Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 45

323K 5K 377
By skycharm24

TRISHA

After two months…

Kahit mahirap at mag-isa lang ako, kinaya ko. Kinaya ko para
sa mga babies ko na sina Isha and Ian. Mabuti at hindi nila ako pinahirapan.

I was so scared na caesarean manganak. Bukod sa wala
akong sariling pera, sino ang mag-aalaga sa mga anak ko
habang nagpapagaling ako? Sobrang pasalamat ko dahil hindi ako pinabayaan nina Tito Mauro at Tita Connie. Utang ko sa kanila ang buhay naming tatlo.

Tuwang-tuwa sila sa kambal ko. May apo na raw silang aalagaan. They helped me with everything, from hospital bills hanggang sa gamit ng mga anak ko. Ikinuha pa nila ’to ng yaya.

Dalawa pa sana kaso hindi na ako pumayag. Sobra-sobra na kasi ang itinutulong nila sa akin.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang nanganak ako.
Kamukha sila ng tatay nila. Hindi ko ma-explain ang feeling nang nasilayan ko sila. Sana magkasama kami ni Xander noong nanganak ako, kaso wala siya.

“Hello, babies! Mahal na mahal kayo ni Mommy. Sorry, mga
anak, at wala ang daddy n’yo. Pero promise, ipakikila ko kayo sa kanya sa tamang panahon.”

“Umiiyak ka na naman ba, anak?” tanong ni Tita Connie.

“Masayang-masaya lang po ako sa pagdating nila. Sayang
lang at wala ang daddy nila para makita rin sila.”

“Mahal na mahal mo talaga siya.”

“Opo, sa kabila nang mga nangyari. Siya lang ang tanging
lalaking mahal ko at mamahalin ko, ang ama ng dalawang anghel ko.” Nasaktan ako pero kahit anong subok ko na kalimutan siya, hindi ko magawa.

“’Wag kang mawalan ng pag-asa, anak. Manalig ka lang.
Malay natin, pagsubok lang ang lahat ng ’to.”

“Hindi na po ako umaasa, Tita, dahil alam kong masaya na
siya sa pamilya niya. Pero sana ’pag nagkita sila ng mga anak ko, kilalanin niya rin ang mga ’to.”

“Ang sabi mo mabuting ama ang asawa mo, kaya ’wag kang
mawalan ng loob. Matutuwa ’yon.” Binuhat niya si Isha at
hinalikan ang mga kamay nito.

“Ang ganda-ganda ng baby Isha namin, o. Mana sa lola ’yan.”
Napangiti ako kay Tita Connie. Sakto namang umiyak si Ian
at kinalong ko na lang din siya.

“Aba! Marunong ka na agad magtampo, ha? Paano pala ’pag
mag-isa lang si Mommy?”kausap ko sa panganay ko. Mas nauna
kasi siyang lumabas kaysa kay Isha.

“’Wag kang mag-alala, anak. Lagi kaming nandito ng Tito
Mauro mo para sa inyo,” sabi ni Tita Connie.

“Salamat po.” Nahihiya man ako sa kanila, wala naman akong
ibang mapuntahan. Pagkatulog ng kambal, lumabas na rin ng kwarto si Tita.

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ng mga anak ko at bababa na rin sana ako, nang narinig ko ang pagtatalo nina Tito at Tita
mula sa kwarto nila.

“Kailan mo balak sabihin sa kanya? Lumabas na ang resulta
ng DNA test, Mommy,” sabi ni Tito Mauro.

“Konting panahon pa, Dad. Baka hindi pa siya handa. Alam mo naman ang sitwasyon niya. Baka lalo lang siyang maguluhan.”

“Gusto ko nang magpakilala sa kanya bilang daddy niya.
Gusto kong malaman niya na may kakampi siya sa mundong ito, na hindi siya nag-iisa dahil nandito tayo.”

“Kahit ako, Dad. Gusto kong ibsan kahit papaano ang bigat
sa loob niya, pero ’wag natin siyang madaliin.”

Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako bigla. Siguro ang
anak nila ang pinag-uusapan nila. Kung sino man siya, sana alam niya kung gaano siya kapalad at binigyan siya ng mapagmahal na ama’t ina tulad nina Tito at Tita.

Naalala ko si Chloe. Malapit na nga pala ang birthday
niya. She’d be turning five in three days. Kailangan kong
makapagpabili ng regalo man lang. Naalala ko si Miggy.

Pwede ko siyang kausapin, pero wala pala akong number niya.

Kumusta na kaya sila?
Naisipan kong si Teacher Jen na lang ang pakiusapan.

Tumawag ako sa school nila pero wala raw ang guro doon. Ang
malas ko naman. Paano na ako makapagreregalo kay Chloe
n’yan?

Buti na lang at may pera ako mula kay Tito Mauro.
Nagpaalam ako sa kanila saglit na pupunta akong bayan at may bibilhin doon. Pumayag naman sila. May yaya naman kasi ang
kambal at siya raw ang bahala sa mga anak ko.

Bumili ako ng pink na teddy bear para kay Chloe. Ipinadala
ko na lang ’to through courier, pambawi sa pangungulila sa ’kin ng bata.

XANDER

Two months na akong naghahanap sa kanya. Sigurado akong nakapanganak na siya, pero hindi pa rin ako susuko.

Naniniwala akong makikita ko sila. Pansamantala muna akong nagpahinga sa paghahanap dahil malapit na ang birthday ni Chloe. Kailangan kong bumawi sa kanya. I hired an event organizer pero tumulong pa rin ako sa ibang preparasyon. Invited ang classmates at mga kaibigan ni Chloe. Inimbita ko na rin sina Teacher Jen. Kasama na rin namin si Ally na ngayon ay yaya na ni Chloe. Umuwi na kasi sa probinsiya ang dating yaya ng anak ko. Dinoble ko na lang ang bayad kay Ally tutal nurse naman talaga dapat siya.

“Anak, may gusto ka pa ba para sa party mo?” tanong ko kay
Chloe.

“Sana po nandito si Mommy,” malungkot na sagot nito. Alam
naman niya na hinahanap ko si Trisha.

“Anak, promise ni Daddy hahanapin ko ang Mommy at ang kapatid mo.”

“Please, Daddy. It would be the best birthday gift po.”

“Promise, anak. Hindi titigil si Daddy sa paghahanap sa
kanila.”

Bumalik na siya sa panonood ng pagse-set up ng garden para
sa party niya.

Nagpupumilit si Choleen na manghimasok sa buhay namin
pero pagkatapos nang ginawa niya, wala na siyang lugar dito.

I almost hurt her sa galit ko sa kanya. Mabuti at napigilan ako ng mga kaibigan ko nang nagpang-abot kami sa isang bar.

Kaya laking gulat ko nang pumunta siya dito sa bahay.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa ’yo dito?!” sigaw ko
sa kanya.

“Birthday ng anak ko. Natural lang na magpunta ako,”
matapang niyang sagot.

“Get out of my house kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!”

“Xander, please, I’m begging you. Gusto ko lang makasama ang anak ko sa kaarawan niya.”

“Fine! Batiin mo siya tapos umalis ka na agad!” Sinundan ko siya habang papalapit siya kay Chloe.

“Hi, honey! Happy birthday.” Umakto siyang yayakapin si
Chloe pero umatras ito.

“Thank you po,” sabi ng bata.
“Can I have a hug, honey? Look, I have the latest Barbie doll
for you.”

“I have lots of dolls, but thank you na rin po.” Tinanggap
niya ’to at ibinigay kay Ally.

“Let’s go, Yaya. Bihis na po ako.” Umakyat na sila sa kwarto.

Akmang susunod pa si Choleen sa kanila, pero mabilis ko
siyang pinigilan.

“Umalis ka na. Baka masira lang ang party ng anak ko kapag nandito ka,” sabi ko.

“Fine. Magsama-sama kayo! But don’t expect na ito ang huling pagkikita natin.” At nagmartsa na siya palabas.

Mabuti at hindi na siya nagmatigas pa. Nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita. Ang ganda-ganda ng anak ko in her pink dress. Mabuti na lang nand’yan si Ally para asikasuhin siya. Kung sana’y nandito lang din ang asawa ko.

Dumating rin sina Teacher Jen at Miguel. Maayos na kami
ng best friend ni Trisha, at tinutulungan niya pa nga akong hanapin ang asawa ko.

Naikwento niya rin sa ’kin ang ginagawa nila ni Jen, ang pagsunod at pagbabantay kay Choleen. Malaking pasasalamat ko na wala naman palang nangyari sa ’min ng
babaeng ’yon.

“Happy birthday, Chloe,” bati ni Teacher Jen.

“Thank you po, Teacher.” Tinanggap nito ang regalo sa
kanya.

“Happy birthday, Chloe,” bati naman ni Miguel.

“Thank you, Tito.”

Mukhang going strong ang relasyon nila ni Jen. Mabuti
pa sila, magkasama at masaya. Masuwerte sila dahil walang
Choleen na nanggugulo sa kanila.

Kumusta na kaya ang honey ko? Kumusta na ang baby namin? Sana talaga bumalik na siya dahil miss na miss ko na
siya.

Continue Reading

You'll Also Like

50K 1.6K 14
* "You know, Sin. You don't need to wash me everyday." I, Synthia Lyrr Ulysses Tway, an adopted child of the filthy rich - Monte Lierro family...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
27.4K 1.6K 37
Charlotte Devin Vanidestine is on a mission and that is to seduce Zacharias Ford Silvius- the virgin millionaire.
52.3K 2.3K 75
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never lov...