My Binondo Girl After Two Yea...

By Gidgetwitty

247K 1.4K 802

Did it ever occur to you what will happen after My Binondo Girl ends? I decided to write a story about our fa... More

My Binondo Girl After Two Years Prologue & Chapter 1
My Binondo Girl After Two Years Chapter 2
My Binondo Girl After Two Years Chapter 3
My Binondo Girl After Two Years Chapter 4
My Binondo Girl After Two Years Chapter 5
My Binondo Girl After Two Years Chapter 6
My Binondo Girl After Two Years Chapter 7
My Binondo Girl After Two Years Chapter 8
My Binondo Girl After Two Years Chapter 9
My Binondo Girl After Two Years Chapter 10
My Binondo Girl After Two Years Chapter 11
My Binondo Girl After Two Years Chapter 12
My Binondo Girl After Two Years Chapter 13
My Binondo Girl After Two Years Chapter 14
My Binondo Girl After Two Years Chapter 15
My Binondo Girl After Two Years Chapter 16
My Binondo Girl After Two Years Chapter 17
Announcement
My Binondo Girl After Two Years Chapter 19
My Binondo Girl After Two Years Chapter 20
My Binondo Girl After Two Years Chapter 21
My Binondo Girl After Two Years Chapter 22
My Binondo Girl After Two Years Chapter 23
My Binondo Girl After Two Years Chapter 24
My Binondo Girl After Two Years Epilogue
Announcement/ Raffle Draw Winner

My Binondo Girl After Two Years Chapter 18

7.5K 44 48
By Gidgetwitty

Chapter 18

   "Kumusta na ang pakiramdam mo, Jade?" nag-aalalang tanong ni Andy sa asawa na kagigising lang sa mahabang tulog.

   "Mas okay na ang pakiramdam ko, Babe. Mainam iyong gamot na ibinigay ni Dr. Fernandez kagabi, masarap ang tulog ko," nakangiting sagot nito.

   "Anong gusto mong breakfast? Ipapaluto ko kay Nanay Zheny o kahit ako na lang" ani Andy.

   "Kahit ano lang. Wala pa akong ganang kumain. Teka, bakit mukhang puyat ka yata. At saka bakit hindi ka pa gumagayak pumasok sa office, late ka na!" sunod-sunod na tanong nito.

   "Babe, kailangan mong kumain kahit kaunti para lumakas ka. Tungkol naman sa office, hindi ako papasok today para mabantayan kita ng mabuti," simpleng sagot nito. Hindi niya sinabi kay Jade na kaya siya mukhang puyat ay dahil hindi siya talaga nakatulog buong gabi dahil sa takot na baka may sumakit na naman sa asawa at hindi siya magising agad.

   "Andy, hindi ko kailangan ang baby sitter. Pumasok ka na please. Tutal andiyan naman si La Amor at ang mga kasambahay natin. At saka di ba may meeting ka with the department heads today?"

   "Babe, I can postpone it next week. I just want to be with you and the babies," nakakunot ang noo nito sa pag-aalala.

   "You are stressing me, Andy. Please just go to work. Magpapahinga lang ako dito sa kuwarto, promise," nanglalatang sabi nito.

   "Okay, huwag kang lalabas muna dito. Matulog ka, manood ng tv, kahit ano basta promise that magre-relax ka lang the whole day," ani Andy.

   "I promised, Mr. Wu. Okay na?" napapangiti si Jade sa pag-aalala ng asawa. Masyado itong protective sa kanya kahit kailan.

   Nasa kotse na si Andy papuntang Twin Dragons nang mag-ring ang cell phone niya.

   "Hello, Andy. Si Clara ito. Ano na ang sagot mo tungkol sa hinihingi kong tulong?" walang paligoy-ligoy na tanong nito.

   "I will meet you after work so I can discuss the financial help I'm willing to give you," matabang na sagot niya. 

   Pinutol agad ni Andy ang linya pagkatapos niyang sabihin ang oras at venue kung saan sila magkikitang dalawa. Pagkatapos ay number ni Trevor ang tinawagan niya. Sinabi niyang tagpuin sila ni Clara doon sa meeting place mamaya para makapagusap silang lahat ng maayos tungkol sa financial arrangement.

   "Andy, hindi mo ibibigay ang 100 million kay Clara?"

   "Hindi, Trevor. Unang-una hindi pa natin sigurado kung anak mo nga ang ipinagbubuntis ni Clara, secondly, I don't give in to blackmail," matigas na sabi niya sa kapatid.

   "Alam na ba ni Jade?"

   "Hindi ko pa rin masabi kasi the doctor told me to make sure na hindi muna ma-stress si Jade," frustrated na sagot niya.

   "Kailan mo planong sabihin?"

   "Humahanap lang ako ng right time. Kailangang malaman ni Jade lahat," problemadong niyang sabi.

   "Thanks, Bro for your help. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan," nahihiyang wika nito.

   "Trev, this is the last time I'm going to help you out! Magpakatino ka na, pwede?" galit na bigkas niya.

   "Sorry talaga, Andy. Hindi na mauulit," tahimik na sabi nito.

   Katatapos lang manood ng noon time show si Jade nang may kumatok sa bedroom. Bumungad si Bebang nang binigyan niya ng permisong pumasok ang nasa kabilang bahagi ng pinto.

   "Ma'am may bisita po kayo sabi ng guard sa gate. Naomi Garcia po ang pangalan. Tinatanong ng guard kung papapasukan raw ba?"

   Napakunot siya ng noo. Bakit siya dadalawin ng ex-girfriend ni Andy? 

   "Nasaan si Nanay at Lola Amor?" tanong niya sa katulong.

   "Sumaglit po si Ma'am Zheny kasama si Lola Amor at Sapphire sa kabilang bahay," paliwanang nito sa amo. Kay Menchu ang ibig sabihin nito sa salitang kabilang bahay. 

   "Sige papasukin mo. Magbibihis lang ako sandali," ani Jade. Aalamin niya kung bakit siya nito pinuntahan.

   "Ma'am Jade, paano po iyan baka mapagalitan po kami ni Sir Andy. Kabilinbilinan po kasi sa aming lahat na huwag kayong pabababain muna," napakamot ito ng ulo sa pag-aalala.

   "Okay lang iyon, Bebang. Ako ang bahala sa sir ninyo hindi naman siguro magtatagal ang bisita ko," simpleng sagot niya.

   "Sige po, bababa na po ako," paalam nito.

   "Hello again, Mrs. Jade Wu," nakangising bati ni Naomi pagkakita kay Jade.

   "Anong kailangan mo? Bakit ka napadalaw? Wala dito ang asawa ko," sabi niya sa kaswal na boses kahit na nagngingitngit siya sa inis nang makita ang babae.

   "Mrs. Wu, nagpunta ako dito bilang kaibigang nagmamalasakit," malisyoso ang mga mata nitong tumingin sa kaharap.

   "Oh please cut the bullshit! What's the reason behind this sudden visit, Naomi?" nang-uuyam ang boses niya.

   "I hate to be the bearer of bad news, Jade pero you need to know that your husband is having an affair," sarkatikong sabi nito.

   Tumawa ng mapakla si Jade saka nagsalita," And I don't believe you, Naomi. You are a liar! Mahal na mahal ako ni Andy at iyon ang dahilan kaya ka gumagawa ng kuwento para paghiwalayin kami dahil hanggang ngayon ay hindi mo matanggap na wala ka ng pag-asa ni isang katiting kay Andy," maanghang niyang litanya.

   "Bakit hindi mo alamin kay Clara? You might end up being friends. You see both of you have something in common," nakangiti ito sa kanya pero hindi umabot ang ngiting iyon sa mga mata nito.

   "What are you talking about?" asik niya.

   "Both of you will have a child fathered by Andy. Mukhang mas panganay nga lang ang sa iyo kasi mukhang manganganak ka na anytime sa laki ng tiyan mo," nangiinis ang tono ng boses nito.

   Namanhid ang buong katawan niya at gustong bumigay ng kanyang mga tuhod sa narinig mula sa kaharap na nakangisi na parang demonyo.

   "Hindi totoo iyan, " naiiling niyang tanggi kay Naomi.

   "Gusto mong malaman ang totoo, Mrs. Wu? Puntahan mo sila sa Passion Coffee Shop, doon sila magkikita mamaya," tuso ang mga ngiti nito. "Good day, Mrs. Wu!" sabay tumalikod at tuluyan ng umalis.

   Napaupo si Jade. Parang gusto niyang sumigaw at magwala sa sinabi ni Naomi. Pero na desisyonan niya na aalamin muna niya ang totoo kay Andy. Hindi magagawa ni Andy sa kanya ang ibinibintang ng ex-girlfriend nito. Sobra ang pagmamahal na ipinararamdam nito sa kanya. Pero alam din niya na nagkasama si Andy at Clara noon sa Davao. May nangyari kaya doon? Isa lang ang alam niyang dapat gawin para malaman ang katotohanan, pupuntahan niya ang lugar kung saan magkikita ang dalawa mamaya. Bibigyan niya ng pagkakataon magpaliwanang si Andy.

   "Hello, Andy. HIndi ako pwedeng pumunta mamaya sa meeting ninyo ni Clara. Nagpapasama si Amethyst sa psychiatrist niya," paliwanang nito sa kapatid nang sumagot ito sa cell.

   "Ano???Okay, forget it. Ako na lang ang pupunta," halos pabulyaw na sabi ni Andy.

   "Sorry, Bro! Hindi kasi hiyang kay Amethyst iyong gamot kaya gusto niyang papalitan," tuloy na paliwanang nito.

   "Shittttt, Trevor! Ang laki na ng atraso mo sa akin," reklamo niya. 

   "Pasensiya na talaga, Andy," nagmamakaawang sabi nito.

   "Jade, baki ka nakabihis? Saan ka pupunta?," nagtatakang tanong ni Zheny nang makitang nakagayak si Jade para lumabas ng bahay.

   "Nanay, may pupuntahan lang po ako sandali."

   "Naku anak, sabi ni Andy siguraduhin raw naming nagpapahinga ka dito sa bahay," nag-aalalang sabi nito.

   "Nay, saglit lang po talaga," hindi matinag ang boses nito.

   "Sasama na ako sa iyo, anak."

   "Huwag na po, Nanay. Kaya ko pong lumakad mag-isa," tigas na tanggi niya. 

   Walang magawa si Zheny kung hindi tumahimik. Mahirap mabakli pagnag-desisyon si Jade.

   "What? Ten million lang ang ibibigay mo para sa baby namin ni Trevor. I'm asking 100 million para hindi ako mag-iskandalo, remember?" hindi makapaniwalang sabi ni Clara sa matinis na boses.

   "Clara, here's the check for 10 million take it or leave it. I don't have to give it to you. The only reason I decided to give you this amount is to help you out with your baby. And please don't you ever threaten me again," matigas na pahayag ng lalaki.

   "Andy, kulang ito. Barya lang ito sa laki ng kayamanan ninyo," reklamo nito.

   "Clara, last chance. Kukunin mo ba itong check o hindi," galit na sabi ni Andy.

   Tinanggap ni Clara ang check na ibinigay ni Andy. Naisip ng modelo na mabuti na kaysa wala, tutal doble ang halagang naghihintay sa kanya na mangaggaling kay Naomi. Tinawagan siya ni Naomi kanina para sabihin na malaki ang posibilidad na pumunta si Jade sa meeting place nila ni Andy para alamin ang katotohanan kaya manaka-naka'y pasekreto siyang sumisilip sa labas. Nang mamataan niya ang pagpasok ng asawa ni Andy. Hawak ni Jade ang tiyan na animo'y nakakaramdam ng sakit sa paglakad. Nagmamadali niyang hinawakan ang mga palad ni Andy na nasa ibabaw ng mesa. Bago pa maiwaksi ng lalaki ang mga kamay nito ay nakita na sila ni Jade. Natigilan ito sa paglakad, namumutlang sumukod sa lamesa nila.

   "Andy, ano ito???" mangiyak-ngiyak ang boses nito.

   "Jade, I can explain everything," nag-aalalang paliwanag ni Andy. Inalalayan nito ang asawa sa upuan.

   Tiim-bagang na nakatitig lamang ito sa kanya, puno ng hinanakit at galit ang mababasa sa mga mata nito. "Are you having an affair? Sino ang ama ng ipinagbubuntis niya?"

   "Si Andy," turo ni Clara.

   "Si Trevor," sabay na sagot nila.

   "I should know, Jade. Si Andy ang ama nito. In fact, ito ang tsekeng ibinigay niya sa akin ngayon para sa magiging baby namin," pagkumpirma nito. "Don't worry it was only a one night stand in Davao," nakangiting sabi nito.

   "What are you talking about, Clara. Alam mong hindi totoo iyang ibinibintang mo. I'm not the father of your child!!!" tumaas ang boses ni Andy na ikinagulat ng customer sa kabilang lamesa.

   "Hindi naman ako manggugulo pa, Andy. I just want you to acknowledge our baby," malungkot na sabi ni Clara.

   "Jade, she's lying. Si Trevor ang ama at hindi ako," madiing sabi ni Andy sa asawang kanina pa namumutla.

   "Kung si Trevor ang ama bakit si Andy ang kaharap ko ngayon at si Andy rin ang nagbigay ng check? He's playing you for a fool," simpleng paliwanang ni Clara kay Jade.

   "Shut up, both of you!!! " basa ng luha ang mga mata ni Jade. "Andy, please take me home," pakiusap niya sa asawa nang maramdaman ang pagsakit uli ng tiyan. This time ay kinabahan na siya. Tumitindi ang kirot nito. Naramdaman na lang niya ang pag-agos ng mainit na likido sa mga binti niya.

   "Andyyyyy! Dinudugo ako," halos mag-panic siya habang yakap ang tiyan.

   "Babe, please calm down dadalhin kita sa ospital. Kaya mo iyan," halos gusto ng magwala ni Andy nang makita ang dugo na tuloy-tuloy sa pag-agos sa mga binti ng asawa pero pilit niyang pinakalma ang boses para hindi lalong matakot si Jade.

   Binuhat niya ang asawa at dali-daling isinakay sa kotse. Naiwang nakatulala si Clara sa kinatatayuan.

   Naghihintay si Andy sa waiting room ng hospital nang dumating ang buong pamilya niya at ni Jade. Humahangos ang mga ito. Mula sa sasakyan hanggang sa ipasok si Jade sa operating room ay hindi na huminto si Andy sa pagdadasal na sana'y makaligtas ang asawa at kambal niya sa laban na ito. 

   "Andy, kumusta ang anak ko," maluhaluhang tanong ni Zheny sa manugang.

   "Nay, nasa loob pa po."

   "What happened, Andy," tanong naman ni Edison.

   "Pa, it's a long story. Huwag muna ngayon please," pakiusap ng anak.

   "Naku po ang apo ko," umiiyak naman si La Amor sa isang tabi.

   "Anak, maupo ka muna at mukhang ikaw naman ang tutumba diyan. Namumutla ka na," nag-aalalang sabi ni Menchu.

   "Ma, hindi ko kakayanin pag may nanggyaring masama kay Jade," nanglulumong sambit nito.

   "Jade is strong, Andy. She'll fight for her life and her babies," alo nito.

   Magsasalita pa sana si Andy nang lumabas si Dr; Fernandez mula sa OR. Tinanggal nito ang mask sa mukha bago nagsalita.

   "Mr. Wu, your wife is doing fine. Ligtas na siya. Your twins are in neonatal ICU right now fighting for their lives. Dr. Tolentino, the pediatrician is working on them as we speak. I'm sorry but I have to induce an early delivery of the twins because of the respiratory issues " explained ng doctor.

   "Salamat, Doc. Please tell Dr. Tolentino to do everything in his power to save our babies," nagmamakawang pakiusapi ni Andy. "Pwede ko na bang makita ang asawa ko?"

   "Ililipat na namin siya sa private room in a few minutes pero baka hindi mo pa siya makausap dahil sa anesthesia na ibinigay namin."

   "Talagang okay lang ang asawa ko, Doc?" halos pigil ang hiningang tanong niya uli ang manggagamot.

   "Mr. Wu, she's fine," reassure nito.

   "Kailan ko pwedeng tingnan ang mga anak ko?" ani Andy.

   "Dr. Tolentino will talk to you as soon as he knows more," sagot nito.

   "Andy, kinausap ko na ang registrar na ilagay si Jade sa pinakamalaking suite na available dito sa hospital," anunsyo ni Edison.

   "Thanks, Papa," halos wala sa sariling sagot ni Andy.

   Pagkaraan ng trenta minutos ay inilipat na si Jade sa kuwarto. Tulog pa rin ito. Dinampian ng halik ni Andy ang noo nito.

   "I love you so much, Jade," bulong nito.

   Bahagyang nagmulat ito ng mga mata at saka isinara din pagkatapos ng ilang secundo.

   "Andy, magpahinga ka muna. Kami na muna ang magbabantay sa kanya," mungkahi ni Zheny nang makita ang pagod na itsura ng manugang.

   "Okay lang ako, Nay. Gusto kong nasa tabi ako ni Jade paggising niya mamaya," tahimik na sagot nito.

   "Baka bukas na iyan magising, anak. Sedated pa si Jade. Sige na magpahinga ka muna," untag ni Menchu sa anak.

   "Ma, I can't sleep. Nag-aalala rin ako sa mga anak ko na lumalaban ngayon para mabuhay," sabi ni Andy sa boses na gumagaralgal.

   Walang magawa ang lahat kung hindi mag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng kambal. Nang biglang may kumatok at pumasok na nakaputing coat. Nagpakilala itong pediatrician ng kambal, si Dr. Tolentino.

   Napatayo bigla si Andy. "Kumusta na ang kambal ko, Doc?"

   "Congratulations, Mr. Wu. Your twins are stable now. There are both in the incubators but they are going to be okay. Fighters sila," masayang balita nito sa lahat.

   Napaupo si Andy sa tindi ng emosyong pinakawalan. Dininig ng Diyos ang panalangin niya. Hinawakan niya ang palad ng asawang kasalukuyang natutulog at saka dinampian ng masuyong halik.   (Ako'y Sayo Lamang playing in the background)

   "Babe, ligtas na ang mga anak natin," sambit nito sabay tuluyan ng tumulo ang mga luhang pilit niyang pinipigilang kumawala.

********So what's the verdict? Did you enjoy reading this chapter? Please leave a comment and vote. Pangpagana lang :)

Also please follow me on Twitter @gidgetwitty for updates. Thank you.

   

   

   

   

   

   

   

   

   

   

   

   

  

  

    

   

   

   

   

   

   

      

   

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 49.4K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
4.7M 253K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...