When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Introduction

30.2K 523 95
By pajibar

                Kasalukuyang nandidito kami ni Lele sa Canteen at kumakain.

                Si Lele, short for Scarlett, ang bestfriend ko. Ako nga pala ang pinaka tamad na nilalang sa balat ng lupa dahil maiksi na nga lang ang pangalang Scarlett eh tinatamad pa akong bigkasin ito.

                Eh wala eh. Sayang yung laway ko eh.

                Kung gaano ako kaloko sa buhay ko, ganun naman ka-ayos at kalinis kumilos si Lele. Eh malamang. Siya maganda, maputi, makinis, matalino, mahinhin (pag hindi mo kakilala masyado), at lahat na nasakanya na! (Ang sugapa niya, ano po?)

                 “Ano, Lele? Tapos ka na ba?” tanong ng bestfriend ko sakin.

                 Oo, Lele rin ang tawag niya sa akin. Short yun for Hayley.

                So ano na? Meant to be na ba talaga kami? Na kahit sa nicknames eh magkaparehas kami?

                Pero seryoso, Lele talaga ang nickname ko. Yun yung binigay sakin ng parents ko nung baby pa ako. Kaso, ayoko nun kasi parang…ang pangit. Ngayon, etong bwisit na author naman ng bwisit na storyang ito, ay ginamit ang bwisit na nickname na yun para sa isang bwisit na taong katulad ko.

                “Oo, kanina pa.” sagot ko kay Scarlett. Yung tunay na pangalan niya nalang yung gagamitin ko ngayon para hindi kayo maguluhan, okay? 10 pesos bawat isang banggit ko ng pangalan niya para naman worth it yung laway ko.

                “Oh edi, halika na pala.” Tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

                “MAMAYA NA! Nandito pa si Dylanbabes. Magpapansin lang ako sa kanya saglit.”

                Si Dylanbabes slash Hubby ko, pala ang matagaaaaaal ko nang crush. As in matagal. Yung, simula pa nung embryo palang ako sa tyan ng nanay ko eh crush ko na siya? Ganun ba.

                Gusto niyo ba siyang makilala? Eh kaso wag na kasi baka maging crush niyo rin siya at baka agawan niyo lang ako!

                Pero sige na, dahil mabait naman ako, ipapakilala ko muna siya sa inyo.

                Si Dylan ay ang tinatawag na “hearthrob” dito sa school namin. Pero hindi naman siya yung tipong pinagkakaguluhan talaga ng mga estudyante. Yung mga ini-stalk pa siya at ginagawan ng blog, hindi siya ganun. Hindi kasi yun uso dito sa school namin.

                Kasi ako lang yung gumagawa nun. *evil smile*

                Maraming nagkaka-crush sa kanya. Kahit yung mga lower year levels eh pinag-aagawan din siya. Eh paano ba naman, ang gwapo ng nilalang to eh.

                Mula ulo mukhang paa. Este, mula ulo hanggang paa eh napaka-perfect at flawless ng lalaking ‘to. Matalino pa, sports, mayaman, simple at lahat na nasa kanya na din! Parehas sila ni Scarlett eh! Kinuha na lahat! (Okay, 10 pesos ko po.)

                Nakaupo lang ako sa table habang tinitignan siyang kumakain ng burger sa kabilang table na di naman kalayuan sa amin. Ang pogi niya talaga!

                “Oh, dahan-dahan lang sa kakatitig! Baka matunaw siya nyan.” pang-aasar ni Scarlett.

                “Hoy Lele, pigilan mo ko. Baka ma-rape ko na to ng wala sa oras!”

                Medyo matagal din akong tumunganga sa kanya—mga 59 minutes, ganun—bago siya makatapos kumain. Oo, talagang hinintay ko siya makatapos!

                Tumayo na siya kasama ang barkada niya para umalis na sa table. Pero hindi pa rin naalis ang tingin ko sa kanya. Tss, kailangan pati yung paglalakad niya eh pefect?!

                Nakita kong tinapon niya ang basura ng pinagkainan niya ng burger sa trash can.

                “Halika na Scarlett!” tawag ko sa bestfriend ko nang makalayo na sila Hubby ko.

                Tumakbo ako papunta sa basurahan kung saan si Dylan nagtapon ng bausra.

                “Anong gagawin natin dito sa basurahan?” tanong niya na talagang nagtataka. Baka mags-swimming tayo. Ngumiti lang ako sa kanya ng nakakaloko.

                 “Teka,” nagulat siya at parang na-realize niya na kung anong gagawin ko. “Wag mo sabihing kukunin mo yun?”

                “MWHAHAHAHA!” Evil laugh po yan.

                Sumilip ako sa basurahan at hinanap ang pinagkainan ng burger ni Dylan. Oo, tama kayo. Yung PINAGKAINAN ng burger niya ang hinahanap ko.

                 Buti na nalang at konti lang ang basura at madali ko lang din nakita ang plastik ng burger ni Dylanbabes.

                “Ayun!” sigaw ko na parang malaking achievement na yun sa akin sabay kuha nung pinagkainan niya.

                “Seriously, Hayley? Kadiri naman to! Pati ba naman yan kukunin mo pa!” sabi ni Scarlett. Sus, para namang hindi pa siya nasanay!

                “Ano ka ba naman Scarlett, hinawakan to ni Dylanbabes, so, parang indirect touch na rin yun!” paliwanag ko. “For short, parang nag-holding hands na rin kami...in a very creative way!”

                Napa-facepalm na lang si Scarlett sa mga kalandian at kalokohan ko. HAHA. Ganyan talaga ako. Masasanay rin kayo.

***

                 Ako nga pala si Hayley Williams. De joke.

                Ako nga pala si Hayley Nicole Gonzales (add niyo ko sa peysbuk ha?) isang babaeng adik, at patay na patay kay Dylan Delos Reyes (add niyo rin siya sa fb ayiee), isang lalaking hinding-hindi ako mapapansin; at kung sakaling pansinin niya ako, iiwas siya at magkukunwaring hindi ako napansin.

                Ako si Hayley (paulit-ulit?), handang gawin ang lahat makuha lang ang matamis na “oo” ni Dylanbabes.

Continue Reading

You'll Also Like

93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
1.9M 95.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
33.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...