Cupcake

By hello_kate

8.6K 508 349

DO NOT READ May crush ka ba? Si Jinky, meron. At ito ang story niya. [EDITING] More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Epilogue

Chapter 9

583 27 17
By hello_kate

Third Year High School (September 2012)

"Whooooooo!"

Ano ba naman yan? May natutulog bigla-biglang may sisigaw. Napuyat ako kakatapos nung groupwork namin. Leader kasi kaya sakin naipasa lahat ng gagawin. Kaasar.

"Jinky! Dito tayo dali!" sigaw sakin ni Kate galing dun sa grupong naghihiyawan kanina.

Wala akong magagawa dahil gising na 'ko kaya pumunta nalang ako dun. Nandun yung mga friends ko. Si Kana, yung Japanese na new student, si Dorothy na hindi ko akalain na magiging isa sa best of friends ko dahil ayaw ko sa kanya dati, at ang napaka weird na si Kate na bestfriend ko na ngayon. Tadhana nga naman... Nandun din si Aldrin, yung classmate namin na kailangan ng anger management classes, si Bacanto, na sa last name namin tinatawag sa di malamang dahilan, at sina Jane, Barbie at Veron. Nakapabilog yung mga chairs nila kaya kumuha narin ako ng akin at nakisiksik.

"Centrum ka ba?" sabi ni Aldrin kay Dorothy.

"Bakit?" sabi naming lahat kahit kay Dorothy lang siya nakatingin.

"Kasi you make my life complete!"

 Gumaganon si kuya!

"Tae yan, ang corny!" sigaw ko sa kanya.

"Sige, eto pa," sabi niya then tingin ulit siya kay Dorothy, "may heart surgery ako kahapon. Alam mo kung ano nakita nila?"

"Ano?"

"Pangalan mo," sabi niya kay Dorothy with a wink.

Grabe din pala si Aldrin sa kalandian. Kala ko dati tahimik lang 'to, ayun pala kauri din namin. Pero infairness, havey yung huli niyang sinabi. Kung si Kenneth nagsabi sakin nun, baka hinimatay na 'ko sa tuwa.

"Dorothy, sana ikaw nalang ang mga butuin at ako nalang ang buwan," sabi ni Boy Pick-up.

"Bakit?" this time si Dorothy nalang ang nagsalita. Kinikilig kami para sa kanilang dalawa.

"Para magkasama tayo tuwing gabi."

"NAKS! Huma-havey!" 

Sana ganyan din si Cupcake. Ewan ko nga kung ano na ba meron dun. Minsan kasi ang bait niya sakin, minsan parang wala lang, minsan parang galit siya. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar kasi paiba-iba talaga kaya sa mga ka-tropa ko muna ako nagpapakasaya. May nagsabi kasi sakin na ang best year daw ng high school ay Third Year. Mukha namang totoo. Wala na kasing nagchichismisan tungkol sakin nung dumating yung classmate namin na dinaig pa ko sa galing magpapansin. Natabunan tuloy beauty ko pero okay lang kasi nagkaroon ako ng dalawang bagong friend at isang bestfriend.

Nagbell na.

"Uy, kain muna kami ni Jinky. Bye guys!" sabi ni Kate sabay hila sakin sa canteen. Ayaw ko pa talagang umalis kasi nag-eenjoy pa ko pero gutom na rin ako.

"Kikiligin na sana ako eh, kung di lang si Aldrin yung nagsabi," biglang sabi ni Kate.

Wow. Choosy pa! "Asus! Sino ba gusto mo? Ayieee!" ganti ko sa kanya.

"Wala noh! Kasi kung di lang sa medyo bakla nanggaling okay sana yung pick-up lines."

Halata namang may tinatago siya. Defensive. Malalaman at malalaman ko rin yan. Pero may point siya kasi ang alam ng mga tao, bading yung si Aldrin kahit na sinasabi niya na hindi naman. Ganyan talaga kapag di kasali sa popular crowd o walang girlfriend ang mga boys dun. Napagkakamalang bading.

"Bahala ka dyan," sabi ko with a hint na hindi ako naniniwala.

Walang maupuan sa canteen kaya sa court nalang kami kumain. Mga basketball varsity players lang naman yung nandun kaya medyo walang tayo maliban sa mga babaeng nagchi-cheer sa boyfriend at crush nila.

"Psst. Jinky," tawag sakin ni Kate habang sinisiko niya ko.

"Aray ha! Ano ba?"

Nakatingin siya sa mga players. Ang landi talaga. "Sino type mo dyan?" tanong niya sakin.

"Ano ba namang tanong 'yan."

"Sagutin mo nalang."

Ang hirap naman kasi ng tanong niya. Alam niya namang si Kenneth lang yung nag-iisa kong crush.

Tiningnan ko yung mga boys dun. Okay naman sila. Classmates namin yung iba dun pero di ko naman pinapansin yung mga yun kasi mukhang snob.

"Jinky, ano na?" pangungulit ni Kate.

"Teka lang kasi!"

"Sige, take your time. Hahaha!"

Ughhh. Kadiri siya. Yan kasi hindi tumatagal ng dalawang months kung magkacrush. Ang dali niya magsawa. Kaya siya naiintriga sakin na nagkacrush sa isang lalaki lang for about 5 years at wala ng iba. Sabi nga niya pang manang daw yun. Feeling ko nga gusto niya ko pag experimentuhan sa lab para malaman kung normal akong tao. Hump. Loyal lang kasi akong tao. Loyal!

Tiningnan ko isa-isa yung mga basketball players. May dalawa or tatlong gwapo pero isa lang talaga yung may appeal para sa'kin.

Thomas Alcantara. Mas kilala siya sa nickname na na Tom. Paano ko nalaman? Hindi ako stalker, classmate kasi namin yan.

Nakatingin lang si Kate sakin, iniintay yung sasabihin ko. Nakakainis talaga 'tong taong 'to. Bakit siya pa kasi naging bestfriend ko sa dinami-dami ng tao sa school sa yun!?

"Si Tom lang naman yung matino dyan," sabi ko.

"Ayieeeeeeeeee!" napatili siya. Napatingin tuloy sa'min yung mga tao sa court. 

"Ang ingay mo! Hindi ko crush yun! Sadyang hot lang sya," sabi ko.

"What did you say? Hot?" she asked me with wide eyes.

"HOT." Totoo naman talaga. 

"It doesn't matter if you love him-," Nako, kumanta na siya. Help me! "-or capital H-O-T."

The what?! "Kadiri ka!"

"Aminin mo na kasi! Jinky Alcantara."

OMG! Kadiri siya!

Hmmm... Pero infairness, bagay ah. Mas bagay kesa Jinky Rosario.

Ughhhh! Erase-erase! Si Kate may kasalanan nito. Bwisit kasi.

Tiningnan ko nalang kung paano maglaro sa Tom habang kumakain ako. Yung katabi ko kasi, hindi na napigilan ang sarili at nagcheer na rin. Kumakapal talaga ang mukha kapag third year na.

Impressive. Nakaka-shoot naman siya. Ang hot niya, para sakin. Hindi kasi siya saksakan ng payat tulad ni Cupcake. Capital H-O-T. Yung yung sabi ni Kate kanina. Gwapo rin naman pero di sobra. Ayos lang. Sadya lang kasing lapitin ng chicks yun kasi halos lahat ng turn-on sa lalaki nasa kanya na. Magaling maggitara, check. Varsity player, check. Sobrang astig sumayaw, check. May sense of humor, check. Magaling kumanta, check. Siya na ang perfect!

Kesa naman kay Kenneth na average lang pero captivating ang eyes. 

Grabe, bakit ngayon ko lang napansin 'tong si Tom. Masyado kasi akong focused kay Cup-

OUUUUCH!

Ang sakit ng left side ng ulo ko. 

"Okay ka lang," tanong ni Mr. Pogi.

"Ano sa tingin mo?" ang galing ko talaga. Nagawa ko pang tarayan ang bago kong crush.

Huh?! Bago kong crush. Ewww.

"Sorry Jinky! Sorry talaga," sabi ni Tom. Ang cute niya kapag malapitan.

"Oo na. Balik na dun," pagtataboy ko sa kanya.

"Thanks," tumakbo na siya pabalik. "Wala bang goodluck?" tanong niya with a wink. Ang landi talaga.

"Goodluck mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya pero 'di ko lang alam kung narinig niya pa.

And of course, Kate was there and saw everything. Patay ako dito. Di ako titigilan hangga't 'di ako napapaamin na crush ko si Tom. 

Crush ko na nga ba siya? Paano si Kenneth?

Oh well, sabi nga ni Kate, basta single, kahit ilan pang crush, pwedeng-pwede.

"Kate, ang HOT niya talaga!" sigaw ko sabay hampas sa bestfriend ko.

"Mag hunos dili ka. Alam ko."

"OMG! HOT talaga!"

Napabuntong hininga nalang sila. SILA.

Syempre, hindi napigilan ni Kate ang bunganga niya kaya alam na ng mga kaibigan namin ang bagong "nagpapatibok ng akin puso." Kadiri.

Ang perfect niya lang kasi eh!

Third Year High School (November 2012)

"Hindi ka ba nalulungkot?"

"Bakit?"

"Nag-iisa ka lang kasi sa puso ko."

Ayan nanaman ang kalandian ni Aldrin. Kung si Tom nagsabi niyan, OMG! Pero pwede na rin si Kenneth.

"Oy! Si Ivan daw meron!" sigaw ni Kate. Naalala nyo si Bacanto? Sabi ni Kate napakahaba daw yung ganun ang tawag sa kanya kaya ginamit niya yung second name ni Bacanto. Ivan na ang ginagamit ng tamad pero nahahawa narin kami. Okay naman yung Ivan. Mas sossy kaysa sa Bacanto.

"Weh? Nagsasalita ka ba?" sabi ko kay Ivan.

"Wag mo minamaliit 'to!" pagyayabang sakin ni Kate sabay hampas kay Ivan at bulong ng, "Ayusin mo yan ah!"

"Pwede bang i-turn-off nalang yung ilaw?" sabi ni Ivan.

"Bakit?" sabi namin.

"Para tayo nalang ang mag-ON."

Pambihira. Ang galing din nina Dororthy at Kate. Dati hindi nagsasalita yang si Bacanto. Ngayon pumi-pick up pa. Wow! Lumevel up!

"Good dog," sabi ni Kate habang tinatapik yung ulo ni Bacanto. Matagkad kasi siya kaya abot niya. 'Di tulad ko at ni Dorothy.

"Hi Kate!" sigaw ni Mario.

"Hi," sabi naman ni Kate.

Pagkaalis ni Mario, ayieeeeee agad ang asar namin kay Kate. Ayos 'tong bestfriend ko ah! Nalink na varsity player. Nice. Buti pa siya. Tropa kasi nila Tom yang si Mario.

"Ano ba yan guys, joke lang yun. Napaka ano nyo!" sabi sa'min ni Kate.

Joke na pala ang Hi. Noon ko lang nalaman at hindi pa 'ko natawa.

"Crush ka nun!" sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo," sabi niya sabay walk-out.

"Crush niya din yan," sabi ni Dorothy na nakangisi pagka-alis ni Kate.

"Eh ako, crush kita," singit ni Aldrin with a wink.

"Ewan ko sayo!" sigaw ni Dorothy bago mag walk-out.

Wow. Dalawa kaagad ang nagwalk-out. Gaya na rin ako.

"Jinky, wait!"

Shit, si Kenneth. Dahan-dahan akong lumingon, para ay effect.

"May itatanong ako sayo," sabi niya sakin.

"Shoot."

"May gusto ka kay Tom?" mabilis niyang sinabi.

Hala. Nalaman na pala niya. Sabi ko na nga ba kakalat din yun.

Deny ko muna hangga't may chance pa."Hahaha! Wala ah!"

"Di nga?" nagtataka niyang tanong.

"Wala nga. Ano naman yun sa'yo?"

Ang tagal niya sumagot. "Gusto ko lang malaman."

"Ha-ha. Geh bye." Then ako naman yung nagwalk-out. Medyo delayed nga lang.

Bakit ba gusto niya malaman? Siguro kasi hindi siya pinapansin ng crush niya kaya ako napagtripan. Bahala siya jan. Ako naman ngayon ang magiging snob. 

Nasa labas na 'ko ng pinto pero narinig ko pa rin yung sinabi niya kay Vic.

"Wala nang Cupcake."

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]