My Binondo Girl After Two Yea...

By Gidgetwitty

247K 1.4K 802

Did it ever occur to you what will happen after My Binondo Girl ends? I decided to write a story about our fa... More

My Binondo Girl After Two Years Prologue & Chapter 1
My Binondo Girl After Two Years Chapter 2
My Binondo Girl After Two Years Chapter 3
My Binondo Girl After Two Years Chapter 4
My Binondo Girl After Two Years Chapter 5
My Binondo Girl After Two Years Chapter 6
My Binondo Girl After Two Years Chapter 7
My Binondo Girl After Two Years Chapter 8
My Binondo Girl After Two Years Chapter 9
My Binondo Girl After Two Years Chapter 10
My Binondo Girl After Two Years Chapter 12
My Binondo Girl After Two Years Chapter 13
My Binondo Girl After Two Years Chapter 14
My Binondo Girl After Two Years Chapter 15
My Binondo Girl After Two Years Chapter 16
My Binondo Girl After Two Years Chapter 17
My Binondo Girl After Two Years Chapter 18
Announcement
My Binondo Girl After Two Years Chapter 19
My Binondo Girl After Two Years Chapter 20
My Binondo Girl After Two Years Chapter 21
My Binondo Girl After Two Years Chapter 22
My Binondo Girl After Two Years Chapter 23
My Binondo Girl After Two Years Chapter 24
My Binondo Girl After Two Years Epilogue
Announcement/ Raffle Draw Winner

My Binondo Girl After Two Years Chapter 11

8.3K 44 25
By Gidgetwitty

Chapter 11

   Limang araw na-confined sa ospital si Sapphire. Halos hindi umalis sa tabi ng kama si Andy kahit na natutulog ang bata. Oras na marinig ang kaluskos ng anak ay bumabangon agad ito para mag-asikaso. Tuwing sasabihin ni Jade na siya naman ang magbabantay para makapagpahinga ito ng maayos ay tumatanggi ang asawa sa dahilang ayaw nito na mahirapan o mapuyat si Jade lalo na't buntis ito. Kahit na nakabantay din si Annika sa ospital ay hindi pa rin maiwan ni Andy ang anak. Kaya laking pasasalamat ni Jade nang sabihin ni Dr. Del Mundo na pwede ng iuwi si Sapphire sa bahay. 

   Sa bahay ay dinatnan nila si Edison, Menchu at Chen na kausap si Zheny at Amor. Noong unang gabi pa lang nila sa ospital ay sumugod lahat ang mga lolo at lola ni Sapphire pero nakiusap si Andy na umuwi ang mga ito para makapagpahinga ang bata. Lahat kasi ay nenerbiyos kaya lalong ayaw tumigil ni Sapphire sa kakaiyak.

   "Kumusta na ang apo ko? Kawawa naman ang baby ko," salubong ni Menchu sa mag-asawa at kay  Sapphire na kalong ni Andy. Mahigpit ang yakap ng bata sa leeg ng ama. Kahit kay Jade ay ayaw nitong sumama kanina. Puro daddy lang ang bukang-bibig nito.

   "Okay na siya, Ma," sagot ni Andy.

   "Sapphire, gusto mong sumama sa lolo," tanong ni Edison sa apo na akmang kukunin kay Andy.

   "NO!," tanggi ng bata na lalong humigpit ang yakap kay Andy.

   "Edison, you heard my apo. No raw," paismid na sabi ni Menchu.

   "Pa, kahit naman po sa akin ayaw sumama ngayon. Puro si Andy lang ang gusto niyan" paliwanag ni Jade sa biyanan para hindi ito masaktan sa ginawi ng anak.

   "Andy, I think it's better kung iakyat mo muna si Sapphire," suggestion ni Papa Chen.

   "Sige po, Papa Chen," sagot ni Andy saka pumanik na sa taas kasunod si Annika na may dala ng mga gamit ni Sapphire galing sa ospital.

   "Jade, ikaw din magpahinga ka na," nag-aalalang mungkahi ni Zheny sa anak.

   "Guys, I think we have to go home na. We saw our apo, she's doing okay na," ani Menchu.

   "Jade, uuwi na kami. Tawagan mo lang ako kung may problema," sabi ni Chen.

   "Ipaalam mo na lang kami kay Andy, Jade. Also tell him that we have a meeting on Monday morning para doon sa Davao Branch," paalala ni Edison sa manugang.

   "Opo, Pa. Siguradong tambak ang trabaho ni Andy sa office. One week din siyang hindi nakapasok," simpleng sabi ni Jade.

   "That's okay. Mas importante ang apo ko," sagot nito. Hindi na nagugulat si Jade sa kinikilos ng father-in-law niya. Basta tungkol kay Sapphire, walang dapat mauna dito.

   Natulog si Sapphire sa gitna nilang mag-asawa ng gabing iyon. Malikot ito kaya hindi makatulog si Andy. Si Jade ay hindi alintana ang malikot na anak, mahimbing pa rin ang tulog nito sa tabi nila. Alas-singko na nang dalawin ng antok si Andy pero noon naman biglang nagising si Sapphire. Nang makitang gising ang ama ay nagpabuhat na ito. 

   "Andy, bakit ang aga naman yata ninyong gumising," antok na sabi ni Jade. 

   "Itong anak mo ang maagang gumising. Bababa na kami para hindi ka maistorbo," ani Andy.

  Sa home office dinala ni Andy si Sapphire. Ibinaba niya ito sa crib na nakalagay doon, binigyan niya ng mga laruan ang anak sa crib.

   "Princess, dito ka muna sa crib habang magtratrabaho ang daddy sa tabi mo," nakangiting sabi nito sa anak.

   Hindi naman umiyak ang bata noong inilapag niya sa crib. Humiga ito yakap-yakap ang stuff toy na Hello Kitty.

   "Dede ko," hingi nito.

   Pumunta si Andy sa kusina para kumuha ng gatas ni Sapphire. Pagbalik niya sa home office at agad niyang iniabot ang bote kay Sapphire. Nakangiti ang bata na kinuha ang bote sa kanya. Habang dumedede ito ay sunimulan na niya ang mag-check sa computer ng mga emails. Pag-lingon niya after 10 minutes ay tulog na uli si Sapphire. Napangiti si Andy. Napaganda talaga ng anak niya kamukhang-kamukha nito si Jade kahit sa pagtulog. Mahigit na isang oras na siyang nagtratrabaho nang marinig na may nagising na sa masyon. Unang sumulip sa home office ay si Lola Amor   "Andy, maaga ka yatang nagising."

   "Maaga po kasing nagising si Sapphire, La Amor."

   "Ganoon ba. Mukhang puyat ka yata. Matulog ka na muna at ako na ang bahala dito sa anak mo," utos nito.

   "Sige po. Thank you po talaga. Papanik na po uli ako, La," paalam nito habang nag-iinat.

   Bamalik na uli sa kuwarto si Andy para tumabi kay Jade sa kama. Alas-nuebe na nang magising uli si Andy. Narinig niya si Jade na nagdududuwal sa banyo. Bigla siyang bumalikwas at pinuntahan ang asawa na namumutla ang itsura.

   "Babe, okay ka lang ba?," nag-aalalang tanong nito habang hinahagod ang likod ni Jade.

   "Hindi, dapat wala na itong pagduduwal ko. Dati sa early stage lang ako nag-susuka ngayong naman ay second trimester na, masama pa rin ang pakiramdam ko," reklamo nito habang dinadampian ang bibig ng tissue paper.

   "Maalis na iyan," alo ni Andy habang inaalalayan pabalik sa kama si Jade.

   "Naku, Andy last na baby na natin ito. Ayaw ko na talaga!"

   "Kailan ba ang ultrasond mo?" tanong nito kay Jade. Hindi nito pinansin ang reklamo ng asawa. Nang bago palang silang mag-asawa ay napag-usapan nilang tatlo ang gusto nilang maging mga anak komo mahilig sila pareho sa bata. Pero lately ay nagbabago ang isip ni Jade gawa ng hirap ito mag-buntis.

   "Next week malalaman na natin ang sex ng baby natin," sagot nito.

   "Sasamahan kita this time, okay?" 

   "Sige, sana lalaki na this time Andy para kumpleto na tayo," anito.

   "Boy or girl ay okay lang sa akin, Jade. Basta ang importatnte ay healthy ang baby natin," seryosong sabi nito.

  "Anong gusto mong name?"

  "Andrew Jr kaya?," nakangiting sabi nito kay Jade.

   "Hmp, tingnan natin," pilyang sagot nito sa asawa.

   "Pa, I think I need to go to Davao for the opening of the branch there this week. Gusto ninyong sumama?"

   "Hindi ako pwede, remember may mga investors akong kakausapin din this week," paalala ni Edison kay Andy. "Why don't you bring Jade?"

   "I'll ask Jade pero malabo po iyon, Pa. Masama ang pakiramdam po lately."

   "You know what, Andy. I think Ms Salvador should do the ribbon cutting in Davao. It would be a good advertisement for the company. Tapos na naman ang photo shoot nila last weekend," suggestion ni Edison.

   "I will ask her manager if her schedules will allow her to go to Davao for that ribbon cutting on Thursday," sagot ni Andy.

   "Do that, Andy. It will be beneficial for Twin Dragons," natutuwang saad ni Edison.

   "Hello, Jade. I'm going to Davao on Wednesday evening, gusto mong sumama sa akin? Babalik din tayo on Thursday night. The ribbon cutting will be Thursday morning." Tinawagan agad ni Andy si Jade paglabas ng ama para masabihan ng maaga ang asawa.

   "Ikaw na lang, Andy. Baka masuka lang ako sa plane. Sandali ka lang naman doon so hindi kita ma-mimiss ng super," tudyo nito.

   "Paano naman ako, sobrang mami-miss kita," ganting sabi nito.

   "Sorry ka na lang," nang-iinis ang boses ni Jade.

   Ang hindi alam ni Andy ay nakikinig si Jessica sa kabilang linya ng telepono. May private line din si Andy kung kailangan niya ng privacy at confidential discussions regarding business. Pero nang tinawagan niya si Jade ay hindi niya ginamit ang private line na iyon. Oras na maibaba ni Andy ang telepono ay maingat din na ibinaba ni Jessica ang extension at dali-daling nitong kinuha ang cell phone sa bag para tawagan si Naomi.

   "Ma'am Naomi, pupunta sa Davao si Sir Andy at hindi kasama ang asawa niya," balita nito.

   "Kailan ang alis niya at balik?"

   "Aalis po sa Wednesday at babalik din the following day. Siguradong malalaman ko ang full itinerary kasi ako ang uutusan ni Sir Andy mag-book ng plane ticket  at hotel niya," bulong nito sa cell phone.

   "Good job again, Jessica! Let me know as soon as you book his flight, okay?" masiglang sabi nito.

   Gaya ng inaasahan ni Jessica ay tinawag siya ni Andy para bigyan ng instructions tungkol sa itinerary pagpunta ng Davao. Pati ang pagtawag sa manager ni Clara Salvador para sa ribbon cutting ay iniutos rin sa kanya. 

   "Jade, are you sure ayaw mong sumama sa akin sa Davao?," tanong ni Andy habang kumakain sila ng hapunan nang gabing iyon.

   "Super makulit talaga itong si Andy, Nay!"

   "Parati ka kasing nami-miss niyan," nakangiting sabi ni Zheny.

   "Tama si Nanay Zheny. Hindi pa nga ako umaalis nami-miss na kita," sang-ayon ni Andy sa biyanan.

   "Naku naman kayo, bale parang isang araw lang naman," singit ni Lola Amor.

   "Babe, anong gustong mong pasalubong?"

   "Kahit ano lang, Babe."

   "Andy, bilhan mo naman ako ng mga durian candies," sabi ni Zheny. "Favorite ko iyon."

   "Opo, Nay. Bibilhan ko kayo for sure."

   "Sir Andy, ako po gusto ko rin ng durian candies," sabi ni Annika na dumating sa dining room kalong si Sapphire.

   "Siyempre naman basta huwag mong pababayaan ang princesa ko," bilin nito.

   Nang nakita ni Sapphire ang ama ay pilit itong kumawala kay Annika para magpunta sa ama. Walang magawa si Andy kung hindi kalungin ang anak habang tinatapos ang hapunan.

   "Andy, masyado ng spoiled ang anak natin. Dapat mag-start na tayong disiplinahin iyan," tanggi ni Jade.

   "Babe, baby pa ang anak natin. At saka galing lang sa sakit iyan kaya naglalambing," angal ni Andy.

   "Jade, ganyan ka din naman sa amin ng Lola Amor mo, spoiled," paalala ni Zheny sa anak.

   "Hindi ako spoiled, Nay," nakasimangot na sabi nito.

   "Anong hindi, spoiled ka kahit sa akin," tudyo ni Andy.

   "Sige magkampihan kayo," nakaismid na sabi nito sa lahat.

   "Napikon naman ang asawa ko," natatawang saad ni Andy.

   Pinangdilatan lang ni Jade si Andy bilang sagot.

   Habang naghihintay ng boarding announcement sa airport si Andy ay naisip niyang basahin ang mga business report. Kasalukuyan siyang abala sa pagbabasa nang may tumabi sa kabilang upuan sa kanan niya. Hindi niya ito pinansin habang tuloy siya sa ginagawang pagbabasa.

   "Hello, lover boy! You look so busy you did not even notice me," anang pamilyar na tinig.

   "Naomi! What are you doing here?" bulalas ni Andy. Napakunot ang noo nito.

   "Well, are you going to be happy if I say to be with you?" mapanukso ang boses nito.

   "Listen, I don't have time for this nonsense. Please leave me alone," matigas na sabi ni Andy.

   "Andy, my dear! Tsk, tsk you are too serious. May pupuntahan lang ako sa Davao," nakangisi ito. "How about you? Where are you headed?"

   "None of you damn business!" galit na ang boses ni Andy.

   "I'll just stay here, tutal naman the last time I check this is a public place. You can sit anywhere you want," pahayag nito.

   "Bahala ka, huwag mo lang akong kakausapin at marami akong ginagawa dito," pagtitimpi niya sabay pinag-tuunan uli ang mga papeles na hawak niya.

   After 10 minutes ay narinig nila ang announcement na boarding na ang eroplanong sasakyan nila. Walang imik na tumayo si Andy para pumila sa linya ng first class. Nagmamadaling tumayo din si Naomi para sumunod sa lalaki. Papasok na sa tube patungong plane si Andy nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niyang kumakaway si Clara na may hawak na maliit na maletang de gulong sa kaliwang kamay. 

   "Akala ko ay bukas pa kayo ng manager mo susunod sa Davao?," nagtatakang tanong ni Andy sa dalaga.

   "Naisip kong mauna na para hindi ako pagod bukas. Deo, will follow first thing in the morning," paliwanag nito. Si Deo ang manager ng modelo.

   "So you are the famous Clara Salvador," singit ni Naomi sa usapan ng dalawa. Nakataas ang isang kilay nito.

    "Who are you?" nabiglang sabi ni Clara sa kaharap.

    "I'm the ex-girlfriend of Andy," sagot nito sabay hawak sa braso ng lalaki. 

   "Oh! " walang ibang masabi si Clara. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil sa pagkakaalam niya ay happily married si Andy. Hindi niya alam kung bakit  kasama nito ang ex-girlfriend papuntang Davao.

   Naputol ang pagmuni-muni niya nang magsalita si Andy. "I'm not with her. Nagkataon lang na nagkasabay kami sa flight na ito. Nakakaabala na tayo dito sa daanan. We better go inside," inis na sabi nito sabay iwinaksi ang kamay ni Naomi na nakahawak sa braso niya.

   Walang imik na sumunod ang dalawang babae nang lumakad na palayo si Andy. 

   Ang laking pasalamat ni Andy ng makitang hindi niya katabi sa upuan si Naomi. Paano kaya nito nalaman ang lakad niya papuntang Davao. 

   Bago mag-announce ang flight crew na bawal na ang cell phone ay tumawag saglit si Andy kay Jade sa cell phone.

   "Babe, we are about to take off. Just want to say I miss you already," masuyong sabi nito nang mabosesan na kabilang linya si Jade.

   "I miss you, too!" ganting pahayag nito kay Andy.

   "I love you, Jade! I-kiss mo ako sa princesa ko. Okay, I have to turn this off na. We are about to takeoff, " nagmamadaling habol nito.

   "Love you back," ani Jade.

*****Did you enjoy this chapter? If you did, please vote, like and share with your friends. Also please follow me on Twitter @gidgetwitty. Thank you again. Merry Christmas and a very happy and healthy 2012 year to all of you!!!

   

   

   

   

   

   

   
 

   

   

   

   

Continue Reading

You'll Also Like

911K 41.7K 62
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
1.1M 50K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
260K 6.3K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...