Idol Queen

By CalleighDC

13.4K 326 176

A story of finding love at the wrong time. More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Epilogue

Chapter Six

781 22 20
By CalleighDC

"If eyes could speak
One look would say everything
About the way you smile
The way you laugh, the way you dress
The way your beauty leaves me breathless..."

CHAPTER SIX

PAKANTA-KANTA si Mika habang nagbibihis pagkatapos magshower. Kakatapos lang ng training niya sa bagong team and she's feeling really good.  Pagkatapos niyang maglaro para sa school ay maglalaro naman siya sa commercial league and she couldn't be any happier.

Volleyball never stops para sa kaniya.  It was a sport she never thought she'd excel in dahil wala naman siyang kahit isang athletic bone sa katawan but she learned to love it nevertheless.  She owed a lot of what she has to this sport... her education, her throng of supporters who became her friends, her coaches and teammates who became her family, and that one person who keeps her smiling nowadays.

"Sows!  Ganda ng ngiti ni Ateng!  Pumapag-ibig na naman 'to, shur!" nang-aasar na puna sa kaniya ng setter nilang si Kim.  Umupo ito sa tapat niya at naghubad ng sapatos.

"Ako na naman ang napansin mo diyan," sagot niya habang nagsusuklay.

"Malamang.  Ang laki mo eh, kasing-laki ng ngiti diyan sa mukha mo," dagdag pa nito.

"Alam mo ikaw, 'di kita ma-gets.  Nu'ng puro ako ngalngal sa lovelife ko, alaskado ako sa 'yo.  Ngayon naman na nakangiti na ko, alaskado pa rin.  'Yung totoo, Kimmy... hater ba kita?"

Napabungisngis naman ito sa sinabi niya.  Of course nagbibiro lang siya.  Isa si Kim sa pinakaclose niya sa team.  Hindi nabawasan ang closeness nila kahit bestfriend ito ng babaeng ipinalit sa kaniya ng ex niya.  Labas naman kasi si Kim sa lovelife niya. Saka she's known her all her collegiate life. Isa ito sa pinakamabait na taong nakilala niya. Magkasundong-magkasundo sila nito dahil pareho silang kalog.  Madalas nga ay biktima pa ito ng pambubully niya pero never silang nagkatampuhan. Kadalasan ay hanggang pikunan lang sila.

"Ako pa ba, Ye? Alam mo namang masaya ako kapag masaya ka. Nakikita ko naman na happy ka ngayon eh so push mo 'yan, beshie! Saka boto ako kay Ricci for you," sabi nito na nagpangiti sa kaniya. It feels good that her friends are supportive of her and Ricci.  It helps ease her discomfort about their age gap.

"I like him kasi mabait na bata," dagdag pa nito na diniinan ang salitang 'bata', dahilan para mawala ang ngiti niya.

Sinamaan niya ito ng tingin nang makita niyang yumuyugyog ang mga balikat nito sa pagtawa.  Inaasar na naman siya nito.  Alam kasi nito ang hang-up niya sa age.

Binato niya ito ng nadampot na paper cup.  "Leche ka!  'Wag kang hihingi ng tulong sa 'kin 'pag may natype-an kang babae," sabi niya sabay bitbit ng gamit at naglakad papunta sa pinto.

"Huy, Ye!  Sorry!  Ito naman, napikon agad," habol ni Kim sa kaniya ngunit hindi niya pinansin iyon.  Hinila niya nang todo-bukas ang pinto ng dug-out kahit alam niyang nakatapis lang ng towel si Kim dahil magshashower pa lang ito. 'Yun ang ganti niya sa pang-aasar nito. Alam naman niyang walang tao sa labas dahil regular training lang naman nila today at hindi pa game. Gusto lang niyang gulatin si Kim.

"Woah!"

Hindi niya alam kung sino sa kanilang tatlo nina Kim at Ricci ang mas nashock sa eksena. Hindi niya inaasahan na naroon ito at naghihintay sa labas ng pinto ng dug-out.

Agad na napatalikod si Ricci kasabay ng pagtakbo naman ni Kim papasok ng dug-out habang minumura siya.  Siya naman ay halos mapaupo na sa kakatawa nang magsink-in ang mga pangyayari.

"Ang bully mo po," nangingiting sabi sa kaniya ni Ricci habang tinutulungan siyang makatayo. Kulang na lang kasi ay literal siyang mapagulong sa kakatawa. Ito naman ay mukhang nakarecover na rin sa nakita.

"Bakit kasi nandito ka nang walang pasabi?" tanong niya nang mahulasan sa pagtawa. Kinuha nito ang gamit niya at magkaagapay silang naglakad palabas ng Arena papunta sa parking lot.

"Namiss kita eh," walang pagdadalawang-isip na sabi nito. Hindi naman niya napigilang pamulahan ng mukha. Until now ay hindi pa rin siya masanay-sanay dito. He's always been very vocal and upfront pagdating sa feelings nito. It makes her feel flattered pero minsan ay nahihiya rin siya.

"Sus! Hindi pa nga lumilipas ang isang araw mula nu'ng magkita tayo eh." Magkasama lang kasi sila sa school kaninang umaga. Sabay silang nag-gym bago siya nito inihatid sa Arena. Bumalik ito sa school para sa training naman nito.

"I always miss you every second that we're not together," sagot nito. "Kung pwede nga lang magstay na lang sa tabi mo palagi, I would do that."

Eh 'di ako na ang mahaba ang hair!

"Hey, don't be so clingy that you forget about your goals ha," paalala niya rito sa kabila ng labis na kilig. Being his senior, she has to be the one to remind him not to lose focus on his studies and sports. "Don't forget your priorities."

"I know. Kaya nga I make time for you despite my hectic schedule. Isa ka sa mga goals ko na unti-unti ko nang natutupad."

Puta, pa'no kumalma? Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang bungisngis na gustong kumawala sa mga labi niya.

"Grabe, Cci... ang dami mong baon na pakilig lines eh no?" nangingiting sabi niya.  Inalalayan siya nitong sumakay ng kotse pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto.

"Those are not just lines. 'Yun talaga ang napifeel ko," sagot nito nang makaupo sa driver's seat.

"Eh 'di wow," sabi niya.  She doesn't know how to handle it whenever he gets mushy like that.  Aaminin niyang masarap iyon sa pandinig pero natatakot siya na baka masanay siya at pagkatapos ay magbago rin ito katulad ng iba.  Baka hindi niya na kayanin this time.

Oh, come on, Mika!  We're so over this years ago.  Hindi mo pa rin 'yan makalimutan?  Move on na! sita ng isip niya nang makaramdam na naman siya ng pait sa dibdib.

"Earth to Mika," narinig niyang sabi ni Ricci kasabay ng pagpitik ng daliri nito sa tapat ng mukha niya. Kanina pa pala ito nagsasalita pero hindi niya naririnig.  "You're spacing out, Queen," puna nito.

"Sorry.  I was thinking about food.  Gutom na 'ko eh," pagdadahilan niya.  Nginitian niya ito para pagtakpan ang saglit na pagkatulala.  Ayaw niyang kulitin siya nito tungkol doon.  Awa ng Diyos ay mukhang naniwala naman ito.

"Why am I not surprised?  Eh lagi ka namang gutom," biro nito habang nagsimulang magdrive.  "First time I met you at Jeron's party, I lost count of how many slices of pizza you ate eh."

Natatawang hinampas niya ang kanang braso nito.  "Gags!  Eh bakit kasi pinanonood mo 'kong kumain nu'n?"

"That's one of my turn-ons eh.  I like girls who eat a lot pero hindi tumataba.  Parang ikaw," sabi nito sabay kindat sa kaniya.

"Wala na 'kong sinabi," sagot niya sa hirit nito.  If his aim is to make her blush every time he speaks, panalo na ito.  Those words plus the way he looks at her are enough to make her lose her senses.  Ultimo dulo ng buhok niya yata ay kinikilig dito.

"Sa'n tayo, Idol Queen?" tanong nito maya-maya.

"Bahala ka na," sagot niya.  Busy siya sa paghahanap ng magandang music sa car stereo nito.

"Wrong answer."

"Huh?" napaangat siya nang tingin rito.

"You don't answer 'bahala ka na' sa lalakeng may gusto sa 'yo.  Eh kung dalhin kita sa kung saan, papayag ka?" sermon nito sa kaniya.

'Yung totoo, sino sa kanila ang mas matanda??  At talagang pinangaralan pa siya nito.

"Koya, for your information, hindi po ako basta-basta sumasama sa kahit sinong magyaya sa 'kin," katwiran niya.  "Sumama ako sa 'yo because I trust you.  Alam kong nirerespeto mo ako at hindi ka gagawa ng bagay na ikasasama ko.  Ngayon, kung--"

"Okay na po, point taken na po. Ang bilis mong mabeastmode eh," natatawang putol nito sa kaniya.  "Concern lang naman ako sa 'yo. Well, since sabi mo ako ang bahala, eh 'di ako ang bahala!  Ang dali kong kausap. We'll have dinner sa house namin," anunsiyo nito na ikinatigil niya.

"Wait-- What??!"

"Sabi ko we'll have dinner sa house with my family," ulit nito sa sinabi.  Nakaangat ang isang sulok ng labi nito.

"Oh, shit!  Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako, Cci.  Can you pull over? Magtataxi na lang ako. May photoshoot pala ako tonight sa ano... sa... basta! Pakihinto na lang sa tabi," natatarantang sabi niya. Hindi pa siya handa na makilala ang family ni Ricci. Natatakot siya sa magiging reaction ng mga ito kapag pinakilala siya.  Saka wala pa naman silang pormal na relasyon.  Hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ng mga ito.

"Wala kang sched tonight. I already checked with Mark kanina," sagot nito. Mark is their handler. Pareho sila ng talent agency ni Ricci kaya isang tao lang ang nagmamanage ng schedules nila.

"Pero kasi..."

"Sige na, Ye, please?  It's my younger brother's birthday today and he has a huge crush on you.  I'm sure he'll be happy to see you there."

Tatanggi pa sana siya pero hindi niya na nagawa.  With his pleading eyes and the fact that he just wants to surprise his brother, she just doesn't have the heart to say no.  It's kind of sweet of him to think of what would make his younger bro happy on his special day.  Actually, isa iyon sa trait ni Ricci na nagustuhan niya.  Napakasweet nitong kapatid.  Naobserve niya iyon base sa kung paano ito makitungo kay Prince.  Oo nga't natural na ang pagiging bully nito kahit kay Prince pero ramdam niya ang malaking respeto at pagmamahal nito sa kuya nito.

With that in mind ay napapayag siya nitong pumunta sa bahay ng mga Rivero.

----------
IT's already past six when they arrived in a classy village in Pasig City where the Riveros live.  Hindi naman sobrang kalakihan ang two-storey house ng mga ito but it's big enough to house seven big boys and their parents.  In fact, doble yata ng bahay nila sa Manila ang laki ng bahay ng mga ito.  May three-car garage at may maliit na pool pa sa gilid.  She could consider them rich by the standards she grew up with.

The party is happening at the pool area as there are a number of kids gathered there.  Mukha namang hindi pormal na party iyon.  Parang basta lang nagkayayaan ang mga bata.  Gayunman ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.  She will get to meet Ricci's parents and she doesn't know how to react.

Naramdaman niya ang mainit na palad ni Ricci na gumagap sa nanlalamig niyang kamay.

"Relax, Queen.  I got you," he smiled reassuringly.

Bahagya namang nawala ang kaba niya dahil sa sinabi nito.  Magkahawak-kamay silang naglakad papasok.

"Kuya, I mith you!"

Napabitaw si Ricci sa kanya dahil bigla itong sinalubong ng isang napakacute at chubby na bata.  Agad itong kumapit sa mga binti ni Ricci.  Sa tantiya niya ay nasa tatlong taong gulang pa lang ito.

"I miss you, too, baby," nakangiting sagot ni Ricci at kinarga pa ang bata.  She couldn't help but smile at the scene.  It's so easy to picture him holding their own son in the future.

Ansaveh?  May son na, may future pa?  Naniniwala na sa forever, ganern? pang-aasar ng isip niya.

Naramdaman niya nang hilahin ni Ricci ang kamay niya kaya napatingin siya rito.

"Hey, Queen... I want you to meet my baby brother, Riley.  He's the youngest in the family," pakilala nito sa karga-kargang bata.

Maghehello na sana siya ngunit naunahan siya ng bata na magsalita.  "Why do you call her 'queen'?  Does she live in a castle?" tanong nito kay Ricci.

Napangiti naman si Ricci dito.  "She doesn't live in a castle but I call her queen because she's my queen, like how Mom is to Dad," paliwanag nito sabay lingon sa kaniya at binigyan siya ng isang simpatikong ngiti.

"Naku, baby Riley, kinukulit mo na agad ang kuya mo kahit kakarating pa lang."

Napalingon siya sa nagsalita. Isang nakangiting mukha ng magandang babae ang nakita niya. Lumapit ito kay Ricci at kinuha si Riley.

"Mom," bati ni Ricci rito sabay halik sa pisngi nito.  Nagulat siyang malaman na ito pala ang mommy ni Ricci dahil ang bata pa ng hitsura nito.

"Nice to see you, son!" masayang bati nito kay Ricci bago tumingin sa kaniya.  "Hello, Ricci's queen," nakangiting sabi nito.

"Naku, hindi po.  Nagbibiro lang si Ricci," napapahiyang sabi niya rito.  "Good evening, Ma'm.  Mika po," pakilala niya sabay abot ng kanang kamay dito.  Hindi nito tinanggap iyon, sa halip ay niyakap siya nito at bineso-beso.

"Ay ayoko ng Ma'm.  Tita na lang, beh, kung hindi ka pa kumportable sa Mommy," pabirong sabi nito.  No wonder napakalakas mang-asar ni Ricci... it runs in the family pala.

Awkward na napangiti na lang siya.

"Mom, later mo na chikahin si Mika.  Pakainin mo muna kami please?  Gutom na siya eh."  Muntikan niya nang irapan si Ricci kung hindi lang nasa harap sila ng mommy nito.  Siya pa talaga ang ginamit nitong dahilan.

"O, siya... diretso na kayo sa dining room.  Your dad's there.  Saka kakarating lang din ni Prince and Eileen.  Sabay-sabay na kayong kumain.  Aasikasuhin ko lang muna 'tong mga bisita ni Gelo," sabi nito at nag-excuse na sa kanila para bigyan ng pagkain ang mga bagets na nasa pool.  Nakaalalay dito ang dalawang katulong at ang yaya ni Riley.

Dumiretso na sila sa dining area kung saan nakaupo ang daddy nito habang may kausap na bata na tantiya niya ay nasa twelve years old.

"Gelo!  Happy birthday, little bro! Surprise!" malakas na sabi ni Ricci na ikinalingon ng mag-ama pati ng mga kuya nitong sina Prince at Rasheed, gayundin ng girlfriend ni Prince na si Eileen.

"Oh my God!"  Napatakip pa sa bibig si Gelo nang makita siya.  Nagtawanan naman ang lahat.  Mukhang alam ng lahat na may crush ito sa kaniya.

"Good evening po," nahihiyang sabi niya sa daddy nito bago bumaling sa batang may birthday.  "Happy birthday, Gelo.  Sorry wala akong gift kasi hindi ko nalaman agad eh.  Eto na lang siguro ang gift ko..."  Lumapit siya rito at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.

"Hoy, Cci, saluhin mo at baka himatayin," kantiyaw ni Prince.  Tumatawa naman sa tabi nito sina Rasheed at Eileen.  Kumaway siya sa mga ito.  Of course she knows Prince and Rasheed dahil nakikita niya ang mga ito na nanonood ng games nila.  Kakilala rin niya ang girlfriend ni Prince dahil miyembro ito ng cheerdancers sa school nila.

"Aba, nalamangan ako du'n, ah!" komento ni Ricci. He was probably referring to the kiss. "Ayos ba, bro?" tanong nito sa nakababatang kapatid habang pabirong ginulo ang buhok nito.

Ngiting-ngiti naman itong nagthumbs up kay Ricci. "Thanks, Kuya. Thanks for coming, Ate Mika."

"Anytime, Gelo," nakangiting sagot niya at ginulo rin ang buhok nito.

Inanyayahan na sila ng daddy nito na maupo. Ilang sandali lang din ay dumulog na sa hapag ang mommy nito kasama si Riley na pinaupo sa high chair. His dad led the prayer at pagkatapos ay sabay-sabay na silang kumain.

She didn't get to meet the other two boys-- Allen and Ashton-- as they were already sleeping. Napagod daw dahil maghapon na itong naglaro sa pool.

Meeting Ricci's family wasn't as nerve-wracking as she expected it to be. She was thinking the worst nu'ng umpisa, na baka hindi siya magustuhan ng parents ni Ricci dahil sa age difference nila or dahil sa past controversies niya. But it seems they don't care about any of that. Masaya ang naging takbo ng usapan during dinner. Nalaman niya na dati rin palang volleyball player ang mommy nito kaya nagkaroon sila ng instant connection.

Sa ilang oras na nakasama niya ang pamilya Rivero ay naramdaman niya agad na welcome siya rito. They were just like her own family. They love to bully each other but you can clearly see the love and respect between them.

"So how was it? Meeting my family, I mean," tanong ni Ricci nang ihatid siya nito sa pinto ng bahay nila pagkagaling sa bahay ng mga ito.

"Okay naman. Your parents are so nice and your brothers are so cute," nakangiting sabi niya.

"Hey, wag mo isama si Rash and Prince sa cute ah! Magseselos ako," paalala nito na ikinatawa niya.

"Sira ka talaga," naiiling na sabi niya. "But seriously, Cci... Thank you for this night. I had a great time," sincere na sabi niya.

"No, Queen. Ako dapat ang magthank you kasi you made Gelo happy. Thank you so much for coming with me."

"Wala 'yun," sabi niya. "Pa'no, Cci... pasok na 'ko. I won't invite you in kasi mag-isa pa rin ako sa house dahil nasa Bulacan pa sina Mommy."

Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya ni Ricci sa braso.

"Ahm, Ye, kasi ano... birthday ko last month," nahihiyang pasakalye nito. Parang nahuhulaan niya na ang tinutumbok nito.

"And?"

"Baka pwedeng humingi ng gift?" sabi nito na may pilyong ngiti. He was obviously referring to the kiss she gave his brother.

"Ah 'yun lang ba? Sige..." sagot niya dahilan para matigilan ito. Tila bigla itong naexcite. "Sige, bilhan kita bukas," nakatawang dagdag niya.

Nalukot naman ang gwapong mukha nito. "Paasa," bubulong-bulong na sabi nito bago tumalikod papunta sa sasakyan nito. "I'll go ahead, Queen. Lock the door."

"Cci!" tawag niya. Muli itong humarap sa kaniya kaya't sinamantala niya iyon. Mabilis niyang hinalikan ang magkabilang pisngi nito. "Belated happy birthday," pilyang sabi niya bago mabilis na tumakbo papasok.

Iniwan niya itong nakatulala sa harap ng bahay nila.

----------
AN: Some updates are peppered with cuss words. If you get easily offended by it, please stop reading. I can't help it. My mind swears a lot more than my tongue does. Sorry.

I updated this chapter just to add a song. 😁✌🏼️

Continue Reading

You'll Also Like

222K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...