Do You Know ME?

By OheMGeee

5.2K 164 25

Natural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. T... More

Prologue
Chapter 1: Meet my RLE
Chapter 2: Meet Elle
Chapter 3: Danielle Kezia
Chapter 4: My Fiance
Chapter 5: 5 Signs
Chapter 6: First Sign?
Chapter 7: Friends
Chapter 8: Ice Cream
Chapter 9: Maturity
Chapter 10: Second Sign?
Chapter 11: Satur-date Part 1
Chapter 12: Satur-date Part 2
Chapter 14: First Kiss
Chapter 15: Graduation Day
Chapter 16: Celebration Party (Day 1)
Chapter 17: Celebration Party (Day 2)
Chapter 18: Celebration Party (Day 2 Part 2)
Chapter 19: Lasing Lang Ako
Chapter 20: 2 days Exchange
Chapter 21: Kezia as an Employee
Chapter 22: Meet Lolo
Chapter 23: Joseph
Chapter 24: Love is..
Chapter 25: The Wall
Chapter 26: Be my Friend!
Chapter 27: Mahal na nga kita
Chapter 28: Sana ako yun
Chapter 29: Jelou-twin
Chapter 30: The Truth behind the lies
Chapter 31: What's inside the mirror?
Chapter 32: First Day Try
Chapter 33: The Unexpected Encounter
Chapter 34: The Boards
Chapter 35: The Challenge
Chapter 36: Hello Baguio!
Chapter 37: The Clash
Chapter 38: Hospital
Chapter 39: The Visitors
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note!

Chapter 13: The Company

99 6 0
By OheMGeee

Tumawag nga sa akin si Sophia kinagabihan. Nag-rant na naman siya about sa project proposal niya. Hindi daw siya makaisip nang magandang concept about sa resort na gusto niya sa Palawan at lagi nalang daw siyang pinapahiya ni Mr. Liu sa harapan ng ibang board members at employees. Sobrang na-pepressure na daw siya. Dagdag pa niya, isa sa mga bestfriends niya ay aalis papuntang California sa mismong day ng pagpe-present niya. Magtatampo daw yun pagkahindi pumunta si Sophia sa airport. Ayaw naman daw niyang mangyari yun kaya may naisip siya.          

"WHAT?! NO WAY!", gulat na sabi ko.  

"Pleaaaase. Two days lang naman eh. Kaya mo namang magpresent sa harap diba? Isipin mo nalang eh nagrereport ka sa classroom niyo."  

"Pero board members yun Sophia! Hindi classmates! And bakit two days?", hindi makapaniwalang sabi ko. Magpapanggap daw ako bilang Sophia.  

"Para mag-spend ng quality time sa bestfriend ko ang isang araw tapos yung departure day niya yung next day."  

"Mas uunahin mo pa yun kaysa sa trabaho?"  

"Syempre! Best friend ko yun Kezia. Paano kung bestfriend mo yung umalis? Hindi ka ba malulungkot?"  

"Siyempre, malulungkot. Tsaka, ikaw lang naman ang bestfriend ko ah. Alam ko namang hindi mo ako iiwan eh.", inis kong sabi.  

"Awww. Sweet. Kaya mahal na mahal kita eh. Pleaaaase... Pretty pleaaase."  

"Eh paano kung hindi ma-approve yung proposal?"  

"Alam kong kaya mo yan.", Psh, parang dati ako lang yung nagsasabi na, 'I believe in you' sakanya. Bumuntong hininga ako.  

"Okay. Fine. May magagawa pa ba ako. Eh ayoko din namang magtampo yung besfriend/ kambal ko sa akin eh.", give-up kong sabi.  

"TALAGA!? THAAAAAAANK YOOOOOOU KEZ!", sigaw na sabi niya.  

"Hay, talaga naman oh. Malakas ka sa kin eh. Pag-aaralan ko nalang yung proposal na gusto mo, sabihin mo nalang yung details at tatapusin ko."  

"Thank you talaga! The best ka talaga!"  

"Oo na, huwag mo na akong bolahin."  

"Oo nga pala, anong nangyari sa date mo kanina? Kwento!", natanong niya bigla. Napangiti ako nung naalala ko si Ryder.  

Kinuwento ko yung mga nangyari kanina. Kilig na kilig si Sophia. Sabi pa niya sa akin eh dahan dahan lang daw ako. Natawa lang ako sakanya. Bago pa niya ibaba ang phone, sabi niya pa eh ii-ikot daw niya ako sa office para ma-familiarize ko yung place. Tatlong beses palang akong nakakapunta sa company namin pero naliligaw padin ako. Mahirap talaga sa aking ma-familiarize ang isang lugar lalo na kung malaki yun. Sabi pa ni Sophia, gagawa siya ng list ng mga tao with picture and job descriptions with side comments. Natawa ako sa side comments na sinabi niya. I-sesend niya daw sa akin lahat bukas.  

May magagawa pa ba ako? Tingin ko, mas okay na din na bumalik ako ng mas maaga...     

...sa totoo kong mundo.  

~~~~~~~~~~~~~~~~~~  

Inimbitahan ako ni Ryder sa graduation niya. Magna Cum Laude siya. Siya na talaga! Na-meet ko na din yung family niya. Sobrang bait ng mga magulang niya. Ganun din ang mga kuya niya. Grabe, ang sayang kasama. Tinanong pa ako ng Kuya Renz niya kung effective daw ba ang panliligaw ng kapatid niya. Sinabi ko na hindi naman nanliligaw si Ryder. Inasar siya na hindi daw ako informed. Natawa lang ako. Binigay ko kay Ryder yung gift ko. Guess what? My magic coupons. Hahaha, hand made coupons lang yun. Compose of 3 wishes, and 2 do-me-a-favor coupon. O diba? Bihira ko lang ibigay yan. Hahah, usually sa RLEmates ko lang binibigay yan. ^_^ Natawa lang siya. Best gift daw. Text niya nalang daw ako kung nakaisip na siya. Baka kasi after graduation eh busy na kami at hindi na kami gaanong magkita.   

Malay natin. Hehehe. Kumain kami sa isang restaurant. Napag-usapan ng family niya kung anong position ang gusto ni Ryder. Sabi niya, kahit ano daw. Kasama din pala ang mga girlfriends ng kuya niya. Ang gaganda nila! Sobrang funny pa. Nag-congratulate din sa akin ang parents ni Ryder. After 2 days kasi graduation ko naman daw. Hindi daw sila makakapunta dahil may business trip daw sila tomorrow papuntang New York. Sabi ko eh okay lang. Ang mahalaga daw eh makapunta ang family ko sa mismong graduation ko. Ngumiti lang ako. Alam kong makakapunta sila Tito Calix.     

Eh sila daddy kaya? Pina-alam ko kila Lola a week ago na graduation ko sa friday. Nakausap ko siya sa phone at tinanong kung anong gusto kong gift. Sabi ko, basta makapunta sila. Si Kuya Troy naman, ni-note niya sa planner niya yung March 28. Naalala kaya nila?  

Kinabukasan, nagkita kami ni Sophia. Eto na pala yung day na pupunta kami sa company namin. Nandito kami sa bahay namin. Pinagdress ako ni Sophia dahil mga ganun ang style ng suot niya lagi. Actually, hindi ako komportable sa mga dress. More on jeans ako. Ginamit namin ang kotse niya. Napag-aralan ko na din pala yung mga taong kailangan kong makilala. Huwag daw akong kabahan. Karamihan naman daw eh mabait. Binaba ako ni Sophia sa may entrance. Hintayin ko nalang daw siya. Sabi ko bilisan niya. Pagkababa ko, tumambay muna ako sa labas ng building. Marami ang ngumingiti sa akin at bumabati ng 'Good morning'. Ngumingiti din naman ako at bumabati pabalik. Ang tagal naman niya. Nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin.  

"Elle! What are you doing here outside? Waiting for Gavin?", nagulat ako. Kala ko kilala niya ako. Nakalimutan kong parehas kaming nickname ni Sophia. 

Sino nga ba itong babaeng 'to?  

"Hey! Arah. Ahm hindi. Waiting for my sister. And I'm not.."    

"Really? You mean you're twin sister?! Pakilala mo ko ha! Anway, wanna come with us later? Clubbing?", Arah Arameda. HR Head.   

Wait ano daw? Clubbing?!  

"Ah, hindi na. May mga gagawin pa akong mas mahalaga eh.", sabi ko. Yan naman talaga diba ang isasagot ni Sophia pag siya ako?  

"OMG! Really? For the first time Elle tumanggi ka? May date ka noh?", nakangising sabi niya. 

What? For the first time?! Oh no. Anong idadahilan ko?!  

"Hahaha, not really. Tomorrow is my sister's graduation.", nasabi ko nalang.  

"Ahh, kaya pala. Okay, pasok na ako ha." , at tuluyan na nga siyang pumasok. Nakahinga akong maluwag.   

"Kezia!", narinig kong tawag ni Sophia.  

"Grabe! Ang tagal mo. Sobrang kinakabahan na ako dito.", sabi ko.  

"Haha, chill ka lang. Di pa nga tayo nag-istart eh.", nakangiting sabi niya. 

"Lets go.", at nauna na siyang pumasok.  

"Good morning ma'am Elle!", bati sakanya ni manong guard.  

"Good morning Kuya.", sabi niya. Kasunod lang ako ni Sophia. Nagulat si Kuya guard.   

"Oo nga po pala. Si Kezia, kambal ko po.",   

"Ah.. Eh, good morning po ma'am Kezia!" Nakayukong sabi ni Kuya. Ngumiti lang ako.   

Pinakilala pa ako ni Sophia sa iba pang employees dito. Puro gulat ang nakikita ko sa mukha nila. Ako naman ay tahimik lang na ngumingiti. Eto na naman kasi ang pagiging mahiyain/ naiilang moment ko sa iba. Remember nung nakwento ko na matagal bago ako maka-adjust sa new environment? Huhuh. Maraming familiar faces akong nakita base sa ginawang profile ni Sophia. Pagkatapos akong i-orient ni Sophia sa places and employees, sabi ko eh mag-cocomfort room lang ako. Grabe, ngayon lang lalabas ang ihi ko dahil sa kaba. Hihintayin niya nalang daw ako sa labas. Pumasok na ako sa isang cubicle. Ang dami ko atang ihi na naipon. Hahaha. Ifa-flush ko na sana yung toilet nung may narinig akong dalawang employees na nag-uusap.  

"Grabe! Magkamukhang-magkamukha sila Ma'am Elle at Ma'am Kezia noh?" sabi ng isa. Napangiti ako.  

"Oo nga eh! Ibig sabihin, mag-uumpisa nang magtrabaho dito si Ma'am Kezia?"  

"Parang? Inoorient na siya eh. Naku, balita ko masungit daw yun! Opposite daw sila ni Ma'am Elle." Kung maka-'Masungit' naman. Medyo lang.  

"Talaga? Mukhang hindi naman."    "

"Balita ko, naglayas daw siya at sakit daw sa ulo nila Mr. President." 

Ako? Naglayas? WTF? Saan niya nakuha yun?  

"San mo naman nabalitaan yan?"  

"Ano ka ba, yun ang alam ng lahat dito. Hay, bago ka pa talaga. Huwag kang mag-alala, kukwentuhan kita. Tara.", at narinig ko na silang umalis. May iba pang kwento?  

Lumabas na ako ng cubicle. Napabuntong hininga nalang ako. So may first impression na pala sila sa akin kahit hindi pa ako dumadating dito. Labo talaga. Tumawag sa akin si Sophia at sinabing nasa office daw siya at may inaasikaso. Pumunta nalang daw ako sa office ni Lola sa 30th floor. Pagkarating ko sa may pintuan ng office ni Lola, nag-aalangan pa akong pumasok.   

"Good morning po ma'am Elle", bati ng secretary niya ata? Hula ko kala niya si Sophia ako.  

"Ahh, good morning. Si Lola nasa loob?"  

"Opo ma'am. Pasok nalang po kayo.", Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.  

"Lola."  

"Kezia." Nagulat ako. Paano nalaman ni Lola?   

"Ahm. Kamusta na po?", humalik ako sa pisngi niya.  

"Eto, tambak parin ako ng trabaho. Have a seat.", napangiwi ako nang makita ko yung magkakapatong na mga papel sa lamesa ni Lola.  

"Ahh.", gusto ko sanang sabihin na magpahinga muna siya. Kaso nahihiya ako. Naiilang.  

"So kamusta ka naman?"   

"Okay naman po ako. Mabait sila Tito Calix.", yun lang ang sinabi ko.  

"Mabait talaga sila.", nakangiti niyang sabi. Tinignan ko si Lola. Marami na siyang wrinkles mukha niya. Kahit na 72 years old na siya, siya parin ang chairman dito. Hindi ko lubusang maisip kung paano niya pa nagagawa yun.  

"Ilang oras po ang tulog niyo sa isang araw?", hindi ko napigilang tanungin. Ewan ko. Parang common na sa akin ang itanong yan sa mga nagiging pasyente kong matatanda sa duty dati.   "Tatlo? Dalawa?" Napabuntong hininga ako. Dalawa?  

"Lola, dapat inaalagaan niyo ang sarili niyo. Matanda na kayo. Mahina na ang immune system niyo. Pagkakayo nagkasakit, delikado na. Kahit simpleng sipon lang eh pwedeng lumalala."  

"Malakas naman ako. Marami kasing trabahong dapat tapusin."  

"Kahit na. Umiinom po ba kayo ng vitamins? Kumakain ba kayo ng prutas? Gulay?", seryoso kong sabi. Gusto ko sanang sabihin, gusto niyo na po bang mamatay ng maaga? Hahah, para matakot lang.  

"Kezia. Halika nga dito.", tumayo si Lola. Tumayo din ako at pumunta sakanya. Nagulat ako ng yakapin niya ako.  

"Namiss din kita apo. Pwede mo namang sabihin nalang na namiss mo ako.", natawa ako. Oo nga noh. Hehehe. Niyakap ko din siya. Pagkatapos ng yakapan moment namin, umupo na ulit kami.  

"So babalik ka na ba dito? Tutulungan mo na ako sa mga dapat tapusin sa trabaho dito?, napatitig lang ako. Agad-agad?!  

"Umm.. Parang?"  

"Parang ka dyan. Tutulong ka talaga noh. Gaya ng napagkasunduan natin noon.", Nakangising sabi ng lola ko.  

"Noon.", pag-uulit ko.  

"Oo, noon. Noong bata ka pa na tumutulo ang sipon." Natatawang sabi niya. Nasabi ko ba na yung lola ko eh bully?  

"Di ah!", nasabi ko nalang.  

"Pupunta po ba kayo bukas?", tanong ko. Nandito na din naman ako eh di ipapaalala ko nalang yung graduation ko.  

"Bukas? Saan?", nagulat ako sa sinabi ni Lola. Hindi niya maalala?!  

"Umm, sa burol ko? Magsusuicide kasi ako mamaya at hindi niyo naalala.", nasabi ko nalang.  

"Hahaha, asar talo ka padin talaga. Sige pupunta ako sa lamay mo.", nakangiting sabi ni Lola. Kainis talaga 'tong si Lola.  

"Hay, tumatanda ka na talaga lola. Ulyanin.", sabi ko.  

"Itong batang 'to! Nasaan ba yung armalite ko nang mabaril na kita ngayon." Tumawa lang ako. Hay, ang sarap sa feeling. Nawala na ang ilang ko.  

"Makakalimutan ko bang graduation mo bukas. Tumawag din si Calix dito kahapon. Pinaalala niya ulit."  

"Sabi na eh nakalimutan mo"  

"Kasalanan ko ba? Matanda na kasi ako."

  "Naiintindihan ko Lola na matanda ka na."  

"Kailangang ulit-ulitin?! Tanggalan kita ng mana dyan eh." Natawa lang ako.   

"Sila daddy po ba pupunta?", tanong ko.  

"Naku, wala sila ngayon. Nasa Italy sila nag-attend ng kasal ng isa sa mga business partners natin.", Italy?  

"Makakauwi po ba sila ngayon?"  

"Malabo. Bukas ang kasal na aattend-an nila", Nalungkot ako.  

"Mahalaga kasi yun." Yung graduation ko ba hindi mahalaga?   

"Naiintindihan ko po." , pinilit kong ngumiti. Sinabi ko na aalis na ako at pupuntahan ko pa si Kuya Troy. Pumayag naman si Lola. Kita nalang daw kami bukas. Pumunta na ako sa may elevator. Iniisip ko padin kung bakit. Nakalimutan kaya nila mommy na graduation ko bukas? Hindi siguro diba? Sabi nga ni Lola, mahalaga yung pinuntahan nila.       

Mahalaga.          

Naiintindihan ko. 

A/N: Hello! Haha, dinededicate ko 'tong chapter na to kay PDALeng! Hihih, natuwa ako sa paglike mo. Suuuuper Thank You! ^_^ 

Comment, like and Follow =D

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
156K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...