Moon Academy: Special School...

By HountoniDaisuke

334K 11.2K 454

#29 highest rank achieved in Fantasy genre (07/01/17) Moon Academy, dito umiikot ang mundo ng mahika, ito ay... More

Prologue
Chapter 1: Meet Her
Chapter 2: Xander University
Chapter 3: Part time Job
Chapter 4: Exam
Chapter 5: Result
Chapter 6: Black Wizard
Chapter 7: Ice
Chapter 8: Telekinesis
Chapter 9: Saan Daw?
Chapter 10: Pink Market
Chapter 12: Fairies
Chapter 13: Allen
Chapter 14: Bye
Chapter 15: Moon Academy
Chapter 16: Again
Chapter 17: Dorm mates
Chapter 18: Trespassing
Chapter 19: Cyrokinesis
Chapter 20: Moon Ten
Chapter 21: Illusion
Chapter 22: Worried
Chapter 23: Awaken
Chapter 24: Red Guy
Chapter 25: Ability Gone
Chapter 26: Eclipse Siblings
Chapter 27: Frank and Rence
Chapter 28: Tito Clive
Chapter 29: Talk
Chapter 30: Mission
Chapter 31: Ability Back
Chapter 32: Ground
Chapter 33: Undrello
Chapter 34: Kasintahan
Chapter 35: Soul Eaters
Chapter 36: Patrick
Chapter 37: Trace
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Feelings
Chapter 40: Pag-atake
Chapter 41: Cross
Chapter 42: Gandang Nilalang
Chapter 43: Tiya Minerva
Chapter 44: Maze
Chapter 45: Cancel Mission
Chapter 46: Them
Chapter 47: Gadget
Chapter 48: Allowance
Chapter 49: Shopping
Chapter 50: Craftsman
Chapter 51: Ligaya Bar and Resto
Chapter 52: Partner
Chapter 53: Past
Chapter 54: Remembered
Chapter 55: Revelations
Chapter 56: Impact without Her
THIS IS NOT AN UPDATE
Chapter 57: I'm Back!
Chapter 58: Weird Actions
Chapter 59: Embrace
Chapter 60: Deal
Chapter 61: Princess of Darkness
Chapter 62: Missing
Chapter 63: Iniisip
Chapter 64: Giants and Teresa
Chapter 65: Competition
Chapter 66: Her Limit
Chapter 67: Andrew
Chapter 68: Nightmare
Chapter 69: Competition 2
Chapter 70: Her Demon
Chapter 71: Alay
Chapter 72: Why
Chapter 73: Twin Sister
Chapter 74: Time Travel
Chapter 75: Follow
Chapter 76: Frank Kiddo
Chapter 77: Three is enough
Chapter 78: Oracle
Chapter 79: A Little Secret
Chapter 80: They Left Me
Chapter 81: Full of Lies
Chapter 82: Good and Bad News
Chapter 83: Fear
Chapter 84: Lunar's Side
Chapter 85: Yaoi
Chapter 86: Calamares
Chapter 87: Return
Chapter 88: Traitor
Chapter 89: Confused
Chapter 90: Her Son
Chapter 91: Mortal Resto
Chapter 92: Time
Chapter 93: Her Husband
Chapter 94: Jennifer

Chapter 11: Milkey Chikey

4.4K 154 6
By HountoniDaisuke






~*~













(Cashmere's POV)












Paano na yung mga kaibigan ko? Kahit naman kasi putak ng putak yung mga yun eh mahal ko pa rin sila. What to do? What to do?

"Anong nagyari sayo, bat para kang natatae?"

"Huh?" Inhale exhale. "Wala, may naalala lang. Ano, tara na?"

"Next destination? Hmm."

"Gruuuuum." Tyan ko, babies ko. Gutom na sila.

"Pft. Hahahaha!" Napabulanghit ng tawa si Matthew kaya napabusangot ako. "Sa tingin ko, sa Food Court slash White Market muna tayo pumunta. Ang iingay na ng mga baby mo sa tyan eh. Tsk. Tara na!" Hyper nya pang dagdag na lalong nagpabusangot sa aking mukha.

Ang hyper din pala ng isang to. Winawagayway pa yung kamay nya habang sumisigaw ng 'puyds', kala ko, malalim o makaluma sya na para bang mahinhin at magalang, makulit naman pala. I think. Kailangan ko munang mag-aral ng mabuti para makabalik sa mga kaibigan ko. Sila pala ang pamilya ko.

"Cash! Tara na!"

"Andyan na!" Gutom na sina babies eh. At muli. Ie-enjoy ko na naman tong view na to.









**








"Paalam Laxus!" Paalam ni Matthew dun sa kabayo.

"Bat mo pinaalis? Wala na ba tayong pupuntahan?" Nagtataka kong tanong nang makitang pinalipad na nya ito nang hindi kami sakay.

"Meron pa. Sa Yellow Island tapos doon na sa Academy. Bakit?"

"Edi saan na tayo sasakay papunta sa ibang islands?"

"Sa tren."

"You mean, sa caterpillar kanina? Yung mabilis? Yung nakaka 'aaaaaaaaahh'?" Nakangangang tanong ko. Please. Wag yun. Mas okay na ako sa kabayo.

"Yup. Buti pala alam mo na yun. Tara kain muna tayo bago tayo sumakay dun."

Seryoso? Natulala na lang ako at pakiramdam ko tatakasan na ako ng ulirat in 3, 2, 1....char lang, hindi ako si Althea ni @owwsic no!

"Yuhooo! Cash. Tara na!"

"Oo na. Tara na nga."

Pumunta kami sa isang stall na kulay White na halos puro glass. kitang-kita yung loob.

Naramdaman kong hinawakan ni Mat yung kamay ko kaya hindi ko maiwasang mailang rito.

Pagkapasok sa restaurant na yun. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga ang aking bibig. Kala ko ba, normal lang yun. Hindi pala, ang daming tao! Kung tao man sila. Bat sa labas na nakikita sa glass kaunti lang?
Amazing.

"Alam kong gutom ka na. Pero pwede bang wag mo inganga masyado bunganga mo Cash?" Ngiwing saad ni Matthew na ikinangiwi ko rin, akala nya ha.

Napatingin lahat ng kumakain sa gawi namin ni Mat. Ang lakas kasi ng pagsaway eh.

"MATTHEW!" Sigaw ng isang baritong boses.

"BENHAR!" Sigaw rin nitong epal na to.

At.. Nagyakapan ang dalawa. I'm out of here.

"Benhar, kay tagal nating hindi nagkita."

"Namiss kita ng sobra Matthew."

Yuyks. Lakas maka-bromance!

"Sya na ba ang sinasabi mong nobya mo?" Pagbaling ng tingin sa akin ni Benhar na sa palagay ko'y kuminang pa ang mga mata.

Nagulat naman ako sa tanong nya. Grabe lang, kahit gwapo to, hindi ko to papatulan.

"Hin---!" naputol naman yung sasabihin ko nung inakbayan ako ni Mat.

"Oo sya nga, Cashmere ang kanyang ngalan." Ngiting tagumpay ng damuho na muntik ko nang bayagan.

Kumpay! Great just great! I'm not easy to get kaya!

"Just go with the flow, trust me!" Bulong nya sa akin na naintindihan ko na kung anong gusto nyang mangyari.

"Talaga?! Wow. Hindi ka pa rin kumukupas, babaeng magaganda pa rin ang nabibingwit mo Matthew. Hahahahaha." Pagtawa ni Benhar. "Binibini, ako'y si Benhar ng Pamilyang Bariteo isang mahusay na tagapagluto dito sa White Island (market)." Pagpapakilala nya bago hagkan ang aking kamay.

Para patas..

Pormal din dapat ako.

"Cashmere Villacrusis ng mortal world noon at ngayo'y magiging isang estudyante ng Moon Academy, Ginoo." Oha ! Kaya ko rin! Smirks.

"Galing kang mortal world? Hmm. Sana'y wag ka masyadong maguluhan sa mga pangyayari binibini."

Pogi naman si Benhar eh, Mga 6'1 yung height, maganda ang pangangatawan, kayumanggi ang balat at kulay deep brown ang mata. Pero di ko sya type.

"Okay?" Ngayon kaya naguguluhan na ako.

"Ano? Tara na, libre ko na ang inyong kakainin dahil maganda ang iyong bagong nobya Matthew." Ngiti ni Benhar sa pagbaling kay Mat na nakangiti rin ng malapad.

Kaya pala.. Kaya pala sinabi nya akong nobya nya para makalibre kami ng pagkain. Kilala na nya talaga ang kaibigan nya. Lol!

Jane at Andrew, hintayin nyo ako ha? Lalakas din ako at makikilala ko rin ang mga magulang ko!











**













Nagluto na si Benhar ng pagkain at nagsimula na akong tikman ang bawat isa. Ay wow! Ang chacharap! Pero isa lang ang pinakanakakuha ng atensyon ko.

"Anong klaseng pagkain yan bat gumagalaw?" Tanong ko sa gitnan ng paglamutak.

Paano ba naman kasi. Kulay gatas sya na parang jelly. Gumagalawgalaw din sya at hindi ito kaaya-aya sa paningin.

"Milky Chikey yan. Subukan mo." Inabutan ako ni Matthew ng isang Milky Chikey na yun.

Masama ang kutob ko.

"Wah!" Sigaw ko at akmang itatapon ko na yung halimaw na pagkain na yun kayalang nahinto ito sa ere.

"JAYDEN pare!" Bati ni Matthew sa taas?

Napatingin din ako dun. At nakita ko ang pigura ng taong nagligtas at ang dahilan kung paano ako napadpad dito. Si Tamix Jayden.

"Mga pare!" Bati rin nya pabalik.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Benhar na may hawak pang kaserola.

"Ayos lang naman." Sagot nya bago bumaling sa akin ng tingin. Napalunok ako sa klase ng tinging ipinupukol nya. "Cashmere tama?" Sabay turo nya sakin pagkababa nya sa taas.
Edi sya na nakakalipad.

"Oo." Walang gana kong sagot, pake nyo? Kahit gwapo to. Naku! Binabadtrip nya ako simula pa lang!

Pansin ko lang, puro gwapo ang nandidito. Wala pa akong nakikitang panget.

"Bakit ka nagtatapon ng pagkain? At ang itatapon mo pa ay ang pinakamasarap? Nasisiraan ka na ba?" Baliw sya. Binubulyawan ako.

Oo na. Tinapon ko na. Kasi naman. May mukha eh. Nakakatakot pa yung ngiti nya, parang yun pa ang mangangain. Anong klaseng pagkain ba naman kasi yun! Ugh.

"Natakot lang ako! Bat ba kasi may mukha yan?!" Bulyaw ko rin pabalik.

"Design?" Sabat ni Benhar.

"Tch. Kainin mo." Binigay nya pabalik sa akin gamit ang pagpapalipad nito dito.

Napatingin naman ako sa gawi ni Matthew. At ang loko. Ayun tuwang tuwa nung makita nyang nakasimangot ako. No choice.

Unting unti kong nilalapit sa bunganga ko yung Milky Chikey na yun, at habang papalapit ng papalapit, lalong lumalaki ngiti nya. Grrrr. Tuluyan na nga.

Pikit mata ko itong sinubo at nginuya. Pero napahinto rin ako nang mapagtanto ang lasa nito. Nabihag nya na ang dila ko! Don't judge the book by it's cover nga daw. Wah. I love it! Lasa syang gatas syempre, pero kakaibang gatas, lasa rin syang may kape at cheese? Basta yun. Am am.

"Masarap diba? Tss." Busangot ni Tamix.

Ewan ko ba dito, paiba-iba mood, kanina, masaya, naging mapilit, mareklamo at ngayon, nakabusangot. Daig pa ang may regla. Wushu!

"Tara na Cash. Maiiwanan na tayo ng tren." Pagtawa ni Matthew sa akin.

Mag-aaya na nga lang tatawa pa. Tinatawanan talaga ako dahil sumisimangot ako pagbinabanggit nya yung tren tren Caterpillar chu chu na yun.

"Ginoo! Pwedeng magbaon nito?" Hehehehe. Sulitin na. Baka malugi ako eh. Saka babyahe pa kami, mas mabuti nang handa.

Tumango sya at napangiti. Kinuha ko na yung paper bag na parang may pagkaplastic yung texture saka ko nilagay yung.. Milky Chikey! Congrats to me. Paalala nyo sa akin na magbaon nito pag-umuwi na ako ah? Abat. Nakakaenjoy kaya syang kainin.

Napakunot naman noo ni Mr. Red tide slash Tamix, kinuha ko na kasi lahat nung nakahain sa mesa na milky chikey. Hahahaha. Yan kase, early birds catches the worm. Pinilit pa kasi akong kumain nun, ano ka ngayon, naubusan ka tuloy. Hahaha. Win-Win lang!

"Tsss. Takaw!" Padabog itong lumayas sa aming harapan. Abat!

"Anyare dun?" Hindi ko maitago ang aking ngisi sa kanila, nanalo ako eh.

"Ganyan talaga si Jayden minsan binibining Cashmere, parang babae ang ugali." Naiilang na sabi ni Benhar.

Napangiti naman ako dun.

"Tara na Cash. Benhar, hanggang sa muli."

"Oo hanggang sa muli."

Habang naglalakad kami papuntang tren station, napapangiti ako. Ang ganda talaga dito. Hindi na talaga sya pananginip. Lahat ng butterflies may ulo na kulay green, para silang alien, kulay black na black yung mga mata. Nagkalat din lahat ng pwedeng kainan. Halos puti lahat ng nakikita ko.

Sa tingin ko, dito talaga ako nababagay. Alien din kasi ako at abnoramal!

Continue Reading

You'll Also Like

74.8K 4.8K 79
(On-Going)
20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
194K 5.8K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
11M 499K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...