100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[31] First Date. First Fight.

387K 3.6K 1K
By Girlinlove

Chapter 31 100STTHH

Hope's POV

"Hope ano ba! Ang tagal mo sa banyo! Ihing ihi na ako!" Sigaw ni Ate.

"Teka lang! Patapos na!" Konting ayos lang at lumabas na nga ako.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawang tawa naman si Ate. Badtrip!

"Ano na naman?!"

"Saan ang monkey business natin? Kailan ka pa naging clown?"

Napahawak naman ako sa mukha lko! At tumawa na naman si Ate. Badtrip talaga 'to.

"Halika nga dito! Make up ba ang ginagawa mo? Tsk. Ang kapal ng lipstick mo pati ng blush on mo! Kailan pa naging red ang favorite color mo?"

"Ate, hindi ako nagmamakeup."

"Bakit ba?"

"A-Ano.. Ka-Kasi.."

"MAY DATE KA?!" Parang wala naman akong nasabi! Bakit ba kilalang kilala ako ng ate ko?! "KANINO?"

"Hindi naman kasi date? Pero parang na din... Kay Enzo."

"KAY ENZO?!"

Aray! Ang lakas sumigaw!

Bigla naman akong kinaladkad ni Ate sa kwarto niyang puro purple!

"Akin na yang mukha mo. Minsan ko lang gawin 'to pero alam kong minsan lang din yang dream 'date' mo kay Enzo kaya halika. Mamakeupan kita."

Ang OA naman ni Ate! Magkikita lang naman kami--LOL WHAT AM I SAYING?! Go Ate pagandahin mo ako! Minsan lang 'to!

Ayun nga, may nilabas siyang kung ano ano at after 15 minutes, wow! Nagmukha akong tao! Nagpaalam ako kay Ate at Lola at dumeretso na sa school. Pagdating sa school may mga tumitingin sa akin. Kaloka! Nagmake up lang ng konti!

Naghintay lang ako sa may bench sa tabi ng guard at maya maya..

May dumating na kotse at mula doon ay lumabas ang isang napakagwapong lalaki na nakasuot ng red na shirt at brown na shorts. Sobrang casual niya pero bakit ang gwapo pa din niya?!

"Wow, Hope." Bati niya sa akin. Nagblush tuloy ako. "You look pretty." At patuloy niya akong tinitigan.

"Ah.. Tara na?" Naiilang kasi ako. Hindi ko alam paano magrereact sa tuwing titingnan niya ako.

"Sorry. It's just that.. You're so pretty right now. Wow."

Kyaaah! Tama na! Minsan lang may magsabi sa aking maganda ako. :">

"Sa--Saan ba tayo pupunta?"

"Luneta Park."

Luneta Park?! Ano ba yun! Kaya pala nakashorts lang siya!

"Anong.. Anong gagawin natin dun?"

"Never pa ako nakapunta there." Napangiti ako. Tntry ulit niya magtagalog. :")

"Talaga?!"

"Yeah. Loser right?"

"Sus! Hindi din. Hindi ka bagay doon! Pangsosyal ka eh." He frowned.

Bakit? May sinabi ba akong masama?

"I'm not that special, Hope." Sabi niya na mukhang disappointed. Mali ba sinabi ko!

Nagdrive lang si Manong tapos pagpunta namin sa Luneta Park..

"So this is how it looks like." Sabi ni Enzo.

"Hindi naman ganoon kaspecial dito kasi. Pero well.. At least napuntahan mo hindi ba?"

"With you."

Napatingin ako sa kanya, nagtama ang mata namin at..

"Kakaloka! Ang init naman dito Enzo! Gusto mo magice cream?"

"I don't eat dirty ice cream." Sabi niya bigla kaya nanlaki ang mata ko.

"AY NAKO! Seryoso ka ba diyan?! Halika na nga!" Tapos kinaladkad ko si Enzo papunta sa naglalako ng ice cream.

"Cheese at ube! Ayos! Masarap 'to Enzo! Gusto mo nasa tinapay?"

Nagblink lang siya sa akin na parang di niya naiintindihan sinabi ko. Nagorder na lang ako ng dalawa sa tinapay. NAGORDER? Restaurant?!

"Oh, tikman mo. Masarap yan!" Kinuha niya kinagat at..

"So??"

"Ang lamig."

Napatunganga naman ako sa sagot niya.

"Natural! May ice cream bang mainit?! Hahahahahahahah! Loko 'tong Enzo na 'to."

Tawa lang ako ng tawa. Noong una mukhang hindi niya nagets na binabara ko na siya pero malaunan eh nakuha niya at nakitawa na lang siya.

Nagkwentuhan lang kami ni Enzo. Nakwento niya yung family niya, hilig niya sa pageedit ng mga videos, favorite color niya ang red, mahilig siya magbadminton. Bawat info sa kanya nakastore na sa memory ko. Dapat pala pag nagaaral ako si Enzo ang kasama ko. :">

"Hope, do you know that I'm a badass?" Bigla niyang sinabi habang naglalakad kami.

"Huh? Bakit naman?"

"Can you see that sign?"

"Ang alin? Yung "No picking of flowers"? Nagnod siya. "Oh eh anong meron diyan?"

"What's your favorite number?"

"Ako? 22."

"22 hmm.. Challenging."

"Anong--"

Bigla siyang lumapit sa tabi nung fence na nagcocover ng mga bulaklak at bigla siyang pumitas ng mga bulaklak.

"Enzo!! Bawal yan!"

"Bad ass baby."

Tapos tumawa siya at kumuha ng kumuha ng bulaklak.

"Enzo! Bilisan mo na! Sige na bad ass ka na! Baka mahuli tayo."

"Wait, just two more."

*prrrrrt*

"OH MY GOSH ENZO MAY GUARD! Bilisan mo! Tara na!" Tapos inabot ko sa kanya ang kamay ko at hinila siya! Binilisan namin maglakad at noong medyo makalayo na tumakbo na kami.

*pant pant*

"W-Wag mo na ngang gawin yun. Kakapagod! Ano bang iniisip mo?!--"

Manenermon pa sana ako kaso nakangiti lang siya na parang enjoy na enjoy sa nangyayari at biglang binigay sa akin ang flowers.

"Here, for you. This is our date right? ;)"

Tapos iniabot niya sa akin ang 22 flowers na pinitas niya. Kakainis, kahit na pinatakbo niya ako, okay lang.

"Thank you Enzo. Ang saya naman nito." Sabay ngiti sa kanya.

"I'm always happy when I'm with you. Binabalik ko lang."

Nagsmile siya tapos ako nakatitig lang sa kanya. Kasing pula ko na ata yung isang bulaklak.

"22 yan." Ang cute magtagalog. Nakakainis. :">

"Thank you." Yun na lang ang nagawa kong sabihin.

Nakatingin siya sa kamay niya. Bakit?

"I like holding your hands."

ANO DAW?! Enzo! Ano ka ba?! Nahihibang ka na ba? Anong sinasabi mo?!

Ngumiti na lang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya sa akin. Maya maya nagaya siya na umupo doon sa bench.

"Matagal ko na gusto gawin 'to."

"Ang alin?"

"Just sit and hang out sa park bench with my girl."

His girl? :">

So.. I'm his girl? Enzo... Ano ba 'to? Nagpaparamdam ka ba sa akin? Pero si Venice. Pero kinikilig ako. :( Matagal ko ng gusto 'to.

Nakaupo lang kami doon. Dati tinatanong ko sa sarili ko kung bakit yung ibang couples okay na na nakaupo lang, na parang ang boring naman nila.

Pero... Iba pala talaga ang feeling. Makukuntento ka na pala talaga kahit nakaupo lang kayo.

"Let's play." Biglang sinuggest niya.

"Anong laro?"

"Kita mo yung couple na yun?" Bigla naman niyang tinuro. Tumingin ako.

"Ano meron sa kanila?" Cute sila. :)

"Let's break them up?"

What?! Nanlaki ang mata ko sa kanya! Okay lang siya!?

"Enzo hindi magandang biro yan ah! Bakit mo pagbrebreakin yung couple?! Hibang ka ba?!" Galit kong sinabi sa kanya.

"If you don't want to, then ako na lang."

ANO?! Itutuloy niya?!

Tumayo siya at lumapit sa isang couple na nakaupo din sa bench sa tapat namin. Lumapit si Enzo sa kanila, napatingin yung couple.

Yung girl mahaba ang buhok, maputi at cute. Yung guy chinito, maputi at ang ganda ng katawan! Macho! Bagay sila. Sht Enzo! Wag mong itutuloy ang plano mo!

"Can we help you?" Tanong noong guy kay Enzo na nakatayo lang sa harap nila. Sht, macho yung lalaki baka mapaaway si Enzo! :|

Tumayo na ako para awatin sana si Enzo kaso..

"Babe, what are you doing?" Biglang sinabi ni Enzo doon sa girl na nanlaki ang mata! Napatingin naman ako sa boyfriend niya na mukhang litong lito.

"Excuse me?" Sabi noong girl. Enzo, tumigil ka na nga! Ang gago mo!

"What are you doing here? Why are you with another guy?" Sht. Convincing ang acting ni Enzo!

"What? Who are you?!" Galit na sinabi noong girl. Bigla namang hinawakan ni Enzo yung kamay noong girl.

"Babe, why are you doing this to me?" Hinigit naman noong girl yung kamay niya. Tumayo na yung guy na kasama noong girl tapos tinulak niya si Enzo sa chest.

"Dude, back off." Inis na sinabi niya.

"You back off! Jade, let's go!!" Sinabi niya sa girl.

JADE? Anong Jade? Kilala ba siya ni Enzo?!

"How did you know her name?!" Biglang sinabi ni boyfriend na medyo nanghina. Mukhang naniniwala na siya kay Enzo dahil sa sinabi niya yung pangalan!

Paano nalaman ni Enzo yun?!

"I told you, she's my girl." Sinabi naman ni Enzo.

Sht, ang gago ni Enzo. :(

"Jade? Anything you want to say?" Sabi ni boyfriend. Si girlfriend naman tumayo na din.

"Jeron look, I don't know him."

Jeron pala ang pangalan ni boyfriend. Chinito!

"Really? But he knows you. How will you explain that?" Medyo cold na sinabi ni boyfriend.

"I don't know how he got my name, but trust me I don't really know him!" Hinawakan ni girlfriend--Jade yung kamay ni boyfriend--Jeron.

"Jeron please." Tumitig lang si Jeron kay Jade.

"Trust me." Konting pageexplain pa ni Jade kay Jeron na nakatitig lang. Hindi niya ata alam kung maniniwala. Kung sumali kaya ako? Maaagrabyado naman si Enzo. :(

Maya maya, inalis ni Jeron yung kamay ni Jade at..

"Why, Jade? Why?" Tapos naglakad siya papalayo. Naiwan naman si Jade doon na umiiyak.

"I'm sorry. :(" Biglang sinabi ni Enzo kay Jade. Nanlaki ang mata ni Jade, galit ata.

"SORRY?!" Sigaw ni Jade.

*SLAP*

Ouch. Masakit yun! Pagkatapos sampalin ni Jade si Enzo umalis siyang umiiyak. Oh my god. Sayang! Break na ba sila? They looked so good together.

Lumapit sa akin si Enzo. Tinitigan ko lang siya.

"I broke them up." Proud pa niyang sinabi.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero..

*SLAP*

Sinampal ko din siya. Alam kong wala akong karapatan pero sobrang gago ng ginawa niya.

"Ang gago mo, Enzo."

Nanlaki ang mata niya. Bakit? Nabigla pa ba siya sa sinabi ko? Hindi ba siya nagagaguhan sa ginawa niya?!

"Wow. OA mo." Sabi pa niya. Lalo lang nagpantig ang tenga ko.

Ako?! OA?! Wow ha. Thank you, Enzo ha! Nakakainis!

"Enzo, alam mo ba kung gaano kahirap humanap ng taong mamahalin ka?"

Tinitigan lang niya ako. Tanga mo talaga, Hope.

Siyempre, bakit nga naman siya mahihirapan? Siya si Enzo Gutierrez. Kahit saan siya tumingin makakahanap siya ng taong pwedeng mahalin siya.

"Hindi mo alam kung gaano kahirap magmahal ng taong hindi ka mahal. Pwedeng gawin mo ang lahat sa kanya para mapansin ka, pero kahit anong mangyari kaibigan ka lang. Pwedeng hanggang tingin ka lang. Pwedeng wrong timing. Madaming pwedeng mangyari. Mahirap makatagpo ng taong mahal mo at mahal ka rin."

Nakikinig lang sa akin si Enzo. OA na kung OA pero mali ang ginawa niya.

"Tapos ikaw dahil trip mo lang pinagbreak mo yung couple? Bakit? Dahil bored ka? Lintek! Ang daming pwedeng gawin! Magtumbling ka sa daan, samahan pa kita! Pero ano? Nakiepal ka doon sa couple at pinagbreak mo?! SINONG MATINONG TAO ANG GAGAWA NOON?! Nakita mo ba na umiyak yung babae?! Grabe ka Enzo!"

Inis na inis ako! Ang hirap hirap humanap ng taong mamahalin ka!

Trust me, I know! Ito nga ako ngayon eh.. Pinapakasamahan siya!

"Ang gago mo talaga Enzo, at matakot ka.. Kasi ako pa ang nagsasabi nito." Ako pa, ako pa na patay na patay sa'yo. Ako pa mismo ang nagsasabing gago ka.

Umalis na ako. Inis na inis ako kay Enzo hindi ko kayang makita siya ngayon. Sobra yung ginawa niya. Sobra.

"Hope!" Sumigaw siya. Bahala siya!

Lumakad lang ako ng lumakad, medyo naiiyak pa. Nakakainis kasi si Enzo. Bakit kailangan niyang gawin yun? :(

Umupo ako sa tabi ng fountain. Pinakalma ko muna ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Dahil ba sa pinagbreak ni Enzo sina Jade at Jeron?

O dahil ba sa... Unti unti nagbabago ang paningin ko kay Enzo?

Yung akala kong perfect guy na sobrang bait.. May tinatagong sama ng ugali. :(

Siguro yun nga. Siguro yun yung dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon. Yung fact na ang dali lang sa kanya paghiwalayin yung dalawang tao. Paano pag siya na yun? Ibig sabihin mabilis lang para sa kanya ang magpaalam? Mabilis lang para sa kanya ang makipaghiwalay? :(

Naiinis din ako kasi nasampal ko siya. Alam kong magkaibigan kami pero sino ba ako para sampalin si Enzo Gutierrez? :( Paano kapag hindi na niya ako pansinin dahil sa ginawa ko? :(

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. At sobrang gulong gulo ako. Hindi ko na din alam kung nasaan si Enzo. Iniwan na kaya niya ako?

Nakaupo lang ako sa fountain. Nagiisip. Nagmumuni muni. Hindi ko na namalayan na dalawang oras na pala ang nakakalipas. 3:00 PM na.

Tumingin ako sa paligid. Walang Enzo Gutierrez. Iniwan na nga niya siguro ako. Sinampal ko siya eh, hahanapin pa ba niya ako? :(

Tumayo na ako para umuwi na rin kaso biglang may lumapit sa akin na batang nagtitinda ng sampaguita. Tinitigan ko lang siya.

Teka nga... Bakit familiar 'tong bata na 'to?!

"Ate!" Bigla niyang sinabi.

"Natatandaan niyo pa po ba ako?" Shet naman kasi, bakit ba ang hina ng memory ko :(

"Ako po si Carlos Miguel. Ako po yung pinakain niyo sa lomian ni Kuya Enzo. Binigyan niyo pa po ako ng pera at gamot. Naaalala niyo pa po ba ako, Ate?" Noong sinabi niya yun bigla ko siyang niyakap at naiyak ako. Hindi ko alam kung bakit! :')

"Carlos Miguel! Kamusta ka na? Bakit ka nandito sa Luneta?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Okay po ako. Dito po ako nagtitinda ng sampaguita. Yung binigay niyo pong pera ni Kuya Enzo pinambili po ng nanay ko ng mga pwedeng ibenta sa sari sari store kaya po may pinagkukuhanan po kami ng pagkain. Ako naman po nagaaral na at yung pagtitinda ng sampaguita ang ginagamit ko pambaon. Maraming salamat po talaga Ate Hope sa ginawa niyo ni Kuya Enzo. Ang bait niyo po talaga."

Lalo naman akong naiyak. Mabait talaga si Enzo. Alam kong mabait siya. Pero bakit nagkakaganito siya? Bakit niya ginawa yung ginawa niya kanina? :(

"Ate bakit po kayo umiiyak?" Tanong ni Carlos Miguel. Umiling ako at ngumiti sa kanya sabay sinabing wala lang 'to.

"Nasaan po si Kuya Enzo?" Tinanong niya.

Nasaan nga ba si Enzo? Ayun. Ngumiti na naman ako sa kanya at iniba ang usapan.

"Carlos Miguel gusto mo bang kumain? Libre kita tara?" Umoo na lang siya.

Nakakita kami ng hotdog stand tapos bumili na kami doon. Nakakatuwa ang batang ito. Sobrang sipag. Nagtitinda ng sampaguita para may maipambaon sa school at para hindi na siya humingi sa nanay niya. Sana lahat ng bata ganito. Proud ako na nakatulong ako sa kanya.

"Carlos Miguel, galingan mo ha? Kailangan mong makapagtapos ng pagaaral ha? Magaral ka ng mabuti--"

Nanenermon pa ako kay Carlos Miguel ng mapansin kong hindi na siya nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kung saan siya nakatingin at--

"Kuya Enzo? Kuya Enzo!!" Biglang sigaw naman ni Carlos Miguel habang kumakaway kay Enzo na papalapit na sa amin.

"Carlos Miguel? Is that you? How are you?" Sinabi ni Enzo habang niyayakap si Carlos Miguel.

"Kuya Enzo, wag po kayong masyadong magenglish. Haha."

Napangiti naman kami parehas ni Enzo sa sinabi ni Carlos Miguel. Nagkatinginan kami at sabay napaalis ng tingin.

"Okay po ako. Maraming salamat po talaga sa binigay niyong pera at gamot. Nakapagpatayo po kami ng maliit na tindahan at nakakapagaral na po ako."

"Really? But konti lang nabigay ko sa'yo ah?" Tanong ni Enzo.

"Kuya Enzo malaki na po yun para sa amin. Malaki na po ang naitulong sa amin nina nanay at sa kapatid ko." Ginulo ni Enzo ang buhok ni Carlos Miguel.

"So what are you doing here in Luneta?"

"Nagtitinda po ako ng sampaguita para may maibaon po ako sa school." Napangiti si Enzo. Alam kong masaya siya para kay Carlos Miguel.

"Kumain na kayo ni Ate Hope? Let's buy something para sa Mama at kapatid mo?" Inoffer ni Enzo. Napatingin siya sa akin at nagnod na lang ako. Dinala niya kami sa sasakyan niya para humanap ng kakainan kasi hotdog lang ang kinain namin ni Carlos Miguel.

Katabi ko si Carlos Miguel. Ang bango pa ring tingnan ng batang 'to. Gwapo talaga siya. Kakatuwa :)

Maya maya tumigil ang sasakyan sa harap ng Jollibee. Pagpasok namin umorder kami lahat ng chicken, spaghetti, fries, at burger. Gutom kami lahat! Kanina pa rin kami ni Enzo hindi kumakain. Pero saan ba galing si Enzo?!

Kumakain lang kami. Katabi ko si Carlos Miguel, kaharap namin si Enzo. Nagkakatinginan kami ni Enzo pero nagiiwasan din ng tingin pag nagkita.

"Bakit po hindi pala kayo magkasama kanina ni Ate Hope, Kuya Enzo?" Tanong ni Carlos Miguel.

"We fought." Sagot ni Enzo. Napatingin ako sa kanya sabay subo ng fries.

"Bakit po?" Tanong pa ni Carlos Miguel

"I'm a jerk. :(" Sabi naman ni Enzo.

"Ano po yung 'jerk'?" Tanong ni Carlos Miguel.

"Bad boy. Basta I made Ate Hope sad." Sabi ni Enzo habang tumtingin ng nakakatunaw ng 'I'm Sorry' tingin. Hope, tingin sa chicken! Yan ang ulam mo.

"Magsorry ka na lang po kay Ate Hope. Mabait naman po siya."

"You think so? Sa tingin mo if magsososorry ako kay Ate Hope, hindi na siya magagalit?" Sinabi na naman ni Enzo habang nakatingin sa akin. Ano ba yan! Paano ba ako kakain nito?

"Ate Hope? Sorry daw po." Biglang sinabi ni Carlos Miguel. Isa pa naman 'to. Ang cute cute. OP ako eh.

"Kumain na lang tayo." Sabay naman silang napa 'Awww'. Enzo, hindi lang basta sorry ang katapat ng ginawa mo. Kawawa naman si Jade at Jeron. :(

After namin kumain, nagtake out pa si Enzo. Bumili siya ng isang bucket ng chicken joy. Bumili din siya ng mga fries, burger at lahat ng pwedeng bilhin. Nakakatuwa. Kaso, tatlo lang naman sina Carlos Miguel!

Pagkatapos noon, sinabi ni Enzo na ihahatid niya si Carlos Miguel sa bahay nila. Noong makarating kami, maliit lang ang bahay nila pero malinis. Pinapasok kami ni Carlos Miguel. Doon nakita namin ang mommy at kapatid niya.

"Nay, sila po si Ate Hope at Kuya Enzo. Yung tumulong po sa atin. Ito po pala, bigay nila."

Noong sinabi ni Carlos Miguel yun, medyo napateary eyed si Mommy. Lumapit siya sa amin..

"Maraming salamat sa inyo. Sa mga tulong niyo. Hindi niyo alam kung paano niyo nababago ang buhay namin. Maraming salamat." Umiyak na si Mommy doon, hindi ko na rin napigilan ang hindi umiyak.

"Maswerte po kayo kay Carlos Miguel. Mabait at sobrang sipag po ng anak niyo." Sinabi ni Enzo. Wow, derederetsong tagalog yun eh.

Maya maya pumasok yung driver ni Enzo na may dala dalang ilang plastic bags.

"Here po oh. Gift ko po sa inyo. Pangdagdag po sa small store niyo." Tapos inabot niya kay Nanay na lalong umiyak.

Lumapit naman si Enzo kay Carlos Miguel at sa kapatid niya at medyo patagong binigyan ng tigiisang libo. Para daw sa baon ni Carlos Miguel. Binigyan pa niya si Carlos Miguel ng 2k para pambili ng uniform, sapatos at gamit sa school.

"Napakswerte mo sa boyfriend mo iha. Wag mo ng papakawalan yan." Biglang sinabi naman sa akin ni Nanay.

"Hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko naman sa kanya.

"Talaga? Sayang naman kung ganoon. Bagay kayo." Sabi niya.

"Sana nga marealize niya yun :)" Kasi ako.. Nandito lang naman ako. Para sa kanya. <3

Napatingin ako sa orasan ko. Halos 7:00 PM na pala.

"Sige po, we have to go. Here's my contact number. If may problem po feel free to call me." Sabi ni Enzo kay Nanay. Bigla namang lumapit si Enzo kay Carlos Miguel.

"Carlos Miguel be a good boy okay? Make us proud. Aral ng mabuti okay? Help your mom someday. Love your mom and your family." Sabi ni Enzo habang ginugulo ang buhok ni Carlos Miguel.

Lumapit naman ako kay Carlos Miguel at niyakap siya.

"Baby, alagaan mo mommy at kapatid mo ha? Magaral ng mabuti. Okay? Magiingat ka ha"

Tapos umiyak si Carlos Miguel. Ayan napaiyak na naman ako!

"Ate Hope, Kuya Enzo maraming salamat po. Hulog po talaga kayo ng langit. Wala naman po kayong napapala sa amin pero tinutulungan niyo kami. Maraming salamat po."

Niyakap lang namin siya, nagpaalam na at ayun umalis na kami.

Ang sarap sa pakiramdam na makatulong. Kahit papaano. <3

Naglalakad kami ni Enzo ngayon. Halos nakalimutan ko na galit ako sa kanya dahil sa daming nangyari ngayong araw na 'to. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko na napansin na bumalik pala kami dito sa Luneta.

"Ahm, bakit tayo nandito ulit?"

"I don't want to ruin my memory of Luneta na nagaway tayo."

Napatingin ako sa kanya, kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako...

Papunta sa fountain.

Wow ang ganda. May ilaw yung malaking fountain. Nakakatuwang tingnan. Nakatitig lang ako at noong napatingin ako kay Enzo nakatingin siya sa kamay naming dalawa.. Magkahawak pala.

Aalisin ko sana pero kinuha niya at hindi niya hinayaang mabitawan.

"I'm sorry kanina, Hope. I know what I did was wrong. I'm so sorry." Napatingin ako sa kanya. Mukha namang sincere.

"Hindi ka sa akin dapat magsorry kasi hindi naman ako ang nawalan. Pero paano ka nga naman magsososorry doon kay Jade at Jeron hindi ba?"

"Sorry talaga."

"Haay. Enzo, wag mo ng uulitin yun please. Nakita mo ba kung paano umiyak yung Jade? Paano kung ikaw yung nasa posisyon niya? Isipin mo. Paano kung girlfriend mo yun tapos may biglang isang lalaki na walang magawa at naisipan na pagbreak-in kayo. Anong mararamdaman mo?"

"I won't believe the guy. If my girl says 'No, I don't know him' then I'll believe her."

"Grabe ka namang magtrust. Paano kung kilala naman pala talaga siya noong lalaki at niloloko ka na talaga?"

"Life is too short to doubt everything you love. There will come a time that you'll really get hurt, but who the hell doesn't experience pain? That's an inevitable part of life. So why doubt everything just to avoid the pain? I'll succumb to pain if it means that I'll have to trust the girl I love."

Anak ng. Ang lalim naman ng english ni Enzo nakakainis na minsan eh. Alam mo yung nagdradrama siya pero ikaw.. 'Ugh wait.. Processing.. Translating' tapos pag nagets mo na, wala na. Tapos na yung moment niya.

"Hope, sorry." Sinabi na naman niya.

"Sorry din kasi nasampal kita. Natakot lang ako."

"Why?"

"Natakot ako kasi parang nagiiba ka na. Natakot ako kasi parang hindi na ikaw si perfect guy Enzo Gutierrez."

"Hope, I'm not perfect. I have flaws. I'm not always the good guy."

"Napatunayan mo nga kanina yan sa ginawa mo kay Jeron at Jade. Pero Enzo, nawala lahat yun dahil sa ginawa mo kay Carlos Miguel. Kaya kahit sabihin ng iba na gago ka, alam ko na mabait ka talaga." He smiled at me.

"So bati na us?" Conyo naman nito!

"Oo bati na us!" Tumawa siya tapos bigla niya akong hinila para yakapin. Nanlaki naman ang mata ko at automatic na namula.

"E-Enzo.. U-Uy. Ang daming tao."

"Are you ashamed of me?" Nakapout na tanong niya.

"Ay ashamed ka diyan. Hindi ah! Hala sige, yakap lang." Pajoke ko na sinabi kaso niyakap nga lang niya ako ng mahigpit.

Hindi ko alam kung bakit...

Pero nalulungkot ako sa yakap niya.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to pero parang gusto kong maiyak. Bakit ganito? :'(

"You give me hope, Hope." Bigla na lang niya sinabi.

"Thanks for coming to my life."

Biglang pumatak ang luha ko.

I should be happy, pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit ganito? :(

"Why are you crying?" Tanong naman niya.

"Hindi ko alam. Bakit ganoon? Bakit nalulungkot ako sa yakap mo ngayon? May problema ka ba Enzo? Bakit?" Naiiyak kong tinanong sa kanya.

"Wala. I'm okay, basta you're there. Stay by my side, Hope okay? Stay with me."

"I will."

"Kahit ako ang mali, kahit I'm being too selfish. Promise me you'll always stay by my side okay? Promise me."

Bakit naman napakurgent ng pagpropromise? Pero sige na nga.

"Oo, promise. Kahit na ikaw ang mali, kahit na ang selfish mo, dito lang ako sa tabi mo. Ako ang nagiisang Hope mo!" Tapos niyakap na naman niya ako.

"If I could only keep you, Hope Yazon."

Anong ibig sabihin niya doon?!

Umalis siya sa yakap at sinabing ihahatid na niya ako pauwi dahil gabi na. Sa may sasakyan tahimik lang kaming dalawa. Hindi awkward. Tahimik pero kuntento na kami sa presence ng isa't isa.

Noong makarating na kami sa bahay ko, hinatid niya ako sa may gate.

"Gusto mong pumasok muna?" Offer ko sa kanya.

"No na. It's late na. My mom will be worried."

"Oh sige. Ingat kayo pauwi ha?"

"We will. Thank you for today, Hope."

"Wala yun. Salamat din."

"You looked really pretty today. I'm glad ako yung kadate mo. ;)"

Natulala naman ako sa sinabi ni Enzo kaya wala akong naisagot.

"We'll go ahead. Thank you for today Miss Hope Yazon. I really enjoyed it. Thank you." Tapos bigla niyang hinalikan ang noo ko. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

"Good night, Hope. Dream of me. ;)"

Tapos umalis na siya.

Enzo Gutierrez kaninang umaga lang galit ako sa'yo ngayon head over heels na naman ako sa'yo. Ikaw na. Ikaw na talaga.

Ikaw na ang may kayang magpaikot sa mundo ko.

I love this day.

First LQ, pero first date din. Haay. HENZO na ito. <3

____________________________________

Hi, yung chapter na ito ay lalabas din sa JAERON Fanfiction (Check my profile, nandoon po ang link!) For the twitter people, let's use #100STHHChap31 para sa reactions okay? I don't intend to trend. Sabihan na naman po ako ng FAMEWHORE ng mga tao. Ilalagay ang #100STHHChap31 kasi mabagal po ako magupdate and para alam ng iba kung nasaang chapter na tayo. Ayun. Follow me @GirlinloveWatty! Mas active ako there! <3 So, COMMENTS!!! Love you., 100 Steppers!! 

Continue Reading

You'll Also Like

81.3K 1.4K 83
Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However...
112K 3.9K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
129K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?