My Binondo Girl After Two Yea...

By Gidgetwitty

247K 1.4K 802

Did it ever occur to you what will happen after My Binondo Girl ends? I decided to write a story about our fa... More

My Binondo Girl After Two Years Prologue & Chapter 1
My Binondo Girl After Two Years Chapter 2
My Binondo Girl After Two Years Chapter 3
My Binondo Girl After Two Years Chapter 4
My Binondo Girl After Two Years Chapter 5
My Binondo Girl After Two Years Chapter 6
My Binondo Girl After Two Years Chapter 7
My Binondo Girl After Two Years Chapter 9
My Binondo Girl After Two Years Chapter 10
My Binondo Girl After Two Years Chapter 11
My Binondo Girl After Two Years Chapter 12
My Binondo Girl After Two Years Chapter 13
My Binondo Girl After Two Years Chapter 14
My Binondo Girl After Two Years Chapter 15
My Binondo Girl After Two Years Chapter 16
My Binondo Girl After Two Years Chapter 17
My Binondo Girl After Two Years Chapter 18
Announcement
My Binondo Girl After Two Years Chapter 19
My Binondo Girl After Two Years Chapter 20
My Binondo Girl After Two Years Chapter 21
My Binondo Girl After Two Years Chapter 22
My Binondo Girl After Two Years Chapter 23
My Binondo Girl After Two Years Chapter 24
My Binondo Girl After Two Years Epilogue
Announcement/ Raffle Draw Winner

My Binondo Girl After Two Years Chapter 8

9.3K 45 13
By Gidgetwitty

Chapter 8

   Sinamahan ni Amethyst si Jade sa OB doctor two days pagkatapos malaman ni Jade na buntis siya sa pamamagitan ng pag-gamit ng home pregnancy kit na binili niya noong mag-grocery sila ni Annika. Ang hindi alam ni Jade ay tinawagan ni Andy si Amethyst bago sila pumunta ng clinic para ihabilin ang asawa dahil ayaw talagang nitong magpasama sa kanya. 

   Sinigurado ng manggagamot  na walang dapat ipag-alala si Jade dahil maayos ang kapit ng bata sa sinapupunan niya. Binigyan lang siya nito ng reseta for iron supplement and multivitamins. Nalaman din niya na three months pregnant siya.

   "Jade, pwede ba tayong dumaan sa shop ko bago kita ihatid sa inyo?" Si Amethyst kasi ang may dala ng kotse pagpunta nila ng doctor.

   "Oo naman, matagal na nga akong hindi nakakasilip sa shop mo," nakangiting sang-ayon niya sa mungkahi ng half-sister. Si Amethyst ay may designer shop na kilala sa buong Pilipinas na nag-ca-cater sa mga top models, sikat na mga artista at politicians.

   Pagpasok nila ng shop ay nabungaran nila si Gerald Rosales, isa sa pinakasikat na artista ngayon at top-paid endorser ng iba't ibang products sa Pilipinas.

   "Hi, Gerald, what brings you here?," masayang bati ni Amethyst sa poging lalaki.

   "I need a suit for the coming Star award," nakangiting tugon nito. Nang makita ang kasama ni Amethyst. "Do I get an introduction to the most beautiful girl I have seen in my life?' Nakatitig ito kay Jade ng walang kakurap-kurap.

   "Sorry, Gerald. Taken na iyan, huli ka na," kaswal na sagot ni Amethyst.

   Nagulat si Jade sa pagpurii ni Gerald sa kanya nang harap-harapan. Isa kasi siya sa milyong-milyong tagahanga nito. Marami na itong awards na natanggap dahil sa galing nito sa pag-arte sa larangan ng sining. Marami din itong producto na ini-endorse gaya ng toothpaste, ice cream, fast food chains, cell phone carrier at mga iba't ibang klaseng pagkain dahil sa dami ng taong naniniwala sa kanya.

   "Hi, Mr. Rosales, so happy to finally see you in person," nahihiyang sabi ni Jade.

   "The pleasure is mine. Please call me Gerald. May I invite you two for coffee?," imbita nito sa dalawa pero kay Jade pa rin ito nakatingin.

   "Sure, basta ba magkuwento ka ng ginagawa mong bagong movie," masayang sagot ni Jade bago pa makatanggi si Amethyst na nakakunot ang noo.

   "Ah, Jade baka hanapin na tayo sa bahay ninyo," nag-aalalang sabi nito.

   "Sandali lang naman tayo, Amethyst. Gusto ko kasing malaman iyong bagong movie niya  with Sandra Gomez," excited na wika ni Jade.

   "Okay, let's go," anyaya nito sa dalawa.

   "Paano iyong suit mo?" tanong ni Amethyst.

   "Babalik na lang ako bukas para doon," ani Gerald.

   Nagkuwento si Gerald habang kumakain sila sa isang maliit na coffee shop sa may Eastwood City. Masayang nakinig si Jade sa binibida ng lalaki at paminsan-minsan ay nagtatanong din siya tungkol kay Sandra Gomez. Si Amethyst ay nakikinig lang sa dalawa pero halatang nag-aalala, paminsan-minsan ay sumisilip it sa relong pangbisig. Siguradong naghihintay na si Andy ng balita tungkol sa resulta ng check-up ni Jade. Nagulat pa siya nang biglang mag-ring ang cell phone niya sa bag. Nang makita niyang si Andy ang nasa kabilang linya ay nag-excuse siya sa dalawang abala sa pagkukuwentuhan para lumabas saglit.

   "Amethyst, anong balita? Bakit wala pa si Jade sa bahay? Hindi ko rin siya ma-contact sa cell niya. Naka-off yata," nag-aalala ang boses nito.

   "Hi Andy, okay naman si Jade, three months pregnant raw sabi ni Dr. Fernandez.

   "Nasaan kayo?"

   "Naimbitahan kasi kami ni Gerald Rosales, you know the actor, for coffee. We are here in Eastwood City," alanganing sagot nito.

   "Sino? Gerald Rosales? Paanong nakilala ni Jade iyon?," iritadong sabi nito.

   "Nasa shop ko kasi kanina noong dumaan kami ni Jade after her check-up. Pero we are almost done here naman, Andy."

   "Don't worry, Amethyst. Malapit lang naman ang office diyan sa Eastwood, ako na ang susundo kay Jade. Ano ang pangalan ng shop?" balisa ang boses nito.

   Sinabi ni Amethyst ang pangalan ng coffee shop. Magsasalita pa sana siya nang binaba na ni Andy ang phone.

   Pagbalik niya sa lamesa ay tumatawa si Jade sa kinukuwento ni Gerald. Ni hindi namalayan ng dalawa ang pagbalik niya.

   "Excuse me, Jade. Si Andy katatawag lang sa cell ko hindi ka raw ma-contact kanina pa."

   "Ha, ay nakapatay pala ang cell ko. Bawal kasi sa clinic ang cell kaya naka-off. Bakit raw, anong sabi?"

   "Susunduin ka na lang raw niya dito ngayon," paliwanag nito.

   "Sino si Andy," nagtatakang tanong ni Gerald.

   "My husband," simpleng sagot ni Jade sa nadismayang mukha ni Gerald.

   "What? You are already married," nanlulumong sambit nito. Napahugot ito ng hininga. "Sabagay may annulment naman," bulong nito sa sarili.

   "Anong sabi mo Gerald?" tanong ni Jade.

   "Wala. Ang suwerte naman ng asawa mo," tahimik na sagot nito.

   "Talaga! " nakangiting sangayon ni Jade.

   "Well kung hindi niya alam na suwerte siya narito lang ako maghihintay," pabirong sabi nito na may halong pagkaseryoso.

   "Makakarating ang sabi mo," natatawang sagot niya sa biro ng lalaki.

   15 minutes pala silang nagkuwentuhan nang dumating si Andy sa shop. Humahangos itong lumapit sa lamesa nila halatang pilit itinatago ang inis na nararamdaman.

   "Ang bilis mong nakarating, Andy. Anong ginawa mo lumipad?" tukso ni Amethyst na hindi sinagot ni Andy.

   "Hi Andy, halika ipapakilala kita kay Gerald," excited na tumayo si Jade para salubungin ang asawa.

   Tumayo din si Gerald para kamayan si Andy. "You are such a lucky guy," simpleng sambit nito kay Andy.

  "I know being married to Jade, I can say I am the luckiest man alive" tugon nito sa malamig na boses.

  "Pare, alagaan mo baka mawala pa sa iyo. I'm sure maraming magkakandarapang naghihintay sa tabi-tabi diyan," pasaring nito kay Andy.

   "Malas lang ng iba, dahil we are so in love with each other, di ba Babe?" inakbayan ni Andy si Jade. "In fact we are going to have another baby in a few more months," pagmamalaki nito.

   Nagulat man si Gerald ay hindi ito nagpahalata. Ngayon lang siya uli humanga sa isang babae, may asawa pa. May special siyang naramdaman sa unang tingin pa lang niya kay Jade sa shop kanina. Nang malaman niyang may asawa na ito ay talagang nadismaya siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya kay Jade kahit alam niyang may asawa na ito. Sa pag-uusap nila kanina at sa mga kilos nito ay wala siyang nakitang may gusto ito sa kanya kung hindi paghanga lang ng isang fan sa artista. Napabuntong-hininga siya. Naputol ang pagmuni-muni niya nang magsalita si Jade.

   "Thank you, Gerald for the coffee. It was really nice meeting you," paalam ni Jade, sabay abot ng kanang kamay sa kanya.

   "The pleasure is all mine, Jade. I hope this is the beginning of our friendship," nakangiting tugon nito na malugod na tinanggap ang kamay na inabot sa kanya ni Jade. 

   Tahimik lang na nakamasid si Andy, lalong tumalim ang tingin nito kay Gerald nang hindi agad nito binitawan ang kamay ni Jade.

   "Amethyst, ihahatid ka muna namin ni Jade bago kami umuwi."

   "Sa shop ko na lang, I left my car there," ani Amethyst. "See you tomorrow sa shop ko, Gerald,"

   "Sure, I'll drop by around 4 PM."

   Sabay-sabay na silang lumabas ng coffee shop. 

   "Ang bait ni Gerald, hindi suplado. Imagine nag-imbita pa sa amin. Sikat kaya iyon," kinikilig na sabi ni Jade. Katatapos lang nilang ihatid si Amethyst sa shop nito.  "Sayang, nakalimutan kong magpa-picture kanina," nanghihinayang na patuloy ni Jade.

   "Jade, kanina pa puro Gerald na lang ang bukang-bibig mo," naiinis na reklamo nito sa asawa.

   "Excited lang naman, ito naman KJ," naka-irap na sabi ni Jade.

   "Well, I'm tired of hearing his name," asik nito.

   "Tatahimik na po, sungit mo naman," nakasimangot na sabi ni Jade.

   "Kumusta na ang pakiramdam mo? Anong sabi ni doktora sa baby natin?" iniba nito ang usapan.

   "Okay lang ako. Sabi ni Dra. Fernandez wala raw dapat ipag-alala sa baby natin. Next month raw pwede ng malaman ang gender ng baby natin. Andy, dumaan naman tayo sa supermarket, gusto kong bumili ng lanzones at mangga," masuyong utos nito sa asawa.

   "Sige, basta kung ano ang gusto mo, masusunod," masaya nitong sagot.

   "Lahat, susundin mo ngayon talaga?" pilyang tanong ni Jade.

   "Teka, napasubo yata ako sa iyo," naiiling na napangiti si Andy.

   "Basta walang bawian ha?"

   "Okay na po basta huwag kang masyadong  masungit sa akin, pero kung ako ang pinaglilihian mo sige na para kamukha ko naman this time ang baby natin."

   "Hmp, tingnan natin," sabay irap ni Jade sa asawa.

****I hope you enjoyed reading chapter 8. :) Please support me by sharing it with your friends in FB, retweeting it, voting and clicking the like here in Wattpad. Also leaving a comment would help me tremendously. Lastly, please follow me on Twitter @gidgetwitty so you can get an update on the coming chapters. Salamat po sa uulitin. :)))

   

   

   

  

   

   

   

   

  

   

  

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
89.7M 2.8M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
4.7M 251K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...
844K 45.1K 32
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Jungkook's ) daughter Mishel...