Dreams, Destiny, and You?

By stuckindreamworld

2.7M 34.3K 7.4K

[Daddy? Series 2] I was haunted by these DREAMS, despised by DESTINY, but there's one question that is stuck... More

Dreams, Destiny, and You? (DDY) [BOOK 2 OF DADDY?]
Capitulo Uno: Sulat
Capitulo Dos: Mommy?
Capitulo Tres: Clever kid
Capitulo Kwatro: Magazine
Capitulo Cinco: Music Room
Capitulo Seis: Jale P.
Capitulo Siete: 1 week
Capitulo Ocho: Detective Vaughn
Capitulo Nueve: Ulan
Capitulo Diez: Stuck
Capitulo Once: With You
Capitulo Doce: Magtanim ay 'di biro
Capitulo Trese: H-Help..
Capitulo Katorse: Parehong tanga
Capitulo Diecisรฉis: Mission Look for KC Sungit at DJ liit?
Capitulo Diecisiete: Hide-and-Seek
Capitulo Dieciotso: You're IT
Capitulo Diecinueve: King of the Apes
Capitulo Veinte: Friends?
Capitulo Veintiuno: Everywhere Everything
Capitulo Veintidos: Tara na
Capitulo Veintitres: CHANDRIA
Capitulo Veintikwatro: Vanilla anyone?
Capitulo Veintisingko: Memory
Capitulo Veintisais: Choose Wisely
Capitulo Veintisiete: Chandria's Special Chapter: The Truth
Capitulo Veintiocho: I Know
Capitulo Veintinuebe: UKILYF
Capitulo Treinta: They're coming...
Capitulo Treinta y uno: Christmas Grand Ball
Capitulo Treinta y Dos: Best Night Ever
Capitulo Treinta y Tres: Happy New Year!
Capitulo Treinta y Kwatro: Mabuhay Ang Bagong...?
Capitulo Treinta y Cinco: Final Warning
Capitulo Treinta y Seis: See you soon
Capitulo Treinta y Siete: Wait for me
Capitulo Treinta y Ocho: It hurts
Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive
Capitulo Cuarenta: Hey There
Capitulo Cuarenta y Uno: For Real
Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?
Capitulo Cuarenta y Tres: Diary
Capitulo Cuarenta y Cuatro: Secrets
Capitulo Cuarenta y Cinco: TP2
Capitulo Cuarenta y Seis: Lazuli
Capitulo Cuarenta y Siete: Take a Chance
Capitulo Cuarenta y Ocho: Hurry up!
Epilogue: Kidnap My Heart
DDY - Author's note
SC 1: Kyle Christian Angelo "Cinco" Bernardo
ANNOUNCEMENT!
QUESTION: GUYS, PASAGOT.
SC 2: From Paris with Love

Capitulo Kinse: Uh-Oh

61.4K 580 86
By stuckindreamworld

A/N: May collab po dito ha? 'Wag malito. Yung si Daniel Constantine at Kathryn Manson ng A Vampire's Task by the gorgeous SoonToBePadilla. *O* Link sa external link kung gusto niyong basahin yun lalo na yung mga mahihilig sa bampira. KN. Lels. :3

------------------------

CHAPTER 15

 

SCARLET'S POV

Nagpaalam na ako kina nanay at tatay, nauna na raw na nagpaalam si Zander sa kanila kanina lang. Ang bait-bait talaga nila, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Weird nga eh, hindi ko alam kung bakit.

"Ah sige po 'nay, tay! Mauna na po ako. Magpahinga na po kayo jan. Salamat po sa pagpapatuloy sa amin at pagtulong po sakin. Thank you po! Paalam!" sabi ko sa kanila at lumabas na ng bahay nila. Hindi ko na sila pinalabas pa kasi halata kong pagod na pagod sila. Matanda na rin naman kasi sila. Nakakaawa nga eh. Bakit kaya sila iniwan nung anak nila?

At saka gabi na kaya, oras na para magpahinga sila. Maghahatinggabi na nga eh. Atat kasing umalis na si Da--Zander.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay..

"Come on! Let's go slowpoke! You're too slow. Tch. Turtle."

Bigla nanaman akong hinila ni Zander at kinaladkad nanaman. Bakit ba ang hilig niyang gawin yun? Bastusan? Leshe.

Binuksan niya yung pinto ng kotse at tinulak ako papasok dun sa tabi ng driver's seat. Langya! Pagkatapos, binalibag niyang pasara yung pinto at dumiretso naman sa kabila at umupo na.

Mabilis niyang pinaharurot yung sasakyan. Adik ba 'to? Ang bilis talaga magdrive. Tsk!

Parang ang tagal na naming bumibyahe, tahimik lang kaming dalawa sa loob. Walang nagsasalita, walang imikan. Mapapanis yata ang laway ko dito. Awkward naman kasi. Aish. Mister Bipolar talaga kasi siya, paiba-iba ng mood. Parang babae, nakakaewan. Gulo! 'Di ko siya maintindihan!

Malapit na yatang mag-umaga. Lumiliwanag na yung kalangitan. Ang tagal pala naming hindi nag-iimikan? Bakit hindi ko namalayan?

Hindi ko na matiis, babasagin ko na yung katahimikan. Nakakabingi eh.

"Za--

"Tu--

Okay. Awkward. Sabay pa kaming nagsalita.

"You first," sabi niya.

"No, you first," sabi ko naman.

"No. I insist, you first. Ladies first," sabi nanaman niya.

"Ikaw nga muna sabi. Ang kulit!"

"No! You."

"Ikaw nga sabi. Tigas ng ulo."

"You first tirtle. Tch."

"Hay nakakaloka! Ikaw nga sabi muna."

"Annoying turtle. You talk first."

"Fine! Basta i-promise mo muna na maniniwala ka sa sasabihin ko at hindi ka magagalit?"

"I don't like promises. I don't believe in promises. I hate that word. But fine, just for now.. I won't get angry. But I can't promise you that I really won't. Why? What is it?"

Sasabihin ko nalang sa kanya yung totoo. Pero ang tatanungin ko sana kanina ay.. kung hindi pa ba siya pagod o inaantok. Magdamag na kasi siyang nagdadrive. Wala pang tulog. Hayy..  Oh well.This is it. Sasabihin ko na ba?

Hoo! Hinga Chands. Hinga. Kaya mo yan!

Ilang beses akong napabuntong-hininga bago ko napagdesisyunang magsalita na. Eto na talaga.

"Una Zander, bakit ka ba English ng English? Nasa Pilipinas kaya tayo! Dyusko! Pangalawa, may sasabihin ako sa'yong sobrang sobrang napaka-importanteng bagay na medyo ewan at baka hindi ka maniwala. Pangatlo--alam kong ikaw si Daniel, huwag mo nang ipagkaila--ops ops ops! Bawal ka magsalita! Makinig ka muna."

Tinakpan ko yung bibig niya kahit nagdadrive siya. Wala kong pake. Dire-diretso pa naman siya pag nagsimulang magsalita.

"Ako si.."

Hoo! Kaya ko 'to! Isang salita na lang idadagdag ko oh. Kainis.

"Ako yung.."

 

"Ako si.."

 

"Ako si.."

"ANO NA NGA KASI YUN PAGONG? AKO SI? SINO? ANG SLOW MO TALAGA. DIRETSUHIN MO NA AKO! PUNYETA!"

Aba't nagtagalog ang gago! Bwiset!

"ETO NA! AKO SI CHA---OHMYGOD ZANDER! LOOK OUT!"

 

"Fuck."

Napapikit na lang ako.

--BEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

--SCREEEEEEEEEEEEEEECH

--BLAG!

Ang lakas ng impact. Akala ko talaga maaaksidente na kami. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko.

Nakita kong palabas si Zander ng kotse, galit. Galit na galit.

ZANDER'S POV

“Balak mo bang magpakamatay miss? Tch,” bulyaw ko dun sa babae. Teka. Bakit kamukha ni slowpoke 'to? Pwera yung mata.

“What? Hell no! May kukunin lang ako dun eh!” sabay turo nung tatanga-tangang babae sa tabi ng kalsada. Mas tanga pa siya dun sa pagong na nasa loob ng kotse. Balak niya bang magpakamatay?

“Tss. Uso tumingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid.”

“Zander anong nangyayari?” sabi bigla nung Bampirang Pagong na biglang lumabas ng kotse din.

“May tangang babae na hindi marunong tumingin sa kaliwa’t kanan.”

“Brad. Makatanga naman, kanina pa kasi walang nadaan na sasakyan dito kaya malay nya ba?” sabi nung gago niyang kasamang lalaki, boyfriend niya yata. 

“Tanga pa rin sya,” giit ko.

“Zander! Ano ba!” sigaw bigla sa'kin nung slowpoke na si Cara. Tss.

“Makatanga ka naman e’ ano?” sabi nung babaeng tanga. Wow. Nagagalit pala ang tanga?

“Talaga naman eh,” pamimilit ko pa rin sabay ngiti ng nang-aasar.

“TAMA NA YAN!” sabay na sabi nung boyfriend nung tanga at saka si pagong, sabay pa silang sumigaw.

“Tss. Tara na Scarlet, umuwi na tayo,” sabi ko sabay hila kay Pagong pero liningon niya ulit sila.

“Teka lang! San ba punta nyo? Dun sa direksyong yun din ba?” tinuro ni Scarlet Pagong ang daan. Aish. Panira.

“Oo, medyo dun pa. Dire-diretso lang at dun na.” sabi naman nung lalaking kasama nung tangang babae.

“Scarlet sakay na!” sigaw ko kay slowpoke.

“Isabay na natin sila,”sagot naman niya sakin.

“What?! F-ck no,” I said.

“Sama ng ugali mo Zander, dali na,” pamimilit nung slowpoke sa'kin. Tss.

“'Wag na lang, ayaw naman ng kasama mo eh. Tch,” sabi naman nung boyfriend nung tanga.

Wala na kong nagawa. Hindi ako makatanggi kay Cara, may kakaiba sa kanya na hindi ko alam kung ano. Ah basta weird. Kaya ayan, kasalukuyan na akong nagdadrive at nasa may passenger's seat yung dalawa.

“Nga pala, anong mga pangalan nyo?” tanong ni Cara Pagong na nasa tabi ko.

“Daniel Constantine.”

“Kathryn Charlemagne Manson.”

Medyo nagulat din ako sa sinabi nila. Magkapangalan kasi kami eh. Ah--este, wala wala. Nevermind. Matagal nang patay yun. Pero si Cara, medyo natigilan din sa sinabi nila at ewan ko kung bakit.

“A-Ah. Creepy pero cool. Haha. I'm Scarlet Buenaventura,  and this guy? He’s Zander,” sagot naman ni Cara sa kanila, medyo natagalan pa nga siyang sumagot eh.

“Zander what?” tanong nung Manson. Naiilang ako sa first name niya. Kaya Manson nalang.

“Zander Drake Ford,”  sabi ko. Ako na mismo ang nagsalita.

“Ano? Hanga ka na nyan? Tss.” .

“Ngayon ko lang napansin.. bakit pula mata mo?”  sabi nung Manson na tanga kay Scarlet na Pagong.

“Ha? Eh basta, totoo yan. Mahirap i-explain. Mahabang kwento,” sabi naman ni Cara. Akala ko sasagot ng matino. Totoo talaga yun? Nakakacurious eh. I want to know why her eyes are red. Well, not really red. It's mahogany, a reddish brown color.

 

“Ahh. Akala ko bampira ka,” sagot nung Manson.

“Bampira? Di naman totoo ang bampira ah,” sabi ko. I don't believe those things exist.

“Totoo kaya!” sagot nung Manson.

“Pake ko?” sabi ko naman.

“Oh nagsisimula nanaman kayo,” sabi ni Constantine. Yung Daniel ang pangalan. Ayoko sila tawagin sa first name nila. Mas okay yung surname.

“Eh pagsabihan mo yang tanga mong girlfriend brad!” sabi ko.

“Zander!/HAHAHAHAHAHAHA!” Scarlet/Constantine.

Huh? Tss. May sinabi ba kong mali?

“Hindi ko girlfriend yan! Hahaha, pero seryoso. Masyadong shunga kasi si Manson kaya hindi ko liligawan yan!” sabat nung Constantine.

“Nagkakasundo naman pala tayo brad eh. Haha,” sagot ko sa kanya.

“Ang sama ng ugali nyo pareho!” sabi nung Pagong.

“Tss. Mga demonyo,” sabi ni Manson. Mansyon siguro bahay nila? Pfft.

“Nako hayaan mo yan si Zander, masama talaga ugali nyan! Hinulog nga ako n'yan sa---------Hmmmmmph!” Bigla kong tinakpan bibig ni Slowpoke Pagong. Slow na nga, daldalera pa. Tch.

“Ang cheesy ehem,” sabi ni tangang Manson. Maraming beses ko na bang sinabi yung salitang tanga? Pagbigyan na, hindi naman niya alam kasi tanga siya.

“Hindi kami, at hinding hindi magiging kami kaya tigilan nyo yan,” sabi ko sa kanila. As if that would happen. Tss.

“Ah akala ko pa naman kayo brad. Sayang may chemistry pa naman,” sabi ni Pareng Constantine.

“Bumaba na kayo, ayan na yung sinasabi nyo,” sabi ko sa kanila.

Bumaba na silang dalawa at nagpaalam. Sinamaan pa ko ng tingin nung Manson bago umalis. Wtf. Who cares? 

I just continued driving.

SCARLET'S POV

Okay, solo na naman kaming dalawa. Bakit ba kasi sa tuwing gusto kong sabihin at umamin na sa kanya.. laging may pumipigil?

Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya. At saka, malapit na rin naman kaming makauwi. Nadaanan na rin nga namin yung academy.

Tinanong niya kasi kung saan ako nakatira at ihahatid niya na raw ako doon. Bait niya 'no? Ngayon lang yan, pagbigyan niyo na. Mamaya, masungit na ulit.

At alam niyo ulit kung anong masaklap? Nakita ko nanaman sila. May sumusunod na dalawang kotseng kulay itim sa amin. Hindi halata na sumusunod sila pero alam kong yung mga alipores ni Agatha yun. Natunton nanaman siya. Tsk. Bakit ba kasi masyadong obsessed yung demonyitang Kaylee na yun kay Daniel?

"Daniel. Dito na ako--este Zander," sabi ko sa kanya.

Nandito na kasi kami sa may tapat ng gate ng bahay. Automatic na bumukas iyon at pinasok ni Zander ang kotse niya sa loob.

"Salamat sa paghatid Gorillang masungit. Bleh!" sabi ko sabay baba na ng kotse niya.

"Tch. Whatever slowpoke."

"Nyenye."

I was making faces at him tapos bigla akong binato nung unan na nasa kotse niya. Langya. Sakto pa sa mukha.

Nasalo ko naman yun at sinamaan siya ng tingin. Nakasmirk pa ang loko. "Zander!" tawag ko.

Binato ko pabalik yung unan sa kanya. "Ingat.." sabi ko at bigla nalang akong kumaripas ng takbo papasok ng bahay. Narinig ko namang pinaandar niya na yung kotse niya, bumusina ng tatlong beses at umalis na.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay nadatnan ko si Kuya Stephen, Ate Xanthe, Jale, Kuya Merck at Ate Fatima sa sala. Lahat sila busy sa sarili nilang mundo.

"HOY TAO!" sigaw ko.

"Yo!" sabi ni Kuya Stephen habang naglalaro ng PSP, hindi man lang tumingin.

"Yo!" sabi din ni Ate Xanthe na busy namang naggigitara at hindi rin tumingin.

"Yo!" sabi din ni Bitch--este Jale habang pinaglalaruan yung skateboard niya, hindi rin tumingin. Leshe.
 

Ayos ng bati ah. Puro Yo! Batuhin ko kaya sila ng yoyo nang tumino! Tsk.

"Sup!" sabi naman ni Kuya Merck, nanonood ng TV.

"Hey!" sabi naman ni Ate Fatima na ayun busy na lumalamon--este kumakain.

"Talagang ganun lang bati niyo sa'kin? Hindi niyo ko namiss? Psh. K." Sabi ko at isa-isa silang binatukan. Lungyu.

"Tss. Bitch." Sabi ni Jale na  mas bitch sabay sapak sa'kin. Aray ah. Siya unang nagreact eh, siya kasi una kong binatukan--este hinambalos.

"Aw!" sigaw ni Kuya Merck.

"Aray!" sigaw ni Kuya Stephen.

"Ouch!" sigaw ni Ate Fatima.

"Ay pu--" Sigaw ni Ate Xanthe pero gumanti at hinampas naman ako. Leshe. Pareho sila ni Jale. Makawalk-out na nga. Ang sasama ng tao dito. Kainis!

Paalis na ako at nagsimula nang maglakad nung biglang..

"Boss gerlpren! Teka! Nasaan si baby Kaycee? 'Di ba kasama mo yung supladita kong kapatid na yun?"

Bigla naman akong napahinto at medyo nagulat. Oo nga pala 'no? Nasaan na ba yung batang yun?

Patay kang bata ka. Bakit nakalimutan ko?

"Uh-oh."

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 74 9
The longest distance is not from north to south, it is when you are standing in front of him and he ignores you because he is busy looking at her. I...
67.9K 2.1K 134
WARNING: Mild SPG along the way. **Formerly Musika ng Pag-ibig Isang pangakong binitawan Sa ilalim ng mga bituing nagniningningan Hawak ang puso ng...
87.4K 2.3K 60
๐’ž๐‘œ๐“‚๐“…๐“๐‘’๐“‰๐‘’๐’น ๐ŸŒธ Ako ay isang ๐˜„๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐˜†. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pan...
390K 15.2K 98
#Wattys2021 Action Rank #6 Kyran Zin Valencia , The Mysterious Student of Marcus International School. Beneath her Intelligence and Benevolent exte...