malayo alam kong tarantula 'yon. Kinikilabutan padin ako takte! Bigla tuloy ako pinag pawisan.

Mukhang patay naman na siguro 'yon dahil tumusok 'yong dulo ng fountain pen ko mismo sa gitna ng katawan niya.

"Woah! Dala mo 'yan 'no!" pasigaw kong tanong kay Chelsy. Takte!

Nakatitig lang siya sakin at di umaalis sa pwesto niya. Paano pag buhay pa 'yon tapos gumapang sa kanya. Pero hindi na gumagalaw, baka patay na 'yon.

"Ehemm."

Umubo ako at pinakalma ang facial expression ko. Pasimple kong binaba ang paa ko sa upuan while she's still looking at me. Siguro nabaklaan sakin bigla 'tong babaeng 'to.

'Tss! Anyways, like I care about what she thinks of me right now."

"Sugoi." she said while still looking at me very seriously.

Ano na naman pinagsasabi nito? Minura ba niya ko?  Paano ko aalisin 'yong tarantula dun!

" 'Yong tarantula mo, isama mo 'yan pauwi. It's not my fault kung namatay siya. Trespassing siya! Kahit ipaglaban mo pa 'yan sa korte."

paliwanag ko habang seryoso lang ang mukha niya. Maybe she's mad. Tumayo siya at lumakad palapit dun. Nanlaki talaga ang mata ko nung kamayin niya 'yong tarantula. Dugo! Kakalat ang dugo.

Baka may mga babies pa 'yan at maglabasan sa tyan niya at magpakalat kalat dito. Papasunog ko talaga 'tong restaurant pag nangyari 'yon.

"Tapon mo na!" utos ko sa kanya.

"Ikaw."

Anong ako?

"Ikaw." ako ba kausap tinutukoy niya o 'yong tarantula, nakatalikod kasi siya.  "Ikaw 'yon, nung araw na 'yon."

Ewan ko basta kinilabutan ako sa seryoso niyang boses, feeling ko ihahagis niya sakin 'yong tarantula.

Nilingon niya ko at di ko maexplain ang itsura niya, basta wag niya lang talaga ibabato sakin 'yan takte! Tumayo na ko para sana makagalaw ng maayos kung sakaling ibato niya sakin 'yon.

"Ikaw nambato ng ashtray dun sa bar."

Huh?

Lumakad siya palapit sakin bitbit 'yong tarantula kaya talagang napaatras ako, pinatong niya 'yon sa mesa ko pero bago pa ko mag wala sa ginawa niya nakita kong ... laruan lang pala 'yon. Takte!

"Ang vision mo matalim at malinaw. You can even recognize people kahit na madilim."

Pinagsasabi nito?

"Base sa nakita kong reaksyon mo nung makita kita nakilala mo na ko bago mo pa buksan ang ilaw.  Iniba ko pa ang boses ko nung sabihin kong 'tao po' pero nakilala mo na ko agad nung buksan ko ang pinto kahit madilim."
paliwanag niya habang nakahawak sa sintido. What's with that weird gesture.

"May alak sa table mo, I bet umiinom ka kanina pa. Pero kahit nakainom ka na natamaan mo padin 'tong laruan." then she pointed out the toy. Kahit laruan lang 'yan di padin ako komportable.
"Nabato mo din ako dati kahit nakatago na ko sa halamanan."

Napahilot ako ng ulo ng di oras, abnormal 'tong babaeng 'to. Ito ba 'yong sinasabi ni Kelvin na feeling detective 'tong isang 'to. Bakit pa siya nag management dapat nag criminology nalang din siya tulad ni Demi.

"You're accussing me. Wala kang ibedensya. Ashtray? Nakita mo ba kong nagyosi dun sa bar niyo."

"May witness ako!" sabay hablot niya ng cellphone sa bulsa. "Para sa security purposes itago nalang natin siya sa pangalang 'The bacon'."

"Anong tinira mo? Nagsashabu ka ba?"

Hinarap niya sakin ang cellphone niya at ni-play ang video. The bacon? Tss! Nakalimutan niya atang nasa business industry ako. The bacon means also businessperson or manager. Talagang blurd pa 'yong mukha e halata naman manager niya 'yong nasa video base sa suot nun.

"Sigurado ka bang ayos lang 'to?" nag aalalang tanong nung manager sa video.

"Yes ma'am, ako po bahala sa kaligtasan niyo.Ilahad niyo po ang mga nangyari."

Napatingin ako sa kanya nung sabihin niya 'yon sa video. Anong tingin nito sakin mamamatay tao.

"Actually wala naman ako ibang masabi kundi... ang pogi niya.Hehehe. Magkakilala kayo diba? Sabihin mo inom siya ulit dito sa bar natin huh!hihihi."

May drugs ba sa bar nila?

"I'll try manager." -Chelsy

Tinuro ko 'yong video at tumingin sa kanya. "Ikaw talaga bahala sa kaligtasan niya? Kahit nirereveal mo kung sino siya. Hindi ka pwede maging detective."

"Bakit papatayin mo ba talaga siya." sabay kunot noo siyang sumenyas sakin na wag maingay. Tumingin nalang ako ulit sa video kahit na alam kong sinasayang lang niya ang oras ko. Kelan ba siya matatapos takte.

"Nakit niyo po ba siya nagyosi sa loob?"

"Hindi, pero 'yong isa mo pang cute na kaibigan nakita ko nung pumunta siyang fire exit malapit sa CR tapos nag sigarilyo."

"Loko 'yong Kelvin na 'yon. Nagyoyosi na pala siya. Kaya pala madalas siya mag CR pag nasa bar. Di ba po sabi niyo nabangga niyo si Jonas bago tuluyan lumabas ng bar." -Chelsy

"Ah oo, actually binangga ko siya hehe. Gusto ko kasi makita ng malapitan 'yong mukha niya. Hihihi. Tsaka malay mo magkaspark kami diba!" -Manager

Nag dadrugs nga 'tong dalawang 'to.

"Ano po 'yong nalaglag nung oras na 'yon?"

"Ah pakete ng yosi galing sa bulsa ng pants niya. Di kasi maayos pagkakalagay nun sa bulsa niya e kaya natamaan ko ayun nalaglag. You know what, muntikan niya na nga mahawakan kamay ko kasi kukunin ko na dapat 'yon kaso naunahan niya ko heheh." -Manager

"Bukas po ba 'yong pakete?"

"Hmm... sa tingin ko hindi pa. Parang may balot pa kasing plastic."

sabay stop na niya ng video.

"So what now? See, di ako nakapagyosi bakit ako gagamit ng ashtray." I asked. "May kailangan pa kong gawin." umupo muna ko sa mahabang sofa at nagcheck ng cellphone, gonna check my online banking. Umupo din siya at halata sa kanyang hindi pa siya tapos.

"That's the evidence! 'Yong pakete mong hindi nabuksan. 'Yong ashtray na binato samin walang bahid na kung anong upos ng yosi. Chineck ko din ang paligid walang kalat. Ibig sabihin magyoyosi ka palang dapat kaso, nakita mo na ko naglalakad kasama 'yong customer  na lasing. Alam mong di kami makakaiwas that time kapag binato mo kami dahil mabagal ang usad namin kaya hindi mo na nagamit ang ashtray at binato 'yon samin."

Napatigil ako saglit sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya tinignan at nag panggap na hindi ako nakikinig or interested sa sinasabi niya.

Pero her reasoning is not that bad.

"Nakalagay din sa bulsa mo 'yong yosi nung nasa loob ka pa ng bar, ibig sabihin may balak ka talaga magyosi sa loob kaso hindi na natuloy nung ipambato mo 'yong ashtray samin. At base sa mga nakita ko kanina, kayang kaya mong umasinta, kumilala kahit madilim at nakainom ka."

Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. Hindi na ko sumabat habang siya intense na intense ang itsura na para bang nakahuli ng criminal.

Not bad, di ko alam na observant pala siya at magaling mapag connect ang mga bagay. Kahit mukhang naglalaro lang naman siya, para sakin.

"So ngayon! Bakit mo ko gustong batuhin ng ashtray! Sorry ka nalang dahil naiharang ni manong ang kamay niya! Masama padin loob mo nung binato kita dati ng bote tsaka di ako nag overserved sa inyo ni Kelvin!" galit niyang tanong.

Okay na e, okay na sana pero mas malala pa pala siya kesa sa iniisip ko. Takte! Ni hindi ko nga naisip 'yong bagay na 'yon. Tamang hinala.

"Makukumbinse mo na sana ko ulit na medyo normal ka pa mag isip, kaso nung sinabi mo 'yan pinatunayan mo lang na may sayad ka."

Sumasakit ulo ko sa babaeng 'to. Hinagis ko sa mesa 'yong cellphone ko at tinignan siya kahit halatang tinatamad na ko makipagtalo.

"Wala kong sayad! May galit ka talaga sakin! Sabi na nga..."

Unti nalang mapapapikit na ko habang tinitignan siya. Para kong may kausap na nakawala sa mental.

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nung tinignan niya lang ang kamay ko na unti unti kong nilalapit sa kanya.  As in tinitignan niya lang 'yon na para bang normal lang ang ginagawa ko.

"Tamang hinala ka lagi diba? Tsaka kadiri ka mag isip. Dapat alam mo 'tong gagawin ko."

"Ang alin?"  inosente niyang tanong na para bang wala talaga siyang idea.

Takte! What's with her!

Tinigil ko na ang paglapit ng kamay ko sa kanya. Hindi naman malapit to the point na mahahawakan ko na siya.

"Normal lang ba sayo na may lalaking ilapit ang kamay nila sayo."

Tinignan niya lang ako na may pagtataka. "Kung tinutukoy mo ibang lalaki siguro hihingi lang sila ng tulong lalo na 'yong mga lasing mag papaalalay ganun pero pag sayo..." sabay lisik niya ng mata. "You're gonna punch me!"

100 percent sure, she's crazy! Tumayo na ako dahil di ko na matagalan ang baliw na 'to.

"Mapaghinala ka pero 'yong mga ganung bagay hindi ka aware. Nakakalimutan mo bang babae ka? Nahipuan ka nung inalalayan mo 'yong customer niyo diba?" tanong ko habang kunot noo akong nakatingin sa kanya at nakatingala siyang nakikinig sakin.

Base sa itsura niya alam niyang nahipuan siya sa dibdib pero ang nasa isip niya ay aksidente lang 'yon. Mas hindi siya matahimik sa ashtray na 'yan kesa sa nahipuan siya.

"Kung babatuhin kita, hindi ako papayag na iba ang matamaan. Ikaw na nagsabi na magaling ako umasinta kaya kung ikaw ang pakay ko ikaw dapat ang tatamaan. Tsaka kung babatuhin kita, dyan sa ulo mo mismo. Para makalog 'yang utak mo." paliwanag ko sa kanya.  "Hindi ko alam kung bisexual ka ba at in character ka pag nagpapanggap na lalaki pero babae ka padin, maging aware ka."

Kung kay Demi nangyari 'yon, baka nabalian na niya 'yong nanghihipo sa kanya.

"Ha ! eh..."

"Umuwi ka na. May gagawin pa ko. Dito ka na dumaan sa may fire exit. Sarado na dun sa main entrance."

"Di ah, bukas kaya."

"Bukas? Naabutan mo staff ko?"

Pero imposibleng makalimutan isara 'yon ng staff ko.

"Wala kong nakitang iba. Nakita ko kotse mo nakaparada sa harap kaya I assume andito ka pa kaya 'yon dire diretso lang ako..."

Nakakapagduda, imposible talaga.
pinatigil ko siya at sinenyasan  na tumahimik. 
Sumunod naman siya at pinakiramdaman ko ang paligid. Napatitig ako sa pintuan at dahan dahan na lumakad.

Tinignan ko si Chelsy saglit at sinenyasan na wag maingay. Sinenyasan ko siya na magtago pero para siyang baliw na nakatitig lang sakin at parang nawiweirduhan.

Agad kong kinuha ang baril ko na nakasukbit sa likuran ko. Tinignan ko siya ulit at sinenyasan dahil baka magulat siya na may baril ako. Mukhang marunong naman siya makisama at tinakpan nalang niya ang bibig niya habang tumatango.

Binalik ko ang atensyon ko sa pintuan at hinawakan ang door knob habang nakayuko. Dahan dahan ko din nilagay ang chain lock. Wala pang ilang segundo nung maramdaman kong may nagtangkang pumihit ng door knob.

"Magtago ka!" sigaw ko kay Chelsy at mabilis na pumunta sa likod ng mahabang sofa, agad kong pinaputok ang baril habang hawak ang knob at pinindot ang safety lock, naisara ko din agad ang chain lock.Kasabay din nito ang bala na tumagos sa pinto at pumasok sa kwarto. Hindi ako sure kung natamaan ko siya dahil hindi ko siya nakikita.

Mabuti nalang at nakayuko ako kundi tinama na ang ulo ko.

Dahil may baril siya, wala ako ibang pwede na mapang sanggalang at taguan. Wala kong choice kundi umalis sa pintuan. Mabilis akong tumakbo papuntang sofa habang nagpaputok ako ulit ng dalawang beses. Tinalunan ko at inapakan ang sandalan ng sofa para bumaliktad 'yon.

"Yuko!" sigaw ko kay Chelsy at agad siyang yumuko na halos nasa sahig na ang buo niyang katawan at ulo.

Saktong paglanding ko sa sahig at pagbaliktad ng sofa ay agad nagpaputok ng ilang beses ang kalaban. Napayuko ako at agad na dinaganan si Chelsy upang protektahan ang kanyang ulo sakaling may tumagos na bala.

"Takte!" sumilip ako ng kaunti at gumanti ng putok. "Lipat ka sa likod ko. Wag kang tatayo. Dumapa ka lang."

Agad naman siyang sumunod at narinig ko siyang napasigaw dahil sa gulat at ingay ng putok.

Napayuko ako ulit nung gumanti siya ng putok, nahihirapan akong asintahin siya dahil kahit kaunti ay di ko siya makita. Hindi ako gumanti ng putok at tumahimik lang.

Gumanti ako ng isang beses at pinaputukan ang ilaw sakaling makapasok man siya ay di niya kami agad makita. Ang source of light ko nalang ay liwanag ng buwan, buti nalang kahit walang bintana dito sa office ko ay may portion glass roof ako.

Dalawa nalang ang bala ko kaya hindi na ko pwede makipag palitan ng putok. Ang alas ko nalang ay sirain niya ang double door at pumasok.

"Kahit unting sulyap lang sana.Come on." napapangisi nalang ako dahil sa excitement at the same time kaba. Unting sulyap lang maaasinta ko din siya.

Umurong ako ng kaunti at isinukbit ang baril sa ibabaw ng sofa habang hawak 'yon gamit ang dalawa kong kamay.
Dahil di ko alam kung nasaang leaf door siya I aimed for the center opening of the door. Kung sakaling tangkain man niya buksan ang pinto malalaman ko kung nasaang side siya.

'Kung sakaling sipain niya ang pintuan hindi niya mabubuksan agad 'yon dahil sa chain lock. Pero pwede na niya 'yon mabuksan for the second attempt. Kaya kailangan ko na subukan niyang sipain ang pinto para malaman ko kung nasaang side at location siya.'

Ipuputok ko ang baril sa 2nd attempt niya dahil malalock siya ng ilang segundo sa location niya at ang segundo na 'yon ang kailangan ko.

Kahit di ko na siya makita ay matatansya ko kung saan siya at matatamaan ko na ang fatal areas ng katawan niya.

I doubt kung may tama siya at kung ilan sila. Pero kung pagbabasehan sa palitan namin ng putok ay maaaring mag isa lang siya. Dahil kung dalawa sila ay madali lang siyang makakapasok dito. But it's not the case, maingat din siya at hindi agad sinusubukan pumasok. Unless hihintayin niyang maubusan ako ng bala.

Halos dalawang minuto na ang nakakalipas na walang nagpapaputok samin. Mukhang tinitipid nadin niya ang bala niya.

Napatingin ako saglit kay Chelsy, tahimik lang pero kahit madilim nakita kong nanginginig ang katawan  niya at nanatili pading nakadapa habang tabon ang ulo.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa ginagawa ko, I need to focus. Anytime pwede magpaputok ulit ang kalaban at baka nagtawag siya ng back up.

'Takte, naiwan ko cellphone ko sa mesa.'

Di ko tuloy matawagan sila Uriah. Speaking of Uriah, may naalala ko na tinuro niya sakin.

"May chewing gum ka dyan?" I whispered to her. Dahil ang focus ko sa pintuan ay naramdaman ko nalang na may inabot siya sakin, it's chewing gum kaya agad ko ng kinain.

Need to finish this. Bahala na. Sinara ko ang kaliwa kong mata, I need to take aim the target with my dominant eye. I need to clear my mind and to calm myself. Finally I suddenly felt something pop in my ears.

Chewing gum also may help unclog eustachian tubes. Ito 'yong tube na nagcoconnect sa middle ear, throat and nasal cavity.
Pag barado ang tube na 'to dahil sa sipon kaya humihina ang pandinig. Di padin nawawala sipon ko reason kaya siguro hindi ko narinig na may nakapasok na iba dito sa restaurant.

Ang kailangan ko lang ay marinig ang kahit kaunti niyang galaw or footsteps.

"Wala na siya?" mahinang tanong ni Chelsy.

"No. Andyan pa."

"Sure ka?"

"Oo."

"Hindi ako makatawag ng pulis, wala akong load..."

"Gotcha!"

Hindi na natapos ni Chelsy ang sasabihin nung biglang akong magpaputok kasabay ang malakas na pagsipa ng kalaban sa pintuan.

No need for the target to do his second attempt dahil narinig ko ang galaw at pabwelo niya kaya nasabayan ko na ang pagsipa niya ng pagpapaputok ko ng baril, hindi siya gumanti ng putok kaya for sure wala na siyang bala instead ay mabilis siyang nagtago ulit sa dingding malapit sa pinto. 

"You're dead meat." natamaan ko siya, I'm pretty sure about it. Naghintay pa ko ulit na baka sirain niya ang pinto or magpaputok but nothing happen like that.

But suddenly I felt something weird.Kung wala na pala siyang bala bakit kailangan pa niyang buksan ang pinto. Akala niya kaya wala nadin akong bala? But that's impossible. Or he just wanted to fool me. Gusto niyang sumugod ako sa kanya thinking na wala na siyang bala. Takte!

I still remain on my position and thinking carefully. Until I heard something "click" sound. Nabahala na ko. Don't tell me wala siyang balak sumugod dito sa loob kundi gusto niya lang buksan ang pinto para...

bago pa ako makapag react at makapag isip ng gagawin ay may binato ang kalaban sa loob ng office ko.

FCK! BOMB?

Without hesitation I jumped to Chelsy and covered her habang pikit pikit ko ang mata ko, nireready na ang sarili ko sa mangyayari.

Pero ang sunod ko nalang na naramdaman ay nakalanghap ako ng usok.

Sleeping gas? Damn it! Ang bilis ng epekto.Hindi na ko nakagalaw pa at naipikit ko na lang ulit ang mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...