MISANDRIST SERIES 1: In Love...

By CeCeLib

12.5M 266K 31.2K

SYNOPSIS: When God showered bitterness unto the world, Aminah was in the open and caught it all. To Aminah... More

SYNOPSIS
WELCOME TO MISANDRIST CLUB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24

CHAPTER 4

446K 10.5K 1.1K
By CeCeLib

CHAPTER 4

NANG MAGISING si Aminah, kinabukasan, paika-ika pa rin siyang naglalakad. Tumawag sa kaniya si Psyche kagabi na hindi tuloy ang Bar Hoping nila. Salamat naman dahil hindi talaga niya kayang maglakad ng tuwid.

Nasa sala siya at patungo sa kusina ng tumunog ang doorbell niya. Paika-ikang lumapit siya sa pinto at binuksan 'yon.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya ng makita kung sino ang nasa labas. "Sino ho kayo at anong kailangan niyon sakin?" Tanong niya sa ginang na nasa labas ng pinto niya.

Ngumiti naman kaagad ang kaharap. "Good morning, ho. Isa po ako sa mga kasambahay ni Sir Magnus at pinadala niya po ako rito para daw po alagaan kayo."

Umawang ang labi niya at napatigalgal siya. "Ano?"

Inulit ulit ng ginang unang sinabi habang nakangiti. "Pinadala po ako ni Sir Magnus para alagaan kayo hanggang sa nakakalakad na po kayo ng maayos."

Magiliw niyang nginitian ang ginang, ayaw niyang maging bastos dito. "Ahm, teka lang ho, ha, tatawagan ko lang si Magnus. Ahm," ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi, "puwede ko ho bang sarahan muna ang pinto? Bubuksan ko nalang po ulit pagkatapos kong tawagan si Magnus. Pasensiya na talaga, hindi kasi kita kilala e."

Tumango ang ginang. "Naiintindihan ko ho, ma'am. Ako nga pala si Nay Korita."

Nakangiti siyang tumango saka dahan-dahang sinarhan ang pinto at ni-lock iyon kapagkuwnan ay paika-ika na namang umakyat siya sa second floor saka tinawagan si Magnus.

Nakakailang tawag na siya pero hindi pa rin siya nito sinasagot.

"Argh!" Inis niyang sabi, "last na to."

Tinawagan niya ulit si Magnus at tumalim ang mga mata niya ng sagutin nito ang tawag.

"Hey, how are—"

"Sino ka ba sa tingin mo para magpadala ng katulong dito sa condo ko?!" Galit kaagad niyang bungad. "Hoy, lalaki, hindi porket pinatuloy at pinakain kita sa bahay ko ibig sabihin ay pakikialaman mo na ang buhay ko! Pauwiin mo ngayon din ang katulong na nasa labas ng bahay ko ngayon din!"

Galit na galit siya rito dahil pinangunahan siya nito. Sino ito para magdesisyon para sa kaniya samantalang ni hindi nga niya ito gaanong kilala?

"Tapos ka na magsalita?" Kapagkuwan ay tanong ni Magnus pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

"Oo, bakit?" She snapped at him again.

Magnus sighed. "Look, Aminah, ginagawa ko 'yon para sa proyekto mo samin." Paliwanag nito, "hindi puwede paika-ika ka sa photo shoot at siguradong yon ang mangyayari kung wala kang masusuyo riyan sa condo mo. Mas lalala yan, kaya ipahinga mo yan at makisuyo kay kay Nay Korita, tutulungan ka niyan. Mabait yan kaya huwag mong sisigawan, okay?"

"Ano tingin mo sakin, walang puso!?" Galit na sigaw niya rito saka pinatayan ito ng tawag.

Paika-ika na naman siyang bumaba sa second floor at maluwang na binuksan ang pinto. Mukhang wala siyang pagpipilian kundi ang papasikin si Nay Korita. Hindi man siya sumang-ayon dito kanina, tama ito, kailangan niyang ipahinga ang mga paa niya.

"Upo ho kayo, ma'am. Ano pong gusto niyong gawin ko?" Kaagad na tanong sa kaniya ni Nay Korita ng makapasok ito sa loob.

"Ahm," paika-ika siyang lumapit sa mahabang sofa saka naupo doon. "Ipagluto niyo nalang po ako ng agahan, puwede ho ba?"

"Oo naman po." May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pantalon saka inabot sa kaniya. "Ma'am, pinapabigay pala ni Sir Magnus. Para daw sa paa mo."

Tinanggap niya ang maliit na tube at sinuri. It's an ointment for swollen parts of the body. Napailing-iling siya. Why is that man doing this? Oh. Yeah. Its for the project next week. Yon ang dahilan kaya ginagawa nito ito.

Habang pinagluluto siya ng agahan ni Nay Korita, pinahiran niya ng ointment ang mga talampakan niya hanggng sa bukung-bukungan. While she's applying the ointment, she can't help thinking about Magnus. She's curious about him. Anong klaseng tao ba ito?

Sa isiping 'yon, paika-ika siyang naglakad patungo sa kusina para kausapin si Nay Koring.

"Hello po." Bati niya sa ginang na nagluluto.

Kaagad naman siya nitong binalingan at ngumiti. "Malapit na pong maluto itong niluluto ko." Imporma nito sa kaniya at ibinalik ang atensiyon sa niluluto.

"Ahm," umupo siya sa bakanteng silya at lakas-loob na nagtanong. "Nay Korita?"

"Yes, ma'am?"

"Ilan taon ka na pong nagtatrabaho para kay Magnus?
"
"Naku, ma'am, matagal na." Sagot nito habang nagluluto pa rin. "Bata pa si Sir Magnus, katulong na ako sa bahay nila."

Napatango-tango siya. "Babaero ho ba yong boss niyo?"

Mahinag tumawa si Nay Korita at humarap sa kaniya. "Hay, naku ma'am, lapitin talaga si Sir ng mga babae. E syempre, palay na ang lumalapit sa manok, aayaw pa ba?"

Umingos siya. "Typical of men."

Sabi na nga ba, walang pinagkaiba si Magnus sa lahat ng lalaki na manloloko at manggagamit.

"Pero nitong mga huling taon, parang wala na akong nababalitaang girlfriend ni Sir." Kunot-nuo nitong sabi. "Mga three years na rin siyang walang girlfriend."

She doubts it. No man can survive without a girlfriend to fool that long. "Paano naman niyo nasabing wala? For sure mayroon 'yon, mga lalaki pa."

"Yan si Sir, kapag may girlfriend 'yan, hindi yan umuuwi sa bahay. Palaging nasa labas at umuwi man, madaling-araw na." Paliwanag ni Nay Korita, "pero nitong nakalipas na tatlong taon, pagpatak ng alas-sais nasa bahay na si Sir, doon kumakain at natutulog. Nakapagtataka nga yon nuong una pero ng lumaon, nasanay na rin kami."

Nakapagtataka nga 'yon. "Baka naman lumalabas siya ng hindi niyo alam."

"Hindi naman ganoon si Sir." Depensa nito. "Kapag 'yon lumalabas, nagpapaalam yon samin at nagsasabi kung kailan uuwi."

Napatango-tango siya at tumahimik. Hindi pa rin siya kombensido sa mga nalaman. Lahat ng lalaki, hindi makakatagal ng walang babae at sex. That's their nature. Yong mga puso nila, nasa puson.

Ilang minuto rin siyang nakaupo ng walang imik bago inilapag ni Nay Korita sa ibabaw ng mesa, sa harapan niya, ang kaniyang agahan.

"Heto ho, ma'am." Anito.

Nginitian niya ito. "Salamat." Tinuro niya ang Ref. "Puwede po bang pakuha ng Milk Tea po diyan? Nasa may lower level po, kasama ang straw."

Kaagad namang tumalima si Nay Korita at Kinuha ang Milk Tea niya kagabi na binili ni Magnus.

"Puwede po bang gawan niyo ako ng kape?" Nakangiting suyo niya kay Nay Korita. "Pasensiya na ho talaga, ha?"

"Ano ka ba, ma'am, ayos lang 'yon." Nakangiti nitong tugon habang gumagawa ng kape sa coffee maker.

"Kain ka po, Nay Korita." Anyaya niya rito habang nag-uumpisa nang kumain.

"Sige lang po, ma'am, kumain na po ako sa bahay." Anang ginang.

"Ah." 'Yon lang ang nasabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

After she ate her breakfast, she sipped her coffee and went to her room. Hinayaan niya lang si Nay Korita sa ibaba na maglilinis daw.

Aminah rested her feet just like what Magnus said. Hindi niya iyon inapak hanggang sa mag-tanghalian. Dinalhan lang siya ng pagkain ni Nay Korita at hanggang dumating ang gabi, nandoon lang siya sa kuwarto niya, nag-i-internet o kaya naman nagbabasa mga action-erotic romance books na nabili niya sa isang book store at nakatengga lang sa kuwarto niya dahil palagi siyang abala. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras para basahin 'yon.

Napatigil siya sa pagbabasa ng tumunog ang message alert tone niya. Tiningnan niya kung nasaang page na siya sa binabasang libro saka isinara iyon ay inabot ang cellphone na nasa gilid ng unan niya at binasa ang text.

'Special Milk Earl Grey Tea or Milk Moustache Black Tea? Please reply.'

Hindi niya mapigilang mapangiti sa text na 'yon ni Magnus.

Then she replied, 'Both'.

'Okay.' He replied then another text came in that says, 'Do you like another Spicy Liver Fry?'

Mahina siyang natawa saka ni-reply-yan ang binata. 'Yes.'

'Okay. Wait for me there.'

Napakurap-kurap siya ng mabasa ang text nito saka umawang ang labi niya. "He's really coming over again?" Namimilog ang matang tanong niya saka napabuntong-hininga nalang.

What's with that guy? Is this because of the Project again next week?

Naiiling na bumangon siya sa kama saka nag-tooth brush. Hindi na siya nagpalit ng damit, hindi naman importante ang pupunta sa bahay niya. She was wearing large shirt, sweatpants and her hair is in a very messy bun.

Nang makababa siya, tamang-tama namang nagpaalam na si Nay Korita na uuwi na daw.

"Babalik din ho ako bukas." Anito.

Tumango siya at nginitian ito. "Maraming salamat po, Nay Korita."

"Walang anuman ho, ma'am."

Nawala ang ngiti niya ng makaalis ang ginang. Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka umupo sa sofa at hinintay na dumating si Magnus. It didnt take long though. Her doorbell rang minutes after Nay Korita left.

Hindi na siya masyadong umiika-ika habang naglalakad patungo pinto. Nang buksan niya iyon, kaagad na pumasok si Magnus at dumeretso sa kusina niya.

"Great." Sarkastiko niyang sabi. "He felt at home."

Nakataas ang kilay na isinara niya ang pinto at sinundan ang lalaki sa kusina. Naabutan niya itong inilalagay sa ref ang isa sa dalawang klaseng Milk Tea na nakapagpatubig ng bagang niya ng makita niya, ang isa naman ay nasa mesa at nakatusok na ang straw. At parang at home na at home ito habang isinasalin ang Spicy Liver Fry sa bowl at sumasandok ng kanina sa rice cooker.

"Here you go." Anito. At tulad kagabi, ito ang naghanda ng makakain niya. "Spicy Liver Fry. Rice. And then Milk tea."

Umupo siya sa silya at napatingin sa pagkaing nasa harapan niya saka nag-angat ng tingin dito. "Hindi ka kakain? Marami iyang Spicy Liver Fry."

Lumiwanag ang mukha nito. "Puwede akong sumabay sayo?"

"Yeah. Sure."

Mabilis itong kumuha ng sariling pinggan at kutsata saka tinedor kapagkuwan ay inilapag ang mga 'yon sa mesa.

"Ahm, do you mind if I take off my polo?" Tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin dito, "what?"

"My polo." Inumpisan na nitong buksan ang butones ng polong suot. "Mas komportable kasi ako kapag naka boxer shirt."

Tumango siya na para bang wala lang 'yon sa kaniya pero ang utak niya ay sumisigaw ng huwag. Ayaw niyang makita nitong apektado siya, tiyak na gagamitin nito 'yon laban sa kaniya. That's men. Gamers and users. Fuck them!

Aminah simply gulped when Magnus takes off his polo showing his tattoos from his arms to his shoulder blades. Pinaghalo iyong tribal design at mga iba pang bagay na siguro may halaga dito.

Darn it. He looks like a badass business man. Dayum Hot, baby.

Pasimple siyang napalunok ng makita ang mamasel nitong braso. Heavens! Is this man tempting her?

Napailing-iling siya saka binalik ang tingin sa pinggan niyan.

Pareho silang walang imik habang kumakain. And just like yesterday, ito na naman ang naghugas ng pinagkainan nila pagkatapos ay walang sabi-sabing pinangko na naman siya ay inupo sa mahabang sofa.

"Stay here." Anito saka bumalik sa kusima.

Nagsalubong ang kilay niya ng bumalik ito na may dalang parang karton ng lalagyan ng Pizza at dala nito ang Milk Tea na nilagay nito sa Ref kanina.

"Ano 'yan?" Tanong niya ng ilapag nito ang box sa may round table.

Hindi siya nito sinagot sa halip ay binuksan nito ang box. Bigla siyang naglaway ng makitang Strawberry Pie ang laman niyon.

"Oh my god..." mahina niyang sambit saka kaagad na kumuha ng isang slice at kumagat, "hmm... ang sarap." Binalingan niya si Magnus na nakamasid lang sa kaniya, "paano mo nalamang gusto ko ng strawberry pie?"

"Nuong binuksan ko kasi kahapon ang Ref mo, ang daming strawberry do'n, so i assumed that you'll like strawberry pie too." Wika ni Magnus habang sinusuot ang polo na na hinubad nito kanina.

Aminah felt disappointment coating her being. Nagagandahan pa naman siya sa tatoo nito. She felt like staring at it closely.

"Aalis ka na?" Tanong niya ng makitang binutones nito ang polo.

"Yeah. I have to." He gives her a tight smile then he put his hands on his pocket. "Anyway, enjoy the pie."

"Okay."

Ngumiti ito saka tumango.

Humakbang ito patungo sa pinto. Tumayo naman siya para ihatid ito at i-lock ang pinto pagnakalabas na ito.

"Bye." Aniya ng makalabas ito sa condo niya. "Salamat sa Strawberry Pie." Yes, she hates men but she do know how to be grateful to someone.

Namulsa ito saka matiim na tumitig sa kaniya. "Bye."

Tumango siya. "Okay."

Magnus was looking at her like he was holding on to something; like he was reining himself to do something that he really wants.

"Okay ka lang?" Tanong niya kapagkuwan ng hindi pa rin ito umalis sa harapan niya. "May kailangan ka pa?"

"Yes." Magnus answered. "I do need something." With that, he steps closer to her, leaned in and claimed her lips.

#SexFunFactTrivia

Vagina in latin means Sheath for Sword.

--> mga bhe, lalagyan ng espada ang mga kuwenba natin. Naku, anong klaseng espada kaya yan? Yong matulis at mahaba? Diba ang espada, mahaba? Kung ganoon, bawal magpapasok ng kutsilyo, maikli kasi e. Haha.

#SayYesToSword
#SayNoToKutsilyoKasiMaikliHindiSarap

Hahhahahaha

*Enjoy Reading*

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
495K 35.9K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...