My Binondo Girl After Two Yea...

By Gidgetwitty

247K 1.4K 802

Did it ever occur to you what will happen after My Binondo Girl ends? I decided to write a story about our fa... More

My Binondo Girl After Two Years Prologue & Chapter 1
My Binondo Girl After Two Years Chapter 2
My Binondo Girl After Two Years Chapter 3
My Binondo Girl After Two Years Chapter 4
My Binondo Girl After Two Years Chapter 5
My Binondo Girl After Two Years Chapter 6
My Binondo Girl After Two Years Chapter 7
My Binondo Girl After Two Years Chapter 8
My Binondo Girl After Two Years Chapter 9
My Binondo Girl After Two Years Chapter 10
My Binondo Girl After Two Years Chapter 11
My Binondo Girl After Two Years Chapter 12
My Binondo Girl After Two Years Chapter 14
My Binondo Girl After Two Years Chapter 15
My Binondo Girl After Two Years Chapter 16
My Binondo Girl After Two Years Chapter 17
My Binondo Girl After Two Years Chapter 18
Announcement
My Binondo Girl After Two Years Chapter 19
My Binondo Girl After Two Years Chapter 20
My Binondo Girl After Two Years Chapter 21
My Binondo Girl After Two Years Chapter 22
My Binondo Girl After Two Years Chapter 23
My Binondo Girl After Two Years Chapter 24
My Binondo Girl After Two Years Epilogue
Announcement/ Raffle Draw Winner

My Binondo Girl After Two Years Chapter 13

7.9K 46 26
By Gidgetwitty

Chapter 13

   "Andy, ang bilis talaga ng panahon. Imagine, December na," sabi ni Jade. Lulan sila ng kotse ni Andy. Kagagaling lang nila sa clinic ni Dr. Fernandez for check-up.

   "Oo nga mabilis ang araw. Babe,I'm really worried sa sinabi ng doktor mo kanina," may halong pag-aalala ang boses nito.  

   "Caesarian section is so common naman, Andy," kaswal na sagot ni Jade. "At least we get to pick the date of our twins, di ba?" nakangiting biro nito sa asawa na nakakunot ang noo.

   "You know what! This is it! I don't want any more kids after this, Jade! Ayaw kong mahirapan ka sa panganganak," madiin na sabi nito.

   "Ikaw talaga! Relax ka lang. Akala ko ba gusto mo ng maraming anak. Ngayon naman suko ka na," natatawang tudyo nito kay Andy.

   "That was before we found out that we are going to have twins tapos ngayon naman kailangang caesarian section pa," angal nito.

   "Ay naku, huwag ka ngang praning diyan. Okay lang ako sabi. Actually maganda na lately ang pakiramdam ko."

   "Basta Jade, take it easy sa bahay ha. Huwag mong bubuhatin si Sapphire, masyadong mabigat na ngayon ang baby natin," seryosong bilin nito.

   "Alam mo ba kanina, sabi niya "ako baby" sabay turo sa sarili niya," natutuwang kuwento ni Jade.

   "Kailangang dahan-dahanin na natin si Sapphire tungkol sa twins para hindi magselos later on pagnakita na niya ang mga kapatid niya. Sanay pa naman na siya ang center of attention."

   "I guess you are right, Babe," sang-ayon ni Jade.

   "By the way, may naisip na akong names for out twins," excited na deklara ni Andy.

   "Hindi na pwedeng Andrew Jr dahil dalawa sila. So ano ang naisip mo?" nakangiting tanong ni Jade.

   "Xian at Xander, what do you think, Babe?"

   "I like it, Andy!  Hmm, maganda," tumango-tango si Jade.

   "Talaga, Jade! Payag ka sa mga names na napili ko?" masayang bulalas nito.

   "Ansolutely! 100% agree ako," natatawang niyang sabi.

    Lately ay parating masaya ang pakiramdam ni Jade.  Hindi na siya bugnutin gaya noong unang mga buwan.

   "Siyanga pala, I have two weeks vacation coming up this month. Do you want to spend it in New York? Doon tayo mag-Christmas lahat. Pwede nating salubungin ang New Year doon. I'll book the hotel sa may midtown Manhattan para centro tayo sa lahat ng  mga activities. What do you think, Babe," tanong nito.

   "Andy, two weeks na lang Christmas na! Sinong kasama natin na pupunta?"

   "Bukod kay Sapphire, si Nanay, La Amor, Mama. Si Papa baka magpaiwan, para may mamahala sa Twin Dragons. You can ask Papa Chen and Tita Jean pero ang alam ko they are planning to go to China this Christmas."

   "Seryoso ka talaga, Andy?"

   "Babe, kailangang maiba naman ang Christmas natin this year. I'm sure mag-eenjoy tayong lahat lalo na si Sapphire pagdinala natin sa F.A.O. Schwarz." Ang binanggit ni Andy ay isang upscale na toy store sa Manhattan. "At siyempre mag-shoshopping tayo sa 5th Avenue, karamihan doon ay signature shops. Imagine, si Mama!"

   "O sige payag na ako pero sa Dec. 26 na tayo umalis para may kasama naman si Papa Edison sa Christmas tapos 10 days lang tayo doon," ani Jade.

   "Kung ano ang gusto ng asawa ko iyon ang masusunod," nakangiting sabi nito sabay kindat ng isang mata.

   Excited lahat sa bahay nang ibinalita ni Andy at Jade ang plano papuntang New York. Si Menchu ay dali-daling pumunta sa bahay nila nang tawagan ni Andy tungkol doon.

   "I'm so excited na! Zheny kailangang makapag-shopping tayo doon!" palundag-lundag ito sa tuwa.

   "Menchu, di ba maginaw doon ngayon?" tanong ni Zheny.

   "Oo pero kaya natin iyan basta may shopping. OMG, it's a shopper's paradise!!!"

   "Ako ay hotel na lang, baka sumpungin pa ang rayuma ko pag-sumama ako sa inyong mag-shopping. Ako na lang ang magbabantay kay Sapphire," singit ni Lola Amor.

   "La Amor, huwag kang mag-alala dahil isasama namin si Annika. Naikuha namin iyan ng visa early this year in case nga na biglang magplanong pumunta sa States naka-ready ang visa niya," anunsyo ni Andy.

   "Sir Andy, kasama po pala ako," tuwang-tuwang ito.

   "Oo Annika. Siyempre kailangang i-date ko itong asawa ko doon so kailangang may magbabantay sa princesa namin" sabi ni Andy sabay akbay kay Jade na nasa tabi niya.

   "Wow, stateside na ako!" sigaw ni Annika sa lahat. "Ma'am Jade, makakita po kaya ako ng Amercano na boyfriend doon?"

   Natawa na lang ang lahat sa biro nito.

   Bisperas ng Pasko ay nasa bahay silang lahat ni Edison nagtipon-tipon. Nakiusap kasi ito na tutal naman daw ay hindi siya kasama sa New York ay doon na sila lahat mag- spend ng Christmas eve. Wala namang tumanggi sa suggestion nito. 

   Unang dumating sila Andy, Jade, Sapphire,Zheny, Lola Amor. Hindi nila kasama si Annika dahil nagpaalam itong uuwi sa probinsya para madalaw ang mga magulang bago pumunta ng New York.

   "Tuloy kayo," salubong sa kanila ni Edison sa pintuhan. Agad nitong kinuha si Sapphire na buhat ni Andy. Hindi naman tumanggi ang bata na ikinagulat din nila dahil parati kasi itong nakadikit sa ama.

   "Ang ganda talaga nitong apo ko," bulalas ni Edison sabay halik kay Sapphire.

   "Siyempre nagmana po kasi sa mommy niyang maganda," nakangiting baling ni Andy sa asawa.

   "Totoo iyan, Andy. Kaya sigurado akong mga gwapo rin ang magiging kambal ninyo. Aba'y wala naman pangit na pagmamanahan di ba?" nagmamalaking sabi nito sa lahat.

   "Hello everybody, I'm here," masayang bati ni Menchu na kararating lang. "I saw Trevor and Amethyst outside. Marami yatang dalang regalo kaya hindi pa pumapasok," dagdag nito.

   "Andy, iyong mga gifts natin nasa likod pa ng kotse," paalala ni Jade.

   "Teka, kukunin ko lang," akmang lalabas uli si Andy nang biglang sumigaw si Sapphire.

   "Daddyyyyy," malakas na tili nito nang makitang lalabas si Andy. Nagwawala ito sa pagkakahawak ni Edison.

   Biglang napabalik si Andy para kunin si Sapphire sa ama niya. Agad namang sumama ang bata at mahigpit na kumapit sa leeg ni Andy.

   "Andy, ipapakuha ko na lang sa mga katulong ang mga gifts ninyo sa kotse," sabi ni Edison.

   "Sapphire, gustong mong sumama sa mommy," tanong ni Jade.

   "NO!" umiling-iling ang ulo nito.

   "Babe, bayaan mo na. At saka di ba sabi ko sa iyo huwag mong binubuhat na si Sapphire," paalala nito sa asawa.

   "Oo na," tahimik sa sagot ni Jade.

   "Pagwala naman si Andy sa bahay ay sumasama iyan kahit kanino. Umaarte lang pag nandiyan ang ama niya," obserba ni Lola Amor.

   "Nay, wala tayong magagawa. Daddy's girl ang batang iyan," ani Zheny.

   "O nandito na pala sila Trevor at Amethyst," putol ni Menchu sa usapan.

   "Merry Christmas to all!" sabay na bati ng mag-asawang kapapasok lang ng bahay.

   "Merry Christmas!," balik na bati ng lahat.

   "Kumain na tayo, ready na ang mga pinahanda ko," anyaya ni Edison.

   Pagkatapos nilang kumain ng masasarap na putaheng ipinahanda ni Edison ay pumunta na silang lahat sa family room para doon magbigayan ng mga pamaskong regalo.

   Si Sapphire ang pinakamaraming tinanggap na regalo. Pinaka-bongga ang bigay ng Lolo Edison nito na tatlong milyon para idagdag sa savings account na binuksan ni Andy at Jade noong first birthday nito.

   "Ikaw, Trevor kailan ninyo ako bibigyan ng apo ni Amethyst?" tanong nito sa bunsong anak na lalaki.

   "Papa, huwag naman ninyo kami i-pressure," mapait ang ngiti nito.

   "Sinasabi ko lang kasi matagal-tagal na rin kayong kasal bakit wala pa rin kayong anak. Tingnan mo ang kuya mo, magkakaanak na naman kambal pa," pagkukumpara nito kay Andy.

   "Pa, please stop pressuring them. Hindi pa siguro sila handa," kampi na sabi ni Andy.

   "Okay, sorry" tinaas ni Edison ang isang palad tanda ng pagsuko sa mungkahi niya.

   "Tama na iyan, let's just enjoy this Christmas season," saway ni Menchu sa lahat para mabawasan ang tensyon sa mag-aama.

   Pagkatapos ng maliit na tensyon sa iyon ay pinilit ng lahat na maging masaya ang mga paksa na pag-uusapan nila. Kaya nang umuwi silang lahat ng gabing iyon ay makikita ang kasiyahan sa bawa't mukha nila.

   Tanghali nang lamapag sa JFK International Airport ang eroplanong sinakyan nila mula sa Pilipinas. Dahil hindi sila kakasya sa ordinaryong kotse ay nag-hire si Andy ng limousine for the entire duration ng vacation nila sa New York. Nagkataon din na Pinoy ang driver na natapat sa kanila, si Mang Jose na sampung taon na naninilbihan sa companya na iyon.

   "Welcome po sa New York, the city that never sleeps," salubong nito sa kanila sa may baggage area ng airport. "Jose Padilla po at your service," magalang na pakilala nito sa sarili.

   "Thank you po sa pagsundo, Mang Jose," nakangiting bati ni Jade.

   "Ano ba ang pangalan ng hotel natin, Andy," tanong ni Zheny.

   "Sa Four Seasons Hotel po tayo naka-book, Nay," sagot nito sa biyanan.

   "Wow, sosyal ang anak ko talaga," tuwang-tuwang napatili si Menchu.

   "Ano ba iyang season season na iyan?" tanong ni Lola Amor habang bitbit ang isang bag na maliit.

   "La Amor, five star hotel po iyon," pahayag ni Jade.

   "We have to go, nangangawit na ako dito sa princesa ko," sabi ni Andy habang buhat sa isang braso ang anak at bag sa kabilang kamay. 

   Nakatulog na si Sapphire nang dumating sila sa hotel kaya naibigay niya ito kay Annika na kanina pa umiikot ang mga mata sa pagkamangha sa ganda ng paligid. Suite  na may tatlong bedrooms  ang kinuha ni Andy sa Four Seasons Hotel. Halos malula si Jade sa halaga nito nang makita ang pinirmahan ng asawa.

   "Andy, bakit naman ito ang pinili mong hotel, sobrang mahal," nagrereklamong sabi ni Jade.

   "Babe, it's my treat, ano ba? Just enjoy it! Kaya ko naman. I just want the best for my family," nakangiting sagot nito.

   "Sabi nila the best way to fight jet lag ay huwag tayong matulog sa araw pagdating galing sa trip para mamayang gabi mahimbing ang tulog natin," bida ni Menchu. "So let's go shopping now while it's still early."

   "Sige Menchu sasama kami ni Nanay," agad na pumayag si Zheny sa suggestion ni Menchu.

   "I think Jade should really rest, Ma." tanggi ni Andy.

    Kahit kasi nasa first class sila ng eroplano ay hindi pa rin ganoon ka-comfortable si Jade dahil sa six months pregnant na ito.

   "I understand, anak. Kami na lang nila Zheny ang lalakad. I know my way around New York naman."

   "Isama na ninyo si Annika para may taga bitbit ng mga extra shopping bags ninyo. Siguradong hindi ninyo kayang dalhin lahat mamaya pag-uwi ninyo," tukso nito sa ina.

   "Yeheyy, kasama ako," tuwang-tuwa si Annika. "Sir Andy, paano po si Sapphire pag-nagising?"

   "Ako na ang bahala sa kanya."

   Pagkatapos magbihis ay umalis na sila Menchu, Zheny, La Amor at Annika para mag-shopping. Si Sapphire ay inihiga ni Andy sa kama nila ni Jade. Samantalang si Jade naman ay natulog na rin katabi ang anak. Nanonood ng news si Andy nang maramdaman din ang antok. Sa pagod ay nagpasiya na rin siyang makatulog kasama ang asawa at anak sa king-size bed nila.

*******Please vote, share, like and leave a comment :) Also please follow me on Twitter @gidgetwitty. Thank you so much!!!

   

   

   

   

   

   

   "

   

   

   

   

   

   

   

  

  

   

   

   

Continue Reading

You'll Also Like

238K 10.1K 60
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
7.2M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
11.4M 296K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...