I Heard You

By UnknownHeartbeats

939K 39.9K 12.6K

{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected b... More

Prologue
Chapter 1: Savanna
Chapter 2: Trust
Chapter 3: Angel
Chapter 4: Talking
Chapter 5: Cute
Chapter 6: Valentine's
Chapter 7: Basketball
Chapter 8: Satisfied
Chapter 9: Backed out
Chapter 10: Family
Chapter 11: So proud
Chapter 12: Okay
Chapter 13: Upset
Chapter 14: Prom
Chapter 15: That's me
Chapter 16: Infinitely
Chapter 17: Article
Chapter 18: Chance
Chapter 19: Lesson not learned
Chapter 20: I like you
Chapter 21: Past, Present and Future
Chapter 22: Permission
Chapter 23: Gift
Chapter 24: Pag-iisipan
Chapter 25: Apart
Chapter 26: Odd
Chapter 27: Why
Chapter 28: She who left
Chapter 29: Call
Chapter 30: Architect
Chapter 31: Nothing
Chapter 32: Carolina
Chapter 33: Hired
Chapter 35: Boss
Chapter 36: Closet
Chapter 37: Stay
Chapter 38: Scare
Chapter 39: Sick
Chapter 40: Distance
Chapter 41: Birthday
Chapter 42: Lies
Chapter 43: Begin again
Chapter 44: Strength
Chapter 45: Peace
Chapter 46: Haunted
Chapter 47: Agony
Chapter 48: Accept
Chapter 49: Face
Chapter 50: Salamat
Epilogue
Constantine Series

Chapter 34: Contract

15K 660 289
By UnknownHeartbeats

Pagkalabas namin ng building ay agad kong kinompronta si Ate Kiana. Hindi na talaga ako natutuwa sa ginagawa niya. Alam niyang iniiwasan kong masyadong magkaroon ng koneksyon kay Architect pero heto siya't gumagawa ng paraan upang mas magkabuhol nanaman ang aming buhay!

"What's wrong with what I did, Sav?" nakangising tanong ni Ate. "You need a job. He offered one. And I recommended you."

"Hindi, e. You're playing Cupid here!" I scoffed. Humalakhak lamang siya't umiling-iling.

"Ate," I gritted. "Stop it! May girlfriend na 'yong tao!"

"I know. And that's you," pinindot niya ang tungki ng aking ilong.

Umismid ako't pinalis ang kanyang kamay. "Si Engineer ang girlfriend niya, Ate. Ang sa amin noon ay tapos na simula nang iwan ko siya kaya 'wag mo na ipilit, please."

"Wala kayong proper closure so technically, kayo pa din. 'Wag ka ng pabebe, couz. I'm doing this for you," aniya sabay pitik sa noo ko. "You said it yourself. You've been dealing with anguish for years. You've been through the worst. Now is the time for you to be happy."

"Masaya naman ako, ah."

"Kilala ko na kayong dalawa, Savanna. You're the happiest when you're with him. And the same goes to Cryd. You're better off together. Trust me," natatawa niyang sabi bago magtungo sa aming sasakyan.

Humalukipkip ako't masamang tinignan ang kanyang likod. How I wish she gets a boyfriend already para naman may iba siyang inaatupag, hindi itong palaging ako ang napagtutuonan niya ng pansin.

Padabog akong humakbang pasunod sa kanya kaso'y may tumikhim sa aking likuran dahilan para mapalingon ako doon. Agad na nag-react ang puso ko nang makitang nakatayo roon si Architect.

Natataranta ko siyang hinarap. Ang mata niya'y seryoso ang tingin sa akin.

Kanina pa ba siya diyan? Did he hear our conversation?

"Uh, aalis na kami, Architect. Salamat ulit," paalam ko sa kanya.

"You're not leaving," malamig niyang sambit saka ipinakita sa akin ang isang puting folder. "Pag-uusapan pa natin ang trabaho mo sa akin."

Umaawang ang bibig ko. I never agreed to that! Hindi naman porque sinabi niyang hired na ako'y iyon na 'yon! 

"I think you should find another one who's more fitting for that job. Wala akong alam sa ganyan."

"I told you, you'll be trained for three days," putol niya sa akin. "I just need someone who'll fix my appointments for me, and bring coffee every morning, that's all. I'm sure you can do that."

At talagang ipinipilit niya ito!

"What if I can't?" tanong ko. And I don't want to!

Pinilig niya ang kanyang ulo para tignan ako ng mabuti. Iniwasan kong tignan ang kanyang cleft chin dahil baka hindi ko mapigilang ma-attract nanaman doon. I love that part of his face.

"Let's talk in my workplace," he said saka itinaas ang kamay para sumenyas sa isang guard. Mabilis itong lumapit sa amin. "Ask someone to get my car. I'll be waiting here. Please hurry."

"Sige po, Architect," malugod naman na sabi ng kanyang tinawag. Inabot nito ang susi at nagmamadaling umalis.

"Architect," I called. I have to convince him na hindi dapat ako ang kunin niya dito. Besides, I have the right to refuse. Hindi niya pwedeng ipilit sa akin kung ayaw ko naman, hindi ba?

"If you would check on my background, wala kang makikita doon na tutugma sa mga qualifications ng isang sekretarya."

"I've checked your bio data and resume," aniya saka binuklat ang folder na hawak. At kanino niya nakuha ang mga iyan? Kanino pa ba, Savanna? Edi sa magaling mong pinsan!

God, Ate Kiana! Namumuro na talaga siya sa akin.

"It's stated here that you only worked in three schools. The last was in Goode Elementary School...in Maryland..." tumigil siya saglit at naglaro ang ngisi sa kanyang labi.

"Look, I found something interesting," he mocked. "You're not married."

At hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sabihin 'yon!

"Kung makikita mo'y hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral—"

"Sanay ka namang mag-timpla ng kape, hindi ba?" ang ngisi sa kanyang labi ay mas nagpapakaba lamang sa akin.

"Oo, pero—"

"Then you'll be fine," putol niyang muli sa akin sabay turo sa paparating niyang Mustang. "There's my car. We'll be heading to my workplace now."

Tumapat ang kanyang sasakyan sa amin. Ngayon ko lamang napansin na wala na dito sina Kuya Arnold! Sigurado akong pakana ni Ate Kiana ang pag-iwan sa akin dito!

"But..." kumalap ako ng rason para huwag niya ng ipilit ito. But he seemed convinced that I should be the one he should hire!

Nasaan na ba si Engineer nang sa kanya ako makapagreklamo tungkol sa boyfriend niya!

"Let's go," aniya nang makuha ang susi mula sa lalaking nagdala ng kanyang kotse. Nauna siyang mag-lakad sa akin at nakita kong umamba na siya papasok ng kanyang sasakyan pero natigil siya nang mapansing hindi ako nakasunod.

Lumapit ako doon upang tanggihan ang kanyang offer. "Sa tingin ko talaga'y hindi dapat ako ang kunin mo bilang—" hindi nanaman niya ako pinatapos!

"Take this as the price you pay for leaving me years ago, Savanna," he said coldly before getting inside the car.

Nanlamig ako sa kanyang sinabi. Sari-saring ideya ang biglang pumasok sa aking isipan dahil sa sinabi niya. Is he planning to take revenge on me for leaving? Or is he doing this to make me feel guiltier about what I did?

Nanlumo ako sa naisip. Maybe he wants me to be his secretary so he could brought misery in my life. O kaya'y ipagkanulo sa akin na siya ang lalaking sinayang at pinakawalan ko noon.

That's not impossible. Kung nagagawa niyang maging malamig sa akin ay magagawa niya ding saktan ako on purpose.

Bumukas ang pintuan sa passenger's seat. Dumungaw siya sa akin at malamig na nag-salita. "Get in."

Napalunok ako saglit pero hindi na ako nag-inarte. Pumasok ako sa kanyang Mustang at sinarado ang pinto sa aking gilid.

"Seatbelt," paala niya.

Tumango ako't natatarantang isinuot iyon. Nanginginig ang kamay ko at feeling ko'y malapit na rin akong maiyak. Natatakot ako na baka totoong nais niyang maghiganti sa akin.

I know he isn't a vengeful person but...people change. He could, too.

Umandar ang sasakyan. Ang mata ko'y pinanatili kong nakatutok sa labas ng bintana. Kita ko ang pag-layo namin sa pinanggalingang building.

"Uh, hindi ba sa ACDC ang opisina mo?" kuryoso kong tanong.

"I have one beside MJ's office but I don't stay there often. I'm used to doing my thing on my own workplace far from here," sagot naman niya. Hindi na ako nag-salita matapos noon. I don't want to engage too much conversation with him dahil baka mamaya'y siya naman ang magpaulan ng tanong.

I found the silence in between us awkward. Kung noo'y kumportable ako sa katahimikan kasama siya, ngayo'y medyo ilang ako. Siguro dahil ilang taon na ang nakalipas at marami ng nagbago.

Ilang minuto palang nakakalipas ang byahe'y na-traffic na kami dahil sa ginagawang daan. Medyo magtatanghali na din kasi kaya madami na ang sasakyan sa kalsada. Mabagal ang pag-usad nito kaya mas lalo lang akong nailang sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

"Pwede kang magpatugtog rito. Matagal ang byahe dahil ma-traffic," sabi niya sabay abot sa akin ng isang iPod Touch, nakakonekta ito sa speaker ng kanyang sasakyan.

Mabuti nga kung magpapatugtog kami para kahit papaano'y mabawasan ang pagkakailang ko. Namili ako ng tipo kong kanta at ishinuffle na lamang ang tugtugin.

Hindi gaanong ka-upbeat ang kanta. Ayoko kasi ng sobrang maingay sa pandinig, iyong maraming instruments ang gamit. Minsan kasi'y nagmamalfunction ang device sa aking tainga kaya kapag sobrang ingay ay wala rin akong maintindihan. Mas gusto ko yung medyo melodic at madramang mga kanta. Iyong tipong para kang lumulutang sa pakikinig.

Isinandal ko ang ulo ko sa head rest nang marinig ang isang pamilyar na kanta mula sa paborito kong banda.

Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you

Tell you I need you

Tell you I set you apart

I closed my eyes and listened to it carefully. This was one of my favorite songs. Kahit noong hindi pa ako nakakarinig. Mahilig ako noong magkabisa ng mga lyrics ng kanta tapos ay gagawan ko ng sariling tono dahil hindi ko naman alam ang tunay na tono nito. Para sa akin mas mahalaga talaga ang hatid na kahulugan ng bawat kanta. Iyon kasi ang nagbibigay ng buhay doon. Kung pangit ang lyrics at walang sense, kahit gaano pa kagaling ang singer, hindi pa rin iyon papatok para sa akin.

Nobody said it was easy

It's such a shame for us to part

Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard

Oh, take me back to the start

Dahil sa nakakaheleng boses Chris Martin ay tuluyan akong nakatulog sa aking pwesto. Nagising na lamang ako nang maramdamang huminto na ang pag-andar ng sasakyan.

"Finally..." the man beside me said. Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang isa nama'y tumitipa sa kanyang phone.

Inayos ko ang sarili ko. At pasimpleng pinunasan ang gilid ng aking labi kung mayroon bang tumulong laway doon. Mabuti't wala kung hindi'y pahiga nanaman ako.

"I'm sorry. Nakatulog ako," nahihiya kong sabi.

"It's fine," aniya saka ibinalik ang phone sa kanyang bulsa. "Let's go."

Nauna siyang lumabas ng sasakyan sa akin kaya nagmamadali rin akong lumabas. Bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay. Makabago ang disenyo nito't may kombinasyon ng kulay puti at iba't ibang shades ng color brown.

Ang katabi nitong bahay ay tila naiintimidate sa ganda nito....wait, what the hell? Ang katabing bahay nito ay ang bahay namin!

"Good noon, Architect!" bati ng isang guard sa kanya. Ngunit nawala ako sa pokus dahil nakatingin ako sa bahay namin sa tabi mismo ng magandang bahay sa aking harap.

It's shiny and well-cleaned. Mataas na ang mga puno doon at ang mga halaman sa labas ay mukhang bagong dilig lamang. Sa tingin ko'y naaalagaan ito ng mabuti ni Mang Julio at ng kanyang pamilya. Papa made the right decision of letting them take care of it.

Umatras ako upang matignan kung nandoon pa sa kabila ang bahay nina Dwight ngunit tanging bakanteng lote na lamang ang naroon. Totoo palang natuloy ang demolishment nito at pag-lease ng lupa.

"Savanna..."

Nilingon ko si Architect na papasok na doon sa maliit na gate. Ang malaking gate ay nakabukas na rin para maipasok ng guard ang kotse.

"Uh, is this your house?" I asked kahit na obvious naman. Tipid lamang siyang tumango at pumasok na sa loob.

So, kung naisipan ko palang sa bahay namin ako mananatili, we're neighbors...

Alright. Sa kina Ate Kiana nalang talaga ako titira.

Sumunod ako sa kanya. Namamangha ako sa design ng kanyang bahay ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Tirik na tirik ang araw sa labas kaya nilalakihan ko ang hakbang ko upang makasilong na.

Binuksan ni Architect ang malaking pintuan at nagtuluyang pumasok sa loob. Papasok na rin sana ako kaso may napagtanto ako.

Bakit kami nandito? I thought he's going to show me his workplace? Why are we in his house then?

"Savanna," tawag niyang muli nang mapansing hindi ako nakasunod sa kanya. Sa bawat tawag niya sa aking pangala'y para akong nakukuryente.

Huminga ako ng malalim at mabagal na sumunod sa kanya. Ang katahimikan sa kanyang bahay ay nagsasabi lamang sa akin na wala siyang kasama dito. Natatanaw ko sa labas ng double doors sa dulo ng kanyang bahay ang isang pool.

"Drink this," aniya pagkalabas mula sa kusina. Inilahad niya sa akin ang isang baso ng tubig na tinanggap ko naman at ininom. Gusto ko sanang ubusin lahat kaso nailang ako sa kanyang tingin.

Nakapamaywang siya sa aking harapan at tinitignang mabuti ang paglagok ko ng tubig. Hanggang kalahati lang tuloy ang aking nainom.

"Thanks," I murmured and returned the glass to him.

"My office is upstairs," sabi niya sabay inom sa basong ininuman ko! Isa lang ba ang baso niya dito para doon din siya uminom?!

Sumulyap siya sa akin. Napaawang ang bibig ko. Unti-unti siyang ngumisi habang sinisimot ang tubig sa baso. Inaasar niya yata ako eh! Kainis ah!

Nang matapos siya'y inilapag niya ito sa isang maliit na mesa saka ako tinalikuran.

I don't want to follow him upstairs but when he called my name again ay agad akong sumunod.

Malakas na pintig ng puso ko ang aking naririnig habang sinusundan siya pataas ng hagdan. He said his office was on the second floor. Meaning, if I accept his offer being his secretary, I would have to stay in his house the whole day!

Bakit ba kasi dito niya nais na gawin ang kanyang trabaho kung may room naman pala siyang office sa firm ng mga Alston?

Isang malaking veranda ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa ikalawang palapag. Mayroon itong malaking silong upang hindi ito maarawan. Kita ko ang hanay ng iba't ibang halaman doon. Sa gilid ay may duyan at sa isa nama'y may maliit na coffee table. Siguro'y doon siya nagkakape tuwing umaga.

Wala ba siyang kasama dito bukod sa guard na nasa labas? O baka dito din nakatira si Engineer, wala lang ito ngayon dahil may aasikasuhin. That's probably it.

Nang huminto siya'y huminto rin ako. Dumungaw ako mula sa kanyang likuran para makitang tumigil kami sa harap ng isang puting pintuan.

"Dito ako nananatili kapag may dinidisenyo akong proyekto," aniya sa akin bago buksan ang pinto.

The neatness in his office didn't surprise me at all. Noon pa'y malinis na talaga siya sa gamit. Sa tingin ko'y sakop ng buong room na ito ang kalahati ng second floor. There were shelves with books, and drawing materials. Paintings with his signature below was hanging on the pastel wall. His paintings are amusing as always. Kadalasan ay disenyo iyon ng bahay o kaya nama'y abstract.

Ang desk niya'y mayroong nakalatag na malaking drawing paper at Macbook. Sa 'di kalayuan ay may natatanaw akong drawing table na mukhang mamahalin. May kulay itim na couch sa 'di kalayuan at mayroon ding TV.

Ang pinakanakapukaw ng atensyon ko'y ang isang built-in aquarium sa likod ng kanyang desk. There aren't any living things there. Ni walang tubig o mga korales manlang. Plain empty aquarium.

Naalala ko tuloy ang aquarium na iniregalo niya sa akin noong 18th birthday ko. Before I left the country, dinala ko sa pet shop ang mga isda dahil ayokong basta nalang silang iwan. It was hard for me to leave them but of course, that time, it was harder for me to stay.

"Sit here," he said pointing at the chair in front of his desk. Sinunod ko ang sinabi niya't naupo doon.

Naupo naman siya sa kanyang swivel chair at may tinawagan sa kanyang phone.

"I need lunch for two," aniya sa kausap. "Anything without the presence of shrimps will do. Thanks."

Nalilito ko siyang tinignan. "Hindi naman magtatagal ang usapan natin, Architect. Sa bahay na ako..." Tinaas niya ang kanyang isang daliri upang patigilin ako sa pagsasalita.

Tinikom ko ang aking bibig gaya ng gusto niyang gawin ko. Binaba niya ang phone at saglit na tumipa doon bago ibalik sa kanyang tainga

"Hello...I'm in my house..." nangunot ang noo niya, bago iikot ang swivel chair patalikod sa akin. "You're going there already? Akala ko ba'y bukas pa iyon? Nagpahatid ka ba sa driver niyo?"

I heard him sigh, "I'm sorry I wasn't able to go with you, MJ."

Umirap ako. May pupuntahan pala sila'y dapat pinagpaliban niya muna itong pamimilit niya sa aking maging sekretarya niya. Tatanggi lang naman ako ngayon hangga't sa aking makakaya!

"This is important," narinig ko ang kanyang pag-tawa. "Let's not talk about marriage yet..."

Umismid ako at itinuon sa iba ang pansin. Marriage? Ikakasal na sila kung gayon?

Nice...

I wonder if he'll invite me to his wedding. Well, if he wants to make me feel worse, talagang iimbitahin niya ako.

"Alright. Eat your lunch. I'll see you tomorrow...just text me when I'm needed. Take care, MJ. Bye."

Matapos ang tawagan nila ni Engineer ay humarap siya agad sa akin. At bago pa man siya mag-salita ay inunahan ko na siya.

"I'm really not going to accept your job offer, Architect," I told him firmly. "As I have told you, hindi ako nababagay sa ganitong posisyon. Wala akong alam sa pagiging sekretarya."

At ayokong makasama ka dito. Ang hirap na nga noong maging architect ka ng renovation, paano pa 'pag naging boss kita't araw-araw tayong magkikita. 'Wag na uy.

"You'll start your training tomorrow. I want you to be here in my house before I wake up. I usually get up at around five so be here at four. I want my breakfast ready and done," sunud-sunod niyang sabi at binalewala ang ginawa kong pag-tanggi. What the...

"Bukas ay darating dito ang inorder kong desk para sa'yo. Bring anything you want to bring. The landline will be placed on your table. Clients will call there time at a time, I want you to answer their messages for me. If they want to set an appointment, ikaw na ang bahala doon. I usually entertain my clients in ACDC so if they want to meet-up, doon ang aasabihin mong lokasyon. I'll give you my itinerary for this week and the next."

"Wait! Teka! Architect!" I said but he didn't stop.

"Wear something decent. Jeans and shirts will do. Never ever wear short shorts again," he continued. Ipinatong niya ang kanyang siko sa mesa at pumangalumbaba.

"Doon ko ipalalagay ang desk mo..." sabay turo sa kinahihimlayan ng couch. "I'll ask someone to move the couch somewhere else basta ang gusto ko'y doon ang pwesto mo para nakikita ko ang ginagawa mo."

"Architect! Hindi naman ako pumayag!"

And he ignored me again. 'Nak ng isda naman oh.

"You'll be here from four AM to five PM. You have your own driver so you could just ask him na ihatid sunduin ka araw-araw. Or if you want, you could stay in one of the guestrooms. Less hassle."

"Architect, hindi nga ako—"

"If I need to go to a site you'll stay here and wait for me. Kung aalis ka, ipapaalam mo sa akin," nagtuluy-tuloy siya sa pagsasalita.

Sa inis ko'y naibato ko sa kanya ang isang maliit na pambura tumama iyon sa kanyang noo tapos bumalik papunta sa akin at tumama sa mata ko!

"Cryd!" inis kong tawag nang mawalan ako ng pasensya.

An amused grin flashed on his lips. Sumandal siya sa swivel chair at pinaikot ang hawak niyang technical pen sa kanyang daliri.

"Yes, my dear?" he said in a playful tone. Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sobrang inis sa kanya o dahil sa ibang bagay.

"I told you. Hindi. Ko. Tatanggapin. Ang. Trabahong. Ito," sobrang diin na ng pagsasalita ko at kung hindi pa niya napagtanto ang ibig kong sabihin ay ewan ko nalang.

"Hahanap ako ng ibang trabaho na pupwede sa akin. I'm not qualified to be someone's secretary," lalo na sa'yo.

"But you're already hired," he said. Kahit ang gwapo niya sa kanyang ngisi ay gusto ko pa ring tanggalin iyon ngayon. Naiinis kasi ako.

And what's with the sudden change of mood anyway? Kanina lang ang lamig, lamig ng pakikitungo niya sa akin...

"I'm not. At hindi rin ako papayag. Humanap ka ng ibang sekretarya mo dahil hindi ako pwede," padarag akong tumayo. "Aalis na ako. Bye."

Hindi siya nag-salita. Imbes ay nakipagtitigan lamang siya sa akin. Ang ngisi sa kanyang labi ay mapaglaro. Para bang tuwang-tuwa ito sa mga pinagsasasabi ko kahit wala namang nakakatuwa doon.

"Salamat nalang sa offer," tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng silid na iyon ngunit bago ko pa buksan ang pinto'y nag-salita siya.

"Go on. Cross that damn door and I'll file a case against you," aniya na nagpatigil sa akin.

What do he mean by that?

Humarap ako sa kanya at nakita kong winawagayway niya ang puting folder na dala niya mula sa ACDC.

"Breach...of...contract..." he mouthed slowly.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? I didn't sign anything besides the..."

I stopped when I realized something. Hindi ko binasa ang buong kontrata dahil ipinagkatiwala ko iyon kay Ate Kiana. I signed everything in that folder.

Don't tell me...

"Apparently, Lady Kiana tricked you into signing a contract with me," his grin went wider.

So, she planned this all along!

My nostrils flared. This is ridiculous! Tanggap ko ang panunukso niya sa akin kay Architect but this...this is out of the line! She tricked me! Alam niyang ayaw ko nito!

"This is against my will, Architect," medyo nagtataas na ang boses ko dahil sa sobrang inis sa kanya at kay Ate Kiana. "You know she tricked me. That means the contract is invalid, right?"

"Nah," tamad niyang sabi at sumandal nanaman sa kanyang swivel chair. "The contract is legit. You signed everything that's needed. I can't do anything about it now."

"Can you at least give consideration? This is not what I want. I'm not qualified for this," lumapit ako sa kanya.

"Hindi ko ginustong pumirma diyan!" sabay turo ko sa folder na nakalapag sa kanyang desk.

"And so?" he raise an eyebrow. "Is it my fault that you signed everything without even reading its content?"

"Hindi! Pero..." my voice trailed.

Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko. Hindi siya pwedeng mag-file ng kaso dahil ako naman talaga ang pumirma doon kaya dehado ako. At ayoko ding bigyan ng karagdagang problema sina Papa. Mas lalong ayokong maging sekretarya niya pero...he has something against me!

This is all Ate Kiana's fault!  What kind of cousin is she? Akala niya ba talaga'y ikakasaya ko ang ginagawa niya? This is torture!

Akala niya ba kapag ginawa niya ito'y posible pang magkabalikan kami ni Cryd? Gods, the guy already have a girlfriend! At wala akong planong balikan siya kahit mahal na mahal ko pa siya. Paninindigan ko ang naging desisyon ko noon. Pinakawalan ko na siya at gusto kong ganoon na lamang iyon. Pero...kung ganito'y mahihirapan ako!

"Should I call my lawyer now, Savanna?"

Gosh! What should I do?

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 276 25
Career Series #3 Future Medical Doctor Aloranna, was adopted by two doctors, and become her parents. She had experienced all the hate, sufferings, pa...
59K 1.8K 7
I dare you to choose between someone who cherish you the most and the one who hurts you physically and emotionally.
134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
379K 15.6K 103
After being rejected by her long-time crush, Sabina was pushed to try Omegle, a website on which you can meet and chat with strangers out of boredom...