I Heard You

By UnknownHeartbeats

939K 39.9K 12.6K

{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected b... More

Prologue
Chapter 1: Savanna
Chapter 2: Trust
Chapter 3: Angel
Chapter 4: Talking
Chapter 5: Cute
Chapter 6: Valentine's
Chapter 7: Basketball
Chapter 8: Satisfied
Chapter 9: Backed out
Chapter 10: Family
Chapter 11: So proud
Chapter 12: Okay
Chapter 13: Upset
Chapter 14: Prom
Chapter 15: That's me
Chapter 16: Infinitely
Chapter 17: Article
Chapter 18: Chance
Chapter 19: Lesson not learned
Chapter 20: I like you
Chapter 21: Past, Present and Future
Chapter 22: Permission
Chapter 23: Gift
Chapter 24: Pag-iisipan
Chapter 25: Apart
Chapter 26: Odd
Chapter 27: Why
Chapter 28: She who left
Chapter 29: Call
Chapter 30: Architect
Chapter 31: Nothing
Chapter 33: Hired
Chapter 34: Contract
Chapter 35: Boss
Chapter 36: Closet
Chapter 37: Stay
Chapter 38: Scare
Chapter 39: Sick
Chapter 40: Distance
Chapter 41: Birthday
Chapter 42: Lies
Chapter 43: Begin again
Chapter 44: Strength
Chapter 45: Peace
Chapter 46: Haunted
Chapter 47: Agony
Chapter 48: Accept
Chapter 49: Face
Chapter 50: Salamat
Epilogue
Constantine Series

Chapter 32: Carolina

14.2K 629 192
By UnknownHeartbeats

It's an achievement that I didn't cry after our encounter earlier. Kahit papaano'y napigilan ko ang sarili kong umiyak, but that doesn't mean hindi ako nagmukmok. Up until now, hindi ko pa rin nakakalimutan ang lamig sa kanyang mga tingin.

I can't blame him. I know it's my fault. I left him without explanation. Hindi ko naman ineexpect na 'pag nagkita kami'y kagaya lang ng dati ang magiging pakikitungo niya. Siguro'y kailangan ko nalang makuntento sa ganoon. I don't want to get further involvement in his life now. Natatakot akong komprontahin niya ako tungkol sa aking pag-alis noon.

Maghahating-gabi nang maisipan kong bumangon mula sa kama dahil hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kinabit ko ang transmitter sa aking tainga bago bumaba para magtimpla ng gatas pampatulog. Kung hindi makakatulong ang gatas ay iinom nalang ako ulit ng sleeping pills. Palaging nakahanda iyon dahil madalas akong mahirapang matulog sa gabi.

Papasok ako ng kusina nang marinig ang kalansing ng utensils at boses ni Ate Kiana.

"She's here...yes. I don't know if she'll pay a visit."

Dahan-dahan akong naglakad papasok  at nakita kong nakapamaywang si Ate habang may kausap sa kanyang cellphone. Nakatalikod siya sa akin.

"Last time was a mess. I understand. Matulog ka na...okay. Good night din."

Nang humarap siya sa akin ay kita ko ang kanyang gulat. "You're still awake."

"Hindi ako makatulog eh. Sino 'yong kausap mo?"

"Just someone," she shrugged and smiled. "Inaalala mo ba iyong kanina?"

Tumango ako at naglakad papunta sa counter para magtimpla ng gatas. Tinapik ni Ate Kiana ang balikat ko. Without saying a word, she went out of the kitchen.

Hindi rin naman ako nag-tagal doon dahil matapos mag-timpla'y dinala ko sa kwarto ang baso ng gatas. I checked my phone and saw a message from Vane in Skype. It was sent a few minutes ago.

Vane_10 is online

Vane_10: Went to Catoctin Mountain today. It feels different bc you weren't here with me :(

I smiled and typed my reply.

Sabanana: Go find someone else to hike with you haha

Vane_10: You're the only one I want to go with. I'm surprised you're still awake. It's already midnight there, ryt?

Sabanana: Yup. Can't sleep..

Vane_10 wants to videocall...
[ accept ] [ decline ]

I tapped 'accept' and smiled wide. Nakita ko agad ang ngisi ni Vane. Behind him was people having picnic in the same place we've been to. Kulay maroon ang suot niya at nakaangat sa ulo ang kanyang sunglasses.

"Why can't you sleep? Something bothering you?" he asked with lace of concern.

Umiling ako. Hindi ko naman kasi pwedeng ikwento sa kanya ang tungkol kay Architect. I never mentioned his name to him before since I don't think it's necessary. And besides, kapag sinabi ko sa kanyang nang-iwan ako ng lalaki, he'd dig in further. I don't want to explain.

Nag-usap na lamang kami ni Vane tungkol sa kung anu-anong bagay. Kinwento niya ang nangyayari sa Goode Elementary School at ang pagkamiss ng mga bata sa akin. Namimiss ko na din naman sila pero kailangan kong manatili dito dahil marami pa akong aayusin.

Kapag nag-simula na ang construction ay maghahanap ako ng pansamantalang trabaho. I'll probably teach in a private school while the renovation of SC's on-going. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay mayroon naman na akong experience sa pagtuturo. Sana lang sapat iyon para makakuha ako ng trabaho. Hindi naman kasi pwedeng tambay lang ako sa bahay habang 'di pa tapos ang pinapaayos ko.

Alas tres na ng madaling araw ako dinalaw ng antok. Tuyo na nga ang laway ko sa dami naming napag-usapan ni Vane.

"I'm sleepy, now. Thank you for entertaining me, Vane," I smiled. Ngumiti rin siya pabalik. "Anything for you, Sav. Have a good night sleep."

"Be home safely," I told him.

He nodded. "Sure. Bye. I miss you."

"I miss you, too. Bye," pinutol ko na ang tawag at nilapag ang phone sa gilid. I removed the outer device on my ear as well. Hindi kasi ako pwedeng matulog na nakakabit iyon.

Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay naging mahimbing ang tulog ko. Sa sobrang himbing ay alas nuebe y media na ako nagising kinabukasan. Unang pumasok sa isip ko na late na ako sa pagkikita namin ng magkapatid na Alston sa St. Clair's!

Nagmamadali tuloy akong naligo't nagbihis dahil nakakahiya't sobrang huli na ako sa oras! Sa sobrang pagkataranta'y nahulog pa ako sa hagdan pababa!

"Savanna!" gulat na sabi ni Kuya Arnold. Nakatayo ito sa pinto at mukhang hinahantay na akong lumabas.

Napahawak ako sa pang-upo ko dahil sa sakit na naramdaman. Maagap na dumalo sa akin si Kuya Arnold at inalalayan ako sa pag-tayo. "Dahan-dahan naman."

"Nagmamadali kasi ako," bulong ko. "Sa St. Clair's tayo ngayon. Pakibilisan ang takbo. Baka naghihintay na sina Engineer doon."

"Oo nga't tinawagan ako ni Miss Lady Kiana. Tumawag daw sa kanya ang engineer," anito.

Napasapo ako sa noo ko at tumayo ng tuwid. "Tara na po, Kuya."

"Teka, ayos ka lang ba Ma'am? Baka napilayan ka. Ang taas ng pinaglaglagan mo..."

"Wala namang masakit," sabi ko kahit medyo kumikirot ang balakang ko. "Pero magpapahilot po ako mamaya."

"Sige. May kakilala akong taga-hilot malapit rito," aniya saka ako sinundan sa paglabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Pakibilis po ah," I told him. Ngumiti siya't tumango. Habang nasa byahe'y nag-suklay ako ng buhok at nag-powder. Inayos ko ang suot kong t-shirt na medyo nabasa ng aking buhok.

I fished for my phone and dialled Ate Kiana's number. It didn't take long for her to answer.

"Ate, I'm sorry. Na-late ako ng gising. Madaling araw na kasi ako nakatulog kagabi!"

"Kina Megan ka mag-sorry. Huwag sa akin. They were waiting there for an hour now. May appointment si Megan kaya aalis na siya, pati si Mrs. Rivera."

Nakakahiya talaga!

"Ihahatid lamang ni Architect si Megan pero babalik iyon. Papunta ka na ba? Hintayin mo nalang siyang bumalik. Saglit lang naman."

"Okay, Ate. No prob. Pasensya na."

"I'll send you their numbers. Ikaw na bahala humingi ng paumanhin," she said before ending the call. True to her words, nag-send siya ng number ni Engineer. Sinave ko ang numero nito bago magtipa ng mensahe.

To: Engr. Megan Alston
Good morning, Engineer. Pasenya na po't hindi ako nakarating kanina. Tinanghali na po ako ng gising. Pasensya po talaga.

Huminga ako ng malalim nang huminto ang sasakyan. Lumabas agad ako at sinalubong ng guard na si Manong Anton. Ipinark naman ni Kuya Arnold ang sasakyan sa designated parking lot.

"Good morning, Ma'am Savanna!" bati ni Manong.

"Good morning po."

"Nandito po ang engineer at architect kanina. Pati si Mrs. Rivera. Kaso umalis din po makalipas ang isang oras."

Napangiwi ako. "Na-late ho kasi ako ng gising kaya nahuli po ako."

"Mukha naman pong ayos lang sa kanila, Ma'am. Hinayaan ko po silang lumibot sa loob."

"Salamat po kung gayon," I said. "Nasabi po ba ni Engineer kung saan ang punta niya?"

"Hindi po eh. Pero ang sabi po nung lalaki, kapag dumating ka daw, pakihintay mo daw siya dahil babalikan ka niya," paliwanag ni Manong. "'Wag ka daw pong aalis ng hindi nagpapaalam."

Nakakahiya naman. Talagang ibinilin pa ni Architect Alston iyon. Hindi naman ako aalis dito dahil nakakahiya kung maabutan niya akong wala.

"Sa loob ka na po maghintay, Ma'am. Mainit po dito," aniya. Tumanggi ako ngunit nagpumilit si Manong kaya sa huli'y sa loob na ako nag-hintay. Nagbigay sa akin ng monoblock chair si Mang Jerry, isang janitor.

Sinamahan ako nina Mang Jerry at Mang Carlo habang naghihintay kay Architect. Kinwentuhan nila ako ng mga ala-ala nila sa school na ito. Pareho silang walang pamilya kaya dito na rin sila tumutuloy. Doon sa may guard house kasama si Manong Anton. Naisipan ko tuloy palakihan din ang guard house na iyon. Parang masyado iyong maliit para sa kanilang tatlo.

"Alam mo ba, Ma'am, mayroong pagala-galang batang babae dito," seryosong sabi ni Mang Carlo. Tumango-tango naman si Mang Jerry bilang pag-sang-ayon. "Hindi sa tinatakot ka namin, ha. Pero totoong tuwing gabi'y may nakikita kaming batang babae diyan."

Nanginig ang labi ko. Ayoko talaga ng ganitong klaseng kwento. Matatakutin talaga ko. "S-saan?"

"Diyan, Ma'am!" turo ni Mang Carlo sa gilid ko. Nanlalaki ang mata ko habang sumulyap sa tinuro niya. Mayroong malaking paso na walang lamang halaman.

"Hindi pinapaalis sa amin ni Sir Benj ang paso na 'yan."

"Importante daw kasi iyan doon sa batang babae..."

"Estudyante daw iyon dito dati ngunit namatay sa sakit na leukemia. Madalas siya dito noon kaya dito na nananatili ang kanyang kaluluwa."

Nag-tindigan ang balahibo ko. Halos mapayakap ako sa sarili ko dahil sa naramdamang ginaw. Pakiramdam ko'y namumutla na rin ako. "A-alam ni Kuya Benj? H-hindi niya naikwento sa a-akin."

"Syempre'y ayaw kayong takutin para hindi ka na magdalawang isip sa pagbili," ani Mang Carlo.

"Pero sinasabi namin ito para aware ka na po."

I bit my lower lip. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa takot habang pinagmamasdan ang paso. "May p-pangalan ba ng multo?"

"Ano nga ulit 'yon, Carlo?"

"Carolina po, Ma'am,"

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Lalo lamang akong nangilabot at nanghina!

"Ang sabi-sabi'y madalas po iyong magpakita sa may pangalan na malapit sa kanya," Mang Jerry informed. Bumuntong-hininga si Mang Carlo, "Kagaya sa akin. Gabi-gabi ko siyang nakikita dahil malapit ang Carlo sa Carolina."

Hinawakan ko ang aking tuhod dahil kitang-kita ko na ang panginginig nito!

"Pero 'wag kang mag-alala, Ma'am. Savanna naman po ang pangalan mo. Malayong-malayo sa Carolina," ngumiti si Mang Jerry. At ako nama'y halos mahimatay na sa kaba.

My second name's Caroline! Sobrang lapit noon sa Carolina!

Sana pala'y hindi na ako nakipag-usap sa kanila! Akala yata nila'y nakakatulong ang pagsasabi sa akin nito! Sometime's it's better not knowing anything! Kagaya ng ganitong impormasyon!

"Jerry, Carlo, tama na 'yan. Andito na si Architect," narinig ko ang boses ni Mang Anton mula sa likuran ng dalawa. Sinikap kong tumayo para salubungin sila pero nanghihina ang tuhod ko dahil sa kinwento nila kanina.

"Ma'am Savanna, namumutla ka..." puna ni Manong Anton. Inangat ko ang tingin ko para sana ngitian sila at sabihing ayos lang ako pero napukaw ng isang lalaki ang atensyon ko.

Bakit siya ang nandito? Nasaan si Architect Alston?

"Ma'am, sorry, natakot kaya yata namin," bulong ni Mang Carlo. I forced a smile and with all my strength, I managed to stand up.

"Architect," normal kong tawag. "Good morning. Na saan nga pala si—" he cut me off.

"I'm appointed to be the architect of this project. Morgan has something else to do."

What the...

Hindi na ang kapatid ni Engineer? Why am I not informed? Pinlano ba 'to ni Ate Kiana?

Nakita ko ang pag-senyas ni Manong Anton bago nila ako iwan kasama ang architect. Gusto ko sanang sabihin na dito na lamang sila para naman hindi lang kaming dalawa nito ang mag-kasama ngunit baka mahimigan niyang naiilang ako na kami lang.

I cleared my throat when the three employees were gone. "Hindi ako nasabihan tungkol dito."

Pumamaywang siya habang iniikot ang mata sa paligid. "Kanina lang ako nasabihan. Apparently, he have to prioritize another project that's bigger than this."

Eh hindi ba siya rin nama'y maraming gagawin? That's why he rejected the project the first time it was offered to him right? And if this is a small project, dapat ay hindi nalang siya ang tumungo dito! Well, that is, kung napipilitan lamang siyang akuin ang tinanggihang trabaho ni Arch. Alston.

"We already surveyed the place earlier. Nagawa na ni Engineer Alston ang dapat niyang gawin. As per me, I have to know your opinion since I'll be the one to make the design."

Tinikom ko ang bibig ko at tumango na lamang. Mukhang wala rin naman siyang pakialam na ako ang kliyente. Work is work. His formality told me so.

I lead him to the empty classrooms, told him what I wanted it to look like habang abala siya sa pagkuha ng sukat nito mula sa kung anong materyales ang dala-dala niya. Kahit na kinakabahan ako sa presensya niya'y pinilit kong maging pormal din ang pakikitungo. I don't want him to see me so tensed when he's around. Sapat na ang kahihiyang tinamo ko kahapon.

While he's doing his job, I kept my distance. He's wearing a navy blue collared shirt and faded pants. Sa baywang niya ay nakasabit ang kanyang toolbelt. While on his neck hangs a Nikon camera.

Seryoso siya sa kanyang ginagawa habang ako nama'y seryoso sa paninitig sa kanya. I suddenly want to take a picture of him.

Nakakaimpress kasi. Noo'y iniimagine ko lang na isa na siyang arkitekto, but now here he is, a real professional architect. I wonder if he graduated with Latin honors...

Well, that's not impossible since he's a really wise man. Noong malaman ko ngang valedictorian siya nung senior high, sobrang proud na proud ako. Kulang nalang noon ay ako na mismo ang magpaparty para sa kanya.

Nang tumuwid siya ng tayo ay nag-iwas ako ng tingin at tumalikod. "Principal's office na..."

Lumabas ako ng classroom at dire-diretsong naglakad sa tamang direksyon. Ramdam ko namang nakasunod siya sa akin ngunit hindi ko pa din siya nililingon. Natatakot kasi ako nab aka kapag nilingon ko siya ay hindi siya ang makita ko kundi si Carolina!

The idea made me shiver. Hinaplos ko ang magkabilang braso ko para ibsan ang kaba. Jinojoke time lang siguro ako nina Mang Carlo! Hindi totoo 'yon panigurado!

Gamit ang susing dala ay binuksan ko ang principal's office, walang laman iyon dahil lahat ng gamit sa school na ito'y ibinenta daw ni Kuya Benj. Well, bukod doon sa paso na paborito daw ni...

Dios mio, Savanna! You're scaring yourself!

Nauna akong pumasok at sumunod naman si Architect. Kagaya ng kanina'y pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto bago ipagpatuloy ang trabaho. "You'll stay in this room when the construction is done, am I right?"

"Oo."

"And you're planning on adding more space for a bathroom and a bedroom?" he asked monotonely.

Pinaglaruan ko ang daliri ko. That was the original plan but... since I've heard of the ghost story in this school, I changed my mind.

"'Wag na yung bedroom," maagap kong sabi. "Wala na akong planong magpagabi dito."

Umangat ang tingin niya sa akin. His cold stares pierced through me again. Sunugin ko kaya siya nang mawala iyang kalamigan niya?

What a ridiculous idea, Sav.

"And why is that?"

"Less expenses," I shrugged, acting normal. Syempre, hindi ko aaminin sa kanya na natatakot akong baka totoo ang multo dito!

Nag-tanong siya kung ano pa ang gusto kong gawin dito. Iyong kulay, furnitures etc. Sinasagot ko naman lahat ng tanong niya. Nang tumahimik siya'y, nanahimik din ako't pinagmasdan na lamang siya ulit.

Ang pag-lapat ng ballpen sa kanyang papel at lagaslas ng mga dahon lamang ang naririnig ko. Plus, our calm breathing. Dahil sa katahimikan ay hindi ko maiwasang maparanoid. Nakatalikod pa naman ako sa labas ng pintuan at pakiramdam ko'y sa tuwing hahaplos ang hangin sa aking balat ay dumaraan si Carolina.

"Pwede pakibilisan?" I asked him when my imaginations started over working.

Dahil sa sinabi kong iyon ay mas lumamig ang aura sa paligid ko. Feeling ko nga'y mas binagalan niya pa ang kanyang ginagawa. In the middle of the silence and my paranoia, my stomach grumbled loud.

Napapikit ako't napahawak sa aking tiyan. Hindi nga pala ako nag-breakfast!

Sumulyap sa akin si Architect. Binaba ko agad ang kamay kong nakahawak sa aking tiyan.

His eyebrow raised. "You're hungry?"

Narinig niya ba 'yon?!

"Nope," umiling ako. He nodded and continued with his work. Wow! Wala manlang 'Are you sure? We can eat somewhere after'?

Stop, Sav. Gutom lang 'yan.

Tumuwid ako ng tayo nang tumunog ang phone ko. Bumaling nanaman sa akin si Architect pero binalik din agad ang tingin niya sa ginagawa.

"Excuse me, I'll just answer this," I said saka aakmang lalabas saglit ng kwarto pero natakot akong mapag-isa sa corridor kaya pumirmi nalang ako sa pwesto ko't sinagot ang tawag ni Kuya Arnold.

"Anong oras mo nais magpahilot para masabihan ko na si Perla?" tanong ni Kuya.

"Pwede ba siya ng gabi? Gusto ko sana gabi para masarap sa pakiramdam bago matulog," I answered. Sumulyap nanaman sa akin si Architect. Kainis ah. Kanina pa siya pasulyap-sulyap!

"Kung 'yan ang gusto mo. May sumasakit ba sa'yo? Tinawagan ko si Madam kanina ang gusto niya sana'y ipacheck-up ka dahil baka napilayan ka sa taas ng pinagkahulugan mo."

Kumikirot-kirot ang balakang ko at pakiramdam ko nga'y may pasa pa ako sa ilang parte ng hita pero hindi naman ako napilayan.

"Hindi naman ako napilayan. Ayos na iyong konting hilot."

Nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Architect sa kanyang ginagawa. Siguro'y namali siya ng sulat sa measurements

"Patapos na kami. Tetext nalang po kita," I told him before hunging up. Sumandal ako sa pader at humalukipkip habang tinitignan ang ginagawa niya. Ewan ko ba pero parang sumosobra ang pagkabagal ng pagkilos niya!

Sinasadya niya bang bagalan?

Gutom na ako't kinakabahan pa din ako kay Carolina. Mamaya biglang sumulpot yun sa—ugh, I should stop thinking about it. Baka sa kakaisip ko'y maghallucinate pa ako.

"Boo!"

The sudden sound and presence of someone beside me made me squeal so loud.

"Holy Dory!"

Mabilis akong napatakbo sa likod ni Architect at nagtago doon! "Who was that? What was that? What the heck?"

"A girl..." sagot naman niya sa akin.

Tumuwid siya ng tayo at ganoon din ang ginawa ko. Buti nalang matangkad siya kaya natatago niya ako sa likod niya. "That's Carolina! Yung nagmumulto dito!"

"What?" takang tanong ni Architect.

Haharap sana siya sa akin pero hinawakan ko siya sa baywang para ipirmi sa kanyang multo. "Carolina, the ghost girl!"

"I don't know what you're talking about but there aren't any ghost here."

"She just said boo!" halos hysterical ko ng sabi.

And then a girl beamed happily. "Pa! I think I scared Tita Savanna!"

"Naikwento na pala sa'yo 'yan nina Jerry!" hagalpak naman ng isang pamilyar na boses.

Dahan-dahan akong tumingin sa pintuan and there I saw Adora and Kuya Benj!

"'Wag kang magpapaniwala doon, Sav. Gawa-gawa lamang ng dalawa 'yon!" Kuya Benj laughed.

Uminit ang aking pisngi sa kahihiyan!

Lumayo ako agad kay Architect at inayos ang sarili ko bago humarap kay Kuya Benj na natatawa pa din. "Masyado ka palang matatakutin, Sav."

Umismid ako't humalukipkip. "I'm not scared. Acting lang 'yon!"

"Whatever you say," Kuya Benj shrugged. Umakbay siya sa kanyang anak na ngingisi-ngisi sa akin.

"Napadaan lang ako dito't pinasweldo ko ang tatlo," paliwanag niya bago tumingin sa lalaki sa tabi ko. Humakbang ako ng isang beses palayo sa kanya nang mapansing isang inch lang ang layo namin.

"Hindi mo naman naikwento sa akin na ang boyfriend mo pala ang architect dito," Kuya Benj grinned saka lumapit sa amin.

"He's not my..." hindi ko natapos dahil nag-salita nanaman si Kuya Benj.

"Long time no see, bro," aniya saka nakipagkamay kay Architect. "Sinasabi ko na nga ba't magtatagal kayo nitong si Savanna."

"Uhh...hindi kami," I interrupted. Mabuti nalang at wala dito si Engineer na girlfriend nitong isa. Dagdag kahihiyan lamang ang pinagsasabi ni Kuya Benj.

"Nakayanan niyo ang long distance? Tibay!" ani Kuya Benj. Hindi yata narinig ang sinabi ko.

"Kuya..."

"Kumusta bang maging girlfriend si Sa—"

"Kuya!" I called with a pout. "Hindi kami ni Architect..."

Natigilan si Kuya Benj doon. He squinted his eyes on me and turned his gaze to the architect.

"Weh?" sabi ni Kuya na parang 'di siya makapaniwala.

"Matagal na..." bulong ko at tumingin saglit kay Architect. His expression made me wince. It was hard and dark, like anytime soon he'd turn into Hulk!

"Ah, ganon?" tumawa si Kuya Benj. Sa sobrang peke ng tawa niya'y nasamid pa siya.

"Adora!" tawag niya sa kanyang anak. "Say bye na to them. We're going home."

Mabilis lang silang nagpaalam dahil hindi na yata nakaya ni Kuya Benj ang tensyong ginawa niya sa loob ng room. It made everything awkward.

"Uhh, pasensya ka na," I apologized because I think I have to. I looked up at him to see how intense his eyes are staring back at me. I can even see anger there!

Galit ba siya dahil sa sinabi ni Kuya Benj o galit siya dahil sinabi kong hindi kami?

Of course it's the first one! Baka akala niya'y pinagkakalat ko na kami pa! It's clear to me that we've broken up when I left him here!

"Uhh..." I want to say something pero wala akong makalap na tamang salita na sasabihin.

In the end, I looked away. Siya nama'y tinalikuran na ako para ipagpatuloy ang ginagawa.

Continue Reading

You'll Also Like

991K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.7K 52 83
This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get tired of looking at what's happening up...
6.7K 276 25
Career Series #3 Future Medical Doctor Aloranna, was adopted by two doctors, and become her parents. She had experienced all the hate, sufferings, pa...
2.1M 32.3K 51
Hindi man natupad ni Aika ang buohin muli ang kanilang pamilya. Hindi naman siya nagsisi sa naging desisyon niya para sa mga ito, lalo't nakikita niy...