Once upon a STRANGER (lesbian...

Por Hazelnot

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... Más

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Getting to know! Chapter 11
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
Adventure! :) Chapter 18
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Wattpad User... Chapter 35
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
I have something to say... Chapter 38
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
To: Miss Author... Chapter 58
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

Bistro Night... Chapter 27

6.9K 76 20
Por Hazelnot

Update para kay ate Odes na may pasok na bukas at nagaantay ng update ko! hehe...

:)

-Hazelnot

______________________________________________________________________________

Chapter 27

 

Clarice POV

 

Hanggang ngayon nandito pa din kami sa coffee shop, mga 30 minutes na ang nakakaraan, pero iyak lang siya ng siya. Parang gripong hindi masara yung pag tulo ng luha niya! -____-

Ako eto, nga nga. Kasi hindi ko naman alam ang gagawin ko, mas lalong hindi ko din naman alam ang sasabihin ko, dahil hindi ko naman alam kung bakit siya umiyak na lang basta! Napapayosi na lang ako eh! Nakakatense pala yung ganito!

Kaya naman naisipan ko na siyang kausapin, bahala na si Batman! Kasi kung hindi ko pa gagawin yun, baka abutin kami ni haring araw dito!

Muli akong lumapit sa kanya, at marahan kong hinagod ang likod niya, na tila ba pinapatahan ko siya, well yun naman talaga ang ginagawa ko. Hanggang sa nagulat na lang ako nung humarap siya sa akin at niyakap ako!

“Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin makikinig ako.” Hindi ko na napigilang hindi magsalita.

“Mahal mo pa ba si Shayne?” Tanong niya sa kin habang dahan dahan niyang tinanggal ang pagkayap niya, saka siya tumingin sa mga mata ko.

“Si Shayne ba ang iniiyakan mo?” Hindi ko alam kung bakit may konting kirot akong naramdaman nung nabanggit niya si Shayne.

“Pl-please na-naman sagutin mo y-yung tanong k-ko.” Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Isha nung binitawan niya ang mga salitang yun. Tila ba naghahanap siya ng kasagutan.

“Mahalaga pa ba yan ngayon? Wala na kami Isha, alam mo yan, impossibleng hindi mo yan alam.” Medyo tumaas ng kaunti ang boses ko, kasi naman hindi ko maintindihan yung point niya.

“Oo mahalaga yun sa akin dahil mahal ko si Shayne!” Wow! Bakit parang nabigla pa ako? Eh last time na magkakasama kami halos hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Yung mga tinginan na kakaiba. Alam ko namang may something na sa kanila nun. Tanga ako pero hindi ako bulag.

“Ayun naman pala, muka namang gusto ka din niya. :)” Yan na lang ang nasabi ko. Pinilit kong ngumiti, sana maniwala siyang totoo ang ngiti nay un kahit hindi naman talaga.

Muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit niya. Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung saan ito nanggagaling at kung ano ang dahilan, kung bakit kelangan niya pa akong makausap. Ang dami kong tanong sa utak ko, na hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito ngayon?”

 

“Hindi.” Naging maikli ang sagot ko dahil ni wala namang talaga akong idea bakit siya nakipagkita sa akin.

“Gusto mong uminom?” Nagulat ako sa sagot niya, akala ko pa man din ay malalaman ko na ang dahilan ng pagkikita naming, hindi pa pala.

Pinahid niya yung luha niya, saka niya sinubukang ngumiti, pero bakas sa ngiti niya pait na nararamdaman niya.

“Ano? Tara?” Hindi agad ako nakasagot dahil sa totoo lang, hindi na ako masyadong umiinom ngayon.

“Sige sige, mukang mas kelangan mo ng alak para malabas mo yang bigat sa dibdib mo.” Yun na lang ang nasabi ko, dahil parang hindi niya kayang sabihin yung gusto niyang sabihin, kelangan niya siguro ng lakas ng loob.

Dali dali kaming tumayo, at lumabas ng coffee shop. At dahil wala siyang sasakyan, nagsabay na kami. Alangan namang mag commute pa siya diba? Tsk.

Habang nag babyahe kami, nakakabingi ang katahimikang nagaganap sa loob ng sasakyan ko. AWKWARD.

Nang bigla kong mapansing hindi ko pala alam kung saan kami pupunta para uminom.

“Ah, saan pala tayo iinom?” Ako na ang bumasag ng katahimikan, dahil baka umabot kami sa Maynila kakadrive ko dito. Hehe.

“Kahit saan basta may alak!” Grabe mukang uhaw na uhaw tong si Isha! Tsk. Kaya naman ako na ang nagisip.

“Sige sa Bistro na lang tayo, okay lang?” Wala na kong maisip na pwede inuman namin na hindi masyadong maingay at matao. Or sadyang hindi na gumagana yung utak ko ngayon. Tsk.

“Sige, ok lang.” Ang tamlay ng boses niya grabe!

Yung 20minutes drive naming papunta dito sa Bistro, parang 1hour!

Pagpasok namin sa loob, lumabas kami sa may terrace na part. Dun kasi yung lugar na medyo tahimik. Sa loon kasi maingay, dahilsa lakas ng sounds. Buti na lang at walang masyadong tao ngayon, weekdays kasi.

Pagupo naming, inabutan kaagad kami ng waiter ng menu.

“Anong gusto mong inumin? Hard o Beer lang?” Tanong ko sa kanya.

“Kahit ano okay lang naman sa kin.”

 

“Sure ka?”

 

“Hmmmm sige hard na nga lang tayo, okay lang ba sayo?”

 

“Sige okay lang naman.” Magdadasal na lang ako n asana hindi ako malasing! Tsk.

“Kuya isang 750ml nga po na Fundador.” Napalunok na lang ako sa inorder niya! Dalawa lang kaya kaming iinom! Goodluck naman sa akin neto!

“Maglalasing ba tayo?hehe” Alam kong awkward yung tanong ko! Eh kasi naman takot ko lang at baka malasing na naman ako!

Ngumiti lang siya at sinabing… “Hindi hindi, chill lang tayo! :)”

 

CHILL lang kami? Hello Fundador kaya to! -___-

“Ano nga palang problema mo? Kasi kanina ka pa iyak ng iyak, hindi ko naman alam yung sasabihin ko sayo. Saka bakit pala ako ang kinausap mo?” Bigla na lang akong nagchange topic, kasi hindi ko na kayang magisip pa! Kanina pa to eh!

Hindi siya agad nagsalita, tinitigan niya lang ako. Malungkot pa din yung muka niya pero, hindi naman na siya umiiyak ngayon.

“Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan yung gusto kong sabihin sayo…”

 

“Simulan mo sa… Nakipagkita ako sayo ngayon kasi…Haha” Napangiti siya sa sinabi ko, medyo inasar ko lang siya, para naman mabawasan yung serious mode, baka di ko kayanin eh! Haha.

“Adik ka din pala! :)”

 

“Matagal na nu! Haha :)”

 

Habang umiinom ako ng tubig…

“I wonder bakit mahal na mahal ka ni Shayne.” Muntik maibuga yung iniinom ko, sa sinabi ni Isha. Anong pinagsasabi neto. Impossible namang lasing na siya, kasi hindi pa nga dumadating yung order namin.

Biglang may lumapit na waiter, “Mam, eto na po yung order niyo!”

 

“Thank You po.” Sabay pa naming sabi ni Isha.

Nakakatuwa naman, nabasa siguro ng waiter yung iniisip ko. Hahaha.

Nawala sa momentum yung usapan naming, dahil kay kuyang waiter! Makasingit sa usapan eh! “Ano na ulit yung sinabi mo kanina?”

 

“Alin dun? Na mahal ka ni Shayne?” Sagot niya habang binubuksan niya yung bote ng Fundador. Nagmamadali ata to mukang may lakad pa siyang iba! Haha.

“Malamang mahal ako nun, barkada kami diba? Hehe.”

“Hindi ako nagbibiro Clarice, nakipagusap ako para sabihin sayo na mahal ka pa ni Shayne.”

 

“Hindi kita maintindihan Isha.” Napapashot ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam bakit biglang affected ako. Okay na ko eh. Nakamove on na ko! Kinaya ko na ngang makasama siya nun!

“Nung una ko pa lang makita si Shayne sa school, tinamaan agad ako sa kanya. Siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Pero dahil naguguluhan ako sa sarili ko, hindi ko siya pinansin.” Ngayon naman hindi ko maintindihan yung kwento niya, pero nakikinig lang ako.

“Lumipas ang madaming taon, nakagraduate kami ng hindi ko siya naging kaibigan man lang. Hanggang sa aksidente kaming nagkita ulit. Nakaupo siya sa park nun, umiiyak. Pinigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya, kasi ang hirap, dahil pagkatapos ng ilang taon, hindi pa din nag bago yung pakiramdam ko sa kanya.” Napahinto siya dahil uminom muna siya. Talagang hindi niya nakakalimutan mag shot eh! Tsk.

“Okay lang ba nagkukwento ako? I mean hindi mo naman talaga ako ganun kakilala tapos sayo ko to sinasabi.”

 

“Okay lang, sige lang ilabas mo lang yang nararamdaman mo, makikinig lang ako.” Yan ang sagot ko sa kanya. Well hindi ako nagiging plastic, ganun naman ata ang role ko sa buhay. Ang makinig ng problema ng iba, kasi natutuwa ako kapag may mga natutulungan ako, o kapag may mga taong napapagaan ko ang loob.

“Salamat! So ayun, end up nilapitan ko pa din siya. Gulat na gulat siya nung nakita niya ako. Hindi kami naguusap dati pero alam kong kilala niya ako. Pero ako ang mas nagulat nung tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka ako niyakap.”

 

“Tapos?”

 

“Iyak siya ng iyak. Ilang beses ko tinanong kung bakit pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa nalaman kong ikaw pala ang taong iniiyakan niya. Nung nalaman ko yun aminado akong nainis ako sayo. Kasi pinaiyak mo ang babaeng mahal na mahal ko.”

 

“Hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabi ang lahat ng ito Isha. At hindi ko makita yung point ng paguusap natin na to. Wala na kami Shayne. At gusto ko lang ipaalala sayo na, siya ang nakipaghiwalay sa akin, siya nangiwan, at siya ang bumitaw.” Bigla na lang bumalik lahat ng sakit na dulot ng pagiwan sa kin ni Shayne. Lahat ng hirap ko, parang nabalewala. Hindi ko deserve ko!

Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya napaiyak ako. Bigla na lang tumulo ang luha ko dala ng sakit na nararamdaman ko.

“Hindi ko gustong manghimasok sa inyong dalawa, pero diba nung naghiwalay kayo, wala kang narinig na kahit anong dahilan niya?”

 

Naalala ko yung mga panahong pakiramdam ko naiwan ako sa ere! Yung sakit na dulot ng isang pagpapaalam na walang kahit anong dahilan.

 

“Ano ba talagang gusto mong sabihin? Can we just go straight to the point?” Medyo tumaas ang boses ko, pero pinipilit ko pa din controlin ang sarili ko.

“Gusto mo bang malaman ang dahilan bakit siya nakipaghiwalay sayo?”

Seguir leyendo

También te gustarán

284K 5.7K 23
May binago po ako sa mga huling chapters and i hope you like it :) Sawi sa pag ibig si Yanah . Her boyfriend cheated on her. At makikilala niya si Do...
448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
263K 4.6K 32
Two hearts, two minds, in time did find one love, one two paths the same. Hold fast. . . and love lasts.
463K 10.3K 32
Nakakainip maghintay sa pila, pero biglang nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang babae na payat tas flat.. uy type ko! Pero nang mapalingon...