<Dela Rosa Residence, 3 years ago>
Balik tayo sa may the "big house". Naenjoy ko ang aking breakfast dahil si Kian mismo ang nag-luto for me. After eating, may binigay siya sa akin na regalo for me. I opened it.
"WOW!" Pag buksan ko, napa-wow ako dahil tamang-tama at ako ay nababahing sa sobrang ginaw. Lamig kasi ng aircon! Isang pink na scarf na gawa sa silk ang gift niya sa akin. Sinuot ko ito at nag-model-model ako around my room.
"Do you like it?"
"Of course, I do! I like the color! Thank you talaga, Kian." and then para na akong Miss Universe kung maglakad dahil minsan ginagawa kong sash yung scarf. Minsan nga nag-rarampa ako sa may flower tunnel. Hahaha. Pwede akong sumali ng Ms. Intramurals kung may opportunity ako. Tuwang tuwa naman si Kian while watching me dahil I enjoyed his gift. Pink ang favorite color ko kasi.
<Nighttime>
Soooooooobrang napagod ako sa kararampa kanina. Well, dinner time ulit sa round table. Seryoso ang usapan nila mag-pamilya today. I stayed quiet on the table. Yung topic kasi nila ehhhh....
"Kian, kanina pa kaming nagtataka ng papa mo."
"Why po, mama?" Kian is also serious. Katatapos ko lang yung sa appetizer. I better drink the iced tea. Kaialngan ko nang matulog ng maaga dahil may pasok pa kami ni Kuya Kian sa Meitan bukas.
"Kayo na ba ni Elnor?"
Fireworks of iced tea from my mouth! Happy New Year! Nagulat ako sa tinanong ni Tita Jolina. Kame? Weh? Is Tita getting crazy? Gusto agad? Tinulungan ako ng mga maid. I told them that I am alright. May habit talaga ako mag-splash kung ano man ang iniinom ko pag nabibigla or nagugulat.
"Elnor."
"Yes, Tita Jolina."
"Buntis ka ba?"
"NO!" sabay pa kami ni Kian. Then nagtinginan kami. "TITA (MAMA), ARE YOU CRAZY!" sabay ulit.
Biglang nagtatawanan sila Tito Kiko at Tita Jolina. Ano ba ang trip nitong dalawang ito?
"Kiko, they are so cute together."
"I am agreeing with you, Jolina, dear."
"WHAT DID YOU GUYS SAY?!" ayan nanaman, sabay nanaman kami.
After the dinner, pumasok na ako sa kuwarto. I am ready to sleep. Hinanda ko narin ang uniform ko sa may malaking closet nearby sa bed then I lied down. Good nighty-night. Pinatay ko ang ilaw. Mas nakakatulog ako pag madilim. Zzzz.....zzzzz.....
"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" bigla nalang minulat ang mga mata ko at ako'y napatalon sa aking kama dahil may sumigaw galing sa isang kuwarto na katabi lang ng kuwarto ko. I disregard it balik na ako sa pagtulog dahil antok na antok na ako.
"Elnooooor!" bang! bang! bang! BLAG! Bat't nanaman biglang sumisigaw at nagsisipa ng pintuan si Kian? The door in my room is locked so no one will disturb me pero I think hindi ito umuubra. Ano nanaman ang trip nito? Ang ingay niya! Gabing-gabing na! No choice at binuksan ko ito. Nakita ko siya parang namumutla sa takot.
"Bakit, (hikab)... Kian...anyare?"
"Ayokong tignan yung cellphone ko!" Aba, aba. Nagce-cellphone at night? Pambehera! May ka-textmate ata itong is Little Boss. Isumbong ko kaya ito sa mga magulang niya.
"Ano ba ang nangyare? Anong meron sa cellphone mo? Matututulog na nga ako tapos bigla ka nalang nag-sisipa ng pinto para lang diyan? Pwede kitang turuan na kumatok. Free lessons bukas sa school." Haaay, Elnor. Nakikipag biruan ka pa sa ganitong sitwasyon, Ba't di mo na lang tignan kung ano ang nangyayari?
"Elnor, nagsesearch ako ng experiment para sa Science class namin bukas. Eh nakita ko sa YouTube yung video na 'What will happen if you mix yougurt and mentos?'"
"Oh, eh anong problema dun?"
"Elnor, huwag mo ipaalala sa akin kung ano ang lumabas sa video! Anak ng tilapia!" hindi ko mag-gets. Nanonood siya ng experiment echos na video tapos may something na lumabas? Ano ba yun? Ba't parang nalalamig na siya sa takot?
"MULTO, Elnor! Ayoko na! Waaaah! Ayokong pumasok sa kuwarto ko nandun pa cellphone ko naka-on pa. Kitang kita yung mukha ng multo dun! Ayokong pumasok sa room ko! Elnor, help me!" Ahh now I get it. Habang nanonood siya, akala niya totoong experimental video yung napili niyang i-play pero instead na natuto siya at bigla nalang siya nataranta sa nakita niyang picture ng mumu sa cellphone niya. Hayy, ba't ba kasi may mga video na ganyan? I tried to calm him. Lumabas muna ako ng kuwarto ko and I told him to wait there. Bumaba ako then kumuha ako ng isang sachet ng Milo sa may cupboard ng kitchen. Nagtimpla ako ng hot chocolate and bumalik ako sa kuwarto. I handed him the choco drink.
"Huwag ka nang matakot. Here, medicine." I called this a medicine dahil pag may times na natatakot ako or may naiisip na nakakatakot, umiinom nalang ako ng chocolate. Minsan nga pag powder drink ay pinapapak ko nalang.
"Medicine? Eh Elnor, amoy palang alam ko na eh. Milo yan!"
"May magic spell akong nilagay diyan! Pampatanggal ng takot." sinabi ko yun kahit hindi yun totoo.
"Okay." naniwala? He drinked it. Alah! Bakit niya dineretso? In just one sip, ubos agad!Half hot and half normal temperature of water ang nilagay ko sa Milo. Pero ang init pa rin nun! Kaya ng bituka niya yun?
After drinking...
"Elnor, thanks talaga. I feel okay now."
"See, I told you." gumana din ang spell ko kahit wala naman talaga. He feels fine naman.
"Are you a fairy or something?" Eh? Anong klaseng tanong yan? Nagtimpla lang ako ng Milo! At isa pa, hindi naman totoo ang mga fairies!
"Haist! Kian. Matulog ka na nga!"
"Luhhh. Ayoko pa. Hindi pa ako naaantok!"
"Matulog ka na! Ang kulet—AH!" bigla niya akong hinagis ng unan.
"Pillow Fight!" Wah! Lakas talaga ng trip niya! Gusto ko nang matulog! But binawian ko din siya at binato ko rin siya ng unan. And then, sigeh! Hagis hagis ng unan! Kanya-kanyang palo ng unan! Sigeh!
<The next day, Meitan School Gym>
May general assembly ang mga pupils, well. Arrangement kasi ng mga groups ngayon para sa sport intramurals. Kumusta naman ako? Puyat na puyat ako ngayon dahil sa pillow fight kagabi. Ito naman si Kian, energetic pa rin. Hindi ata ito natutulog at overcharge ito ng energy. Ito na kasi yung inaabangan ni Kian na event every school year. I fall in line at nagkita kami ulit nina Angie at Allen. I told them my 2 days inside the Dela Rosa Mansion.
"Ang lakas ng loob mo, teh. Pumasok ka sa palasyo ng magagaling sa badminton!"
"Inutusan lang ako ni Mama, Allen. Pero alam niyo, ang ganda ng bahay nila pramis!"
"Bibisita kami one day, Nor."
The convo goes on. Puro Dela Rosa na ang nasa topic. Go back to the groupings. The school will be divided into four groups. Lahat ng members consists of Grades 4,5 and 6. Halo halo kami sa isang team. Kung sino ang mangigibabaw sa sport intrams ay silang maglalaro sa provincial sports meet to represent Meitan Montessori School. After a few minutes ay nag-umpisa ang groupings. Habang naghihintay, gumagawa ng paraan sila Angie at Allen para kaming tatlo ay magiging groupmates, Nagsisilipat sila ng line para makuha nila ang team na gusto nilang puntahan. Nang naayos na ang Grade 5, mission accomplished at naging magkagroup kaming tatlo.
"Friends always stays together!" yun ang slogan naming magkakaibigan. Sa group 3 kami napunta. Stays together? Guys, walang poreber! Wait, sinasabi ko ba yun dahil bitter ako? Never mind. Pagkatapos ay turn na ng mga Grade 6. Si Kian, well confident lang siya sa line niya. Siya yung pinaka-last sa linya ng mga boys. Hindi siya nagpapalit. Binilang ko by interval of four yung line pero nang nakarating na kay Kian, narealize ko na sa group 1 siya mapupunta. It means magiging magkalaban kami? NO! HWAG! Sana siya nalang ang mixed-double ko sa badminton kung maari!
Turn na ni Kian. No. Kian punta ka sa group 3 please!
"Next, Kian...." nagsalita yung teacher na nag aayos ng group. Pinapupunta na siya sa may group 1! I have to do something! Ahh!
Next Elnor's hint: Red Flag
Stay tuned!