Jungkook
"Saan tayo magla-lunch mga hyung? Gutom na akooo!" Pagmamaktol ko habang naglalakad kami sa may hallway.
"Eh di sa canteen. Tch." Masungit na sagot ni Yoongi hyung.
"E-eh. Walang lamb skewers--"
"Kookie, stop being immature."
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Namjoon hyung. Ako? Immature? Anong immature don?! Para naghahanap lang naman ng lamb skewers eh! Immature na agad! Grabe!
"Edi immature." Mahina kong bulong. Maya-maya pa ay may umakbay saakin at nang tignan ko, si Taehyunggie pala.
"Kookie, may sasabihin ako."
Agad naman akong nagtaka dahil sa tono ni hyung. Parang seryoso 'tong sasabihin niya ah!
"Ano yun, hyung?"
Mas inilapit pa niya yung mukha niya sa tenga ko kaya medyo nakiliti ako.
"Ang. Gwa.Po.Ko."
Agad kong itinulak palayo ang mukha ni hyung at binatukan siya.
"Tss. Nonsense hyung." Matigas kong sabi atsaka sumabay na kina Namjoon hyung sa paglalakad. Nahuli na tuloy kami, si Taehyunggie kasi. Tch.
"Oy Kookie! Bakit mo naman ako binatukan?! Hyung mo pa rin ako no!"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tahimik nalang na naglakad.
~
"OMG! ANG GWAGWAPO GIRL!"
"WAAAAAH! PARA SILANG WATTPAD CHARACTERS! SARANGHAEEE!"
"KYAAAAAH! ANG GWAGWAPO TALAGA NILAAAA!"
Napailing nalang ako sa mga Grade 7's and 8's na nadadaanan namin. They must be not a kpop fan kaya hindi nila kami kilala.
"Uy, diba ngayon dadating yung anim pa na kaklase natin?"
Napatingin naman kaming lahat kay Jimin hyung habang naglalakad kami at napatigil.
"Oo nga Chim. Sana naman hindi mga mayayabang. Tsk tsk." Hobi hyung replied habang umiiling-iling pa.
"Pero paano kung mayayabang?" Maangas kong tanong.
"Eh di...bigyan natin ng alamang. Hihihihi."
O.O
Ano bang pinagsasabi ni Bwi hyung?
"Anong connect ng mayabang sa alamang ha, Taehyung?" Naiiritang tanong ni Jin hyung.
"Hindi niyo alam? Kawawa naman kayo." Nagkatinginan kaming anim at pareparehas na nakakunot ang mga noo namin. "MayaBANG. AlaMANG. Hehehe, magkatunog diba?"
The eff.
"Nonsense. Let's just go. I don't want to be---"
"Tsh. English ng english, wala naman kaming naiintindihan Namjoon. Tsk. Infires." Cool na sabi ni Yoongi hyung at nauna nang naglakad kesa saamin.
"Yoongi! Inspire yun! Hindi infires! Aish!"
"Infires men! Swaeg!" Sigaw naman ni Yoongi hyung habang itinataas-taas pa ang mga kamay niya sa ere.
Tsk tsk, diko rin ma-gets 'tong si Yoongi hyung. Minsan, sing lamig ng ice yung aura niya. Minsan naman, ang lakas ng topak. Tsk tsk.
"Kookie? Tutulala ka nalang ba diyan?" Natauhan ako aang tawagin ako ni Namjoon hyung. Natulala ako? Aish.
"A-ah. Mianhae hyung."
Nakayuko akong naglakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Sumalubong naman saamin ang nakakairitang malakas na boses ni..
"OMG! SANA GWAPO YUNG DADATING NATING KAKLASE LATUUR!"
Sino pa nga ba? Eh di si Mhargot. Tss.
"Oh, andito na pala sila." Rinig kong bulong nung Rustlene kaya naman sabay sabay silang tumingin saamin at ngumiti. Yung Anilyn at Mich naman, kumaway pa kaya kinawayan nalang din namin pabalik. Pero napansin ko na hindi kinawayan ni Mich si Bwi hyung at umiwas nalang ng tingin kaya naman nakita kong lumungkot ang mukha ni hyung. Waeyo?
Kita ko naman ang pagngisi nung Elle kay Yoongi hyung kaya naman mukhang bwisit na bwisit si hyung. Ano ba kasi talagang meron sa dalawang 'to?
Umupo nalang kaming pito sa mga upuan namin at wala pang ilang minuto, dumating na si Miss Faller na may ngiti sa mga labi niya.
"Good afternoon class!"
Tumayo kami at bumati. "Good afternoon, mam!"
"Okay, take your seat." Nakangiti niyang sabi. "Andito na ang mga classmates niyo kaya I hope, you'll be good to them, okay?"
Tch. Ano kami, kinder? Tss.
"Yes mam." Sagot NILA. Hindi ako sumagot, pambata lang yan. Hindi naman na ako bata! Nakakainis!
"So, you may come in." Mam said pertaining to the students na nasa labas ata.
Magkakasunod silang pumasok at rinig ko naman na ang mga pigil na kilig nila Mhargot, Mich, Anilyn at Rustlene na sinasaway nila Margarette, Mady at Elle.
"Omg."
Nakatayo sa harapan ang anim na lalaki na mukhang mayayabang.
"Ah, mam. Pwede na pong magpakilala?" Tanong nung isang naka-light blue na siyang pinakamatangkad sakanila. Tch.
Ngumiti naman si Mam atsaka tumango. "You may."
Medyo nagtulakan pa sila kung sino ang mauuna. Tsk tsk, ano ba yan. Ang aarte!
Naiinis na umabante yung naka-blonde yung buhok at mukhang medyo nahihiya pa. Tch. Bakla naman!
"Ah. Hehehe."
Pffft. Hehehe? Bakla!
"Hello. Ah, ako nga pala si Cody Marquez. Nice meeting you." Nakangiti niyang pagpapakilala. Tch. Arte arte, magpapakilala rin lang naman pala!
(Astro's Sanha as Cody Marquez)
Sunod na umabante yung mukhang seryoso kagaya ni Namjoon hyung.
"I'm Denver Crisostomo. No one can beat me through academics even on our previous schools." Woah. Yabang.
Pero teka, previous schools? With S?! EDI ANG DAMI NA NILANG NALIPATAN?
"And I'm sure that even here, no one can even beat me. Thank you."
(Astro's EunWoo as Denver Crisostomo)
Grabe ah. Ang yabang yabang. Tch. Tignan lang natin ang magiging reaksyon mo kapag natalo ka ni Namjoon hyung! Hah!
Pagkatapos niya, yung mukhang maangas naman ang sumunod. Ang yabang ng aura!
"I'm David Garcia. I love rock genre in singing and I hate Science."
(Astro's Rocky as David Garcia)
Tch. Hindi na nahiya. Science teacher kaya namin si Mam Ajie!
Sumunod naman yung mukhang ewan pero mas nagmukha siyang ewan nung bigla siyang kumanta.
"Her eyes, her eyes
Makes the stars looks like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her everyday."
Agad naman siyang ngumiti nang matapos siyang kumanta. At ang mga babae naman? Kinikilig. OO. LAHAT. Maski sina Elle at Margarette. Nakangiti eh! Sabagay, maganda ang boses. Pero mas maganda ang akin no! Hah!
"Annyeonghaseo." Mababang boses niyang bati atsaka nag-bow ng 90 degrees. "I'm Walter Trenton. 16 years of age. Thank you!"
(Infinite's Woohyun as Walter Trenton)
"Ang ganda ng boses niya, Rust."
Rinig kong bulong ni Mich.
"Oo nga bes, nakakainlove!" Mahinang sigaw nung Rustlene. Tch. mga nadaan sa kantahan.
"The guy infront of you is no other than, Vinze Harris." Pagpapakilala naman ng isang to. Tch. Wala ka sa pageant pre!
(Former Seventeen member's Jang Doyun as Vinze Harris)
"Sixteen years old and from M.A. City. Nice meeting you all!"
And lastly, umabante na rin yung lalaking kanina ko pang napapansin na nakatingin kay Mhargot bungangera. Lagkit nga makatingin eh!
"I'm Aaron Montemayor, I love cooking and baking. I hope we'll be friends."
(Infinite's Sungyeol as Aaron Montemayor)
Simpleng pagpapakilala niya bago tumingin ulit kay bungangera na kasalukuyan namang nakikipagdaldalan sa mga kasama niya.
"Oh, uhm. Class, kindly please all stand here infront dahil aayusin ko na ang seatplan ninyo."
What?! May seatplan pa?!
"Doon naman sa SK, wala ah." Pabulong kong reklamo na narinig pala ni Jimin hyung.
"Wala ka sa Korea, Kookie. Dibale, basta ba katabi ko na si Margarette. Okay na okay!" Tch. Manyak.
"Okay, Namjoon and Mady. Here."
Napatingin naman kaming lahat kay Mam Faller na kasalukuyang tinuturo yung upuan sa first row sa harapan.
Simpleng umupo si hyung doon at mukhang natataranta naman yung Mady. May gusto ba to kay hyung?
"Next, Anilyn and David." Agad naman nilang sinunod si Mam at umupo rin sa pinakaharapan pero sa gitnang row.
"Uhh, Jimin and Margarette, here sa last row." At halos mapatalon na nga si hyung nang marinig niya ang sinabi ni Mam. Tch, swerte ah.
Sa sumunod na row, tig-three na ang upuan. Hindi na tig-dalawa.
"Seokjin, Rustlene and Walter. Sa likuran nila Mady."
Oh. Sila sila pala. Umupo na rin sila kaagad.
Bale ang mga natitira, si Bwi hyung, Mich, Yoongi hyung, Elle, yung Vinze, Cody, Aaron, Denver, Hobi hyung, ako, at si..
"Oh, tinitingin tingin mo? In love ka na sakin no?"
Gusto kong masuka sa sinabi niya kaya lang wag nalang pala. Masyadong swerte yung sahig para makatikim ng suka ko. Ew.
"Tch. Kapal ng mukha." Pabulong kong sabi atsaka siya inirapan.
"Pfft. Maka-irap, parang bakla." Rinig kong bulong niya kaya automatic na nag-init ang ulo ko. Ako?! Sinabihan niya ng bakla?!
"Anong sabi--"
"Aaron, Mhargot, Jungkook. Behind Anilyn and David."
What the?!
"MAM NAMAN!" "WHAT?!"
"Bakit, may problema ba Jungkook at Mhargot?"
Agad ko namang nahagip at masamang tingin ni Namjoon hyung kaya umiling nalang ako. Nakita ko ring umiling si bungangera.
"Okay then, go to your seats." Mahinahong sabi ni Mam kaya wala akong nagawa kundi umupo nalang. Nakakabadtrip!
"Damn." Bulong ko pagkaupo ko.
"Maka 'damn' ka naman. FYI, ayaw ko ring makatabi ang tulad mo."
Control Kookie, control.
Hindi ko nalang siya pinansin at naka-kunot noo ko nalang na pinanood ang pag-aayos ni Mam ng seatplan namin.
"Next, Taehyung, Mich and Cody."
Pansin ko ang pagkailang ni hyung kay Mich at ang pagdistansya ni Mich sakanya. Bakit?
"On the last row. Vinze, Elle and Yoongi."
Umupo naman sila sa likuran nila Jin hyung at sabay na idinukdok nina Yoongi hyung at Elle ang mga ulo nila sa kaniya-kaniya nilang desk at mukhang natulog. Tch, meant to be? Kita ko naman ang weird na tingin nung katabi nilang si Vinze kaya medyo natawa ako. Ang boring ng mga katabi niya. Haha. Goodluck nalang sakanya.
"Lastly, Hoseok and Denver. Sa huli." Turo ni Mam sa dalawang upuan na katapat ng upuan nila Yoongi hyung.
Dun nalang sana ako. Tahimik pa.
"Okay, so that will be your seatplan until the end of the school year. Ang lilipat ng upuan during classes, may violation. Okay, I'll go now class. Just wait for your subject teacher. Goodbye."
"Goodbye, mam."
Tch. Buti nalang at six months lang kami rito. Hindi ko matatagalan ang kasungitan at kadaldalan ng bungangerang katabi ko! Badtrip!
××××
Tadaaaaa! UPDATE ULIIIIT :)
Happy birthday, Mama Mary! :)