MISANDRIST SERIES 1: In Love...

By CeCeLib

12.5M 266K 31.2K

SYNOPSIS: When God showered bitterness unto the world, Aminah was in the open and caught it all. To Aminah... More

SYNOPSIS
WELCOME TO MISANDRIST CLUB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24

CHAPTER 15

348K 8.6K 302
By CeCeLib

CHAPTER 15

MAHIGPIT ang hawak ni Aminah sa address na isinulat niya sa maliit na papel. Magsa-sampong minuto na niyang hinahanap ang address na nahanap niya sa Internet pero hindi pa rin niya makita.

"Nandito lang 'yon, e." Pagkausap niya sa sarili habang naglalakad at patingin-tingin sa mga shop na nadadaanan niya. "Its just here somewhere..."

Tumigil si Aminah sa paghakbang ng may mahagip ang mata niya. Humarap siya sa shop at tiningala niya ang sign board sa itaas.

"Rockin' Old Language Tattoos." Pagbasa niya sa nakasulat sa sign board at bumaba ang tingin niya sa maliit na papel na hawak. "Rockin' Old Language Tattoos." Pagbasa niya sa nakasulat sa papel. "This is it."

Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa tattoo shop saka nilapitan ang lalaki na nasa likod ng counter.

"Hi." Nginitian niya ang lalaki. "Ahm, puwedeng magtanong?"

Kaagad na ibinigay sa kaniya ng lalaki ang buong atensiyon nito. "Oo naman, Miss. Anong maipaglilingkod ko sayo?"

"Ahm," kinagat niya ang pang-ibabang labi, "may nagta-tattoo ba dito sa inyo na nakakabasa ng celtic?"

"Ah. Oo. Teka lang," umalis ang lalaki sa counter at kinatok ang pinto na katabi ng counter. "Greta, labas diyan may nagtatanong dito."

Bumukas naman ang pinto kaagad at lumabas doon ang babaeng may mahabang buhok at puno ng tattoo ang katawan.

"Sino?" Tanong ng babaeng nagngangalang Greta habang ngumunguya ng bubble gum.
Itinuro siya ng lalaki na ngayon ay bumalik na sa counter. "Siya. May tanong daw."

Pinalobo ni Greta ang bubble gum at pinaputok iyon kapagkuwan ay nakapameywang na humarap sa kaniya. "Anong tanong mo?"

Medyo intimidating ang babae pero hindi niya pinahalata. "Ahm," tumikhim siya, "nakakabasa ka ba ng celtic words?"

"Medyo. May background ako sa old literature and language bago ko naisipang itayo ang tattoo shop na 'to. Adik din ang pamilya ko sa old language kaya naging pamilyar sa akin 'yon sa murang edad." Naglakad ang babae palapit sa kaniya. "Kaya kong tukuyin ang bawat letra pero kung mga komplikadong sentences na, hindi ko na kaya 'yon."

"Maikli lang naman." Nakahinga siya ng maluwang. "Magbabayad ako kahit magkano, basahin mo lang 'to." Aniya saka itinaas ang laylayan ng blouse niya at pinakita ang celtic word tattoo niya sa tagiliran.

Tumango ito saka lumapit sa kaniya at pinakatitigan ang tattoo niya. Kapagkuwan ay tinapik-tapik nito iyon gamit ang daliri saka ngumiti.

"Mabuti madali lang 'to." Ani ni Greta saka ngumiti. "It's a name."

Kumunot ang nuo niya. "A name?"

Tumango si Greta saka pinaputok na naman ang bubble gum sa bibig. "Magnus yong una yong sa dulo Gregor lang ang nabasa ko. Hindi ako sigurado na nasa gitna. Parang letrang M 'yon at  C na pinagdikit pero hindi ako sigurado."

Napanganga siya sa babaen. "Magnus?"

Tumango si Greta. "Sigurado ako sa Magnus." Tinalikuran siya nito. "Libre 'yon, huwag mo nang bayaran."

Wala sa sariling napahawak siya sa tagiliran niya habang naglalakad palabas ng shop. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

Magnus? Magnus ang ibig sabihin ng tattoo niya? Hindi man sigurado si Greta, sinabi naman nitong Gregor ang dulo. E si Magnus lang naman ang may Gregor na apelyido.

Magnus McGregor.

Napakagat-labi siya. "Oh... ano ba ang nasa isip ko at yon ang pina-tattoo ko?"

Mariin niyang pinikit ang mga mata. Ngayong alam na niya ang ibig sabihin ng tattoo niya, pakiramdam niya ay pag-aari siya ni Magnus. And she hate being owned by someone, pero bakit iba ang pakiramdam niya sa isiping pag-aari siya ni Magnus?

Marahas niyang pinilig ang ulo saka nagmamadaling pumara ng Taxi at nagpahatid sa kompaniya ni Magnus. Ayaw niyang ma-stress kaya kailangan niyang makausap ito. Kakausapin niya ito tungkol dito. She's sure as hell that Magnus knew.
Sana nga lang hindi ito magsinungaling sa kaniya.

Nang makarating siya, kaagad siyang pumasok at nagtungo sa elevator at pinili ang top floor kung saan naroon ang opisina ni Magnus
.
Nang makarating ang elevator sa pinakatuktok, bumukas iyon at natigilan siya ng papalabas na siya ay nagkasalubong sila ni Georgina.

Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?

Georgina smirked at her. "He's mine." Pagkasabi no'n ay pumasok na ito sa elevator.

Nakaramdam siya ng selos kaya naman malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa opisina ni Magnus at walang sabi-sabing pinihit niya pabukas ang pinto.

Halatang nagulat si Magnus ng makita siya. "Aminah."

Siya naman ay tumuon ang mga mata sa kamay nito na nasa kuwelyo at parang may binunura doon.

Hindi bulag si Aminah. She knew what a lipstick stain looks like.

Lihim na kumuyom ang kamao niya habang kinakain siya ng selos. Did Magnus ang Georgina kissed? Did they made out? Did they do the deed?

Parang may sumasakal sa puso niya. Hindi niya kayang tumingin kay Magnus baka makita nito ang sakit sa mga mata niya.

"Hey, baby, you okay?" Tanong ni Magnus ng nanatili siyang tahimik.

Umiling siya saka ibinalik ang tingin kay Magnus. "Anong nasa kuwelyo mo?" Deretsahan niyang tanong ng walang emosyon ang mukha.

Para wala lang na pinagpag ni Magnus ang kuwelyo saka sumagot. "Its Georgina's lipstick stain. Kanina ko pa tinatanggal, hindi mawala."

Napamaang siya sa sagot nito kasabay ng kirot sa puso niya. What the hell? Did he just answered her honestly?

"Bakit ka may ganiyan?" Tanong niya ulit.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Selos ka?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Sagutin mo ako."

Magnus walked towards her, smirking. "You're jealous."

"No--"

"Yes, you are."

"No, i'm not--"

"You are." May diin nitong sabi saka tumigil sa harapan niya. "You are jealous." Sinapo nito ang mukha niya saka pinakatitigan siya. "I didn't kiss Georgina, she did. At sa kakaiwas ko, tumama ang labi niya sa kuwelyo ko. Sa maniwala ka sa hindi, 'yon ang nangyari. Kung hindi ka naniniwala talaga, punta tayo sa CCTV room. I'll show you that i'm not lying."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi na kailangan."

"Good. Now, what are you doing here?"

She looked up at him, "yong tattoo sa side ko, anong ibig sabihin no'n?"

Napansin niyang natigilan si Magnus sa tanong niya. Dahil sa reaksiyin nitong iyon, alam niyang may alam ito at nagdasal siya na sana hindi ito magsinungaling sa kaniya.

Please don't lie to me. Please prove to me that not all men are liars.

"Well?"

Bumuga ng marahas na hininga si Magnus saka binitiwan ang mukha niya sa pagkakasapo at naging mailap ang mga mata. "You'll hate me if i tell you--"

"Sabihin mo sakin." May diin niyang sabi.

He sighed. "Magnus McGregor."

Hindi alam ni Aminah kung makakahinga siya ng maluwang dahil hindi nagsinungaling si Magnus o sasama ang pakiramdam niya dahil para siyang may tatak na ni Magnus dahil naka-tattoo ang pangalan nito sa katawan niya.

"That night..." huminga ng malalim si Magnus bago nagpatuloy sa pagku-kuwento, "nagustuhan mo yong mga tattoo ko pagkatapos nang ginawa natin sa Hotel at sabi mo gusto mo nang isa kaya dinala kita sa pinakamalapit na tattoo shop. I stop you for a couple of times pero parang sigurado ka na na gusto mo. So you look for a tattoo pero wala kang nagustuhan sa mga desenyong pinakita nila sayo, tapos bigla kang tumingin sakin at sabi mo... 'ikaw, ikaw ang gusto. I want your name in my skin so i'll never forget you but at the same time i don't want the world to see it because you're mine'. Kaya naman celtic alphabet ang ginamit na letra para sa pangalan ko na nasa tagiliran mo ngayon."

Nakaawang ang labi ni Aminah habang nagkukuwento si Magnus. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito, may mga ala-alang pumapasok sa isip niya... mga ala-alang pilit niyang kinalimutan noon at mga ala-alang hindi niya alam na ginawa niya. Parang tubig sa batis na napakalinaw ng ala-alang dumaloy sa isip niya, para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Parang basang sisiw na wala sa sariling pumasok siya sa isang Bar. Walang pakialam si Aminah kung pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa hitsura niya, wala na siyang maramdamang hiya para sa sarili niya. Lahat yon ay naubos na dahil sa ginawa sa kaniya ng hayop niyang fiance na hindi siya sinipot sa simbahan!

Gusto niyang magwala pero anong magagawa no'n kundi dagdag na kahihiyan para sa sarili niya.

"Ma'am, hindi puwede dito ang basa--"

Pinukol niya ng masamang tingin ang Bartender. "Isang salita pa, gigilitan kita."

Natigilan ang Bartender at pilit na ngumiti. "A-anong gusto niyong inumin ma'am?"

"Isang bote ng tequila. Plain tequila." Wala sa sariling sagot at hinintay niya ang order na ibigay sa kaniya.

Nang mahawakan niya ang bote ng tequila na bukas na, uminom siya ng uminom sa mismo sa bote hanggang sa mangalahati iyon. Wala siyang pakialam kung parang nasusunog ang lalamunan at bituka niya dahil sa iniinom, gusto niyang malasing, gusto niyang kalimutan ang nangyari sa kaniya ng araw na 'yon. Ang araw na siguradong isusumpa niya sa buong buhay niya

"Bro, one shot of whiskey." Anang baritonong boses sa tabi niya.

Hindi napigilan ni Aminah ang sarili na mapabaling sa katabi at para siyang tinamaan ng kidlat ng makita ang mukha ng lalaki.

His lips. His nose. His eyes. His face. His hair His body. Everything about him was perfect in her eyes. And the way he smells, darn, hindi niya alam kung epekto yon ng alak pero para siyang naaakit sa bango nito. He has this bad boy aura and that made him even more sexier.

And while looking at his very handsome face, she forget her pain and anger. Or was it the liquor erasing the pain and anger? Hindi niya alam. At hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isip niya na inilahad niya ang kamay rito.

"Hi. I'm Aminah."  She said in a slurred voice.
Bumaling sa kaniya ang lalaki at napatitig ito sa kaniya ng matiim.

Nang hindi ito nagsalita at gumalaw para tanggapin ang pakikipagkamay niya, inilabas niya sa basa niyang purse ang I.D. saka pinakita dito.

"Heto oh. I'm Aminah." Nakangiting sabi niya. "Nice to meet you, handsome man."

Bumaba ang mga mata nito sa I.D. niya saka kinuha nito iyon sa pagkakahawak niya at pinaglipat-lipat ang tingin mula sa I.D. niya at sa mukha niya.

"You look prettier here, Aminah." He stared at her eyes, his held admiration. "You look like hell today."

Bumagsak ang balikat niya. "I was in hell today."

The man eye brows quirked up. "What happened?"

"Hell happened." Aniya saka kinuha ulit ang bote ng tequila at uminom sa mismong bote at nakangiwing bumaling siya sa guwapong lalaki dahil sa sobrang pait ng alak. "Anong pangalan mo?"

Umupo ito sa stool na katabi niya. "Kung makatanong ka sa pangalan ko parang lalaki akong pini-pick up mo."

Napalabi siya saka kumuha ng pera sa purse niya saka inilagay iyon sa palad ng lalaki. "Here. I'll pay you. Just make me happy tonight. Someone just messed me up so bad i just wanna have fun and forget everything thats hurting me."

Mahina itong natawa saka ibinalik ang pera sa kaniya. "I'll make you happy without payment." Inilahad nito ang kamay sa kaniya. "Magnus McGregor."

"Magnus..." she smiled, "McGregor. I like your name. Parang Magnum."

Magnus chuckled. "I like your smile. Nakakawala ng stress."

Mas nilaparan pa niya ang pag-ngiti. "How's that?"

Mahina itong natawa saka sumimsim ng whiskey na inorder nito. "You still look like hell."

Inirapan niya ang lalaki saka uminom na naman siya ng tequila sa bote. "Ang sama mo. Ang ganda ko kaya."

"Agreed."

Napatitig siya kay Magnus. "I like you. Straight forward. I like it."

He smiled, making him more gorgeous in her eyes. "I like you too. You make me feel things. I like it."

Umalis siya sa pagkakaupo sa stool para lumapit kay Magnus, pero nang hahakbang sana siya ng biglang umikot ang paningin niya at nabuwal siya ng pagkakatayo. Buti nalang naroon si Magnus para saluhin siya.

At dahil sa pagsalo nito sa kaniya, nagkalapit ang mukha nilang dalawa at ilang gahibla nalang ang pagitan ng mga labi nila.

"Aminah." Lumalim ang paghinga nito, "marami ka na yatang nainom."

Umiling siya saka napatitig sa mga labi nitong siyang nakakuha ng una sa atensiyon niya. "Kiss me?"

Napakurap-kurap ito. "Do you want me too?"

Tumango siya. "I wont ask twice."

Tumaas ang sulok ng labi ni Magnus. "My kind of girl." Pagkasabi niyon ay masuyong lumapat ang mga labi nito sa labi niya.

"Aminah? Aminah?"

Napakurap-kurap siya kasabay ng pagtigil ng daloy ng ala-ala sa isip niya. "Ha?"

"You okay? You spaced out." May pag-aalala sa boses nito.

Napailing-iling siya saka napatitig sa guwapong mukha ni Magnus. "Ikaw..."

Tumaas ang dalawang kilay nito, nagtatanong ang kislap ng mga mata. "Ako? Ano ako?" Medyo kumunot ang nuo nito.

She blinked enumerable times. "I remember you."

Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kaniya. "For real?"

Tumango siya at kinagat ang pang-ibabang labi. "Yes. I do."

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
45.2K 681 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...