Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

28. Torn

24.8K 1.3K 249
By iamrurumonster

"Anything that I can be of help just to make you smile tonight?" bulong ni Alec saakin. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa puno ng aking tainga. Kanina pa siguro nito nahahalata ang labis kong katahimikan.

Nasa iisang paikot na lamesa kaming mga bihag ng Bartsville. Tahimik na kumakain si Souk sa tabi ni Reid na abalang nanonood sa mga kaganapan sa malawak na function hall ng kaharian. Tahimik namang nakamasid si Sheryl na kanina pa marahil nagtataka sa inaasta ni Levi. Hindi ko pa nakakausap ang dalaga tungkol kay Levi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Hindi ko rin mabasa ang saloobin nito sa mga nangyayari dahil hindi ko magamit ang aking mga chains.

Malakas ang tugtugin at masayang nagsasayawan ang mga taga Bartsville. Kakatapos lang ianunsyo ng kaharian na may mga bago silang bihag mula sa Claremur. Puno ng tawanan ang paligid at nagsisimula nang mag-ingay ang mga kubyertos sa paligid pero parang wala ako sa puntong kinaroroonan ko dahil sa sobrang lalim ng nilalakabay ng utak ko. Kataka-taka na hindi nila ianunsyong ako ang core; na nasa Bartsville ang core. Isa sa mga bumabagabag saakin ang usapin na ito- ang pagiging living trophy ko at pagiging target ng lahat. Hindi ba't nasa kanila na ako at kulang na lang ay patayin ako para madeklara na silang panalo sa buong taong clash? Bakit hinahayaan pa nila akong mabuhay at makasalamuha nila kung ako nga ang core? Anong mga bagay ang nakatago sa alias na 'yon?

Isa pang bumabagabag sa isip ko ang heneral na si Carlisle Gramaj. Ayon kay Alec, pinaslang ng kahariang ito ang huling core sampong taon na ang nakakaraan. Pero bakit nasa Alpha siya at kasalukuyang pinamamahalaan ang deportation ng bawat nahuhuling alius at mga kriminal? May kakayahan siyang mabuhay uli? Binuhay siya ng teknolohiya? Posible. Pero malakas ang kutob kong may sikreto ang heneral na 'yon. O baka may gusto siyang ipahiwatig kaya ako binigyan ng sulat? Tama. Ang sulat niya bago ako pinadala dito. Nasaan ang sulat na 'yon? Kailangan kong mahanap ang sulat ng heneral.

"Ali, Levi at three o'clock," senyas ni Alec na muling bumulong sa tainga ko. Kung sa malayuan ay parang humahalik na ito sa pisngi ko.

Pasimple kong sinulyapan si Levi sa gawing kanan. Naka-tuxedo ito at maaliwalas ang mukha dahil bagong ahit ang balbas. Sumulyap ako kay Alec na matiim ding nakatitig saakin. Nginitian ako nito at inayos ang suot niyang tuxedo saka giniya ang kamay para yayain akong sumayaw.

"I don't dance!" Umiiling-iling kong sabi. Hindi ko alam kung nahalata ang pamumula ng mga pisngi ko pero napansin ko ang pagluwang ng mga ngiti ng lalaki.

"I can carry you. I can sway us with the music," napalunok ang lalaki na tila hinahanda ang sarili sa magiging sagot ko.

Narinig kong tumawa si Reid kasunod nina Souk at Sheryl. Mukhang may idea ang mga ito sa mga pangyayari.

"Huwag nang pakipot Alison! Babastedin mo ba si Alec sa harap namin?" nang-aalaskang kantiyaw ni Reid na itinaas pa ang hawak na kopita para makipag-toast kina Sheryl at Souk. "Mabuhay ang bagong kasal!"

Tawanan ang tatlo na mas lalong ikinainit ng pisngi ko.

"Okay, huwag kang magrereklamo kapag naapakan ko paa mo ah?" nahihiyang sabi ko kay Alec na pinipigil na ang pagtawa.

Inabot nito ang kamay ko saka hinila ako para mapalapit ang mukha ko sa mukha niya. Muling bumulong ang lalaki sa tainga ko, pero sa pagkakataong iyon ay halos halikan na nito ang pisngi ko. "I can carry you all throughout the music and you can just pretend you're swaying with me. You're gown won't betray you anyway. I will never betray you and let you fall and get hurt."

Tinamaan ako sa huling sinabi ng lalaki. Napangiti ako. Nahuli nito ang pigil kong ngiti. Napansin kong naroon din sa gitna ng magarbong ballroom si Levi habang kasayaw ang prinsesa. Mabilis napawi ang kanina'y malaki kong ngiti. Napayuko ako nang halos magtama na ang tinginan namin ni Levi na kasalukuyang pinupuluputan ng mala-ahas na prinsesa.

Sinadya kong tumalikod sa kinaroroonan ng dalawa at pinilit ngumiti nang tingalain ko ang maamong mukha ni Alec. Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa balikat ng lalaki habang nakahawak naman ang kaliwa ko sa mainit na palad niya. Unti-unti kong naramdaman ang pagkabig ni Alec sa katawan ko gamit ang matipuno niyang bisig. Pinanlakihan ko ito ng mata at tinapunan ng nagtatanong na tingin.

"You said you don't dance. I said I will carry you all throughout. Just pretend your feet are on the floor." Malambing na sabi ng lalaki. Saka nito hinigit ang aking baywang.

"Oh jeez!" Bulalas ko nang maramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko.

Sa tangkad ni Alec ay hindi na dumikit ang laylayan ng suot kong ballgown sa sahig. Ramdam ko ang bawat kurba ng katawan nito pati ang pinakaiingatan niyang bahagi. Kumindat ito nang mapagtanto niyang ramdam ko ang bahaging iyon. Hindi na nito napigilang tumawa nang kurutin ko ang pisngi nito sa sobrang kapilyuhan.

"Nakita mo na nga 'yan eh ngayon ka pa magtataka?" natatawang sabi ng lalaki habang sumasabay sa musika.

"You're such a perv-"

"Sa'yo lang naman ako. Kaya huwag ka nang tumutol. Mahirap kang buhatin na hindi dumidikit sa katawan ko kaya pwede hayaan mo na?" Umikot uli ang lalaki at walang palya ang kumpas nito sa musika. Alec is such a great dancer. He just proved it.

Sa pag-ikot ni Alec habang sumasaliw sa tugtugin, bigla akong napaharap sa gawi nina Levi. Hindi ko naiwasang tumingin sa lalaki. Nagulat pa ako nang mahuli kong nakatingin ito sa gawi namin. Seryoso ang titig nito at parang bawat galaw namin ni Alec ay minamanmanan niya. Umiwas ako ng tingin pero hindi ko inaasahang tumama ang labi ko sa gilid ng labi ni Alec.

Bumagal ang takbo ng mundo. Tanging ang kabog ng dibdib ko ang naririnig. Matagal ang pagdidikit ng mga labi namin ni Alec. Naramdaman ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito. Marahil ay napangiti ang lalaki sa nangyari.

"I love the tension on your lips while we kiss," mahinang sabi nito nang bahagyang humiwalay ang labi ko sa labi niya. "I'd like to control them with mine.... You're illegal to me, like a drug. I am so addicted and I'd die without a dose of you. Oh Ali, I miss you so much." Masuyong sabi ng lalaki saka bahagyang yumuko upang maipatong nito ang baba sa aking balikat.

The next thing I knew, Alec was hugging me so tight. He gently kissed my left earlobe ang steadily I felt his arms around me.

"I miss you too," sinsero kong sabi habang nakatanaw sa nakatiim bagang na si Levi na pasimpleng nakasulyap sa kinaroroonan namin ni Alec. Sa itsura nito'y mukhang manununtok na siya at sinusubukang pigilan ang galit sa dibdib.

Magkahawak kamay kaming bumalik ni Alec sa lamesa kung nasaan ang mga pumapalakpak na sina Sheryl. Mukhang sa gabing ito ay kami ang paborito nilang palabas sa telebisyon na gustong-gusto nilang panoorin. Hindi kami tinantanan ng tatlo sa kakatanong kung kami na at handa na ba kaming ipaglaban ang pagmamahalan namin hanggang kamatayan. Tinawanan na lang namin ni Alec ang mga pakulo ng tatlo na parang hindi na kami titigilan hangga't hindi umaamin.

Nagpaumanhing tutungo sa rest room si Alec. Kasunod namang sumayaw sina Reid, Sheryl at Souk na magkakahawak kamay habang umiindak. Naaliw akong panoorin ang tatlo habang nagtatawanan sa gitna ng ballroom nang isang anino ang biglang humarang sa paningin ko. Nang tingalain ko kung sino ito ay bigla na lang nitong hinablot ang aking braso at hinila palabas ng gusali.

Hindi na ako tumutol para makaiwas sa eskandalo. Kahit papaano'y may natitira pa naman akong tiwala kay Levi. Ilang metro pa ang nilakad namin palayo sa function hall hanggang sa makarating kami sa isang malaking punong kahoy sa tabi ng kwadra.

Nang tumigil kami'y binitawan ako ng lalaki at hinayaang makahinga saglit. Nagsimulang mabuhay uli ang sakit sa dibdib ko nang mapagsolo kami ng lalaki.

"Who's that guy?" nang-uusig ang tono ng lalaki. Pigil ang galit ngunit naroon ang diin sa bawat salita. His tone seemed to demand an answer. "Who's that guy Alison!?"

So he still cares. He still fucking cares who are those people around me. Pagkatapos ng lahat ng pagpapanggap niyang parang balewala na lang ako ay magtatanong siya kung sino si Alec. Hindi ako sumagot. Wala akong kailangang ipaliwanag,

"Siya ba? S-siya na ba?" untag nito nang makahakbang siya patungo sa likuran ko.

"I trust Alec," tipid kong sabi habang pinipigil ang hikbi. Totoo ang sinabi ko. Pagkatapos ng mga pinagdaanan namin ni Alec, he's the only person I can trust right now maliban kay Sheryl.

"What about us?"

"You made me forget us Levi," huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko saka nagpatuloy, "you don't know what I've been through just to find you. Only to find out you're happy on your own, without me. Without us."

"You know that's not true Alison!"

"Did you make me realize? Did you make me feel?"

"I knew you were in Claremur. Hinayaan kong doon ka manatili because I thought it would be safer for you there. This place is the living hell among all kingdoms. Bartsville won't be safe for you so I decided to stay longer and gain their trust. I thought, kapag nakuha ko ang tiwala nila, mas mapapadali saakin na kunin ka dito without getting hurt or killed. Kailangan natin ng malakas na alliance para sa quarter clash and I had to do it for us." His voice broke. Lalong sumisikip ang dibdib ko habang naririnig ang mga sinasabi niya.

"Kaya ba dinakip mo kami?"

"I thought it is for our convenience Ali. But I was wrong. Ilang oras bago kami umatake sa Claremur, nalaman ng kaharian na nasa Claremur ang core. I tried to save you but I was surrounded by powerful alius. I had to change plans."

"And that plan was to make me believe I was worthless for you while you try to figure everything on your own?" asik ko. Nagsimula nang mamasa ang gilid ng aking mga mata.

"It was not like that Ali. I swear. I had to do it kahit na masakit na sa dibdib. Kailangan kong pigilan ang sarili ko kahit na gustong-gusto na kitang yakapin! I had to fake everything just to keep you safe," lumapit ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Diretso ang tingin nito. Naamoy ko pa ang ininom nitong alak. "Just trust me and we'll try to figure out everything."

Hindi ako nakaimik. Napayuko ako hanggang sa karamdaman kong ikinulong ako nito sa kanyang mga braso. Hinawi nito ang nahulog na mga buhok sa mukha ko hanggang sa mapatingala ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa lalaki. Gulong-gulo ako.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ako kaagad nakaiwas nang sinunggaban ako ng halik ni Levi. Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa sobrang gulat ko sa mapusok na halik ng lalaki. Nakahawak ito sa ulo ko kaya nahirapan ako nang magtangka akong umiwas. Sinubukan ko itong itulak pero sadyang malakas at mahigpit ang yakap niya saakin. Napapikit ako habang tumututol ang diwa ko sa ginagawa ni Levi.

"Alison?" nagitla ako sa narinig. Ilang metro mula sa kinatatayuan namin ni Levi ay isang pamilyar na bulto ng lalaki ang nakatayo habang pinagmamasdan ang mga nangyayari -si Alec.

###
Don't forget to vote * and leave your comments. :)

Continue Reading

You'll Also Like

851K 33.5K 32
Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab...
192K 3.6K 11
60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, lov...
6.2K 693 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
2.3M 124K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...