My Binondo Girl After Two Yea...

By Gidgetwitty

247K 1.4K 802

Did it ever occur to you what will happen after My Binondo Girl ends? I decided to write a story about our fa... More

My Binondo Girl After Two Years Prologue & Chapter 1
My Binondo Girl After Two Years Chapter 2
My Binondo Girl After Two Years Chapter 3
My Binondo Girl After Two Years Chapter 4
My Binondo Girl After Two Years Chapter 5
My Binondo Girl After Two Years Chapter 6
My Binondo Girl After Two Years Chapter 8
My Binondo Girl After Two Years Chapter 9
My Binondo Girl After Two Years Chapter 10
My Binondo Girl After Two Years Chapter 11
My Binondo Girl After Two Years Chapter 12
My Binondo Girl After Two Years Chapter 13
My Binondo Girl After Two Years Chapter 14
My Binondo Girl After Two Years Chapter 15
My Binondo Girl After Two Years Chapter 16
My Binondo Girl After Two Years Chapter 17
My Binondo Girl After Two Years Chapter 18
Announcement
My Binondo Girl After Two Years Chapter 19
My Binondo Girl After Two Years Chapter 20
My Binondo Girl After Two Years Chapter 21
My Binondo Girl After Two Years Chapter 22
My Binondo Girl After Two Years Chapter 23
My Binondo Girl After Two Years Chapter 24
My Binondo Girl After Two Years Epilogue
Announcement/ Raffle Draw Winner

My Binondo Girl After Two Years Chapter 7

9.2K 55 26
By Gidgetwitty

Chapter 7

  "Halika na at mag-breakfast ka muna bago ka pumasok sa office," anyaya ni Zheny kay Andy nang

makita niyang nakabihis na ito ng suit pang-opisina. Buhat nito si Sapphire na bagong gising at may

hawak pang baby blanket na pink.

  "Sige Nay, sandali lang po at hahanapin ko muna si Annika para mabantayan si Sapphire," paalam nito sa biyanan.

   "Sir Andy, nandito na po ako. Akin na po si Sapphire para mapakain ko na rin," kinuha nito ang bata sa amo.

  "Andy, nasaan na si Jade? Tinanghali yata ng gising," nagtatakang tanong nito.

 "Tinatamad raw siyang bumangon, antok na antok. Hinayaan ko na lang, Nay para makapagpahinga naman," nakangiting sabi nito.  

  "Hmm, sige kumain ka na at sasabayan ka na lang namin ng Lola Amor mo. Napansin ko lately

parang inaantok lagi iyang asawa mo, Andy," kaswal na obserba nito.

  "Oo nga po. Ang sungit pa, Nay! Nagalit nga nang ginising ko kanina, istorbo raw ako sa tulog

 niya. Kaya nga po ibinaba ko na si Sapphire para hindi siya maistorbo pa," sumbong nito.

  "Ewan ko ba sa batang iyan," iiling-iling na sabi ni Zheny. "Hindi lang ikaw ang sinusungitan niyan ngayon, Andy. Lahat dito sa bahay yata ay napapansin ang kasungitan niya ngayon."

  "Naku, hayaan na ninyo iyang apo ko," singit ni Lola Amor sa usapan ng dalawa.

   Patapos na si Andy ng almusal nang bumaba si Jade, magulo pa ang buhok nito. Naka white t-shirt at pajama na itim ito. Halatang tinatamad kumilos.

  "Andy, bakit hindi mo ako hinintay mag-breakfast," nakasimangot na reklamo nito.

  "Babe, sabi mo inaantok ka pa," nagtatakang tanong ni Andy.

  "Oo pero sinabi ko bang hindi ako kakain," iritadong baling nito sa asawa.

  "Huwag na kayong magtalo. Sige na Jade, umupo ka na dito para makakain," saway ni Zheny.

  "Ayaw ko na, mamaya na lang ako kakain pag wala na si Andy," naka-irap ito sa asawa.

  "Babe, ano ba ang kasalanan ko," naguguluhang sabi ni Andy. Napakamot ito ng ulo, naguguluhan sa inaasal ni Jade.

   Nilapitan niya si Jade para akbayan nang bigla itong lumayo sa kanya. Nakahalukipkip na tinalikuran siya.

  "Huwag ka ngang lumapit sa akin, ang tapang ng perfume mo at saka mabaho," asik nito.

  "Ha? Di ba ito ang favorite perfume mo para sa akin, actually ikaw pa ang bumili nito sa akin," paalala ni Andy kay Jade.

  "Eh, sa ayoko ng amoy mo ngayon, may magagawa ka ba?" inis na sagot nito.

 "Babe, ano ba ang nangyayari sa iyo," takang tanong ni Andy.

 "May sumpong lang iyan, Andy. Hayaan mo na at baka ma-late ka pa sa office kung iintindihin mo ang anak ko. Sasabay nga pala ako sa iyo ngayon at para present ako sa contract signing ni Ms.Salvador mamaya.

 Hindi na kumibo si Andy pero may hinala siya kung bakit ganoon ang kinikilos ni Jade ngayon. May sayang bumalot sa puso niya sa naisip na iyon.

 Nang tangkain niyang humalik sa asawa bago umalis ay umiwas uli ito. Wala nang magawa si Andy kung hindi pagpasensiyahan si Jade.

 "Babe, papasok na ako. I'll call you later from the office. Huwag kang magpapagod dito. Hayaan mo na si Annika ang magbuhat kay Sapphire muna," bilin nito sa asawa.

 "Umalis ka na kasi ang kulit mo," iritadong sabi nito.

 "Okay, I'm going! Nay, ready ka na?," baling nito sa biyenan.

 "Halika na Andy, umalis na tayo bago pa magwala itong si Jade," nakangiting sabi ni Zheny.

 "Hmp," irap ni Jade, habang bumubulong sa sarili.

   Dumating si Clara Salvador kasama ang manager at lawyer  para sa contract signing with TwinDragons Management. Magandang mestiza, matangkad, at sexy ang fashion model na si Clara.Malaki ang laki ng pagkakahawig nito kay Megan Young. Pagkatapos nang contract signing ay nagmadali na rin itong nagpaalam dahil may pupuntahan pa raw itong ibang appointment.

  Nasa meeting si Andy with the department heads nang bandang ala una nang biglang sumenyas ang secretary niyang si Jessica na may telephone call siya.

 "I told you not to interrupt me while I'm in a meeting," sermon nito sa secretary.

 "Sir, nagpipilit po ang lola ninyo, emergency raw po sa bahay," nag-aalalang sagot nito.

  "Put her through the other extension," utos niya sa secretary.

  Dali-daling nag-excuse si Andy sa mga empleyado niya para sagutin ang telepono sa kabilang kuwarto.

  "Hello, Lola Amor? Anong pong problema diyan?," kinakabahang tanong nito sa kabilang linya.

  "Andy, umuwi ka agad dito. Si Jade ayaw tumigil sa kakaiyak. Nagkulong sa kuwarto ninyo. Ayaw

buksan ang pintuan ninyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang lakas ng atungal! HIndi ko na alam kung anong gagawin sa asawa mo," natatarantang bida ng matanda.

  "Bakit, ano ba ang nangyari?," nababahalang tanong ni Andy.

  "Ay ewan ko ba sa batang iyan. Nag-grocery pa nga sila kanina kasama si Sapphire at Annika. Noong dumating galing sa labas masaya naman," naguguluhang kuwento nito,

  "Uuwi na ako ngayon Lola Amor, please paki-bantay po kay Jade habang wala ako," nag-aalalang sabi ni Andy sa matanda,

   Nagpaalam si Andy sa mga tauhan na kaillangang niyang umuwi nang maaga. "Let's resume our meeting for tomorrow."

   Nagmamadaling umalis si Andy ng office, halos liparin niya ang daan pauwi ng mansyon. Kung ano-anong masamang scenarios ang pumasok sa isipan niya.  Pagdating niya sa mansyon ay si Lola Amor agad ang sumalubong sa kanya sa may pintuan. Hindi pa namamatay ang makina ng kotse ay lumapit na ito sa kanya.

  "Mabuti dumating ka agad, Andy. Ang apo ko ayaw pa rin buksan ang pintuan ninyo, naririnig namin na ngawa pa rin ng ngawa. HIndi pa rin tumitigal aba'y kanina pa iyon," nanlalaki ang mga mata ni Lola Amor habang nagsusumbong kay Andy, halatang nag-aalala ang mukha.

  Dumeretso na si Andy sa Master bedroom. Naka-lock ito nang subukan niyang buksan.

 "Babe, please open the door. Babe, please," nakikiusap ang boses ni Andy.

  Walang sagot galing sa loob, naririnig lang niya ang mahinang hikbi ni Jade.

  "Babe, please we need to talk," ulit nito sa nakikiusap na boses.

  "Go away, I don't want to see you," sigaw nito tapos lalong nanangis.

   Inutusan ni Andy si Bebang na kunin ang spare key sa home office niya. Nang makabalik si Bebang dala na nito ang spare key, agad-agad binuksan ni Andy ang pintuan. Si Jade ay inabutang niyang nakasubsob ang mukha sa unan. Yumuyugyug ang mga balikat. Nang maramdaman nitong may kasama na siya sa kuwarto ay lalong lumakas ang iyak nito.

 "I told you to go away," namumugto na ang mga mata nito sa kakaiyak, at pulang-pula na ang ilong.

 "Babe, what's wrong," nag-aalalang tanong ni Andy. Marahan niyang niyakap ito upang iharap sa kanya. Tuloy pa rin ito sa paghikbi. 

  "Jade, for goodness' sake please talk to me," sinuklay ni Andy ang magulong buhok na nakatakip sa kaliwang mukha ni Jade. Ayaw pa rin nito kumibo. Kaya napagpasiyahan niyang iupo ito sa kandungan niya na parang bata. Kahit papaano ay hindi ito  lumaban sa ginawa niya. Nanatili itong walang kibo. Isinandal nito ang ulo sa balikat niya.

  "Ikaw lahat ang may kasalanan nito," unti-unting na namang tumulo ang luha nito.

   "What did I do?" nagtatakang tanong ni Andy. Nakakunot ang noo niya, iniisip kong ano ang malaking kasalanan ang nagawa niya para magkaganito si Jade. Wala talaga siyang matandaan. Blanko ang utak niya.

   "Y You were s-supposed to take c-care of it.", halos hindi ito makapagsalita.

   "Take care of what?" tanong niya.

    Lalong  umiyak si Jade sa tanong niya.

   "Calm down!" utos niya sa medyo matigas na boses para mahimasmasan si Jade. Iniharap niya si Jade sa kanya pero nakaupo pa rin ito sa lap niya.

    Masuyong pinahid ng likod ng palad ni Andy ang luhang umagos sa makinis na mukha ni Jade.

   "Okay, please sabihin mo sa akin kung bakit ka nagkakaganyan. Sabi mo sa akin kanina ako ang may kasalanan, right?

    Nanatiling lamang itong nakatitig sa kanya na puno ng luha ang mga mata. Nanginginig ang labi.

   "Please don't cry again, " bulong niya dito sabay halik sa pisngi niya. "Jade, sabihin mo sa akin please!," ani Andy sa frustrated na boses.

    "You can't help me. No one can help! I'm pregnant, Andy! Buntis!," halos mabilaukan ito sa pagkakasabi ng katagang iyon. Sa galit ay sinuntok niya ang matipunong bisig ni Andy. "Kasalanan mo ito, sabi mo ikaw ang bahala. Paano pa ako babalik sa trabaho next year? Kaya mong mag-manage ng multi-million business pero ito hindi mo kaya! You are useless!"

    Napangiti si Andy sa sinabi ng asawa. Pero para hindi lalong magalit si Jade ay itinago niya ang ngiti sa pamamagitan ng paghalik sa buhok nito.

   "Shh, it's okay, Babe" alo ni Andy.

    Biglang tumayo si Jade sa pagkakaupo kay Andy. Galit na sinabing," Ano ako baby factory mo. One year old lang si Sapphire may kasunod na agad!"

   "Tama na, Babe!"  This time hindi na napigilan ni Andy ang hindi lantarang mapangiti sa inasal ni Jade.

   "I'll call your OB for an appointment tomorrow. Sasamahan kitang magpa-check up. HIndi na ako papasok bukas."

     "Ayokong sumama ka, kay Amethyst na lang ako magpapasama. Tutal pareho lang naman kami ng OB," tanggi nito sa gusto ni Andy.

    "Jade, pwede akong mag-off bukas."

    "Sabing ayaw ko sa iyo eh," nakasimangot na naman si Jade.

    "Okay, fine! Tawagan mo na lang si Amethyst. Huwag ka lang magalit baka pumangit pa ang baby natin niyan," tudyo nito na lalong kinairita ni Jade. Binato nito si Andy ng unan na nailagan naman ng huli.

 ****Did you enjoy reading Chapter 7? If you did, PLEASE retweet in Twitter, share it with your friends in Facebook, leave a comment for me and lastly please vote and like it here. Thank you for your support :)))) JANDY FOR LIFE  Lastly please follow me on Twitter @gidgetwitty to get updates on the coming chapters. :)

   

.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 105K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
28.7M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
7.2M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
89.7M 2.8M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...