When Gangsters Meet the Sadis...

By arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. More

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 14

19K 436 129
By arkiSTEPH

ANG NAKARAAN

Tinulungan at sinamahan ni Dominic pumunta sa isang underground club si Alexis upang mag imbestiga tungkol sa kanyang mga hinala. Dumating naman sa mansion nila Agatha ang ama ni Nicolo dahilan para lalong maipit sila tungkol sa pagpapanggap nila ni Demi sa kanilang relasyon habang walang kamalay malay na sinundan sila ni Jonas upang magmasid at magbantay na dahilan para masaksihan nito ang mga bagay na ikangulat at hindi nito ikinatuwa.

Dinatnan naman ni Agatha si Uriah sa kanilang bahay, kasama si Ethan, Chin at kanyang Mom ay masaya silang nagpalipas oras.



chapter 13


Natapos na ang laro namin. Halos 30 minutes na ang nakakalipas pero di padin bumabalik si Uriah at Ethan, bumili kasi silang pagkain ni chuchi. Naglakad lang kasi sila dahil wala din dalang sasakyan si Uriah Sabagay pwede naman din lakarin 'yon mula dito pero kasi hindi ako mapakali.

May gusto ako itanong kay Uriah, kaso kasi pagkatapos na pagkatapos namin maglaro ay umalis sila Uriah. Halos katatapos lang din nun nung mapanuod namin 'yong nasa balita. Si mom naman nasa taas na at may gagawin pa daw.

Napatingin ako kay pinsan na nagliligpit sa kusina. Tinignan ko ang expression ng mukha niya. Normal lang naman. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako o masyado lang akong OA.

"Ahmm Chin..."

'Yan na, di ko na napigilan ang sarili ko na tawagin siya.

Tumigil siya saglit at tumingin sakin. "Bakit?"

'Nagtext na ba sayo si Mars?' gusto ko itanong 'yon sa kanya. Kaso baka pag tinanong ko siya ng ganoon baka bigla din siyang mag alala. Kasi hindi ako mapakali sa napanuod namin sa balita. May saksi daw na nakakita sa umaandar na nasusunog na nasasakyan pagkatapos ay bigla nalang daw 'to nalaglag sa bangin at nahulog sa may dagat. Lalo akong nabahala sa sinabi sa balita na madalas ang aksidente doon dahil lugar pala 'yon para sa mga drag racing. Hanggang ngayon hinahanap padin 'yong sasakyan sa tubig at di matukoy kung may sakay ba 'to sa loob.

Baka sa gagawin kong pagtanong sa kanya baka kabahan din siya. Hindi niya kaya naiisip tong iniisip ko ngayon? Na baka... baka 'yong kotseng 'yon, wag naman sana. O baka okay na sila ni Mars, kaya wala kong makitang pag aalala sa kanya. Baka okay na sila. Paano ba ko makakasure na okay na sila ? 'Yong magtatanong ako na di siya maooffend or mag aalala kung sakali.

"Naalala mo ba kung naibigay ni Mars 'yong activity natin sa prof natin sa English?"

Napaisip siya at umiling.

"Di ko kasi maalala e, patanong nalang si Mars ah."

"Sige."

Sige ? Ibig sabihin okay na sila? Nagtetext na sila ulit? Nakahinga ako bigla ng maluwag. Hindi na mahalaga sakin kung siya ba o si Mars ang unang nagtext ang mahalaga okay na sila. Kasi kung hindi magsasabi naman si pinsan. Ang isasagot pa nun 'Hindi pa nga din nagtetext si kupal e.' Baka okay naman na talaga sila, tsaka malabo naman na si Mars 'yon kasi si hindi din naman nag alala sila Uriah sa balita e. Baka nga okay na talaga huli lang ako sa balita.

"Tagal naman nila." Reklamo ko habang ginugusumot si Chuchi. Ang bango kasi bagong paligo 'to. "Chin, 'yong tungkol kina Nicolo at Demi... wag mo muna ipaalam sa kanila ah. Lalo na kay Jonas. Mahirap na."

Tutal mukhang wala naman dapat ako ipag alala dahil sa napanuod kong balita ay iniwan ko muna si Chin. Busy nadin siya sa cp niya Siguro ay katext na niya si Mars. Sana naman 'yong nabalitang kotse ay walang sakay na tao.

Iniwan ko muna si Chin sa baba at umakyat ako sa kwarto ni Mom. Kinwentuhan ko lang siya sa mga nangyari pati nadin yung kina Nicolo at Demi. Gulat na gulat siya lalo na nung ikwento ko na pumunta ang dad ni Nicolo sa bahay kanina.

"Buti nalang talaga mom di sila nahalata kanina ng dad ni Nicolo na nagpapanggap lang."

"Buti di umeksena 'yong tatay mo at sinabing bading si Nicolo." May pagkabitter talaga si mom pag nababanggit si dad. Halata masyado.

"Di naman po."

"Nga pala, si Chin?"

"Nasa baba po. Bakit mom?"

"Ah, wala ba siyang natatanong o nababanggit sayo? Mukhang di kasi maganda 'yong pakiramdam niya."

"Wala naman," siguro nag aalala na siya kasi hindi masyadong umiimik si Chin. "Magiging okay nadin yun mom." Di ko naman pwede sabihin kay mom kung bakit nagkakaganto si Chin, di ko naman pwede sabihin na naguguluhan siya sa feelings niya para kay Jonas at Mars. "May misunderstanding lang sila ni Mars kaya medyo matamlay yun." Sana sa pagbabati nila ni Mars ngayon okay na at narealize niya ng mali ang ginagawa at nararamdaman niya. Time lang talaga ang kailangan para malinawan ka sa mga bagay na gumugulo sayo.

Tumango tango lang si Mom, bakit parang may iba sa kanya ngayon? Baka siguro pagod lang si mom ngayon.

"Sumama ka kina Uriah pag balik nila, nagpaalam na sakin 'yon."

---

"Saan tayo punta? Iwan ko nalang si Chuchi dito sa bahay." Tanong ko sa kanya habang inaayos sa lagayan ang pagkain ni Chuchi. Tumingin ako sa kanya at nag antay ng sagot.

Napatitig siya sakin saglit at para bang nagdadalawang isip sumagot. "Sa penthouse." Sabay iwas ng tingin at bumalik sa sala.

Natahimik ako at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang bigla akong nablangko. Siguro dahil ngayon nalang ulit ako makakapunta sa penthouse. At ito ang kauna unahang makakapunta ko sa kanila simula nung maging kami.

Kay mom talaga siya siguro nagpaalam para siguro payagan siya kasi kapag kay dad takot siya. Si dad kasi kahit walang sinasabi talagang over protective. Hindi naman niya ako pinag babawalan na pumunta kung saan basta kasama ko lang sila Mr. Lambert, makakaalis man ako kailangan atleast kasama ang iilan sa mga kaibigan ko. Hindi pa namin natry ni Uriah... lumabas ng kaming dalawa lang at lalo na ang pumunta sa kanila.

"Kasama ako."

Agad na napabusangot ang mukha ko. Tumayo siya sa gilid ko at hinugasan ang basong pinag inuman. Tinignan ko siya at nilingon niya ako, halatang nang aasar siya! Lalo akong nainis sa mukha niyang walang emosyon pagkatapos ay lumakad na pabalik sa sala, bago pa man siya tuluyan makalayo ay hinabol ko siya at kinagat.

"A-aray!" sabay iwas niya ng sarili sa akin habang nakahawak sa braso niyang kinagat ko. Nakakunot na ang noo niya habang ako halos napapapikit na katatawa. Sarap talaga inisin nito.

Natigilan nalang ako nung biglang may pumasok na kung ano sa bibig ko. Sa sobrang gulat ko halos masagi ko 'yong mga plato sa gilid ko. Pinisat niya 'yong lagayan ng ketchup sakto sa bunganga ko habang tumatawa.

"pwe! ETHHHHHHHHAN!"

Talo pa niya 'yong ninja sa mga palabas kung makatakbo habang tumatawa. Napatakbo ako ng wala sa oras at nang gagalaiiti. Pagdating ko sa sala andun si Uriah na nakatitig sakin na para bang may kung ano siyang pinag sisisihan bigla sa buhay nung makita ako pero ang focus ko ngayon ay si Ethan.

Nagtago yun sa kwarto niya, nagmadali akong umakyat pero bago pa 'yon ay tumambad na sa harap ko si Ethan at pinicturan ako.

"Aba! Iniinis mo talaga ko ah Ethan!"

Bago ko pa siya ulit maambangan ay iniharap niya sakin ang cp niya at pinakita ang picture kong... sobrang... sobrang panget ! Oh my! Napatingin ako bigla sa salamin. Para akong aswang na kumain ng buhay na kambing at may dugu-dugo pa sa bibig at ngipin. Ethan! Bwiset ka talaga !

"Hahahaha! Laki ng bunganga mo dito." Aniya habang tumatawa nang malakas kahit na hinahampas ko siya at pilit na kinukuha 'yong cellphone niya. Napalunok nalang ako dahil pakiramdam ko nga ay puro ketchup padin ang bibig ko. Pinunas ko 'yong mukha ko sa damit niya kaya agad siyang kumawala at tumakbo pababa.

Hinila ko siya sa may hagdan bago pa man tuluyan makababa. Namumula na siya katatawa at ako nababanas na.

"Delete mo 'yan!"

"Ayoko. Hahaha!"

"Isa!"

"Oy ano ba kayong dalawa." Biglang lumabas si mom sa kwarto para tignan kaming dalawa. Nung pagkakita niya sakin ay para bang nairita siya sa itsura ko. "Ano yan?"

"Ketchup! Si Ethan kasi!"

Agad na nagpigil ng tawa si Ethan. Mautot ka sana kala mo pakakawalan kita.

"Hala ano yan!" gulat na gulat na tanong ni mom sabay lapit kay Ethan at nakatuon sa braso nito.

Napatingin din ako dun at agad na kinilabutan sa nakita ko. Habang sige padin sa pagpigil sa tawa si Ethan ay hinawakan ni mom ang braso niya at tsaka lang din siya napatingin doon. Parang biglang dumilim ang aura niya nung makita na niyang dumudugo na pala ang braso niya dahil sa pagkagat ko. Hindi ba ketchup lang din 'yan? Ketchup na tumalsik galing sa bibig ko kanina?

Patay, hindi nga.

"Ay nako ah! Ikaw Agatha ah, bawas bawasan mo 'yang pagiging sadista mo ah. Aso ka ba bakit ka nangangagat. At ikaw Ethan, alam mong pikunin 'yang ate mo lalo mo pang inaasar... "

Sermon ni mom matapos lagyan ng gamot yung sugat ni Ethan. Tabi kaming magkaupo ni Ethan at parehas na nakayuko, ayan na... wala ng tigil 'yan hanggang mamaya na 'yan, habang si Uriah 'yon nasa kabilang upuan. Tahimik lang at patay malisya. Oo patay malisya, tinignan ko siya with paawa effect para tulungan kaming makatakas sa sermon nag iwas lang siya ng tingin na para bang di ako nakita.

Mamaya ka sakin!

----

"Chin?" tanong ko nung pagkapasok sa kwarto niya. Hindi naman pala siya tulog, busy siya sa cellphone niya siguro kausap niya si Mars. "Alis na kami. Gusto mo sumama?"

"Anong gagawin niyo?"

"Magpapatulong daw si Uriah e, siguro sa plate niya 'yon kaya kasama din namin yung isa pang masungit." Di padin dinedelete picture ko!

Umiling lang siya at parang walang gana. Siguro may hang over padin siya.

"May natanong ba sayo si Chin bago tayo umalis?" biglang tanong ni Uriah habang nakasakay na kami sa taxi. Hapon nadin nung umalis kami sa bahay.

"Gaya ng? Parang wala... ah oo meron pala, niyaya ko kasi siya sumama tapos tinanong niya ano daw gagawin natin sa inyo sabi ko may gusto ka ipatulong. 'Yon lang, bakit?"

"Wala lang."

Wala nadin akong naisagot, napatitig nalang ako sa kanya. Nasa passenger seat siya pero kahit di ko nakikita ang mukha niya pakiramdam ko parang biglang naging gloomy ang mood niya. Napatingin ako kay Ethan na nasa tabi ko. As usual, nakaheadset na naman siya at nakatingin sa labas. Di padin niya ko pinapansin, nagalit ata siya. Bahala siya! Galit din ako sa kanya. Di ko siya papansinin hanggat di niya dinedelete 'yon.

Ano ba naman 'tong mga kasama ko, kala mo may malaking problemang iniinda. Sana pala sinama ko si Chuchi kaso sabi ni Mom iwan ko muna para makasama naman niya ng matagal si Chuchi. Gusto ko pa naman sana mag kwento sa kanila tungkol sa pag overnight nila Nicolo samin. Kaso di din pwede dahil malalaman nila 'yong kabaliwan ni Nicolo at isumbong kay Jonas.

Andito na kami sa penthouse, pagpasok na pagpasok ko palang ewan ko ba nag iba ang pakiramdam ko, andito ko sa bahay ng boyfriend ko. Para akong sira ano? Pero iba pala ang pakiramdam pag nasa lugar ka niya. Hindi ko maipaliwanag pero gusto ko ang pakiramdam na 'to.

"Ano ba papatulong mo? Di ako marunong magdrawing e. Pwede ko kayo pagluto habang gumagawa o kaya taga tasa ng lapis..." sabi ko habang nakasunod lang ako sa likuran nilang dalawa.

Pero imbes na umupo sa sala ay dumiretso sila papunta sa kwarto. Agad na nagmadali si Ethan na makalapit doon at binuksan na iyon.

"Dito kayo gagawa?" tanong ko kay Uriah at tsaka tumingin sa kanya.

Hindi siya sumagot, nagulat nalang ako nung hawakan niya ang braso ko at marahan akong hinila papasok sa kwarto. Bago pa man ako makapag salita ulit ay nawala na ko sa sarili dahil sa sobrang pagkabigla sa tumambad saking harapan.

SOMEONE'S P.O.V.

"Nagawa na po ang iilan sa mga plano." Balita ko sa kanya nung pumasok ako sa kanyang silid, nanatili akong nakayuko habang siya ay nanatiling nakatayo at pinag mamasdan ang palubog na araw.

Simula nung magtrabaho ako para sa kanya ay napagtanto kong naglalaan talaga siya ng oras para panuorin ang araw sa paglubog nito.

Ilang segundo lang naman ang itinatagal niya sa panunuod pagkatapos ay babalik na sa kanyang upuan.

Madilim madalas sa kanyang kwarto, hindi siya gumagamit ng maraming ilaw dahil mas gusto niya ang liwanag na nanggagaling sa araw. Ang ilaw lang sa mesa niya ang bukod tanging bukas tuwing gabi.

Puno siya ng misteryo, kakaiba mag isip at halatang maraming tinatago.

"Gaya po ng inaasahan, nakakaligtas sila pero napuruhan kahit papaano."

Agad siyang napangiti sa sinabi ko.

"Ito po ay report ng mga inutusan natin." Inabot ko sa kanya ang folder, ganito siya ka organisado lalo na sa mga impormasyon. Kailangan lahat ay naayon sa plano, maayos at walang palya.

"Tungkol pala sa tinatanong ko sayo nung nakaraan, any news ?" tanong niya habang tinitignan ang ibinigay ko sa kanya.

"Still missing in action padin po sila."

"I see..." tugon niya at tsaka isinandal ang kanyang likod "Proceed to next plan. Make it worst this time."

"Opo."

"Just make sure na hindi ka nila paghihinalaan... Palmer."



AGATHA'S P.O.V

"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ko kay Uriah habang pinagmamasdan si Mars na nakahiga sa kanyang kama, may benda ang ulo, may cast ang kanang kamay at walang malay.

Anong nangyari? Bakit nagkaganito siya? Akala ko... akala ko ayos lang siya at nagkakausap na sila ulit ni Chin.

"Ayos na siya, nagpapahinga nalang siya."

Napaupo ako sa gilid ng kama at wala kong magawa kundi ang pagmasdan lang siya. Nakakapanlumo, bakit takaw asidente ang lalaking 'to. Sa kanilang magkakaibigan siya lagi ang madalas na napapahamak at napupuruhan ng masama. Mabuti nalang at okay naman na siya ngayon.

Si Ethan tahimik padin at nakatitig lang din kay Mars, mukhang alam na niya ang tungkol dito bago pa man kami dumating. Siguro ay nakapag usap sila nung lumabas silang dalawa ni Uriah kanina. Kaya pala kanina pa ako di mapakali at pakiramdam ko ay may mali.

"Ano..." Bigla akong naghabol ng hininga, " 'Yong balita kanina, may kinalaman ba si Mars dun?"

"Meron," siya 'yong nakasakay sa kotseng 'yon... nag drag racing na naman siya."

Halata sa boses ni Uriah ang halong inis at pag kadismaya, naalala ko pa noon nung pag usapan nila na ititigil na niya ang madalas na pagsali sa mga ganoon, dahil madalas siyang sumali sa drag racing madalas din siyang mapahamak. At sa pag sali niya ulit ngayon, halos ikamatay na niya.

Halong awa at inis ang nararamdaman ko ngayon, pero mas nangingibabaw ang awa. Halatang di alam ni Chin ang tungkol sa bagay na 'to.

Inayos ko 'yung kumot niya pero napansin kong dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya kahit halata sa mukha niya ang iniindang sakit.

"Nagising ako kasi pakiramdam ko may malapit na aura ng babae sa paligid ko, tama nga ko." Aniya ni Mars at nakangisi padin habang nakatingin sakin.

Hindi ako nakapag salita agad, dahil sa pagpipigil na mas lumala ang pagtutubig ng mata ko.

"Hehehe. Pero mas nagising ata ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin na gusto akong patayin hahaha...aw." dagdag niya habang pasimpleng tumitingin kay Uriah at Ethan.

Bago ko pa matanong si Mars sa kung ayos lang siya dahil mukhang napwersa ang katawan niya sa pagtawa niya ay di ko na nagawa dahil napatingin nadin ako kay Ethan at Uriah na halos di ko na makilala dahil sa sobrang inis at sama ng tingin. Kung nakamamatay lang ang titig baka natuluyan na si Mars.

"Bakit di pa natin wakasan buhay mo ngayon dito?" seryosong tanong ni Ethan kay Mars, halos kilabutan ako sa tanong at titig niya na di natitinag.

"Wag naman sungit, sayang naman 'yong effort ko makaligtas lang hahaha."

Hindi ko na napigilan at napangiti na ako, ano ba namang klaseng tao 'to. Kahit sa pagkakataon na 'to nakakatawa padin siya at nakakapagbiro.

Habang nagbabangayan 'yong dalawa walang imik naman na lumabas si Uriah. Natahimik nalang sila at tumigil nung narinig nilang sumara ang pinto.

Bumalik si Ethan sa kanyang upuan at nanahimik ulit. Habang si Mars ay biglang nagpakabait at tumingin sakin.

"Galit padin siya."

"Malamang.Sino bang di magagalit sa ginawa mo!" madiin at mataray kong sagot sa kanya habang hinahampas ang binti niya, mukha lang siyang sira na tumatawa kahit sinasabi niyang nasasaktan siya.

"Anong sabi niya sayo?" biglaang tanong ni Ethan.

Hindi agad sumagot si Mars at tumitig lang siya kay Ethan sabay lipat sa akin.

"Tingin mo isasama namin siya dito kung ayaw ni Uriah na malaman niya ang lahat? tss." malamig na sabi ni Ethan habang nakacross arm at mukhang inip na sa ikekwento ni Mars.

Ako ba 'yong tinutukoy ni Ethan? Malamang kasi wala naman ibang tao dito. Ibig sabihin may kakaibang nangyari kay Mars at hindi lang aksidente ang lahat.

"Wala nga e, hindi na kami nakapag usap. Dapat kasi after ng match kami mag uusap kaso during match nagkaaberya..."

"Paanong biglang nagliyab 'yong sinasakyan mo tsaka nawalan ng preno? Hindi niya ba kagagawan 'yon?

Hindi ko magawang sumingit sa usapan nila dahil parehas silang seryoso sa diskusyon nila. Hindi ko malaman kung sino ba ang tinutukoy ni Ethan.

"Hindi ko pa alam, kasi biglaan lang din ang pagpunta ko doon. Pero nalaman kong lagi siyang nandoon at nakikipag match."

Natahimik si Ethan saglit at napaisip, "Maaring hinahantay ka niyang bumalik kaya lagi siyang andun." aniya.

"Possible. Nasa may zigzag road na ko nun naunahan ko na siya, tapos biglang pagbatak ko ulit di ko alam kung nabigla 'yong sasakyan di ko na macontrol. Tapos bigla nalang may naghagis sa harap ng sasakyan siguro bote 'yon na may apoy tsaka gas kasi nagliyab agad e, wala na ko makita sa harap ko puro apoy na..." habang ako tense na tense habang nakikinig kay Mars siya naman 'tong kalmado lang na akala mo ay di sa kanya nangyari ang bagay na 'yon.

"... buti nalang kabisado ko pa 'yong lugar na 'yon kahit wala ko masyadong makita pinakiramdaman ko nalang, kaya natiming-an ko pa 'yong pag alis ko sa loob ng sasakyan. Bago pa malaglag sa may dagat e nakalabas na ko kaso napasama 'yong pag bagsak ko. Nabalian ako hahaha. Naisip ko kasi baka mapuruhan mukha ko kaya napangsanggala ko 'yong braso ko."

Agad na nawala ang pagkatense ko sa huli niyang sinabi, mas inaalala padin niya ang mukha niya kahit halos mamatay na siya sa nangyari.

"Tss." -Ethan.

"E kung bangasan ko 'yang mukha mo ngayon." banta ko sa kanya at para talagang sineryoso na 'yon. "Sino 'yong tinutukoy mong nakalaban mo?"

"Ah, dati kong tinuturuan 'yon. Glefficial."

Halos umurong ang dila ko sa narinig ko at hindi ako nakapag salita agad. Inisip ko kung namali lang ba ako ang rinig pero hindi e.Hindi sa pagiging OA pero talagang kinabahan ako agad at naaligaga.

"Ibig sabihin kumikilos na sila? Naghihiganti na sila? Buo padin ang grupo nila?" bulong ko sa sarili.

"Hmm... kalmado lang naman pagkakasabi ko diba Ethan?" -Mars

"Oo." -Ethan

"Kaso dapat siguro dinahan dahan ko 'no para di siya nagkaganyan." - Mars

"What did you expect? Normal na niya 'yan." -Ethan

"Nasa paligid lang kaya sila?" bulong ko ulit at napalinga sa paligid. Hindi ko na naintindi kung ano pa ba ang pinag uusapan ng dalawa. "Si Uriah? saan pumunta 'yon? Baka lumabas 'yon! Baka may Glefficial sa labas."

"Hindi, mas paranoid siya ngayon." -Mars

Napatayo ako bigla at di padin ako mapakali. Tinignan ko silang dalawa pero nakatitig lang sila sakin, 'yong titig na para bang hindi nila ako kilala o parang kinakahiya nila ako or something. Ah ewan!

"Dapat sabihan natin sila, sila Doms... 'yong iba nating mga kaibigan! Nakakainis asan ba 'yong unggoy na 'yon teka nga."

"Kumalma ka nga," masungit na sabat sakin ni Ethan.

"Hehehe. Agatha wag ka mag alala masyado. 'Yong mga 'yon aware naman sila na anytime pwede silang atakihin ng kalaban. Tsaka si Uriah mainit ang ulo nun ngayon kung may magtatangka man sa kanya baka mapatay na niya 'yon ng segundo palang. Hahaha."

Sumilip muna ko sa may labas ng kwarto kung nasa sala si Uriah, wala siya dito. Mamaya umuwi na naman 'yon dito na may kung anong sugat o kung anuman sa katawan naku talaga.

"Baka may binili lang 'yon o baka nagpapalamig. Di na 'yon bata wag ka mag alala. haha."- Mars

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at hindi ko padin maalis sa mukha ko ang pag aalala.

"Alam na ba nila Doms 'to?"

"Hindi pa, kayo lang tatlo nakakaalam. Wag na muna natin paalam sa kanila. Mag susuguran 'yon mga 'yon dito." nakangiting sagot sakin ni Mars. Sabagay tama siya, tsaka baka kailangan niya muna mag pahinga. Pero paano si Chin?

"Drag racing pa kumag." -Ethan.

"Hahaha wag niyo na ako pagalitan pinagalitan na nga ko ni tita Julia e, humingi ng tulong sa kanya si Uriah kaya siya nag assist sakin dito kasi di ako pwede sa hospital maiimbistegahan ako. Di pa nga ko nakapagthank you ng maayos kay tita nawalan na ko ng malay nung dumating siya."

"Hah? Talaga? Kaya pala magkasama sila ni Uriah kaninang umaga palang. Loko 'yong unggoy na yon ah. Di agad sinabi sakin 'tong nangyari na 'to. Si mom din."

Kaya pala tinanong ako ni mom at Uriah kanina kung may nababanggit sakin si Chin, siguro gusto nila malaman kung may kutob ba si Chin dito at kung nag aalala ba 'to.

"Ayaw ka ata isama ni Uriah kasi alam niyang mag aalala ka lang."

"Sinabihan ata siya ni Mama na isama ka na para maasikaso din si Mars."

"Wag mo na siya awayin ha? hehe. Halos wala pa atang tulog 'yon. Buti nga andito ka e medyo kalmado siya kundi baka napatay na niya ko ngayon."

Ang aliwalas padin ng mukha ni Mars habang sinasabi 'yon, "Tsaka wag kang magalit sa kanya na di niya nasabi agad 'yong tungkol sakin. Mahirap na kasi baka malaman din ni Chin..." aniya sabay ngiti, ngiting may halong lungkot. " 'Yon kasi ang bungad ko sa kanya nung sunduin niya ko, wag niya papaalam kay Chin. Puro mura lang sinagot niya sakin haha."

Kahit tumatawa siya, ngayon ko lang napansin na may kakaiba sa ngiti niya. Parang may kung anong sakit siyang tinatago. Hindi ko alam kung sakit ng katawan na natamo niya o kung 'yong tungkol sa kanila ni Chin. Hindi ko alam kung alam na ba niya 'yong tungkol sa pagiging cold ni pinsan sa kanya.

"Hindi ba dapat malaman 'to ni Chin, Mars?" seryosong tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagtawa at hindi agad umimik. Na para bang hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot. Instead, nginitian niya nalang ako at nag iwas ng tingin at biglang inayos ang arm sling.

Tumayo si Ethan at lumakad palayo.

"Saan ka punta?"

"May bibilin lang." sagot niya at tsaka lumabas na ng kwarto.

Nakita kong napailing si Mars at napangiti. "Ang galing talaga nilang tumay-ming. Alam nila kung kelan sila dapat um-exit"

Napangiti nalang din ako sa sinabi niya, kilalang kilala na talaga nilang magkakaibigan ang isat isa. Binigyan talaga nila kami ni Mars ng time para makapag usap. Sabagay, may mga bagay na masasabi ka lang sa babae mong kaibigan na di mo masasabi sa mga kapwa mong lalaki.

At alam naman na lahat na hindi sila good talker pag sa mga ganitong usapan. Siguro nasesense na nila na may malaking problema si Mars kay Chin.

"Hindi ka nila tinanong kung bakit ka nagdrag racing?"

Nakangiting umiling si Mars kaya kahit ako napapangiti padin. Kahit ganito silang magkakaibigan natutuwa ko sa kung anong koneksyon meron sa kanila na kahit walang salita e nagkakaintindihan sila.

To think na hindi siya tinanong ni Uriah at Ethan kung bakit siya nag drag racing ibig sabihin alam na nila si Chin lang ang dahilan.

"Pero bakit ayaw mong malaman ni Chin 'tong nangyari sayo? Natatakot ka na baka magalit siya sayo? Eh expected naman na mangyari 'yon."

"Natatakot, pero may mas kinatatakutan ako Agatha..." aniya at kumpara sa boses niya ngayon mas mahina,malumanay at malungkot. Napayuko siya at napahawak sa ulo. Hindi ako umimik at di siya pinagmadaling sumagot. "Mas natatakot ako na malaman niya tapos wala naman na pala siyang pakealam sakin."

Parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa narinig ko, lalo na't hindi ako sanay na ganito siya. Siya 'yong tipong kahit kailan di mo maiisip na may pinagdadaanan. Laging tumatawa at hyper. Pero habang tinitignan ko siya pakiramdam ko ay durog na durog siya ngayon.

"May gusto siya kay Jonas...alam ko..."

Napalunok ako sa sinabi niya, nagulat nalang ako nung nakita kong may biglang pumatak na luha sa kumot niya. Agad na nagtubig ang mga mata ko, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya dahil di ko maidepensa si Chin. At nakokonsensya ko dahil alam ko ang tungkol dun pero wala akong magawa.

"Dahil kung paano niya tignan si Jonas ngayon, ganun din niya ko tignan noon." aniya at tuluyan ng nabasag ang boses niya.

Wala akong maisip na dapat sabihin. Mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya, umiiyak siya ngayon dahil sa pinsan ko at ssa isa sa pinakamatalik niyang kaibigan.

Hanggang sa di na niya kinaya at tuluyan na siyang naiyak. Namalayan ko nalang din na lumuluha na ako. Nasasaktan ako para sa kanya. Nakita ko kung paano niya pahalagahan ang pinsan ko, at halos prinsesa ang turing niya dito. Alam kong rude ang pinsan ko pero ganun talaga siya, hindi kasi siya showy pero alam ko at alam ni Mars na mahal siya ni Chin.

Pero nitong mga nakaraan, nasaksihan ko kung paano niya baliwalain si Mars. Masyado siyang naguguluhan sa nararamdaman niya kay Jonas dahilan para mawalan siya ng gana sa relasyon nilang dalawa.

Patuloy lang sa pag iyak si Mars, na para bang gulung gulo siya at di na niya alam ang gagawin.

"Kasalanan ko din... hindi pa siguro sapat 'yong ginagawa ko kaya nagkagusto siya sa iba. Pag nalaman pa niya 'tong ginawa ko alam kong hihiwalayan niya ko."

Malamang 'yon nga ang gagawin ni Chin kung sakali. Hindi ko gusto sabihin 'to kay Mars pero pakiramdam ko sa ngayon ito lang ang pwedeng maging solusyon. Dahil baka lumala lalo ang problema at dumating sa punto na makalimutan ni Mars na kaibigan niya si Jonas. Ayokong mabalot sila ng galit sa isat isa.

Kilala ko ang pinsan ko, alam ko kung paano siya mag isip. Kaya kahit alam kong mahihirapan si Mars sasabihin ko padin 'to sa kanya. Kahit na magmukha akong unfair at masama.

"Hiwalayan mo siya." malamig na sabi ko sa kanya.

Hindi siya umimik, kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. Tinignan niya ako habang nagluluha pa 'yong mga mata niya. Nagtataka kung tama ba 'yong narinig niya. Binigyan ko lang siya ng blangkong ekspresyon dahil seryoso ako sa sinabi ko.

"Agatha..."

"Hiwalayan mo na siya Mars." pag uulit ko.

----

"Uh. Saan ka galing?" bungad ko kay Uriah, saktong kalalabas ko lang ng kwarto nung datnan ko si Uriah na kararating lang din.

Inangat niya 'yong bitbit niya. Bumili pala siyang pagkain. Sabi ko ako na magluluto e.

Dumiretso din ako sa kusina para hugasan 'yong mga ginamit ko matapos kong linisin 'yong sugat ni Mars. Pagkatapos namin mag usap ay nilinisan ko ang sugat niya at pinainom na siya ng gamot kaya agad siyang nakatulog ulit.

Napahinga ako ng malalim nung maalala ko ang mga sinabi ko sa kanya. Naistress ko ata lalo siya pero buti nalang nakatulog siya ulit dahil sa gamot.

"Si Ethan pala?"

"Binili 'yong ibang kailangan ni Mars."

Napatingin ako sa kanya habang tinatanggal niya sa lagayan 'yong mga binili niya. Kumpara kaninang nasa bahay mas iba ang mood niya. Mas halata sa mukha niya ngayon ang pagod at stress. Stress sa nangyari kay Mars at siguro dahil nadin sa Glefficial. Kung hindi ko pa malaman 'yong mga nangyari hindi ko mapapansin na may pinoproblema siya ngayon.

Pumunta siyang sala at naupo, sinandal niya ang likod niya at parang pagod na pagod.

"May munchkin dyan nasa ref."

Para akong bata na biglang nabuhayan dahil sa sinabi niya, pagkatapos ko magligpit agad akong pumunta sa ref para kunin 'yong munchkin.

Pumunta din akong sofa bitbit 'yong munchkin. Nakangiti pa talaga ko, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko nung makakain na ako. Inalok ko siya pero busy siya sa panunuod at hindi din siya mahilig sa ganito.

Buti binilhan niya ko nito, medyo OA kasi siya pag dating sa diet ko.


(Play if you want *wink*. P.S. korean again. hehehe f na f ko kasi 'tong ost <3 )

"Hmm... thank you dito hehe."

Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya, saktong nakatingin na siya sakin at nananahimik lang. Bigla akong na self conscious, nakatitig kasi siya parang baliw lang tapos wala man lang sinasabi. Pero 'yong mga mata niya, halatang pagod at inaantok na. Hindi ko alam pero gusto ko titigan siya ng ganoon, kung hindi lang nakakahiya.

Marami akong gusto itanong sa kanya tungkol sa mga nangyari. Pero gusto ko muna siya bigyan ng oras na makapag pahinga at matahimik. Kaya wala muna akong gagawin ngayon kundi ang manahimik lang at tumulong.

"Umiyak ka."

Bigla kong nalunok 'yong kinakain ko kahit di ko pa nangunguya nang maayos. Tsaka kanina pa 'yon at di na din naman namumula ang mga mata ko. May spy devices kaya sa kwarto niya at narinig niya kami ni Mars kanina.


"Hindi ah. Gawa gawa kwento." natural kong sagot.

"Ilang beses na kitang nakitang umiyak dati, kaya alam ko ang itsura mo pag katapos umiyak."

Agad na napalingon ako sa kanya, "Anong itsura ko? Edi ako na panget." Loko 'to. Kulang nalang sabihin niyang ang panget ko. "Sabagay, artista lang naman maganda kahit umiiyak."

Naimagine ko tuloy ang sarili ko umiiyak at panget nga ata talaga. Kinuha ko 'yong maliit na salamin sa bag ko para tignan ko ulit ang mga mata ko. HIndi naman talaga siya maga e.

Siguro inexpect niya nadin naman talaga na maiiyak ako pag nakita ko si Mars na ganito tapos may problema pa siya. Pwede na siya maging manghuhula.

"Your eyes seem very sad and look small than the usual..." aniya pero hindi siya nakatingin sa akin, nakatingala lang siya at para bang may kung anong kinakalkal sa utak niya.

Di ako nakasagot at tumingin lang ulit sa salamin. Tinitigan ko ang mga mata ko, gaya ng sinabi niya tama nga siya. Pero hindi ko 'yon mapapansin kung di niya nasabi sakin ngayon.

Biglang umaliwalas ang dating niya at tuluyan na siyang pumikit. Napangiti ako ng kaunti, siguro ay antok na talaga siya.

"Pag nagpupunas ka ng luha paulit ulit pero sa iisang direksyon lang, kaya 'yong pilikmata mo maayos at slanted than usual, ' nadadamay din sa pagpunas ng paulit ulit ang pisngi mo kaya pati 'yan naiiritate at namumula. Even your lower eyelid, halatang nabasa dahil makintab at medyo mapula."

Natulala ako habang pinapakinggan siya. Hindi ko din maialis ang tingin ko sa kanya. Ngayon na para bang ang normal lang ng sinasabi niya, normal na kahit ganoong detalye ay natatandaan niya at napapansin niya tungkol sakin.

" At 'yong labi mo," aniya at ngumisi ng kaunti dahilan para biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. " nagiging medyo plump, hindi na din pinkish kundi reddish na dahil pag nagpipigil ka ng luha kinakagat mo 'yan ng matagal at ilang ulit." napakaswal niyang sabi.

Para akong mabibingi, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang init, ang init ng mukha ko. Natataranta ko pero hindi ako makagalaw. Nakatitig padin ako sa kanya habang siya nakapikit padin at parang nakangiti.

Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak at manampal sa sobrang tuwa. Hindi ko alam kung ang summary ng sinabi niya ay panget ako pag umiyak. Pero hindi ko akalain... na ang mga maliliit na ganung bagay tungkol sakin ay alam niya at kabisado niya. Na kahit sa sarili ko ay di ko napapansin.

At ng dahil dun, pakiramdam ko ay napaka special ko at sobrang swerte ko... sobrang swerte ko at nakilala ko ang taong 'to.

Napadilat siya at parang biglang nagulat. Sinulyapan niya ko saglit at nahuli niyang nakatingin ako sa kanya dahil hindi ko padin magawang gumalaw na kahit sobrang pula na ata ng mukha ko.

"Damn it." Bulong niya at medyo tumalikod na para bang wala siyang sinabi na kung ano kanina.

Pinilit kong tumingin sa TV, nakatitig lang ako doon kahit wala akong maintindihan sa palabas. Basta ang alam ko ang lakas padin ng tibok ng puso ko. At ang upo ko ngayon, sobrang awkward. Feeling ko e nasa loob ako ng principal office na kailangan sobrang ayos ng upo ko,kailangan diretso ang likod at magkadikit ang mga binti.

Gusto ko tignan si Uriah kung ano na ang ginagawa niya, pero hindi ko na mailingon ang leeg ko sa sobrang hiya.

"I should sleep. Bangag na ata ako."

Tumango tango lang ako sa sinabi niya at hindi ko padin inaalis ang tingin sa TV. Napalunok nalang ulit ako pakiramdam ko e nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko padin magawang pakalmahin ang sarili ko.

"Ahhhh-mpppfhh."

Oh my! U-URIAH!

"Wag kang sumigaw, baka sabihin nila may ginagawa ko sayong masama."

Hindi ko na kaya, hindi ko na talaga kaya. Para na akong sasabog. Lalong naging stiff ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko na alam, masusuka na ata ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

Yumuko ako at tinignan siya habang nanlalaki padin ang mga mata ko sa sobrang gulat. Nakapikit lang siya at biglang dinilat ng kaunti ang isang mata para silipin ang mukha ko na lalong naging dahilan para maging abnromal bigla ang paghinga ko. Ngumiti ulit siya ng mapang asar at tsaka tinanggal na ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"10 minutes lang." aniya at pumikit ulit. Nag iwas ako ng tingin at napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko magawang kumalma. Kinakabahan ako, baka naririnig niya 'yong kabog ng puso ko. Iniisip ko din baka naaamoy niya ako, malamang oo lalo na't ganito siya kalapit sakin. Naku po, hindi ko na alam ang gagawin. Baka ang baho ko nadin. Nakakahiya!

Hindi talaga ako gumagalaw, natatakot ako baka maging hindi komportable ang pwesto niya, kulang nalang din ay di na ko huminga.

Hindi nadin ako nakatiis, yumuko ako ulit para tignan ang mukha niya. Ilang segundo ko siyang tinignan, ang aliwalas ng mukha niya. Ngayon ko nalang ata siya natitigan ng ganito ulit. Hindi ko namalayan ay nakangiti na pala ako at unti unti ng kumakalma.

Hindi ko alam kung komportable ba talaga siyang nakaunan sa hita ko pero ang aliwalas ng mukha niya at parang nakatulog na ata talaga.

Di ko na napigilan ang sarili ko at marahan kong dinampi ang palad ko sa pisngi niya. Ang init ng mukha niya at gusto kong nararamdaman 'yon. Dahan dahan kong hinihimas ang pisngi niya at maging ang buhok niya ay hinahawi ko na.

Hindi ko akalain na darating ang araw na gagawin niyang unan ang binti ko para magpahinga at matulog. Parang kelan lang lagi kaming mag kaaway pero ngayon kami na, parte na siya ng mundo ko.

Naalala ko tuloy bigla ang napag usapan namin ni Mars, paano kapag...

'Paano kapag nagising ka nalang din isang araw na wala ka nang nararamdaman sakin Uriah at magkagusto ka sa iba?'

Iniisip ko palang na paano kung sakin mangyari 'yon ay di ko na kinakaya.

Pero pag nangyari nga 'yon, gagawin ko din kaya ang inutos ko kay Mars? Magagawa ko bang hiwalayan ka o magpapakatanga lang din ako?

'Pero bakit natatakot ako ng ganto? Pakiramdam ko pwede... talagang mangyari '

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...