Deathbound [Published Under C...

Door iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... Meer

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

30. Deceived

22K 1K 135
Door iamrurumonster

Alec was standing with eyes closed. Tanaw ko ang pag-angat ng pwersa ng fatal paradox na mula kay Levi. Tinangay ng malakas na enerhiyang 'yon ang mga maliliit na bato. The arena is almost covered by sand dust but I can still see the moving energy of the paradox going towards Alec. Kapag hindi pa umiwas si Alex ay tiyak magkakapira-piraso ito.

Ito ang rogue skill na kinatatakutan ni amang Lucas na matutunan ni Levi. The skill is deadly and uncontrollable. It might lead him to self destruction.

Alec has no plans dodging the attack. It gets me worried and I almost screamed. "Alec!"

Alec opens his eyes and stares at me like I am the last person he wants to see before the paradox crashes his being. Ang akala ko'y katapusan na niya nang halos dalawang metro na lang ang atake ni Levi ay dudurugin na siya.

But.

Something shocking happens. Limang clones ang tumubo sa paligid ni Alec. This time, these are not his kind. The five clones look like Levi with the exact suit Levi is wearing right now. Nagitla ako at namangha ang lahat sa ginawa ni Alec. He can actually copy his opponent. Pero papaano? Ito na ba ang rogue ability niya bilang pantapat sa attack ni Levi na fatal paradox?

Isang rogue offense laban sa rogue defense. Lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung paano ko pipigilang magpatayan ang dalawa. Levi's fatal paradox can be seriously deadly- literal. I don't know how the new cloning ability of Alec works and I am afraid it might not save him from Levi's rage. Pigil ang paghinga kong pinanood ang paglapit ng paradox force na pinakawaalan ni Levi habang kampanteng nakatayo lamang si Alec kasama ang mga clones nitong kopya ang itsura ng katunggali.

Halos mapatayo ang nasa arena dahil sa umiinit na labanan ng dalawa lalo na nang maghawak kamay ang mga clones ni Alec at mabilis silang pinalibutan ng tila isang malakas na buhawi. Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil ako sa paghinga nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ni Alec.

"I-isang counter fatal paradox attack?" usal ko habang matiim na nakatingin sa dalawang nagsasalpukang pwersa. Napakapit ako kay Souk nang maramdaman ko ang takot sa aking dibdib na tila dinudurog ang bawat buto sa aking katawan dahilan para panghinaan ako. Natatakot ako sa kahihinatnan ng dalawa kapag nagkabanggaan ang mga malalakas na enerhiyang galing sa magkasalungat na atake. Natatakot akong mawala silang dalawa.

Mahalaga si Alec. Mahalaga si Levi. Hindi sila pwedeng magpatayan dahil kailangan ko silang pareho sa labanang ito.

"Allison, p-pigilan mo sila!" natatarantang sigaw ni Reid. Sa gilid ng mga mata ko'y kita ko ang pagkabahala ng tatlo na parang inaasa ang kaligtasan ng dalawa saakin.

Mapipigilan ko ba sila? Kaya ko bang pigilan ang patayang maaaring maganap? Kaya ba ng kakayahan ko ang lakas nila? Napangiwi ako nang tinangka kong hablutin ang nullifying cuff sa aking bisig. Nagsimulang mangatog ang mga binti ko sa sobrang kirot na dulot ng sapilitan kong pagbunot sa metal na nakadikit saakin. Pakiram ko'y mabubunot lahat ng ugat ko sa aking sistema dahil parang nakakabit ang bakal na 'yon sa lahat ng aking ugat. Pinagpawisan ako ng malamig. Nakaramdam ako ng sunod-sunod na suntok sa aking sikmura at bahagyang panghihina. Oh god! Parang kapag hinablot ko ang bakal na 'to sa aking katawan ay babawian ako ng buhay!

Naglakbay ang malakas na nabuong pwersa ni Levi patungo kay Alec. Mabilis din tinawid ng counter attack nito ang distansya sa pagitan nila ni Levi. Ni wala nang makita ang mga nanonood dahil tinangay na ng malakas na hangin ang mga buhangin at maliliit na bato. Magbabanggaan na ang kanilang mga pwersa!

Sa pagdikit ng fatal paradox sa isa pang fatal paradox, nabuo ang mga hibla ng liwanag na parang dalawang malalaking piraso ng metal ang nagdikit at nagbanggan. Sabay-sabay napasigaw ang mga nanonood at ang iba'y nagawa pang humiyaw.

Tumagal iyon ng ilang segundo hanggang sa mapagtanto kong umikot sa arena ang nagdikit na fatal paradox. Bumuo iyon ng isang paikot na pwersang naghihiwalay sa aming tagapanood sa dalawang naglalaban.

"Levi! Take them!" narinig kong sigaw ni Alec na nananatiling nakatayo habang kinokontrol parin ang pagpapakawala ng pwersa.

Nalito ako sa sinabi ni Alec. Did they plan this? Tanong ko sa sarili ko. They did. All this time, hindi sila nagpapatayan kundi gumagawa lang sila ng paraan para makatakas kami. Pero papaano? Sino pa ang nasa likod ng palabas nito?

Nang lingunin ko si Levi ay saktong napansin ko ang pagbuo nito ng dimensional space saka ito mabilis na nawala. Nagsimula na akong humakbang paatras nang maramdaman kong magkakagulo sa loob ng arena. Bago ko maiatras ang aking mga paa'y isang mainit na katawan ang sumalo sa likuran ko at mabilis nitong hinigit ang aking baywang. Napasinghap ako nang sumalubong saakin ang mainit na hininga ni Levi nang lingunin ko ito.

"Come with me!" malakas nitong sigaw sa gitna ng ingay na nabuo ng nagbanggaang fatal paradox.

Gamit ang kanang palad nito ay muli siyang nakabuo ng dimensional hole. "Sheryl! All of you! Jump into this hole!" untag nito habang hinahabol ang paghinga. Hindi pa ako nakakaimik ay mabilis niya akong nabuhat nang makatalon na sina Sheryl, Souk at Reid sa binuo nitong dimension. Parang ang gaan-gaan ko sa matipuno nitong bisig. Napapikit ako at napayakap sa kanya nang mabilis itong tumalon sa binuo niya.

Mula sa gilid ng arena ay sumulpot kami sa gitna kung saan napapalibutan kami ng hindi parin humuhupang fatal paradox. Walang nagtangkang makalapit sa malakas na pwersang iyon. Lahat ng mga taga Bartsville ay nakatuon ang tingin saamin na parang handa na silang tapusin kami ano mang oras.

"Hindi mo magagawa saakin ito Levi!" Nagtaas baba ang dibdib nito sa tindi ng emosyon. She never expected the turn of events. All she knew was Levi is hers and will forever be loyal to her. She's wrong. It's proven. Sa galit nito ay nanlisik ang kanyang mga mata at muling nagsalita. "You can't leave this kingdom alive!" isang matinis na boses ang sumakop sa buong arena. Si prinsesa Katrina iyon na hindi parin natitinag sa kinauupuan nito. Taas noo niyang itinaas ang isang pahabang metal device na may pulang ilaw sa itaas na bahagi.

Kaagad kong napagtantong ang controller iyon ng nullifying cuffs na nakakabit saamin. Sa oras na pindotin niya ang red button na nasa gitna no'n ay katapusan na namin! Masasayang lahat ng hirap namin at maglalaho kaming parang alikabok lang sa hangin.

Hindi ko gusto ito. Hindi ko inisip na ganoon kaaga ang magiging katapusan ko kasama sina Sheryl, Souk at Reid. Alam kong isang kahangalan ang mamuhay ng mapayapa at ligtas sa lugar na 'to pero nakakita ako ng pag-asa nang matagpuan ko ang Claremur, si Alec, ang mga bata at ang mga mamamayan doon. Ngayong nasa panig na namin si Levi ay mas tumindi ang pag-asa kong malulusutan namin ang digmaan, mahahanap namin ang katotohanan sa likod ng pagiging core ko at makakaalis kami sa Delta. Hindi maaaring ganito na lang matatapos ang lahat!

Pinilit kong hablutin ang metal sa aking braso at halos mangisay ako sa sobrang sakit. Levi's jaw drops as he sees my wrist bleeding and my face in pain. "Allison, don't do it!"

Nakangising itinaas ng prinsesa ang controller. Tila nagtagumpay ito sa pananakot saamin nang wala ni isa saamin ang gumalaw at umimik. "No one has ever escaped Bartsville alive! Either you die here or surrender!"

Matulin na nakatakbo palapit saamin si Alec. Kasalukuyan paring kinokontrol ng mga clones niya ang fatal paradox. "Alison, never touch the cuff!" Babala nito saka hinawakan ang kamay ko at ineksamin ang dumudugo kong pulso. Umiling-iling ito.

"Surrender now! Kailangang sa ikatlong bilang ko, lahat kayo ay nakaluhod na paharap sa kinatatayuan ko!" Umangat ang kanang bahagi ng labi ni Katrina. Halos manginig sa galit ang kanyang boses. Kung alam lang niya kung gaano ko siya gustong-gustong sugatan. Kung wala lang itong lintik na nullifier sa pulso ko, kanina pa dumudugo ang mata't ilong niya kasama pa ang tainga. Kapag nakaligtas ako dito ngayon, dadalhin ko siya sa pinakamalalim na hukay sa impyerno!

"Isa!" unang bilang ng prinsesa. Nagtinginan kaming nasa gitna ng arena na parang walang gustong lumuhod. Nalukot ang mukha ni Katrina at inilapit ang hinlalaki sa red button.

"Dalawa!"

Bahagyang yumukod ang lahat maliban saakin. Pinanlakihan pa ako ng mata ni Alec. Nang lingunin ko naman si Levi ay kampante lang ito't tila hinahanda ang mga kamay sa gagawing dimentional hole. Mabilis itong nawala pagkatapos, bagay na ikinagulat ni prinsesa Katrina.

Akmang pipindutin na nito ang controller at paluhod na ang lahat nang biglang sumulpot ang isang bulto ng pamilyar na babae sa aking harapan. Nakapameywang at nakausli patagilid ang balakang nito na tila hinahamon ang prinsesa. May hawak din itong isang metal na may asul na ilaw at blue button sa gitna.

Levi used his spatial manipulation skill to get her in. It was so quick!

Sumilay ang ngiti ko nang mapagsino ko ang babae. "P-Pea?"

Mabilis na pinindot ng babae ang blue button bago pa man makapindot si Katrina. Kusang kumalas ang nullifying cuffs sa aming braso at nahulog ito sa lupa na parang nabaling bracelet. Nanlaki ang mga mata ng prinsesa sa gulat at hindi makapaniwalang pati si Pea ay pinagtaksilan siya.

"Hayop ka Peatrice!" Bulyaw ng galit na galit na prinsesa sa babae. Tiim ang mga bagang nito.

"Prinsesa ka nga! Kasi makupad ka! Hayop ka din!" sigaw pabalik ni Peatrice saka ako nilingon at nginisian.

"Durugin niyo sila!" Malakas na usal ni Katrina na nagpakawala na rin ng malalaking hibla ng kuryente sa magkabilang palad.

Tumango si Pea kay Levi saka kumibo. "Levi, nadeactivate ko na ang lahat ng harang sa Bartsville. Pwede na tayong tumakas!"

Levi nods. With both hands he again bended space efforrlessly. A dark hole appeared underneath us. Bago pa tumama saamin ang mga pinakawalang atake ng mga taga Bartsville ay kusa na kaming nahulog sa espasyong iyon at nawala sa lupa ng Bartsville.

Bumagsak kami sa isang kakahoyan. Nagawa akong saluhin ni Levi na siyang may kontrol sa dimentional hole. Nagtama ang aming mga paningin at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nang umiwas ako sa titig niya ay naabutan kong nakatingin saamin si Alec. Seryoso. Nangingilatis at tila nasasaktan.

Hindi ko sinasadya.

Kaagad naman akong pinakawalan ni Levi at inayos sa pagkakatayo. Yumuko ako upang ikubli ang pamumula ng mga pisngi ko. Saka lang ako nagsalita nang napansin kong iba pala ang kulay ng lupang dinapuan namin. Itim ito at tila puno ng kemikal. Hindi ganito ang lupa sa Claremur. "Levi, n-nasaan tayo?"

Sumeryoso ang tingin ng lalaki. Umigting ang panga nito na lalong nakapagpakisig sa itsura niya. "We're in Waguner." Untag nito sabay suklay sa buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Hearing the name of the place makes me shiver. Nasa Waguner kami at pakiramdam ko'y hindi ligtas ang lugar na 'to para saamin. Marami na akong narinig sa lugar na ito. Ito ang pinakaliblib na bahagi ng Delta. Pinakamisteryoso.

Pinagapang ko ang aking chains upang suriin ang paligid. Limampong metro. Wala akong nahagilap. Isang kilometro, wala parin. Hanggang sa maramdaman ko ang limang pwersang nasa dalawang kilometro ang layo.

Tinangka kong pasukin ang sistema ng isa sa mga iyon. Nagawa ko ng mabilis. Laking gulat ko nang kausapin ng katawang iyon ang utak ko at bumulong, "I know you're inside me... but you can't kill me cause I can twist your chain!"

Narinig ko ang nakakakilabot na pagtawa nito. Sa haba ng panahon ko sa islang ito, ito ang unang beses na nakaengkwentro ako ng kagaya niya. Masyado siyang malakas. Masyado siyang mapanganib. Masyado niya akong ginimbal!

###

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

246 58 9
|1/23 √ |Hadeon Acheros Kruger
1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
Istasyon Door Ailous

Kort verhaal

664 90 9
Minsan kasunod ng kamatayan ay hindi pala paraiso o paghihirap? Ito ay maaring palengke? mall? o kahit istasyon ng tren? Walang nakakaalam, unless p...
2M 111K 60
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And a single Grimoire can destroy it. Genre...