Unchained Feelings

By SeenDearElla

6.6K 184 17

You know what hurts the most? Feelings that fade. The unbearable pain. The sudden change. Everything. Everyth... More

Unchained Feelings
Info
Chain 1
Chain 2
Chain 4
Chain 5
Chain 6
Chain 7
Chain 8
Chain 9

Chain 3

404 19 1
By SeenDearElla

***
Jade

Ilang oras na akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Aish! Ang hirap naman kasing intindihin ng mga nangyari sakin noong mga nagdaang araw. Sakit talaga sya sa ulo kahit kailan! Ang hirap hirap nyang paamuhin, ang hirap pagsabihan at pasunurin. Ako tuloy ang ipinapahamak nya eh.

At yung lalaki, yung lalaking mahilig magmura, talagang nakipag kaibigan pa sya run. Muntik nya na ngang sirain yung pinto ng unit ko eh! Minura mura pa ako. Yun ba ang mga tipo nyang lalaki? Yung badboy na playboy? Yung nakasuot ng itim na hikaw? Yung magulo ang buhok? Oo, gwapo naman sya, sobrang gwapo nya, pero mukhang gulo lang ang dala ng isang yun eh.

Hindi gaya ni Be. Kamusta na nga kaya sya? Should I text him? Call? Ichat ko kaya? Paano kung galit pala sya sa akin? Paano kung iseen lang nya ako? O iunfriend? Baka iblock pa ako nun. Hindi ako nakapag paalam sa kanya, at baka kinalimutan nya na rin ako. Who deserves me right? Tama sya, puro panloloko lang ang ginawa ko sa kanya. Baka meron na sya ngayong iba.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kung anu anong bagay na pumapasok sa isip ko. Bahagya akong bumangon sa kama at inabot ang laptop ko. I key in the password at agad akong nag log in sa fb.

Awtomatikong nangunot ang noo ko nang makita kong may 3 pala akong bagong messages. My heart skipped a beat nang mabasa ko ang pangalan nya. Why would he chat me? Napatawad nya na kaya ako? Namimiss? Aish. Imposible naman ata yun.

Agad kong binuksan ang unang dalawang mensahe at inihuli ang kanya, alam nyo yun, yung feeling ng excitement, sinusubukan kong pahabain yun, para kahit papaano, maramdaman kong mahalaga pa rin ako para sa kanya, kahit na it's been two years.

Galing kay mama ang unang message, nangangamusta lang. Ang ikalawa ay kay Marien, kaibigan ko at naging sandalan sa halos dalawang taong pagtira ko sa Canada. Nireplyan ko lang sila at agad na bumalik sa tab ng mga messages. My hands are trembling, iniisip ko pa rin kung ano ang pakay nya.

I tightly closed my eyes and pressed his name.

Active 2 minutes ago

Iyon agad ang una kong napansin, naging maluwag ang paghinga ko dahil doon. Unti unti kong ibinaba ang tingin ko at binasa ang message nya na syang kumalampag sa puso ko.

Bryn Euan Maniago

Nakauwi ka na pala, hindi ka man lang nagpasabi.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil alam kong puno ng pang uuyam ang mensahe nyang yun. Namumuo ang pawis sa noo ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong hindi ko naman sya kaharap. Nag iisip ako ng isasagot ko. Makailang ulit akong nagtype pero binura ko lang rin ang lahat ng yun.

Biglaan lang.

Delete.

Sorry.

Delete.

Sa huli mas pinili ko na lang na hindi sya replyan. Dahil hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko. Hindi ko ginustong umuwi. Nagising na lang talaga ako na nandito ako sa unit ko. At kasalanan 'to ng babaeng yun. Pero wala na rin akong magagawa, nandito na ako eh. And I should face him right? Kailangan kong humingi ng tawad. Pero hindi ko pa kaya ngayon.

Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko sa batok. Kinakabahan ako. Tinitigan ko ang pangalan nya sa screen. Jade, ito na ang huli. I clicked his name at agad akong dinala nun sa profile nya.

I gasped. Kumukuha pa rin pala sya ng litrato hanggang ngayon. Pinatutunayan iyon ng profile picture nya. Nakatagilid sya roon at may hawak na DSLR. Isa yung stolen shot, alam ko dahil isa rin akong photographer. Pero, akala ko ba sa kompanya na ng pamilya nya sya magtatrabaho? It's been two years, Jade. Paalala ko sa sarili ko. Baka nga wala na akong alam sa kanya.

Nag scroll down ako at nagtingin tingin sa mga post nya. Hindi maitatago ang appeal nya sa bawat litratong nakapost doon. Ang daming babaeng naglalike sa mga posts nya, nagcocomment, gaya pa rin ng dati. Crush pa rin sya ng marami kahit na ang sungit sungit nya.

Napatigil ako sa pagsco-scroll down nang makuha ng isang post nya ang buong atensyon ko.

It was posted a week ago. Daan daan ang naglike at nagcomment doon. Pero alam ko, alam kong para sa akin ang status nyang yun.

'So you're back. What are you up to now?'

Kasunod noon ang isang smirk emoticon. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Galit sya. Galit sya na bumalik ako.

Kahit ako hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na magcomment sa status nyang iyon. Ang alam ko lang, gusto kong depensahan kahit papaano ang sarili ko. He doesn't know a thing. Pinaiiral lamang nya ang galit nya.

'Don't worry, I'm not staying for good.'

Napabuntong hininga na lang ako. There's no use kahit magpakita ako sa kanya, susumbatan nya lang ako. Bahagya akong napangiwi nang tumunog ang laptop ko dahil may nagmessage sa akin. Malakas ang kutob ko na sya yun kaya mas pinili ko na lang patayin ang laptop ko. Not now Be. No. Hindi ko na dapat tawagin sya ng ganun, wala nang kami. Not now Euan. Pero, wala naman kaming closure eh?

Isinuot ko ang eyeglasses ko at inilock ang unit ko. Ilang minuto rin akong naghintay sa elevator bago iyon dumating. Nakayuko lang ako habang naghihintay at nag iisip kung anong gagawin ko sa buhay ko. I'm back. Totoo ngang nasa Pilipinas na ako. Tumunog ang elevator kaya naghanda na akong pumasok pero ganun na lang ang gulat ko nang bumukas yun.

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong napahakbang paatras. Yung, yung kaibigan ni Zadana, nasa elevator at kunot noong tinitingnan ako. Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo sa batok ko. At ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumakbo palayo sa kanya. Sht. Humigpit ang hawak ko sa suot kong jacket nang marinig kong tinatawag nya ako. But I ran as fast as I could at gumamit na lang ng hagdaan. I was gasping for air at agad agad pumasok sa banyo nang makababa ako sa lobby. No. Hindi nya dapat ako makita.

Pumasok ako sa isang cubicle at agad na inilock yun. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ko nga ba sya tinakbuhan? But that's what my instincts told me. Ang takbuhan sya. That guy shouts trouble, kaya hindi dapat ako naglalalapit sa kanya.


Ilang minuto rin akong nakasapo sa dibdib ko bago ko napagdesisyunang lumabas. Siguro naman nakaalis na sya. Pag labas ko ng cubicle may iilang babae rin ang napatingin sa akin. Yumuko na lang ako at inayos ang salamin ko. I don't care if I look like a mess. I don't need to impress them. Wala namang ganun.

Nagpalinga linga muna ako kaliwa't kanan para siguraduhing wala na sya. Babalik na lang ako sa unit ko, hindi magandang naglalalabas ako.

"Gotcha!" Napaigtad ako at impit na napasigaw ng may humila sa siko ko. Dahil sa gulat ko, bahagya pa akong napaikot at nasubsob sa dibdib nya.

"Tatakasan mo pa ako ah!" Mahigpit na mahigpit nyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. My knees began to tremble. Paano ko na sya tatakasan ngayon?

"B-itiwan mo ko! Hindi kita kilala." Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya sakin pero lalo nya lang iyong hinigpitan. Hindi makapaniwala ko syang tiningnan at doon ko lang talaga napagmasdan ng mabuti ang mukha nya.

Magulong brown na buhok. Makakapal na kilay, mag guhit pa ang isa sa dulo, na parang inahit. Ang tangos ng ilong nya. Maninipis na labi. At yung jaw line na kababaliwan ng lahat.

Agad kong iniiling ang ulo ko. What am I thinking?

"Huh! Tigilan mo ko Zadana ha! Ilang araw ka na namang hindi nagpakita tapos hindi mo na naman ako kilala? Tangina tao ka ba?!" Imbes na magulat, napatitig na lang ako sa mga mata nya. Posible ba yun? Same set of eyes. Pareho sila ng mga mata. Maiitim at malalim. Nakakalunod.

"H-indi nga ako si Zadana!" Tagumpay kong naalis ang pagkakahawak nya sa braso ko at mabilis syang tinalikuran. Great, ngayon kailangan ko na naman syang takasan. Napakuyom na lang ako at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

"At ano? Ikaw na naman si Jade?! Stop fooling around, will you?!" Nagpapanting talaga ang tainga ko sa mga salitang binibitawan nya pero hindi ko na lang pinapansin dahil wala naman syang alam. Sino ba sya? Huh?! He's just a guy that Zadana bumped into. Wala syang kinalaman sa akin.

Hindi ko sya pinansin at nagdiretso na lang ng lakad papunta sa elevator. Agad akong sumakay at sasaraduhan na sana ang pinto nang harangan nya naman ng kamay yun at pinapasok ang sarili nya.

Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng elevator at nagkunwaring hindi ko sya nakikita. Mula sa peripheral vision ko, kita ko ang pagsuksok ng kamay nya sa bulsa ng pantalong suot nya at paninitig sa akin.

"Sino ka ba?" Kusa na lamang iyong lumabas mula sa bibig ko. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakita ko sya at tinatawag nya akong Zadana.

"Seryoso ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin pabalik. Marahas nyang sinuklay ang magulo nyang buhok gamit ang isa nyang kamay at masama akong tiningnan.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. Sinusubukan ko talagang magpakatatag sa kinatatayuan ko kahit kinakatog na ang mga tuhod ko. Bakit parang ang tagal ng pag akyat ng elevator?

"No. Ikaw si Zadana." He insisted. Napakamot na lang ako sa batok ko at hindi na lang sya kinibo. Bahala sya. Hindi na lang siguro ako magsasalita para iwas disgrasya.

Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas na rin sa wakas ang elevator. Agad akong lumabas at hindi na sya nilingon pa pero saksakan naman sya ng kulit at muli na naman akong pinigilan. Hawak nya na naman ang braso ko at pinigilan akong humakbang.

"Ikaw si Zadana." Ulit pa nya. Marahas akong napailing at tinanggal ang kamay nya mula sa braso ko. Malambot iyon, at malamig.

"Ako si Jade." Iwinaksi ko ang kamay nya at bahagya syang nagulat dahil doon. Isinilid ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko at hinarap sya sa huling pagkakataon.

"Tigilan mo na ako. Hindi na babalik pa si Zadana." Hindi na dapat sya bumalik pa. Hindi nya sya kilala. Puros pasakit at kasamaan lang ang dala nya. Pareho sila ng lalaking iyon. Si Zadana, pipilitin kong pigilan sya, bago nya pa ako tuluyang masira.


Napasandal ako sa pinto nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ito pwede. Hinilot ko ang sentido ko dahil nararamdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na gumuguhit doon.

"Not now."

Bumalik ako sa kwarto ko at ininom ang nakahandang gamot sa ibabaw ng drawer. Ipinahinga ko ang katawan ko sa kama at mabagal na huminga. Inhale. Exhale. Tama ganito lang.

Ilang minuto siguro akong ganoon nang magring ang cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha at pinagmasdan iyon habang tumutunog.

Upon seeing his name, niragasa ako ng kaba.

BE calling...

|Accept|                  |Decline|

Tinitingnan ko lang yun hanggang sa kusa iyong mamatay. Tapos umilaw ulit, nagvibrate, tumunog, tumatawag na naman sya.

"H-ello." Ni wala sa isip ko na may number pa rin pala ako sa kanya. Hindi nya pa binubura. Iyon pa rin kaya ang pangalan ko sa contacts nya?

"Jade." Nakagat ko ang labi ko. Matapos ang dalawang mahahabang taon, sa cellphone ko pa pala ulit maririnig ang boses nya. Napasinghap ako at humanap ng bagay na pwede kong paglabasan ng nararamdaman ko.

"Ba-bakit?"

"How are you?" Mahigpit kong niyakap ang unang nakuha ko at inisip kung paano. Paanong sa loob ng mahabang panahon ganito pa rin ang nararamdaman ko.

We used to talk, magdamagan hanggang sa makatulugan ko na sya. Tapos paggising ko may mahaba syang text sa akin. Kung gaano nya ako kamahal, at hindi sya magsasawang mahalin ako. Pero sinayang ko lahat. Sinayang ko ang isang Bryn Euan na pinapangarap ng maraming kababaihan.

"Ayos lang. B-akit ka napatawag?" Lahat halos ng pinagsamahan namin nagsimulang bumalik sa alaala ko. Tapos biglang lalabo, tapos mawawala.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya. Pareho kaya kami ng nararamdaman? Pareho pa kaya?

"Ibababa ko na." Lakas loob na saad ko nang hindi sya sumagot ng ilang minuto. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. He just called. At ako kailangan ko nang mag move on.

"O-kay." And as easy as that naputol ang linya. Hindi ako, kundi sya. Sya ang tumapos.

Wala sa sarili akong napatingin sa screen ng cellphone ko. We used to be together. He loved me. And I love him still. Pero sinara lahat ni Zadana. Sinira nya ang buhay ko.

Pero wala akong laban, dahil kapag sinira ko sya, ako rin lang ang masisira.

***

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 65.7K 47
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
201K 14.2K 40
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
5.5M 123K 39
He's an ex-military billionaire. She's a spoiled party girl. With just one glance, she fell for those cold eyes and mysterious personality. She's a...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...