Basketball Love Affair 1: Fou...

By JhasMean_

437K 5.3K 347

Trixie Clarisse Reyes is a beautiful, rich and smart woman. She has everything any girl would dream of. Kunte... More

Prologue [Edited]
Chapter 1 [Edited]
Chapter 2 [Edited]
Chapter 3 [Edited]
Chapter 4 [Edited]
Chapter 5 [Edited]
Chapter 7 [Edited]
Chapter 8 [Edited]
Chapter 9 [Edited]
Chapter 10 [Edited]
Chapter 11 [Edited]
Chapter 12 [Edited]
Chapter 13 [Edited]
Chapter 14 [Edited]
Chapter 15 [Edited]
Chapter 16 [Edited]
Chapter 17 [Edited]
Chapter 18 [Edited]
Chapter 19 [Edited]
Chapter 20 [Edited]

Chapter 6 [Edited]

15.7K 255 11
By JhasMean_

Chapter 6

Trixie Clarisse Reyes

Weeks passed at ganon ang set up namin ni Bricx, he's using me to suppressed his raging libido. Ako naman ay sinasabayan lang ang mga gusto niya.

I want to win, everytime I caught him looking at me, my adrenaline's rushing dahil alam kong sa mga tigin niya iyon ay unti unti na siyang natatalo. May isang beses nga na nagpanggap akong natutulog and he just stay awake and stare at me.

At isa pa, kailangan ng matapos ang larong ito. Aesser's been dodging my calls and text for these past few weeks.

"Coach!" Isa isang tawag ng mga players ko nang dumating sila sa gym. Napatingin ako sa relo ko, walang late. Halos dalawang linggo na din ng sabihin ko sakanila ang bagong rule na bawal ang late sa morning practice o patatakbuhin ko sila sa buong field ng nakasuot na t-shirt na may nakasulat na 'I got STD' na malamang ay kinatakot nila dahil mawawalan sila ng babae.

Pinapwesto ko sila sa bleachers at pinasuot ng Blue and Black jersey. Dahil thirteen sila sa team ay may tatlong hindi makakasali. Matapos silang magpalit ay tumayo ako sa harap nila.

"Next game will be your first match. Ang team na makakalaban niyo ay ang Green Tamaraws." Nakatuon ang atensyon nilang lahat sa sinasabi ko. Simula last week something's changed in them, they're listening to me. It's a good sign, it means I'm getting chances to win.

"Hindi man sila pumasok sa championship ay masasabi kong magaling sila, they gave Red Falcons a tough game last season at Semi. Besides, they have the tallest center in all HSAA team. Though hindi naman ito nalalayo ng height kay JP, still, lamang pa din nila iyon. So JP, you have to condition yourself for the game since ikaw ang may pinakamahirap na katapat, you've to work on your jump ball and rebounds. And you all have to improve you offense dahil malakas at matibay ang defense nila."

Pinaglaro ko na silang lahat, ngayon ay kasama si Daniel, Jhester, Saebricx, Max at Bart. Silang lima ang magkakalaban. Sanay silang maglaro ng magkakasama, at ngayon pano nila lalabanan ang taong alam na nila ang bawat kilos?

Sa simula ng laro ang pinakanahihirapan ay yung lima, si Bricx, Max at JP and magkakampi samantalang nasa kabilang team si Daniel at Bart. Nagkakalituhan sila, kapag hawak ni Bricx ang bola it's either kay Max at JP niya ito ipapasa. Ganon din kila Daniel, kapag hawak niya ang bola ay kay Bart niya ito agad pinapasa. Sila sila lang ang naglalaro. Umiling ako at pumito.

Tumigil sila. "You're a team. Ipasa niyo ang bola sa iba. Daniel, libre kanina sa pwesto ni Zero pero kay Bart mo pa din pinasa. Max, ganon din kanina kay Bryle. Work with each other! You're a team." Tumango naman silang lahat, I blow my whistle and started to play again.

Pinanood ko silang maglaro at umayos nanaman sila. Ng makuntento ako ay kinuha ko ang nalikom kong information tungkol sa dalawang magaling na player ng Green Tamaraw at sa bago din nilang member na galing ng ibang bansa. So far wala naman silang gaanong nilamang sa Blue Dragons. They're skills are just too equal kaya mahirap labanan ito, mahirap kalaban ang taong kapantay mo lang. That's why I'm pushing my team to their limits, dahil sa laban na iyon, siguradong iyon ang kailangan nilang gawin.

Tinigil ko ang pagbabasa at muling binalik ang tingin sa mga players ko. They're pushing to their skills, but Bricx is still the same. Maayos ang laro niya pero walang nagbago kaya naman mabilis naaagaw ang bola sakanya, at madalas sablay ang shoot niya. He's one of the best players, noong mga panahong nananalo sila sa HSAA ay siya ang palaging MVP. But now I can't see the MVP I always hear in the news.

Kinuha ko ang profile ng Blue Dragons at nagsulat dito ng mga bagay na dapat nilang i-improve pa. Wala naman masyadong kailangan i-improve ang ibang players, bukod lang kay Bricx at Jun.

Nagpahinga sila matapos ang laro nila at tumayo naman ako sa harap nila, "You all have some improvements to make. Daniel, you have to work on your three point shot, out of sixteen na attempts mo, sixty percent lang ang pumasok, I need a hundred percent. Bart, improve your man to man defense. Jhester, practice your box out, mabibigyan ka ng advantage laban sa center ng Green Tamaraws kapag na-master mo yun. Max, watch out for your pass. Bricx and Jun, you have a list. Tomorrow mas agahan niyo ang papgpunta sa morning practice, kung 6:00 ang simula natin, pumunta kayo dito ng five. That's all, the rest, wala na. You may all take a shower and go to your class."

Tumango silang lahat at sunod sunod na pumunta sa shower room, ang naiwan ay si Jun na tinanong ang kailangan niyang ayusin sa laro niya, "I'll e-mail it to you." Tanging sagot ko sakanya. Good, he wants to be better. Lumingon ako kay Bricx na ngayo'y masama ang tingin sakin.

"What?" Mataray na tanong ko sakanya.

"You have a list for my improvements? Are you saying I'm not good enough?" Pasigaw na tanong niya. Pumamewang ako. Is he really shouting at me?

"I'm not saying you're not good enough, I'm saying you're not pushing yourself enough." Nagtangis siya ng panga at umalis na papuntang shower room.

Tatlong araw na ang nakalipas ng magsimula ang special training ni Jun at Bricx, pinag-basic routines ko lang sila, dribbling, shooting, and pass. I need to improve their coordination and endurance. Lalo na si Jun, he needs to work on his endurance, mabilis siyang mapagot. Si Bricx naman sa coordination para mas maging flawless ang kilos niya sa court.

"Jun and Bricx, one on one. Now!" Utos ko sakanila matapos nilang tumakbo ng sampung beses sa buong court. Pumito ako at pinakilos sila ng mabilis. Agad na kumuha sila ng bola at nag-one on one. One on one is a kind of drill kung saan mag-di-dribble sila at may routine iyon, they will move left and right habang nag-di-dribble at kailangan mabilis nilang gawin iyon. Pinagawa ko iyon ng limang beses whole court at ng matapos sila ay napahiga silang dalawa sa lapag. Sakto n'on ay dumating na ang iba pang players.

"Team up! Bricx and Jun wear a different jersey." Nagulat naman sila sa sinabi ko, they're exhausted. I know. But I'm testing how long they can take this.

Nag-stretching muna silang lahat at nagsimula na, pinanood ko ang bawat kilos nila Jun at Bricx, pagod sila pero maayos pa din ang paglalaro nila. In the middle of the second quarter ay halata ang medyo pagbagal ng kilos ng dalawa pero nakakasabay pa din sila sa laro, if you're not paying attention you won't even notice that they're getting tired.

Pumito ako kaya naman tumigil silang lahat, "Bricx and Jun, get out of the game. Charles and Bryle pumalit kayo." Tumango naman silang apat. Agad na pumunta sa bleachers si Bricx at Jun at uminom ng tubig.

"You two improved a lot in such a short period of time."

Sabay silang tumango at ngumisi. Sinabihan kong maligo na sila at magpahinga dahil kailangan pa nilang pumasok ng klase. Binalik ko ang tingin sa ibang mga players na naglalaro ngayon sa court. Ngumisi ako sa magandang laro nila ngayon.

They're good for now. Kayang kaya na nilang labanan ang kahit anong team. Even Falcons.

Apat na araw ang dumaan at simula na ng HSAA, unang game ang Blue Dragons at Tamaraws. Sakay kami ng shuttle papunta doon at habang nasa biyahe ay pinaalala ko ang mga dapat nilang tandaan sa court. Ang mga dapat bantayan.

"You have to win. We have to win, understand?" Pasigaw na tanong ko sakanila habang nakatayo sa harap nitong shuttle. Seryosong tumango sila at hindi nagsalita. Naupo ako sa tabi ni Bricx na kasalukuyang may ginagawa sa kanyang tablet. Sinilip ko ito, he's answering e-mails.

"What's that for?" Tanong ko sakanya.

"Business. Hindi ako nakapasok sa opisina ng ilang araw that's why I'm flooded with e-mails from the board and my secretary." May suot itong salamin at nakatuon lang ang mata sa screen ng tablet niya. Humilig ako sa balikat niya at pumikit. Naramdaman ko ang saglit na pagtigil niya at pinagpatuloy muli ang kanyang ginagawa.

"Trixie," napamulat ako ng mahinang tapikin ni Bricx ang pisngi ko. Wala na siyang suot na salamin. "We're here." Nilibot ko ang paningin ko, kaming dalawa at ang driver na lang ang nasa shuttle.

Agad na tumayo ako at lumabas ng shuttle, naramdaman ko ang pagsunod sakin ni Bricx kaya dumiretso na ako papunta ng gym. Sa locker room muna kami pumunta, isang oras pa bago ang simula ng laro. Doon ay naabutan ko ang Blue Dragons na nagpapalit na sa kanilang jersey at ang iba naman ay nag-stretching.

Sa huling pagkakataon ay pinaalala ko sakanila ang training namin at na dapat ay manalo sila dito. Dahil kung hindi ay hanggang sa graduation ay hindi ko aalisin ang girl ban sa gym. Hindi ko na sila pinayuhan sa kung anong dapat nilang gawin kapag nagsimula na ang laban. It's a game, hindi mo masasabi ang kalalabasan ng bawat laro. The only advice I can give them is to do their best.

"You understand?" Tanong ko sakanila.

"Yes, coach!" Sabay sabay nilang sagot sakin.

Kinuha ko ang chart ko at sinabi ang ipapasok ko sa first five, "Bricx, Daniel, Jhester, Zero and Charles."

"Why am I not playing?" Kunot noong tanong ni Bart.

"Ipapasok din kita. But for now, sila muna. So let's go. May twenty minutes pa tayo."

Lumabas na kami sa locker room at nang makita na ng mga tao ang team namin ay isang malakas na hiyawan ang narinig ko. Ang sakit sa tenga. This is what I hate during basketball match, the uncontrollable crowds na sigaw lang nang sigaw pero hindi naman naiintindihan ang laro.

Pumwesto na kami sa upuan namin, isa isa silang nagtanggal ng jacket at kumuha ng bola upang mag-practice ng shooting. Naupo ako sa bench at muling binasa ang profile ng Tamaraws. Last week kasi ay pinanood ko ang tune-up game nila sa Yana's, at wala namang nagbago sa game play nila. Sinarado ko na ito at tinuon ang pansin ko sa team. Nilipat ko ang tingin ko sa kabilang team na hindi umalis sa pwesto nila at pinapanood lang ang team ko na nag-shu-shoot sa ring. Pinag-aaralan nila ito.

"Go Daniel!!!" Rinig kong sigaw mula sa isang babaeng nakaupo sa courtside bench. Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay, siya yung babaeng nakita ko sa gym dati. Naramdaman siguro niya ang pagtingin ko kaya lumingon siya sa pwesto ko at namutla naman siya ng makita niya ako.

"You. Come here." Saad ko sakanya, mukha namang narinig niya ako kaya nakayukong pumunta siya sa pwesto ko, sinabihan ko ang guard na sana'y pipigilan siya sa pagpunta dito na kasama namin siya sa team.

"Bakit?" Nauutal niyang tanong sakin.

Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera, "What's your name?" Tanong ko sakanya na sinagot naman niya agad, Shanna pala ang pangalan niya. "Can you carry twenty six bottles of gatorade?"

"Uh. No, pero pwede akong magpasama." Takot na sagot niya.

"Good. Buy." Nilagay ko sa palad niya ang pera at namula naman siya. God, she looks cute. Pinigilan kong ngumiti at tinuon ang atensyon ko kila Bricx.

Napapitlag sa biglang pagtugtog ng drums at malakas na hiyawan ng tao. Nagtatakang lumingon ako kung saan sila nakatingin and there I saw the Red Falcons.

Kumaway ang ibang miyembro nito sakin at isa isang bumati ng makalapit sila sakin. Napatingin naman ako kay Aesser na kausap lang si Michael.

"Mauupo na kami, Risse. Good luck." Nakangiting paalam sakin ni Michael at nagsimula na silang pumunta sa pwesto nila, ang naiwan na lang ay si Aesser na malamig na tinitigan ako.

"Good luck." God, I missed that voice. I missed him.

Continue Reading

You'll Also Like

291K 3.6K 31
Hindi stalker si Shanna, admirer siya. Bakit? Stalker ba ang tawag sa babaeng alam ang passcode sa condo ng isang lalaki? Ang alam ang cellphone numb...
168K 4.3K 49
[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabil...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...