Mi Amore Series#1 My Mute Maid

By jaysanj

1.9M 64.8K 17K

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yumi Kyo GirlxGirl story More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 25

38.9K 1.4K 463
By jaysanj


Left's POV

Nakatingin ako kay maid habang nagco-concentrate sa pagtutok ng pellet gun sa latang tatamaan nya para matumba at makuha yung prize non. Kalahating oras na syang naglalaro dyan at dalawang daan pesos na din ang nagagastos nya dahil sa paglaro nyan pero wala pa din sya nakukuha kahit maliit na prize. Tuwang tuwa yung nakabantay dahil instant two hundred sila. Ayaw kasing sumuko ni maid, talagang desidido syang makuha yung minion key chain. Yeah, sa dalawang daang pesos at more para lang sa key chain. Nakapa-unbelievable nya 'no?

"Muntik na, konti na lang makukuha mo na." pagche-cheer sa kanya ng nagbabatay na lalaki. Sapakin ko kaya 'to? halatang nagpapapansin eh.

Pero hindi man lang sya pinansin ni maid at tinutok ulit yung baril sa lata. Gusto ko matawa dahil hindi man lang sya pinansin ni maid. Poor guy. 

Nagulat ako dahil inis na binaba ni maid yung baril pagkatapos na hindi natamaan yung lata. Akala ko susuko na sya, kumuha lang ulit na pera. Grabe ayaw sumuko. Pumwesto ulit sya at tinutukan yung lata. Nailing ako. Pumunta ako sa likod nya at hinawakan ang baril tsaka kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko at namula.

"Alam mo, may daya kasi ang baril na yan." bulong ko lang dahil baka marinig nung lalaki. "Ganito kasi yan." inayos ko ang pagkatutok ng baril tsaka hinugot ang trigger.

And boom! natumba yung lata. Nagulat silang dalawa dahil nagawa ng patumbahin yung lata. Mabilis naman natauhan si maid at nagsisitalon sa tuwa. Natawa naman ako sa kacute-an nya para syang bata na nanalo eh.

"Ito na ang premyo mo oh." masayang sabi nung lalaki, siguro nacute-an din kay maid. Pero ang sarap nya lang sapakin, papansin masyado.

Tuwang tuwang kinuha ni maid yung key chain tapos pinakita pa sakin. Alam kong nagpapasalamat sya dahil tinulungan ko sya makuha yon.

"Your welcome." sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung baril, may natitira pang-apat na bala ito sayang naman kung hindi uubusin diba? "Wala naman kaso kung ako na yung gagamit 'di ba?" tanong ko don sa lalaki.

"Wala, sige gamitin mo lang." sabi nya na halatang nagpapacute. Sa isip ko pinagsasapak ko na sya. Hindi ko na lang sya pinansin at pumwesto.

Tumingin muna ako kay maid na nanonood sakin tapos sa mga target ko. Siguro kailangan kong bawiin yung nasayang na pera ni maid. Mabilis kong tinira yung may kalakihan na teddy bear, natumba yung lata non kaya sakin na yung teddy bear na yon. 

"Wow ang galing mo ah." sabi nya naman. Inirapan ko lang sya at kinuha yung teddy bear tsaka binigay kay maid.

Ano naman kaya ang sunod?

"Ano pang gusto mo dyan, maid?" tanong ko kay maid. Tumingin naman sya sa mga prize, nung may na gustuhan na sya mabilis nyang sinulat sa whiteboard.

Yung smiley pillow.

"Okay." tinutok ko sa gusto nya ang baril at walang kahirap hirap na natumba yung lata. Nagulat yung lalaki dahil three strike akong nanalo. Akala nya katulad ako ni maid? ibahin nya ako, alam ko ang mga daya ng mga ganitong laro.

Pagkatapos kong makuha yung smiley pillow ni maid, binaril ko yung natripan kong sumbrero na minion tapos para sa last na bala ay isa pang teddy bear ang binaril ko. Walang kahirap hirap na nakuha ko ang dalawang yon.

Mukhang nalugi yung lalaki at napakamot na lang ng ulo. Natawa ako dahil mas talo pa sila dahil mas malaki pa ang presyo ng mga nakuha ko kaysa sa nagastos na pera ni maid para lang sa key chain na hindi nya makuha kuha. Sabi ko naman sa inyo, babawiin ko yung pera ni maid eh.

"Tara na?" yaya ko kay maid, tumango naman sya at masayang binitbit ang mga nakuha ko. Bumili ako ng plastic bag para mapagligyan non at hindi sya mahirapan dalhin, sa kanya naman lahat yan eh.

Tumingin ako sa kanya nung kalbitin nya ako. Tinignan ko kung saan sya nakaturo.

"Photo booth? gusto mong magpapicture?" tumango sya ng parang bata kaya napangiti na lamang ako. "Okay."

Pumunta kami sa photo booth, mabuti na lang walang masyadong nagpapa-picture kaya madali lang kami nakapagpa-picture. Tatlong shots yung picture at two copies kaya tag isa kami ni maid. Tinabi ko sa wallet ko ang picture naming dalawa.

Hinawakan ko ang kamay nya na ikatingin nya sakin pero hindi ko sya nilingon. Naghanap ako ng pwede naming gawin ngayon kahit napagod ako sa play at pag-waiter sa booth namin, sinamahan ko pa din si maid na maglibot dito. Ayokong si Kris ang sasama sa kanya kaya mas mabuti na lang na ako na ang sasama kahit pagod ako.

Horror house tayo?  yun ang nakasulat sa whiteboard nya nung kalbitin nya ako.

"Huh?" napalunok ako wala sa oras. Shet horror house? nakalimutan nya bang takot ako sa dilim?

Tinignan nya lang ako ng nagtataka pero ngumiti din ng nakakapang-asar. Base sa mga mata nya parang sinasabi nyang naduduwag ako.

Natatakot ka 'no? 

"Of course not!" ako takot? sa dilim lang naman ako takot pero sa multong kuno sa loob non siyempre hindi, tao lang naman din sila eh.

Kung hindi tara sa horror house.

"Tara, wag kang kakapit sakin kapag natakot ka." sabi ko at naunang lumakad sa kanya. 


"Waaahhh!! maid! ang dilim umalis na tayo dito! waaahh!!" sigaw ko habang nakayakap kay maid, natawang tawa si maid sa itsura ko. "Wag kang tumawa! alam mo naman na takot ako sa dilim eh!" sabi ko at nag-pout. Nginitian nya lang ako at niyakap ako pabalik.

Biglang bumukas yung ilaw ng buong kwarto pero namatay din bigla.

"Putcha! buksan nyo yung ilaw! waaahh!" kasabay ko magsitilian yung ibang nasa loob ng horror house. Natawa na naman ulit si maid, gustuhin ko man sya samaan ng tingin ay hindi ko magawa dahil takot na takot ako ngayon. Paasa kasi yung nagbukas ng ilaw, papatayin din pala sana hindi nya na binuksan, hu-huntingin ko yon kapag nakalabas ako dito.

"Maid, aalis na tayo please?" pagmamakaawa ko kay maid. Tumango lang sya pero nakangiti.

Nagsimula na kaming maghanap ng exit. Ang dami kasing paligoy ligoy dito pwede naman na isang way lang para makaalis na agad, parang balak pa kami iligaw para hindi kagad makaalis. Kung mag-couple siguro ang pumasok dito baka balak pa nila magtagal para maka-chansing sa ka-partner nyang takot na takot tapos imbis na hanapin yung exit nililigaw pa.

"Waarhh!" sulpot ng panget na lalaki na dugo duguan yung buong katawa.

"Waarh mo mukha mo lumayas ka daan namin!" sabi ko na nakapoker face. Natawa naman si maid sa tabi ko. Sabi ko naman sa inyo hindi ako takot sa multo na nandito eh.

Kamot ulo na lang na umalis yung lalaki. Bumuntong hininga na lang ako at hinigpitan ang pagkayakap kay maid. Napatingin sya sakin na nagtataka. Biglang may pumasok sa isip ko ang kakaibang kalokohan. Hinawakan ko ang pisngi na lalo nyang pinagtaka. Shet bakit ang ganda nya pa din kahit kumunot ang noo nya?

"I want to try something unique." alam kong nagtatanong sya kung ano yung tinutukoy ko para malaman nya na yung sagot. I kissed her.

Nagulat sya sa ginawa ko pero tumugon din sya kinalaunan. Mabagal kaming naghalikan ni maid, wala kaming pakialam sa mga taong nagtitilian o multo kuno na nananakot. Hinawakan ko ang bewang nya at nilapit sya sakin. I press my lips down to her jaw then to her neck. I started to suck and lick her bare neck, causing her to let out a slight moan.

Wait. What?

Bigla akong napatigil at tinignan si maid. Pulang pula ang mukha nya habang nakatakpan ang bibig nya ng likod ng palad nya at hindi makatingin sakin. Tama ba yung narinig ko? did she just moan?

Sinulyapan nya ako saglit lang pero umiwas din agad. Napangiti ako. Siguro nahihiya sya dahil sa lumabas mula sa bibig nya. Hindi ko man ma-clear kung ano ang boses nya. I know, someday, maririnig ko din sya magsalita. Siguro nga takot nga talaga sya magsalita pero tatanggalin ko ang takot nyang iyon para makapagsalita na sya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan ulit. I can't help it! naadik talaga ako sa labi nya. Siguro kung kasama sa pagiging adik ang halik, naipakulong na ako ni Duterte. Masisisi nyo ba ako kung masarap naman talaga ang mga labi ni maid? kahit sino siguro kapag nahalikan si maid maaadik din sya pero siyempre hindi ko hahayaan na may humalik sa kanyang iba. Sakin lang si maid.

"Putek hanggang dito ba naman may naglalandian?" sabi nung kung sino pero umalis din agad. Lumayo ako kay maid at natawa. Nakalimutan kong nasa horror house pala kami.

Hinawakan ko ang kamay ni maid. "Umalis na tayo dito." sabi ko. Bumalik na naman yung takot ko sa dilim. Bwisit.

Pagkalabas namin ng horror house, madilim na dahil alas sais y media na. Mamayang alas dies ng madaling araw ang sarado ng school at bubuksan ng alas otso ng umaga. Kumain na muna kami ni maid sa cafeteria dahil nagutom ako kakasigaw sa horror house. Paano nahirapan pa kami makahanap ng lagusan puro dead end.

"Shet, ang tagal. Gutom na ako." reklamo ko habang nakayuko sa lamesa. Kinuha ko ang kamay ni maid at pinaglaruan. "Pen pen desara pen gutom na ako wala pa rin." pakanta ko, natawa naman si maid sakin. Napangiti ako. Ang ganda pakingggan ang tawa nya, parang musica sa pandinig. Pero kahit na ganon hindi ko pa din matanto kung ano ang boses nya. Puro haha lang naman kasi yun.

"Ito po yung order nyo. Sorry kung natagal, enjoy." sabi nung waiter, tumango lang ako sa kanya at umayos ng upo.

Yung isda yung inorder ni maid kaya pinaghimay ko sya. Trip ko lang pagsilbihan sya ngayon, sa susunod hindi na kaya sulutin nya ito 'no.

"Ayan! kain na tayo, pagkatapos nito, punta tayo sa ferris wheel." sabi ko at sinimulan ng kumain.

Habang kumakain, nahulog yung tinidor ni maid na sakto naman na may dumaan na lalaki kaya pinulot nya iyon at binigay kay maid.

"Nadumihan na yan kaya wag mo na yan gamitin." nakangiting sabi nung lalaki. Nginitian naman din sya ni maid. Napairap ako at kumain na lang. "I'm Jude, you are?" sabi nung lalaki at nilahad pa ang kamay. Nakipagkamay naman si maid na ikainis ko.

"Jude right? pwede ka ng umalis nakakairita ka kasi eh." sabi ko. Napakamot sya ng ulo tapos umalis na din dahil kita nya naman sa mukha kong masasapak ko na sya kapag hindi pa sya umalis. "At ikaw!" nagulat sya sa sigaw ko. Gusto ko matawa pero kailangan kong magseryoso. "Nagwapuhan ka sa kanya kaya nakipagkamay ka? sinabi ko sayo na ako lang pwede humawak sa kamay mo pero pinahawak mo pa din sa iba!" inis na sabi ko.

Napakamot sya ng ulo tapos nagsulat. Inirapan ko sya at hindi binasa ang nakasulat sa whiteboard nya. Kumain lang ako ng kumain. Bahala sya sa buhay nya! ilang beses ko na sya pinagsabihin pero ginagawa nya pa din! nakakainis sya!

"Ano ba?!" inis na sigaw ko dahil panay ang kalbit nya. Malungkot ang mukha nya habang nakaharap sakin yung whiteboard nya.

Sorry ayoko lang naman maging bastos. Huhugasan ko na ang kamay ko ,please wag ka na magalit.

Inirapan ko lang sya at kumain. Bigla syang tumayo at umalis. Tinignan ko sya kung saan sya pupunta, lumabas sya ng cafeteria na pinagtaka ko. Saan pupunta yon at nagawa akong iwan dito? lalo tuloy ako nabadtrip, baka pupuntahan nya yung Jude na yon. Bwisit sya wag syang babalik dito kundi hahalikan ko sya! kainis, iniwan ako para lang sa Jude na yon? ang panget ng taste nya! magsama silang dalawa!

Naubos ko na ang pagkain ko pati yung sa kanya, bakit pera ko naman yung ginamit sa pangbili kaya okay lang na kainin ko yung sa kanya. Pero nakakainis hindi pa din sya bumabalik. Iniwan nya talaga ako. Gusto kong umiyak dahil iniwan nya ako. Ang babaw pero si maid yun eh! hindi ko naman sya iniwan, minsan lang pero binabalikan ko sya pero sya hindi man lang bumalik. Nakakainis talaga sya. Dahil sa kanya kung ano ano na nararamdaman ko na hindi ko maintidihan. Katulad ngayon, nagseselos ako dahil hinawakan ng Jude na yon ang kamay ni maid. Ako lang dapat humawak sa kanya dahil pagmamay ari ko sya! bakit maid ko sya eh.

Bumuntong hininga ako at aalis na dapat nung makita kong si maid na hinihingal na pumasok sa cafeteria. Lumapit sya sakin at pinabasa sakin yung nakasulat sa whiteboard nya.

Hinugasan ko na ang kamay ko, bumili na din ako ng gloves para kung may hahawak man hindi yung kamay ko ang mahahawakan nila.

Napatingin ako sa mga kamay nya, nakasuot nga sya ng gloves.

Wag ka na magalit sakin. Sorry na Left.

Halata sa mga mata nya ang sincere sya sa sinasabi nya. 

"Fine. You're forgiven." sabi ko. Ngumiti sya at niyakap ako na ikinagulat ko pero hinayaan ko lang sya. "Pumunta na tayo sa ferris wheel." tumango sya kaya lumabas na kami ng cafeteria. 

Bumili muna kami ng pagkain nya dahil nga inubos ko yung pagkain nya at konti lang nakain nya tsaka kami pumila sa ferris wheel, madaming nakapila kaya habang nasa pilahan kami kumakain na si maid. After several minutes, kami na din sa wakas. Magkaharap kami ni maid at habang dahan dahan kami tumataas ay nakatingin sya sa labas ng bintana at masayang pinapanood ang city lights.

Ako naman ay nakatingin lang kay maid. She're really beautiful, inside and outside. Napaisip ako kung bakit ako nagkakaganito kay maid, I mean hindi ako masyadong touchy kahit kanino kahit pa sa apat. Kay maid lang, kay maid lang ako nahiligan hawakan ang kamay nya at paglaruan yon, kay maid lang ako nagpapayakap, kay maid lang ako nagiging possessive kada may lalapit sa kanya mapalalaki o babae, kay maid lang ako napapadalas ng inis dahil nginingitian nya yung mga taong nakikipag usap sa kanya, kay maid lang ako naaadik sa halik, kay maid lang ako napapadalas ngumiti, kay maid lang ako nagiging makulit (nagagawa ko din pala yon sa apat), kay maid lang ako naiinis kapag nagseselos at kay maid lang ako...

Huminga ako ng malalim.

Bakit ba ako nagkakaganito? maid ko lang sya. Ni hindi ko nga naramdaman ito nung kami pa ni..nevermind. Lagi ko sya hinahap hanap kada gigising ako sa umaga. Feeling ko nga kapag hindi ko sya nakikita sa isang araw parang nakakawalang gana. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdaman ng ganon, ano bang meron sa kanya para mawalan ako ng gana kapag hindi ko sya nakita? ginayuma nya ata ako eh.

"Maid." tawag ko sa kanya, nilingon nya ako na nagtataka. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit ayoko na nagpapahawak ka sa iba? na lagi kong sinasabi na akin ka?" tila napaisip sya sa sinabi ko pero umiling sya.

Bakit nga ba? Tanong nya.

Lumapit ako sa kanya. Namula sya sa ginawa ako pero nakatingin pa din sya sakin.

Alam ko kung bakit nagkakaganito ako kay maid.

"Kasi gusto kita."

Kay maid lang ako nagkagusto sa babae.


-----------------------

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
16.9M 501K 71
Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of this campus are not just rich and popul...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...