THE REALMS 2

Da amer0127

832 19 2

Sapagkat hindi sang-ayon si Vladimir sa nais ng mga magulang ay nagpasya siyang lisanin ang kanilang kaharian... Altro

G L E N N
PANIMULA:
N E R O - E R A
REALM GRAPH
1: VLADIMIR
2: AXELIZ
3: HAMMIRR
4: MIYEN
5: RUBER
6: DOOKE
8: REGORIA
9: JULIUS
10: JOSEF

7: RAMIA

38 1 0
Da amer0127


Anim na buwan ang lumipas matapos ang digmaan sa Keenl.

Nanatili sa pagtugis ang mga kawal ng Serihch at Keenl kay Ajiya kasabay ng paghahanap sa iba pang nalalabing myembro ng Maskara Bran. Pinaalalahan ni haring Hammirr ang bawat realms patungkol sa mahaharlikang pamilya na myembro ng Blackamoorluna, matapos ibunyag ni Ruber ang patungkol sa bagay na'yon.

Napugutan man ng ulo ang pinuno ng Blackamoorluna subalit hindi tuluyang nabuwag ang samahan dahil sa maskara Bran kaya nagsagawa na ng plano si haring Hammirr. Kailangan pa rin matugis ang mga natitirang kaanib lalo na't bahagi sila ng mga mahaharlikang pamilya.

Iminungkahi ni haring Hammirr sa bawat hari ng realms na matyagan ang mga mahaharlikang pamilya upang matukoy nila kung sino ang natatago sa maskarang Bran.

Samantala. Bumalik muna ng Keenl si ginoong Dooke upang magpatuloy sa pagiging Papo. Matapos kasing mahuli si Ruber ay wala itong inihayag tungkol sa Manson. Upang hindi siya mapaghinalaan ay nagpatuloy ang matanda sa serbisyo sa sambahan ni Eliah bilang lider ng mga Eliahnos.

Nagdaan pa ang halos isang linggo ay isang balita ang gumulat kay haring Welscences. Nabalitaan na lamang kasi na patay na ang kaniyang kambal na nakakulong sa isla ng Kavak.

Ayon sa pagsisiyasat ay uminom ito ng lason na naging sanhi ng kamatayan nito. Masakit man sa loob ay tinanggap ng haring Keenlian ang sinapit ng rebeldeng kambal. Binigyan ito ng maayos na libing bago ipinaanod ang bangkay sa ilog patungo sa karagatang Eloim Osean.

Sa loob ng isang buwan ay paunti-unting nalupig ni haring Hammirr sa tulong ni haring Welscences ang natitirang Blackamoorluna, lalong higit ang mga nagtatago sa maskarang uwak o mas kilala sa bansag na maskara Bran.

Samantala, habang nangyayari ang mga bagay na ito, sa realm ng Hruwenn ay sinimulang pag-ibayuhin ni Vladimir ang talento niya sa panggagamot.

Walang sinayang na oras ang prinsipe magmula ng ipadala siya rito ng kaniyang tiyong maestro sa medisina.

Iginugol ni Vladimir ang bawat araw sa panggagamot at pag-aaral upang mas makatulong pa sa kilalang tribo sa buong mundo.. . Ang Reinva-iy.

Ang Reinva-iy ay tribo mula sa Hruween na may pambihirang kulay ng mga mata. Ang bahagharing mata.

Ang mga mata nila ay talaga namang nakabibighani na tila ba nagbibigay saya sa sinumang makakakita. Mababait at masisiyahin.. . ganiyan sila maisasalarawan.

Nakatira sila sa bayan ng Aiy(bayan ng mata) na siya namang tanyag na bayan hindi lang sa Hruween kun'di pati na rin sa buong mundo. Naging tanyag ang tribong ito hindi lang dahil sa ganda ng kanilang mga mata, dahilan na rin sa pambihirang taglay ng matang bahaghari. Iilan pa lamang ang nakasasaksi subalit pinaniniwalaan ng marami na nagtataglay sila ng kapangyarihan dahil sa pagkakaroon ng matang bahaghari.

Eksakto tanghaling tapat ng marating ni Vladimir ang bayan ng Hed. Ang Hed ang pinakamalapit na bayan sa Aiy. Dito matatagpuan ang pinakamalaking pamilihan sa buong Hruween kaya katulad ng sa bayan ng mata ay matao rin sa Hed.

"Buti at nakaabot ako." Humihingal na saad ng prinsipeng manggamot habang nakayukod at nakahawak ang mga kamay sa magkabilang tuhod. Mula kasi sa tarangkahan ng bayan ay tinakbo niya, maabutan lamang ang pagbubukas ng bagong negosyo ng kaibigang mangangalakal.

"Mabuti nga kung ganoon," nakangiting sabi ng isang may edad na ginang na biglang lumabas mula sa nakabukas na pinto ng isang pamilihan.

"Nasaan na si ginoong Sion?" humahapo pa rin si Vladimir. "Pahingi naman ng maiinom, maestro Regoria."

Pagkaabot ng tubig ay agad itong nilagok ng prinsipe. Naantala lamang iyon ng may lumabas na isang may edad na ginoo. Maliit lamang ito at medyo may panot na ang buhok.

"Nariyan ka na pala, Vladimir. Maligayang pagdating. Halina kayo sa loob."

Tumango muna ang prinsipe bago magsalita. "Binabati kita, ginoong Sion. Nawa ay lumago ang bago mong negosyo." Tumingala siya at saka binasa ang nakasulat sa itaas ng pintuan ng pamilihan. "Palamuti ni Sion," basa niya bago pumasok sa loob.

Takipsilim na ng matapos ang pagbasbas sa tindahan ng palamuti. Naging masaya ang araw na iyon para sa lahat.

Sakay ng kabayo ay sabay na bumalik sa Aiy sina Regoria at Vladimir. Gabi na ng marating nila ang nag-iisang pagamutan sa bayan na iyon at kung saan din sila tumutuloy.

Pagpasok ng dalawa ay agad silang sinalubong ni Sundia, isa sa limang manggagamot na kilala sa bayan ng Aiy. Medyo maliit at may katandaan na rin ang ginang at gaya ng mga tao sa bayan na iyon ay bahaghari rin ang kulay ng kaniyang mga mata.

"Magandang gabi sa inyong dalawa," bati ng ginang na tinugunan naman ng dalawa.

"Hindi pa nakakauwi si Antelmo?" tanong ni Regoria pagkadaka.

Umiling muna si Sundia bago sumagot. "may inasikaso lamang sa baryo malapit sa labas ng palasyo." Lumingon ang ginang kay Vladimir. "May naghihintay sa'yo, 'wag ka nang tumunganga pa r'yan." Nakangiti nitong sabi bago ibalik ang atensyon sa naunang kausap. "Galing ito sa anak mong si Regor." Pagkaabot ng liham ay agad din itong tumalikod bago sumundot ng tugon. "Maiwan ko muna kayo dahil sisilipin ko pa si tandang Ergen."

Pagtango ng dalawa ay nagkani-kaniya na sila ng lakad.

Si Regoria ay nagtungo muna sa kanilang tanggapan upang basahin ang sulat. Si Sundia ay tinungo na ang pasyente na nasa ikalawang palapag habang si Vladimir ay nagmamadaling pumunta sa kaniyang silid na nasa likod-dulo ng unang palapag ng bahay pagamutan.

Ang pagamutan ng Aiy ay may limang magagaling na manggagamot. Si Regoria na siyang pinakapunong maestro ng medisina sa lugar na iyon. mayroon siyang isang anak na minero at mangangalakal na nakabase sa probinsiya ng Toss na nasa hilagang bahagi ng Hruween. Sa mapa makikita ito na nasa itaas ng Brein, ang kapital ng nasabing realm at kung saan din nakalagak ang palasyo ng hari. Sa lahat ng maestro sa medisina ay si Regoria lamang ang mayroong anak. Bago kasi ito magpasyang mag-aral manggamot ay nabiyayaan na ang ginang ng supling.

Ang ikalawa ay si Sundia na kanang kamay ni Regoria. Galing siya mismo sa bayan ng mata at magmula ng matuto ng panggagamot sa tulong ni Regoria ay iginugol niya na ang oras para roon.

Ang ikatlo ay si Antelmo na galing naman sa katabing probinsya ng bayan ng mata. Ang probinsiya ng Eehrr. Kasalukuyang hinahasa ng binata ang galing niya sa panggagamot katulad ng ikapat na myembro na si.. .

Vladimir na isang Meradian. Maliban kay Regoria ay wala nang nakaaalam sa lugar na iyon na galing siya sa maharlikang pamilya.

Pagpasok ni prinsipe Vladimir sa silid nito ay agad siyang sinalubong ng yakap ng isang magandang babae.

"Kumusta ang lakad ninyo sa Hed? Naipahatid mo ba ang pagbati ko kay ginoong Sion?" malambing na tinig ni Ramia matapos tumanggal sa pagkakayakap at muling umupo sa papag.

Sumunod doon si Vlad sa papag saka gumaya sa pag-upo at hinarap ang kasintahan. "Oo, mahal ko. Nanghinayang nga siya kasi hindi ka nakadalo roon. Ito may pabaon siya sa'yo." Iniabot niya ang kwintas na may simbolong mata na kahalintulad sa toreng nasa gitna ng bayan ng Aiy.

Nagalak si Ramia ng makita iyon kaya agad niyang ipinasuot sa katipan ang kwintas.

"Sayang talaga. Kung hindi lang delikado," may panghihinayang na bigkas ng babae.

Matapos maisuot ni Vladimir ang kwintas kay Ramia ay saka ito yumakap dito ay hinimas-himas ang nakalobong tiyan ng babae.

"'Wag kang mag-alala, mahal ko, dalawang buwan na lang ang hihintayin natin.. . Makalalabas ka na ulit."

Gumanti rin ng yakap si Ramia matapos ang mga katagang iyon.

Si Ramia ang ikalimang myembro ng manggagamot sa bayan ng Aiy. Isa rin siyang Reinva-iy subalit hindi tulad ng iba niyang mga kalahi, bibihira lamang maging bahaghari ang kaniyang mata. Mas madalas itong normal na kulay lamang.

Pitong buwan ang nakararaan matapos magtungo ni Vladimir sa lugar na iyon ay nakapalagayan niya na ng loob ang babae hanggang sa makabuo sila ng supling dahil sa pagmamahalan.

Kaya lamang.. .

Labag sa batas ng Maestro ng medisina ang magkaroon ng kasintahan sapagkat nakalaan lamang sila sa pagsisilbi sa tao. Sa oras na malaman ng pinakapunong maestro ang tungkol sa bagay na iyon ay maaaring matanggal sa serbisyo ang dalawang manggagamot.

Ayaw mangyari ni Vladimir at Ramia na matanggal sa pagiging maestro ng medisina sapagkat napakahalaga nito para sa kanilang dalawa. Mabuti na lamang ay maintindihin ang mga kasama nila kaya minabuti ng lahat na itikom ang bibig at huwag iparating sa punong maestro ang tungkol sa nangyari. Ito ang dahilan kung bakit pitong buwan na nagkulong sa silid si Ramia.

"Salamat, mahal ko," pagkasabing iyon ay nahiga na ang dalawa upang matulog.

Lumipas ang mahabang oras at lumalim na ang gabi. Tahimik na ang lahat sa pagamutan ng walang anu-ano'y biglang nagsisigaw si tandang Ergen.

Nagmamadaling tinungo si Sundia ang silid nito upang ito'y patahanin. Nang abutan niya ito sa silid nito ay humahapis ang matanda habang nakamukmok sa sulok. Bukod doon ay nagniningning din ang kulay bahaghari nitong mga mata.

"Dadanak ang napakaraming dugo! Babaha ng luha! Magkakalat ang patay na katawan! Tutupukin tayo ng apoy! Ito na ang kata—"

Hindi na naituloy ng matanda ang sinasabi dahil pinaamoy na siya ni Sundia ng pampatulog. Nang maibalik na nila sa higaan si Ergen ay eksakto naman ang dating ni Antelmo.

Humihingal ito dahil sa pagtakbo. "Kailangan ko ng tulong," mahinahon man ang pagkakasabi subalit kita ang pag-aalala sa wangis ng binatang manggagamot.

"B-bakit anong nangyari?" tanong ni Regoria.

"Ang dami ng namatay!"

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

569K 28.2K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
937K 56.1K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
700K 25.6K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...