Collectanea (ViceRylle)

By vicerylleland

111K 3.3K 423

Collection of ViceRylle one-shot stories More

Collectanea
ViceRylle Story sa MMK (1)
I Almost Do
Superstar
Baby
Baby (part 2)
Baby (part 3)
Baby (part 4)
Baby (part 5)
ViceRylle Story sa MMK (2)
My MVP
Ikaw
Tampuhan
Wedding Bells
For the Fans: Pagpapakilala
For the Fans: Pagpapaliwanag
For the Fans: Pagpapasalamat
For the Fans: Karylle's Take
The Greatest Gift
The One That Got Away
Sequel
Magkabilang Mundo
A/U
Untitled
BFF
Secret
Secret (part 2)
Weirdly Beautiful
Secret (part 3)
KATANUNGAN
Ako Muna
Isang Dosenang Hopia
BFF (Part 2)
Kaya Ko Nang Wala Ka
Wedding Bells (part 2): VhongAnne x ViceRylle
For the Fans: A ViceRylle Baby's Take
ViceRylle
ViceRylle II
Party
*just checking in
Surge: Teaser
Surge (part 1)
Surge (part 2)
Surge (part 3)

Superstar (part 2)

2.7K 78 9
By vicerylleland

Punong puno ang studio ng mga fans na kaliwa't kanan ang pagwawala. Kahit saang direksyon ka tumingin, may mga tarpaulin at cartolinang nakataas at winawagayway ng fans. Rinig na rinig sa studio ang sigawan ng mga audience.

Sa isang gilid naman ng entablado, tahimik na nakatanaw ang dalaga sa kanyang nobyo na kasalukuyang kasama ang babaeng katambal nito sa palabas. Binibiro ng host ang dalawang artista kaya naman mas lalong natuwa ang mga fans. Nang hindi na nakayanan ng dalaga, umalis na sya at hindi na pinanood ang programa.

.

.

.

.

.

Pagkalipas ng ilang araw...

MARIEL: Uy, Anne, nabalitaan mo na ba?

ANNE: Ang alin?

MARIEL: Si Viceral at El---

KARYLLE: Tama na ang tsismisan! Guys, rejected yung mga pinasa natin sa kumpanya! Pag oras kasi ng trabaho, magtrabaho kayo! Hindi yung ganyang nagkukwentuhan kayo!

Nagulat ang mga tao sa photo studio sa pagsigaw ni Karylle na head photographer at boss nila. Bumalik si Karylle sa inuupuan nya at nireview ang shots ng modelo ng kumpanya.

AMY: K, ano na naman ang problema mo at nagsisisigaw ka kanina?

KARYLLE: Tyang, yang mga tauhan na naman kasi palpak! Wala ng ginawang tama!

AMY: Talaga ba? Baka naman kasi yung problema mo, dinala mo na naman dito sa trabaho kaya pati yung maliit na pagkakamali ng team, napapalaki mo.

KARYLLE: Ako na naman? Aba wala na akong ginawang tama!

AMY: Karylle, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam mo, magpahinga ka muna ngayong weekend. Kami na muna ang bahala dito. Ilang araw ka na ring ganyan.

KARYLLE: Tyang, ako lang ang matinong photographer dito. Kanino mo ipapahandle yung mga kliyente habang wala ako?

AMY: Kay Jhong.

KARYLLE: Wag. Hayaan mo nang sa editing sya... pero bantayan mo rin.

AMY: Sino bang gusto mo?

KARYLLE: Si Jugs nalang pag yung photoshoot ay dito lang sa studio. Pag outdoor shoot, kay Anne mo ipahandle. Pwede rin kay Teddy.

AMY: Sige, may bilin ka pa bang iba?

KARYLLE: Bantayan mo lang ng mabuti ang team. Keep me updated, Tyang.

AMY: I will. Sige na't magpahangin ka na nang lumamig yang ulo mo.

KARYLLE: Salamat, Tyang. Pakisabi sa kanila, pasensya na.

.

.

.

.

.

DIRECTOR: Congratulations! Both of you did a very good job sabi ng management. Mas lalo daw tumaas ang ratings ng show.

VICE: Syempre naman, Direk. Magaling 'tong partner ko.

ELLA: Ano ka ba, Vice? Pereng sere 'te.

VICE: Nakakatuwa ka kaya! Ang galing mo pa!

ELLA: Bolero! Osya, Direk, mauuna na ako. May photoshoot pa ako para sa magazine.

VICE: Wow! Big time ka na talaga, Ella.

ELLA: Ewan ko sa'yo! (laughs) Mauuna na 'ko.

VICE: Bye Ella! Love you!

ELLA: Viceral, wag kang ganyan... Madali akong ma-fall.

VICE: Baliw! Sige na, umalis ka na. Ingat!

(A/N: Kunwari totoong girl si Ella 😊)
Nang makaalis si Ella, nag-ayos na rin si Vice ng kanyang mga gamit. Kinausap sya ng direktor.

DIRECTOR: Viceral, you did a very good job. Nag-improve na ang acting mo.

VICE: Thank you po, Direk.

DIRECTOR: Talaga bang wala kayong something nyang si Ella? I mean, oo loveteam kayo sa teleserye pero iba yung closeness nyo eh.

VICE: (smiles) Mauuna na ako, Direk. See you tomorrow sa taping. Bye!

.

.

.

.

.

Pagdating ni Vice sa condo unit nya, napangiti sya nang makita ang meriendang nakahain sa mesa. Sumilip sya sa kusina at nakita nga nya doon ang girlfriend nya... si Karylle.

VICE: Oh? Akala ko may gagawin ka pa sa studio?

KARYLLE: Well, Tyang Amy allowed me to go earlier than usual.

VICE: Why? By the way, ano na nga pala ang nangyari doon sa project nyo sa isang company?

KARYLLE: (sighs) Rejected. They didn't like the outputs. Kasalanan ko ba kung pangit magproject yung model nila?

VICE: Hayaan mo na. You did your best naman para mapaganda yung photos na nirerequest nila.

KARYLLE: Mga hindi marunong umappreciate. Kainis!

VICE: Wag ka nang mainis, baby. (backhug kay K) Hindi naman kawalan yung company na yun. I'm sure mayroon pang mas magandang offers na dadating sa inyo.

KARYLLE: Sana nga. Nagpapa-upgrade pa nga ako. Malaki-laking pera na naman ang kakailanganin. Ang dami pang tauhan na dapat pasahurin.

VICE: Hindi pa rin ba okay sa Papa mo yung sariling mong business?

KARYLLE: (iling) Sabi nya, sinayang ko lang daw ang pagpapaaral nya sa'kin ng Accountancy. VICE: Hindi mo naman sinayang. Nagamit mo naman at nagagamit mo pa naman. Tsaka passion mo 'yang photography eh.

KARYLLE: Ipaintindi mo nga sa kanya yan! (laughs) Para naman tulungan na nya ako sa financial problem ko.

VICE: Kung kausapin ako nun! (laughs) Pero wag mo na intindihin yung pagpapa-upgrade. Sasagutin ko na yun.

KARYLLE: No. Wag na, baby. Salamat nalang.

VICE: Let me help you. Ito na nga lang ang pambawi ko sa'yo para sa mga araw na hindi tayo nagkikita.

KARYLLE: (sighs) Mapilit talaga 'tong boyfriend ko. Sige na nga. (kisses Vice) Thank you!

Kumain silang dalawa ng merienda at nagkwentuhan. Pagdating ng alanganing oras ng gabi, bumalik na si Karylle sa unit nya. Sa parehong condominium nakatira sila Vice at Karylle. Sa parehong floor din ngunit magkaibang unit.

.

.

.

.

.

Bumalik na sa studio ng Showtime Photography si Karylle at nagpaumanhin sa mga tauhan nya dahil sa inasta nya nung nakaraan. Masaya rin nyang ibinalita sa mga ito ang pagtuloy ng pag-upgrade nila. Dinala na rin nya ang mga bagong equipments sa studio.

ANNE: Ms. K, ang dami naman pong equipments.

KARYLLE: Oo, para yan sa expansion ng studio at pag-upgrade natin.

TEDDY: Ano pa po yung sinasabi nyong isa pang good news, ma'am?

KARYLLE: Well, we all need to work for a couple of hours today because we have a big client.

AMY: Sino?

KARYLLE: We are working with a magazine today... Not just a magazine but the country's number one!

AMY: Whole magazine?

KARYLLE: No, but we have the cover story! Guess who's on the cover...

ALL: Sino?

KARYLLE: We have one of the country's biggest loveteams, VicerElla! Ella and Viceral.

Natuwa naman ang mga tao sa studio at nagcheer dahil bongga ang project na 'to at mga bigating artista pa ang kukuhanan nila.

KARYLLE: Sa photoshoot nila together, dito sa studio lang gagawin. I'll lead the photoshoot. Yung mga solo shots naman, lalabas tayo. For Ms. Ella, sila Coleen, Jugs, Kim, Mariel, and Eruption ang maghahandle. Teddy, Tyang Amy, Anne, Ryan, you will be working with me for Mr. Viceral. Each team should have someone to cover the shoots of both celebrities. Sinong videographer/photographer sa team Ella?

JUGS: Kami nalang po ni Mariel.

KARYLLE: Okay, how about sa team Viceral?

TEDDY: Ako nalang po.

RYAN: Tutulungan ko nalang din po si kuys Teddy.

KARYLLE: Alright. Are we all clear? We don't need to mess up this time.

ALL: Yes, Ma'am!

KARYLLE: Team Ella, you need to have clear communication with his personal team din, okay? Pati na rin sa mga editors and staff from the magazine. Same with team Viceral. Okay, now. Let's go back to work, people!

Maya-maya pa, dumating na ang mga artista kasama ang glam team nila at ang editors ng magazine. Nagmeeting muna sila before magsimula ng photoshoot. Nakapaghain na sila ng iba't ibang concept and ideas pero ang pinakanagustuhan ng editors ay ang idea ni Karylle.

EDITOR: Okay, we're planning na yung solo features nila ay gawin sa mga places na kung saan mas maipapalabas yung pinakacharacter nila. Tsaka para mabigyan din ang public ng glimpse sa private lives nila. We asked Viceral and Ella kung saan nila gustong gawin yung photoshoot. Ella said gusto nya sa mansyon nya and si Viceral naman, doon sa café na madalas nyang tambayan. What do you think? Makakakuha ba kayo ng magagandang shots sa places na yun?

KARYLLE: Yes Ma'am. Kaya po.

EDITOR: Oh, and can we ask you another favor?

KARYLLE: Ano po yun?

EDITOR: We need to have photos of them taken sa show nila on and off cam. Can you do it?

KARYLLE: Yes, Ma'am, but I'll assign one of my photographers to go there tomorrow.

EDITOR: Sige. Thank you very much, Karylle.

The photoshoot in the studio went well. Nagustuhan ng staff ng magazine ang mga kuha ni Karylle sa VicerElla. Pagkatapos noon, bumyahe na sila para sa magkahiwalay na shoot ni Viceral at Ella.

(A/N: Para maimagine nyo si Viceral at Ella)

Sa photoshoot with Viceral sa café, bahagyang nagtaka ang mga tao kayla Viceral at Karylle dahil tila alam ng dalaga ang mga dapat na gamiting props na magrerepresent sa mga hilig ni Viceral. After the shoot, nagkanya-kanya na sila ng uwi.

BARISTA: Ms. K!

KARYLLE: Yes kuya?

BARISTA: Grande, double chocolate chip crème frappe. (gives cup)

KARYLLE: But I didn't order anything.

BARISTA: Someone did. (gives a piece of paper)

(A/N: pagpasensyahan nyo na po ang aking handwriting. Nilagay ko lang para mas feel. char)

"I had fun in today's photoshoot, Karylle. Thank you! – Viceral"

Napangiti naman sya dahil sa mensahe at inorder ng nobya para sa kanya. Ngunit napalitan din ng pagkabahala ang nararamdaman nya dahil baka mahalata sila ng barista.

BARISTA: Don't worry ma'am. Suki namin dito si sir Vice. Ka-close na namin yan at nakukwento ka nya sa amin palagi. Alam namin yung tungkol sa inyo pero dahil kaibigan na rin namin sya, safe ang sikreto nyo.

KARYLLE: Thank you.

BARISTA: Ako nga po pala si Benjamin.

KARYLLE: (smiles) Nice to meet you.

BARISTA: Nice to finally meet you, Ms. K. Tama nga po si sir Vice, ang ganda nyo po. Bagay po kayo ni sir.

KARYLLE: Thank you, Benjamin.

.

.

.

.

.

Makalipas ang isang buwan, narelease na ang magazine kung saan cover sila Viceral at Ella. Maganda naman ang sales at napuri rin ang photos na kuha ng Team Showtime. Dahil doon, dumami na rin ang mga kliyente nila. Nakilala na rin si Karylle at tinagurian sya bilang isa sa mga mahuhusay na photographers ng bansa, kasama sina Mark Nicdao at BJ Pascual.

Isang beses, kinailangan ulit ni Viceral magpunta sa studio para sa isang shoot. Medyo sexy ang shoot na ito kaya personal nyang nirequest sa management na si Karylle ang kuhanin na photographer. Habang nag-aayos sya, patago syang kinausap ni Karylle.

KARYLLE: Kaya mo ba talaga 'to, baby? Yung naiimagine kong concept na gusto nila is super sexy, yung kulang nalang maghubad ka. Kailangan sabayan mo yung hotness ni Ella. Baka uncomfortable ka.

VICE: Hindi pero kakayanin. Tsaka kaya ikaw ang pinili kong photographer kasi alam kong hindi mo ako papabayaan.

KARYLLE: Sige. Basta mamaya sa shoot, pag hindi mo na talaga kaya, tell me. Para ba 'to sa project na kinukwento mo sa'kin?

VICE: Yes. Yung endorsement.

KARYLLE: Wag kang kabahan! (chuckles) May abs ka kaya... ang hot mo pa. Dadami lalo ang kaagaw ko sa'yo.

VICE: Eh... For your eyes only lang 'to. Tsaka unlike other guys, ayokong naghuhubad.

KARYLLE: I know, ako na'ng bahala. Sige na. I'll go ahead. Baka mahalata pa tayo.

Mabilis na hinalikan ni Vice si Karylle bago sya lumabas ng dressing room ni Vice. Nagulat naman ang isa nyang tauhan nang makita sya.

ANNE: Ms. K, ano pong ginawa nyo sa dressing room ni sir Vice?

KARYLLE: Ano, ahm... kinausap ko lang tungkol sa photoshoot mamaya.

During the photoshoot, nararamdaman ni Karylle na kinakabahan ang kanyang nobyo. Sandali syang tumigil at lumapit kay Vice na ipinagtaka muli ng mga tauhan nya dahil si Karylle yung tipo ng photographer na pag may adjustment sa model ay sasabihin lang nya ito or iuutos sa tauhan. Inayos nya si Vice at ang kasuotan nito.

COMPANY REPRESENTATIVE: Bakit ganyan, Karylle? Ang kailangang photos ay hunk! Dapat lumabas yung sexiness at hotness ni Viceral!

KARYLLE: I know, Ma'am. Pero pwede naman siya maging sexy without being close to nakedness. Ang focus po natin dito ay yung product nyo and support lang po yung body nya. Pag yung gusto nyo po ang sinunod natin, may chance po na ipatiklop ang billboard dahil masyadong revealing.

Natahimik ang company representative sa sinabi ni Karylle. Si Vice naman ay nakahinga na ng maluwag at tinignan si Karylle. Nginitian naman sya ni Karylle. All throughout the photoshoot, mas naging kumportable na si Vice at hindi maikakailang mas maayos at mas maganda ang kinalabasan ng photos.

After the photoshoot, gumawa nalang ng excuse si Vice sa mga kasamahan para hindi na sya hintayin nito. Sinabi nya na may susundo sa kanya kaya hindi na sya sasabay. Pagkalipas ng ilang minuto, nagsenyasan nalang sila Vice at Karylle.

KARYLLE: Job well done guys! Once you're done, you may go na. Just make sure everything's unplugged pati yung mga lockers nyo, i-lock nyo. Magpaalam kayo sa guard pag aalis na kayo. Ingat!

ALL: Thank you ma'am. Ingat po.

Nang makalabas si Karylle ng studio, naglakad na rin palabas si Vice.

JUGS: Sir Vice, uuwi na po kayo?

VICE: Ah, oo... Nasa labas na daw yung kaibigan ko.

JUGS: Si Ms. Ella po yun, ano?

Ngumiti na lamang si Vice kay Jugs. Lumabas na sya at nakitang nakastart na ang makina ng kotse. Sumakay si Vice sa driver's seat at nagmaneho na.

VICE: Thanks for saving me earlier. Hindi talaga ako sanay ng ganoong naka-underwear lang.

KARYLLE: Anything for you, baby. Tsaka ayokong masyadong narereveal yang katawan mo. May mga bagay na sa'ting dalawa lang dapat. May mga bagay na dapat ipagdamot.

VICE: (chuckles) Ikaw talaga... Baby, nagugutom ako. Kain muna tayo.

KARYLLE: Sige... Magkahiwalay tayo ng table?

VICE: No, magtetake out nalang ako. Just wait here in the car. Anong gusto mo?

KARYLLE: Sa McDonald's. McNuggets with fries tsaka iced coffee.

VICE: What else?

KARYLLE: Yun lang.

VICE: Mabubusog ka ba nun?

KARYLLE: Oo naman... Kung magutom, edi manghihingi nalang ako ng food mo.

VICE: Ayun! Buraot ang baby ko.

KARYLLE: Pero love mo!

VICE: Oo naman! Super duper love!

Pagkaorder ni Vice ng pagkain, bumalik na sya sa kotse at bumyahe pa sila patungo sa favorite spot nila sa isang area sa siyudad. Nagpark si Vice sa lugar kung saan tanaw nila ang ilog at mga maliwanag na building.

KARYLLE: Namiss ko 'to.

VICE: Ako rin.

KARYLLE: Busy kasi tayo lately.

VICE: Oo nga... Bakit ka malungkot?

KARYLLE: Wala 'to. Baka pagod lang.

VICE: Sure ka?

KARYLLEE: (nods)

VICE: By the way, next week, aalis ako.

KARYLLE: Ha? Bakit? Saan ka pupunta?

VICE: Sa Canada... May concert ako doon.

KARYLLE: Sino kasama mo? Si Ella?

VICE: Oo, special guest ko sya. Tsaka yung dalawang kasama namin sa variety show, si Billy Crawford at si Vhong Navarro.

KARYLLE: Ah... Sige.

VICE: We're allowed to bring a loved one with us. I was thinking maybe you can come with me?

KARYLLE: Wag na. Hindi rin naman tayo magkakasama doon.

VICE: (looks at Karylle) Baby... Ilang beses na tayong nag-usap tungkol dito.

KARYLLE: I know. Hindi tayo makapagdate sa public, hindi mo mareveal yung tungkol sa atin dahil pinangangalagaan mo yung career mo. Bawal ninyong ireveal sa public na you're seeing someone. Dahil inutos ng management na maging close kayo nyang si Ella, yung tipong parang magsyota na kayo para mas malakas humatak ng ratings. Alam ko. Naiintindihan ko.

VICE: K, trabaho lang yung sa amin ni Ella. We're just very good friends. Hin---

KARYLLE: Friends? Friends pa rin ba yung mga photos nyo offcam na magkahawak kamay, magka-akbay? Tapos yang Ella naman na yan, grabe kung makadikit sa'yo!

VICE: That's part of our job! Kailangan naming gawin yun for our career, and for the promotion of our show! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon???

KARYLLE: So okay lang yun, ha? Yung makipaglandian ka sa katrabaho mo kahit may girlfriend ka? Oh well, tayo nga lang pala ang nakakaalam na magjowa tayo. Ang alam nga pala ng publiko, ikaw at si Ella ay may relasyon!

VICE: Karylle ano ba?! Bakit ba ang kitid nyang utak mo ha?? Matagal nating hinintay 'tong career ko na 'to! Pinangarap ko na maging singer pero binigyan ako ng higit pa doon. Artista ako at singer! May career akong pinangangalagaan!

KARYLLE: Alam ko! Pero nagbago ka! Napakaselfish mo! All you think about is your career! Paano naman ako na girlfriend mo?!

VICE: Wow! At ako pa talaga ang selfish?? T*ngina naman!

Saglit na natahimik ang dalawa sa sigawan nila. Napatingin muli si Vice kay Karylle nang marinig itong humikbi. Nilapit nya ang dalaga sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Mas lalong naiyak ang dalaga.

KARYLLE: Nagseselos lang ako... Natatakot ako kasi baka... Baka hindi nyo mapigilan, mahulog kayo sa isa't isa... Baka iwan mo 'ko dahil sa kanya...

VICE: No, hindi ko gagawin yun.

KARYLLE: Totoong usapan... Sexy si Ella... Ang ganda ng katawan nya... Pinagpala sya... Maganda rin sya... Matangkad... Mayaman... Natatakot ako na baka matukso ka.

VICE: Ano ba yang sinasabi mo?

KARYLLE: Vice, babae rin ako. Alam ko kapag may gusto yung babae sa lalaki... Her actions towards you are different. Inaakit ka nya, Vice. Baka kumagat ka sa pang-aakit nya.

VICE: (hugs K) Kahit maghubad pa sya sa harapan ko... Kahit mag-offer pa sya ng higit pa doon o ng kahit ano, hindi ko papatulan yun. Hindi kita ipagpapalit. You're more than enough, K.

KARYLLE: Promise?

VICE: Promise. (kisses K's forehead) I'm sorry for yelling at you. Sorry kasi hindi ko napansin na nasasaktan ka na pala.

KARYLLE: Sorry rin. I'll be more understanding and less jealous.

VICE: Mas madalas ko man siyang kasama at nakikita, tandaan mo na ikaw ang nasa puso't isip ko sa paggising ko tuwing umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi.

KARYLLE: I love you.

Pinunasan ni Vice ang luha sa mga mata ni Karylle. Hinalikan nya ang mga mata nito, ilong, at labi ni Karylle.

VICE: Ayoko nang umiiyak ka, okay?

KARYLLE: Hindi na (smiles)

VICE: Wag kang mag-alala, baby... Hindi tayo forever patagong magdedate. Tulad ng promise ko sa'yo noon, I'll prove to your dad na hindi ka nagkamaling mahalin ako. And nagawa nga natin. Ngayon, tanggap na tayo ng Papa mo. Ganoon din ang gagawin ko sa publiko lalo na sa mga boss ko. Just give me a little more time. Promise, someday maaamin na natin ang totoo.

.

.

.

.

.

Makalipas ang ilang buwan, natupad na ni Vice ang pangako nya sa kanyang nobya. Hindi naman naapektuhan ang career nya at ni Ella. Sa katunayan ay mas gumanda pa ito. Si Ella ay may teleserye ulit at may bago ng katambal na mas patok sa takilya, si Cardo. Si Vice naman ay nagpatuloy sa pagiging isang sikat na singer at songwriter. Gumanda rin ang career nya sa pag-aartista.

Mas lumago ang negosyo ni Karylle. Mas maraming bigating kliyente ang nagpupunta sa kanya. Natanggap na rin ng kanyang ama ang pagbabago nya ng career. Natuwa naman rin ang ama nya dahil hindi na sya tinatago ni Vice.

Kilala na at tinanggap na rin ng mga fans ni Viceral si Karylle bilang girlfriend ng kanilang iniidolo. Instant celebrity na rin si Karylle dahil dito. Dahil din dito, may surprise si Vice sa kanyang mga fans... may mga duet sila ni Karylle sa bago niyang album.







The End.







----------------------------------------

A/N: Bakit si Ella? Nagtanong po ako sa Twitter kagabi at ang top 3 answers ay  sila ate girl (Bea Alonzo), Sarah Lahbati, and... si Ella. Tapos after a few minutes, may nagsabi ulit ng Ella. Kaya ayan, lumamang sya. Siya ang nanalo. Haha. (Kunwari hindi parehong si Vice si Ella at Viceral)

Comment po please. (Wag "part 3 po") Hahaha. Hanggang dito lang po talaga ang  "Superstar". Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

11K 323 11
BONUS CHAPTERS
45.2K 2.5K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
Connection By Ara

Fanfiction

112K 1.9K 18
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...