Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 47

321K 5.6K 506
By skycharm24

Dumating na sina Chloe at Ally. Pinagpahinga ko na muna sila sa rest house habang ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa asawa ko.

Malakas ang pakiramdam ko na magkikita na rin kami.
Ipinakita ko sa mga pinagtanungan ko ang litrato ni Trisha, pero wala raw silang nakikitang kamukha niya kaya I decided na umuwi na muna.

Naabtuan ko ang anak kong nakipaglalaro sa mga anak ni
Ate Monet.

“Hi, Daddy!” Sinalubong niya ako ng halik.

“Hindi ka ba napagod sa byahe, anak?”

“I’m fine, Daddy. Nakapag-rest na po ako. Kailan po tayo
pupunta kina Lolo at Lola?”

“Bukas, anak. Makikilala mo na ang Lolo Mauro at Lola Connie mo.”

“Daddy, are they nice? Baka they are like Mama Choleen.”

“Mababait sila, anak. ’Wag kang mag-alala, they love you
kasi apo ka nila.”

“Sana nga, Daddy. I want to get to know them, too.”

Napasarap ang kwentuhan namin nina Kuya Hayde at Ate
Monet kaya hindi ko napansin na maggagabi na pala. Kumain
na kami ng hapunan at nagpahinga pagkatapos.

Nasa kwarto na ako nang tawagan ako ng kaibigan kong
detective. Hindi pa rin daw nila ma-locate ang asawa ko.

The next day, bumiyahe kami papunta sa bahay nina Tita
Connie at Tito Mauro. Medyo malayo-layo rin ang bahay
bakasyunan nila, pero after an hour ay nakarating rin kami sa
kanila.

“Daddy, is this Lolo and Lola’s house? Ang ganda po!” sabi
ni Chloe.

“Oo, anak.”

Nag-doorbell na kami at pinagbuksan agad kami ng katulong nila. Sinalubong din kami ni Tito Mauro.

“Xander, hijo. Tuloy kayo. Si Chloe na ba ’yan? Ang laki na
niya at ang gandang bata!”

“Siya nga po. Chloe, siya ang Lolo Mauro mo.” Medyo nahihiya pero lumapit naman siya sa lolo niya at nagmano.

Lumuhod si Tito Mauro at niyakap si Chloe. “Ang laki-laki
mo na, apo! Sorry at hindi ka man lang nadadalaw nina Lolo
at Lola.” Hinalikan siya ni Tito, at gumanti naman ng yakap si
Chloe.

“I’m happy to see you, Lolo.”

“Ang bait mo namang bata. Sandali’t bababa na rin ang Lola Connie mo.” Sakto’t pababa na nga ng hagdan si Tita Connie.

“Xander! Masaya ako’t dumalaw kayo,” bati niya sa ’kin. Tapos napatingin siya kay Chloe.

“Hello po, Lola. Ako po si Chloe,” bibong bati ng anak ko. Namilog ang mga mata ni Tita Connie sabay takip ng bibig.

“Chloe? Ang laki mo na! Payakap nga si Lola,” maluha-luhang
sabi ni Tita. Masayang niyakap ni Chloe ang lola niya. “We’re both pretty, Lola.”

Nagkwentuhan kami pagkatapos. Ang daldal nga ni Chloe, maraming baong kwento. Ang dami rin inihandang merienda ni Tita Connie para sa ’min na ikinatuwa naman ni Ally.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang…

“Uhaaaaa! Uhaaaaa!” Iyak ’yon ng baby, ah? Tapos sumulpot ang katulong na kaninang nagbukas sa ’min ng gate. Karga niya ang isang baby.

“Ma’am, ayaw po tumahan ni Ian. Baka po hinahanap na ang
mommy niya,” nag-aalalang sabi ng yaya.

Akin na. Bakit, Ian, apo? Nandito naman si Lola. Tahan ka na.” Kinuha ’to ni Tita at sinayaw-sayaw, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng sanggol.

Hindi ko alam kung bakit ’di mapanatag ang loob ko.

“Daddy, why’s the baby crying?” tanong ng anak ko.

“I don’t know, anak. Maghugas nga muna kayo ng kamay ni
Ally. Ang dungis mo na, e. Tita, subukan ko pong patahanin.”
Ibinigay naman sa ’kin ni Tita ang bata. “Sshhh… Don’t cry na, baby.” Sinayaw-sayaw ko rin siya. At himala, tumahan!

“Aba! Mukhang gusto ka ni Ian, ah? Teka, maiwan ko muna
’yan sa ’yo at sasamahan ko sina Chloe sa magiging kwarto niya nang makapagpalit na rin siya. Nand’yan si Yaya Suzi ’pag
pagod ka nang buhatin si Ian.”

Naiwan kami ng baby habang umakyat sandali ang yaya niya
para magtimpla ng gatas.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kasiyahan.

“Hello, baby Ian.” Parang ngumiti ang sanggol. Marahil
kasinglaki niya na ang baby namin. Kaninong anak kaya ’to?

Maya-maya pa ay nakatulog na siya. Ang cute naman niya.
Parang may kamukha siya, ’di ko lang maalala kung sino. Kukunin na sana siya ng yaya niya pero tumanggi ako.

“Saan ba ang room niya? Ako na lang ang magdadala sa kanya.” Sumunod ako sa yaya habang mahimbing pa ring natutulog ang anghel.

“Dito po, Sir.” Pumasok kami at nagulat ako sa nakita ko.

“Bakit dalawa ang crib na nandito?” tanong ko.

“May kakambal po kasi si baby Ian. Wala lang dito ngayon
kasi nagpunta sila ng mommy niya sa doktor. Medyo may sinat, e. Pero baka po pabalik na rin ’yon.” Kambal? Ang galing naman.

Dahan-dahan kong ibinaba si Ian sa crib niya. Ang gaan ng
loob ko sa bata, o dahil lang ba nangungulila ako sa anak ko kay Trisha? Parang ayoko na ngang umalis sa tabi ng baby, e. Pero
nakahihiya naman kaya tumayo na rin ako. Palabas na sana ako
ng kwarto nang…

“Uhaaaaa! Uhaaaaa!”

“Sige, Sir. Ako na po ang bahala. Magpahinga na po kayo.
Alam kong pagod kayo sa byahe.”

“Sige, salamat.” At lumabas na ako. Naabutan kong
sinusuklayan ni Tita Connie ang anak ko pagpasok ko sa guest
room.

“Pinagod ka ba ni Ian?” tanong ni Tita Connie.

“Hindi naman po, Tita. Gising na nga po ulit siya, e. Umiiyak
na naman.”

“Hinahanap siguro ang mommy niya. Dinala kasi nito ang
kakambal niya sa doktor. Medyo mainit kasi si baby Isha kanina.”

“Ganoon po ba? Nakatutuwa naman, babae at lalaki agad ang babies niya.”

“Oo nga, hijo. Mahal na mahal sila ng ina nila. Sayang lang at
hindi pa sila nakikita ng ama nila. May iba na kasi ’tong pamilya.”

“Kawawa naman pala ang kambal.”

“Masuwerte nga, e. Napakabait kasi ng ina nila. Halika, sasamahan na kita sa magiging kwarto mo. Nakatulog na
naman itong anak mo. Napagod siguro.”

Lumabas na kami at naiwan si Chloe with Ally.

“Nand’yan na sa loob ang mga gamit mo. Aalis lang ako
sandali, hijo. Mag-grocery ako at ipagluluto kayo ng masarap
na hapunan.”

“Uhm…Tita, kanino pong anak ang kambal?” Ang alam ko
kasi nag-iisang anak lang si Choleen..

“Sa isa ko pang anak, Xander. Mga apo ko sila kay Maureen
na matagal na nawalay sa amin.               Hanggang ngayon nga hindi
pa namin masabi sa kanyang kami ang tunay niyang mga
magulang. May pinagdadaanan din kasi siya at ayaw naming
biglain siya.” May kapatid pala si Choleen? Ni hindi niya man
lang nabanggit sa akin dati.

“Sige po, Tita. Gusto n’yo po bang samahan ko kayo?”

“’Wag na, anak. Walang kasama ang mga bata dito. Sasamahan naman ako ng Tito mo. Dadaan ako sa opisina niya.”

Umalis na si Tita matapos bisitahin si Ian. Nagpalit na ako ng pambahay. I was about to check my phone nang narinig ko na naman ang iyak ng sanggol. Lumabas ako at pinuntahan ito sa kwarto. Nakita kong natataranta na ang yaya
niya.

“Tahan na, Ian. Pauwi na rin ang mommy mo.” Medyo
namumula na nga si Ian sa kaiiyak.

“Baka gutom ’yan o basa na.”

“Ayaw po dumede, e. Kapapalit ko lang din ng diaper niya.”
Sinasayaw-sayaw nito ang bata pero hindi pa rin ito tumahan.

“Sige, akin na ulit.” Ibinigay niya sa ’kin ang bata. “Baby, tahan
na. Shhhhh…” Pinadapa ko siya sa dibdib ko at hinaplos-haplos
ang likod niya. “Tahan na, baby. Ako na muna ang daddy mo,
ha?” Tumahimik naman siya. Mukhang gusto niya ako, ah.

Nagpaalam saglit si Yaya Suzi, magsasaing lang daw siya.
“Nami-miss mo ba ang daddy mo? Pareho lang tayo, baby.
Miss na miss ko na rin ang anak ko. Magkasinglaki lang
siguro kayo,” kwento ko kay Ian saka inayos ko ang hawak sa
kanya. Ang pogi niyang bata paglaki. May dimple pa nga siya, e. Kakaibang tuwa naman ang naramdaman ko nang hawakan niya ang daliri ko.

TRISHA

Medyo mainit ang bunso ko at maya’t maya ang pag-iyak
niya, kaya nagdesisyon akong dalhin siya sa doktor. Naiwan
muna si Ian kina Tita Connie. Mabuti at konting sinat lang
naman daw, at niresetahan lang siya ng gamot.

Dumaan muna kami ng botika para bilhin ang gamot. Pumara na ako ng taxi pagkatapos at nagpahatid sa bahay.

Baka umiiyak na kasi ang isa ko pang anak. Sa mga ganitong
pagkakataon, sana kasama ko si Xander para umalalay sa ’kin,
pero kailangan kong magpakatatag para sa kambal ko.

Pinagbuksan kami ni Yaya Suzi ng gate.

“Kumusta si Ian?” tanong ko agad.

“Iyak nga po nang iyak. Mukhang hinahanap kayo. Mabuti na lang po, Ate Trish— Ay, saglit! ’Yong sinaing ko pala!”

Hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya, umalis na agad siya. Kakaiba din ang dalagitang ’yon, e.

Umakyat na ako. Malamang nakatulog na ang anak ko kaya
I slowly opened the door para hindi siya magising.

Panaginip ba ’to?! Anong ginagawa ng kapreng ’to dito?
Inilapag ko ang bag na dala ko. Nakadapa pa sa dibdib niya
si Ian at mahimbing silang natutulog sa kama namin. Kung panaginip ’to, sana ’wag muna akong magising. Ang cute nilang dalawa tingnan, e.

“Uhaaaaa! Uhaaaaa!” biglang iyak ni Isha. Hala! Nainggit
yata sa kapatid niya.

“Shhhh…anak, baka magising sila.”

“Uhaaaaa! Uhaaaaa!” Mas nilakasan niya pa talaga. Then I saw Xander move.

“Shhhhh… Don’t cry, baby,” sabi nito sabay haplos kay Ian.
Pero napakunot ang noo nito nang napansing tulog naman ang bata sa dibdib niya. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang napatingin siya sa ’min ni Isha.

“Trisha?!”

Continue Reading

You'll Also Like

164K 2.7K 27
Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para piliin mong mamatay? Ang tanong, susug...
1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED
2.9M 82.4K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
5.9M 112K 57
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong...