One Night Partner (HIATUS "mu...

De tammieNOTtannie

6.2K 107 7

Ayaw niyang mag-asawa..ayaw niya sa commitment.. She believes in the saying that Boys are just pain in the as... Mais

One Night Partner
Synopsis
Where Everything Started
Being with my One Night Partner (SPG)
All About Kristoff Allen Zamora Ramos II
Knowing Jessa Kate Reyes
Wanted: Ms.J
Ang Saging
Give This Update a Title ;)
baby..baby!????
Let's Talk About US
Shining and Shivering (SPG)
Wedding bells??
Mothers Knows Best
Alodia: The Legal Wife?
Jessa on Trouble
She Said Yes!!
PLEASE READ THIS
No love in between
Vacation (Part 1)
Vacation (Part 1.2)
Vacation Part 1.3
Vacation Part 2

VACATION (continued)

96 3 2
De tammieNOTtannie

A/N:

Sorry for the VERY VERY VERY late update guys, may pinagdadaanan lang hihihi

----------------------------------------------------------------

JESSA'S POV

Buong biyahe yata akong nakangiti, I feel complete eventhough I know it's not. Bakit ko ba ginagawa ko ito? Parang nilulon ko lang ang mga prinsipyong pinanghahawakan ko buong buhay ko, at ngayon ewan ko basta masaya ako.


Nakayakap pa din siya sa bewang ko habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming bukid at mga burol. Malayo sa kabihasnan,malayo sa ingay ng siyudad at payapa ang lugar tanging huni ng ibon at mga baka at kabayo ang maririnig mo. Sa di kalayuan ay nakita ko na ang lumang dyip na nakaparada sa tapat ng maliit na kubo,at doon ko na inihnto ang scooter na sinakyan namin papunta dito.


"We're here?" tanong ng lalaki na kakababa lang sa scooter. Ngumiti ako sakanya habang inaayos ang stand ng scooter. "Na-miss ko dito!" sigaw ko habang nakatingin sa malawak na bukirin sa tapat ng burol namin. Tumabi siya sa akin ng nakangiti, "I like it here,refreshing air and peaceful parang ang sarap tumira dito." I nod while smiling. "Tara na nga,at magpakita muna tayo kay Nanang at Tatang."


Ang kapatid ng Lolo kong si Nanang Iska at ang asawa niyang si Tatang Andres ang nakatira malapit sa burol,simula ng mamatay ang Lolo at Lola ko sila na ang nagbantay sa tanging lupain naming mga Reyes. "Apo!Tao po!" Sigaw ko ng makapasok sa kahoy na gate. "Nanang!Tatang! Si Essang po ito!" narinig kong napahagikgik si Kristoff sa likuran ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Bakit? Anong problema mo sa nickname ko hah?" I rolled my eyes ng umiling siya habang kagat kagat ang ibabang labi niya.


"Essang!?" nakita kong lumabas si Nanang mula sa kubong tinitiran nila. "Nanang ako nga ito."lumapit ako habang hila-hila ang braso ni Kristoff. "Naku! Buti at naabutan mo kami ng Tatang Andres mo dahil pupunta kaming bayan mamaya." Nag-mano ako at niyakap ko siya. "Asan nga po pala si Tatang?" nakita kong napatingin siya kay Kristoff na nakatayo sa likod ko.


"Ahm,Nanang si Kristoff po pala." Nag-mano si Kristoff kay Nanang. "Nako,kay gwapong bata naman netong kaibigan mo Essang." Napahagikgik na naman si Kristoff kaya tinignan ko siya ng masama. "Halika kayo pasok,magluluto kasi ako ng Tinola,idadaan namin sa bukid mamaya,pagkain ng mga nagtatanim sa bukid natin." paliwanag ni Nanang habang pinagpatuloy at paghiwa sa papayang ilalagay sa tinola.


"Asan po pala si Tatang?"tanong ko. I sat down while Kristoff is busy looking around the house. "Nasa manokan at nagpatay ng native na manok pang-tinola,kung gusto mo ay puntahan mo nang maipasyal mo etong kaibigan mo Essang." Nakangiting sabi ni Nanang.


"That would be great Jessa,i-tour mo ko sa bukirin niyo." Nakangiting sabi ni Kristoff. Napailing nalang ako habang nakangiti." Sige po Nanang,ipapasyal ko po si Kristoff hanggang sa burol."


Sa di kalayuan ay naaninag ko na ang kulungan ng mga manok at ang mga baka na nakatali sa ilalim ng mga puno ng mangga. "Tatang!" napalingon ang tinawag ko habang may hawak itong itak nakita kong napatigil si Kristoff, I secretly laughed at his expression. Parang takot siyang lumapit kay Tatang. Naningkit ang mata ni Tatang habang papalapit ako. "Essang ikaw ba yan?" Tanong niya ng nag lahad ako ng kamay para mag-mano sakanya. "Opo Tatang si Essang po io at may kasama po akong kaibigan." Binaba niya ang hawak niyang itak bago inabot ang kamay ko para makapag-mano.


"Kaawaan ka ng Diyos."nakangiting tugon ni Tatang sa akin at inabot din ang kamay niya kay Kristof na nasa likuran ko na pala. Agad namang nag-mano si Kristoff kay Tatang.


Hindi rin nagtagal ang kwentuhan namin nila Nanang at Tatang dahil kinailangan na nilang umalis papuntang bayan. Nagpaiwan muna kami para makapasyal sa burol naming kung saan makikta ang mga nakatanim ang mas madaming puno ng mangga at makikita mo din ang dagat kapag nasa tuktok ka na ng burol.


Dala-dala ang basket ng prutas at pananghalian namin ay umakyat kami ng burol. Hindi naman mahirap umakyat dahil katamtaman lang ang taas at hindi matarik ito at may daan talaga na kusang ginawa para sa mga aakyat ng burol. Noong bata pa kami,lahat kaming magpipinsan ay nag-uunahan sa pag-akyat ng burol at paramihan ng manggang masusungkit sa mga puno. Napangiti ako sa mga masasayang alaala na naranasan ko noong bata pa ako at gusto ko ring maranasan iyon ng magiging anak ko.


"What are you thinking?"nagulat ako sa pag-hawak ni Kristoff sa kamay ko habang inaalalayan ako nitong mag-lakad sa kabilang kamay niya ay ang basket namin ng pagkain. "Wala,naalala ko lang nong bata pa ako,lahat kaming magpipinsan ay naglalaro dito sa burol." I smiled again at the thought. Yes, I have cousins at pinaramdam nila sa akin na may kapatid ako kahit ang totoo ay ako lang mag-isa. Sa aming mag-pipinsan ako lang ang only child, mapa-first o second cousin.

"Anong pakiramdam ng may kapatid Kristoff?" nagulat siya sa tanong ko. "Siblings? Yeah I have siblings but I don't know the feelings." Napansin ko ang malungkot niyang ngiti.


Ngumiti nalang ako at hinila siya palapit sa kubo na nasa tuktok ng burol. Gusto ko munang kumawala sa problema,bukas ko nalang sila iisipin,dahil araw namin to

Continue lendo

Você também vai gostar

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...